Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Maria Ella wrote: "K.D. wrote: "Sad, Ella. Mabuti safe ang mga files mo lalo na ang thesis mo. Personal yan at di sa company? Kasi kung sa company dapat i-report mo ..."Buti na nga lang lahat ng thesis files ko onl..."
parang aksidente lang, walang nakakaalam. :) pero maiiwasan.
natsambahan ka lang nila, Ella. huwag kang mag-alala, may araw din sila.
walang matigas na tinapay sa mainit na kape (ano daw? hehe)
smile lang, buti at laptop lang at walang pananakit! apir!
K.D. wrote: "buti at laptop lang at walang pananakit! apir! oo nga. buti di ka kinidnap!"
At mabuti na rin na di niyurakan ang pagkababae mo.
Ang mga materyal na bagay mabibili pa, pero ang buhay at katawan di na.
Ingatan mo ang katawan mo, Ella.
Tapusin na natin ang biktimang tulad ni Dalin.
K.D. wrote: "buti at laptop lang at walang pananakit! apir! oo nga. buti di ka kinidnap!"
kidnap talaga, Ser KD? hehe. super Rich kid naman ni Ella. hehe
Safe naman ako~~ nagulat lang kasi kaya ayun. Salamat salamat sa concern. At madaling palitan ang isang gamit. Konting tiis. Kayod. Anjan na yan. :)
Aoina wrote: "Hi I’m Aoina Brenette.I have always been passionate about words. I believe they hold potent power, and it is always up to us on how we are going to use them. I am a voracious reader and I enjoy w..."
Hi Aoi, welcome to PRPB! ^_^ Inaanyayahan ka namin na makibahagi at makipagtalastasan ngayong Abril at Mayo.
Ang ating paksa ay mga kuwentong pambata:
ANG HUKUMAN NI SINUKUAN ni Virgilio S. Almario
Abril 7 hanggang Abril 20
BRIGHTEST ni Johann de Venecia
Abril 21 hanggang Mayo 6
MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG ni Severino Reyes
Mayo 7 hanggang 25
Aoina wrote: "Josephine wrote: "Hi Aoi, welcome to PRPB! ^_^ Inaanyayahan ka namin na makibahagi at makipagtalastasan ngayong Abril at Mayo. "Thanks Miss Josephine. They're children literature books, right? (:"
Hi Aoi, yes! Please feel free to call me Jho. ^_^
Aoina, welcome to PRPB! I do hope that you will be an active member. Gusto ko yong mga binanggit mong manunulat at may isa akong di kilala: Angela Manalang Gloria. Kaya may madadagdag na naman sa susubukan kong manunulat. Yehey!
Sana masayahan ka rito sa aming pangkat! Let me know if you have questions or suggestions. :)
Sana masayahan ka rito sa aming pangkat! Let me know if you have questions or suggestions. :)
Maligayang pagdating sa PRPB, Aiona!Gaya ni KD, nais ko rin subukang basahin ang mga akda ng mga manunulat na iyong nabanggit. At mayroon nga pala kaming mga sabayang pagbasa sa mga akda ni F. Sionil José, ikalulugod namin kung mamarapatin mong magbigay ng ilang mga kuro-kuro ukol sa mga nabasa mong aklata niya.
Muli, welcome! :)
Bago po ako magpakilala nais ko po sanang pasalamatan si Sir K.D. dahil inimbita niya ako na sumali dito sa grupong ito na may layuning ipakilala ang sariling obra ng mga Pinoy Authors.Ako nga po pala si Macoy, 15 taong gulang. Ako po ay nakatira sa Lungsod ng Cabanatuan. Ako ay incoming 4th year High School sa Araullo University. Nuong nakaraang Disyembre ng nakaraang taong lamang ako nahilig sa pagbabasa kaya medyo nangangapa-ngapa palang po ako sa pamimili ng magagandang libro.
Sumali ako sa grupong ito dahil:
1. Gusto kong magkaroon ng mga kaibigang Pinoy na mahilig magbasa katulad ko.
2. Gusto ko po makahingi ng mga suhestiyon at tulong sa pagpili at pagkilatis sa mga natatangi at magagandang nobelang Filipino na angkop sa aking edad.
3. Gusto ko pong makilahok sa inyong buwanang sabayang pagbabasa at gusto ko rin makilahok sa inyong mga diskusyon.
4. And last but definitely not the least, gusto kong malapit ang aking puso sa mga librong gawa ng ating mga kababayan at mga librong sumasalamin sa ating mga Pilipino.
:) Sana po maging mabait po kayo sa akin dahil ako po ay isang mabait na bata :)
Hi Macoy!!! Taga-Cabanatuan din ako. (Welcome Kabayan!)Sa CIC ako nag-high school. Baka magpunta kami ng Cabanatuan soon kaya sumama ka ah.
May iba pang taga Nueva Ecija dito. Si Beejay ay lumaki sa San Jose City. :D
At oo naman, mababait kami. ^___^
Salamat po :) nakakatuwa naman po dahil napakaraming taga Cabanatuan dito. Kelan nyu po ba balak pumunta dito?
Di po ako papayagan pag out of province lalo napo sa Manila. Gusto ko po sana kaso medyo dependent pako sa ngayon :) pag po siguro nakapagtapos nako saka palang ako makakapunta ng manila ng madalas. Nakakapunta lang po kasi ako manila kapag tour namin eh, mga december pa po yun :)
Kung marami nga lang po ako pera gusto ko pumunta dyan eh dahil updated sa manila at maraming mall hehehe, pero masyado nga lang polluted :(
Marami din naman books sa Pacific eh. May BookSale din dyan. Ewan ko lang kung sa Mega ba ay may bookstore? Ano pa ba ang bago dyan? Ang tagal ko na di umuuwi. Haha. BTW, dun tayo sa thread na ito magkwentuhan: http://www.goodreads.com/topic/show/1...
Ate Biena, sa Mega po meron narin pong NBS :) kaso po mas updated and mas maraming stock sa PacificKuya jzhunagev salamat po sa pag welcome :)
Kuya Rise, Magandang gabi rin po, I will as long as I have something to say :)
Cguro po pero d ko napo matandaan. Nung elem po kasi twice lang ako nakakapunta dun, d pa po ako medyo gala, pero ngaung HS medyo madalas napo ako nakakapuntaTaga san nga po pla kau sa Cab? ako po sa Brgy. San Isidro
Baka nga, kasi first year HS ako nung nagrenovate yun. :) May bahay kami sa D.S. Garcia (dun ako nung HS) pero sa Del Pilar St. ako lumaki. Pero kapag umuuwi ako ngayon, dun na ako natutulog sa may bahay na malapit sa Pacific. Makikita mo yun sa hi-way, sa gilid ng 7-eleven? Yung tapat ng Zapp's. :D yung peach na bahay dun! :DEto oh:
(view spoiler)["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>["br"]>
Hi Macoy, ambata mo naman! Nawa'y magkaroon ka ng pagkakataon sa mga sabayang pagbasa namin. Try mo yung Ermita ni F.Sionil Jose, nagbabasa ang karamihan nun ngayon. :) High School ka, naalala ko yung mga project ko sa Filipino - mga maiikling kwento at mga nobela. Nakakawiling magbalik-tanaw! <3
Hello, Macoy. Salamat sa pagpapakilala. Yey! Ikaw na ang bunso namin hahaha!
Sige, pupuntahan ka namin dyan sa Cabanatuan. July ang pinagbobotohan ngayon eh.. Tapos sa August, meron nang pinaplano si Ate Biena mo (Ate raw o!). Tapos sa Nobyembre sa Mt. Maragondon kami (request ni Beverly). Tapos sa Disyembre, dito lang kami kasi Christmas Party at Anniv ng PRPB.
So yong Setyembre siguro ang naka-open para sa Cabanatuan, pero pagbobotohan pa yan. Makakalaban niyan ang Quezon at siguro ang Mindoro hahaha. Goodluck sa Cabanatuan hahaha. Huwag muna ang Bicol, baka 2014 na lang. Exciting ang Bicol!!! Tapos may Nueva Ecija ulit dahil mahina na raw si Cirilo Bautista at parang magandang makausap na sya.
Sige, pupuntahan ka namin dyan sa Cabanatuan. July ang pinagbobotohan ngayon eh.. Tapos sa August, meron nang pinaplano si Ate Biena mo (Ate raw o!). Tapos sa Nobyembre sa Mt. Maragondon kami (request ni Beverly). Tapos sa Disyembre, dito lang kami kasi Christmas Party at Anniv ng PRPB.
So yong Setyembre siguro ang naka-open para sa Cabanatuan, pero pagbobotohan pa yan. Makakalaban niyan ang Quezon at siguro ang Mindoro hahaha. Goodluck sa Cabanatuan hahaha. Huwag muna ang Bicol, baka 2014 na lang. Exciting ang Bicol!!! Tapos may Nueva Ecija ulit dahil mahina na raw si Cirilo Bautista at parang magandang makausap na sya.
Salamat po sa warm Welcome :)Sa Brgy. San Isidro po,
Not Arellano, it's Araullo University :) sa Cabanatuan din po ung University na un
Kuya K.D. maganda po sana kung September dahil birth month ko po nun, kaso baka naman po kasagsagan ng super daming projects lalo na ngaung incoming 4th yeaar na po ako. Ito po ang mga Inaasahan kong mga projects:
1. Suring Basa (book report in Filipino, karaniwan po puro short stories ng mga sikat na awtor lang po ang pinapagawa sa amin, sana matulungan nyu po ako dun)
2. Book Report in English (short stories and novels) nakakainis nga po ung mga pinabasa sa amin halos isa sa room wala makarelate masyado po kasi mature.
3. May music video contest for science fair (buong month po ata ng september kami nag shooting last year kaya d napo ako nakakapagcelebrate ng bday pero sinuprise po ako ng mga ka groupmates ko kaya nakakataba ng puso).
4. Thesis ang pinakamatindi sa lahat (experimentation time na, ano po ba pwedeng gawing thesis na pwedeng ma-awardan ng research of the year? pa help nga po)
Try ko pong umatend at kung may pwede po akong isama na katulad kong mahilig magbasa, isasama ko po. Ano po ba mga balak nyung gawin dito sa Cabanatuan bukod sa pagpunta sa Pangatian Shrine?
Aiona: Ang alam ko, iisa lang ang Araullo University at sa Cabanatuan yun. Phinma din kasi ang may ari nun ngayon. And as far as I know, walang ibang Araullo na kasama sa PEN. :) And it's Wesleyan University. I happen to know a lot of people who graduated from WU-P. :)Macoy: Nakapunta ka na ba sa Pangatian? Saan ba ang San Isidro? Yun yung malapit sa Ireneville di ba? :D
^ It attained its University status way back. It's a nice school, really. Pero, ayoko ng uniform nila (green) kaya never ako dun nag-aral.I really don't know about Araullo University. :) Ang alam ko aksi talaga ay yung sa Cabanatuan lang. :D
Hi po!! Ako po si Sam. Taga Lungsod ng Mandaluyong po ako. Incoming 2nd year Interior Design student po sa PUP. 16 taong gulang na po ako^^Makikisali sana sa group upang magkaroon ng mga kakilala tao na mayroon parehong interest sa akin at upang madagdagan po ang kaalamanan tungkol sa mga lokal na aklat natin.
mga nabasang libro: sa ngayon puro Bob Ong book, tagalog pocketbooks at mga maiiking kwento palang ^^
Hi Macoy and Sam, welcome to PRPB! ^_^ Inaanyayahan namin kayo na makibahagi at makipagtalastasan ngayong Abril at Mayo. Ang ating paksa ay mga kuwentong pambata:
ANG HUKUMAN NI SINUKUAN ni Virgilio S. Almario
Abril 7 hanggang Abril 20
MGA KUWENTO NI LOLA BASYANG ni Severino Reyes
Abril 21 hanggang Mayo 6
BRIGHTEST ni Johann de Venecia
Mayo 7 hanggang 25
Hello, Sam. Salamat sa pagsali mo dito sa PRPB! Ayos lang ang mga nabasa mo. Dyan rin naman tayo lahat nagsimula: sa konting nabasa.
Sana'y maging aktibo ka rito sa kuweba natin at nagbabasa rin kami rito ng mga sinulat ng mga taga-PUP. Alam ko graduate sina MJ, Ryan, atbp mula sa escuelahang yan. Tsaka nagtuturo (yata hanggang ngayon) dyan si Ka Roger Ordonez. Tapos, yong "Supot" writers, taga-riyan din. Di pa ako nakarating diyan at sana minsan anyayahan tayong mag-book discussion sa PUP hahaha. Mai-promote ang PRPB sa mga literary org dyan. Hello rin PNU???
Sana'y maging aktibo ka rito sa kuweba natin at nagbabasa rin kami rito ng mga sinulat ng mga taga-PUP. Alam ko graduate sina MJ, Ryan, atbp mula sa escuelahang yan. Tsaka nagtuturo (yata hanggang ngayon) dyan si Ka Roger Ordonez. Tapos, yong "Supot" writers, taga-riyan din. Di pa ako nakarating diyan at sana minsan anyayahan tayong mag-book discussion sa PUP hahaha. Mai-promote ang PRPB sa mga literary org dyan. Hello rin PNU???
Macoy, matutulungan kita sa #1 & #2, pero hindi ako ang gagawa lahat (yan din ang ginagawa ko sa daughter ko kahit hanggang ngayon). Ang dahilan ay kailangan mo ma-experience ang mga yan kaya nire-require ng escuela (guro) mo. Sa PM na lang natin pagusapan.
Sa experiment, magpatulong ka kay Ate Claire mo. Meron syang project na tungkol sa flower extract pumapatay sa dengue hahaha. Hindi tawa-tawa. At gagraduate na siya ngayon dahil pumasa ang thesis nya hahaha.
(Di ako sure kung dengue talaga ang pinapatay noon. Kinukuwento kasi ito ay kumakain ako ng buffet hahaha).
Sa experiment, magpatulong ka kay Ate Claire mo. Meron syang project na tungkol sa flower extract pumapatay sa dengue hahaha. Hindi tawa-tawa. At gagraduate na siya ngayon dahil pumasa ang thesis nya hahaha.
(Di ako sure kung dengue talaga ang pinapatay noon. Kinukuwento kasi ito ay kumakain ako ng buffet hahaha).
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...








Buti na nga lang lahat ng thesis files ko online. Pati survey ko online. Kaya inayos ko lahat ng online emails and transactions ko. :)
MJ wrote: "sa mga tipo ng PRPB peeps, marami talagang lapitin ng mga masasamang nilalang....
kaya ingat ingat po. :)"
NAGULAT AKO KASI PERSTAYM NA NANGYARI ITO! :( alam mo yung feeling na trained ako sa holdap-holdap pero sa salisi gang nanibago ako HUHUHUH
Biena wrote: "Waaaah ang saklaaap! Kapag nakuha mo yung CCTV footage, ibigay mo sakin, ipa-CCTV Patrol natin. Haha"
YES PLEASE, BIENA! Thank you in advance! :D