Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 1,101-1,150 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 1101: by Phoebe (last edited Mar 11, 2013 08:24PM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Makadouble meaning itong si Chibivy wagas HAHA
Ipatuloy niyo to sa kabilang thread, wag na rito


message 1102: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Berto, sobra na ang paghanga ko sa'yo. Umaapaw na ng bongga. :D


message 1103: by Phoebe (last edited Mar 13, 2013 01:37AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ako rin humahanga kay Berto :)


message 1104: by Ivy Bernadette (last edited Mar 13, 2013 01:53AM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Replied to your PM. Mejo nakakaloka pa rin pala yung reply ko dun sa kabilang thread. Yan, seryoso na ko sa Pribadong Mensahe, haha!

Be More Chill and Stay Cool!~ ;D


message 1105: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Sarap sa pakiramdam diba Bhe-rto :D Apir!!


message 1106: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments ako makikihanga na rin.

[gaya-gaya na lang]


message 1107: by K.D., Founder (last edited Mar 13, 2013 03:15AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pag daw nakatampuhan at nagkabati, mas magiging matibay ang pagsasamahan. Kasi nasukat na at nabuo muli.

Hanga ako sa inyong dalawa. Mapapalad ang mga nagpapakumbaba. *bow* :)

Pamarisan nawa kayo ng marami - ng sankatauhan o sansinukob hahaha. Bilang pagunita sa darating na Semana Santa. hahaha!!!


message 1108: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Haha, kailangan daw po kasing magsisi at magtika sa mga panahong ito Kuya KD. :))

Nga pala, di ba po taga Quezon province po kayo? Uuwe po ba kayo dun sa Mahal na Araw? San po kayo banda doon?


message 1109: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ako umuuwi ng Semana Santa. Dito lang kami sa Maynila. Malapit na yong sa finals sa trimester na paaralan ng anak ko eh.


message 1110: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Ahhh. Maganda po kasi ang Semana Santa daw don eh no? Yung kaibigan ko po taga-Dolores ang mga lola, malapit lang daw sa kanila yung Mt. Banahaw (?). Tas pumapasok-pasok pa daw sila sa kweba-kweba para mag-"siyam". Tas andame nga daw pong taong umaakyat sa bundok kasi miraculous place daw.

Ang astig lang magka-probinsya! Haha! Dito sa amin technically probinsya e, pero isang tambling lang Muntinlupa na, kaya di rin naman feel na ako'y isang "probinsyanang dalaginding". XD


message 1111: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments O ayan, wala ng away away dito ha. Kundi ako makakaaway nyo!


message 1112: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments Pangalan: Azaila

Mga Paboritong Manunulat na Lokal:Bob Ong, Martha cecilia, Jose Rizal, Bianca Bernardino, Deny(Haveyouseenthisgirl), Ramon Bautista, HumiGad etc.

Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere, el fili, Bakit balikgtad magbasa ng libro ang mga pilipino, ABNKKBSNPLKO, DNP, SDTG, mga akda ni Martha C., ang poboritong libro ni hudas.

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Walang sugat! Tska yung mga horror story na nabibili sa tiyange na tigsasampungpiso :D hahaha

Bakit sumama sa group: Upang madagdagan ang mga kilala kong manunulat na pilipino at upang makapagbasa ng mga luma at bagong akda nila. :)


message 1113: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa aming munting kweba, Azaila! :)


message 1114: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments jzhunagev wrote: "Maligayang pagdating sa aming munting kweba, Azaila! :)"

Salamat!:D


message 1115: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Welcome ka dito, Azaila. Sana'y maging aktibo ka mga aktibidades namin dito. Una, magbasa ka ng "Po-On" ni F. Sionil Jose. Tapos, yong mga children's books na nakalinya para sa Abril at Mayo. Tapos, sumama ka na rin sa outreach namin sa Museo Pambata sa ika-25 ng Mayo, 2013. :)


message 1116: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hello~ :) Isama natin siya sa field trip sa museong pambata!


message 1117: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Azaila!! ;) cute ng pangalan mo.


message 1118: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments K.D at Maria Ella,
Hoho. Thank you po at Hello na rin po :) Sige po babasahin ko po yung "Po-on" ni F. Sionil Jose tska yung mga childrens book :D Susubukan ko ring makasama sa Outreach niyo :D hoho :D Papaalam muna ako sa mga magulang ko xD

Phoebe,
Hellooooo~ *kaway-kaway* Thank you :D maganda rin po pangalan niyo :D Phoebe :D


message 1119: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Azaila. Kung kailangan mong samahan kita sa pagpapaalam mo sa mga magulang mo, sabihin mo lang ha? :)


message 1120: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments K.D. wrote: "Salamat, Azaila. Kung kailangan mong samahan kita sa pagpapaalam mo sa mga magulang mo, sabihin mo lang ha? :)"

Opo, sasabihin ko po pag kailangan :D Salamat po :D


message 1121: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments ^ang arte ni Berto. :P


message 1122: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po II

Hahaha


message 1123: by Azaila (last edited Mar 29, 2013 02:57AM) (new)

Azaila | 32 comments Berto, salamat po :D Hoho. Hindi ko po yan tunay na pangalan :)

maria Ella.. Hello po :D


message 1124: by Joanna Marie (last edited Mar 29, 2013 02:18AM) (new)

Joanna Marie (joannacapats) Pangalan: Joanna

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Jose Rizal, F. Sionil Jose, Bob Ong

Paboritong Librong Lokal: Noli Me Tangere

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Aba Nakakabasa Na Pala Ako, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (Paumanhin, di ko sigurado kung tama ito haha walang ganong nagmarkang maikling kwentong Pilipino sa akin mula sa akademiks)

Bakit sumama sa group: Ako po ay na engganyo ni sir KD at ako ay napahanga na may tagalog na grupo tulad nito sa GR! :)


message 1125: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagsali, Joanna. Tagalog ang pinakagamit natin dito dahil mahal natin ang ating Inang Wika!

Mabuhay ka! Yehey, may kasama na ako ritong taga-lalawigan ng Quezon. *masayang nakangiti*


message 1126: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Yehey maraming salamat KD! Mabuhay ang Quezonians haha!


message 1127: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabuhay tayo! Mabuhay si Manuel Luis Quezon! :)

Teka, puwede bang sabihin na mabuhay kahit matagal nang patay? hahaha


message 1128: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hi Joanna! Welcome sa aming kweba. :)


message 1129: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hi po~ :D


message 1130: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments Hello joanna :D


message 1131: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Haha salamat mga pareh! :)

@Berto naks oo nga eh generic ang pangalan ko haha


message 1132: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) K.D. wrote: "Mabuhay tayo! Mabuhay si Manuel Luis Quezon! :)

Teka, puwede bang sabihin na mabuhay kahit matagal nang patay? hahaha"


Hahaha sir KD pwede naman!


message 1133: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Hehehe! Musta Holy Friday mo Berto?


message 1134: by Rise (new)

Rise Hi, ako po si Rise. Binabati ko po si Joanna, Azaila, at ang mga bagong nagpakilala dito sa keyb.


message 1135: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Maligayang bati mga bagong kakweba! :)


message 1136: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Azaila, :)

Joanna, welcome sa grupo :)


message 1137: by Azaila (new)

Azaila | 32 comments Phoebe wrote: "Azaila, :)

Joanna, welcome sa grupo :)"


:D


message 1138: by Joanna Marie (last edited Mar 30, 2013 11:17PM) (new)

Joanna Marie (joannacapats) Salamat ulet mga kababayan! Hello Jzhun, Maria Ella, Azaila, Biena, Phoebe! :)


message 1139: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome Azaila at Joanna :)


message 1140: by Joanna Marie (new)

Joanna Marie (joannacapats) Hello Jhive salamat sa pakikipagkaibigan hehe


message 1141: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welkam sa inyo (Ate?) Azaila at (Ate?) Joanna! Uy ang galing, magkatunog ang pangalan nyo! Azaila. Joanna. Hahahaha! Ang cute oh! :)) /ambabaw ko

Sana'y maligayahan kayo sa paglalamyerda sa kweba! :'D


message 1142: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments eow po sa mga bago po. :) apir po!


message 1143: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Hindi masaya ang aking sunday night. HUHU, may sumalisi ng laptop ko huhu. Am okay though. Nabago ko na rin lahat ng passwords at online transactions ko, tapos yung thesis proposal soft copy ko safe naman, buti na lang.


message 1144: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments paanong nangyari, Ella?

hahanapin ko ang salarin.


message 1145: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^^ HA? Paanong sumalisi? You mean, nanakaw???


message 1146: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments OO nanakaw. Ganito siya.
Nag-aral maghapon sa coffee bean (high street). Pagod, naghanap ng matinong sandwich. Pumunta quiznos around 6:58-7:00PM. Binaba ko lang ang gamit sa pinakamalapit na table sa tapat ng counter para makaorder ako. May awkward na binatang umorder ng tatlong bote ng tubig at isang bote ng iced tea. After that nang kinapa ko ang table, parang ang linis na - pagharap ko sa table ko wala na yung laptop bag ko. HUHU.

Naireport ko na sa pulis at nagrequest na ako ng cctv footage. Para maisubmit agad sa pulis ng taguig. Yung nagblotter insta-friend ko kasi in the neighboorhood lang siya nakatira.

At dahil alam ko kung saan ang bagsakan ng mga GSM na gadget, three days later hahantingin ko na siya. Wala ngang declaration ng holdap-holdap at hindi naman ako natutukan, pero ambilis kasi ng pangyayari kaya parang nawalan ako ng gamit nang hindi man lang nagpaalam huhu
-___________-


message 1147: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Waaaah ang saklaaap! Kapag nakuha mo yung CCTV footage, ibigay mo sakin, ipa-CCTV Patrol natin. Haha


message 1148: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Naku Ella, ingat ka :(


message 1149: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments sa mga tipo ng PRPB peeps, marami talagang lapitin ng mga masasamang nilalang....

kaya ingat ingat po. :)


message 1150: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dapat yata yong mga cable lock ang laptop kapag nasa labas ka.

Sad, Ella. Mabuti safe ang mga files mo lalo na ang thesis mo. Personal yan at di sa company? Kasi kung sa company dapat i-report mo kasi paano ang mga confidential company info.


back to top