Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
^^ Kung anu-ano lang. Puro love story ang gusto kong anime eh. Parang ngayon baliw na baliw pa din ako sa Maid Sama, ilang taong obsession na ito!
K.D. wrote: "Wow. Sa Japan pinanganak. Saan sa Japan, Michiko at ilang taon ka noong bumalik ka rito? O nagbabakasyon ka lang? :) Nakarating na rin ako sa Japan: Nagoya at Tokyo. Ganda roon."haha sorry po late reply :) 4 years old po ako nung bumalik na kaming Pinas hehe :) Wala akong masyadong matandaan pero sa Chiba daw ako pinanganak eh. Sa Matsudo :P Gusto ko pa nga pong makabalik doon :))) maybe pag mag-apply for scholarship or something. walang pera para magbaka-bakasyon lang! hehe. wow ano pong ginawa niyo doon? Maganda daw po talaga ang Tokyo :)
Hannah Jhon wrote: "babasahin ko nayan kasi kilig..genre are comedy and romance."Yes. Nakakakilig talaga kaso ang bitin!!!!
Hannah Jhon, maligayang paganib sa ating kuweba! Bukod sa anime, mayroon ka pa bang ibang hilig?
Michiko, sana nga makabalik ka sa Japan... Noon yon sa previous company ko. Implementation ng process improvement at ERP system. Di na ulit ako nakarating. Nag-expire nang matagal ang 5-yr tourist visa ko. Ganda ron. Kaso mahal. Walang shopping hahaha!

Welcome sa grupo Hannah Jhon. Mahilig din ako sa anime at manga mula pagkabata, kaso di ko na masyadong napagtutuunan ng pansin ngayon kasi busy ako masyado. Ano bang mga paborito mong anime/manga? :D
ako rin mahilig sa anime. hahaha fanboy ako ng Natsume Yuujinchou, mga likha ni Hayao Miyazaki at Makoto Shinkai. Sa romance paborito ko ang: Bokura ga Ita, Honey and Clover, Into the Forest of the Fireflies Light, Paradise Kiss, Nodame Cantabile, etc.
Sa full-blown comedy ano Baka No Test, Gakuen No Alice, etc
Mas prefer ko nippon style anime lalo na yong animes nung 90s: daddy long legs, Remi, nobody's girl, Blue Blink, BtX, Zenki, etc
Magandang hapon po sa inyong lahat! Ako po si Berna. Inimbitahan po ako ni Berto sa grupong ito. Mukhang mabait naman po si Berto kaya't pinaunlakan ko siya. AT mukha rin naman pong masaya sa grupong 'to kaya tiyak na mapapadalas po ang pananatili ko sa grupong 'to.Paborito ko pong manunulat sina Ricky Lee, Lualhati Bautista, F. Sionil Jose, Jessica Hagedorn, Bob Ong, Nick Joaquin, Eros Atalia at U Eliserio
Paborito ko pong librong lokal ay ang mga sumusunod:
Ermita ni F. Sionil Jose
Dekada '70 ni Lualhati Bautista
Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee
Dogeaters ni Jessica Hagedorn
It's not that Complicated ni Eros Atalia
Stainless Longganisa ni Bob Ong
Paboritong maikling kuwento:
Summer Solstice ni Nick Joaquin
Sa Mga Suso ng Liwanag ni U Eliserio (nandito po ang mga maikling kuwento ng dati kong propesor: http://ueliserio.com/, maaari ninyong bisitahin kung gusto ninyong magambala ang natutulog ninyong kamalayan)
Kaya po ako sumali ay para lumawak pa ang aking kaalaman tungkol sa lokal na mga libro at manunulat. At para makipag-kaibigan na rin.
Salamat sa mainit na pagtanggap! :)
Magandang hapon din sa iyo, Berna. Maligayang paganib sa ating pangkat! Mahuhusay yang mga tinuran mong mga manunulat at mga akdang tunay na mga klasiko. Mabuhay ka!
Maging aktibo ka lang siguradong lalawak ang iyong kaalaman sa mga lokal na aklat at darami ang inyong makikilalang mga kaibigan dito.
Kada isang buwan o dalawang buwan, may aklat tayong babasahin. May online discussion na may moderator na napisil ng mga group moderators. Tapos may isang araw na panayam sa sumulat ng akda kasama na ang field trip sa mga lugar na malapit sa lugar ng event (bahay ng manunulat) o may kaugnayan sa akda.
Halimbawa:
Dis 1, 2012 - "It's A Mens's World" ni Bebang Siy. Nagkaroon kami ng "First Date Walking Tour w/ Bebang" at sinundan ng panayam sa kanya sa Aristocrat Roxas Blvd. Tapos buwis buhay group shoot then sunset viewing.
Peb 17, 2013 - "Mga Agos sa Disyerto" nina Efren Abueg, Rogelio Ordonez, Edgardo Reyes, Dominador Mirasol at Rogelio Sikat. Nagkaroon kami ng "Field Trip to Imus Cavite" noong hapon matapos ang tanghalian at panayam sa nalalabing buhay na manunulat ng aklat na sina Dr. Abueg at Ka Roger.
Ito yong mga parating na plano:
Mar 23, 2013 - "Rosales Pangasinan Field Trip" - open pa yong invite. Sali na!!!
Abr 13, 2013 - Panayam kay F. Sionil Jose partikular sa kanyang akdang "Po-On". Sana magbasa ka na at nang makasali ka sa panayam at pasyal na ito. Di pa namin alam kung saan mamamasyal. Baka sa Manila Zoo (hahanapin ang ahas ng pumatay kay Ba-ac hahaha). Moderator si Jzhun.
May 25, 2013 - Storytelling session sa Museo Pambata. Pakain, palaro sa mga bata. Ongoing ang poll para sa pagpili ng Top 3 books. Moderator si Jho. Boto na!!!
Abr x, 2013 - Tema: Katatawanan/Komedya/Comedy. Moderator si Jhive.
Kasalukuyan din kaming nagbabasa ng mga akda ni F. Sionil Jose. Ang 2013 ay taon ni F. Sionil dito sa PIREPIBO. Moderator si Rise.
Pag may tanong ka. Sulat mo lang dito. Salamat ulit sa pagsali! Welcome na welcome ka rito!

Berna wrote: "Hello! Saan po madalas ginaganap ang mga outings ninyo? At ano po ang mga nagaganap?"Haha. Hindi ako nakakasama sa mga outing na totoo eh. By totoo, I mean yung mga talaga discussion. Sa mga gimik lang ako extra palagi hehe.
Welcome sa grupo Berna! ;) (yung totoo, pagkabasa ko Biena at napaisip ako kung bakit sya nagpapakilala na naman HAHA kulang sa tulog)
Phoebe wrote: "Welcome sa grupo Berna! ;) (yung totoo, pagkabasa ko Biena at napaisip ako kung bakit sya nagpapakilala na naman HAHA kulang sa tulog)"
HAHAHAHA. *apir* nung binisita ko ulit yung message ko para kay Berna akala ko Biena din yung naitype ko. HAHAHA. Sabaw moment lang
Biena, mga kulang sa tulog ata tayo. nakakabangag ngayong campaign period =.=Nibra, sobra naman dyslexia agad agad?! haha
K.D. wrote: "Hannah Jhon, maligayang paganib sa ating kuweba! Bukod sa anime, mayroon ka pa bang ibang hilig?Michiko, sana nga makabalik ka sa Japan... Noon yon sa previous company ko. Implementation ng proce..."
waaa oo nga po! wow :) pero malaki naman po sweldo dun! at saka sabi ng parents ko, sa mga 100 yen shops daw sila lagi haha dami na daw maganda :)
Phoebe, iko-comment ko sana yan kahapon. Akala ko si Biena rin yong nagpapakilala. Nagaala-Jzhun dati hahaha! Tapos bigla si Bernang winelcome ni Biena. Tapos napansin ko yong picture. Magkaiba! :)
K.D. wrote: "Phoebe, iko-comment ko sana yan kahapon. Akala ko si Biena rin yong nagpapakilala. Nagaala-Jzhun dati hahaha! Tapos bigla si Bernang winelcome ni Biena. Tapos napansin ko yong picture. Magkaiba! :)"'Yon ganyan namang moment imbierna! Hahaha! :D Play-on-words.
Berna wrote: "Hahahaha! Nakakatuwa naman kayo, kahit pangalan ko nagagawan ninyo ng interesanteng diskusyon! :)"Hehe. Eh ano ba kasi yung Berna mo? Short for...? O ganyan talaga name mo?
Berna wrote: "Pinaghalo ang pangalan ng nanay at tatay ko! Ang creative nila eh! Haha"Naks! Ayos, Bernalyn ka pala. Creative nga nila ah. Hulaan ko, Bernard at Lyn? (Analyn? Hehe)
Ako naman Bernadette, pero second name ko kasi yon kaya wala masyadong tumatawag sa'kin nyan. Kilala ako dun sa first name ko. Pero pag trip kong maging "tahimik" ang pakilala sa mga tao, Bernadette sinasabi kong pangalan ko. Haha! :))
Apir Berna! :'D
Nibra wrote: "Ganyan talaga mga 'yan. Kung anu-ano na lang may mapag-usapan lang *gulong mata* XD"Kasama ka sa 'mga yan' haha. Gulong mata natawa ko, parang bumagsak sa lapag ang mga mata mo haha
Hinde pa ako as in kasaping-kasapi, kasi ni anino ko wala pang nakakakita. *tumatawang parang baliw sa sahig*
Hello, berna at michiko! may kaibigan ako michiko ang pangalan ang tawag ko sa kanya, chikoy heheheberna! huhula rin sana ako ng buo mong pangalan (bernamencio? Bernakuloh? bernard? )
ay ayan sumagot ka na agad!
sana ay mag-enjoy kayo sa group na ito. at sa lungga namin hahahaha
Beverly wrote: "Hello, berna at michiko! may kaibigan ako michiko ang pangalan ang tawag ko sa kanya, chikoy heheheberna! huhula rin sana ako ng buo mong pangalan (bernamencio? Bernakuloh? bernard? )
ay ayan su..."
haha okay lang din na itawag mo sakin yan haha! but you'd be the first XD Chiko ang pinaka weird na nickname na tinatawag na sakin eh :)
Hello Michiko! Nawelcome na ba kita? Di pa yata eh. WELCOME MICHIKO! Maligayang pagsapi sa ating pangkat! Yehey! *hagis confetti, sabog sa sahig*
Chibivy wrote: "Hello Michiko! Nawelcome na ba kita? Di pa yata eh. WELCOME MICHIKO! Maligayang pagsapi sa ating pangkat! Yehey! *hagis confetti, sabog sa sahig*"
haha hello Chibivy salamaaaat! i like your name haha. totoong pangalan mo ba yan? :D *walis walis din ng confetti for future reuse :)*
Michiko wrote: "haha hello Chibivy salamaaaat! i like your name haha. totoong pangalan mo ba yan? :D *walis walis din ng confetti for future reuse :)* "Hehe, salamat! Nickname ko yan. Pero yung tunay kong pangalan ay hawig din jan. :3
AT TANDAAN! Chi-BAHY-vee ang pronunciation nyan. Marami kasing nagkakamali eh, sabi nila Chi-bi-vi. Di naman ako mukang bibe, ah? XD
At salamat sa pagwalis ng confetti, gagamitin ko pa yan sa pagwelcome ng future new members. *ligpit confetti, lagay sa plastik* :))
Magandang araw po.Pangalan : Gerald Gruezo
Paboritong manunulat : Bob Ong, Manix Abrera, Ricky Lee at Dr. Jose Rizal
Paboritong Librong Lokal : Bob Ong Books, Kikomachine Komix, Para kay B, Si Amapola at 69 at marami pang iba
Bakit Sumali sa Group : dahil alam ko na magiging masaya ako dito at makakadiskubre pa ng mas maraming libro at author na Pilipino.
Salamat sa Invite K.D :))
Gherald, salamat sa paganib sa 'ting kuweba hahaha! Tuloy ka!!! :))))))))))))
Paborito ko rin ang mga paborito mo. Tumpak ang mga dahilan mo bakit gusto mong sumali. Salamat sa pagpapakilala. Kung may mga katanungan ka at nahihiya ka, PM mo lang sa akin ha?
Endyoy! :)
Paborito ko rin ang mga paborito mo. Tumpak ang mga dahilan mo bakit gusto mong sumali. Salamat sa pagpapakilala. Kung may mga katanungan ka at nahihiya ka, PM mo lang sa akin ha?
Endyoy! :)
Chibivy wrote: "Michiko wrote: "haha hello Chibivy salamaaaat! i like your name haha. totoong pangalan mo ba yan? :D *walis walis din ng confetti for future reuse :)* "Hehe, salamat! Nickname ko yan. Pero yung t..."
do you like anime? ang meaning kasi ng Chibi pag japanese eh cute or small. Basta chibi=cute ganon haha :3 hihi glad to do some chores here XD
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...

salamat Phoebe.....sorry nag-uusap pala kayo ng libro,,, peace!! okie ra ko!!!