Pinoy Reads Pinoy Books discussion
Pangkalahatan
>
Magpakilala Ka
Salamat sa pakikiisa sa adhikaing maparami ang mga mambabasang Pilipino, Ultimotomasino.
Mabuhay ka!
Mabuhay ka!
Op!..Op!.. Ako si OPPA GANGNAM (alyas OPPA)Paboritong Manunulat: Jose Rizal, F.Sionil, Ellen Sicat
Ako ay umanib dito dahil sa ipinagmamalaki ko ang Panitiking Filipino, mga literatura, sining, at iba pa.
Hindi dahil sa makabagong henerasyon ay kakalimutan na natin ang ating pagka-MAKABAYAN!.
Oo! may mga pagbabago sa panahon natin-literatura, siyensiya,alpabeto,industriya, at iba pa... subalit hindi dapat ipagpalit o kalimutan ang mga Bayani na nagbuwis sa ating pagka-MAKABAYAN!
Tangkilikin ang sariling atin higit sa mga banyaga!.
Oppa, ganda ng pangalan mo.
Gusto ko rin ang Unang Ulan ng Mayo ni Gng. Ellen L. Sicat. Di ko pa lang siya nilalagyan ng sariling thread dahil balak kong isama siya sa "Pinoy Completist" folder pagkatapos kong basahin ang Paghuhunos: nobela.
Salamat sa isang marubdob na introduksyon sa iyong sarili lalo't higit sa iyong damdaming makabayan. Labis na nakaaantig ng damdaming makakita, para sa akin, ng mga kabataang nagpapahalaga sa ating sariling kultura, kasama na ang panitikan. Mabuhay ka!

Magandang tanghali po. Ako po si Alyssa pero mas kilalang Agua. Ang saya basahin ng mga paborito niyong mga manunulat at libro. Nagkakaroon ako ng ideya ano susunod kong babasahin. Mga paboritong manunulat:
Jose P. Rizal
Ricky Lee
Bob Ong
F. Sionil Jose
Rene O. Villanueva
Marla Miniano
Mina V. Esguerra
Lourd Ernest H. de Veyra
Claire Betita de Guzman
Manix Abrera
Bo Sanchez
Mga Paboritong Libro:
El Filibusterismo
Fruitcake
Table for Two
Macarthur
No Boyfriend Since Birth
Para Kay B
8 Secrets of the Truly Rich
Pilandok
Ako po ay sumali dahil alam ko madami pang panitikang Filipino ang hindi ko pa nababasa. Gusto kong mas lumawak pa yung mga kilala at ipagmamalaki kong mga librong Pinoy. May hinahanap din akong libro. Dalawang taon ko na yun hinahanap sinuggest sakin ng kaklase ko yung The Great Philippine Jungle Energy Café, sana may magpahiram na sa akin. O kaya magbenta. :D Salamat po! Mabuhay!
Alyssa, salamat sa pagsali sa ating grupo. Kay rami mong paborito. Salamat sa paglilista. Natutuwa akong malaman na may mga manunulat na di ko pa nasusubukan. Hinanap ko tuloy yong ibang di ako pamilyar:
Seniors' Ball - meron ang anak ko nito!
Fan Girl - nakikita ko ito sa bookstores. Kaso, parang ayaw kong magbasa na "katapat" ni Mina V. Esguerra. Solid ako eh!
Super Panalo Sounds! - meron ako nito. May nagpahiram sa akin. Mabasa nga.
Girl Meets World - siguro matatagalan bago ako magkaroon ng motivation na magsulat ng iba bukod kay Mina.
Wala pa yong "The Great Philippine Jungle Energy Café" dito sa GR. Nag-try ka bang tumawag sa publisher?

Pangalan: Phoebe Paboritong manunulat na lokal: Amador Daguio, Edgardo M. Reyes, Manix Abrera, Lourd de Veyra
Paboritong librong lokal: The Wedding Dance (maikling kwento)
Bakit sumama sa group: Dahil ako ay isang inosente sa mga gawang Pilipino. Ang mga nababasa ko lamang ay ang mga kailangang basahin dahil sa leksyon sa eskwelahan. Kapag hindi required, ang mga nababasa ko lang ay maiikling kwento at maninipis na libro. Sumali ako para sumuporta ng sariling atin at para makadiskubre ng mga librong magsisisi ako at hindi ko pa nababasa.
Phoebe, salamat sa pagsali at sa pagbabahagi ng iyong mga paborito.
Dahil sa yo, hinanap ko ang manunulat na ito: si Amador T. Daguio.
Ito lang yata ang kaisa-isang aklat dito sa GR. Phoebe, ito ba ang nabasa mo't naging paborito?
Dahil sa yo, hinanap ko ang manunulat na ito: si Amador T. Daguio.
Ito lang yata ang kaisa-isang aklat dito sa GR. Phoebe, ito ba ang nabasa mo't naging paborito?
Magandang araw sa inyong lahat.Ako si Michael. Nais kong magpasalamat kay Ginoong KD para sa kanyang imbitasyon na sumali dito sa grupo na ito.
Ako ay hindi ganun nakapagbasa ng librong Pilipino, pero eto ang aking mga paboritong manunulat ng Pilipino:
1. Dr. Jose Rizal
2. Manuel Arguilla
3. Augusto H. Piedad
4. Ambeth Ocampo
5. F. Sionil Jose
Salamat sa pagpapaunlak, Michael.
Hinanap ko agad ang #2.
How My Brother Leon Brought Home a Wife, and Other Stories
Bigla kong naala-ala noong 1st year high school ako. Pinabasa sa amin ito. Short story in English.
Di ako makakita ng libro ni Augusto H. Piedad dito.
Sana magkaroon ka ng panahon ulit na magbasa ng mga akdang Pilipino.

K.D. wrote: "Salamat sa pagpapaunlak, Michael.Hinanap ko agad ang #2.
How My Brother Leon Brought Home a Wife, and Other Stories
Bigla kong naala-ala noong 1st year high school ako. Pinabasa sa amin ito. Short..."
Salamat. Si Manuel Arguilla ay kababayan ng aking Lolo sa Luna, La Union. Ang Nagrebcan na nabanggit sa "How My Brother Leon Brought Home a Wife" ay sa aming bayan na Luna.
Si Augusto Piedad ay ang may akda ng hawig sa "Hardy Boys" na seryeng "Under the Shadow of War" and "When Invaders Come".
Ilocano pala si Manuel Arguilla at ikaw.
Dapat mabasa at maidagdag itong si Augusto Piedad dito sa GR. Wala pa talaga siya at ang kanyang mga akdang binanggit mo.
Dapat mabasa at maidagdag itong si Augusto Piedad dito sa GR. Wala pa talaga siya at ang kanyang mga akdang binanggit mo.
K.D.: Nabasa ko lang sa library
mali pala yung sagot ko. Pero yung kwento niya yung naging paborito ko.Si NVM Gonzales rin pala gusto ko, nababasa ko siya sa textbooks madalas haha
Onga kay Arguilla yan, ang dating akala ko kay Jose Garcia Villa ang akdang yan. Hahaha. Nga pala may bersyon si Charlson Ong nyan, "How my cousin Manuel brought home a wife". Pero title lang halos ang pinagkaiba. Haha.
Ayban, di ko pa rin nasubukang magbasa ng Charlson Ong. May nagpahiram pa naman sa aking noong 2nd novel nya.
Phoebe, salamat. Sus, pati si N.V.M. Gonzales di ko pa rin na-try. Hay, ang dami ko pang babasahin.
Phoebe, salamat. Sus, pati si N.V.M. Gonzales di ko pa rin na-try. Hay, ang dami ko pang babasahin.
Pangalan: MajuchanPaboritong manunulat na lokal: Sad to say, konti palang ang nababasa kong book na Filipino author, Bob Ong at of course Jose Rizal
Paboritong librong lokal: So far, Stainless longganisa siguro.
Bakit sumama sa group: Kasi, naghahanap po ako ng book na pinoy ang author at pinoy ang culture na ginamit sa pagsulat ng book, pero fiction ang genre, madami ako nakikitang book na realistic ang dating, yung mga tipong sumasalamin sa kalagayan ng Bansa. Nakakadepress para sakin magbasa ng mga ganung uri, kasi madami na ako nakikita sa balita, nakakasawa na.
Majuchan, salamat sa pagsali sa grupo. Mabuhay ka!
Mahirap ang hinahanap mo. Kultura, pinoy author, nakakatawa.
Bob Ong pa rin ang naiisip ko: "Bakit Baliktad" "Paboritong Aklat ni Hudas" at "Lumayo ka nga sa Akin."
Karamihan kasi pag kulturang Pilipino na, malungkot eh.
Sa movie sana, perfect ang "Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon." Nakakatawa at buong kasaysayan ng Pilipinas sa satirikong pamamaraan ay ipinakita roon.

Kaso, wala pong book na based dun movie o movie na pinagbasihan ng pelikula... Hindi naman totally nakakatawa. Basta yung nakakalibang basahin, parang Story ng Amaya, Urduja, or tulad nung movie na nakita ko na, may mananaggal na girl na animated. (puro movie o teleserye pala karamihan sa mga ganun genre).
"Amapola" ni Ricky Lee. Medyo natawa ako. May ilang glimpses din about our culture. Di lang sakto. Well, depende rin sa definition mo ng culture.
Yong binabasa ko ngayon "The Gold in Makiling" di sya nakakatawa pero nakakalibang basahin. Kasi may magical realism. Naala-ala ko bigla kasi sinabi mo parang Urduja. E may karacter ditong "Urduja" na kaibigan ni "Mariang Makiling." Naguusap silang dalawa. Mantakin mo yon.

Yes, I saw you are reading The Gold in Makiling. Yan yung isa ko trip basahin, sakto sa trip kong genre. Hanap ako ng copy sa National, sana meron dito. Urduja at Makiling in one story, wow! Mukang super interesting na tlaga yan. haha. Salamat kuya.
Natapos ko na yong Ang Ginto Sa Makiling, At Ibang Mga Kuwento, Majuchan. Maganda. Sana maibigan mo rin.
Maraming salamat K.D. sa pag imbita sa akin sa grupong ito. Narani pa din ako na libro pang Pinoy na dapat basahin.Ang huling mga librong nabasa ko na Pinoy: Looking Back 1-3 ni Ambeth Ocampo, Ilang mga libro ni Bob Ong, Pugad Baboy Komik book gang number 21 o 22 ni Pol Medina, at may ilan pa na di ko na maalala pa.
May mga tula na din ako nabasa at maiikling kwento na nabasa ako na gawa ng ating magagaling na manunulat na Pinoy. May ilan din na mga Pinoy Romance pocketbooks na ako na nabasa.
Sa totoo lang, interesado ako na mabasa ung mga sinalin sa ating wika na libro na inilimbag ng Precious Pages na gawa ng taga ibang bansa na manunulat.
May mga ilan na libro na gawa ng Pinoy na manunulat na nakabitin ako na babasahin na nasa aking "bookshelf": Mac Arthur ni Bob Ong, di ko pa natapos na libro ni Ricky Lee (ung una niya na nobela kung di ako nagkakamali na sa ngayon di ko maalala ang titulo), Ilustrado at meron pa dito na isa pa ding Bob Ong na libro na nakalimutan ko ang titulo (habang tinatayp ko ito).
Naka-abangers na din ako sa muling paglathala ng libro ni Ramon Bautista (kung napanood nio na sa Youtube ang Tales from the Friends Zone malamang e magiging interesado din kayo).
Ako ay natutuwa sa pagiging bahagi ng grupong ito at kailangan ko na din bumalik sa aking pagbabasa.:P
Ella, natutuwa ako't sumali ka rito. Salamat.
Interesado rin ako sa Looking Back series ni Ambeth. Baka balang araw. Unti-unti lang. May nabasa na rin kasi akong 3 akda niya.
Nakabasa na rin ako ng ilang Pugad Baboy. Balak ko ring maging completist niyan.
Naku, may mga 10 libro yata ako ng Precious Hearts Romance. Nag-try akong magbasa, di ko natapos! Pero di sarado ang isip ko sa ganyan so, balang araw ulit.
Ilustrado? May style sya. Pero di ko pa nagustuhan. Baka sa 2nd reading. Marami akong kaibigang gusto yan. Yong mga literary talaga sila eh. Kaso, late na rin akong naging palabasa ng klasiko so parang di pa ako handa noong binasa ko yan.
Salamat ulit at welcome.

Hello! Maraming salamat sa pag-anyaya, KD. :)Intro: Miyembro din ako ng Goodreads TFG, lurker mode nga lang at malamang magiging ganon din dito. Ang binabasa kong local book ngayon ay ang Chico and Delamar Morning Rush Top Ten.
Maraming salamat sa nagbanggit ng libro ko at sa mga nagbabalak magbasa ng mga ito.
*balik lurk mode* :)
Pangalan: Tawagin niyo na lang akong Krizia o kung nahihirapan kayo Anna. :) Pareho lang naman Paboritong manunulat: Lualhati Bautista, Nick Joaquin, Ambeth Ocampo
Paboritong libro: "Bata, Bata, Paano Ka Ginawa", "Looking Back", "Cave and Shadows", "Soledad's Sister"
Sumali ako kasi gusto ko isulong ang pagbasa ng sariling atin at baka sakaling kung maraming nagbabasa ng mga Pinoy na libro ay magmura ang mga libro. Mahal kasi ng sa Anvil eh. hehe
Mina, salamat muli sa pagpapa-unlak sa aking paanyaya. Isang malaking karangalan para sa amin na makasama ang isang ganap na manunulat na kagaya mo na sumuporta ating grupo.
Ayos na yang lurk mode. Basta alam namin na nariyan ka lang at nagbabasa.
Patrick, sa pagsali mo pa lang, nagpapakita na iyan na gusto mong makiisa sa pagbabasa na ating mga lokal na aklat. Kung baga, kung di ka sumali, ibig sabihin wala na talagang pagasa na babasahin mo na sa mga susunod na taon ang mga librong lokal na nabanggit mo. Ngayon andito ka, malamang magkakaroon ka ng interes na maki-diskurso at magagawa mo lang yon kung may mga bagong aklat na lokal kang nabasa. Kaya, salamat ng marami sa pagsali sa ating pangkat, Patrick. Mabuhay ka!

Pangalan: JanePaboritong manunulat na lokal: Bob Ong
Paboritong librong lokal: ABNKKBSNPLko at Para Kay B
Bakit sumama sa group: Hindi pa ganoon karami ang nababasa kong lokal na libro maliban na din sa mga ipinabasa sa amin sa eskwelahan. Sa pamamagitan ng pagsali dito, naniniwala ako na marami pa akong maaring mabasa at magustuhan dahil na din sa mga suhestiyon niyo. :)
Jane, salamat sa pagsali. Sana nga'y maging daan ito para makapagbasa ka pa ng maraming lokal na akda. Mabuhay ka!
Hello. Maraming salamat sa pag-imbita, KD.:)Pangalan:
Honey, pero itago nyo na lang ako sa pangalang fantaghiro23.:)
Paboritong manunulat na lokal:
Nick Joaquin
Adam David (no joke, kahit na katrabaho ko sya)
F.H. Batacan
Robert Magnuson
Paboritong librong lokal:
The El Bimbo Variations by Adam David
Joaquinesquerie: Myth a la Mode by Nick Joaquin
Surgeons Do Not Cry by Jose "Ting" Tiongco
Bakit sumama sa group:
Dahil inimbita ako at gusto ko ang layunin ng grupong ito.
Ryan wrote: "Lubhang magandang ideya ito. Salamat sa paanyaya, K.D. Marami akong gustong basahing lokal na libro at tyak na maraming makukuhang suggestions dito.Pangalan: Ryan. Tinatawag ding Rise.
Paboriton..."
Hi, Rise! So glad to bump into you here.:)
Ryan wrote: "Joaquinesquerie. Ito ba yung libro ni Nick J na hard to find?"Yup! Hiniram ko lang yung xerox copy (sorry, Bebang!:P) ng friend ko. Ito yung compilation ng Pop Stories for Groovy Kids series ni Joaquin. Yung text lang, pero ang galing!
Ryan wrote: "Parang cult book na yan ah. Sana may publisher na maglakas loob mag-reprint."Cacho Press ang nag-publish. Gusto ko ngang kausapin si Rayvi ng Cacho. At gusto ko rin i-publish yung original story books. Sayang kung hindi mabasa ng next generation yung mga kwento. Sobrang ganda.
Isa na ko sa nakapilang bibili nyan kapag lumabas ulit. Pag wala talaga, kahit xerox manghihiram na rin ako. Hehe.
Mina, welcome to the club! At sa iyo rin, Honey! Welcome! Welcome! Nabasa ko kahapon ang entry mo tungkol sa MIBF. Salamat nang madaming-madami sa pagbili ng madaming-madaming kopya ng Mens! hahahaha!
Maraming salamat sir K.D sa pag-imbita! :DPangalan: Bea
Paboritong Manunulat na Lokal: Samantha Sotto.
Paboritong Librong Lokal: Wala po talaga akong paborito, pero mahilig ako magbasa ng True Philippine Ghost Stories. :))
Bakit sumama sa grupo:
Dahil gusto kong subukan magbasa ng ibang librong Pinoy maliban sa True Philippine Ghost Stories.
Krizia, ang prolific reader. Narito na! Salamat sa pagsali sa ating pangkat na nagpapahala sa Panitikang Filipino!
Fanta, sobrang saya ko, andito ka. Minsan pa lang tayong nagkita kaya noong ininvite kita, bantulot pa ako't baka di mo ako pagbigyan. Salamat sa pagsali. Salamat sa paniniwala sa aming layuning mapalawig ang dami ng mga Pilipinong nagbabasang ng mga aklat ng sinulat at nilimbag sa ating bansa.
Bea, mahal ko rin si Samantha Sotto. Salamat sa pagpapaunlak sa aking paanyaya. Sana ngay maging daan itong pangkat natin upang maengganyo ka pang magbasa ng mga librong Pinoy!
Mabuhay kayong lahat!

Beverly wrote: "Mina, welcome to the club! At sa iyo rin, Honey! Welcome! Welcome! Nabasa ko kahapon ang entry mo tungkol sa MIBF. Salamat nang madaming-madami sa pagbili ng madaming-madaming kopya ng Mens! hahah..."Thank you, Bebang! :)
K.D. wrote: "Krizia, ang prolific reader. Narito na! Salamat sa pagsali sa ating pangkat na nagpapahala sa Panitikang Filipino! Fanta, sobrang saya ko, andito ka. Minsan pa lang tayong nagkita kaya noong inin..."
Not as prolific as you. Marami pa akong kakaining bigas lalo na sa Panitikang Pinoy!
Si Kathy po ako. Pwede ring Kat.Maka-Bob Ong.
Maliban sa Noli at El Fili, na kasama sa Filipino noong high school, at Precious Hearts Romance (:DD) na binabasa ko noong high school din, hindi pa ganoon karami ang nababasa kong libro na sinulat ng isang Pilipino.
Dahil dito, mahihikayat na akong magbasa ng libro may akdang Pinoy.
Salamat kay Kuya KD sa pag imibita.
Krizia, salamat. Ako rin may mga kilalang mas maraming nababasang Pinoy books. So, relative lahat. Depende kung kanino tayo nagco-compare ng sarili natin.
Kathy, salamat sa pagsali. Oo, sana nga makapagbasa ka ulit ng mga Pinoy books. Marami namang magagandang akdang lokal. Marami namang di hamak na mas maganda kaysa sa ibang foreign books. At yon ang tutuklasin natin pare-pareho sa pangkat na ito.

Magandang umaga po! Ako po si Tiny galing sa bukirin ng Nueva Ecija.Bagamat kapos sa pambili ng mga aklat, gumagawa pa din po ng paraan para mapalawak ang aking isipan.
Kasalukuyan ko pong binabasa ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" ni Bob Ong.
Salamat po Sir KD sa imbitasyon! :-)
Tiny, welcome! Sana ay mag-enjoy ka rito at lumawak lahat ang ating pagmamahal sa Panitikan Filipino.
Maganda yang librong yan ni Bob Ong.
Maganda yang librong yan ni Bob Ong.
Magandang hapon sa inyo!Ako po pala si Kwesi ang boy next door. Joke lang. Hindi ako masyadong nagbabasa ng Tagalog pero sinusuporta ko naman ang mga akdang Pinoy. Nagbabasa ako ng pocketbook dahil na rin sa impluwensya ng mga kastila, este, ng isang kaibigan. Interested kasi akong magsulat pero wala naman akong natatapus, hindi ko rin gustong amining wala akong talent kasi madidismaya lang ako. Haha.
Kilala ko na rin ang mga ibang members dito. Nameet ko na rin sila at yung iba parang ngayon ko lang nabasa.
Sumali ako sa grupo dahil ininvite ako ni Kuya D nasumali. Pero matagal na yung invitation, ngayun ko lang inaccept. Nagdadalawang isip kasi akong sumali kasi busy sa mga gawaing school etc. Anyway, interested akong magkwentuhan sa mga members dito anytime.
Huwag niyo na lang itanong ang paborito kong awtor at akda. Haha. Baka matawa lang kayo...
Isang mapagpalayang araw sa inyong lahat!Ako po pala si jzhunagev! Iboto po ninyo ako sa nalalapit na eleksyon sa Sanguniang Kabataan!
(Nyeks! Bawal pala ang politika dito. Ngayon ko lang nabasa ang pop-up Group Rules. :D)
Kwesi at Jzhunagev, salamat sa pagsali sa PRPB-GR! Sabay pa kayo. Nakakatuwa namang muli ko kayong makakasama sa isang reading group.
Mabuhay kayo!
Mabuhay kayo!
Books mentioned in this topic
One Whole Naked Me (other topics)To Be Continued (other topics)
Sandaang Damit At Iba Pang Maikling Kuwento (other topics)
Noli Me Tangere (other topics)
America Is in the Heart: A Personal History (other topics)
More...
Authors mentioned in this topic
Prex J.D.V. Ybasco (other topics)Bob Ong (other topics)
Lualhati Bautista (other topics)
F. Sionil José (other topics)
Andrés Cristóbal Cruz (other topics)
More...

Ako po si Ultimotomasino ('di tunay na pangalan)
Mga paboritong manunulat na lokal: Jose Rizal, F. Sionil Jose, Jun Cruz Reyes, Paz Latorena, Manix Abrera (manunulat din naman siya 'di ba?) at marami pa...
Paboritong Librong Lokal: Puppy Love and Other Short Stories ni F. Sionil Jose
Sumama po ako 'di lamang dahil sa pag-imbita ni Ayban Gabriyel, (bagamat malaki ang impluwensya nito sa aking desisyon) ito ay dahil sa minsan lang talaga ako nakakakilala ng mga taong tunay na nagmamahal sa literatura ng mga Pilipino at napaka-gandang oportunidad nito para sa akin. Gusto kong makipag-diskurso sa mga kagaya kong mahilig sa libro na tatak Pilipino. :)