Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 901-950 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 901: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sabado, April 13 yata. The Fort.

Yan eh kung tuloy ang Nick Joaquin. Hinihintay natin si Jzhun. Busy sa work. Standby. :)


message 902: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments ah, ok po.... excited na ko (paulit-ulit). haha


message 903: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. Okay lang na paulit-ulit na sabihin na eksayted para maging excited talaga at makahawa ng mga di masyadong excited pa haha!


message 904: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments haha.. sina irene po yata nabasa na yung woman with 2 navels.. mahirap daw po maghanap ng librong yan sabi nila? errr, ni-judge namin si nick qoaquin sa isang subject namin based on history at kung panu siya magsulat, pero wala pa kong nababasang novel nya, maliban sa mga essays. haha, kaya di ako masyado makarelate nun sa klase.


message 905: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Anong judgement ninyo kay Nick Joaquin sa klase? Okay lang na sabihin mo ang totoo. :)


message 906: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments haha! mejo less historian po daw po siya (kc di naman talaga siya historian), ayun lang po ung naaalala ko..haha, at nalaman ko na drop out po pala si nick joaquin kaya ang lesson learned ay...... wag na mag-aral, joke! may mga talented talagang tao na kahit hindi nakapagtapos e malayo ang mararating sa buhay.


message 907: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ah, ngunit mas na-enjoy ko ang "A Question of Heroes" kaysa sa mga fiction nya hahaha. Salamat! :)


message 908: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments ah.. opo.. ung isa ko pong classmate binabasa yan at napakalaking tulong nga raw po nyan..


message 909: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Mahirap ngang unawain ang gawa ni nick joaquin. Ginawan ko ito ng rebyu nung ako ay nasa high school tapos naloka ako kasi hindi sapat ang rebyu ko raw. -____-


message 910: by Clarissa (new)

Clarissa Huelar | 3 comments Magandang gabi po :)

Ako po si Clarissa Q. Huelar at pwede nyo po akong tawaging Clars. Salamat nga pala sa matalik kong kaibigan na si Clarence A. Almine sa paanyaya :D

Paborito ko pong manunulat na lokal ay sina Bob Ong, Manix Abrera, Lualhati Bautista at Jose Rizal :)

Paborito ko pong libro ang lahat ng libro na isinulat ni Bob Ong, mga iginuhit ni Manix Abrera

Sumali po ako sa grupo na ito dahil nga po sa kaibigan kong si Clare. May hilig din po kasi ako sa pagbabasa :)

Salamat po sa pagtanggap sakin bilang inyong miyembro :) Mabuhay ang mga anak ni Rizal :))


message 911: by Clare (last edited Feb 23, 2013 07:27AM) (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Napakapormal mo naman twin :p Welcome sa PRPB Claweng! Dalas dalasan mo na ang pagtambay dito. hehe Masaya dito. :)


message 912: by Rise (new)

Rise Welcome, Clars! Pati na sa iba pang bagong nagpakilala.


message 913: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clars, maligayang pagsali sa pangkat na ito! Salamat din sa kaibigan mong si Clare sa pagiimbita sa iyo. Tama siya, masaya rito. Paborito ko rin ang lahat ng mga nabanggit mo kaya't marami na tayong puwedeng pagusapan. Sali ka sa susunod na event ha? :)


message 914: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Clarissa :D


message 915: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments maligayang pagdating clars


message 916: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments AYIEEE.. haha, dumidiga na naman si kuya Berto..

WELCOMe CLARISSA!!! (Fireworks CLAP) haha!


message 917: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Welcome sa mga bagong members! Yey! :D


message 918: by Michang (new)

Michang (karisakun) Hello ako si Mich. 18 taong gulang! Hindi ako palabasa ng Pinoy books (inaamin ko) pero gusto kong magkaroon ng hilig sa mga librong sariling atin kung maitatawag! :) Marami na rin akong na-enjoy na libro katulad ng chic-lit ni Claire Betita de Guzman na No Boyfriend Since Birth (memorable sakin kasi una at huling Pinoy chic lit yon na nabasa ko). Sobra ang tawa ko at iyak sa pagbabasa ng librong iyon.

Marami na rin akong maiikling kwento na nabasa at mga play. (Mahilig ako sa teatro kaya naman nagustuhan ko ang mga Filipino scripts). Ang balak kong bilhin sa sunod ay ang libro ni Ricky Lee :). Mamaya siguro ay babasahin ko ulit ang mga award winning Philippine short stories :)

Hopefully, mas ganahan akong magbasa ng Pinoy books simula ngayon! :)(sa pamamagitan ng grupong ito!) Siguro dati ay hindi ko pa maintindihan ang mga metaphors sa isang Pinoy lit pero I trust na nag-evolve na kahit papano ang aking pag-iisip!

Cheers!


message 919: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Michiko, ganyan rin plano nung sumali ako dito pero...eto di pa rin makapag-basa.


message 920: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments hellos, welcomes everyones. :)

apir!


message 921: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Hello Clars and Michiko!! :D


message 922: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Mich! :)


message 923: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Nibra, magbasa ka na ng Tagalog! ---> nagger HAHA eh kasi naba-bother ako sa maling paggamit ng 'rin' at 'din' ;)


message 924: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments haha.. oo nga, sinadya ba yun?

WELCOME MICHIKO!! ang cute naman ng name mo :)


message 925: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Michiko, nabasa ko na yong "Si Tatang at ang mga Himala ng Ating Panahon" Kung gusto mong pagusapan natin habang nagbabasa ka o pagkatapos mong basahin, sabihin mo lang. Baka maka-engganyo sa pagbabasa mo ng mga akdang Tagalog. Good luck! :)

Welcome sa ating kuweba hahaha!


message 926: by Michang (new)

Michang (karisakun) Nibra wrote: "Michiko, ganyan rin plano nung sumali ako dito pero...eto di pa rin makapag-basa."
LOL Nibra! di yan. may pag-asa pa tayo XD as long as may passion tayo for books!


message 927: by Michang (new)

Michang (karisakun) haha salamat AICA! just so you know, hindi po anime fan ang parents ko XDDDD hehe.

SALAMAT sa pagwe-welcome kabayan/fellow bookworms :)

K.D., ooooh. salamat sa recommendation :) Kay RL pala yung book na yon! sabihan ko kayo sa aking progress sa librong yan (hanap muna akong copy for now ^_^)


message 928: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments phoebe, alam ko yong rule ng consonant at vowel sa rin at dim. kaso nanowrimo everyday. kill the editor bitch and type away. XD hinde libre kelangan ko. guro kelangan ko sa 'balirala(???)'. :]


message 929: by K.D., Founder (last edited Feb 25, 2013 02:30AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Balarila - hala ka. :)


message 930: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Uhm. Maligayang pagsali sa pangkat. Mabuhay! Plok plok plok pasabog! :)


message 931: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ayan na naman ang masayang sound effects ni Ella! hahaha!


message 932: by Michang (new)

Michang (karisakun) anong trip ni Nibra, gusto ko lang pong itanong. haha :) "balirala" x] "nababalirala" ka na sa buhay. umayos ka nga. lol. sorry na. ang corny ko. ayos lang kasi new member ako :)


message 933: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments nangto-troll lang yang si Nibra haha


message 934: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments balirala: balarila ng mga may dyslexia.


message 935: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Phoebe, hinde no. :] witty at matatalino dapat mga legit na troll. kinakapos ako. hahaha


message 936: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments di ko na nga nahalata, umamin ka pa haha


message 937: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
sabi na nga ni Rise: bala + rila (bala + dila) Dahil "a" ang dulo ng bala, naging "r" and dila. Haha!

Bala ng Dila = balarila. Husay ng nagisip nito.


message 938: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments May mga bagong salta :)) Welcome dito sa PRPB Clars at Mich *handshake* *sabay harlem shake*


message 939: by Michang (new)

Michang (karisakun) ahhh now gets ko na haha yun po pala yung balarila na yon okeeeey! :D

Hi Jhive *harlemshakes. kahit di ko alam ang harlem shake. seriously kasi tinatamad akong magsearch sa net :3


message 940: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahahhaa welcome michiko!

nibra, pag may tanong ka re: grammar (balarila), ipost mo lang baka makatulong kami para mas lalo mo maintindihan pinoy books


message 941: by Michang (new)

Michang (karisakun) hello po Beverly! ^_^


message 942: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Michiko, may friend ako noong college. Michiko ang pangalan dahil Japanese-Filipino sya. May lahi ka ring hapon?


message 943: by Michang (new)

Michang (karisakun) K.D. wrote: "Michiko, may friend ako noong college. Michiko ang pangalan dahil Japanese-Filipino sya. May lahi ka ring hapon?"
hahaha no wala naman po! Sa Japan kasi ako pinanganak kaya ayon :)

Hello Berto :) Akala ko kilala kita kasi may friends ako na ganun din tawag sakin ^_^


message 944: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Wow. Sa Japan pinanganak. Saan sa Japan, Michiko at ilang taon ka noong bumalik ka rito? O nagbabakasyon ka lang? :) Nakarating na rin ako sa Japan: Nagoya at Tokyo. Ganda roon.


message 945: by Clarissa (new)

Clarissa Huelar | 3 comments hi po :)
salamat po sa mainit na pagtanggap hahaha :D
sorry po, ngayon lang ako nakapag update :)
sana maka-attend ako sa lahat ng events nyo hehe
thank you beri mats ^_^


message 946: by Clarissa (new)

Clarissa Huelar | 3 comments Clare wrote: "Napakapormal mo naman twin :p Welcome sa PRPB Claweng! Dalas dalasan mo na ang pagtambay dito. hehe Masaya dito. :)"

hahaha isa ka talagang maimpluwensyang nilalang :P


message 947: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments naman! hahahaha


message 948: by Nahnah (new)

Nahnah (nahnah272) | 5 comments hello po sa inyo.... :)


Mahilg ako sa mga anime :)


message 949: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Hannah, kamusta? natawa ko sa pakilala mo kasi walang konek sa libro hihi pero ayos lang, mahilig din ako sa animés ;)


message 950: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments at welcome sa grupo!! :)


back to top