Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 851-900 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 851: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Beverly: onga eh. ayaw magpapigil nung damo. haliparot. xD

phoebe: saang thread? haha naliligaw ako. :]]


message 852: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Phoebe, salamat sa pagpo-police. Minsan din nakakalimutan ko yan dahil nawiwili ako sa pagbabasa ng mga naguusap. Kita kits sa kabilang thread. :)


message 853: by Janielle (new)

Janielle De Leon (janielledeleon) | 11 comments Po, jzhunagev, K.D., Beverly, Rise, Jhive atbp., Ako'y lubos na nagagalak sa inyong mainit na pagtanggap. Lubos ngang kakaiba tayong mga Pilipino. Hindi na nakamamanghang mayroon din tayong kakaibang libro. Maraming salamat po! Kalooban nawa tayo ng pagpapala ng Maykapal. :)
P.S.:Nagustuhan ko ang 'Pangmasang Talastasan'. Marami na akong natutunan sa ating wika.


message 854: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Janielle. Sana'y lagi kang dumalaw dito at makipagpalitan ng kuru-kuro sa amin. :)


message 855: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Nibra wrote: "MJ: sinubukan ko. pero sa tuwing may bagong patalastas ang enteng kabisote at sisterakas ang top grosser nawawalan ako ng gana. tsos. at isina-telebisyon ang Precious Heart Romances. kakatwa. gusto..."

e bakit naman kai Nibra ang mga 'yon ang binabasa mo. hehehe. napakayaman ng corpus ng Panitikang Filipino, isama mo pa 'yung mga regional languages. :)


message 856: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments MJ: pano kasi yan lng libro ng kaibigan ko. May mga oras na kelangan magbbasa para makatulog. binabangungot tuloy ako sa mga linyang 'parang hinuhubaran ako ng kanyang titig na balot ng pagnanasa.' tsos. 'at ako naman o malanding aklat ay mamamatay na sa kabaliwan mo'.


message 857: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments yun lang. mas maganda siguro na ikaw na ang magsimulang mag-explore. wag ka nang umasa sa kaibigan mong mahilig sa PHR.


message 858: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama! Pumunta ka mamaya sa NBS at bumili ka ng "It's a Mens World" tsaka "Mga Agos sa Disyerto." Yong una, dahil siguradong mahahanga ka kay Ka Bebang (hahaha) at magiging interesado kang makadaupang palad sya. Kaya't sasama ka sa susunod na event hahaha. Yon namang pangalawa, iniimbitahan kaming sumuporta sa ika-50 taong anibersaryo ng labas ng aklat na ito. Kaya't siguradong magagamit mo pa rin ang kaalaman mo sa mga kuwento dahil sasama ka na rin sa event na iyon. Hahaha.

Tapos pag may sukli pa ang isang libo mo, bili ka na rin ng "Po-On" ni F. Sionil para naman di ka masyadong magbaguhan dahil ingles yan hahaha. Tapos sumali ka sa online discussion hahahaha.

Dahil may sobra pang konti ang isang libo mo, puwede mo akong i-text at ililibre kita ng Starbucks. Usap tayo hahaha.


message 859: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments K.D. wrote: "Tama! Pumunta ka mamaya sa NBS at bumili ka ng "It's a Mens World" tsaka "Mga Agos sa Disyerto." Yong una, dahil siguradong mahahanga ka kay Ka Bebang (hahaha) at magiging interesado kang makadaupa..."

hahaha. magandang mungkahi, ser KD. :D


message 860: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments oo sya, o sya. hahaha pagmakadaan ako ng nbs bibilhin ko yan. nahihiya lang ako sumama sa mga lakad nyo. meron akong social anxiety disorder (actually, feeling ko lang hahaha). kaya pag mga ganitong nagba-bail out. nahihiya ako. hahaha para akong galunggong na inilagay sa swimming pool. XDD


message 861: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Pinalipat ko na nga kayo dun, bumalik pa rin kayo rito! haha

Nibra, parang napilitan ka pa haha. two thumbs up yang mga librong yan. haha galunggong, parang unang klase lang sa paaralan yan matapos ang ilang minuto magkakaibigan na rin. Masaya ang mga lakad, hanggang ngayon nga may hang over pa kami. :D


message 862: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments hinde nmn to first time. nakipagmeet na ako sa mga forumers sa isang anime community site. yon lng yon. nahihiya lng ako na wala akong maiambag sa usapan nyo. okward ako eh. haha


message 863: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments ayos lang yan, marami rin ang maingay dito pero sa totoong buhay hindi o medyo lang haha


message 864: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments ano ba pinag-gagagawa nyo bukod sa panghuhuli ng mga batang hamog??? :))))


message 865: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments nakikipagmeet sa author, fieldtrip, kwentuhan, kainan, maligaw (ako lang to), atbp. masayang makisalamuha sa mga bagong kakilala at bagong kaibigan na kapareho ng hilig, hindi mawawalan ng pag-uusapan. natututo ka rin ng bagong kaalaman at nalalaman ang kwento ng ibang tao.


message 866: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Nibra wrote: "ano ba pinag-gagagawa nyo bukod sa panghuhuli ng mga batang hamog??? :))))"

ang paborito yata dito sa PRPB e yung pagbababad sa hapong-araw, saka manunuod sa paglubog nito. :)


message 867: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments At sa biglaang outreach program. :) nawili ako sa pamimigay ng palabok sa nga batang nakapila. (Okay lilipad nako) :)


message 868: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments At ang walang kamatayang nakamamatay na photoshoot sa gitna ng haywey.


message 869: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments pati Aristocrat haha dahil yun sa 'First Date' sa It's a mens world :D


message 870: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments panalo ka jhive hahahaha tradisyon natin yan ano? ang galeng!

at Feevee, nakikipagmeet sa author, fieldtrip, kwentuhan, kainan, maligaw (ako lang to) HINDI TALAGA KITA MALILIMUTAN josko hahahaha!!!

Nibra, sama ka na! dali, napakasaya sa PRPB! totoo yun me hang over pa kami sa nangyari nung linggo haahaha


message 871: by Phoebe (last edited Feb 20, 2013 07:56PM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ms. Bebs, di mo alam naligaw (na naman) ako nung fieldtrip! HAHAHAHA. yung mga tao sa rented van ang nakakaalam hihi binibiro na nila ako sa fb eh hehe. Pero kung sa Aristocrat na palagi ang tagpuan, hindi na ko maliligaw. ;)

Nibra, ayan ah si Ms. Bebang Siy na nagyayaya saýo haha.


message 872: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments sa dami ng kuwento nyo mas lalo ako nahiya. hahaha


message 873: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments teka may fb page pirepibo? open ba? pwede mag stalk? :]]


message 874: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Feevee, anubeeee hahahahaha!!! nakakatawa ka! dapat pala me mapa ka ng metro manila tuwing may meet up tayo ! pero dahil sa aristocrat na lagi magkikita, ayan di ka na maliligaw hahahaha!

Nibra, me fb ang pirepibo, si po yata ang admin!


message 875: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yang pagpapakuha ng larawan sa gitna ng Roxas Blvd, nakakatawang tradisyon ng PIREPIBO. Buwis buhay! Official meeting place ng PIREPIBO ang Aristocrat Roxas kasi memorable yang lugar na yan noong paslit pa si Ka Bebang (hahaha).


message 876: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Tradisyon nyo tlga magpalitrato sa gitna ng hiway?? asteg!! aabangan ko kayo sa mga news report sa TV. jowk.


message 877: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. Madalian. Mas buwis buhay ang kumukuha ng litrato kasi nakatalikod sa dumarating na sasakyan. Nakakatawa (o nakakatakot dyan), mahagip ang kumukuha ng litrato na kitang-kita ng mga kinukunan hahaha! Wala lang. Pang-horror story.


message 878: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments pag mag-coffee meet up kayo sa gitna ng EDSA sasama ako. pramis.


message 879: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa gitna ng EDSA. Meaning sa itaas ng MRT? Puwede! hahaha.


message 880: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments sa riles mismo. habang paparating ang tren. :] yong '1...2...3 say cheese' mas magiging exciting. do or die.


message 881: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Haha. Lakas maka-Anna Karenina hahaha!


message 882: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments May scene bang ganyan sa aklat? di ko pa nababasa yan haha at yong kopya ko na pelikula, yong lumang bersyon na Russian. Walang sub. kakastress. di ko pa napapanood yong kay Keira. hahaha


message 883: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dapat laging meron. Pag wala, di na yon Anna Karenina.


message 884: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments pasensya na sa kamang-mangan ko pinunong KD. may kapatawaran pa ba ako??

haha


message 885: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Meron. Manalangin ka kay Bathala. :)


message 886: by Ria (new)

Ria (eerierie) | 1 comments matagal na ata akong sumali sa group na 'to pero ngayon pa lang ata ako magpapakilala.

Ria po. :D

konti pa lang nababasa kong mga tagalog, yung kay Bob Ong at kay Ricky Lee lang, yung kay Eros meron ako, pero di ko pa nababasa kaya sumali ako dito dahil gusto ko pang mas lalong mainvolve sa pagbabasa ng mga tagalog. a e, yun lang po. :)


message 887: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Welcome Ria! ;)


message 888: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ria, maligayang pagsali sa pangkat kuweba hahaha!

Welcome na welcome ka rito. Ayos lang na Bob Ong at Ricky Lee ang nabasa mo. Mga iginagalang silang manunulat na Pinoy. Magandang simula yan. Basahin mo na rin si Eros, mahusay rin naman sya. :)

Sana maging aktibo ka rito. Welcome ulit! :)


message 889: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome Ria


message 890: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments CONGRATULATIONS, RIA! mayroon kang 5000 na palakpakan mula sa PRPB peeps!!!!


message 891: by [deleted user] (last edited Feb 22, 2013 07:51AM) (new)

Haha..ang kulit ng kwentuhan..maligayang pagdating ria.. ;)

Medyo baguhan lang din ako sa PRPB at parang nahihiya din ako sumama ng hindi pa nababasa ang librong naka-atang..dahil di pa malalim ang kaalaman ko sa literaturang Pilipino..Nais kong seryosohin ang pagbabasa ng panitikang Pilipino..kaya naman kuya doni..maari ko po bang makuha ang inyong numero? Nais ko po sana humiram ng libro..Dugo sa Bukang Liwayway pa ang huli kong nabasa noong hayskul..haaay..


message 892: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments malakulog na palakpak!!!

welcome ria!


message 893: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Clai, napadala ko na ang numero ng telepono ko. Sabihin mo lang ng mas maaga kung alin ang aklat ko na nais mong hiramin ng mas maaga. Sandamakmak ang bunton ng mga aklat ko sa bahay at minsan ay nahihirapan na akong maghanap hahaha!


message 894: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Welcome Ria! Plok plok plok pasabog!


message 895: by [deleted user] (new)

parang nalalaglag na t** sa CR..haha..pasensiya na sa mga kumakain..haha..


message 896: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments *clai: ano yung hugis nun? parang barya lang? haha wishing well? actually kumakain ako ngayon. haha


message 897: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments K.D. wrote: "Aica, kapag history book na ang para sa sabayang pagbabasa, isa sa inyo ang moderator ha? O tulong kayong tatlo. Puwede yon. hahaha!"

WOW! haha, sige po kuya KD.. malakas kayo sakin eh..haha!


message 898: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments MJ wrote: "K.D. wrote: "Aica, kapag history book na ang para sa sabayang pagbabasa, isa sa inyo ang moderator ha? O tulong kayong tatlo. Puwede yon. hahaha!"

mga History major pala sina Aica... :D nasa inyo ..."



yey! #1 sa to=do list: maghakot ng mga history majors.. haha!


message 899: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Aica, yey! Salamat naman at tinatanggap ninyo ang hamon (challenge). Hindi hamon (ham) hahaha.

Sana dumami pa ang mga kasapi na galing sa PNU! PNU rocks!!! (tumutugtog?) hahaha!


message 900: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments haha.. sa mga oras na ito may 3 classmates na kong nakumbinse/napilit na sumama satin next time.. kelan po ba ung susunod na meet-up?


back to top