Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 801-850 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 801: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Chibivy, next time sumama ka para di ka mainggit hahaha!

Vanessa, ikaw yong kamukha ni Bea Binene (yong young star sa GMA) hahaha! Tinatanong ko kay Berto alin na ba sa inyong tatlong yong kamukha ni Bea hahaha!


message 802: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments K.D. wrote: "Chibivy, next time sumama ka para di ka mainggit hahaha!"

Oonga po. Kaklase po ng kaibigan ko sila Vanessa sa PNU, tas niyaya nila yung kaibigan ko na yun na sumama, tapos niyaya din ako nung kaibigan ko na yun. Kaso kinabukasan na yung deadline ng confirmation eh, saka di pa sya member dito, saka di pa namin pareho nababasa yung libro. Kaya yun, sabe ko pass na lang muna at magpamember sya dito. Haha!

Pero kainggit talaga! :O


message 803: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Si Vanessa na kamukha ni Bea Binene hahaha. Nakakatuwang panoorin ang mga naggagandahang mga batang babae na kumukuha ng history bilang kurso! Kakaiba! Kadalasan ang mga babae ay di mahilig sa history. Pero itong sina Vanessa, Aica at Irene, puro mga history students. Sarap lang kakwentuhan.

Mag-member na ang buong barkada. Ang buong klase. Pakiramdam ko malapit na tayong magbasa ng history book dito sa PIREPIBO. Lumabas na yan sa nominasyon eh. Hello kay Ambeth Ocampo! Parating na po kami sa bahay nyo! hahaha.


message 804: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Cute talaga yang si Bane, haha, kahit wantaym ko pa lang nakita. :'D Sumasabit kasi ako sa mga lecture-forum nila noon kay Sir Xiao Chua eh, isa ring History professor galing sa UP na nagtuturo naman sa DLSU. :)

K.D. wrote: "S Pakiramdam ko malapit na tayong magbasa ng history book dito sa PIREPIBO. Lumabas na yan sa nominasyon eh. Hello kay Ambeth Ocampo! Parating na po kami sa bahay nyo! hahaha. "

Yes yes! Ambeth Ocampo! Plano po namin ng kaibigan ko na kolektahin libro nya eh--dalawa na ang Looking Back ko at meron na syang Rizal Without The Overcoat. Marami-rami pang dapat ipunin at basahin. Tara tara, nang mapapirmahan ang ating mga aklat. :D


message 805: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments astig tong chat module nyo.


message 806: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Bea Binene... wow... makapagpa-autograph nga sa susunod. heheh

Kuya D. ... maganda yan, Ambeth Ocampo.,
pero hindi ko talaga malimutan yung expose ni sir roger sa kanya. hmmmm


message 807: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments ay oo jhive ako rin pero di bale linawin natin sa kanya pag na meeet natin siya. si jhive ang magbe break ng expose HAHAHAHAHA!

WELCOME Chibivy


message 808: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Beverly wrote: "WELCOME Chibivy"

Miss Bebs! Salamat po sa pag-welcome. Miss Bebs talaga tawag eh, feeling close ako. XD

Kakabasa ko lang po kamakailan nung It's A Mens World nyo. Asteeg!! :D


message 809: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Naku, baka nga mag-expect kayo na papansinin tayo ni Ambeth Ocampo. Pangarap ko lang po yon. Haha. Malay natin di ba? Nabasa ko kasi willing naman syang ma-invite sa mga classroom or gatherings. Kaso, di ko alam kung payag sya sa ating maliit na bookclub hahaha. *fingers crossed*


message 810: by [deleted user] (new)

Hi! Ako si Lhee :) Mahilig ako magbasa ng iba't ibang klase ng libro. KAhit na halos lahat ng libro ko ay puro foreign books. Bumibili pa din ako ng mga books na tagalog.. Like ung kay Bob Ong, Eros Atalia, Nicanor David Jr., Lualhati Bautista.


message 811: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Juliepearl (Lhee), maligayang paganib sa kilusan ng mga magpapahalaga sa Panitikang Filipino. Tuloy ka!

Welcome na welcome ka rito. Gusto ko rin si Bob Ong, Eros Atalia at Nanay Lualhati Bautista! :)


message 812: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Hi Juliepearl! Welcome sa grupo! :'D

At Kuya KD, malay mo naman, matyempohan natin si Sir Ambeth. =D


message 813: by [deleted user] (new)

Salamat! KD and Chibivy!:)


message 814: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman, Juliepearl. Gusto ko ang name mo, parang milk tea lang hahaha.


message 815: by [deleted user] (new)

Hahahaha.. compliment ba yan? :D Ayos nga e para mas madali ako maalala :)


message 816: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo naman. Lahat na yata ng milk tea sa Maynila natikman ko na hahaha.


message 817: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments papayag yun KD, gagamitan natin ng isang kilo ng charm at isang kilometro ng mga koneksiyones hahahaha


message 818: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments welcome sa yo juliepearl


message 819: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments K.D. wrote: "Walang anuman, Juliepearl. Gusto ko ang name mo, parang milk tea lang hahaha."

Sir KD natakam din ako sa milktea nang makita ko yung Juliepearl.

Hi Lhee welcome sa grupo! :D


message 820: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Lahat raw ng Milktea sa Maynila natikman na ni Sir/Ginoong/Mister/Kuya KD. :]]

Parang billboard lng nung Quinse Años.


message 821: by Vanessa (new)

Vanessa Baroña | 12 comments Ivy, Oo tama.. kaya sasama ka na next time. :)

Kuya KD, Bea Binene po talaga? haha. Salamat. Sana nga po maimbita natin si Sir Ambeth.. napag-aralan na rin namin siya sa issues in phil. history naming subject pero nakakaintriga pa rin talaga.

Hi Juliepearl (Lhee)! welcome sa kweba ng PRPB ! Haha:D


message 822: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nibra, oo. Parang ganoon na nga. Kailangan i-google ko yon kasi di ko na masyadong maala-ala whahaha!

Diane, bilis ng pickup mo a! Kaso, sabi ni Ka Roger wag nang ilalabas hahaha. Kailangan lasingin mo si Jhive hehe.

Bea este Bane, kamukha mo talaga. Kulang na lang si (sino nga yong ka-partner ni Bea Binene?) hahaha.


message 823: by Ivy Bernadette (last edited Feb 19, 2013 04:10PM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Vanessa wrote: "Ivy, Oo tama.. kaya sasama ka na next time. :)

Shore shore. Timbrehan mo kami ng maaga para makapagdesisyon agad. Nung sinabihan nyo kasi si Cheska e kinabukasan na ang deadline ng confirmation eh. :))

K.D. wrote: "Bea este Bane, kamukha mo talaga. Kulang na lang si (sino nga yong ka-partner ni Bea Binene?) hahaha. "

Si Ferdinand Topacio po ba yun Kuya KD? HAHAHA jowk! =))


message 824: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mali pala ako. Si Barbie Laforteza pala ang kamukha nya! hahaha


message 825: by Vanessa (new)

Vanessa Baroña | 12 comments Ivy, Ok. cge :)
Kuya KD, Hahahaha! (tumawa nalang eh) :D


message 826: by Phoebe (last edited Feb 19, 2013 08:53PM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Diane, ang daming pasabog ni Ka Roger haha nabasag ang fandom hihi

Nagpa sign ako kay Ambeth Ocampo dati, mabait naman sya. yung pasabog ang bumaligtad ng mundo ko HAHAHA

May bago ba? Jhivebivy (Jay-va-vi) hihi

Juliepearl at sa mga bago(hindi ko maalala kung nabati ko na ba yung iba), welcome sa grupo ;)

Nibra, ikaw ba yung nagsabing hindi nagbabasa ng Filipino books ever? hehe


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments hi mga newbies...newbie din ako haha


message 828: by Nibra (last edited Feb 20, 2013 12:17AM) (new)

Nibra Tee | 598 comments phoebe: oo phoebe. bukod sa pamagat, nabubuhay ako kababasa ng buod at tagalized spark notes. nagwawala ang kidney ko tuwing nakakabasa ako ng 'o pagibig...kapag ika'y nasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka lamang'. kakastress. dapat sinabi nlng 'kapag ang landi dumating, walang makakapigil'. :))) parang sa mga klasikal na nobelang ingles, 'i find her tolerable, but not handsome enough to tempt me.' chos. Ang a-arteh. Haha di na lng 'not my taste.'

Jk :))


message 829: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Nibra, hindi challenging kung ganun lang. Walang kalatoy-latoy naman kung lahat ay ganun. Pero bilib ako sa pag amin mo haha. benta pa yung kidney na nagwawala!
Baka non fiction, textbook o modern, ganun mga gusto mo?


message 830: by Nibra (last edited Feb 20, 2013 12:26AM) (new)

Nibra Tee | 598 comments Phoebe: hinde biro lang. actually gusto ko magbasa. wala lang talaga akong source ng pinoy books. meron yong kilala ko, kaya lang mga Precious Hearts Romances present Igapos Mo Ako Sa Langit, atbp. Josko. Sinubukan kong mag-basa. Muntik ko nang ikamatay. Keso de bola, kesong asul, lahat na.

Pero nabasa ko na yong Without Seeing The Dawn. Ang nag-iisang nobelang pinoy na buong puso kong binasa. :)


message 831: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ah okay. Eto na naman ako masyadong mapapaniwala haha
Susubukan ko nga yang Precious Hearts eh para sa experience :)


message 832: by K.D., Founder (last edited Feb 20, 2013 01:55AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nibra, sinubukan ko ring magbasa ng Precious Hearts pero di ko matapos-tapos. Kahit na yong pinakamagaling (daw) na writer nila.

Ano naman ang masasabi mo sa mga ingles na romance na parang iningles lang daw na Precious Hearts?


message 833: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Nung hayskul ako mahilig ako magbasa ng pocketbooks (as in!) pero PHR lang binabasa ko. Ilang libro din natatapos ko sa isang araw kasi light read lang naman mga pocketbooks. Kaso ngayon hindi na eh, feeling ko "graduate" na ko sa ganyan. Haha. Cliché kasi masyado yung storyline. :P


message 834: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments K.D: i feel you (nararamdamn kita haha).

Iyong binabasa kong chiclit at adult romances yong mga top reads etc. guilty pleasures ko mga yan. hahaha kya lng pag filipino mejo maistuhod dating. :]]


message 835: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dahil lang sa Filipino sila kaya naging "mais-tuhod"? Pag ingles, hindi?


message 836: by Aica (new)

Aica (ortegaaica) | 42 comments haha, (maka-comment lang)

excite na kong magbasa ng mga history books!! hehe


message 837: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Aica, kapag history book na ang para sa sabayang pagbabasa, isa sa inyo ang moderator ha? O tulong kayong tatlo. Puwede yon. hahaha!


message 838: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments kd: intimate kasi wikang filipino kaya ang 'grass dancing' na 'sumasayaw na damo' parang iba dating. ingles 'can get away with' pamagat like 'when death becomes her'. pero in filipino, ' nung siya ay naging si kamatayan' (or samting) parang iba na dating. masagwa. haha 'the other side of paradise' ay nagiging 'sa kabilang banda/dako/whatevs ng paraiso' nagiging mais-tuhod. nothing against wikang filipino, iba lng dating. haha do i make sense?? hinde no. lol


message 839: by MJ (last edited Feb 20, 2013 04:53AM) (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments K.D. wrote: "Dahil lang sa Filipino sila kaya naging "mais-tuhod"? Pag ingles, hindi?"

napakaganda ng wikang Filipino... hindi ito Tuod o anuman... basahin ang mga pangunahing nobelang Filipino... maaari mo itong maihanay sa internasyunal na pamantayan...

nakakaaawa ang mga Filipinong mas tuimitingala sa wikang banyaga kaysa sa sariling Wika... nakakaawa.


message 840: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments K.D. wrote: "Aica, kapag history book na ang para sa sabayang pagbabasa, isa sa inyo ang moderator ha? O tulong kayong tatlo. Puwede yon. hahaha!"

mga History major pala sina Aica... :D nasa inyo ang puso ko, parehas tayo... :)


message 841: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Nibra wrote: "kd: intimate kasi wikang filipino kaya ang 'grass dancing' na 'sumasayaw na damo' parang iba dating. ingles 'can get away with' pamagat like 'when death becomes her'. pero in filipino, ' nung siya ..."

ang ginawa mo kasi ay literal na pagsasalin, Nibra. maari mo namang maunawaan at maisalin sa mas angkop na kahulugan kung hindi mo ito ibabatay sa pagiging literal nito. dito papasok ang pag-unawa sa konteksto ng parirala o pangungusap.

paano mo isasalin ang "dancing grass"? hindi mo pwedeng sabihin na sumasayaw na damo... pero pupuwede ito partikular na sa tula:

sumasayaw ang mga damo:
animo'y mga balakang na gumigiling
nang hagkan ng matimping hangin.

ang tawag diyan--pagsasatao. personification.

hindi ito kabaduyan, o pagiging tuod. ito'y batas ng wika: dinamiko.


message 842: by Rise (new)

Rise pwede ring 'kumukumpas na talahib'. bagamat iba ang dancing sa kumpas (beating).


message 843: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments dapat siguro maglalagay ako ng 'just kidding' sa lahat ng comment ko. *buntong-hininga*


message 844: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments Nibra wrote: "dapat siguro maglalagay ako ng 'just kidding' sa lahat ng comment ko. *buntong-hininga*"

haha. sarcasm ang style mo, Nibra.

pero kidding aside, mahalin ang sariling atin. :)


message 845: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments MJ: sinubukan ko. pero sa tuwing may bagong patalastas ang enteng kabisote at sisterakas ang top grosser nawawalan ako ng gana. tsos. at isina-telebisyon ang Precious Heart Romances. kakatwa. gusto kong pumatay ng maraming ipis.

dahil jan, isang beses nanood ako ng romanian at swedish films na walang subtitle. tuwang tuwa ako. para akong baliw pero naunawaan ko ang pelikula. hindi ko nasusubukan panitikan.


message 846: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments *hinde ko pa nasusubukan panitikang pilipino. naturn off ako sa guro ko ng hayskul. xD


message 847: by Phoebe (last edited Feb 20, 2013 05:23AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments parang naiintindihan kita nibra haha. pero sa libro go ako sa pinoy ;) pag pelikulang ganun di ko rin feel unless ilibre ako o napapanood ng libre sa tv.
ganyan kasi ang gusto ng masa eh

Sandali lang, dapat sa "biruan, harutan, etc." itong pinag-uusapan haha


message 848: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Phoebe: yon nga eh. :D kapag 'humaharot' kung saan-saan dapat. Ang tawag dito ay pagsasabuhay! :] jk

Ako rin. di onli wey na manonood ako ng MMFF ay kung tututukan ako ng baril. parang aksaya lng sa pera. ipamigay ko nlng sa red cross donation boxes sa mrt stations.


message 849: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments oo nga, grabe ang seryoso ng hangin, hindi makasayaw ang damo ahahahaha


message 850: by Phoebe (last edited Feb 20, 2013 05:38AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments psst Nibra, lumipat nga tayo sa kabilang thread. nabaha (flood) na itong 'magpakilala ka'


back to top