Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 751-800 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 751: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments tae. naguguluhan ang 'h' sa pangalan ni jzuh...jzuhng...jumanji. dyslexic ako!!! ngayon lang. ayusin mo buhay mo! :)))) joke. feeling close lang.


message 752: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Anlaki ng problema mo Nibra ah. Ibig sabihin ba nyan palagi mong naiisip si Jzhun? :D


message 753: by [deleted user] (new)

hahaha..bromance si jzhunagev at nibra..hahahaha..

jzhunagev..ang hirap nga pala ng pangalan mo..alam ko super late reply na to pero alam ko na bakit tinanong mo bakit may asterisk pangalan ko! hahahaha..mega delayed reaction..hahahaha..


message 754: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments astig ng date plan eh. maglibot-libot sa mga bookstores at kumain...ng libro. :]]

hinde ko sya naiisip. wala ako nun ;]


message 755: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nilinaw naman nyang babae ang gusto nya hahaha. Abangan na lang kung may takers.


message 756: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Ang benta pala dito sa "Magpakilala Ka" ngayon lang ako nagawi ulit haha.
Maligayang pagsali sa mga bagito't bagita haha
Nawa'y makilala ko kayong lahat hihi

bakit nahalo na ata rito yung biruan, harutan at ligawan thread haha


message 757: by Rise (new)

Rise jzhunagev wrote: "Hello sa mga bagong salta sa PIREPIBO.

Ako po si jzhunagev.

Single.

Kayumanggi.

Katamtaman ang taas.

At MALAKI!..."


Welcome sa grupo, jzhunagev! Nawa'y mahanap mo ang Valentina mo (yung walang nakapulupot na ahas sa ulo, hehe).


message 758: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments OMG bago na namang tambalan ito! teka di ba matagal na nating kasama si Jzhunagev??????


message 759: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oo. May mga quirkiness lang si Jzhun kaya biglang ganyan... biglang nagpapakilala ulit.


message 760: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Tapos holdaper pala yung makadate ni Jzhun sa Valentine's noh. Pagkatapos ng date, uuwing luhaan at walang pera. Joke.

At dahil Valentine's bukas, kung may oras, manonood naman ako ng sine at kakain sa labas. Kadate ko ang sarili ko. Haha. :D


message 761: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Holdaper na babae? Yayariin si Jzhun?


message 762: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Malay lang natin. Black belter pala. Haha. :)


message 763: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments Raechella, hindi ka nag-iisa. haha. ako trabaho ang haharapin =,=


message 764: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Holdaper na babae? Yayariin si Jzhun?"

Baka siya ang "yariin" ko. Buwahaha! :D

Miss Bebs, pagpasensiyahan na po ang quirkiness ko. Lungkot-lungkutan lang ang peg ko. :D


message 765: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Raechella, nakita mo na ba si Jzhun sa personal?

Phoebe, lahat trabaho, walang laro (all work no play) ay nakakapagpa-bobo kay Sonny (makes Sonny a dull boy). Ay, ang hirap inglesin haha.

Jzhun, pakita ka na kasi sa Peb 17. Kasya ka pa sa rented van. Para makita ka ng mga perstaymers. At huwag kang maglungkot-lungkotan. Kung walang babaeng pumayag na makipag-date sa yo. Maging flexible ka naman na tunanggap ng male admirers nyahahaha.


message 766: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Raechella, nakita mo na ba si Jzhun sa personal?

Phoebe, lahat trabaho, walang laro (all work no play) ay nakakapagpa-bobo kay Sonny (makes Sonny a dull boy). Ay, ang hirap inglesin haha.

Jzhun, pakita ka na kasi sa Peb 17. Kasya ka pa sa rented van. Para makita ka ng mga perstaymers. At huwag kang maglungkot-lungkotan. Kung walang babaeng pumayag na makipag-date sa yo. Maging flexible ka naman na tunanggap ng male admirers nyahahaha.


message 767: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Kuya D., gusto ko man ay di talaga maaari, e. May mga ibang aktibidades pa naman tayong naka-line up. Hapeee! :)


message 768: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ikaw na ang abalang-abala! hahaha


message 769: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments akala ko may isa pang jzhunagev ahahaha! mamimiss ka namen jzhun!


message 770: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Hello guys! Sinu trip pumuntang UP Fair? Mamaya na? Pupunta ako. :)


message 771: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Nga pala, marami ring naglalatag ng libro dun, at kung anu-anu pa, at mga banda! :D


message 772: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sayang. Pero family day ang Valentine's Day ko eh. Sa bahay lang kakain ng chocolate cake hahaha.


message 773: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Kd, actually hindi pa po. Nanghuhula lang ako. Haha. :)


message 774: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Balang araw makikita mo rin sya. Hindi sya mukhang easy target ng mga shenanigans.


message 775: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments K.D. wrote: "Balang araw makikita mo rin sya. Hindi sya mukhang easy target ng mga shenanigans."

Dahil ako'y marami ring alam na "shenanigans" o karakas sa buhay. Buwahahaha! 3:)


message 776: by Ivy Bernadette (last edited Mar 18, 2013 01:49AM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Magandang araw po! Ako si Chibivy (Chi-BHAY-vee), pero pwedeng Chibs o kaya Ai na lang ang itawag nyo sa akin. :) Medyo matagal-tagal na akong sumali dito ngunit ngayon pa lang nakapagpakilala. :P

Mahilig akong magbasa ng libro (malamang, kaya nga nandito ako sa GR, haha). Karamihan ay mga librong banyaga--kasi ayun ang marami--ngunit mahilig din akong magbasa ng mga likha ng ating mga kapuri-puring manunulat.

Konti pa lang ang mga nababasa kong nobelang Filipino o gawa ng Pilipino na awtor, ngunit marami na akong mga nabasang maikling kwento. Paborito ko ang mga katha ni Amado V. Hernandez (mga maikling kwento, tula, at sanaysay nya), Rogelio Sikat (“Impeng Negro”), Genoveva Endroza-Matute (“Ang Kwento ni Mabuti”), Benjamin P. Pascual (“Ang Kalupi”), Alejandro Roces (“Of Cocks and Hens”). Gusto ko rin yung “Orosa-Napkil, Malate” ni Louie Mar Gangcuangco, mga libro ni Bob Ong, pati ang mga tula ni José Corazón de Jesús.

Nakalimutan ko na yung iba pang maikling kwento at manunulat. Karamihan kasi'y nabasa ko pa sa mga Filipino books namin noong hayskul. Na nakakalungkot isipin, ngunit di naman masyadong dinidiskas ng aming mga guro itong mga magagandang akda na ito, at hindi rin masyadong pinahahalagahan ng aking mga kamag-aral.

Mahilig din ako sa kasaysayan, kaya’t binabasa ko rin ang mga akda ni Ambeth Ocampo. Sana’y maipon ko! Naghahanap pa ako ng iba pang librong pangkasaysayan—paborito ko dito ang Kasaysayan ng Pilipinas (lalo na nung bago pa dumating ang mga mananakop; dabest!).

Hindi pa rin ganun karami ang mga nababasa ko na "mainstream" na Pilipinong manunulat. Ang huli kong natapos na libro ng Pilipino awtor ay ang "It's a Mens World" ni Bebang Siy (ayos!). Kasalukuyan kong binabasa ang "Para Kay B" ni Ricky Lee. Meron din akong "Minsan Lang Sila Normal" na gawa ng iba't ibang Pilipinong manunulat, kabilang na si Eros Atalia. Lahat ito ay mga signed copies. (Yehey!)

Pasensya sa mahabang pagpapakilala. Sana'y mabigyan nyo ko ng mga rekomendasyon ng mga librong gawa ng ating mga kababayan. Maraming salamat at sana'y maging masaya dito sa grupong itey. :'D


message 777: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang pagsali sa PIREPIBO, Chibivy!!! Marami ka na ring nabasa at dahil natatandaan mo pa ang mga iyan, ibig sabihin, para sa akin, ay totoong tumimo sa puso mo ang mga akdang binanggit mo. Mabuhay ka!

Sana'y sumali ka sa online discussion para sa susunod na aklat. Naghahanda pa ang kaibigang Jzhun para rito. Abangan!!!


message 778: by Ivy Bernadette (last edited Feb 17, 2013 04:53PM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments K.D. wrote: "Maligayang pagsali sa PIREPIBO, Chibivy!!! Marami ka na ring nabasa at dahil natatandaan mo pa ang mga iyan, ibig sabihin, para sa akin, ay totoong tumimo sa puso mo ang mga akdang binanggit mo. Ma..."

PIREPIBO ba ang maikling tawag sa grupong ito? Ayos! Salamat po sa pagwe-welcome sa akin Kuya KD! :D

Gusto ko po talagang magbasa pa ng mas maraming akda ng mga Pilipino. Shempre mas maganda na tangkilikin ang sariling atin. Ngunit nakakalungkot na pag pumapasok ako ng bookstores (ehem, NBS, ehem, Powerbooks, ehem) ay puro mga libro ng banyaga ang nakabungad sa entrada, at ang Filipiniana section ay inaalikabok na sa gilid.

Sige po, sasali ako sa online discussion. Inaabangan ko nga po ang susunod na librong babasahin. Sana po'y madaling mahanap upang makapabili ako. :D


message 779: by Rise (new)

Rise Welcome, Chibs! Ang susunod na babasahin ay The Woman Who Had Two Navels ni Nick Joaquin. Sana ay makakita ka ng kopya at makasali sa talakayan.


message 780: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Rise wrote: "Welcome, Chibs! Ang susunod na babasahin ay The Woman Who Had Two Navels ni Nick Joaquin. Sana ay makakita ka ng kopya at makasali sa talakayan."

Salamat po kuya Rise! Parang may nakita nga ako nun sa Powerbooks. Sige po bibili ako. Trip ko din si Nick Joaquin eh. :) Kelan po ba ang simula?


message 781: by Rise (new)

Rise Chibs, parang Marso yata ang simula ng diskusyon kung hindi ako nagkakamali.


message 782: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Rise wrote: "Chibs, parang Marso yata ang simula ng diskusyon kung hindi ako nagkakamali."

Ahh, edi okay lang atlis makakapaghanap ako ng kopya ng libro. Salamat po! :)


message 783: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Chibivy sa PIREPIBO :)))))


message 784: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Clare wrote: "Welcome Chibivy sa PIREPIBO :)))))"

Salamat po ate Clare!


message 785: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Hi Chibiby!! :D Maligayang pagsali


message 786: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Berto wrote: "Hi!

Ako nga po pala si Berto. 25 years old.

Musta po?"


Ako po ba ang kinakamusta nyo? Nasa mabuti naman akong kalagayan. :)

Ako po si Chibivy, 19 years old.

Kayo po, kamusta? :>


message 787: by Ivy Bernadette (last edited Feb 18, 2013 03:50AM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Ara wrote: "Hi Chibiby!! :D Maligayang pagsali"

Salamat po ate Ara!

At Chibivy po. As in Chi-BHAY-vee. Pero pwede na rin Chibiby kung tingen nyo ay muka akong bibe. =))


message 788: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Chibivy wrote: "Clare wrote: "Welcome Chibivy sa PIREPIBO :)))))"

Salamat po ate Clare!"


maka-ate, wagaaaas! magkaedad lang tayo :P


message 789: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Chibivy wrote: "Ara wrote: "Hi Chibiby!! :D Maligayang pagsali"

Salamat po ate Ara!

At Chibivy po. As in Chi-BHAY-vee. Pero pwede na rin Chibiby kung tingen nyo ay muka akong bibe. =))"


Ay mali ako sorry, hahaha ang nasa utak ko Chi-Vee-Bhay ka-cute :D bawal ang ate utang na loob hahaha


message 790: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Clare wrote: "maka-ate, wagaaaas! magkaedad lang tayo :P"

Ah? Oo nga no? Haha! O yan Claire! Wala nang ate. =))


message 791: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Ara wrote: "Ay mali ako sorry, hahaha ang nasa utak ko Chi-Vee-Bhay ka-cute :D bawal ang ate utang na loob hahaha ."

HAHA! Ayaw mo rin ng ate? O sige, Ara, wala na rin ikaw. XD

Pwedeng Chibs na lang o kaya Ai kung nahahabaan ka sa Chi-BHAY-Vee. =))


message 792: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Hi Chi Baby Chibivy... real name mo ba yan ?? Ang cute lang kasi hehe.. Welcome sa grupo.


message 793: by Ivy Bernadette (last edited Feb 18, 2013 04:34AM) (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Jhive wrote: "Hi Chi Baby Chibivy... real name mo ba yan ?? Ang cute lang kasi hehe.. Welcome sa grupo."

Hahaha. Hindi po, actually. Nickname ko po yan na bansag sa'kin nung may topak na kaibigan ko. Pero hawig din jan pangalan ko. XD

At salamat po sa pag-welcome. ^___^


message 794: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Berto wrote: "Naks...dumadamubs! haha!"

Ayos ba idol ????


Chibs... walang anuman,. alam mo naman kami dito, magigiliw talaga sa mga newbie:)) Alam yan ni Berto saka ni Po.


message 795: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Jhive wrote: "Chibs... walang anuman,. alam mo naman kami dito, magigiliw talaga sa mga newbie:)) Alam yan ni Berto saka ni Po."

Haha! Okay, sabi mo eh. Pero mejo lurker na talaga ako dito simula nung December, ngayon lang ako nakapagpakilala. XD


message 796: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Chibivy wrote: "Haha! Okay, sabi mo eh. Pero mejo lurker na talaga ako dito simula ..."

Sana naman, mapadalas ka dito :))) Nalulugod talaga kaming nakakakilala ng mga bagong kaibigan.


message 797: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Jhive wrote: "Sana naman, mapadalas ka dito :))) Nalulugod talaga kaming nakakakilala ng mga bagong kaibigan."

Muka namang accommodating at friendly kayo e kaya mukang mapapadalas ako dito. =D


message 798: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Nice nice :)))


message 799: by Vanessa (new)

Vanessa Baroña | 12 comments Hi Ivy! (makiki-welcome narin po ako) haha XD welcome sayo at nararamdaman kong mag-eenjoy ka rin dito. :)


message 800: by Ivy Bernadette (new)

Ivy Bernadette (chibivy) | 836 comments Vanessa wrote: "Hi Ivy! (makiki-welcome narin po ako) haha XD welcome sayo at nararamdaman kong mag-eenjoy ka rin dito. :)"

Hi Bane! Mwahahaha! Ngayon lang ako nakapagpakilala dito eh! Inggit ako sa pics mo sa FB kahapon ba yun. =))


back to top