Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 701-750 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 701: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, maligayang pagsali sa pangkat kawayan este pangkat ng mga pinoy na mahilig sa panitikang anak-pawis hahaha.

Basta, welcome! :)

(Nagulat kasi ako dahil akala ko ikaw ay yong Patrick na kilala ko...)


message 702: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments Maligayang pagsali sa pangkat Patrick!


message 703: by Rise (new)

Rise Welcome, Patrick! Marami kang madidiskubre dito, mapakaibigan o mapalibro.


message 704: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Feb 03, 2013 12:04PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang pagsali patrick...para sa edsa rebolusyon kalayaan! malaya ka na rin maka-babasa ng Pinoy Books


message 705: by Janielle (new)

Janielle De Leon (janielledeleon) | 11 comments Pangalan: JanielleDL, kasalukuyang nag-aaral sa kursong AB Mass Komyunikasyon (Journalism)
Mga Paboritong Manunulat: Ricky Lee, Ronald Molmisa, Bob Ong, Balagtas, Marcelo H. del Pilar, Amado V. Hernandez, Jose Rizal
Paboritong Libro: Para Kay B at Stainless Longganisa
Bakit Sumali: Sa katunayan, ako ay nadala ng matinding kuryosidad sa grupong ito at sinubukang makihalubilo sa mga katulad kong mambabasa ng akdang Pilipino.
Salamat sa inyong mainit na pagtanggap. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang pagsali Janielle, nawa'y maging malaya ang pagpapahayag mo dito at sabuyan kami ng init ng iyong pagbabasa.


message 707: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments K.D. wrote: "Patrick, maligayang pagsali sa pangkat kawayan este pangkat ng mga pinoy na mahilig sa panitikang anak-pawis hahaha.

Basta, welcome! :)

(Nagulat kasi ako dahil akala ko ikaw ay yong Patrick na k..."


Nagulat din po ako eh kasi po may biglang naginvite sakin sa grupo tapos mukhang private pa po ito :)
Pero salamat parin po


message 708: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments Maraming salamat po! Ara, Rise and Po :)


message 709: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hi Janielle! Welcome sa PRPB! Mabuhay ang mga mag-aaral ng Pangmadlang Talastasan! Hahaha! :D
Paborito ko rin manunulat si Ka Amado at binabasa ko sa ngayon ang kanyang Mga Ibong Mandaragit. :)


message 710: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, oo noong una, private-privatan kami hahaha. Pero ngayon, public na at sobrang bilis dumami ang mga miyembro. Kaso, bihira ang gaya mong nagpapakilala. Mga lurkers marami. Kaya, mabuhay ka! Magiting na alagad ng panitikang Filipino! Ikaw na!!! :)

Janielle, ikaw rin, mabuhay! Salamat sa pagsali sa ating pangkat na nagpapahalaga sa sarili nating mga aklat. Maraming groups dito sa GR, pero tayo lang ang talagang aktibo at naka-focus sa Philippine Literature. Mabuti't naging curious ka noong makitang aba, mayroon palang ganitong grupo (patungkol sa PIREPIBO). :)


message 711: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments K.D. wrote: "Patrick, oo noong una, private-privatan kami hahaha. Pero ngayon, public na at sobrang bilis dumami ang mga miyembro. Kaso, bihira ang gaya mong nagpapakilala. Mga lurkers marami. Kaya, mabuhay ka!..."

Hahaha!:) Nagsimula lang po magbasa ng librong Filipino nung Jan. po pero nung HS po namin naalala ko pinagbasa po ata kami nung Anino ng Kahapon ska Bulaklak ng City Jail para sa Filipino subject namin


message 712: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nabasa ko na ang "Bulaklak ng City Jail" ni Lualhati Bautista. Nagustuhan ko yan.

Maganda ba ang "Anino ng Kahapon"?


message 713: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments Ang naaalala ko lang po sa Anino ng Kahapon ay naguluhan po ako pero anim na taon na po yun eh nung 2nd year HS palang po ako siguro pag sinubukan ko po ulit siya basahin ngayon baka maintindihan ko na po hehe


message 714: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabasa at babalitaan kita kung ang kagaya ko ay malilito rin haha.


message 715: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Gigi Patrick at Janielle, maligayang pagdating sa kuweba ng pinoy books lovers hahahahaha


message 716: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Natawa ako sa kuweba! HA HA HA


message 717: by Nibra (last edited Feb 05, 2013 12:20AM) (new)

Nibra Tee | 598 comments Magandang hapon sa inyong lahat. Ako nga pa la si Nibra, dalawampu't dalawang taong gulang. Pwede nyo akong tawaging Nib, HUWAG lang Bra. Parang awa nyo na.

Ayon sa aking lisensya, ako ay isang inhinyerong kimiko. Ngunit ako'y kasalukuyang namamasukan bilang isang kimiko. Labag yon sa aming batas pero wala akong pakialam. Kahit inhinyero, mahina ako sa matematika. Ngunit alam kung mas maraming mahina sa akin. May kutob akong karamihan dito ay mas mahina sa akin. *TAWA*

And paborito kung lokal na manunulat ay yong mga sumusulat ng porno sa mga tabloid. Biro lang. Si Rizal na lang, dahil sya lang talaga naalala ko.

And paborito kung aklat ay "Huwag Mo Akong Hawakan" (Chos. Noli Me Tangere, ano ba sa Tagalog yan?XD) at ang "Ang Pilibustero". Namatay si Ibarra, ang saya-saya. Sapilitan to nung hayskul kaya wala akong magagawa. Nabuhay ako kakabasa ng buod. :)))

JUSKO! Si Rizal lang kilala ko!


message 718: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Nibra! Kamusta? Maligayang bati! :D


message 719: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Biena: Hello rin. Eto pansamantala muna naking itinigil ang pagbabasa. Ikaw kamusta! haha

- - -

Tanong: Hinde ba saklaw ng forum na 'to ang mga aklat na pinoy ang may akda ngunit sa wikang banyaga??

Baguhan lang ako sa panitikang Pilipino, at kababasa ko lang ng mga naunang komento. Parang di ako nararapat dito. :c


message 720: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments Beverly wrote: "Gigi Patrick at Janielle, maligayang pagdating sa kuweba ng pinoy books lovers hahahahaha"

hahahaha nakakatawa po yung kweba


message 721: by Rise (new)

Rise Janielle wrote: "Bakit Sumali: Sa katunayan, ako ay nadala ng matinding kuryosidad..."

Welcome, Janielle!


message 722: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Nibra wrote: "Biena: Hello rin. Eto pansamantala muna naking itinigil ang pagbabasa. Ikaw kamusta! haha

- - -

Tanong: Hinde ba saklaw ng forum na 'to ang mga aklat na pinoy ang may akda ngunit sa wikang banya..."


Nagbabasa kami ng mga ganung aklat Nibs, kung mapapansin mo, kakabasa lang namin ng Po-On ni F. Sionil Jose. :)


message 723: by Rise (new)

Rise Nibra wrote: "Noli Me Tangere, ano ba sa Tagalog yan?XD) at ang "Ang Pilibustero"..."

Welcome, Nib! Ang Tagalog ng Noli ay "Lumayo Ka Nga sa Akin", kagaya ng nobela ni Bob Ong. hahaha.

Sa Fili mas angkop siguro ang Subersibo o Anarkista. Iba na kasi ang modernong kahulugan ng Pilibustero.


message 724: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments ^ Ang dami ko talaga natututunan sa'yo Rise. Di ko alam na may ganun palang salita. Anarkista. :)


message 725: by Rise (new)

Rise Biena wrote: "Di ko alam na may ganun palang salita. Anarkista. :)"

Hardcore ang anarkista. Parang ilang Pirepibo members lang. haha.


message 726: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Rise: Ginaanan ko na nga eh :))) Dapat kasi yong pamagat ay Bawal Manghipo.

Ay oo nga pala. Tumutukoy pala sa tao ang pilibustero. xD


message 727: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nib, laging ka dadalaw dito. Gusto ko ang mga patawa mo. Sumisigla ang mga threads hahaha.


message 728: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
May di pala ako nasagot.

Nibra, saklaw natin dito ang mga librong sinulat ng mga Pinoy (kahit may dugong Pinoy lang kagaya ng mga Fil-Ams) na sinulat sa wikang banyaga. Kahit di limbag dito sa atin, okay lang.

Saklaw din natin dito ang mga librong banyaga na tungkol sa Pilipinas o (mga) Pilipino basta makatotohanan at positibo ang pagtalakay o paglalarawan.

Saklaw din natin ang mga librong banyaga ngunit nasalin na sa Filipino. Basta ang binabasa natin o nabasa natin ay iyong Filipino. Maari ring Ingles kung ang nagsalin ay Pilipinong manunulat o taga-salin.


message 729: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Medyo huli na pero mas mainam na kesa hindi :))

MALIGAYANG PAG-ANIB SA KILUSAN GIGI, PATRICK, JANIELLE, AT NIBRA #ICAPSLOCKMOPARAINTENSE :))


message 730: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments KD: Ahh. cge maghahanap ako ng babasahin. papatulugin ko lng muna si J. Smith at pupukawin si J. de la Cruz. tsos. x)

Meron mga babasahing pinoy ang kasama ko sa bahay. kaya lang Precious Heart Romances present Cadena de Amor series. Nakakapanindig balahibo. Biro lang. Baka may fan dito na magwala :)))


message 731: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Jhive: maraming salamat at malugod nyo akong tinanggap sa inyong kilusan na nakabase sa isang kweba. :)))


message 732: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nakakatuwa talaga ang sense of humor mo, Nibra. Nakakatawa ka!

Puwede namang sabay si J. Smith at J. de la Cruz. Karamihan sa amin, ganyang din. Ako ngayon, Ave Perez Jacob at Javier Marias. Sabay! Pagsawa roon sa una, punta roon sa ikalawa. Magsasabay matatapos silang dalawa.

Bakit kaya naisip ni Beverly ang kuweba? hahaha.


message 733: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha e kesa naman lungga! or headquarters? hahahah! welcome nibra! napakakulit mo sigurong chemist! hahahaha! at natawa ako kay Jhive sa maligayang pag anib sa kilusan josko mamya may intel pala dito seryosohin tayo hahaha


message 734: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Checkpoint! Atimonan! hahaha.


message 735: by [deleted user] (new)

HAHAHAHA! WELKAM! WELKAM! :)))))

Jhive: Napaka-intense nga..sama sama na sa kilusan! :))
BANZAIIIIII!!! ay Hapon pala yun..hahaha..


message 736: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Isa kang makapili?


message 737: by Rise (new)

Rise miyembro ng Magdalo? Magdiwang? Maggeytkrash?


message 738: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments bolsheviks!!! hehe


message 739: by Patrick (new)

Patrick  (rickjohn09) | 9 comments Tayo'y maghanda at ilabas ang mga sandata! Sugod mga kapatid! haha


message 740: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Anib? ngayon ko lang ulit nakita ang ganitong salita. Anib
(ma-copy paste nga para intense)
ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB ANIB
LOL


message 741: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments ku klux klan
***


message 742: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Alkayda!


message 743: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Mean Girls


message 744: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Griselda Blanco, Roseta Cutolo, Enedina Arellano Felix, Arlyne Brickman, Stephanie St. Clair


message 745: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahaha kung may intel nga, mawiwindang sila sa atin!


message 746: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments Mga Kahibangan.


Bow.


message 747: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Epekto ng kemikal sa katawan!


message 748: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hello sa mga bagong salta sa PIREPIBO.

Ako po si jzhunagev.

Single.

Kayumanggi.

Katamtaman ang taas.

At MALAKI!
.
.
.
.
.
.
.
.

Ang pagmamahal sa Panitikang Pilipino!

Dahil sobra, labis-labis at nag-uumapaw ang pagmamahal ko, nais ko naman itong ibahagi sa iba.

Kaya kung wala kang gagawin sa Balentayms at magmumokmok dahil single ka't walang ka-date, maari mo akong dalhan ng PM dito sa Goodreads kung nais mong lumabas, maglibot-libot sa bookstores, kumain, basahan kita ng mga romantikong tula at kung anu-ano pang kaechosan na ginagawa tuwing araw ng mga puso, narito lang ako.

Ha ha ha ha! :D

(Uy, di naman sa nangdi-discriminate ako, pero for girls lang ang offer ko. *tawa uli*)


message 749: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Assuming na may guy na gustong makipag-valentine's sa yo hahaha.


message 750: by Nibra (new)

Nibra Tee | 598 comments di ako makamove on sa pinagsasabi ni pareng jzunaghev. SOBRANG nakakakilig, parang gusto kong mang-hagis ng maraming street kids sa bangin. -.-

joke.


back to top