Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 601-650 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 601: by [deleted user] (new)

jzhunagev wrote: "Maligayang Pasko at maligayang pagdating din sa aming munting grupo, *Clai?

Matanong lang, bakit may asterisk pangalan mo? :)"


Hahaha! Dahil binago ko ang aking pangalan dito sa Goodreads! nagsisilbi itong parang koreksyon? hahaha.. :)

K.D. Simple lang naman ang ginawa naming Book Outreach Program..sa katunayan nga, medyo nahirapan kami sa pag-enganyo sa mga kapwa naming estudyante (sa mismong hayskul lang din kasi namin kami nagsagawa ng outreach program..sa ibang section nga lang..)

Maganda din ang ideya ni Jho! Pag medyo mga bata naman ang napili natin na puntahan..maaring maghanda din tayo ng mga munting skit na kasabay ng storytelling.. :)


message 602: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rmae, "Canal de la Reina" pa lang ang nabasa ko kay Liwayway Arceo. Kita mo na, mas advance ka sa akin! Balitaan mo kami ha?

*Clai, maganda nga ang ideya ni Jho.


message 603: by ehMi (last edited Dec 28, 2012 10:54PM) (new)

ehMi leYn ~❤ (ehmileyn) tnx all..
try ko hanapin yung sinugest yu K.D.
mukhang interesting hehe (>‿◠)✌


K.D. wrote: "Kung medyo bantulot ka pa magbasa ng Tagalog, subukan mo muna ang Taglish para di nosebleed. Try mo ang "It's a Mens World" ni Bebang Siy. Meron kaming thread na puwede kang mag-comment anytime. May sasagot sa iyo."


message 604: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hi Rmae!

Welcome sa PRPB! Idolo ko rin si Nick Joaquin. Subukan mong basahin ang mga threads at paniguradong kapupulutan mo ito ng ng iba't ibang suhestiyon. :)

Kay *Clai, ako'y nalinawanagan na. ;)


message 605: by Rmae (new)

Rmae | 3 comments Salamat sa inyo!

Nung highschool aq, may nbasa akong excerpt ng canal de la reina.. Mukhang maganda ang istorya..


At oo, nabasa q na nga yung ilan sa mga threads. Okay na okay ung mga posts at comments. Nakabuo na ako ng listahan ng mga babasahin para sa susunod na taon!


message 606: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Good luck, Rmae! Salamat sa pagbibigay ng suporta sa ating Panitikin; sa una't huli walang magmamahal nito kung di tayo lang. ^_^


message 607: by Mara (last edited Dec 31, 2012 03:58AM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Welcome sa grupo, Ehmi at Rmae!

Itay KD may maliit po kaming catering business, katulong ko po tita ko. Meron din akong maliit na business, gumagawa po ako ng mga handmade jewelries at gumagawa din po ako ng mga pastries.

Medyo naging busy ngayong december, dami po kasing parties at mga orders kaya un. Nagpapakabusy habang hinihintay ang visa.


message 608: by ehMi (last edited Dec 30, 2012 03:39AM) (new)

ehMi leYn ~❤ (ehmileyn) thanks mara ^^
it's ehmi hahaha and hello na din kay rmae, my fellow newcomer :)

maitanong ko lang..
yung sinugest ni K.D.
"It's a Mens World" ni Bebang Siy

..may downloadable ebook ba nito like epub or mobi??
or kelangan bilin sa bookstore :P

also nung kay bob ong?? madalas ko ng madinig yung name nya.. pero wla prin me nababasa na book nya e..

yung kay jessica zafra books, need namin bilin..
baka may alam kyo guys na site where we can download
or maybe a pinoy bookstore na discounted yung mga price nila?? nagre-range din ksi sa php200 yung prices..


message 609: by [deleted user] (new)

Ginoong KD! Matutuloy po ba ang ating POPS? Maaring mag-open na tayo ng sariling thread na nakalaan para sa gawaing ito..Lubos kong pinapahayag ang aking pagsuporta sa nasabing gawain.. :)


message 610: by K.D., Founder (last edited Dec 30, 2012 07:14PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, napakasipag mo talaga. Mana ka sa inang mo hahaha. Sigurado akong malayo ang mararating nga masisipag na batang kagaya mo.

Ehmi, bili ka na lang sa National. Wala pang P200 ang kopya. Parang may plano na yatang magkaroon ng Pangatlong Limbag ang aklat na yan ni Bebang Siy. Kaya't sigurado akong magugustuhan mo kagaya ng pagkagusto naming lahat!

May specific link kami (courtesy ni Rise) sa isa sa mga threads kung saan ka puwedeng bumili ng libro on line. Tungkol naman sa downloadable copy ng ebook, mayroong ilang luma't klasikong mga nobela sa Project Guttenberg. Ang anak kong si Mara ang nakatuklas nyan (masipag na mapagsaliksik pa).

*Clai, sana gusto kong matuloy. Pero hindi muna sa lalo't madaling panahon. Nagpaparami muna tayo ng mga miyembro. Tatlong buwan pa lang ang grupo. Parang masyadong mamamadali. Tsaka dapat ipinaplanong maigi dahil baka maging half-baked tapos unang sabak at di na maulit :)

Kung may suhestiyon ka tungkol dito, puwede mong ilagay doon sa thread na may pamagat na "Mga Suhestiyon." Doon na lang muna. Mahirap pa rin kumilos ngayon dahil holiday pa.


message 611: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Ehmi pasensya kana, nagkamali ako ng type. Napalitan ko na.

Itay KD syempre Itay, kanino paba ako magmamana? Sa masipag at mabait kong Amba at Inang lang :)


message 612: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maligayang bagong taon, Mara anak!


message 613: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Maligayang bagong taon, Mara anak!"

Salamat, Itay! Ganun din po sa inyo ni Inang at Jillian


message 614: by MJ (new)

MJ (mjrafal) | 319 comments ayus itong group na ito...at nakatataba ng puso na ang Agos e binabasa at babasahin. :)


message 615: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mj, salamat sa pagsali sa Pinoy Reads Pinoy Books.

Maari bang malaman bakit tumataba ang puso mo dahil binabasa namin ang "Mga Agos sa Disyerto?"


message 616: by ehMi (last edited Jan 04, 2013 06:08AM) (new)

ehMi leYn ~❤ (ehmileyn) ok lang yun mara haha!!
navisit ko na pala yung Project Gutenberg!!

andami book dun na gusto ko basahin din like Beowulf, Les Misérables at andaming about dragon books na pwedeng idownload!! :D

thanks for sharing your find mara ^^
maligayang taon sa inyo!!
maraming salamat sa mga nagwelcome :)

Mara wrote: "Ehmi pasensya kana, nagkamali ako ng type. Napalitan ko na."


message 617: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ehmi, dahil blocked na ang GR sa office, PG (Project Guttenberg) na rin ako pag lunch break. Nakakatapos ako ng libro pero matagal. Tsaka di ko ma-bookmark yong page kung saan ako tumigil. Laging bumabalik sa page 1. HTML ang file na ino-open ko kasi mas eye-friendly at nakukuha ang mga pictures.

O may hindi ako alam gawin?


message 618: by Karl Marx (new)

Karl Marx S.T. (marcothebookeater) | 20 comments hello po sa lahat, happy reading. :)


message 619: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ehmi, salamat. Susubukan ko yang sinasabi mo sa Monday. Ayan, meron pala akong di alam.

Karl, maligayang pagdalaw! :)


message 620: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments ako po si Ineng! :)

paborito kong manunulat sina BOB ONG, tinatangkilik ko rn si Eros Atalia. :)

Paboritong Librong Lokal: ang paboritong libro ni Hudas

may mga nabasa na akong maiikling kwento pero karamihan ay di ko matandaan ang titulo nito. hekhekhek x)

dahilan ng aking pagsali ay upang magkaroon ako ng kasama at makakausap dito sa GoodReads.


message 621: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Aba'y ikinalulugod kong ang iyong pagsali sa aming grupo, Ineng. Tuloy!

Huwag kang mag-alala, Ineng, handang akong umalalay at maging mong kasama't kausap. :)

Kabait ng pangalan ng batang ire!


message 622: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments jzhunagev wrote: "Aba'y ikinalulugod kong ang iyong pagsali sa aming grupo, Ineng. Tuloy!

Huwag kang mag-alala, Ineng, handang akong umalalay at maging mong kasama't kausap. :)

Kabait ng pangalan ng batang ire!"


hahah! mraming salamat naman kung ganoon! :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Salamat sa pagsali Ineng. Nawa'y maging masaya ka rito at marami ka pang mabasang libro. Andito lang ako sa tabi mo.


message 624: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Yes naman si Po. Da moves! Hahahaha! X`D


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments haha! ginaya lang kita idol jzhun haha!


message 626: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Salamat sa pagsali Ineng Welcoooome! Wag ka mahihiya ah, may konyat pag shy type. hahaha joke lang :) Feel at home! Parehas pala tayong reader ni BO at EA. :)


message 627: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ineng, tuloy ka sa paraiso ng mga nagbabasang Pinoy!


message 628: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Welcome sa PRPB, Ineng! :)


message 629: by [deleted user] (new)

Huli na ba ko?

Pangalan: Caryl/Agatha
Nakabasa na ko ng gawa ni Nick Joaquin, Bienvenido Santos, F. Sionil Jose, yung dalawang nobela ni Jose Rizal, isang aklat ni Bob Ong, isang aklat ni Leon Ma. Guerrero at ilang maiikling kwento na sulat ng mga Pilipinong manunulat na nakalagay sa Filipino textbooks ko. Naalala ko medyo na-wirduhan ako sa sulat ni Nick Joaquin; at hindi ko na-gets kung ano yung pinapahiwatig ng The Portrait of the Filipino as an Artist. Balak ko siyang balikan. Natatandaan ko na nagustuhan ko ang Miss Samonte ni B. Santos. Naaliw ako kay Bob Ong pero parang pseudo-hipster na may pagka-politikal tingin ko sa kanya. Bilib ako kay Jose Rizal at sa nadulot ng kanyang dalawang aklat. May nakapagsabi dati na katumbas ito ng Don Quixote ng Espanya kasi binibigyan daw kasaysayang ng Noli at Fili ang pagka-Pilipino natin. Pero sa tingin niyo ba literary equivalent ng Noli at Fili ang Don Quixote? Pero idol ko pa rin si Rizal. Paborito kong basahin ang essays ni F. Sionil Jose. May dalawa kaming anthology ng essays niya. Karamihan sa essays sa dalawang libro na yun nabasa ko na ata. Pero di ko pa nababasa from cover to cover.

Kakabasa ko lang pala ng The Gangster of Love ni Jessica Hagedorn. Filipino dapat siya e. Nakakaaliw basahin yung libro pero para sa 'kin walang lalim. Hindi ko makita yung pagka-Pilipino niya. Parang nawala na talaga siya kultura ng Amerika? Ewan.

Yan pa lang ang love story ko sa Philippine literature.

Paboritong manunulat na lokal: F. Sionil Jose
Paboritong librong lokal: The Pretenders ni F. Sionil Jose

Bakit sumama sa group: Nakakatuwa at maganda kasi yung advocacy ng group na 'to. Saka gusto ko sana matanggal yung prejudice ko dun sa Filipino section sa bookstore. Lagi akong nagdadalawang isip pag bibili ako ng librong sulat ng Pinoy e. Pangit na nakagawiang kaisipan.


message 630: by Apokripos (last edited Jan 11, 2013 05:10PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa PRPB, Caryl!

Paborito ko si Nick Joaquin! Hamo, kapag nagkita tayo pag-usapan natin ang kanyang dulang obra kasama ang kanyang mga maiikling kuwento na ang mga paborito ko ay May Day Eve at Doña Jeronima.

Kasalukuyan kong binabasa ang Rosales Saga ni F. Sionil José, at inuna ko nga rito ang The Pretenders (suwail at masokista ako dahil di ko sinundan ang internal chronology ng mga nobela) na lubos ko ring nagustuhan: malalim at malaman ang socio-political na mensahe ng aklat. Ngayo'y nasa ikatlong libro na ko, My Brother, My Executioner.

Sana'y lagi kang bumisita sa aming munting grupo at sumali sa iba't ibang talakayan.

Salamat! :)


message 631: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Caryl, tama lang ang pasok mo. Lahat dito on time.

Di ko pa nasubukan si Leon Ma. Guerrero at yong mga nobelang binanggit mo ni F. Sionil Jose. Pero pangako ko sa sarili ko na babasahin lahat ng aklat ni F. Sionil sa loob ng 2013. Dineklara namin ang taong ito na "Taon ni F. Sionil Jose" at inuumpisahan namin sa pagbabasa ng Rosales Saga. Kapag nagkapanahon si Rise (na naka-destino sa Palawan) ay magdadaos kami ng panayam kay F. Sionil sa kanyang limbagan at tindahan na "Solidaridad Bookstore" sa P. Faura sa Maynila. Sana makasama ka.

Di ko pa rin nabasa ang "Don Quixote" pero yan ang sinasabing "Most Meaningful Novel." Pero nabasa ko na ang "Les Miserables" na sinasabing "Noli" ng Bansang Pransiya.

Di ko pa rin nasampolan ang akda ni Jessica Hagedorn. Pero mayroon ako ng "Dogeaters." Hala, lahat nang nabanggit mo wala akong alam at parang gusto ko tuloy na basahin silang lahat para di ako nangangapa ng isasagot sa iyo. :)

Basta, tama si Jzhun. Sana makarating ka sa isang event. Pero kung hindi man, puwede namang mag-discuss dito. Halimbawa, ang "Portrait" ni Nick Joaquin? Ito ay tungkol sa Marasigan Sisters na mayaman dati ang pamilya. Pero dumating ang mga hapon at matanda na ang kanilang mayamang tatay kung kaya't peligroso ang katatayuan nila lalo na't matatandang dalaga at walang maaasahang lalaki sa malaking bahay nila sa Intramuros. Puwedeng bigyan ng interpretasyon na sila ang mga Pilipino nahuli sa pagbabago ng panahon: tungalian ng tradisyon at pagsulong. Sinisikap ng Marasigan sisters na walang mabago sa mansiyon at hindi sila aalis doon kahit lumilikas na ang mga tao. Yon lang, spoilers na kung ikukuwento ko ang lahat. :)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments maligayang pagpapakilala Caryl...
maligaya din ako sa iyong pagdating...
gaya ni Rizal,bilib din ako sa mga nabasa mo...


message 633: by Rise (new)

Rise Welcome, Ineng! Welcome, Caryl.

Walang late sa pagpapakilala dito. Kaya yung mga di pa nagpapakilala, post na.


message 634: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Okay na rin. Nako-kornihan siguro. Mas maganda rin magpakilala muna. Pero nakikilala rin naman katagalan kasi pag nagpo-post na, lalabas din ang mga personal na karanasan o mga paboritong libro o manunulat.


message 635: by Ineng (new)

Ineng | 10 comments jzhunagev wrote: "Yes naman si Po. Da moves! Hahahaha! X`D"

hahahaha! xD

~~
hahaha nakakatuwa naman kayo!
ngayon pa lang eh masaya na akong masali sa grupo! xD

see you sa mga thread!!


message 636: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Welcome, Ineng! Yayayain kitang sumaling magbasa ng Rosales saga...kakasimula lang namin sa Po-on. ^_^


message 637: by [deleted user] (new)

jzhunagev wrote: "Maligayang pagdating sa PRPB, Caryl!

Paborito ko si Nick Joaquin! Hamo, kapag nagkita tayo pag-usapan natin ang kanyang dulang obra kasama ang kanyang mga maiikling kuwento na ang mga paborito ko ..."


Immature pa ang mga opinion ko, kuya! Sixteen pa lang ako kaya hindi credible ang mga pinagsasabi ko. Pero masaya akong makikinig sa mga sasabihin niyo.

Paborito ko ang The Pretenders! Paborito kong quote: “Sometimes you look at yourself in the mirror, any mirror, and you wonder why that nose looks as it does, or those eyes--what is behind them, what depths can they reach. Your flesh, your skin, your lips--you know that that face which you behold is not yours alone but is already something which belongs to those who love it, to your family and all those who esteem you. But a person is more than a face or a bundle of nerves and a spigot of blood; a person is more than talking and feeling and being sensitive to the changes in the weather, to the opinions of people. A person is part of a clan, a race. And knowing this, you wonder where you came from and who preceded you; you wonder if you are strong, as you know those who lived before you were strong, and then you realize that there is a durable thread which ties you to a past you did not create but which created you. Then you know that you have to be sure about who you are and if you are not sure or if you do not know, you have to go back, trace those who hold the secret to your past. The search may not be fruitful; from this moment of awareness, there is nothing more frustrating than the belief that you have been meaningless. A man who knows himself can live with his imperfections; he knows instinctively that he is part of a wave that started from great, unnavigable expanses.” Hindi ko nagustuhan My Brother, My Executioner. Parang pretentious yung pagkakasulat. Parang nagpapakamalalim na ewan. Siguro hindi ko lang talaga naintindihan ano sinasabi ng nobela. Wala kasi akong alam dun sa history ng pinangyayarihan ng nobela e.


message 638: by [deleted user] (new)

K.D. wrote: "Caryl, tama lang ang pasok mo. Lahat dito on time.

Di ko pa nasubukan si Leon Ma. Guerrero at yong mga nobelang binanggit mo ni F. Sionil Jose. Pero pangako ko sa sarili ko na babasahin lahat ng a..."


Gusto ko yung interpretasyon mo run sa play ni Nick Joaquin. Babalikan ko yung play na yun bago magbakasyon, peksman.

Na-meet ko na pala si F. Sionil sa personal!!! Nagtanong ako sa kanya at naiyak ako sa sagot niya. Meron kasi akong dinaluhan na parang seminar(?), basta event na tungkol sa kanya. Tapos dun sa Q&A portion tinanong ko sa kanya: "What would you say to a sixteen-year-old girl who loves learning but hates school?" Na-touch lang ako sa sinabi niya di ko alam kung bakit. Napaluha ako kahit walang nakakaluha dun sa sagot niya. Nag-fangirling moment lang siguro ako.

Di ko pa rin nababasa ang Don Quixote. Theory ko lang yun base sa mga naririnig ko ukol sa nobela na iyon.

Sasama ako sa mga gala ng grupong ito!!!....kapag pinayagan ako ng ninja kong nanay.


message 639: by [deleted user] (new)

Rise wrote: "Welcome, Ineng! Welcome, Caryl.

Walang late sa pagpapakilala dito. Kaya yung mga di pa nagpapakilala, post na."


Salamat sa pag-welcome! Salamat sa pag-welcome niyong lahat! :)


message 640: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments @Caryl- anu bang ang sinagut nya sa tanong mo?


message 641: by Rise (new)

Rise Ako din na-curious sa sagot ni FSJ!


message 642: by Rise (new)

Rise Caryl wrote: "Hindi ko nagustuhan My Brother, My Executioner. Parang pretentious yung pagkakasulat. Parang nagpapakamalalim na ewan."

Binabasa ko sya ngayon. Di pa ako nangangalahati pero parang ayaw ko rin sa kanya.


message 643: by Rise (new)

Rise Caryl wrote: "May nakapagsabi dati na katumbas ito ng Don Quixote ng Espanya kasi binibigyan daw kasaysayang ng Noli at Fili ang pagka-Pilipino natin. Pero sa tingin niyo ba literary equivalent ng Noli at Fili ang Don Quixote?"

Ang alam ko naimpluwensyahan nga ni Cervantes si Rizal dahil nabasa nya (yata) ang Don Q sa Spanish noong bata pa sya. Pero parang medyo malayo ang content at style ng Don Q sa Noli at Fili. Ang isang pagkakapareho ay pareho silang 2 parts, at yung 2nd part ay sinulat bilang reaksyon sa nauna.


message 644: by [deleted user] (new)

Ayban wrote: "@Caryl- anu bang ang sinagut nya sa tanong mo?"

Una, tinanong niya ano ba raw gusto ko maging. Sabi ko manunulat. Sabi niya read a lot, write, write, observe people. Tinanong niya kung may journal ako sabi ko oo. Keep a journal daw. Huling sinabi niya: "Make something profound out of something common and mundane." Sinulat ko yan sa likod ng The Great Gatsby ko! Naluha ako kasi dinamdam ko talaga na kinakausap ako ni F. Sionil ngayon!!! Tapos ang bait niya magsalita (pakiramdam ko). Nakakatawa ako hahaha.

Nakakatuwa nga e, pagpasok niya dun sa place sabi niya:"Thank you for welcoming me like a rockstar (sinulat ko rin sa likod ng TGG ko. Yan yung "currently-reading" ko nung panahon ng event na yan.)." Sobrang lakas kasi ng palakpakan pagpasok niya!


message 645: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome Ineng at Caryl


message 646: by Heldervert (new)

Heldervert | 11 comments welcome caryl


message 647: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments welcome sa mga bagong dating dito sa PRPB, the coolest book club in the pinas! hahahaha! (churi churi ngayon lng nagparamdam eehhehe)


message 648: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Caryl, cool talaga si F. Sionil Jose.

Uy, Bebang. Ayos lang yan. Ako, twice a day na lang nago-online. Bawal na sa office hahaha.


message 649: by Ara (new)

Ara (aryani23) | 253 comments hello! pwede pa bang sumali? Dahil kay Paolo kaya bigla kong naisipang gawing active ang account ko dito at mukhang hindi nga ako nagkamali, mukhang masaya dito

Nagsimula ang aking hilig sa pagbabasa nung nakatapos na ako ng pag-aaral, siguro dahil sa katamaran lang gumawa ng book report kaya ayaw kong magbasa. Ang naalala kong manunulat/ kwentista na binabasa ko noon ay si Edroza-Matute. Nang makapagtrabaho ako sa isang bookstore at naimpluwensiyahan ng mga taong mahilig sa libro, doon ko unang nakilala si Bob Ong.

Mga paborito kong manunulat: Bob Ong, Ricky Lee at Martha Cecilia. Napagtanto kong malayo na rin ang narating natin pagdating sa mga Tagalog Romance Pocketbook o siguro hopeless romantic lang ako.

Gusto ko pang lawakan ang aking daigdig sa mundo ng Panitikang Pilipino, kaya ako sumali sa grupong ito.

Ako po si Ara, mabuhay tayong lahat!


message 650: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa aming munting grupo, Ara, ang aming bagong rekrut!

Saang bookstore ka pala nagtatrabaho? Baka makahingi ako ng kaunting discount. Hahaha! :D


back to top