Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 501-550 of 2,779 (2779 new)    post a comment »

message 501: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sige. I-PM mo sa akin, dito sa GR, ang email add mo.

Marami kasi sa 1001 na wala pa ako, ay talaga hard-to-find na. Minsan kahit sa Amazon wala. O kung meron man eh nasa original language o sobrang mahal.


message 502: by Claire (new)

Claire | 13 comments K.D. wrote: "Cherie, puwede kitang padalhan. May isa akong friend dyan na nagswa-swap kami. Inihahanap nya ako ng books sa second-hand bookstores particularly 1001 books na wala pa ako. Tapos pag may nakita sya..."

Pwede rin ba akong makipag-swap sa 'yo? :)


message 503: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ha? Meron rin palang taga-Canada dito? Oo nga pala. Di pa kasi ako nakarating dyan. May mga tindahan ba dyan ng second-hand books? Sorry, taga Winnipeg ang Ate ko pero walang kahilig-hilig magbasa. Kinakati raw sya pag nakahawak ng libro. Kakatawa tuloy mag-ingles yon. Tapos nagbiro ang kapalaran, siya pa ang obligadong mas madalas mag-ingles sa trabaho at kahit sa labas ng trabaho. Sa San Diego, may mga second-hand book stores pero pakiramdam ko mahal din.

Sabagay bakit ba hindi. Teka, ibang list ang ipapadala ko sa iyo para di kayo mag-doble ni Cherie. Pakihintay na lang sa PM. Baka mamaya pag may oras.


message 504: by Claire (new)

Claire | 13 comments K.D. wrote: "Ha? Meron rin palang taga-Canada dito? Oo nga pala. Di pa kasi ako nakarating dyan. May mga tindahan ba dyan ng second-hand books? Sorry, taga Winnipeg ang Ate ko pero walang kahilig-hilig magbasa...."

Madaming thrift stores dito at book fairs, dun ako madalas kasi hindi ko rin naman ma-afford bumili ng brand new palagi, unless kailangan kaagad at walang mahanap na secondhand. Karamihan ng libro ko tig $1 or thereabouts. No rush sa listahan. Pero totoo, P950 talaga ang shipping? Ok na sa kin yung surface mail kahit na limang buwan dumating haha.


message 505: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments Claire wrote: "K.D. wrote: "Ha? Meron rin palang taga-Canada dito? Oo nga pala. Di pa kasi ako nakarating dyan. May mga tindahan ba dyan ng second-hand books? Sorry, taga Winnipeg ang Ate ko pero walang kahilig-h..."

Waaah, mura pa yung P950 na shipping, seriously. Siguro isang book lang yung P950 huhu. Alam na alam ko to hahaha. Madugo. Grabe.


message 506: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama, Jho. Isang paperback lang ang P950 sa LBC International.


message 507: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 1004 comments K.D. wrote: "Tama, Jho. Isang paperback lang ang P950 sa LBC International."

Haist... actually, sa post office, halos ganun din, mas mura lang ng konti.


message 508: by Rise (new)

Rise Depende sa bigat ng libro. Heto ang rates nila. Mura talaga pag Surface.

http://www.phlpost.gov.ph/web/interna...


message 509: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Yan din ang palagay ko, Rise. Kasi mas matagal kaya mura. Kaso, pag ang ka-swap mo ay nasa maayos na bansa, yong surface nila (snail mail) ay 2 buwan lang. Sa atin, 5 buwan. Parang tapos ko nang basahin ang libro ko, siya nakanganga pa.


message 510: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hahahahaha JRS express kaya?


message 511: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Maligayang pagdating, Cherie!


message 512: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Di ko pa nasubukan yan JRS pero nakikita ko sa mga malls.


message 513: by javiruchi (last edited Dec 16, 2012 04:33AM) (new)

javiruchi | 53 comments Kumusta!? (Salamat pala kay Phoebe [Hihi!]! Sali na ako!)

Pangalan: Javiruchi

Mga Paboritong Manunulat na Lokal: Amado Hernandez, Edgardo Reyes, Ruth Elynia Mabanglo, Emmanuel Lacaba at Ricky Lee; Angela Manalang-Gloria, Estrella Alfon, Amador Daguio, Ninotchka Rosca, Nick Joaquin, Wilfrdo Ma. Guerrero & Alberto Florentino

Paboritong Librong Lokal: Sa mga Kuko ng Liwanag; State of War

Mga Paboritong Maiikling Kuwento: Wedding Dance ni Amador Daguio at Isang Ulo ng Litson ni Amado Hernandez

Bakit sumama sa group: Talakayin at bigyang-pagpupugay ang panitikang Filipino!


message 514: by Rise (new)

Rise hello, javiruchi! welcome at maraming salamat sa mga binahagi mong favorite writers.


message 515: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Bienvenido javiruchi :) wow dami mong paboritong manunulat..


message 516: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hello javiruchi! ang cute ng name mo! welcome dto sa prpb


message 517: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa Pinoy Reads Pinoy Books, Javiruchi; ang gurong nakausap ko tungkol kay Dostoevsky. :)


message 518: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Javiruchi, tuloy ka sa masalimuot ngunit masayang mundo ng mga adik sa Panitikang Filipino! Maligayang paganib sa PRPB :)

Salamat sa magre-rekrut ng mga kyut, Phoebe.


message 519: by javiruchi (new)

javiruchi | 53 comments Salamat! Hehe! Uhaw na uhaw po ako sa panitikang Filipino kaya pagpupugay sa mga bumubuo ng PRPB!

Jhive: Ou nga pala, si Bienvenido... Lumbera o Santos? Hihi! Panalo mga tula nila.

Kuya Jzhun: Salamat talaga sa payo mo! Napadali 'yung paper ko nung Peb... kahit nakakadugo! Hihi!


message 520: by Apokripos (last edited Dec 17, 2012 11:47PM) (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments javiruchi wrote: "Kuya Jzhun: Salamat talaga sa payo mo! Napadali 'yung paper ko nung Peb... kahit nakakadugo! Hihi!"

Mantakin mo may nabunga ang pagmamagaling ko. Buwahahaha! :D


message 521: by javiruchi (new)

javiruchi | 53 comments Grabe po 'yun... kinailangan ko pang basahin 'yung Thus Spake Zarathustra ni Nietzsche... tangkang pagpapakamtay. Salamat talaga, nagkabuto't laman 'yung paper ko. Hehe!


message 522: by Phoebe (last edited Dec 18, 2012 05:01AM) (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments javiruchi: Uy hi! Haha
Paborito ko rin ang wedding dance! Yey~
Nalunod naman ako sa mga paborito mong manunulat. :)

K.D. wrote: "Javiruchi, tuloy ka sa masalimuot ngunit masayang mundo ng mga adik sa Panitikang Filipino! Maligayang paganib sa PRPB :)

Salamat sa magre-rekrut ng mga kyut, Phoebe."

Kaibigan ko yan, mas marami pang alam sa kin sa panitikang Pilipino (halata naman) kaya naisip kong bagay siya rito :)


message 523: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Parang na-meet ko na yan, Phoebe.

Tama ba, Javiruchi? Sa Eton Centris Asia resto? Ikaw ba yon?


message 524: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Javiruchi -- Simpleng bati lang yung Bienvenido.,. pero tama ka., malupet nga yan kung si Lumbera. heheh


message 525: by Cecille (new)

Cecille (cecillemd) | 27 comments Magandang araw sa lahat!

Pangalan:
Cecille

Bakit sumama sa group:
Mahaba-habang eksplanasyon ito, pagpasensyahan nyo na. Ako ay bahagi ng isang book club sa Shelfari, at ngayong Disyembre ay aming tinalakay ang English translation ng "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal. Ako ay mahilig sa kasaysayan, at ako'y napaisip kung tayo ay may Philippine historical fiction. Sumagi sa aking isip ang grupong ito dahil ito ay na-promote ni jzhun sa kanyang Facebook account. Ngayon ko lang kasi natanto kung gaano kaunti ang aking alam sa mga akdang Filipino kaya't nais kong punan ang pagkukulang na ito, sa tulong ng inyong mga rekomendasyon. :)

Mga Paboritong Manunulat na Lokal:
sa ngayon, si Ambeth Ocampo sapagkat tulad ng aking nabanggit, ako ay mahilig sa kasaysayan (sarili man natin o kasaysayan ng ibang bansa)

Mga Paboritong Librong Lokal / Maikling Kuwento:
nais ko munang magbasa ng marami pang akdang Filipino bago ako pumili ng aking paborito


message 526: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Maligayang pagdating sa aming munting grupo Doktora Cecille! Yay! ^.^

May isang kaibigan ang nagrekomenda sa aking Philippine historical fiction, 'yong The Lost Diary of Rizal, ngunit di ko pa nagagawang bilhin yan dahil inuuna ko muna ang mga klasikong akdang Pinoy. :)


message 527: by Rise (new)

Rise Wheee, welcome, cecille. Your avatar looks familiar. haha. Great to see you.


message 528: by K.D., Founder (last edited Dec 19, 2012 02:08AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cecille, maligayang paganib sa PRPB. Mahilig rin ako sa kasaysayan. Sa Marso ako magko-konsentrayt sa pagbabasa ng mga libro sa ganyang genra. Pero manaka-naka'y nagsisingit rin. Kagaya noong Nobyembre, binasa ko ang "Bones of Contention" ni Ambeth Ocampo biglang pagdiriwang sa kaarawan ni Andres Bonifacio. Ngayon namang Disyembre ay magbabasa ako ng isa pang aklat tungkol kay Rizal.

Parang kasapi rin ako ng pangkat na yan sa Shelfari. Kaso, di ako naging aktibo. Nauubos na ang oras ko sa pagbabasa at dito sa PRPB.

Muli, tuloy ka sa mundo ng mga mambabasang nagpapahalaga sa Panitikang Filipino! Ikinagagalak namin ang paganib mo. Mabuhay ka, Cecille.


message 529: by Phoebe (new)

Phoebe A (phoibee) | 1423 comments K.D.: ah ganun po ba? haha

Welcome Cecille!

Welcome sa lahat ng bago :D


message 530: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Magandang Araw! Magpapakilala lang po. :)

Sa mga di nakakakilala sa akin... Ako po si Biena :)


message 531: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Maganda umaga sa iyo, Biena. Salamat sa pagpapakilala. Gaano man kaikli :)


message 532: by Cecille (new)

Cecille (cecillemd) | 27 comments Salamat sa pagbati, jzhun! Noong Enero nagdala ang isang miyembro ng nabanggit kong book club ng "The Lost Diary of Rizal" sa aming pagtitipon at ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na hindi maganda ang pagkasulat nito. May pagka-"Twilight" na mas immature pa.

Salamat din sa pagbati, Rise! (Hindi ko alam na haligi ka pala ng grupong ito!)

Salamat, K.D.! Tulad mo binasa ko rin ang "Bones of Contention" para sa kaarawan ng Supremo. Madalas kasi ay iniaayon ko sa holiday ang aking pagbasa kaya't nagalak ako nang makita ang thread na "Thematic Pinoy Reading".

Salamat din, Phoebe!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments hi! cecille subukan nyo rin po basahin ang mga makabagong manunulat katulad ni Edgar Samar
"walong diwata ng pagkahulog"


message 534: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Maligayang pag-anib sa kilusan Cecille at Biena.


message 535: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cecille, ngayong Pasko, babasahin ko ang "Fruitcake" ng E-heads. Sinisipat-sipat ko na sya kanina.

Sa Dec 30, nakabili ako ng "Conversations with Maria Clara" sinulat ng isang pari na taga-roon sa kumbento ng Maria Clara (kung saan ang mga tao ay nagaalay ng itlog para di umulan). Ang nasabing kuwento ay halaw sa naging buhay ng isang madre na sinasabing siya si Maria Clara. Nalimbag lang ang librong ito ngayong 2012.

Natutuwa akong nadagdagan ang thematic reader sa pangkat. Iisa-isahin natin ang mga pangunahing holiday sa bansa at titingnan kung alin ang mga Pinoy Books na bagay sa bawat araw na iyon.


message 536: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Welcome sa grupo, Javiruchi at Cecille


message 537: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mara anak, kay tagal mong nawala.


message 538: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Javiruchi at Cecille! :))))


message 539: by Pjk (new)

Pjk (pichoy01) | 8 comments Welcome javiruchi!
Parehas tayo. Pero ang totoo, marami pala hindi lang nabibigyan ng pansin! :D

Welcome Cecille!
Maraming libro ang naghihintay lamang madiskubre. :D


Welcome Biena.
:D


message 540: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Tama, kaya't halina. Magbasa tayo ng magbasa. :)


message 541: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Salamat po sa pag-welkam! :D


message 542: by Rise (new)

Rise Biena, maligayang pagdating sa Sitio Catacutan, este, Pirepibo!


message 543: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hahahaha! Ayan, pinauso kasi ni Po. :)


message 544: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hello, Biena!ang cool ng Prepibo!!!


message 545: by Biena (new)

Biena Magbitang | 1702 comments Hello po Ms. Beverly! :)


message 546: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mabuti't naibigan mo, Beverly. May matibay na legacy na si Po sa pangkat na ito. Parang TSU-BI-BO.


message 547: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments When I woke up and checked my inbox, someone just told me she saw face in a newspaper. At first I was like, "Have I done something while drunk?" Hahaha. Then as I was gathering my scattered senses, I just thought of the reason why. And yes, I was right.

This is just too nice. Too cool. Reading, writing, facilitating.. All in one.

It makes me feel so cool doing such things. Volunteering for the love of reading. Hahaha.

Here's the article from The Philippine Daily Inquirer, today, Dec 22, 2012: Creative ways of making children read

description


message 548: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Congrats to your successful project, Nik!

Keep the fire of literature burning, man! :)


message 549: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Napakaganda ng ginagawa mo, Nik. At ikaw pala yan! Ituloy mo lang. Huwag mo sanang kalimutang ipakilala sila sa Pinoy books. :)


message 550: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments Mga libro galing sa filipino authors ang binabasa namin sa mga bata. :)


back to top