Pinoy Reads Pinoy Books discussion

871 views
Pangkalahatan > Magpakilala Ka

Comments Showing 451-500 of 2,779 (2779 new)    post a comment »
1 2 6 7 8 10 12 13 14 55 56

message 451: by Chika (new)

Chika (chikamunster) | 2 comments Salamat po sa pag welcome. gusto ko lang sabihin na nakakatuwa (at nakakatawa) ang mga diskusyon dito sa Pinoy Reads hehe.


message 452: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ay oo naman. Kami rito'y puro patawa pero may Pusong Pinoy! Puso para sa Panitikang Pinoy. *bow*


message 453: by Mara (last edited Nov 27, 2012 02:49PM) (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Paolo wrote: "Welcome sa grupo Nik Wakin!

Sa Saturday, Mara, makikita mo na si Paolo Kuhelyo, may bigote pa. Hahahaha"


Eksayted na ko makita ka Paolo Kuhelyo! Pwede ba magpa-sign? Haha..

Welcome sa grupo, Raechella. Sana sa pagsali mo sa aming grupo ay magkameron ka ng interes sa mga akdang Pinoy, kagaya ko! :)


message 454: by anarki (last edited Nov 27, 2012 05:05PM) (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments Salamat! Hahahaha. Nik Wakin. Ang dami ng tao dito(ang iba di tao, hahaha). Sayang di na ako nakakapag-active sa mga forums. Pero mas mabuti yon. Hahaha.
Kalain mo, tinigil yong forum kasi nagkakainitan na. LOL. Sorry para dun, KD. It's a phase of growing up. Hindi pa ako nakakapag sorry. Magpapakabait na ako. :)


message 455: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Maligayang pag-anib sa kilusan Nik at Raechella!!


message 456: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Nik, wala yon. Kinalimutan ko na yon. May ganoon din akong mga nagawa. May oras o topic kasi na talagang passionate tayo. Naiintindihan ko yon.


message 457: by Raechella (new)

Raechella | 452 comments Salamat sa pagwelkam! Meron ba kayong maiisa-suggest na mainam na libro para sa isang baguhan na tulad ko? Yung hindi mahirap hanapin. Hehe. Salamat ulit! :)


message 458: by K.D., Founder (last edited Dec 01, 2012 09:24PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hindi mahirap? Depende sa tipo mo. Bob Ong!

O kaya wag ka nang lumayo... itong binabasa namin ngayon "It's a Mens World" ni Bebang Siy. Sobrang ganda lalo na noong ma-discuss kahapon during the party.


message 459: by anarki (new)

anarki (deadeyes133) | 78 comments K.D. wrote: "Nik, wala yon. Kinalimutan ko na yon. May ganoon din akong mga nagawa. May oras o topic kasi na talagang passionate tayo. Naiintindihan ko yon."

:)


message 460: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Jhive! hindi tayo nagkita sa first date!


message 461: by Claire (new)

Claire | 13 comments Hello, mukhang ang saya-saya dito. Nadiskubre ko ang grupo through Rise at malaking pasasalamat sa kanya. Nakakahiyang aminin pero ilang taon na rin akong hindi nakapagbabasa ng Filipiniana. Ang pinakahuling naaalala ko ay Pali-Palitong Posporo, isang napakagandang koleksiyon ng mga tula ni Benilda Santos.

Kakaunti pa lamang ang nababasa kong Filipiniana. Karamihan ng mga nabasa ko ay mga tula at maiikling kwento sa Philippine Daily Inquirer at Philippine Star nung una, hindi galing sa libro.

Paborito ko ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Paborito ko rin ang kwentong Dead Stars ni Paz Marquez Benitez.

Naisipan kong sumali sa grupo dahil nami-miss ko na at sabik na sabik na akong magbasa ng Filipiniana muli. Mahirap mang hanapin dito sa Toronto, pipilitin ko, huwag nyo lang akong i-kick-out.


message 462: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Dito sa PRPB, hindi kami nangki-kick out ng miyembro. Sana, wag mangyari yon.

Welcome, Claire. Buti na lang at naengganyo ka ni Rise na mag-miyembro rito. Masaya nga at mababait kaming lahat. Bago pa lang kami at nangangailangan ng suporta ng mga taong nagmamahal sa Panitikang Filipino.

BTW, parang pinagtiyap ng panahon. Ngayong umaga, nabasa ko ang email ng kuya ko na may direct flight na ang PAL: Manila-Toronto. Ibinalita nya sa sister naming nakatira sa Winnipeg. Yon lang, sharing. Baka di mo alam kasi. Ibig sabihin, baka gusto mong dumalaw at sumama sa meet up namin dito sa PRPB!!!

Muli, welcome, Claire! Mabuhay ka!


message 463: by Claire (new)

Claire | 13 comments K.D., salamat naman, napalagay mo ang aking kalooban, knowing na hindi pala kayo nangki-kick out. Salamat sa welcome at salamat din sa ibinahagi mong impormasyon tungkol sa PAL flight. Oo nga ang sarap sumama sa meet-up nyo, baka puwedeng bumale ng pampamasahe?


message 464: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gusto mo phone patch or live stream?


message 465: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Hello, Claire! Welcome po sa grupo!

Tungkol sa pagbale nio ng pamasahe, si Itay K.D na po ang bahala doon. haha


message 466: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Bahalang tumanggi? :)


message 467: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Bahalang tumanggi? :)"

Opo, Itay! Haha..


message 468: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Robertson wrote: "Uy! may Claire na naman sa grupo...

Masaya na naman ako...

I mean, tayo. hehe"


Naku po! Ayan kana naman, Berto! Haha..


message 469: by Claire (new)

Claire | 13 comments Mara, Berto, Paolo, salamat sa welcome. Berto, masaya din naman ako at kaibigan ko na ngayon si Gandalf.


message 470: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Malayo hitsura nya kay Gandalf sa totoong buhay. Mas kamukha nya si Frodo!


message 471: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments K.D. wrote: "Malayo hitsura nya kay Gandalf sa totoong buhay. Mas kamukha nya si Frodo!"

Haha.. Yun lang! Si Frodo pala naman!


message 472: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Frodong may bigote't balbas. Tapos lagyan mo ng salamin.


message 473: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Claire, welcome sa aming munting grupo!

Fil-Canadian ka ba (base sa gamit mong profile picture)? Hanga ako sa galing mo sa pananagalog. :)


message 474: by Rise (new)

Rise Welcome, Claire! Great to see you here.


message 475: by Claire (last edited Dec 07, 2012 01:59AM) (new)

Claire | 13 comments jzhunagev wrote: "Claire, welcome sa aming munting grupo!

Fil-Canadian ka ba (base sa gamit mong profile picture)? Hanga ako sa galing mo sa pananagalog. :)"


Jzhun, Fil-Chi ako, lumipat lang kami dito nung mag-asawa na ako, dyan talaga ako lumaki. Hirap nga akong managalog ng tuwid eh kasi taga-Davao ako, eh iba ang Tagalog namin dun, may mga Visayan expressions, hindi ganito. Malalalim pa na words ang gamit nyo, hindi ko maintindihan yung iba haha. (Pero Tagalog kasi Mama ko kaya marunong kahit papaano.) Natatawa nga ako eh, kahapon pa laughing while typing.


message 476: by Claire (new)

Claire | 13 comments K.D. wrote:"Malayo hitsura nya kay Gandalf sa totoong buhay. Mas kamukha nya si Frodo!"

"Frodong may bigote't balbas. Tapos lagyan mo ng salamin."


Hihi. Iniimagine ko na.


message 477: by Claire (new)

Claire | 13 comments Ryan wrote: "Welcome, Claire! Great to see you here."

Hi Rise! Thank you ha. Just what I need. Guilting-guilty na ako, zero Filipiniana in so many years. Have Ilustrado on the shelf but saving it kasi nag-iisa, parang takot akong maubos.


message 478: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Welcome Claire! ;D Magkapangalan tayo. hehehe!


message 479: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Robertson wrote: "Uy! may Claire na naman sa grupo...

Masaya na naman ako...

I mean, tayo. hehe"


Lahat ng Claire talaga? hahahaha uwi sa bahay!


message 480: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Clare wrote: "Robertson wrote: "Uy! may Claire na naman sa grupo...

Masaya na naman ako...

I mean, tayo. hehe"

Lahat ng Claire talaga? hahahaha uwi sa bahay!"


Naku, ayan na nga ba ang sinasabi ko! Haha.. Lagot ka Berto! Masama yatang magselos si Clare.


message 481: by Claire (new)

Claire | 13 comments Clare wrote: "Welcome Claire! ;D Magkapangalan tayo. hehehe!"

"Lahat ng Claire talaga? hahahaha uwi sa bahay!"


Hello, Clare! Nakuu.. ayokong makigulo sa inyo, kung anuman yan hahaha.


message 482: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Claire, oo. Parehong may violent tendencies yata yan. Parehong passionate... magmahal. Meeoow!


message 483: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments Claire wrote: "Clare wrote: "Welcome Claire! ;D Magkapangalan tayo. hehehe!"

"Lahat ng Claire talaga? hahahaha uwi sa bahay!"

Hello, Clare! Nakuu.. ayokong makigulo sa inyo, kung anuman yan hahaha."


Hehehe. Wag ka mag-alala Claire, biruan lang naman :)


message 484: by Clare (new)

Clare (clrslmngkra) | 542 comments K.D. wrote: "Claire, oo. Parehong may violent tendencies yata yan. Parehong passionate... magmahal. Meeoow!"

Mingaw. :D

Mara wrote: "Clare wrote: "Robertson wrote: "Uy! may Claire na naman sa grupo...

Masaya na naman ako...

I mean, tayo. hehe"

Lahat ng Claire talaga? hahahaha uwi sa bahay!"

Naku, ayan na nga ba ang sinasabi ..."


Wag nga kayo ganyan. Matakot naman sakin si Berto. haha!


message 485: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Beverly wrote: "Hello, Jhive! hindi tayo nagkita sa first date!"

Ate Beverly -- Hindi ako nakasama sa First Date kasi may klase ako nun' .,


message 486: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Welcome sa grupo Claire.,


message 487: by Heldervert (new)

Heldervert | 11 comments mabuhay. sanay patuloy tayong magbasa at magpaligaya. sa mg bagong miyembro e welcome. (ano nga ba s tagalog ang welcome)


message 488: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, sana sa susunod, kasi Linggo, ay makasama ka na.

Heldevert, kung nais mong papasukin, siguro ang pinakamapit ay "tuloy."


message 489: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments maligayang pagdating, heldevert! ang ganda ng pangalan mo kakaiba! hello, claire at hello jhive, (marami pang next time , magkikita rin tayo heheheh)


message 490: by Tuklas Pahina (TP) (last edited Dec 08, 2012 12:47PM) (new)

Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Hi! Claire, maligayang pagbati!...

Sa mga Ka-PinoyReads!...Beverly,K.D.,Heldervert,jhive,Claire,Mara maligayang pagbati!


message 491: by Cherie (new)

Cherie (cheri131) | 5 comments Magandang umaga! Kumusta po kayong lahat? Ako po si Cherie. Nakatira po ako sa Sydney.

Sumali po ako sa grupong ito dahil sa kagustuhan kong magbasa ng mga librong pinoy. Ang problema ko po ay nahihirapan akong maghanap ng bilihan ng librong pinoy sa internet - baka po may makatulong sa akin makapagturo kung saan. Salamat.


message 492: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Magandang umaga sa iyo kaibigang Cherie.

Salamat sa pagsali. Kumusta naman sa Sydney. 7am dito. Ibig sabihin ay 9am dyan at naggo-Goodreads ka.

May specific thread sa dakong ibaba sa homepage. Mga links sa online sellers dito sa Pilipinas. Di ko pa na-try kasi pasyalan ko ang mga bookstores. Sana makatulong sa iyo. Si Rise ang eksperto dyan. Kasi nasa Palawan sya at mas kakaunti ang bookstores doon.

Sana lagi kang dadalaw sa amin dito. Salamat din at kahit nasa ibang bansa ka'y di ka pa rin nakakalimot na magbasa ng Librong Pinoy.


message 493: by Cherie (new)

Cherie (cheri131) | 5 comments Maraming salamat, K.D.

Oo, alas 10 na ngayon dito at Goodreads lagi ang libangan ko kapag nasa opisina. Haha!

Hahanapin ko ang link sa online sellers at sana ay marami akong mabiling libro. Wala kasi akong mapagrequest-an sa Pilipinas na bumili at magpadala sa akin dito. Sinubukan ko na rin sa mga popular na sites kagaya ng NBS, Fully Booked, atbp. Wala lang masyadong nagshi-ship sa ibang bansa.


message 494: by Rise (new)

Rise Welcome, Cherie! Hindi pa siguro nari-realize ng mga local bookstores at publishers na malaki ang market ng overseas Filipinos kaya kaunti pa lang ang nag-o-offer ng shipping sa ibang bansa. Sana ay madagdagan pa ito para maipalaganap ang mga babasahing lokal.


message 495: by Mara (new)

Mara (Marz0530) | 329 comments Hello, Cherie! Welcome po sa grupo!


message 496: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Hullo Cherie! Sana makahanap ka na ng mga akdang Filipino. Bakit di mo kaya subukan ang mga aklatan d'yan sa Australia, maaaring mayroon silang ilang mga kopya, kug di man salin sa English ng ilan sa ating mga obra.

Maligayang pagdating sa Pinoy Reads Pinoy Books! \(^,^)/ Ola!


message 497: by Cherie (new)

Cherie (cheri131) | 5 comments Hello! Salamat po sa pag-welcome!

Nasubukan ko rin pong maghanap ng mga akdang pinoy sa pinakamalaking library rito sa Sydney pero wala.
Malaking tulong sa akin ang links ng online sellers.

Lagi po akong bibisita rito para maging updated sa mga bagong publish na libro.


message 498: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Cherie wrote: "Nasubukan ko rin pong maghanap ng mga akdang pinoy sa pinakamalaking library rito sa Sydney pero wala."

Sayang naman. :(


message 499: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Cherie, puwede kitang padalhan. May isa akong friend dyan na nagswa-swap kami. Inihahanap nya ako ng books sa second-hand bookstores particularly 1001 books na wala pa ako. Tapos pag may nakita sya, papadalhan ko sya ng Pinoy Book kahit anong title na gusto nya. Dyan kasi may mga stores na nagbebenta ng mga second hand books na minsan eh ilang palapag pa ang building. Sobrang nakakaaliw. Nagpupunta ako dyan sa Sydney at Melbourne at Auckland (New Zealand) noong doon pa ako sa previous company mga early 2000's. Gusto mo, puwede rin nating gawin yon. Mga 200-300 pa ang kulang ko sa 1001 Books You Must Read Before You Die (2012 edition).


message 500: by Cherie (new)

Cherie (cheri131) | 5 comments Wow! That's a generous offer! Syempre po gusto ko!! Pwede nyo po akong padalhan ng listahan mga libro sa email?


1 2 6 7 8 10 12 13 14 55 56
back to top