HaveYouSeenThisGirL's Blog: Have You Seen This Fluffy Dennysaur?, page 122
June 5, 2013
YESSSSSSSSSSSSSS!!! Admitted (ammessa) na ako sa 4th year!...

YESSSSSSSSSSSSSS!!! Admitted (ammessa) na ako sa 4th year! Kanina lang namin nakita ito, nakapaskil sa entrance door ng school. Grabe, lahat kami kabado! Hahaha! Nakakatuwa. nakakuha ako ng 82! (From 55 ang passing grade sa kanila, palakol grade kumbaga, tapos 50 below ay bagsak) Ang saya saya ko, 2nd ako sa matataas ang grades sa class namin, parehas kami ng grade ni Giulia. *u*
Ahhh~ Pwedeng pwede na akong huminga. Final exams na lang bukas at sa Friday, hindi naman daw importante kung mabab...
June 3, 2013
!!! ANNOUNCEMENT !!!
Diary ng Panget by...

!!! ANNOUNCEMENT!!!
Diary ng Panget by HaveYouSeenThisGirL BOOK 2 will be out SOON!
Target date: Late June or 1st week of July.
Price: 150php
Yes, sabi ko dati gusto ko pagsamahin sa isang book ang Diary ng Panget. I tried pero ang naging result, sobrang kapal ng magiging book at sobrang mahal ng presyo. Mabibigla kayo kapag 300php agad presyo.
It’s either tatanggalin ko ang kalahati o higit pa sa kalahati ng parts ng Diary ng Panget para magkasya sa isang libro or hahatiin ko ang libro kaya naman...
May 31, 2013
She Died by HaveYouSeenThisGirl MANGA ADAPTATION!!In...

She Died by HaveYouSeenThisGirlMANGA ADAPTATION!!
In collaboration with pinay mangakaEnjelicious
We’re working on it and we hope to publish and sell it in the market on or before September! We will show you the progress of our manga project time by time. I hope you will support this manga too!
- Ate Denny
May 30, 2013
OHMYGAAAAAA why? This is exactly what happens to me every night....

OHMYGAAAAAA why? This is exactly what happens to me every night. I tried counting sheeps even pigs but still I can’t sleep because of my stupid brain flooding my head with ideas and stuff. And in the morning, my brain is sleeping. Ugh, brain please be useful when I actually need you. Thank you.
May 29, 2013
Ahhh~ Edited my website. I like the changes. :D
May 26, 2013
Some things change, smile vanishes, flowers wither....

Some things change, smile vanishes, flowers wither. #randomdrawing #drewthisbeforesleeping #crappy
New A3 smooth papers, 2 erasable ink ball point pen and a...

New A3 smooth papers, 2 erasable ink ball point pen and a labello stick. I can now start making logos, thank you mom! Hoho!
Title: Stoke of Love
Written by: AkiGreen
Genre: Humor,...

Title: Stoke of Love
Written by: AkiGreen
Genre: Humor, Romance, One Shot
Social Pages: FACEBOOK http://www.facebook.com/AkigreenStories
May tanong ako =D
Anong Ti ang lumalambot??
E anung Su ang MALAMBOT??
Ito malupit.
Anung Pek ang mamasa-masa?? Gusto niyong clue? Mapula pula!
Sige nga hulaan niyo. Pero siryoso. Wholesome tong storyang to. Punong puno pa ng GWAPO!
David’s POV
Sayang. Bakit di pa kita niligawan.Tatanga tanga pa kasi ako noon.
Putcha. Badtrip.Si Mincee na at Gian. Pano nalang ako. Buti nalang talaga gwapo ako e. Pero di rin! Kung hindi lang din naman si Mincee ang makakatuluyan ko. Plinano ko na sa utak ko yung kasal namin tapos sila na ni Gian! Putchang yan! Sa Gian na kupal na yun pa. Mas gwapo naman ako dun! Labo talaga eh.
“Oy BBF! Anu na namang iniisip mo dyan??” ikaw. Sino pa ba? Kaso badtrip pano ko sasabihin e nasa tabi niya yang kupal na Gian na yan.
“Wala.” sabi ko sabay ngiti tapos pumunta na ko sa upuan ko. Ayoko na silang kausapin baka lalo lang akong mabadtrip.
Kaso dahil makulit din tong GBF ko,sinundan ako. “Uy BBF. May sakit kaba? Kanina ka pa walang kibo. Hindi ako sanay.” napatingin naman ako sa kanya. At nakapout pa siya. Panung hindi ako maiinlove dito e bukod sa malambing na,maganda pa. Bagay na bagay talaga sa gwapong katulad ko. At bagay na bagay maging asawa ko sa hinaharap.
“Nakaka-high kasi yang ganda mo kaya wala akong masabi e.”
“Ganun? Haha. Ang korni BBF ah. Pero kung may problema ka. Sabihin mo kaagad sa’kin ah. Alam mo namang ayokong nasasaktan ka diba.” o sabihing nyong ang gwapo ko! Bwahahaha.
Hindi siryoso na nga. Sabihin nyong sino ngang hindi maiinlove dyan??! Sabihin niyo! Putcha! Ang gwapo ko! Oo iconnect niyo nalang. Bwahahaha. =D
Tumango nalang ako bilang sagot. Baka mahalikan ko pa to ng wala sa oras eh. Sa alam na.
Sa noo. Wholesome ako kaya sa noo lang. =D
Tsanggala kasi eh! Ang torpe ko! Putcha! Kahit gwapo,natotorpe din! Matagal ko ng mahal yang Girl BestFriend kong yan! Kaso hindi ko maligawan hanep! Ayoko kasing mawala yung pagkakaibigan namin. Sapat na sa’kin na maganda siya at pogi ako. Bwahahaha. Pero siryoso,mahal ko talaga yan! Bukod sa gwapo ako,isa yun sa totoo at siryosong sinasabi ko.
Kaso isang malaking PUTANG-AMA. Kung sino pang kinikwentuhan ko ng nararamdaman ko siya pa tong kupal na naunang manligaw kay Mincee! Yung kupal na Gian na yon! Pasalamat siya gwapo ako at hindi ko siya sinuntok! Bwahahaha. =D
“Oo babe. Ikaw talaga. Niloloko ko lang yun. Nagpapaturo kasi akong makapasa. Pero promise kapag nakagraduate na tayo,hihiwalayan ko na yun!” narinig kong sabi ni Gian kay Lyna. Aw. Saklap.Mag aantay pa kong mag graduation bago sila maghiwalay.
Putcha joke lang yun! Aantayin ko pa bang tumagal pa. Sabi na eh. Hindi pa din nagbabago tong kupal na to. Babaero pa din. Akala mo naman gwapo. Tsk.Tsk. Pampasira ng image ng mga lalaking gwapong katulad ko! Bwahaha! Hindi ko talaga alam kung bakit napabilang tong kupal sa mga tropa ko.
Susugudin ko na sana. Kaso kasama niya pa si Lyna. Bastusan naman kung mag eeskandalo ako. Nakakawalang gwapo naman yun! Bwahaha! Kaya pipicturan ko nalang! Ang gwapo ko na nga,ang talino ko pa! San kapa! Bagay talagang maging future husband ni Mincee diba. Bwahaha! =D
Kaso badtrip paglabas na paglabas ko ng camera ko,biglang may humarang na likod ng isang magandang bagay na bagay sa gwapong katulad ko. O huli ka boy. Nadale. Bwahahaha. Kung siniswerte ka nga naman. Si Mincee,nakatayo sa harap ko. Kaso narinig kong umiiyak siya. Putcha! Magkamatayan na! Walang pwedeng magpaiyak sa mahal ko!
Tong kupal na Gian. Lumapit pa kaso binigyan siya ng isang malupit na sampal ni Mincee. Pustahan maga yan mamaya.
“Ang kapal ng muka mo! Magsama kayong dalawa! Mga haliparot!” sigaw ni Mincee sabay takbo.
Susundan ko sana kaso Tengena! Nadapa siya!
“Mincee!!” sigaw kong todo lakas. Agaw eksena. Buti nalang gwapo ako! Bwahahaha! =D
“Oy oa mo talaga BBF. Makasigaw,nadapa lang.” tumayo siya tapos pinagpagan yung tuhod niya. Nilingon niya din si Gian sabay irap. Buti nalang maganda siya kundi pahiya to pustahan. =D
“Anung nginingiti ngiti mo dyan?!” tanung niya sa’kin. Nandito na kami sa park.
“Wala lang. Ang gwapo ko eh.” sagot ko.
“Yabang mo talaga.”
“Atlease mahal ka.” lumaki yung mata niya sa sinabi ko.
“Huh? BBF?” tanong niya tapos. Ngumiti siya. “Ah. Oo nga. Syempre BBF kita kaya mahal mo ko.” pagkasabi niya nun nginitian niya ko tapos tumungo siya para tignan yung TI ko.
Yung Tinatapakan ko. Naapakan ko pala yung paa niya kaya inalis ko. Bwahaha.
“Sana talaga hindi ko nalang siya sinagot. Walangyang yun.” nanggagalaiti nyang sabi.
“Hwag kang mag alala. Siya naman ang nawalan hindi ikaw. At kung sa tingin mo nawalan ka. Hwag kang mag alala. Dahil wala lang. Basta hwag kang mag alala.” putcha. Wala akong maipayo. Gwapo lang ako at hindi tigapayo. Pero nakita ko syang nangiti. Bigla naman akong natuwa. Wala lang.Nakakatuwang makitang nakangiti yung future wife ko eh.
“Hay. BBF. Loko ka talaga. Pero buti nalang talaga nandyan ka. Pinapagaan mo pakiramdam ko. Kaya mahal kita eh.” hinawakan pa niya yung kamay ko.
Ibang klase din tong mananching e no. Bwahaha.
Pero siryoso lang ah,bumilis tibok ng puso ko. Ganito ba talaga kapag ganito kagwapo. Tsanggala! Hussle! Bwahahaha. =D
“Mahal din kita.” tumingin ako sa mata niya. Tumingin din siya sa’kin at nagtinginan kami. Bwahahaha.
“Ikaw BBF ah. Oo na alam ko.”
“Hindi mo pa alam. Mahal kita Mincee hindi bilang Boy BestFriend,mahal kita ng siryoso.”
“Haha. David talaga. Mapagbi—”
“Hindi ako nagbibiro.” Siryoso kong sabi. “Hindi lahat ng gwapo mapagbiro.” =D
“Pero bakit ngayun mo lang sinasabi yan??” tanong niya. Kaya itatanong ko din sa author nitong gwapong kwento ko. Bakit nga ba?!
“Dahil ayokong mag iba yung samahan natin. Natatakot ako. Natatakot akong baka layuan mo ko.” siryoso ako. Nakakatae!
Imbes na sumagot siya ay tumayo siya sabay himas sa noo niya. Problema nito? Natatae din? Putcha! Bagay talaga kame! Bwahahaha! =D
Tumingin siya sa’kin. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin yan David?! Lanya naman to eh.” lumapit siya sa’kin tapos pinalo ako sa abs. Bwahahaha. Nanananching na naman. Pero okay lang. Magiging sa kanya naman yan in the near future eh! Bwahahaha!
“Sinagot ko pa tuloy si Gian. Badtrip ka!” nanlaki lahat ng pwedeng lumaki sakin dahil sa sinabi niya! Putcha! Umiyak pa siya! Kaya nilapitan ko.
“Bakit Mincee. Bakit ka umiiyak??!”
“E kasi ikaw e!!!”
“Gwapo?”
Natawa siya sa sinabi ko. Gara. Siryoso ako dun ah. Labo neto. Iyak tawa.
“Baliw ka talaga. Bakit kasi ganyan ka! Akala ko hindi mo ko gusto kaya— Ugh! Nakakainis ka!!” sinuntok niya ko sa dibdib. Wala kong magawa kaya niyakap ko nalang siya.
“Siryoso Mincee ang labo eh.” kahit gwapo naguguluhan din minsan no!
“Sinagot ko siya kasi gusto kong mapalayo sayo!”
“Pakisabi ngang gwapo ako ng malinawan ako. Ang labo talaga eh.” bwahahaha. Hindi ko talaga to maintindihan. Tapos humiwalay siya sa pagkakayakap sa’kin at pinasok niya yung kamay niya sa alam na.
Sa bag niya! Putcha. Utak niyo din minsan e no. Bwahahaha.
May kinuha siyang notebook. Tapos inabot niya sa’kin. Binuksan ko tapos nabasa ko.
The end.
“Anu to?” tanong ko.
“Kwento. Hay. BBF,minsan isip isip din. Umpisahan mo kaya. Sa huli kasi agad tinignan diba.tch.” aba’t.
Binasa ko yung nakasulat. Badtrip! Ang hirap basahin. Buti nalang talaga maganda siya,sana nagaya pati sulat. Bwahaha.
Nanlaki mata ko sa pagkakaintindi ko sa sulat niya.
“Ako ba tong mahal mo dito? Tama ba pagkakaintindi ko??” pinilit kong intindihin kahit hindi ko talaga maintindihan yung sulat. Ayokong sabihing panget talaga yung sulat niya. Ayoko peksman!
“Oo! Inis ka kasi eh! Akala ko talaga wala kang gusto sa’kin. Kaya nasasaktan ako! Sinagot ko si Gian para mapalayo sayo pero mas nakakainis pala ako! Kasi hindi ko kayang lumayo sayo! Ayoko ding umamin kasi ako yung babae dito! Yan kase hirap sa inyong mga lalaki eh! Natatakot kayo kagad! Panu naman kame? E naghihintay lang naman kame! Bwisit ka! Naranasan ko pa tuloy magamit! Naloko pa ko!” umiyak siya. Kaya pinatahan ko siya. Gusto ko ding sumigaw! Gusto kong isigaw na kung BAKIT PINABASA MO PA SA’KIN YUNG SULAT! Nahirapan pa tuloy ako. Pero hwag na,siryoso eh. Kaya niyakap ko nalang siya at hinawakan dun! Dun sa parteng yun!
Oo sa likod niya. Tama kayo.Bwahahaha.
“Tahan na.” hinimas himas ko yun. Yung likod niya. “GBF. I love you.”
Narinig kong tumibok yung PU niya! Ang lakas!
Ang lakas ng tibok ng PUSO niya. Pustahan kinilig to.
“GBF nalang ba? Langya baka mali pa ko ng pagkakaintindi David ah. Pero ok lang,atleast naamin ko na.” huminga siya ng malalim. Wew,solve! Bwahaha. =D
“Tama ka ng pagkakaintindi. Mahal kita bilang GBF. Girl Best Future ko!”
“Hay. Abno ka BBF!”
Aw BBF pa din? Badtrip. Sa susunod ayoko na ngang magpaka-cheesy,di naman naappreciate.
“Oy. Bat sumimangot ka dyan?! Nakakapan-“
“Gwapo pa din ako kahit nakasimangot.”
“Yabang mo talaga BBF!” lalo akong napasimangot. Putcha panis kayo! Gwapo kong malungkot eh! BBF? Aw,hard. Boy BestFriend pa din. “Pasalamat ka, Boy BoyFriend na kita.” sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.
“Oy anung sabi mo!” putcha tumakbo pa.
“Boy BoyFriend!”
“Sinasagot mo na ko?!”
“Baket ayaw mo?!”
“Sinong nagsabing ayaw?! Putcha! papaputol ko yung ano niya! Yung dila!” sabi ko saka ko siya hinabol.
Iba na talaga pag gwapo. Hindi na pinapatagal ang panliligaw. Pero ibahin nyo ko! Habang buhay ako manliligaw dyan. Mahal ko eh.
Tumatakbo pa din. Hindi ko nga hinabol. Akala niya ah. Bwahaha.
Pero pumasok na siya sa room eh.Kaya sinundan ko na din siya papasok. Putcha ALAM NA!
Start na ng next class! Bwahaha! Late na ko. Agaw eksena pa tuloy ako pag pasok ko sa room.Buti nalang talaga,gwapo ako. Bwahaha!
The End.
Note: Bwahahahahaha!!! Panis no. Wala lang. Naisip ko lang yan.
David: Ganun yung title kasi nastoke yung ANO ko. Oo yun na nga. Yung LOVE ko kay Mincee, siryoso, hindi na gagalaw to. =D Putcha, paki-gagu nga yung sexing nagsulat nito, ang korni e. XD (Note: HAHAHAHAHA)
— SALAMAT ATE DENNY IN ADVANCE (:
Graduation Day (a short story)
Written by: YshaanCarl25
Genre:...

Graduation Day (a short story)
Written by: YshaanCarl25
Genre: Non-fiction
Social pages: http://www.wattpad.com/YshaanCarl25
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na laging inaasam ng kapwa kong kabataan na hindi pinalad masubukan ito dahil sa kakulangan ng pera at kahirapan. Ang araw na magiging saksi ang mga magulang ko sa pagtupad ng kanilang minimithing pangarap para sa akin.
Ang Graduation day.
Sa labing limang taon kong pagsusumikap, pagti-tiyaga, paggising ng maaga, pagpupuyat, paghingi ng baon, pagtitiis sa ayaw na teacher dahil sa dami ng pinapagawa at mahilig sa recitation, pagra-rush ng requirements dahil malapit na ang deadline, pangongopya ng assignments sa kaklase kapag hindi nakagawa, paghingi ng papel sa katabi, paghiram ng ballpen, paghingi ng polbo sa kaibigan, pagtakbo ng mabilis papuntang classroom dahil late na, pakikiusap sa Guard ng school na papasukin dahil nakalimutan ang ID, pakikiusap din sa teacher na iextend ang deadline ng pagpasa ng mga requirements at iba pang gawain ng mga estudyante kaya sila nagiging stress at haggard lagi sa eskwelahan.
Ngayon, ito na ang bunga ng lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ko sa bawat araw na ginagawa ko bilang estudyante. Ang araw na hinihintay ko upang matanggap ang pamana ng aking mga magulang.
Ang Diploma.
Ang bagay na sumisimbolo ng tagumpay.
Ang bagay na kailanma’y hindi mawawala at mabibili ng sino man.
Ang bagay na sa tuwing makikita mo ay “Akalain mo? Nagawa ko!” ang iyong masasambit.
Ngunit sa araw na ito, isang balita ang hindi ko inaasahan. Ang balitang sisira sa maligaya ko sanang araw.
Katatapos palang ng Graduation ceremony ng ibalita sa akin ni mama na itinakbo sa hospital ang aking Lolo at malabong mabuhay dahil intake ito sa puso. Parang gumuho ang mundo ko sa balitang iyon. Nasa panganib ang buhay ng lolo ko. Ang taong naging inspirasyon ko sa pag-aaral bukod sa mga magulang ko. Ang taong naniniwala sa kakayahan ko. Ang taong nagturo sa akin na maging matatag. Ang taong hindi kinulang sa pagbibigay payo sa akin at ang taong hinangad na makapagtapos ako ng pag-aaral at mapasa-kamay ko ang susi ng tagumpay.
Hindi ko namalayan na napatakbo na pala ako at iniwan sila mama at papa na nakatayo sa harap ko at bakas sa mukha ang kalungutan. Kasabay ng pagtakbo ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Kahit ilang beses na akong matapilok dahil sa suot kong sapatos na may mataas na takong ay tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Wala akong pakielam kahit pinagtitinginan na ako ng mga taong nakapaligid sa akin na mukhang timang dahil sa itsura ko ngayon na naka graduation gown pa at nagkalat kong make-up sa mukha, habang tumatakbo ay tinanggal ko ang graduation cap na nakalagay sa ulo ko at hinawakan na lang yon. Ang importante sakin ngayon ay matungo ko ang kinaroroonan ng aking Lolo upang masabi sa kanyang huling sandali na natupad na ang pangarap niya sa akin. Napahinto ako sa kakatakbo nang may humarang sa dinaraanan ko. Si kuya Jonas na lulan ng kanyang motor at sinensayang umangkas ako. Marahil ay nabalitaan niya din ang nangyari kay Lolo. Walang alinlangang umangkas ako kahit na nakaformal dress pa ako.
Pagkadating namin sa Hospital ay agad akong bumaba at patuloy na tumakbo sa loob. Nagtanong ako sa nurse station kung saang kwarto matatagpuan si Lolo. Pagkasabi nito ay agad na akong umalis at pinagpatuloy ang takbo kahit nababangga ko ang mga nakakasalubong ko. Nang nahanap ko na ang kwarto ay agad akong napahinto sa pagtakbo, itinaas ko ang bagay na kanina ko pa iniingatan patungo dito. Iniangat ko ang ulo ko na tuloy pa rin sa pagluha. Dahan-dahan akong lumapit sa harap ng pintuan at pinihit ang door knob upang mabuksan ito. Tumambad sa akin ang isang walang malay kong Lolo. Nilapitan ako ng Lola at tita ko nang napansing dumating ako pero tuloy pa rin ako sa paglakad patungo kay Lolo. Tinignan ko ang kanyang mukha. Ang mukhang bakas ang kalungkutan at kasiyahan.
“L-lo…” tawag ko sa kanya.
“H-hawak ko na po…” garalgal kong sabi sabay angat sa bagay na hawak ko at ipinakita sa kanya.
“H-hawak ko na po ang bagay na hinahangad niyo para sa akin. A-ang bagay na sana ay mayroon ang mga magulang ko pero dahil sa kahirapan ay h-hindi niyo ito naibigay.”
“Lo, h-heto na oh…ang tinatawag niyong s-susi ng tagumpay…ang…”
“…diploma.”
Napaluhod ako at humagulgol. Nabalot ng iyakan at sigaw sa pangalan ng lolo ko ang aking naririnig.
Sana narinig niya.
Sana narinig niya ang huling salitang binigkas ko.
-WAKAS-
-SALAMAT po sa pagbasa ^_^
Have You Seen This Fluffy Dennysaur?
- HaveYouSeenThisGirL's profile
- 2230 followers
