Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kapitan Sino

Rate this book
THERE IS SOMETHING STRANGE IN THE NEIGHBORHOOD.

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isnag matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat Bahay; sumagip sa mga mag-anak na tinagay ng tubig-baha; nag-landing ng maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog s aisang iganteng robot. Pero sino ang taong 'yon? Maliligtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

166 pages, Paperback

First published May 1, 1999

208 people are currently reading
5235 people want to read

About the author

Bob Ong

14 books2,375 followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2,600 (38%)
4 stars
1,830 (27%)
3 stars
1,627 (24%)
2 stars
545 (8%)
1 star
133 (1%)
Displaying 1 - 30 of 250 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
January 1, 2011
Ang Kapitan Sino (2009) ay ang pang-pitong libro ni Bob Ong at pang-pito rin sa mga binasa kong libro niya ngayong kapaskuhan. Isa ito sa mga nagustuhan ko.

Fiction ito. Kuwento ni Rogelio, isang binatang may electronic repair shop. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Bok-bok, natuklasan nyang mayroon pala syang kapangyarihan na maaaring gamitin sa pagtulong sa kapuwa o magtanggol sa mga naaapi. Parang bang sina Spiderman o Batman. Ang kanyang pangalan ay nanggaling sa mga batang naglalaro noong wala pa silang ng kaibigan nyang naiisip na pangalan.

Maganda ang pagkakakuwento ni Bob Ong. Hindi corny, hindi rin masyadong preachy. May hawig lang nga sa kuwento ni Spiderman pati na rin yong love interest nya rito at yong sidekick nya. Pero may local flavor na nagustuhan ko. Kaya nga 3 stars ang binigay ko rito.

Sa pagiging Kapitan Sino ko lang naisip na ang tanong ay hindi kung bakit magulo ang mundo, kundi kung ano ang magagawa ko ang unang pangungusap ni Bob Ong sa kanyang pangwakas na bahagi ng libro. Pasok na naman ang pagnanais ni Bob Ong na ipahayag ang mensahang "gasgas na" sa kanyang mga naunang libro lalong lalo na yong "Bakit Baligtad Kung Magbasa ng Libro ang mga Pilipino" (2003). Mabuti na lang at fiction ito kung hindi ay sasabihin kong rehash lang ito noong librong yon.

Pero may bago rito: ang pagmamahal sa sarili. Kahit superhero ka man o hindi, may kakayahan kang tumulong sa kapwa mo. Pero huwag mong kakalimutang tulungan ang sarili mo. Sabi ng tatay nyang si Ernesto: "Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka...hindi ikaw ang magiging huli...hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigy nito.... Gawin mo ang tingin mong nararapat bilang tagapagligtas, pero wang mong pababayaan ang sarili mo bilang anak ko."

Ganda. K.D. is now reading his last book "ABNKKBSNPLAko?"
Profile Image for Neil Franz.
1,094 reviews852 followers
January 2, 2024
Nabasa ko na ang Kapitan Sino dati ilang taon na rin ang nakararaan. Sobrang nagandahan ako kaya ito ang paborito kong libro ni Bob Ong. Natripan ko ulit basahin dahil gusto ko lang. Na-predict pala ni Bob Ong ang COVID? Jk.

Ganon pa rin naman. Nagustuhan ko pa rin ang Kapitan Sino.
- ang daloy ng kuwento (kasi hindi ako naligaw)
- ang paglalarawan ni Bob Ong sa isang komunidad. Ang realistic. Kuhang-kuha.
- ang mga rebelasyon/twists na parang ang subtle nang pagkakadeliver
- ang social relevance lalo na sa parte na panggagamit, panlalamang, pangaabuso ng mga pulitiko sa mga tao lalo na sa mga kagaya ni Kapitan Sino (nakakagalit grabe lalo na yung ending. Iba talaga likaw ng bituka ng mga politiko)
- ang mga kalakip na emosyon: lungkot, hinagpis, konting kilig, tuwa, kasiyahan, galit
- ang nakatutuwa at nakatatawang dialogue/narration kahit generic
- ang mga gimmick at paandar na scifi/fantasy shits na ang corny pero may sense dahil superhero book nga ito
- ang mensahe ng libro patungkol sa pagiging isang bayani (yung sinabi talaga ni Mang Ernesto kay Rogelio ang pinakacore ng librong ito)
- at ang mga tauhan kahit hindi na ako invested o attached sa kanila tulad dati.




Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 20, 2012
Kapitan Sino -- bobong superhero na may bobong superpowers na ginagamit sa pagtulong ng mga bobong mamamayan ng bobong bansa.


Sino ba ang hindi nangarap sa 'tin na magkaroon ng superpower nung mga bata pa tayo o kahit hanggang ngayong nagkakaedad na?

Ako, pinakagusto ko talagang powers yung nag i-invisible. Yung tipo ng mga powers ni Violet sa The Incredibles at Sue Storm sa Fantastic Four. Invisible na, may Force Field pa! Patay kayo dyan! Very effective para sa offense lalong lalo na sa defense. Hindi lang yan, isama mo pa yung mga costume nila na nag i-invisible din pag ginagamit na nila ang powers nila. Astig di po ba?!

Nababaduyan talaga ako dun sa mga costume ng superhero noon hanggang ngayon. Kapag nakakalipad ka, itatakwil ka ng langit pag wala kang kapa. Kung puhunan mo naman ang lakas, kasalanan ang hindi mag tights at kelangan din dapat nagmumura ang mga muscles mo sa katawan. Bawal ang walang headress, bawal ang walang kung anu anung kolorete sa katawan at ito pa isa kong napansin, BAWAL ANG WALANG LOGO!

Hindi na lang nila gayahin si Incredible Hulk. Simpleng shorts lang na may konting punit, ayos na. Laban na! Ang bumangga giba! Wooohh!

Pero bakit nga ba natin kelangan ng mga superhero? Kelangan ba talagang laging may nagliligtas sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? Hindi ba natin kayang tulungan ang sarili natin? At bakit may mga taong masasama? Halimaw sa banga? Mga laman- lupa? Magnanakaw na may takip ang mukha? Politikong corrupt sa madla? At mag-syotang kung maghalikan kala mo linta?! Wala ba silang kunsensya? Nasaan ang katarungan?


Alam ko tao lang tayo at hindi tayo perpekto. Madalas nagkakamali at madalas nagkakasala. Gumagawa ng bawal at illegal. Nakakasakit at nasasaktan. Pero siguro kung ang tanging iisipin at gagawin lang natin ay yung mga bagay na nakakabuti sa kapwa natin, sigurado ako hindi na natin kailangan ng kung sinong superhero at magiging bayani tayo ng isa't isa.

Kung magagawa natin yun, sigurado ako hindi na kailangan pang mamatay para lang masabi na BAYANI AKO!.





6 reviews
June 20, 2009
pinaka malungkot na libro ni bob ong so far...

tulad ng mg nauna niyang libro... pang isang upuan lang din to... kayang tapusin ng isang oras... pero super sulit yung isang oras na yun compare sa isang oras na ginugol mo pag nanuod ka ng Mother of Tears o naglaro sa pet society (sa opinyon ko lang naman yan) at ciguradong matagal bago mo makalimutan yung storya...

may katatawanan, drama at "LOVE STORY"...

oo love story. may isang chapter dun na naka focus lang sa love story... maganda yung pagkakasulat... typical yung scene pero iba yung atake ng usapan nila.

reminder:
lasapin nyo muna yung kilig moments (kung tulad ko kayong tinamaan ng mga eksena) bago nyo basahin yung mga susunod na chapters

in terms of story telling, best so far.. sobrang smooth ng mga transtions ng event...

sa usaping katatawanan naman... tulad pa rin ng dati... yung mga eksena sa buhay ng isang pilipino. hindi naman ako nakornihan... kasi tawa ko ng tawa sa choice of words na ginamit nia..

in terms sa message, napapanahon siya kasi yung message na pinaparating niya ay tulad din ng message ng mga campaign ngayon tulad ng: AKO MISMO, AKO ANG SIMULA at yung kay NINOY. ito na ata ang bagong uso ngayon... sikat ka pag may pakialam ka sa bansa which is sobrang nakakatuwa..

cguro maraming madidisappoint lalo na yung mga bob ong fans kasi sobrang trahedya talaga. gusto niya lang naman i pattern yung storya sa totoong nangyayari sa bansa. reality hurts talaga. pero pag yung icoconsider mo lang yung storya at pagkakasulat ng libro. It's Bob ong's best so far.
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews440 followers
February 8, 2020
It's my second time reading this book bilang parte ng reread ko ng Bob Ong books and -- excuse my word pero -- TANGINA ng mga tao sa librong 'to!!! Tangina ng mga taga-Pelaez!!! Akala ko hindi ko 'to magugustuhan the second time reading it kasi hindi ko nagugustuhan yung banters nina Rogelio at Bok-bok sa unang part pero the last part of the book slapped me then hand me the needed stars to complete the 5 star ratings. Natapos ko ang librong 'to ng may galit sa dibdib ko, galit para sa mga taong walang hiya, mga politikong mga walanghiya, at bansang walanghiya!!!!

Bob Ong never fails to make us realize kung ano ang nangyayari sa bansa natin. I love this book! I love Bob Ong! Thank you for this!
Profile Image for Joyzi.
340 reviews339 followers
January 19, 2010
The beginning and middle part was okay and not really that interesting since it seems a stereotypical type of superhero story. Nevertheless the latter part was the one I loved especially the Tessa and Rogelio Moments.

This book I think has many genres like drama, comedy, action, adventure, fantasy also love story and it also talks about the reality of life. It has good themes like power and responsibility, love in many forms, sacrifices and many more.

It also has very cute and lovable characters. I fell in love with Kapitan Sino, his character is very pinoy I just wished that his appearance have been described more clearly like what he looked like. I was curious about the Jograd dela Torre look-alike thingy that I asked my mom about it because I don't know who the heck he is and my mom says that he's like Jose Manalo. And I was like really! Lol. Besides him I like Tessa and Bok-bok.

I love the ending, very sad but meaningful. I learned from this book that anyone could be a hero and all of us can be heroes in our own ways.

After reading this I just have the feeling that Bob Ong might be a good writer of love stories. I also wanted to make a recommendation to Mr. Bob Ong if he's reading this to please make a much longer novel/book/story for his next project.

Profile Image for Maybelle Victor.
42 reviews4 followers
December 13, 2010
Matapos mabasa ang pinakabagong libro ni Bob Ong, sigurado akong gagawan ko ito ng review kaso parang hindi ata akma na Ingles ang review ko para sa isang Pilipinong babasahin.

Hindi naman ako talaga Inglesera pero mas sanay akong magsulat sa banyagang dila, ganunpaman, hindi ito dapat maging sagabal sa pagkakataong ito.

Nabasa ko na lahat ng libro ni Bob Ong at ang pinakamalapit sa istorya nito ay ang Alamat ng Gubat. Mistulang kwentong pambata na nadadamitan ng makatotohanang pulitikal at sosyal na mga isyu o pangyayari. Patungkol ang “Kapitan Sino” sa isang lokal na superhero nagngangalang si Rogelio na nagkaroon ng pagkakataong sagipin ang maliit na bayan ng Pelaez.

Tulad ng mga naunang libro, puno ng maloko at mapagbirong pagsasalaysay ang istorya, lalo na ang mga linya ni Rogelio sa kaibigan nitong si Bok-bok.

Basahin ang buong paglalagom sa website ni Maybelle >>

Note: The book was written by a Filipino author and I preferred to write the review in the book's language, my native tongue.
Profile Image for Efram Cortes.
89 reviews7 followers
July 4, 2022
Kapitan Sino's noble rate of valiant three stars symbolizes my joyous but sketchy recommendation of the novel. The experience of reading was undoubtedly amusing with this one. I remembered Ultraman at some point in this book. In spite of its fulfilled tone, the scenes that contribute to its plot progression were kind of disarranged, losing the elevation of the applied mood. My high recommendation targets all fathers and student leaders.

The strengths of the novel are its charmingly engaging writing style, the exchange of humor and serious tone in the dialogues made the reading experience pleasing, splendidly portrayed day to day scenes that created the vividness to the town of Pelaez and the life of its residents, accomplished usage of symbolism as well as conveying of a relevant message. Its weaknesses are for its lack of clarity in plot progression, puzzling blend of the real and the imaginary, and absence of supplemental scenes.
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews9 followers
February 10, 2021
Malaro't kay sarap sa pandinig ang apggamit ni Bob Ong sa wika sa librong ito. Nakatutuwa't nakakatawa. May puso't nakamamangha.

Hindi ko nahulaan ang direksiyon ng istorya, nakakagulat, pero kung iisipin, parang hindi rin naman. Napaka-angas talaga. Malakas at malinaw rin ang mensahe: Iligtas ang sarili.
Profile Image for Joemari Olea.
30 reviews
January 23, 2016
Ito ang kauna-unahang science fiction book na nasa wikang Filipino na nabasa ko. Medyo disappointed ako sa aking nabasa. Alam kong ang libro ito ni Bob Ong ay isang parody ng superhero genre. Out of nowhere, bigla na lang sinabi na may superpowers ang ating main character na si Rogelio which is sabi sa libro nasa dugo pala. May leading lady na dapat sagipin. May bestfriend na laging nandyan sa ating hero na isang normal na tao. The book at the same time tries to be a satire of the Philippine society which is as we know a common trope of Ong. Ito ang nakita kong mga puna sa libro:

1. No character to hold on to. Dapat sa ganitong superhero themed na kwento may taong mangingibabaw. Kasi ang concept nga ng superhero genre ay may focus sa isang special na character na may special abilities na hindi kaya ng ordinaryong tao. Pangunahing umiikot sa tatlong tao ang istorya: Sina Rogelio, Tessa at Bok-bok. Pero lahat sila wala kang background kung sino, walang characteristics na sinabi sa libro. Basta bigla na lang silang pinasak na walang alam ang mambabasa kung sino sila. Ang mga magulang ni Rogelio (hindi ko alam kung main characters din ba sila o hindi) ay doon lang sa dulo ng libro lumabas. Pinayuhan nila si Rogelio. Yun lang actually ang ginawa nila sa libro kaya wala akong naging pake nung namatay sila. Si Tessa naman, siya ang gumawa ng costume ni Rogelio, which is yun lang ang ginawa niya in the plot and then nainlove agad si Rogelio sa kanya. Wala akong naramdaman na emosyon nang namatay si Tessa dahil sino nga ba siya?

2. Most of the time the book loses its focus. Andaming mga kung ano-anong nangyari sa libro na wala ka namang pake. Wala tayong pake sa mga kapitbahayan ni Rogelio pero binigyan sila ng maraming pages kesa sa mga main characters. Una akala ko itong mga scenes ng kapitbahay ay kritisismo sa kapitbahayan ni Rogelio, pero biglang nag-generalize na agad na naging kritisismo ng buong bayan ng Pelaez ang nangyari. Pero Pelaez ba talaga ang focus ng libro? Kasi mas maraming naganap na laban sa ibang lugar sa Pilipinas? Nagkakaroon din ng kritisismo kahit wala ka namang nakikitang mali sa Pelaez. Sa dulo mo lang ng story malalaman na wala pala talagang ginagawa ang bayan ng Pelaez para umunlad ito. Kung hindi sasabihin sayo ng literal ng libro na "Walang kikilos kung nasa kanila responsibilidad," hindi mo pa malalaman na masasamang tao pala ang mga taga Pelaez.

3. Ridiculous turn of events. Feeling ko chineat ako ni Bob Ong sa ending ng librong ito. Isa kasi itong satire sa ating lipunan. Pero kung satire ito, dapat nagkaroon man lang ng katiting na feeling na medyo minimirror ng librong ito ang ating lipunan pero hindi eh. Nakulong si Rogelio dahil sa hindi niya sinabi sa asawa ng kanyang kapitbahay na wag manigarilyo. Sobrang ridiculous ng nangyari. Pwede pa sana kung may hindi niya nasagip ang isang tao tapos sisisihin siya ng lipunan sa pagkamatay nito pero sobrang OA talaga na ikukulong ang ating bida dahil sa nagka=lung cancer ang kanyang kapitbahay.

4. Ridiculous Deus Ex Machina. Ito ang matinde sa lahat, bigla na lang out of nowhere, may epidemya na sa mundo. Walang sabi sabi sa initial parts ng libro, bigla na lang may sakit. Tapos bigla na lang out of nowhere (ulit) si Rogelio pala ang lutas sa epidemya na iyon. I am like "whaaaat?!" Sobrang bilis ng part ng libro nang nagkaroon ng epidemya (10 pages lang ata) at naresolve na agad. Tsaka parang pinipin-point na agad nang magsimula ang epidemya na mamamatay si Rogelio (wala din akong naramdaman sa kanyang pagkamatay). Ang pangit ng Deus Ex Machina na ginawa ni Bob Ong pero at the same time sobrang predictable din. Si Bob Ong lang ang author na na-encounter ko na nagawa iyon.

Itong libro na ito yung tipo ng libro na nagpapadeep na isa siyang criticism sa ating bansa, pero literal na sinasabi sa dulo ng libro ang meaning ng book, which makes it really shallow in giving messages and ideas to the readers. Wala akong nafeel, wala yung tipo na mag-iisip ka kung ano ba ang nais ipahiwatig ng libro kasi literal naman na sinabi na ng libro ang mensahe, hindi rin siya effective as a satire of our country. Ridiculous yung plot, hindi ko naramdaman yung "Ano kaya ang feeling na maging superhero?" masyadong mabilis ang pangyayari, mas marami pang exposure yung mga kapitbahay ni Rogelio kesa sa mga taong dapat iiyakan mo kapag namatay. Nasayang lang ang oras ko sa pagbabasa.
Profile Image for Mac Dubista Keso The Bibliobibuli v(=∩_∩=).
549 reviews69 followers
August 24, 2020
❝𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊𝒉𝒂𝒏, 𝒆𝒉 𝒅𝒊 𝒔𝒂𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊. 𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒐𝒏𝒔𝒆𝒏𝒔𝒚𝒂, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊. 𝑷𝒂𝒂𝒏𝒐 𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒅𝒊𝒅𝒊𝒔𝒈𝒓𝒂𝒔𝒚𝒂? 𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌 𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒚𝒂𝒓𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒑𝒂𝒉𝒊𝒓𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒐.❞

-𝑅𝑜𝑔𝑒𝑙𝑖𝑜 𝑀𝑎𝑛𝑔𝑙𝑖𝑐𝑚𝑜𝑡

❝𝙏𝙐𝙏𝙐𝙇𝙊𝙉𝙂 𝙠𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖... 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙈𝙊 𝙆𝘼𝙄𝙇𝘼𝙉𝙂𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙇𝘼𝙉.❞

-𝙈𝙖𝙣𝙜 𝙀𝙧𝙣𝙚𝙨𝙩𝙤

⍣ Pang-apat na libro para sa buwan ng wika.ü

⍣ Salamat @visprint para sa mga librong ito. TRESE 1-3 serye, Kapitan Sino, Nuno sa Puso (asul at kahel) at Taguan-pung at Manwal ng Pagpapatiwakal (level-up). 💜

⍣ Paano nga ba maging tagapagligtas? Nangangailangan nga ba ang mundo ng taong magsasalba dito? Sino nga ba ang kalaban?

⍣ Hindi ko inaakalang malulugod akong basahin ang librong ito. Nung una'y akala ko panay kalokohan at katatawanan lamang, pero habang tumatagal nakilala ko si Kapitan Sino.

⍣ Gusto ko ang nilalaman at kahulugan ng librong ito. Ngunit maaring hindi mo maintindihan ang gustong ipabatid ng manunulat kung sarado ang iyong utak. Simple at may kurot na pino sa puso ang istorya ng buhay ni Rogelio.

"ᵃˡᵃᵐ ᵐᵒ ᵇᵃ ᵃⁿᵍ ᵖⁱⁿᵃᵍᵏᵃⁱᵇᵃ ⁿᵍ ᵐᵍᵃ ᵇᵘˡᵃᵍ ᵃᵗ ⁿᵍ ᵐᵍᵃ ⁿᵃᵏᵃᵏᵃᵏⁱᵗᵃ?"

"ʰⁱⁿᵈⁱ ᵃˡᵃᵐ ⁿᵍ ᵐᵍᵃ ⁿᵃᵏᵃᵏᵃᵏⁱᵗᵃ ᵏᵘⁿᵍ ᵏᵉˡᵃⁿ ˢⁱˡᵃ ᵇᵘˡᵃᵍ."

-ᴛᵉˢˢᵃ

"ᵐᵃʳᵃᵐⁱⁿᵍ ᵗᵃᵒ ᵈⁱᵗᵒ ᵃⁿᵍ ᵐᵃˢ ᵐᵃˡᵘⁿᵍᵏᵒᵗ ᵖᵃ ˢᵃ ᵗᵃᵒⁿᵍ ⁿᵃᵏᵃᵗⁱʳᵃ ˢᵃ ᵇᵘʷᵃⁿ. ˢᵃᵏᵃ ʰⁱⁿᵈⁱ ⁿᵃᵐᵃⁿ ᵏᵃⁱˡᵃⁿᵍᵃⁿ ᵃⁿᵍ ᵐᵃʳᵃᵐⁱⁿᵍ ᵗᵃᵒ ᵖᵃʳᵃ ᵇᵘᵐᵘᵒ ⁿᵍ ᵐᵘⁿᵈᵒ ᵉ. ᵐⁱⁿˢᵃⁿ ⁱˢᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒ ˡᵃⁿᵍ ᵃⁿᵍ ᵏᵃˢᵃᵐᵃ ᵐᵒ, ᵇᵘᵒ ⁿᵃ ᵃⁿᵍ ᵐᵘⁿᵈᵒⁿᵍ ᵏᵃⁱˡᵃⁿᵍᵃⁿ ᵐᵒ ʰᵃᵇᵃᵐᵇᵘʰᵃʸ."

-ʀᵒᵍᵉˡⁱᵒ

⍣ Gusto ko yung kaunting sundot ng romansa sa istorya. Sayang nga lang at hindi nabigyan ng pagkakataon lumawig pa ang kanilang samahan.

"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰. 𝘛𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘣𝘪𝘴𝘢𝘯. 𝘐𝘭𝘶𝘴𝘺𝘰𝘯. 𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯."

-𝘔𝘢𝘯𝘨 𝘌𝘳𝘯𝘦𝘴𝘵𝘰

⍣ Marami akong natutunan sa librong ito. Isa na rito ang pagtulong sa kapwa mo ng walang inaantay na kapalit. Ang KUSANG pag gawa ng tama, at pagiging responsable sa sarili mong buhay at desisyon. Isa pa, sa panahon ngayon, marami ang tumutulong sa kapwa, pero gusto nilang makilala at mabigyan ng pansin. Na dumarating sa puntong, pang sariling kagustuhan lamang. Nakakalungkot na katotohanan.

⍣ Nakakapanglumo man ang katapusan ng istorya na ito, masasabi kong makatotohanan at maihahalintulad mo sa totoong buhay natin. Kahit anong gawin mo, mabuti man o masama, may masasabi't masasabi pa din ang mga tao. Hindi tayo marunong makuntento, palaging may hinahanap mula sa ibang tao. Pero hindi tayo handang magbago. Sabi nga ni Bob Ong, totoong may sakit ang pilipinas, pero walang gustong gumamot nito.


▌│█║▌║▌║ - ║▌║▌║█│▌
Profile Image for Janus the Erudite Artist.
702 reviews93 followers
February 20, 2011
I’ve always been curious to see what Bob Ong would be offering his readers, so of course, as soon as I heard about Kapitan Sino, I anticipated its release.

The waiting was certainly worth it. The first few parts where slow to begin with but as you flip through page after page, things do get interesting; as long as you have the patience to give the book a chance.

As I closed this book after reading the end of it, I was downhearted. It’s sad. Sad to see how the truth really sucks! The book may’ve been fiction but everything, aside from the super power and monster-fighting thing, was reality! The poverty people experience; the lack of provisions, equipment and manpower for government facilities; the injustice and blame; the lack of proper judgment; the loss of loved ones; the desperation of a parent to do anything to keep his child alive, even if it meant to kill someone for it; the stupid sugarcoating and illusory acts of charity by politicians; the longing for change; everything! It smacks you in the face if you haven’t even realized it, but if you’ve known all along, it turns you unhappy, it did to me at least. Kapitan Sino is a great eye-opener and teaches us a valuable lesson.

To sum up what I think of this book, it’s very good to read. The writing is very much passable and can be easily understood. Characters are well placed and relatable. It’s respectable and heeds out a very important message.

For more of my reviews, please visit my blog:
The Blair Book Project @ www.theblairbookproject.blogspot.com
Profile Image for Jazz Keep Reading.
46 reviews3 followers
July 15, 2017
i love this book!!!! i mean i feel irritated while reading not because it's a bad book but because it's too perfect and too real that it shows what is happening in some community in my country. i need to read more works from the author!!
Profile Image for Tin.
48 reviews10 followers
June 28, 2011
Sa tingin ko, medyo boring talaga yung beginning at middle parts nung libro. Kaya 3 stars ang rating ko ay dahil nagustuhan ko yung mensahe sa dulo.
Profile Image for Math Teacher.
14 reviews5 followers
May 3, 2012
Ang tagal kong tinangkang basahin ang librong ito. Siguro mga nakakalimang buwan na mula nang ninenok hiniram ko at iniuwi ang librong ito mula sa kasamahan ko sa trabaho. Ilang beses kong sinimulan. Ilang beses kong sinubukan Ate Charo. Pero hindi umubra. Parang may pumipigil sa aking basahin ito.

Hanggang sa maisipan kong mag-marathon ng mga Filipino authors kahapon. Nagbasa ako ng Tatlong Bob Ong at isang Eros S. Atalia. Pangatlo ito sa mga nabasa ko, huling akda ni Bob Ong sa araw na iyon.

Anong naging reaksyon ko?

Pagkababa ko ng libro ay napahiga ako sa kama. May kung anong gustong kumawala sa akin. Gusto kong magtatalon. Gusto kong sumigaw sa bintana. Gusto kong manigaw ng kapitbahay. Gusto kong magkulong sa kwarto at umupo lang sa isang gilid habang yapus-yapos ang dalawang binti. Gusto kong manulak ng bata sa tulay. Gusto kong magmura. Gusto kong awayin lahat ng tao sa bahay. Gusto kong kumanta. Gusto kong magsulat. Gusto kong bumalik sa nakaraan. Gusto kong mag-aral ulet. Gusto kong mapirmi sa isang tabi pero di ko magawa. Gusto kong itigil ang mundo ng mga oras na iyon.

Oo, ang OA nito. Pero ganyan talaga ang naramdaman ko.

Gusto kong buhusan ng tubig ang kung ano mang apoy na meron sa loob ko.

Gusto kong mag-rebolusyon.

Gusto kong magsimula ng pagbabago.

Ito ang unang beses na sobra akong naapektuhan ni Bob Ong. O baka nga ng kahit sino pang manunulat.Pasensya na kay Rizal pero hindi ganito katindi ang "intensity" ng naramdaman ko nang matapos ko ang Noli at Fili.

May nagising saking pagkamuhi, sa mga Pilipino at sa mga tao.

Bakit tayo oportunista?
Bakit tayo manggagamit?
Bakit tayo mayabang?
Bakit tayo makitid?
Bakit tayo walang utang na loob?
Bakit natin isinisisi ang lahat ng paghihirap sa iba?
Bakit tayo walang pakisama?
Bakit tayo nabubulagbulagan?
Bakit andali nating mauto ng pera?
Bakit masyado tayong makasarili?
Bakit hindi tayo tapat sa sarili at kapwa?
Bakit iniaasa natin sa kung sinong bathala o bayani ang kaginhawaan?
Bakit wala tayong pakialam sa iba?
Bakit wala tayong pakialam sa nakararami?
Bakit wala tayong pagpapahalaga sa dignidad natin bilang tao?
Bakit hindi tayo kumikilos?
Bakit hindi natin sinisimulang magbago?

Apektado talaga ako. Sobrang apektado.

Nakakabwisit na nakakaiyak na nakakasakit.

Kasi suspek rin ako. Aminado akong suspek din ako.

Pero ngayon,napagdesisyunan kong tatawid na ko sa kabilang kampo.
Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko sa sarili kong mabuti akong tao. Na kaya kong magpakatao.

Profile Image for Shxrxn.
415 reviews
February 13, 2010
Kung ano yung meron ka ibinabahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo ginagawa mo. Yun Yon e! Ba't ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina.....
- bokbok (page 31)

Dahil maraming pwedeng magkagusto sa'yo nang ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo/
- tessa (page 100)

ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata.
- tessa (page 101)

may binabagayan ba ang kabayanihan?
- tessa (page 101)

maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. saka hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo e. minsan isang tao lang ang kasama mo , buo na ang mundong kailangan mo habangbuhay.
- rogelio (page 104)

higit ka sa maganda....higit sa mak...sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa....higit sa maipipinta ng awit....at malililok ng salita....higit ka sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula....higit ka sa pinakamagandang katha.
- rogelio (page 107)

may kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng tao.
- mang ernesto (page 129)

ano an inaakala mong bayani? yung mga nasa komiks na sumasabak sa panganib na hindi totoo? nagliligtas sa mga taong walang buhay? gumagawa ng mga bagay na hindi naman nangyari? hindi namamatay at hindi nawawalan?
- mang ernesto (page 130)

magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.
- mang ernesto (page 130)

kalunos-lunos ang bayang nangangailangan ng tulad mo. walang pag-asa ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang na katulad mo
- mang ernesto (page 131)

naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. dahil hindi sila yung 'iba' na na yon, wala silang ginagawa. walang nagbabago. walang may gustong magbago. naghihintay lang ang lahat sa 'iba', yung hindi nila katulad.
- rogelio (page 147)
Profile Image for marky.
212 reviews17 followers
December 10, 2014
Matagal ko nang nabasa yung libro pero ngayon ko pa lang gagawan ng review XD

Ang kwento ay umiikot kay Rogelio Manglicmot na sa kalaunan ay nalaman niya at ng kanyang kaibigan na si Bok-bok na may kakaiba siyang kapangyarihan.

Nang matutunan na ni Rogelio na kontrolin ang kanyang kapangyarihan at napagdesisyunan niyang maging isang Hero sa pangalan na 'Kapitan Sino'. At nang malaman ni Rogelio na isang halimaw ang anak ng mayor ay tinalo niya ito. Pero halos nawalan na siya ni lakas ng loob ng mabuhay pa nang mamatay ang kanyang kasintahang si Tessa na siyang huling biktima ng halimaw.

Hanggang sa isang araw lumaganap amg isang epidemya at lahat ng mamamayan ay despiradong makahanap ng lunas. Napag-alaman ng kinauukulan na ang dugo ni Rogelio ay maaaring maging lunas.

Nagtapos ang kwento ng may makasalubong siyang isang amang may dala dalang batang may sakit at sinaksak nito si Rogelio nang malamang ang dugo nito ay ang lunas.


OKAY. Maikli lang yung libro gaya ng ibang akda ni Bob Ong. Isa ako sa mga tagahanga ni Bob Ong, at isa to sa mga kwentong muntik nang magpaiyak sa akin. Pero medyo naboring ako sa pagbabasa kasi medyo common na yung plot. Pero gaya ng ibang akda, pinapakita dito ang buhay buhay nating mga pilipino. Inilalarawan ng libro kung papaano madaling makalimot ang mga pilipino sa mga nagawa ng mga bayani sa ating bansa. Na sa kabila ng ginawa nilang mga kabutihan sa ating bayan, hindi nabibigyan ng halaga.

Yun lang.
Profile Image for Chelsea Anne.
49 reviews
May 20, 2012
Silver book [trip na trip ko ang cover] tungkol sa isang superhero, sakit ng gobyerno at sakit ng lipunan. Bilib pa rin ako sa mga punch lines at mga tagos na quotes ni Ong. Mahusay ang pagkakalarawan sa bayan ng Pelaez, repleksyon ng isang tipikal na bayan sa Pilipinas na puno ng istorya, mga taong hindi mawawala sa bawat barangay (chismosa, tambay, mga batang naglalaro, mga batang may mga pangarap, atpb) at mga hindi maresolbang problema.

Karamihan sa mga mamamayang may dinaranas na suliranin ay laging nag-aabang ng tulong at ng pwedeng sisihin sa kanilang problema. Hindi makagalaw ng may kusa. Reklamo dito, reklamo do’n. Kurakot dito, kurakot do’n. Hatakan pababa, turuan kung sino ang may pakana. Mistulang gasgas na pahayag pero totoo. Kung lahat lang ng tao (o kahit karamihan ng tao) ay may tamang disiplina edi hindi na natin kailangan ng bayani para sumagip sa oras ng pangangailangan.

Hindi ko akalaing ayos naman pala ang librong ito. Medyo na-boringan kasi ako sa description sa likod. Pero natuwa naman ako sa mga patama at aral na nakalakip sa istorya. “Maging bayani ka ng sarili mong buhay.”
Profile Image for Jess L..
1 review5 followers
September 28, 2013
"Bayani ka hindi dahil sa kung ano ang kaya mong gawin, kung hindi dahil sa mga ginagawa mo."

Matagal ko nang nabasa tong librog ito, sobrang fan kasi ako ng awtor. Sobrang tawang tawa ako sa librong ito, lalo na sa first part kung saan madalas maglokohan si Bok-bok at Rogelio. Sa pagpatuloy ng kwento, paunti-unti nang naging seryoso ang daloy ng mga pangyayari at pagpapahayag ng saloobin. Thus, the unfolding of the essence of the book and its story.

I love the book because of the fact that I am also Rogelio in my own way. Pakiramdam ko kasi tungkulin kong tulungan ang lipunang kinabibilangan ko. Siguro nga medyo OA o kabaliwan yun, pero sabi nga nila, "those who are crazy enough to think that they can change the world are actually the ones who do."

One of the best Philippine fiction books. Perfect para sa mga kabataan na gaya ko na nangangarap magbahagi ng pagtulong sa lipunan at bansa. Bigyan man tayo ng ilang libong daan ng lipunan para sukuan natin ang pangarap nating mapabuti ito, humanap parin tayo ng dahilan upang ipagpatuloy ito :)

Kudos!
Profile Image for chimmy.
79 reviews3 followers
March 21, 2021
Previous rating: 5/5
Current rating: 4/5

Lipas na siguro sa akin ang tipo ng pagsasalaysay ni Bob Ong. Epektibo ito sa mga non-fiction niyang akda, sa fiction, hindi gaano.

Hindi ibig sabihin na hindi ko nagustuhan ang akda. Naaalala ko pa noong una kong nabasa ang Kapitan Sino, naluha pa ako sa dulo. Sinabihan ako ng kuya ko ng, "Talaga, naluha ka? Nakakalungkot siya para sa akin, pero hindi naman nakakaiyak."

Walang luha ang tumulo sa akin ngayon, sa kabila ng mga bagong pananaw dulot ng pagtanda nang ilang taon. Mas napansin ko ang mga ipinapahiwatig ni Bob Ong na mga sitwasyon sa lipunan: pataasan ng ihi, pang-aabuso, pagmamalabis, at higit sa lahat, ang pag-uuna ng pansariling interes bago ang nakabubuti para sa marami.

Mas nangibabaw ang galit ngayon kaysa lungkot. Pero umalab din ang kagustuhan kong mabago ang lipunang kinabibilangan ko, kung hindi man ang mundo. Tulad ng huling bahagi ng akda, tatanungin ko ang sarili, anong magagawa ko?
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books38 followers
January 29, 2018
Binasa ko ulit ito. Medyo nakalimutan ko na pala ang karamihan ng mga eksena, maliban sa iilan (lalo na 'yung kilig scene ni Rogelio at Tessa. Iba pa rin 'yung tama nu'n kahit ilang beses kong basahin). Nakakatawa pa rin ang mga generic jokes.

Ang totoo, simple lang naman ang mga akda ni Bob Ong; tipong maiisip din naman ng iba, pero iba talaga 'yung sapak kapag siya ang nagsulat eh. Ewan ko, pero kahit wala namang ganu'n ka-espesyal sa kuwento, iba pa rin 'yung kaya kang dalhin ng kuwento at maka-relate sa mga eksena. Para sa akin, mas epektibo 'yun kaysa sa kumplikado ngang kuwento, ang hirap namang intindihin.
5 reviews
April 11, 2021
Sa panahon ng pandemya ko ito nabasa. At may bahagi ng libro kung saan may piksyunal na virus din ang kumalat. Mayroon ding isyu tungkol sa 'travel ban' at ang paggamit ng 'face masks', pagkansela ng mga klase sa paaralan, pagsara ng mga negosyo, at pagbagsak ng ekonomiya.

Hindi ko alam kung piksyunal nga talaga lahat ng 'yon, pero pakiramdam ko ay oo. Sapagkat ang naging lunas para sa sakit na 'yon ay ang dugo ng ating bida.

Kinilabutan ako sa bahaging 'yon. Nahulaan ba ni Bob Ong lahat 'yon? Lahat ng nangyayari ngayon.

5/5 stars.

Akala ko ay simpleng superhero story lang. Pero mali ako. May lalim, may pasaring, at may mensahe. At syempre, may pag-ibig.

You never fail us, Bob. <3
1 review
June 16, 2010
"Hindi mo naman kelangan ng maraming tao para makabuo ng isang mundo, eh... Minsan isang tao lang pwede ng mabuo ang mundong kelangan mo hambambuhay" - Kapitan Sino

"Higit sa maganda, higit sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa..higit sa maipipinta ng awit..at malililok ng salita..higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula..higit ka sa pinaka magandang tula"- Kapitan Sino
Profile Image for Meltz.
1 review2 followers
May 26, 2011
Napakahusay ng panulat, sa simulat pa lang ng kwento, ay isinasalaysay na ang katotohanang nagaganap sa ating lipunan. Bakit kailangang lagi mong susubuan ang isang tao, gayong kaya mo naman siya turuang kung paano nya gagawin ang isang bagay para sa susunod matututo na siyang gawing mag-isa.
Profile Image for Anna Katrina.
30 reviews14 followers
August 5, 2014
From Bob Ong's book shelf, there are three amongst I can categorize as my favorite: ABNKBBSNPLK, Alamat ng Gubat and this book, Kapitan Sino. This is a page turner and definitely, an easy and light reading book.
Profile Image for Gian .
103 reviews1 follower
January 6, 2012
Hindi natin kailangan ng superhero para mailigtas tayo sa kasamaan.
Profile Image for Judy Ann.
2 reviews2 followers
April 29, 2015
Ang pinakapaborito ko sa lahat ng libro ni Bob Ong. Tagos na tagos ang mga linya.
Displaying 1 - 30 of 250 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.