Jump to ratings and reviews
Rate this book

Janus Sílang #4

Si Janus Sílang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha

Rate this book
Hindi natagpuan nina Janus ang katawan ni Renzo sa Paanan ng Bundok Banog.

Bumalik sila sa Angono para hanapin ang puwang ng mga wala na, at para hanapin ang sagot sa mga naroongtanong: Ano na ang nangyayari kina Manong Joey sa Kalibutan? Wala na bang nakakita kay Boss Serj mua noong Pasko? Bakit parang nanghihina ang mangindusa ni Janus?

At higit sa lahat, nasaan ba talaga si Tala?

287 pages, Paperback

Published September 1, 2019

18 people are currently reading
431 people want to read

About the author

Edgar Calabia Samar

34 books573 followers
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
264 (74%)
4 stars
64 (18%)
3 stars
24 (6%)
2 stars
0 (0%)
1 star
3 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 92 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,090 reviews851 followers
November 21, 2021
Hindi ko na alam kay Sir Egay kung galit s'ya sa mga readers n'ya o kung ano. Sobrang nahiya ang Fairytail sa daming [redacted] sa librong ito. Hahaha! Pero kahanga-hanga rin ang tapang ni Sir Egay sa pagsulat n'on ha. Yun lang, masakit s'ya sa puso.

Sobrang bangis pa rin ng series na 'to, ng ika-apat na book na ito ng Janus Silang. Gustong-gusto ko ang aksyon at epic fight scenes, ang paghubog sa mga characters, ang pagpapa-alala na ang Janus Silang ay fusion ng mitolohiya, kasaysayan, at teknolohiya at ang di paglimot sa kalungkutan, sa mga emosyon na dapat alalahanin at nagsisilbing inspirasyon para magpatuloy.

As usual, ang dami pa ring twists at revelations lalo na sa main plot ng serye at mga tauhan. Di ka talaga makakapaghanda sa kung ano'ng pasabog ang ilalapag sa'yo ng Janus Silang 4. Hindi pa naubos ang bala ni Sir Egay sa book 3, marami pa s'yang stock dito. Hahaha. Mahirap na lang mag-kwento at spoiler.

Basta, walang tapon sa Janus Silang 4. Plot-wise at character-wise, lahat pinag-isipang mabuti. Kahit nga 'yung minor/minute details, nakakabilib at nakakapagpa-isip, paano pa yung mga major events? You're all in for a treat. I-handa lang ang isip, lalo na ang puso sa mga nangyayari.
Profile Image for Ji.
12 reviews2 followers
September 14, 2019
Nagtagumpay ang libro na magsilbing libro bago ang huling bahagi ng serye-nobela.

Una, tensyonado ang mambabasa. Isa lang ang ibig sabihin, mahusay ang pagkakalahad ng climax na manunulay pa sa huling yugto ng serye lalo na't nagpakita na "Siya". Ngunit nakakahinga rin naman ang mambabasa. Dahil kahit na napakabigat ng sitwasyon, may light moments. Na-highlight ito ng pagkakabanggit sa ugali ng mga tao na kahit lugmok na sa napakahirap na sitwasyon, pinipilit pa ring pagaanin ito. Kaya nga roller coaster ito ng emosyon—takot, tensyon, saya, galit, pagkadismaya, lungkot, at pananabik sa susunod na mangyayari.

Pangalawa, kagimbal-gimbal na naman ang mga rebelasyon. Ito yung pinakaaabangan at pinakahahangaan ko talaga sa serye. Ang hiwaga. Ang pagtuklas sa hiwaga dahil para kang nakakatagpo ng mga bagong kwento sa kasaysayan ng mitolohiyang Filipino. Mahusay talaga ang retelling. At akmang-akma pa rin sa internal logic ng kwento. Bumubuo ang awtor ng mundong hindi kanya, dahil buhat din naman ang mga nilalang sa loob ng kwento sa mitolohiyang Filipino, ngunit inaangkin din niya dahil sa kanyang pagdaragdag ng kanilang alternatibong kasaysayan, pagpapalalim sa dahilan ng kanilang pag-iral at pagpapalawak pa sa mundong kanilang ginagalawan. Hanggang umabot na nga sa iba't ibang dimensyon, panahon, at yugto ng pagkakalikha ng mga mundo sa uniberso o Santinakpan. Ang kapangyarihan nga naman ng panitikan.

Pangatlo, mahusay ang paraan ng pagkukubli ng awtor ng mga hiwagang nagsisilbing palaisipan sa mga mambabasa. Nag-aabang ang mga mambabasa sa mga rebelasyon habang lumilikha rin ng mga haka o teorya. Parag nababarang lang ang mga mambabasa kung nabibigo man sila sa pagpapatotoo ng kanilang teorya. Parang naililigaw din sila ng Tiyanak. Patong-patong at sulpot nang sulpot ang mga bagong palaisipan na nagpapatindi pa sa hiwaga ng kwento. Kung magkakamali man ang mambabasa sa mga inaakala niya, tanda na mahusay talaga ang pagkakabuo ng kwento. (May haka ako noon na baka hindi naman talaga isang humihingang nilalang si Tala. Na isa lang siyang sandata sa ibang anyo. May haka rin ako na baka magkaugnay o magkadugtong ang "Janus Silang" at "Kasaysayan Ng Kalibutan" na sini-serialized ngayon sa Liwayway dahil sa tagpuan ng dalawang kwento, sa pagkakabanggit ng pangalan ng isang karakter na nabasa ko rin sa JS at KNK, at ang pagkakabanggit din sa kaluluwa. Hindi ko alam kung parallel story, sequel o prequel ito ng JS.)

Basta, isa talaga itong serye nobelang may astig at matingkad na kwento. Kailangang mabasa ito ng marami pang Pilipino. Hindi na ako makapaghintay sa huling bahagi ng serye.

Parating na siya.
Profile Image for Jahnie.
318 reviews33 followers
March 29, 2021
Ang saklap. Maikling mga pagkakataon ng kasihayan at pagtitipon, ngunit ang susunod pala ay pait at hinagpis. Nagustuhan ko ang mga maaksyong tagpo pero ano na naman 'yong pagtatapos ng librong ito? Sa'n ba tayo dadalhin ng susunod na libro? Kay daming tanong. Aabangan natin ang pagwawakas ng seryeng ito.
P.S. Gustong-gusto ko ang titulo ng librong ito. Ang sarap lang bigkasin: Ang hiwagang may dalawang muka.
Profile Image for Julienne.
234 reviews14 followers
September 19, 2020
"Ganoon naman yata talaga minsan, hindi natin masumpungan ang mga sagot dahil mali ang mga tanong natin. O nasusumpungan natin ang tamang sagot kahit mali minsan ang itinatanong natin."

Ang hirap paniwalaan ng mga nangyari sa librong ito. Tama nga ang hula ko matapos basahin ang pangatlong libro ng Janus Silang, marami na namang mamatay na tauhan.

Habang tumatagal, lalo akong namamangha sa pagkakagawa nitong librong ito. Habang tumatagal din, lalo akong napapamahal sa mga tauhan.

Sinabi ko noon sa unang libro na walang masyadong aksyon katulad ng iba kong nababasang fantasy books, pero, sa librong ito, punung-puno ng aksyon, twist at mga di kapanipaniwalang mangyayari.

1. Sino nga ba si Kuya Renzo?
2. Sino si Layag?
3. Sino si Boss Serj?
4. Nasaan na ang tatay ni Janus?
5. Bakit puro Tiyanak na lang nagwawagi?

Marami pa akong tanong pero baka ma-spoil ko. Ang sakit sakit ng librong ito. Gusto kong ibalibag dahil sobrang nakakaloko ang mga nangyari. Bakit? Bakit nangyari ang mga nangyari?

Walang salita ang makakapantay sa nararamdaman ko ngayon. Di na ako makapaghintay sa huling libro ng Janus Silang.
Profile Image for C.
114 reviews44 followers
September 13, 2021
Ang sakit naman sa puso nito😭😭😭 ang daming namatay na di mo aasahan. Haay. Pero anong nangyari kina Renzo at Janus? Ang confusing pa ng ending. Kailan po release ng 5th book? Grabeeeeee
Profile Image for Nico.
100 reviews
September 17, 2019
Sa pagiging totoo ng Janus Silang series, nagkakaroon ng koneksiyon ang mga Pilipino sa totoong mito at pagkakakilanlan nila. Hindi nila kailangan lumabas para humanap ng hiwaga pero malalaman ng mga tao at kabataan na mayaman tayo sa kultura at isang instrumento ang Janus Silang series para maipakita ito sa mga Pilipino.

Sa book 4 'Si Janus Silang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha', makikita rito ang desperasyon sa paghahanap kay Tala at ang iba't ibang laban sa iba't ibang lugar. Natuwa ako kasi sa tingin ko mas nabigyan pa ng kulay ang serye ngayong book 4. Hindi lang siya usapin ng kasalukuyan pati na rin ang mga nangyari sa nakaraan na may importansiya sa kung anong mangyayari sa hinaharap.

Mapait ang book 4, pero bibigyan ka niya ng laya upang maintindihan ang bawat pangyayari. Sobrang nakakamangha ang paglalapat ni Sir Egay ng Pilipinong konteksto sa serye. Nabigyang representasyon ang iba't ibang mitolohiya at alamat. Naramdaman kong sa atin ang laban at sobrang naramdaman ko rin ang kalungkutan at hinagpis sa araw na dumating ang mga hindi inaasahan na pangyayari.

Ang husay nang pagkakagawa sa book 4, sobrang nakakataas ng balahibo kapag babasahin mo ulit ang mga nangyari at ang mga hindi nangyari.

Gayunpaman, inaabangan ko na agad ang book 5 kasi siyempre bitin pa rin.

Profile Image for Sai theengineerisreading.
613 reviews102 followers
September 27, 2019
Kung anuman ang direktang translasyon ng 'MIND BLOWING' sa wikang Filipino, iyon ang definisyon ng ikaapat na libro sa Janus Silang serye ni Sir Edgar.

Wasak. Iiwanan ka ng Si Janus Silang at ang Hiwagang may Dalawang Mukha na wasak, uhaw, at naghihingalo. Nakakainis 'no? Kung bakit naiinis ka sa mga nangyari dahil parang nagtatapos na ang lahat kahit nasa simula pa lang talaga tayo ng katapusan. Wasak.

Pinakagusto kong elemento sa ikaapat na librong ito ang umaapaw na emotional content. Babala: h' wag masyadong mahalin ang isang karakter dahil iiwan ka rin lang nito. Napakaraming pangyayari sa katapusan ng librong ito na talaga namang sunod sunod ang mararamdaman mong inis at galit at lungkot dahil [...] Pero talaga namang hindi matatawaran ang husay ng pagkakahabi ng kwento sa seryeng ito at eto na nga, nasa paghihintay na naman tayo para sa huling libro na bubuo sa kwento ng paborito nating bida.

Ayokong mag-drop ng kung anumang spoiler sa review kong ito pero WASAK talaga. Literal na mawawasak ka bago mo matapos ang ikaapat na libro. Alam kong hindi masyadong malinaw ang mga puntong pinupuntirya ko rito pero ganun talaga, hindi masyadong makapag isip ang utak kapag halo-halo ang emosyon nararamdaman.

RATING: Limang sinag
Profile Image for JeLo Guevara.
134 reviews8 followers
January 22, 2025
Hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi ko ukol sa nobelang ito. Mas nahihigitan ng bawat serye ang nauna rito. At ngayon, mas nahigitan ng ikaapat na bahagi ang ikatlo - sa lagim, sa lalim, sa dilim, sa sorpresa, sa pighati - sa lahat na.

Ang nais ko na lamang ay mabasa ang ikalima at huling bahagi ng seryeng ito at malaman na ang tadhanang kakaharapin ng santinakpan.
Profile Image for RG.
8 reviews1 follower
July 11, 2021
Walang palya si sir Egay pagdating sa paglalaro ng emosyon ng mga mambabasa niya. Ilang beses akong napamura, naawa, nandiri, nainis, nanlumo, at mangilan-ngilan ding pagtawa sa bawat sumusunod na pangyayari. At para bang nasasanay na rin akong mag-isip na may mangyayari na namang masama sa susunod ng pahina. Talagang pipigain ng librong ito ang pag-asa mong may mangyaring maganda.

Kung ano ang tindi ng mga eksena sa pangatlong libro, parang kurot lang ang mga iyon kumpara sa mga naganap dito sa ikaapat. Walang tapon ang bawat eksena at kabanata, at mas lalong lumalala ang mga pangyayari, lumalala sa paraang dumarami rin ang mga katanungan na tipong book 5 na lang ang hinihintay, HAHA!
Profile Image for V,  The Reading Turtle.
352 reviews12 followers
November 14, 2021
Ikalawang pagbabasa ngayong 2021 bilang bahagi ng aking Janus SIlang marathon.

Ito ang pangalawa sa huling installment. Ang pinaka-action-packed. Pinakamasakit. Pinakapaborito ko (so far. Di ko pa nababasa 'yung book 5 haha)

So ayon. Ang tagal kong naghintay bago ako makakuha ng kopya nito, at syempre binasa ko agad. Napakalupet ng installment na ito. Napakabangis. Napakadugo. Sa mga unang chapter pa lang, ang dami nang labanan at patayan. Nakakapagpabilis ng tibok ng puso ang mga pangyayari.

'Yung mga karakter sa mga previous installment ay well-developed na rito sa book 4, pati si Harold. Nakakaiyak nu'ng sinabi niyang maiiwan na siya ni Janus sa pagtanda. *sniff*. Sa kabila ng mga nangyari, may mga light moment din naman ang libro, gaya ng birthday party ni Janus. Nakakatuwa na nakikitang masasaya ang mga karakter. Patunay lang na kailangan lang din nila minsang ibaling ang isip mula sa mga nangyayari. Unwind muna hahaha.

May mga bago ring antagonist na na-introduce sa 'tin, at sa tingin ko, nakaka-intimidate naman sila, di tulad ng ibang kontrabida. Sa tingin ko lang, medyo one-dimensional lang si Israel, pero oks lang.

At sa sobrang dami nga ng mga nangyari, nagkaroon ng maraming katanungan. Dahil sa mga nakakaintrigang tanong na ito, gugustuhin mo talagang malaman ang mga sagot, ang mga matitinding rebelasiyon. At asahan mo ang sarili mong mapahitit ng hangin.

Pero grabe talaga 'yung ending eh. Ba't naman gano'n? 'Yung akala n'yo masakit na 'yung pagkahati ni Miro nang lengthwise, ta's may mas masakit pa pala. At ang mga pagkamatay, tipikal sa seryeng ito, ay over-the-top. Kaakibat ng mga kamatayang iyon, ay ang mga emosyong ipinakita ng mga karakter bilang tugon do'n kaya doble ang tama sa 'kin. Na-hype din ako no'ng nagpakita na si Miguel Santamaria. Dahil mahilig din akong gumuhit ng komiks, siya na ang naging paborito kong karakter sa serye.

So... 'yun lang. Ang gulo ng review na 'to lol. Basta. Topnotch ang storytelling, character development, at execution ng story. This book deserves more than five stars.

Time to dive in sa book 5.
Profile Image for Mac Dubista Keso The Bibliobibuli v(=∩_∩=).
546 reviews70 followers
May 15, 2022
❝Ganoon naman yata talaga minsan, hindi natin masumpungan ang mga sagot dahil mali ang mga tanong natin. O nasusumpungan natin ang tamang sagot kahit mali minsan ang itinatanong natin.❞

☙ NAPAKASAKLAP NAMAN! MASAKIT! Hindi ko ma-explain yung pakiramdam ko pagkatapos kong mabasa ang huling pahina. Tulala pa rin ako until now. Parang gusto kong sumigaw. Or kausapin si Sir Egay. Itanong kung BAKIT PO? Bakit nananakit?

☙ May nabasa na akong spoiler e. Isang karakter na mamamatay sa librong ito. Akala ko talaga handa na ako. So, sabi ko okay, mamamatay pala yun. Paborito ko rin siya e. TAPOS! HINDI LANG PALA SIYA! MAY MAS MALUPIT PANG MAMAMATAY! BAKIT NAMAN GANON?! T_T

☙ Knowing Sir Egay, alam kong may pasabog bawat libro. Hindi ako nabigo. Sobrang naenjoy ko naman ang bawat pahina. May mga pagkakataong binabalikan ko pa nga yung pangyayari. Baka kako hindi nangyari yon. haha Umasa nanaman din ako tungkol kay Friend. Wala na ba talaga? BAKA NAMAN?! Char!

☙ Ewan ko. Baka mabago pa yung rebyu ko sa librong ito. Kasi hindi ko pa rin magather lahat ng thoughts ko.

☙ GUSTONG GUSTO ko talaga ang bawat pangyayari. Puno pa din ng aksyon. Mga rebelasyon at nakakamanghang twist. Mamahalin mo talaga bawat karakter dito. Saka yung iba parang gusto mong pulbusin. Char! Nakakagigil kasi. Yung character development malupit e.

☙ May isang karakter pa talaga akong inaabangan kung anong mangyayari e. Please lang.. Baka di ko kayanin yung huling libro ha? Pero handa na ako. Okay lang matakot di ba? huhu

☙ Matagal tagal ko ring dinelay yung pagbabasa ng buong series na ito. Pero handa na talaga ako. Maraming salamat Sir Egay! Napakalupit mo talaga!

☙ MAIREREKOMENDA KO SA LAHAT NG MANGBABASA!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Anne.
Author 6 books44 followers
February 17, 2020
Halos awayin ko lahat ng book store na pinagtanungan ko kung may stock nito. I ended up buying from Adarna House directly (salamat sa mga staff na mabilis magreply sa social media at talagang napakamatulungin). ANYWAY. Ang tagal kong hinintay to. As in araw araw ako naglalaan ng oras para mabasa ito kahit napaka-busy. May times na medyo dragging lalo na sa reference sa TALA Online (di ko lang kasi ma-picture yung game in my head tas minsan parang di believable sakin na may banyagang makaka-appreciate ng mga mito natin habang very local and pangalan), some fight scenes (medyo binagalan ko basahin to kasi may mga katagang napakalalim), at yung pagmumuni-muni ng ilang characters. Andaming elements of mystery na di ko mawari pano na-keep track ang lahat nang ito nang di nababaliw ang may-akda. Pero may times na nakakadiskaril sa reading experience pag tumatalon sa iba-ibang perspective nang madalas. Often times feelings are cut so abruptly at mej mahirap sundan or to get back on the feelings train. Dami ding misteryo na saglit lang tinalakay tas wala nang follow up (ex.: anyare sa mangindusa ni Janus, that thing with Serj). Overall, enjoy naman sya basahin and like always, bitin yung ending. Sana dumating na ang book 5 pero kaabang-abang din ang komiks version nito! Major props kay Borg Sinaban sa illustrations. Ang galing!
Profile Image for Mark Alpheus.
837 reviews9 followers
February 18, 2024
Pangalawang pagbasa: Wala namang totoong handa, maaari lang tayong sumubok maging. At sa tingin ko naman, handa na ako sa huling libro sa serye. Kitakits!

Unang review:
Wala na. Finish na. Tuluyan na nga akong tinapos ng librong ito. Totoo pa bang nabubuhay ako sa ngayon, o isa na lamang itong ilusyon? Malabo. Kaya kailangan ko na ng resolusyon!

Gaya ng binanggit ko noon sa book 3, mas gumaganda itong serye sa bawat sumusunod na libro. Ito sa kasalukuyan ang pinaka-paborito ko (paborito ko lahat). Napakasarap basahin, bagamat may kirot sa damdamin habang binubuklat ang bawat pahina.

Mas plot-based na ang istorya. Mas madaming aksyon. Hindi na kailangan ng maraming paliwanag sa mundo ni Janus, 'di gaya sa unang mga libro. Pero hindi pa rin naman nawala ang misteryo. Partikular ang lihim ng Santinakpan.

Naglalangoy pa rin sa isip ko ang mga kailangan kong abangan sa ika-lima't huling libro sa serye, na inaasahang ilalathala ngayong taon. Parehong exciting at nakakatakot.

Dito lamang muna ako't iisipin ang masalimuot na daraang mga araw bago dumating ang huling libro. May kapiraso ng puso ko ang nakasalalay roon.

Si Janus Silang at ang Hiwagang May Dalawang Mukha ni Edgar Calabia Samar

Binasa para sa Malakas at Maganda (👀) prompt ng #PhilMythReadathon

#PMRIkalawangTaon
Profile Image for Josephine.
2 reviews
September 16, 2019
Kakatapos ko lang basahin nag libro, mnatakin mo yun apat na libro!! Isang buong maulan na Lunes!!
Iba ang istilo mo Sir, matindi pa sa Dark (sa Netflix), Stranger Things at Maze Runner..
Sa bawat aksyon, andun yung pagpipigil ko ng hininga na tipong doon nakasalalay ang kwento.
Ilabas mo na yung book 5, please...
At ako'y kakain muna habang pingninilayan ko ang nbsa ko.
Profile Image for Alxis.
16 reviews1 follower
September 15, 2019
Lalong lumalalim at lumalawak ang aking pang-unawa tungkol sa mundong inilalahad ni Edgar Samar. Nais ko nang mabasa ang pangwakas na libro. Sadyang kayganda ng kuwento, at isang matapang na awtor si Sir Egay para ibigay sa mga karakter ang kani-kanilang kapalaran.

'Stig mga 'tol.
Profile Image for YM Bait.
2 reviews1 follower
September 18, 2019
Wala na, uwian na talaga. Napakaraming rebelasyon. Mabigat at mahirap itulog ito. Hindi mai-sa-salita ang damdaming bumabagabag sa iyo habang binabagtas ang bawat pahina nito. Haiyyyyyyyy
Pagbati ser EGAY!
Book 5 please 🙏🙏🙏
Profile Image for Caryssa.
90 reviews48 followers
September 16, 2019
Natapos ko ba yung libro o ako ang tinapos nito?

Grabe, walang tigil yung kabog ng dibdib ko habang nagbabasa. Ang ganda, walang patawad! Tsaka na yung buong review pag okay na ako.
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
June 23, 2022
Ngayon ko lang natapos ang Book 4. Excited na ako para sa huling aklat ng Janus Silang series. Adrenaline rush ang dulot sa akin ng aklat na ito.
Profile Image for Edward .
53 reviews7 followers
July 3, 2020
The end is near.

Janus the púsong makes his way back to his world for a confrontation with the Tiyanak but it cost him his first close friend and brother-figure Renzo, or so he thinks. A brief reunion and birthday celebration was cut short after a new threat among all the bagani. After splitting up again, not knowing that it'll the last time some of them will see each other, the do whatever it took to find Tala.

Meanwhile, the mystery of Serj and his relation to Janus' father brought in more questions as to what happened and will happen. Janus and Renzo, in their separate ways, are now left to make a strong decision to find the marvel with two faces and Tala.

It's great that there's a short break from all the excitement left by the third book, a reminder as well that the characters deserve a breather. The new character Lasag has some mystery in her that seemed uniquely interesting, being a girl whose dreams are set in another world and all that.

Readers will find themselves a surprising and escalating set of events that will keep them turning the pages. Edgar isn't holding back with this fourth novel, he'll sure to go all-out on its final novel.

All this is getting me excited for the Lihim ng Santinakpan!
Profile Image for jessica.
73 reviews
August 26, 2020
3 stars:
nasa akin na siguro kaya hindi ako makapagbigay ng full ratings sa librong to. ang tagal na mula nung nabasa ko yung pangatlong libro kaya may mga nakalimutan na akong parte ng libro. kalahati yata ng oras kinakapa ko yung mga nangyayari at sino yung mga characters hehe. pero sana sa susunod na reread ko ng buong series ay maenjoy ko na sya! ang angas parin talaga ng writing style! napakavivid kaya natatakot akong basahin sya bago matulog hehe PERO AHHH THAT ENDING omygod
Profile Image for Isay.
229 reviews5 followers
April 4, 2020
Ang daming nangyari! Ang daming lihim na nabunyag at mga bagong palaisipan! Waaaaaaaah! Hindi ko na alam ang ieexpect sa kasunod, at huling, aklat sa seryeng ito, basta ang alam ko ay kailangan ko nang malaman kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng nangyari. Manong Egaaaay!!!
Profile Image for Jeremy Sim.
3 reviews2 followers
September 22, 2019
Hindi ako okay. 😭
Semi-spoiler alert 🚨‼️.
.
.
.
.
.
- Kung nabitin kayo sa ending ng books 1-3, walang-wala iyon sa pagkabitin ng book 4! Gusto ko nang basahin ang book 5! 😭
1: Nilisan nina Janus ang Balanga patungong Angono.
2: Naglaho bigla si Janus habang naglalaro ng TALA... pabalik sa panahong buhay pa si Mang Juan.
3: Si Mira ang iniligtas ni Janus at tuluyang nahulog si Kuya Renzo... na dinakip ng tiyanak.
4: Nasa EK sina Lasag at Mica pero woah anong ginagawa ‘niya’ sa EK at anong nangyari kay Janus??? 😫😩
- Yung emotional investments ko sa mga tauhan, hala gusto kong magwala habang binabasa ang huling tatlong kabanata. Bakit, Sir Egay? Bakit??? 😭
- Emotional wreck ako ngayon. Kailangan ko ng makausap para iprocess ang mga nangyari sa book 4.
- Sa unang pahina ng book 4, literal na kasunod siya agad ng ending ng book 3 kaya walang pahinga, tuloy ang kuwento.
- Lalong dumami ang mga katanungan ko dahil sa book 4.
- Alam kong may mamamatay pero hindi ko naman inasahan yung daloy ng mga pangyayari at yung hindi ka pa nakakamove-on sa pagpanaw/pagpaslang ng isa ay may (mga) sumunod na agad-agad. 😭
- Social commentary: Gusto ko yung dahil sa pagkaganid ng isang tauhan ay ito rin ang nagpabagsak sa kanya. Maraming tumatalikod sa kanilang tungkulin maaaring dala ng takot, pangamba, kawalan ng pag-asa (o nabarang?) ngunit kailangan ding manindigan at huwag talikuran ang inatasang layunin/misyon na nakaugat sa lahi upang mailigtas ang kapakanan ng Santinakpan. Ang daming “nababarang” sa ating lipunan at pilit na sumasanib sa kalaban dahil sa pansariling interes at upang iligtas ang mga sarili. Ngunit nang naglaho at nabuwag (?) ang bagong pinagsisilbihan, saan na sila pupulutin ngayon?
- Binubuksan ng serye ng pagkakamatay/pagpapaslang ang kaisipang sa pag-usad ng panahon/laban, kinakailangang mag-alay ng buhay o kinakailangang may lumisan upang matutunan maging matatag at tumayo sa mga sariling paa. Masakit at malungkot pero hindi titigil ang mundo, hindi titigil ang laban.
- Trust your instincts. Sino pa ba ang kapani-paniwala? Sino-sino pa ang mga natitirang kakampi?
- Marapait pala ang Filipino ng sunflower 🌻. 😅

#JanusSilang4
This entire review has been hidden because of spoilers.
13 reviews
November 22, 2019
Just finished reading books 1 to 4 of the Janus Silang series. It's a young adult fiction series written by a Filipino author, Edgar Calabia Samar. The story revolves around the main protagonist, Janus, a teenage boy who got hooked to an online RPG called TALA(Terra Anima Legion of Anitos) --- somewhat like DOTA but the player needs to fight off Philippine mythical creatures on each level like the Tiyanak on level 1.
Then came the TALA tournament… Janus with 5 other online gamers were at the Malakas computer shop, busy playing in the tournament when suddenly, without any warning, all of the gamers except for Janus mysteriously died simultaneously (I don't want to give any spoilers, read book 1 to know how they died). Janus, confused, scared and overwhelmed of what just happened went home thinking that he survived and everything will be back to normal. Well, that’s what he thought… it's only the beginning… soon he'll realize the mystery about TALA, about himself and his purpose… He'll meet new people (as well as mythical creatures) along the way.
In this series, Edgar Samar opens a new world, a mixture of the Philippine folklore and the modern world where mythical creatures are real, Bagani and Pusong exist… Hmmm… and it got some twists too, which I will not divulge here haha, just read the books ;)
After reading the 4 books, I can say Janus Silang series can compete with Harry Potter and Percy Jackson & the Olympians – yeah it's that good! If Rowling opens up a world to wizardry, Riordan to Greek mythology, our very own Edgar Samar gives us a peek to Philippine mythology.
Hats off to you sir Edgar Calabia Samar! I'm your fan now! This series is a masterpiece! I can't wait for book 5, the finale. I need to find the answers ;)

Note:
I don't recommend this to children below 12 years old as the story's a bit dark; there's gore and violence; somewhat depressing at some point; not really suitable for very young kids. But young adults and adults alike will surely love this series!
Profile Image for Dana.
98 reviews3 followers
December 4, 2021
Maraming nagsasabi na gasgas na raw na tema sa literaturang Filipino ang paggamit ng ating mitolohiya. Maaring ang mga opinyong ito ay dahil sa paulit - ulit na mababaw na paggamit nito sa mga palabas sa TV at pelikula kung kaya’t marami ang nawawalan na ng interes dito. Ngunit binigyan ng bagong buhay ni Sir Edgar ang ating mitolohiya sa pamamagitan ng series na ito na siguradong pupukaw lalo sa interes ng kung sino mang makakabasa nito na alamin ang mga istoryang nakapalibot tungkol sa ating mga pinaniniwalaang mga nilalang.

Maaring marami na tayong nalalaman patungkol sa tiyanak at sa mga enkanto ngunit bihira lamang akong makakita ng isang gawa kung saan hinabi ang lahat ng ito upang makagawa ng isang istorya na siyang pupukaw sa iyong interes at magpapagana ng iyong imahinasyon. Bihira ako magbasa ng mga librong patungkol sa supernatural sapagkat ako’y matatakutin ngunit nang basahin ko ang unang libro ng series na ito ay hindi sumagi sa isip ko na itigil ito kahit na alas tres na ng madaling araw sapagkat gusto kong malaman ang mga susunod na pangyayari. Halos, nag - aatubili akong bilhin ang susunod na libro ng ito’y nabalitaan kong lumabas. Wala pa akong nakitang series na likhang Pinoy na kinayang gamitin ang ating mitolohiya ng ganitong kahusay.

Sa paglabas ng ika-huling libro ng Janus Silang, aaminin kong excited na ako na makita ang pagtutuos ni Tala at ng Tiyanak ngunit ako rin ay nalulungkot na ang series na ito ay malapit na ring magwakas. Gayun pa man, maari ko namang basahin ito muli upang maranasan muli ang hiwaga ng mundo ni Janus.

Sir Edgar, hindi niyo man po ako naaalala, ngunit ako ay isa sa mga kabataang tagahanga mo. Ako’y nagalak nang ika’y bumisita sa aming paaralan noong Araw ng Wika 2017 at lalo na ng iyong pirmahan ang Janus Silang Book 1 at 2 ko. Nawa’y patuloy po kayong kumatha ng ganitong mga istorya bilang patunay na ang Pilipinong gawa ay kayang makipagsabayan sa mga nobela at istoryang gawang banyaga.

Mabuhay po kayo Sir Edgar at sa mga mambabasang nais basahin ang series na ito, huwag na kayong magalinlangan pa. ^_^

Profile Image for Harry.
74 reviews
May 24, 2020
Sharing my first ever review here after yearssssss of being a silent Goodreads wanderer!

Gaya nga ng inaasahan, hindi ko gaanong magugustuhan ‘to. Sinabi ko na rin dati pagkatapos ko basahin yung 3rd book na hindi ko na bibilhin yung 4th and 5th installments pero mas matindi pa rin yung pagnanasa na malaman kung ano kahahantungan ng kwento, gaano man ito kagulo para sakin.

Noong binasa ko yung unang libro, iba yung saya at pagkamangha dahil napaka-fresh at relatable ng language. Ganda ng world-building at hindi talaga ako matigil sa pagbabasa. Parang wow nakahanap ulit ako ng bagong literature gem. Naging undewhelming yung pangalawa pero I remember na sobrang ganda ng second half na na-compensate niya yung hinahanap ko sa unang parte. Yung pangatlong libro naman, parang labo-labo na at pinilit ko na lang tapusin. Siguro mas nagustuhan ko ‘tong pang-apat ngayon but I still have my reservations.

Napakaraming gustong mangyari ng kwento. Ang daming taong ginawang ‘plot device’ kahit unjustified. Parang napakahina nilang lahat to make up for the envisioned antagonist. Balewala ang sari-sariling personalidad at kakayahan para lang umurong yung plot. Hindi nabigyan ng hustisya kung gaano kakulay yung buhay nila para lang ma-accommodate yung kaliwa’t-kanang twist. Pinapahaba pa rin ang lahat na sa tingin ko kaya namang tapusin na. Parehas pa rin ang posisyon ko na mas okay kung ginawang trilogy ‘to para mas nabawasan yung ibang bigat.

Ganunpaman, gusto ko pa rin iparating yung pagsaludo ko kay Sir Edgar sa matapang at malikhaing nobelang ‘to. Marami man ako nasabi ay dahil invested ako kay Janus Silang pilit ko man isinantabi dati. Sobra akong nag-enjoy at proud na proud ako na may ganito tayong literatura na pwedeng ipagmalaki at pag-usapan.
Profile Image for Arbie Francisco.
1 review2 followers
September 22, 2019
Sa loob ng isang linggo ng pagsunod sa mga kaganapan sa loob ng Sanlibutan na binuo ni lodi Edgar Calabia Samar, namangha ako at parang ibig kong tumalon muli sa panahon ng aking pagkabata gaya ng isang pusong.

Kagilagilalas, 'yan ang masasabi ko nang matapos ko ang apat sa limang bahagi ng seryeng Janus Silang. Solid ang pagkakakatha ng mga pangyayari.

Gaya nga ng nasabi ko noong simula, kung ikaw ay mahilig sa mga YA na akda mula sa ibang bansa tulad ng Percy Jackson, Magnus Chase at Kane Chronicles ni Rick Riordan, malamang ay magustuhan mo rin ang kwento ni Janus Silang.

Buhay na buhay ang imahe ng Daigdig at Kalibutan na ginagalawan ng mga tao, bagani, pusong, nuno, diwata, at mga kampong ng Tiyanak.

Relevant at makakasunod ang kabataan dahil gumamit si Sir Egay ng mga elemento gaya ng paglalaro ng MMORPG, bilang pangunahing bagay na magpapadaloy sa buong serye, at mga lugar na talagang makikita sa Filipinas.

Para kang nasa roller-coaster sa mga pangyayari at magugulat sa mga bali ng kwento na taliwas sa iyong inaasahan na lalo pang nakapagpapadagdag sa excitement habang nagbabasa.

Hindi na ako makahintay sa huling bahagi ng kwento.
Profile Image for Kevin Jerome Bata.
19 reviews
September 14, 2021
SIR EDGAR CALABIA SAMAR, PWEDE BA TAYO MAG-USAP? HINDI NA AKO NATUTUWA.

Ako yung pagod na pagod habang nagbabasa. Nung natapos ko parang gusto ko bigyan ng 1* para makaganti.
2 reviews
September 22, 2019
Sobrang astig!!!!! Eto yung book sa series na may pinakamaraming plot twist legit! Parang bawat chapter may unpredictable moment na nangyari. Gusto ko yung mga sandali ng kulitan nila Janus, Mica at Mira. Maganda rin yung parte na nagbalik-tanaw yung libro sa orihinal nitong trademark: yung mga bahaging nagbigay sa akin ng motibasyon para ituloy ang pagbabasa nung nasa book 1 pa lang ako, ang TALA online syempre. Eto realtalk sa mga magbabasa pa lang, humanda handa na kayo dahil walang dull moments at walang pahina na dapat palagpasin. Bakit? Kasi lahat yon, makakatulong sa pagbuo ng kakaiba at makapanindig-balahibong "ow men! Ano yonnnnnn" reaction sa dulo ng libro! Congrats sir Egay! Certified Púsong heree!
Displaying 1 - 30 of 92 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.