Manuel “Manix” Abrera graduated with a degree in Fine Arts from the University of the Philippines–Diliman. He is the author of the daily comic strip Kikomachine Komix in the Philippine Daily Inquirer, and the weekly webcomic News Hardcore in GMA News Online. He has currently authored twenty books and has won the National Book Awards for his wordless graphic novel 14, comics compilation News Hardcore, and comics compilation Kikomachine Komix 14: Alaala ng Kinabukasan. More of his works can be found at https://www.manixabrera.com.
Written in contemporary street-version of Tagalog, this is a very funny book. I laughed out loud in several of its scenes. This is not a graphic novel but just a compilation of funny or sometimes mundane scenes of school life of Filipinos in a middle-class college. I heard some of those jokes before but I was totally amazed by the drawings particularly of that bespectacled young man (see the cover) when he is hysterical or angry. His eyes bulge, his mouth widely open showing each one of his teeth and the frame is almost occupied by his words as if he is dying because it is the end of the world. This book was published in 2005 so the popular topics during that year were included here like the past Philippine presidents, Estrada and Arroyo, SARS scare, SONA (State of the Nation) criticisms, etc. so at times it just naturally gives off some stale whiff of air scent.
But still:
Asteeg! sobrang kakatuwa ang drawings lalo na yong lalaking spiky ang buhok pero tatlo lang.
Rakenrol! di ko alam, in pala ito noong 2005?
Skyusme minsan-minsan tangkilikin natin ang sariling atin lalo na kung ganito kaganda: malinis ang papel, maayos ang cover, nakakatuwa ang mga drowing at maraming nakakaaliw na tagpo rin naman. Di naman kamahalan.
Watdahel sa mga taong puro English ang alam basahin.
Dyoskopo nakakatanda ang pulos seryoso ang binabasa!
Thanks to Ariel, who is our resident graphic novels fan in the Filipinos group here in Goodreads. Asteeeg! talaga itong si Ariel
Makabili nga nung susunod dito....
Psst... adik yata itong merkanong nag-like ng review ko ha ha.
Ang Kikomachine Komix ay compilation ng mga comic strips mula sa Philippine Daily Inquirer na likha ni Manix Abrera. Storya ito ng magkakaibigang estudyante sa UP. Minsan korny, minsan cheesy, may pagka-politikal din pero lahat ay maaring hango sa tunay na buhay. Payak ang pagkakalikha, pero makukuha mo na kaagad ang gustong ipahiwatig sa bawat frame. Mga simpleng senaryo tulad ng pagsakay sa jeep, pagkain ng isaw, pagrereview, peer pressure at iba pa na nilagyan ng katatawanan (o hindi, depende sa lalim o babaw mo. hehehehe). Nagrereflect ito sa pananaw ng mga pinoy sa buhay na minsan mahirap ngunit mas gugustuhin pang idaan na lang sa tawa ang mga bagay-bagay. Isa si Manix Abrera sa mga youngblood sa larangan ng comics na dapat bigyang pansin at pugay.
Balanse. May korni na nakakatawa. May korni na mapapa-eyeroll ka. May pang-matalinong joke na nakakatawa. May pang-matalinong joke na nakakabwisit din. Socially relevant!
I really like how these comic strips are now compiled on books. I used to cut these strips from the newspapers before. Manix tackles the usual happenings and stories that Filipinos can relate into. The characters and topics are very entertaining, and even the simple lines can make me crack. asteeg, rakenrol :D
Kiko Machine Blg.1 --- Rakenrol! Astig talaga si Manix. Punong puno ng angst, hindi mauubusan ng kalokohan, bibigyan ka ng ordinaryong komix na may extra-ordinaryong kahulugan.
Pangalawang komix ni Manix na nabasa ko(12 yung nauna) , pero unang komix na nabili ko. Masasabi kong hindi nasayang ang pera ko, hindi rin naman nasayang ang oras ko sa pagbabasa. Akala ko kapag komix mas mabilis basahin kesa sa mga nobela, yun pala mas matagal tapusin ang mga komix. Halos isang linggo kong tinapos ang libro. Tinitigil ko kasi ang pagbabasa kapag boring at korni na ang mga nababasa ko. Oo, maraming boring moment ang libro, hahah. Siguro dahil luma na nga ang ilan sa mga joke niya kaya wala na ring dating sakin ang mga yun. Kaya madalas ay wala akong reaksyon sa mga jokes niya.
Pero hindi naman lahat ng joke niya ay sinauna na. Meron din namang mangilan-ngilang nagpahalakhak, nagpahagalpak, nagpalupasay at pumatay saken. At dahil dun, pinag-iipunan ko na yung pangalawa niyang komix.
Pangunahing tema ng Blg.1 ng series niya ay ang buhay estudyante o buhay kolehiyo. Saktong sakto ang banat at totoong totoo ang mga pangyayari. Meron syang mga mag-aaral na mga karakter na nagpapakita ng mga ugali ng ibat ibang istudyante.
Dahil hindi naman pinakilala o nabanggit ang mga pangalan ng mga karakter. Tawagin ko na lang sila sa pangalang Labo, Panks, Kalbo at iba pa. Sobrang Rakenrol ang datingan ng barkada. Kahit paminsan minsan ay nagkakapikunan. Halimbawa pa rin sila ng isang samahang walang iwanan, mga tunay na kaibigan.
Sa tingin ko, kahit sabihin pa ng nakakarami na pambata lang ang komix. Mas nirerekomenda ko naman ang komix ni Manix sa mga matatandang nakakalimutan ang saya ng pagiging bata.
Hindi naman porke't may edad ka na ay hindi ka na pwedeng mag-isip bata. Paminsan minsan masarap maging bata, pero wag naman OA sa pagkabata.
Antagal ko nang gustong makapagbasa ng Kikomachine. Nababasa ko lang 'to dati sa Daily Inquirer eh. Ayos din mga banat pero di naman ako avid fan.
Nasa listahan ko na talaga pagbili ng Kikomachine. At biglang nagkaron ng Summer Komikon 2013, na naging motibasyon ko para bumili ng komiks. Pano ba naman, may book signing at book launch si Sir Manix Abrera! Kaya niyaya ko yung mga kaibigan ko na bumili. Si Cheska, binili nya yung Kikomachine #1 and #2. Tapos ako, bingyan ako ng extrang #4 ng officemate ko. Tapos binili ko yung #6 at #9 sa mismong Komikon. At napapirmahan namin lahat kay Sir Manix!
Hiniram ko kay Cheka 'tong #1 kahit di nya pa nababasa at eto ang unang Kikomachine na nabasa ko. Eto lang masasabi ko, HARDCORE! Astig din mga banat eh. Me ibang korni, yung iba lumang jokes na, yung iba pang dating issue (2005 pa kasi 'to na-published). Pero grabe naman talaga, tawa ako ng tawa! Muka akong wirdo sa jeep kasi natatawa ako mag-isa habang nagbabasa. Pero asteeg talaga!
Nakakatawa yung magkakakabarkada na karaniwang mga bida sa strips. Yung Pangkista na Tusok-tusok Buhok lageng korni mga banat nya pero natatawa pa rin ako. Yung Nakasalamin na Estudyante, feeling ko may personal touch sa kanya si Sir Manix? Pero pinaka-asteeg eh yung Babaeng Kalbo! Trip ko style nya! Tas nag-teacher pa sa huli si Ate oh! Asteeeg! Hardcore!
Ang ganda ng Kikomachine. Di lang puro kalokohan (kahit marami naman talagang kalokohan), may mga aral ka din na mapupulot. May pagka nasyonalista. Maganda! Okay na okay para sa mga kabataan 'to! Nakakaalis ng stress!
Excited na kong basahin pa yung iba! Isa na ko sa mga taga-hanga! :D
Nakakabaliw... Literal!! Pagkakamalan kang baliw kapag babasahin mo sa jeep lalo kapag magisa ka lang. Heed the WARNING!
Buti nalang, habang binabasa ko to sa trabaho ay nakakatawa din ang pinaguusapan ng mga kasama ko, kaya hindi halata na may sarili na akong mundo kasama ang Komix na to. Hahaha.
Pero, sa totoo lang ah... hindi lang puro kakornihan at katatawanan ang makukuha mo dito may mga Pa-deep na strips, na mapapaisip ka. Tulad ng pag-gamit ng wikang Filipino at yung sa mamahaling ballpen. Logical nga yung iba sa mga strips at mapapaisip ka...
This is where it all started! In this first volume, Manix Abrera have not perfected his craft yet, and the niche of his jokes is yet to be established. The series of connected strips about the same subject is still scarce, Here, semi-kal girl becomes a prof while spike-boy is corny as hell from the start. Most of the other characters are already here: Manix-lookalike, afro-guy and his dreadlocks friend, spike-boy's future GF and one of the roommate gals, plus some cameo appearances of would-be mainstay faculty members.
Nais ko’ng ilinaw ang isang pagkakamali sa nakaraang rebyu sa isang aklat ng serya na ‘to. (Di ko masyadong matanda-an pero sa aklat bilang pan-lima yata ko na isulat yun.) Ang nasabi ko’ng pagkakamali ay hinggil sa pagpalagay ko na “ang mga aklat ni Manix, ay hindi isang material para sa pilosopikal na paksa at para sa naghahanap ng naturang paksa ay walang anumang nilalaman ang naturang serya kundi mga kakornehan at katatawanan”. Sa pag-isip-isip ko, at nang matapos kung basahin ang lahat ng mga aklat sa seryan ito, isang pagkakamali iyun at para matugunan ko ang naturang pagkakamali ay napursige akong magsulat ng panibagong rebyu na panlahat at sa Filipino.
PAANO KO NASABING “PILOSOPIKAL” DIN ANG MGA KOMIX NI MANIX?
Bagamat “patawang” inilarawan ni Manix ang kanyang mga estorya, maraming “pilosopikal” na paksa ang napag-uusapan sa mga komik strips nito. At ang higit na kapansin-pansin nito ay ang ideolohiyang “eksistensyanlismo”. Marahil ay malakas ang empluwensya ng kanyang “unibersidad” rito- ang Pamantasan ng Pilipinas (Diliman).
Madami pang mga paksa na hinggil sa “Pilosopika”. May mga paksa tungkol sa pagiging simple at pagiging salimuot at kung anu-ano pa. May paksa tungkol sa magka-ibang kaisipan na ipinaubaya sa ‘yo ang pagpasya kung alin ang totoo.
ANO PARA SA AKIN ANG KIKOMACHINE KOMIX?
Ang Kikomachine Komix para sa akin ay isang serya na patok sa anumang gulang dahil napakalawak ng nasasaklaw na gulang ang mga nailarawan nito. Isa itong satire tungkol sa lipunan at lalong-lalo na sa buhay sa loob ng mga pamantasan. Dahil isa itong satire, patawa kung inilarawan ni Manix ang kanyang pagsasadula ngunit may patama pa rin sa paksang tinutukan- yung tipung matawa ka at sa bandang huli ay mapa-isip din. Halo-halo ang mga kwento nito.
May kwentung pag-ibig (Yay!), may kwentung pagkaka-ibigan (BFF!), may gore (yuck!), may katatakutan (Really? Ows? Multo ka ba talaga?), may adbentyur (Yahoo!), at iba’t-iba pang kawerdo at kakornehan (Ur soh baduy! Ewws!).
Ang Kikokomachine Komix para sa akin ay may aspetong Pilosopikal, Sosyal (Sosyal-soyalan, oh anu?), Pulitikal (Namumuleteka? Ganun?), minsan may Syensya din (Pasyensya na ha, pero uber ka na ha?), at higit sa Komikal (Nakakatawa to death.). Minsan, may mga bagay-bagay akong nalalaman dahil nabinggit dito (Wala ka pala eh!).
SINO ANG PINAKA-GUSTO KONG KARAKTER SA KIKOMACHINE KOMIX?
Si Betong Badtrip! (Gusto ng sapak!) Haha!
Ilan lang sa mga karakter sa Kikomachine Komix ang may pangalan- gaya nina Goody Pakyutsie at si Bertong Badtrip. Gusto ko ang karakter ni Bertong Badtrip. Isang line lang ngunit lakas ng tama! Minsan, gusto kung maging siya. Hehe. Gusto ko kasing turuan ng leksyon ang mga taong nangangailangan nito. (Baka ikaw turuan ko ng leksyon dyan!)
isa sa mga di ko malilimutan sa aking mga nabasa nang komiks ang gawa ni manix., hindi lang dahil sa nakakatawa kundi dahil sa bawat jokes at ka ogag-an na binibitawan ng mga karakter ay makikita mo ang pinagdaanan mo kung pano magkaroon ng barkada., mag-aral., maging estudyante., at ang mag skyusmi.,
hindi dahil korni ang mga jokes. hindi dahil nakakatawa ang mga jokes.
kundi dahil nakikita mo ang sarili mo sa mga pahina.
Plenty of genuinely funny and even laugh-out-loud strips in this collection. Even though there seems to be a certain "Diliman-centric-ness" to the humor in most of the strips, that doesn't mean that other people won't get the jokes. (I went to the university in Katipunan and I still got the jokes).
Manix Abrera is pretty much a legend now in the local Komiks scene and this nice collection of his newspaper strips is a good way to start reading him.
Unang pahina palang ng komiks na 'to, halatang bagong-bago palang siya. Una ko kasing nabasa yung mga latest na volume. Ibang-iba yung drawing at di pa gaanong humorous kumpara sa mga volumes 5, 6, 7 na sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Di ko naman sa ayaw ko talaga sa volume na to, least favorite lang siguro. Syempre kung walang Blg. 1, di na magkakaroon ng blg. 2, 3, so on and so forth. Habang tumatagal din naman lalong gumaganda. Kaya oks lang! Rak en rol!
May mga tagpo ngang mukhang ewan at meron din ng mga nakakabalaghan dahil sobrang nakakatawa. Di ko type yung book cover. Gusto ko yung sa Kikomachine #2. Anyway, mabuhay ang komiks!
2001-2003 yung mga pirma dito ni Manix, pero karamihan sa social issues na tinatalakay eh relevant pa rin sa panahon ngayon.
Marami ngang mga tagpong mukhang ewan, mga korning banat at lumang jokes, pero bawi talaga sa style ng drawing haha. Medyo random pa 'tong volume na 'to, wala pang masyadong themes na sinusundan.
Nakakakilig din masaksihan yung simula ng kwento ng mga karakter. From thesis to graduation ng magrepapips with glasses at cap, pagiging guro ni goth girl, 2nd degree ni boy tusok, freshies boy afro and boy dreadlocks. Nandito na rin yung early versions ng characters nina bespren at gf, nakakatuwa. Mapapa-"yieee kayo magkakatuluyan" ka pag nasa isang strip sina boy tusok at gf eh.
korning rakenrol . tamang amats lang . lalung pumurol ang utak ko dito. kaya di umuunlad ang mga pilipino dahil sa mga ganitong babasahin.
Mukhang isa ako dun. kasi binili ko to sa National bookstore. mukhang si nanay coring lang pinapayaman nating mambabasa . dapat ibinili ko nalang ng Jollibee nabusok pa ako .
Sana nabasa ko 'to nung college, sakto yung thesis proposal, defense, exams. May konting sociopolitical commentary, pero hindi masyadong nakakatawa yung karamihan. Umaasa naman akong maa gaganda yung mga susunod na volumes. Support Filipino komiks! Lagi kong binabasa yung komiks ng tatay niyang si Jess Abrera dati: "A. Lipin" at yung "Pinoy nga." Sana magpatuloy yung mga ganitong komiks.
Ito ang unang volume na nagpahagalpak sa akin ng tawa, ito rin ang hindi ko na makakasama pa sa lahat ng Kiko Machine volumes na nabili ko dahil hindi ko maalala kung sino ang humiram nito sa akin.
Walang dry moments dito. Dapat kong bilhin ang isa pa para pamalit sa hindi naisauli sa akin.
Dati akong komiks reader, talaga ung tipong may Aliwan komiks, Engkantasya, may Pugad Baboy na ata nun, Engkanto komiks at kung anu-anu pang mga maligno ang mga nababasa ko. May ilang rated X din na patago. Nung araw kasi uso ang pagsita ng mga babasahin, ung tipong babayad ka ng piso or dos, makakabasa ka na. Kaya lang lumipas na ang panahon, iba na ang naging kalakaran ngayon.
Kaya naman ng magkaroon ng compilation ng Kikomachine, bumili ako. Sa totoo lang, eto lang ang kopya ko ng Kikomachine na compilation ng mga comic strips na pinablish ni Manix Abrera sa Philippine Daily Inquirer. Dati tuwing break ko at marami akong break nung college days [may six hours pa nga, men!] Nakikipag-unahan pa ako sa mga kukuha ng dyaryo sa may basement ng Mainlib ng UPD. Mula luma na mga two weeks ago hanggang bago hihiramin sa lib. [akala siguro ni manang librarian, journalism ako. AKALA lang niya un.]
Well, nakasentro kasi ang mga kuwento nito sa mga estudyante ng Diliman, so relate na relate. May mga mababaw at maraming ding malalim na pakuhulugan ang ipinapahiwatig sa mga nakakabasa sa komik strip ni Manix.
Kung taga-Peyups or isang estudyante ka man kung saan, you'll see yourself sa mga paglalarawan ni Manix Abrera. Genuine, bangag at asteeg ang mga lines ng mga characters. RAKENROL ika nga!
Pahabol na salita
Gumawa ako ng review dahil nainggit ako sa isang kaibigan, kumpleto na copies niya ng Manix Abrera comics until dun sa latest release. Ipagmalaki mo pa friend! ASAR ka. pero wala ka namang review dito sa GR.
Matagal ko ng gustong basahin ang komiks ni Manix Abrera at ngayon lang ako nakakuha ng kagustuhang bumili at basahin ang kanyang mga likha.
Mga nasa ika limang pahina palang ako Natawa na ako at nagmumukha na akong baliw dahil tumatawa ako mag isa habang hawak ang librong 'to. Kaya masgugustuhin kong basahin ang librong 'to ng mag isa at walang tao nakapaligid sa akin. May mga ibang strips na matatawa ka dahil KORNI, sa sobrang ka kornihan matatawa ka nalang.
Tuwang tuwa din ako sa mga karakter sa komiks, hindi ko alam kung anong mga pangalan nila, pero RAKENROL, ang asteeeg nila! Nakakatuwa din yung Nanay ni Punks (pangalanan ko nalang na punks yung may sungay sungay na buhok) dahil PUNKISTA din nanay hanggang sa bunsong kapatid. ASTEEEEG!
Mababaw lang ako kayat mga 60 - 70 percent ng librong 'to natawa ako. Ayaw ko nga tapusin 'tong librong 'to dahil natutuwa ako pero narealized kong naghihintay yung Blg. 2.
Ang lakas ng humor nung gumawa ng librong 'to kaya hindi nakakapag taka best seller ang mga gawa nya. Promise kokompletuhin ko ang sampung komiks nya.
Pinakauna 'to sa Kikomachine Komix Series ni Manix. Kumbaga, ito ang kanyang baby. Ito 'yong simula kaya 'yong mga drawing dito, 'di pa gano'n kasing improved kumpara sa mga sumunod. Sketchy pa 'yong dating ng mga drawing 'di tulad sa mga sumunod na may kaunti nang pattern, may depth at mas litaw ang galing ni Manix sa comics at doodle. Kung nabasa mo na lahat ng libro ni Manix, makikita mo 'yong pagyabong niya as an artist and as a writer/story-teller/philosopher. Whatevs. Corny pa 'yong ilang joke rito eh at may mga pa-deep ng thoughts. Simula pa lang talaga, witty na ang dating ng comics ni Manix at naging consistent siya rito dahil mula Kikomachine Komix 1 hanggang 10, iisa lang halos pagtrato niya sa humor. May corny, satire, may deep, may thought provoking at may SOBRAng nakakatawa talaga. More power kay Manix para mapagpatuloy pa niyang mapalaganap ang "Rak en Rol" sa mundo.
Sa unang volume ng Kikomachine, makikitang medyo pangit pa ang pagkakaguhit ng komiks at napangisi lang ako sa bawat strip na nababasa ko. Volume 6 ang una kong kopya ng kikomachine at simula nang matapos ko iyon ay nagustuhan ko na ito. Volume 9 ang pinakapaborito ko dahil sobra akong natatawa roon.
Ang volume na 'to ay sakto lang. Nakakatuwa nga kasi sa bawat volume ay nag-i-improve ang komiks na ito. Simple lang komiks na 'to, pinapakita lang na sa araw-araw na ginagawa natin ay punung-puno ng katatawanan ang buhay!
Target ko talagang tapusin lahat ng mga Kikomachine Komix na 'to eh. Dehins na 'ko mahihirapan kasi nga may nakita na akong bilihan (ang hirap kasi humanap sa SM sa may amin eh), shangaps, as usual, asteeg ang gawa dito ni pareng Manix. Nakilala ko ang unang labas ng mga nameless characters na sinubaybayan ko nun palang sa Inquirer.
"Ang nagtatanong ay mukhang tanga, ang hindi nagtatanong ay nananatiling tanga."
"Batak mo, stop ko." Nyahahaha. Rakenrol! sa unang Tagalog na review ko dito. 'Steeeg!
It's a fun read --though most people I've shared it with finds it 'korni', I like it the way it is, the 'ka-kornihan' itself made it funny.
Also, I like it for dealing with the real issues not just in a student's life but of our country's state and of people's behavior --like those parts which centers on people who uses whitening products so as to be fair skinned :3
Over all, Sir Manix made a great great great awesome job for this stuff.