tw/s: drug abuse, sexual abuse, graphic violence, killings, torture, incest, child abuse, language
ang daming nangyari sa librong 'to. ang hirap isa-isahin. kung ako lang, ayoko nang balikan. pero susubukan ko pa ring magbigay ng, hangga't maaari, malinaw at patas na review. anu't anuman, mahalagang talakayin ang nobelang ito.
nabasa mo na ba't minsang nagustuhan ang macarthur na akda ni bob ong? kung oo, siguro, baka para sa 'yo rin ang librong ito. may iilang mga paksa at tagpo rito na halos pareho ng sa macarthur mula sa mga kurap na pulis, nakawan, drug-related violence, tae sa inidoro, barkadahan, patayan, atbp. pero kung paghahambingin ang dalawa, mas malakas ang amats ng librong 'to.
aaminin ko, hindi ako sang-ayon sa pagsusunog ng mga libro pero kung mayroon mang maglulunsad ng nationwide book burning at mapipilitan akong magsunog, ang macarthur ang uunahin ko. may hula ka na siguro kung saan papunta ang review na 'to.
'ang kapangyarihang higit sa ating lahat' bilang isang nobela ay marahas, wasak na wasak, iskandaloso, at sumasalamin sa mga bulok na sistema ng lipunan. hindi ko alam pero siguro ito rin ang reyalidad ng mga maralitang taga-lungsod para sa pananaw ng manunulat. sa kabilang banda, tulad sa librong 'macarthur', hindi rin ako nakadama ng awa sa mga pangunahing tauhan—halos pagkadismaya at puro poot lang ang naramdaman ko sa librong 'to. ito na rin ang huling pagkakataon na magbabasa ako ng isang transgressive fiction. hindi para sa 'kin ang mga ganitong uri ng babasahin. lalong minamanhid nito ang pag-asa ko sa sangkatauhan.
iba-iba tayo ng karanasan kaya siguro iba-iba rin tayo ng reyalidad. naiintindihan ko na ang kurapsyon ng mga nasa kapangyarihan at kahirapan ay nagdudulot ng mas malaki at mas malalim na suliraning panlipunan. naiintindihan ko 'yon dahil minsan ko ring naranasang maging mahirap at matulog na kumakalam ang sikmura. pero kung ito ang gagawing dahilan ng mga manunulat para gumawa ng ganitong uri ng kuwento, baka nga iyon ang reyalidad nila. hindi ko sila masisisi.
1. na para bang pilit nilang pinagduduldulan na huwag sisihin ang mga dukha kung piliin man nilang maging marahas sa lahat ng pagkakataon. sa aking palagay, mas degrading ito para sa karamihan ng mga mahihirap dahil para bang gustong ipamukha ng manunulat na karahasan lang ang mayroon sila, pero sipag at utak, wala.
2. saka para bang gusto ng mga manunulat na 'to na gawin nating normal ang mga karahasan dahil para sa kanila, siguro, 'justifiable' naman 'yon dahil nga mahirap ang mga nasasangkot. okay lang na mang-hold-up ka, mahirap ka naman, e. okay lang na mag-droga ka, mahirap ka naman, e. okay lang na mang-agrabyado ka ng iba, mahirap ka naman, e. justifiable 'yon dahil api ka ng bulok na sistema.
bilang nagdaan sa hirap, na-o-ooffend ako sa totoo lang. para bang gustong ipamukha ng mga manunulat na 'to na kayong mga mahihirap, mga immoral, walang class, hindi p'wedeng pagkatiwalaan, walang utak para magpasya nang mas maayos. ito lang kayo: durugista, holdaper, buraot, mamamatay tao, bayolente, walang isip.
hindi lang ito ang mukha ng kahirapan. hindi ko rin maramdaman ang sinseridad ng mga manunulat na ito na magmulat ng katotohanan dahil sa totoo lang, mas marami pang totoong suliranin sa gitna ng kahirapan. hindi ko sinasabing i-romanticize o i-sugarcoat niyo ang kahirapan. may mga ganitong tagpo talaga, mga ganitong uri ng tao. pero sa lahat ng tauhan ng kuwentong ito, wala man lang naging matino at tuwid ang isipan? bakit? hindi ko matanggap! ewan ko. hindi ako pamilyar. pero siguro ganito talaga ang mga paksa ng transgressive fiction. siguro nga. at hindi na ulit ako magbabasa ng mga ganitong uri ng babasahin.
lumaki rin naman ako sa isang hostile na lipunan. kabisado ko ang bawat makikipot na eskinita, ang hitsura nito, ang mga taong nagtatago rito—mahirap man ang buhay at nasasangkot man sila sa mga maling gawain kung minsan, may mga pagkakakilanlan sila, hindi lang puro kalibugan at karahasan ang laman ng mga utak nila at saksi ako ro'n, firsthand.
bago ko talakayin ang ilan pa sa mga puna ko, narito ang mga bagay na nagustuhan ko sa librong ito:
1. madali lang akong nakasunod sa agos ng kuwento dahil pamilyar sa aking mga salitang ginamit ng manunulat. hindi malalim. walang halong pagpapanggap. karamihan mga salitang kalye na madalas din nating ginagamit sa pang-araw-araw. kaya kung gusto mong simulang magbasa ng filipiniana, maaaring mo itong subukan. please, check tw/s lang.
2. mahusay ang manunulat sa foreshadowing at subtle approach sa personal background ng ilang mga tauhan. it allows me to be smart. napanganga nga ako ng ikapitong kabanata at sa kuwento ni butsok at ang relasyon niya sa langis.
3. maikli lang ang attention span ko, pero hinawakan ako ng librong ito. madaling basahin. kayang tapusin sa isang upuan lang. bukod kasi sa manipis lang naman ito (159 pages), maikli lang din ang bawat kabanata—short chapter but precisely written.
ituloy natin. isa sa mga rason kung bakit ayoko sa macarthur at galit na galit ako sa librong 'yon ay dahil sa sobrang buraot ng mga tauhan sa kuwento. imagine, nagnanakaw sila sa mga inosenteng tao, para lang may pambatak—sa totoo lang, galit na galit ako sa mga magnanakaw dahil minsan na 'kong muntik madukutan sa kahabaan ng buendia—at walang pinagkaiba ang librong ito sa macarthur. gano'n na gano'n si buldan at dodong. kinuha ko ang excerpt na ito mula sa libro:
“mas panlalaki raw ang panghoholdap at di hamak na mas makatao ang proseso, dahil bilang holdaper ay ipinaaalam mo sa mga biktima na kailangan na nilang magpaalam sa mga minamahal nilang gamit at salapi, 'di tulad ng mga mandurukot na iniiwanang praning ang kanilang mga biktima.” kabanata 4, pg. 24.
may 'raw' naman kaya posibleng ideya ito ng tauhan. pero, wtf pa rin? kailan pa naging makatao ang pagnanakaw sa kahit na anong paraan? dukutan ka pa nga lang, grabe na 'yung stress. paano pa kung holdapin ka? grabeng katangahan ito. alam ko 'yung trauma. kabisado ko. kaya galit ako sa mga magnanakaw. tangina nila at tangina rin ng librong 'to, for having this passage. siguro ganito talaga ang mga transgressive fiction, ano? ewan ko.
at ito pa:
“isa pa, mukhang sa 'kin lang nalilibang ang isang 'to. tang inang bata 'to, nalilibang sa pangha-hassle ng tao... amputanginang batang ito, tinuturuan daw ako ng leksyon. anong kademonyohan kaya ang ipinapasok ng ama nito sa kaniyang inosenteng bungo?” kabanata 26, pg. 120-121.
the audacity of this son of a bitch na magkomentaryo tungkol sa kaputang-inahan ng bata sa pangha-hassle ng tao (sa kanya)? gusto kong murahin 'tong si dodong. gago ka pala, e! dapat ang sinabi mo, “ganito pala'ng pakiramdam na hina-hassle ka ng ibang tao, ganito rin kasi'ng ginagawa ko noong hino-hold up ko 'yung mga inosenteng sibilyan sa paligid ko.” gano'n dapat! tangina mo! hindi ako naaawa sa 'yo habang nasa kulungan ka. walang-wala ang pangwa-watergun sa 'yo nung bata kumpara sa pagnanakaw at pagiging dahilan mo ng trauma sa ibang tao.
i'm trying to not choose violence for today's video pero nakaka-tangina talaga ng mga pananaw ng tauhan sa kuwentong ito—lalo na si dodong. the audacity of this fucking shit talaga! hindi yata alam ang golden rules. kung aware ang manunulat na ito ang consequence ng tauhan sa mga pinaggagawa niya, mahusay. pero kung ang gusto niya lang ay magalit ako sa mga pulis sa kawalang katarungan nila, ewan ko kung ano'ng klaseng kaisipan mayroon siya. kung tutuusin, pare-pareho lang kurap ang mga tauhan niya sa kuwento. 'di ka talaga maaawa sa kanila.
1. botong - nilason (lalaki ang perpetrator, base sa pagkakaintindi ko, si dodong)
2. dodong - pinahirapan ng mga pulis (lalaki ang mga perpetrator)
3. buldan - pinatay (lalaki ang perpetrator, si butsok)
4. butsok - may childhood trauma at sexually abused (lalaki ang perpetrator, si delfin), hinawaan ng sakit (babae ang perpetrator)
1. che - sexually abused, pinatay, tinorture, at posible pang ginahasa (lalaki ang perpetrator). isa pa, hindi ko maramdamang mahal siya ni dodong dahil sa tuwing nagkikita sila, ginagawa lang siyang parausan nito.
> reference: pinatay siya para, quote, “...hindi na 'mapakinabangan' ni dodong.” (kabanata 9, ikatlong parapo) at buong kabanata 2.
2. penpen - dating kasama noon ni buldan na pinagsasaluhan nilang magkakaibigan hanggang sa mabuntis ito (mga lalaki ang perpetrator)
> reference: si penpen na 'sawsawan' ng buong grupo. (pg. 51)
3. starr/myla - nilumpo, sexually abused, at tinorture (lalaki ang perpetrator, si atsuo at renato)
> reference: kabanata 30
5. rosa - binubugbog ng asawa (lalaki ang perpetrator, si delfin)
> reference: kabanata 17—“ito'y pangyayaring (pambubugbog) 'pangkaraniwan' na lamang”
ayokong mag-assume na straight 'tong si ronaldo vivo jr. aba malay ko ba kung ano'ng kasarian niya. wala akong pakialam at wala rin akong balak malaman. ayoko lang mag-conclude at maging pala-desisyon lalo sa panahon natin ngayon kung kailan mas progresibo na ang gender inclusivity. pero kung straight talaga siya, well, shame on him for portraying women as shitty as hell sa kuwento niya.
marami-rami ding mga babae ang nabanggit sa librong ito pero ang ganap lang nila sa kuwento ay mamatay, maging parausan, sunud-sunuran, at punching bag ng mga lalaki. putangina! galit na galit ako sa kabanata 2 at 30. hindi ko kinaya 'yung graphic violence kina che at myla. katanggap-tanggap din ba 'to sa isang transgressive fiction? na ang mga babae ay dapat ganito tratuhin? kung oo, tanginang genre 'to.
kung hindi man, siguro walang babaeng role model 'tong manunulat kaya ganito na lang ang trato niya sa mga babae sa nobela niya. 'wag niyang idadahilan na ang mga lalaki rin naman sa kuwentong ito ay nakaranas ng pang-aabuso—totoo, tama naman, pero lalaki din ang perpetrator nila. ibang usapan 'yon. sa madaling salita, this story is problematic and has an obvious misogynistic approach... certainly!
hindi ko matanggap kung paano binigyang buhay ang mga babae sa kuwentong ito. idagdag pa na karamihan sa mga nagre-review ng librong ito at nagbibigay ng mataas na review ay, hula ko lang, straight na lalaki base sa mga pangalan nila. gandang-ganda sila. ang astig at lupit daw—libog na libog siguro sila noon habang nababasa nila kung paanong pahirapan ang mga babae sa lintek na librong 'to. kung tinigasan sila, well, tangina nila!
kung isa ka sa nagandahan sa librong ito, pero ni hindi na-point out kung gaano ka-problematic ang librong 'to, may mali sa 'yo. it's either you're misogynist o baka wala kang matinong babaeng role model sa buhay mo. hindi ka siguro nilulutuan ng masarap na pagkain ng nanay mo. ni wala ngang sustansya 'yung mga babae sa kuwentong 'to, e; parausan lang talaga at punching bag. mabuti pa si buldan at si butsok, meron. sabagay, pareho kasi silang lalaki, e.
maniwala kayo't sa hindi, hindi ganito ang mga babae sa isang hostile environment. paano ko nalaman? dahil hindi ganyan ang nanay ko, hindi ganyan ang mga malalapit kong babaeng kaibigan; matatapang sila, nakikipagsuntukan pa nga sa mga lalaki, at 'di papayag na maging sunud-sunuran lang lalo ng mga abusadong lalaking wala namang bayag... ewan ko. baka nga wala talagang matinong babaeng role model ang manunulat.
ang dami kong naramdamang galit sa librong 'to kaya kung may required book burning nationwide, ito at 'yung macarthur ni bob ong ang pipiliin ko—at least, may dalawang libro na 'kong p'wedeng sunugin.
sa kabilang banda, may puwang naman ang mga ganitong uri libro at tauhan sa literatura. pero para sa mambabasang gaya ko, wala. galit ako sa mga buraot at magnanakaw, sa mga karahasang wala namang saysay, sa mga babaeng walang sustansya dahil ganito sila gustong isulat ng 'lalaking' manunulat, at idagdag ko na rin 'yung para bang pagju-justify ng manunulat sa pagpatay ng isang tauhan dito sa kuwento dahil he's emotionally at sexually abused. ewan, siguro homophobic lang talaga 'yung manunulat? o baka parte 'yon ng isang transgressive fiction, 'no?
sa huli't huli, hindi na ulit ako magbabasa ng ganitong uri ng babasahin o ng kahit anong akda man ng manunulat.