“Para sa Broken Hearted” Review: Totoo nga bang may happy ending?
Ang libro ay tungkol sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig na sasagot sa tanong na, may happy ending ba sa huli?
Yung nagustuhan kong character ay sina Jackie at Shalee, parang nakikita ko yung sarili ko sakanila, yung mga bagay na ginawa ko. Si Jackie na kahit anong sakit ang pinagdaanan niya Go Fight parin siya. At si Shalee na kahit anong mang nangyayari sa buhay natin ngayon ay mayroon pang pag-asa.
Napaka-interesado ng kwento nina Rj at Jackie, na minsan sa buhay natin matututo tayong tumigil sa pakikipaglaban sa taong mahal natin, hindi dahil sa hindi na natin sila mahal kundi dahil may mga tao talagang darating sa buhay natin na akala natin sila na.
Yung pinaka-nagustuhan kong part yung kina Shalee at Alex, na minsan yung taong hinahanap natin nandyan lang pala sa paligid natin. At wag na wag mong papalampasin yung pagkakataon para maiparamdam sa taong mahal mo kung gaano siya ka-importante at ka-ispesyal sa iyo kasi hindi mo hawak ang oras para diktahin kung ano yung mga pweding mangyari.
At ang kwento nila Kath at Dan, na sa buhay ay mayroong pangalawang pagkakataon. Paghiwalayin man kayo ng tadhana kung tunay naman kayong nagmamahalan darating at darating yung tamang panahon na magkikita kayong muli.
Ang ganda ng pagkakasulat ng bawat kwento sa libro, ramdam na ramdam mo yung mga emosyon. Hindi mo namamalayan na may ngiti sa labi mo, yung luha na bigla na lang tutulo sa mga mata mo, at dahil sobra kang nadala sa kwento yung huling pahina na pala ng libro yung hawak mo.
Sa kabuuan, ang dami kong natutunan, na may mga taong ibibigay yung Diyos sa atin at may rason kung bakit sila yung ibinigay Niya, at kapag pinili mong maging masaya sa kahit na anong nangyari yoon yung happy ending.