Jump to ratings and reviews
Rate this book

AFGITMOLFM #1

AFGITMOLFM Part 1: Euphoria

Rate this book
Sugar, spice and everything nice, dagdagan pa ng sandamakmak na kalokohan, kaadikan at kasabugan; ito ang naglalarawan sa korning pag-iibigan nina Ianne at Nate. Ang kulang na lang sa makulit nilang love story ay ang mga katagang ‘. . .and they lived happily ever after’. Pero may mga nakatagong sikreto sa inaakala nilang mala-fairy tale nilang relasyon.

Pagmamahal. Pagkamakasarili.
Pagtataka. Pagkakamali.

Paanong mababago ng apat na salita ang ikot ng buhay nila? Sino rin ba si Emotionless Guy at bakit parang kinukuha ng kanyang straight face ang joyful memories sa mundo?

274 pages, Paperback

First published October 10, 2009

96 people are currently reading
1579 people want to read

About the author

Pilosopotasya

8 books183 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
667 (71%)
4 stars
127 (13%)
3 stars
87 (9%)
2 stars
24 (2%)
1 star
33 (3%)
Displaying 1 - 30 of 66 reviews
Profile Image for Maki Irie.
2 reviews
October 31, 2014
Hindi ko alam kung matinong review ang nagawa ko dito pero ito ay pawang opinyon ko lamang at totoong naranasan ko kaya sinulat ko at may iba na nakasulat dito na opinyon din ng iba kaya sinulat ko.

Cover
Wala ako maipipintas sa cover dahil maganda talaga kahit saan anggulo tignan. Hindi colorful at simple lang pero detalyado at masarap tignan. Yung reflection ng sinag ng araw kina Nate at Ianne ang ganda. Mabusisi ang pagkagawa ng cover dahil pag talagang pumwesto ka sa ilalim ng puno ganun talaga ang reflection nung sinag ng araw. Importante kasi talaga sa'kin ang cover ng isang libro dahil ako yung tipong hindi ina-apply sa sarili ang "Don't judge a book by it's cover" dahil judgemental ako pag dating sa book at appearance nito ako yung tipo na na e-engganyo basahin yung libro pag nagandahan ako sa cover na hindi ko na kailangan basahin yung synopsis sa likod para bilin yung libro.Yung tipong pag tinignan mo yung cover may bubulong o mag uudyok sayo na "bilin mo ko maganda yung cover ko kaya panigurado maganda din yung story ko" Ganun. Na apply nung cover ng AFGITMOLFM ang ganung dating sakin.
*Non wattpad reader opinion*(opinyon ng friend ko)
-Simple lang yung cover. Kung titignan parang painting yung drawing.Hindi masakit sa mata yung color at bumagay sa color ng boarder ang mismong illustration sa cover.

Pin-ups
Yung unang pin-ups yung sa may couple shirt maganda naman cute nga eh kaso ang hindi ko lang masabi kung ano yung hindi nagtugma sa color alin yung nasobrahan hindi yung mismong illustration yung hindi ko magustuhan sa totoo lang ang ganda nung illustration yung hindi ko lang nagustuhan ay yung color na ginamit.
2nd pin-ups- Dito gandang- ganda ko dahil detalyado tulad sa cover. Mag mula sa mga sulat sa upuan sa expression ni Art at dun sa extra talagang pag nagkataon na sinadula or nangyari 'to in real life ganito ang eksaktong detalye na hindi mo iisipin na joke lang at OA yung scene at yung setting.

Chapter illustrations: Ang ganda . Ang cute at ang linis ng pagkakagawa.
Para sa mga hindi gaano mahilig magbasa ng libro importante ang chapter illustrations. Yung tipong kada chapter may nakikita lang drawing at hindi puro letra ang nakikita mo. Dahil kung para sa akin at ibang wattpad reader,Pop fiction book collectors at bookworm o yunga taong hilig talaga ang pagbabasa.Walang problema kung may illustration man kada chapter or wala. Dahil kung wattpad reader ka bibilin mo yung book dahil sinusuportahan mo yung book na galing wattpad, gusto mo malaman yung pagkakaiba ng wattpad version sa book version o idol mo lang yung author kaya sinusuportahan mo. Kung pop fiction book collector ka naman bibilin mo yung book pandagdag sa collection mo na hindi nag e-expect ng kahit ano sa book exept sa pin-ups at yung kinalabasan ng book. Kung bookworm ka naman at hilig lang ang pagbabasa bibilin mo yung book dahil curious ka sa title at nagandahan ka sa synopsis na hindi nag e-expect din ng kahit ano. Kaya para sa mga wattpad readers,popfiction book collector at bookworm sobrang bonus na lang talaga yung chapter illustrations na nasa book.Pero paano yung mga hindi gaano mahilig magbasa? Paano yung hindi nakakatagal na puro letra lang yung nakikita?Na bigay lang yung book nila at na tyempo na walang kuryente ng ilang araw at umuulan at walang ng life ang mga gadgets nila at sobrang nababagot na at biglang nakita ang Afg book na bigay sa kanila at napilitan basahin kahit konti ang book para matanggal ng konti ang pagkabagot? Anong point ko bakit ko ginawang example yan simple lang dahil ganyan ako dati as in ganyan pwera lang yung ginawa kong book example.Na hindi ako nakakatagal na puro letra lang ang nakikita sa dahil feeling ko parang textbook sa school kahit tagalog pa yung kwento at maganda wala kong pakialam dati mas gusto ko dati na may nakikita na drawing kesa sa as in wala at puro letters lang. Ang point ko dito hindi lang wattpad readers,popficbook collector at bookworm ang makaka appreciate nung chapter illustration kundi pati ang mga simpleng walang magawa lang at napagtripan ang book para basahin ma aappreciate yung book at ma e-engganyo basahin yung libro.

Title - Catchy & Unique. Bakit?Catchy yung title dahil kung hindi ka wattpad reader at hindi mo pa alam ang meaning ng AFGITMOLFM. Mahihirapan ka banggitin yung title lalo na pag di ka magaling mamorize 100% sure ako na hindi mo mababanggit ang title baka hanggang AFG ka lang or AF and the rest nag rumble na yung ibang letters pag sinulat mo at pagbinanggit mo naman yung title pipilitin mo basahin kahit magkanda buhol-buhol yung dila mo sa pag banggit ng title naka encounter na ko ng ganyan kaya may basehan ako. Naranasan ko yan sa Nbs sa san lazaro nung nagtanong ako ng AFGITMOLFM sa customer service sabi nung sa CS "ms. Paki sulat na lang" sabay bigay ng papel. Ako naman ni re-recite sa utak ko ang meaning para masulat ko yung title. Sabay bigay ng papel tapos nung nasa yung hinahanap ko hinahanap ko na afg book tapos tinanong niya yung kasama niya na " meron ba tayong book na af-git-emo-welef " hanggang sa nagkadapulopot yung.dila niya para basahin yung title sabi nung kausap niya " ha anong title di kita maintindihan " inulit niya ulit tapos sumingit na ko at sinabi na summit yun. Tapos si kuyang guard pinage niya parang sa lapel para dun sa isang guard sa isa pang Cs kung meron ba na afg book nung binanggit niya yung title halos magkabuhol-buhol din yung dila niya sa pagbigkas dahil pinipilit nila basahin.
Habang nag aantay ako sa book na afg na hinahanap ko kinausap ako ng dalawang ateng na nasa CS pati na din yung guard.Tinanong ako kung anong klaseng title yun at paano basahin.Sinabi ko na hindi binabasa yun binibigkas lang ang bawat letter nun at may meaning yung bawat letter.tinanong nila kung ano sabi ko basahin nila dahil mawawala yung mystery pag sinabi ko yung meaning. Ano ang sabi nila ang galing naman may meaning pala yan.Hanggang sa dumating yung parang supervisor tinanong kung anong book hinahanap ko binigay sa kanya yung papel at nung nabasa niya yung nakasulat sabi niya " parang nakita ko na 'to summit 'to diba? Ito yung kulay green na may puno diba? May naghanap din nung nakaraan nitong book na 'to yung may weird na title tama po ba Ma'am? Anong point ko sa pag kwento nito? Isa lang dahil sa weird at mahirap banggit yung title madali siyang matandaan oras nabinaggit siya o naka encounter na ng napag tanungan mo yung libro hindi man nila mabanggit yung title hahanap sila ng palatandaan sa book at oras na nakita nila yung jumbled letter na book o nabasa nila alam na nila yung book na yun.
Sa pagiging uniqie naman ng title masasabi ko na 100% ang pagka uniqie dahil ayon kay google nung sinearch ko ang AFGITMOLFM walang ka pareho na title yan dahil puro AFG lang ng wattpad ang lumalabas wala ng iba kaya masasabi ko na pag may nakita ko na ganyan na title in the near future malakas ang loob ko na kinopya yung title na yun.Kaya sobrang unique ng title at halatang pinag isipan talaga at hindi basta basta kinuha sa kanta lang.

Synopsis - Maganda yung pasok nung "sugar & spice and everything nice parang powerpop girls lang kaso yung word na ginamit na " kaadikan at kasabugan" 50-50 ako parang hindi maganda na magand basta kumbaga alanganin kapag binasa siya na nakalagay sa likod nung book kahit na sabihin natin na bagay na bagay naman sa pag describe ng love story nila Nate at Ianne yung words parang hindi talaga bagay yung word na yun sa synopsis sa likod nung book lalo na pag binasa mo ng buo yung synopsis sa likod nung book. Maganda yung synopsis niya kaso yung dalawang word lang talaga na yun ang sa tingin ko ang di bagay pero kung tutuusin wala naman ako maisip na pamalit sa words na yun pagnagkataon.

Title per chapter (tama ba yung term ko?) basta yan ang classy ng dating nung mga titles at talaga naman bumagay sa illustration na naka drawing kada chapter. Kaya masasabi ko na pinag isipan talaga maski 'tong title per chapter.

Story: Bilang isa sa nakabasa ng wattpad version masasabi ko na ang ganda ng pagkaka edit nung story nawala yung hindi kailangan na eksena. Yung ibang may pagka OA(sorry) mas naging realistic ang dating para sa isang highschool student na mag boyfiend at girlfriend sakto din yung kulitan at ka kornihan dahil totoo naman talaga ang mag on na highschool minsan korni. May dinagdag na scene at may binawas pero andun pa din yung naramdaman ko nung nabasa ko 'to dati sa wattpad. Natawa pa rin ako, Natakot,kinabahan ,naartehan, na kornihan kay nate, napaisip, kinilig at higit sa lahat naiyak . Andun pa din talaga lahat walang nabawas mas malaki nga ang impact eh ng iyak ko dito walang biro halos hagulgol ako dito hindi ko sinasabi na sobrang tearjerker 'to dahil hindi talaga maiiyak ka oo may ibang mabigat sa puso o masakit sa puso pero hindi 'to tearjerker magiging tearjerker lang siguro ang dating sa mga walang idea sa book pag nabasa na nila yung part 2 at nag backread pagkatapos sa part 1 iiyak ka talaga lalo na sa mga pasaring ni Nate na "Ikaw lang ang dadalhin ko dito.. Mamatay man ako at makasama sa mga yan" Dyan pa lang maiiyak ka na pag nag backread ka.Yung sa simbahan pa na " N <3 I 4 ever.. Mawawala lang ang pagmamahal ko sayo pag nasira 'tong singsing na 'to mahal na mahal kita,Ianne umiyak din ako dyan " I less than three you Ianne para hindi mo ko makalimutan yan naiyak din ako dyan kung sa iba nakakakilig yan ako naman halos mapahagulgol na ko kakaiyak dyan lalo sa last chapter ng part1. Dun sa flying lantern yung sinabi ni Nate na " itong flying lantern na ang magsasabi ng lahat kay God.. Ng forever natin" dyan iyak na ko ng iyak . Hindi ko masabi kung advantage or disadvantage sa mga nakabasa sa wattpad version nito pero ang sakit talaga. Hindi ko sinasabi na pag hindi nabasa ng iba yung wattpad version eh hindi na ganito ang epekto at OA lang ako hindi I'm sure ganito din mararamdaman nila oras na mabasa nila yung part2 at nag backread sila sa part 1 baka nga mas sobra pa dahil mas pulido at may madagdag na scene dun.

Reaction as a simple reader(not a wattpad reader)
Kung pagbabasehan ang flow ng story hindi ko sasabihin na medyo cliché yung story dahil cliché talaga yung story kumbaga typical love story. So ordinary . Maraming kahawig ultimo yung ibang kilig lines eh ordinary na pero lahat ng story may kahawig at clichè dahil hindi ko pa naman nababasa lahat ng libro sa buong mundo para may matawag ako na unique sa story . Pero ito lang kahit na clichè ang AFGITMOLFM naideliver ng maayos ang mga lines maski yung scenes maski yung plot at characters naisulat ng tama at talagang mag e-enjoy ka basahin. Yung humor niya simple pero matatawa ka pa rin. Yung mga pauso na HHWWPSSPWOKS at AVBS matatawa ka talaga. Yung pagka kalog ni Ianne at ka kornihan ni Nate at pagiging poker face ni Art at misteryoso niya ma-a-appreciate tala

* Yung chapter kay John Michael Cruz natutuwa ako sa chapter na yun dahil kung sa wattpad version ang OA (sorry) ng pagkakasulat dun dito sa libro na appreciate ko talaga dahil napanindigan ni Pilosopotasya yung comment ng isang reader na " matatakot ka" ito yung iniisip ko bago ko bilin yung libro kung babaliwalain ba ni Rayne yung comment na yun.Na isasantabi niya kaya yun para mapaganda yung book at nagulat ako talaga ko dahil hindi niya tinanggal yung scene na yun at hindi pilit ang pagkakapasok nun hindi tulad sa wattpad version na di makatotohanan ang dating. Dito kasi sa book cute, sakto at hindi pilit. Napatunayan lang ni Pilosopotasya na handa niya pigain ang brain niya para maipasok ang scene na yun sa book version dahil may mag e-expect sa scene na yun. Na kung ano ang rollercoaster feeling sa wattpad ganun pa rin sa book walang kulang. Dahil kung di mo nabasa yung wattpad version hindi halata kung wala yang chapter na yan kaso para sa mga nakabasa ng wattpad version may madi-disappoint kung mawawala yan dahil mawawala yung naramdaman namin na takot sa story at kaba. At pansin ko kahit may ilang scenes na pinutol o tinggal at dinagdag at may charter na dinagdag pero walang charcter na tinggal dito sa book. Kahit na sabihin natin na hindi gaano importante yung role ni John Michael amin natin sa mga nakabasa ng wattpad version na tumatak siya satin dahil sigurado ako kung tinaggal siya ni Pilosopotasya dito sa book may maghahanap sa kanya na wattpad reader at mag rereklamo kung bakit siya tinanggal.Napatunayan lang ni Pilosopotasya na bawat naging comment sa wattpad ng mga readers ay pinahahalagahan niya.

-Hindi ko masabi kung matatawag ko na 'to na butas sa story dahil hindi ko pa nababasa yung Part2 pero dito sa part 1 ito yung masasabi ko na dead air ng story para sakin yung character ni Humi dahil walang connect ang pagsulpot ni Humi dito sa part1 dahil kumbaga sa special participation para san yung pag sulpot niya ? Dahil parang sayang ang TF pag nagkataon dahil kahit wala yung pag sulpot niya ok pa din yung story pero tulad ng sinabi ko kahit hindi importante yung role nila Humi at JMC may maghahanap pa din sa kanila na wattpad reader pag tinanggal sila kaya may ine-expect ko sa part 2 nabigyan ng katarungan yung character ni Humi tulad ng nangyari kay JMC dito sa part 1.

Last chapter- Maganda yung pag kakaputol niya dahil may naiwan na katanungan sa nakabasa na " Hala bakit nakipag break? Anong nangyari?" yun kasi ang importante eh yung may maiwan na tanong sa mambabasa.

5 star ang rate ko kahit may hindi ako nagustuhan bakit? Simple lang nag enjoy ako basahin yung book dahil yun naman ang importante yung enjoyment na naramdaman mo sa pagbabasa dahil napaglaruan nito yung emosyon ko na umiyak, natawa,natakot,kinilig, at nasakatan yun kasi ang importante sakin pag nagababasa yung enjoyment na naramdaman ko hindi ko kailangan na perpekto na story para basahin at yung effort ni Rayne at nung team niya para mapaganda yung libro ay sapat na para bigyan ko ng 5 stars. Yung gimmik nila sa loob ng book sa cover, illustrations, at bookmark. Nasa kahit ganitong paraan ay naiparamdam niya sa mga sumusuporta sa kanya sa wattpad at CC yung pasasalamat niya sa binigay na suporta ng mga readers niya sa wattpad na tulad ko na kahit walang bayad ang comment at votes na binibigay namin ay pinahahalagahan niya yun at bilang ganti eh ginawa niya special ang AFGITMOLFM book version sa ibang wattpad books na napublish na walang illustrations kada chapter maski sa popfiction ito ang alam ko na kauna-unahan na nilabas nila na may illusyrations kada chapter at iba ang illustration sa bookmark at dalawa ang illustrator sa book.diba hindi ba deserve ang 5 star para sa book?

-Dahil Mabait si Rayne Giveaway entry
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
October 31, 2014
"THE DAHIL MABAIT SI RAYNE GIVEAWAY ENTRY!"

Masasabi kong sa lahat ng napublish na libro, afgitmolfm ang unique at kaya kong sabihin ang mga rason. Una, yung cover. Wow. Ang galing, ang ganda. Saludo ako sa gumawa parang candy siya sa mga mata. Ang sarap tignan, titigan. Yon ang pinakagusto kong book cover. Pangalawa pagbuklat mo, may picture ang cute, mas lalong nakakabrighten up ng mood dahil tumatawa doon sina nate at ianne. Alam na natin yun lahat naman meron basta pop fic books. Pangatlo, isa pang buklat makikita mo yung title ulit at isa pang buklat, doon ako natuwa. Sa pamamagitan non parang sobrang naaappreciate mo kami. Kaming mga readers mo na bumili ng libro mo. Parang pinahahalagahan mo kami. Oo, meron din mga nagpapasalamat pero karamihan hindi. Sa bandang likod na lang nila sinasabi. Ewan ko ba, basta nong nabasa ko yun napangiti ako. Naisip ko agad ang sweet ni ate rayne. Mahal niya talaga kami.

Noong binuklat ko pa ng isa, doon na nagsimula.. Pang-apat, Ang galing lang, dahil kahit umpisa pa lang may nakuha agad akong aral. Na pinagdiinan na wag magpapaniwala sa mga kung anong meaning ng love dahil hindi naman talaga totoo yun.

pang-lima yung every chapters may mga illustrations, nakakatuwa mas nakakaganang magbasa. Pang-anim sobrang light lang nong story nakadagdag pa ng pagkalight yung way ng pagkasulat hindi super formal na to the point ang deep na masyado at hindi namnn sa hindi siya formal. Nasa gitna lang. Balanse lang.

Pang-pito yung kacornyhan ni nate. Cool. Pwedeng stress reliever ang afg. Dahil nong time na binasa ko yon every chapter hindi ako pwedeng hindi matawa o kahit mapangiti man lang. Tawang-tawa ako! Hahaha yung may scene na seryoso tapos biglang magjojoke si nate or ianne. Bigla na lang ako mapapatawa. Yung sa panaginip niyang papatayin na siya nakukuha pang magjoke. Laptrip yon! Hahaha

Pang-walo Akala ko maguumpisa yung story sa mag bf-gf na sila ni nate. And im happy na kinwento din kung paano sila nagkakilala at paano nagtapat si nate sa kanya. And maganda naman yung pagkasingit sa flashback na yon ni ianne.

Pang-siyam Noong nabasa ko yung john michael cruz jr. Akala ko naging horror na ang genre ng afg. Haha! Ang astig talaga nitong librong to! Lahat na pinaramdam sa akin. Pagkatakot konti haha, pagkainis, pagkakilig, pagkalungkot, pagkakaba, pagkagulat lahat lahat na! Ikaw na talaga kyotie na ate rayne. :)

Pang-sampu yung flow, maganda. May consistency sa mga nangyayari. Walang scene akong nabasa na mapapa waht na lang ako. Na mapapahinto at maiisip na ang-bilis-anyare?

Pang-labing isa, wala akong scene na nilagpasan. Kasi lahat may sense. Walang part na mapapasabi akong. Ay ano ba yan walang kwenta to. *turns to next page.

Pang-labing dalawa, well-edited. Sa binasa ko naman wala ako nakitang mali. Or meron? At hindi ko lang napanson dahil mabilis akong magpabasa? Pero wala naman akong nakita. Halata talagang pinag-effortan.

Pang-labing tatlo, yung ending. ang ganda kung saan inend yung part 1. Kahit ayaw ng tao bumili ng part 2 ay mapipilitan siya dahil madaming tanong ang gugulo sa utak niya. Like 'anong nangyari kay nate?' 'Bakit ba siya pumunta ng ibang bansa?' 'Sino si epal na grace?' At 'bakit nakipagbreak si nate? Ajujuju'

Pang-labing apat, Binasa ko yung about sa author. At nung nabasa ko yung 'she appreciates a lot of things.. especially you.' Natouch ako. Aww.

Pang-labing lima and so on.. :D

Nirarate ko siya ng four star. Bakit hindi 5? eh sabi ko naman afg ang unique sa lahat. Alam naman po nating hindi afg ang the best. Iba-iba naman kasi, may mga darating pang bago at baka mapagtanto ko na ay mas maganda pala ito kaysa afg. Not that i want to compare pero para lang fair sa iba pang mga stories. Ewan! Haha may sense pa ba tong sinasabi ko? (≧▽≦)/~┴┴

Basta all in all, ang ganda ng AFGITMOLFM. Full package. Nese kenye ne eng lehet. Thank you Ate Rayne na gumawa ka ng ganong klaseng story. Thank you kasi tinupad mo ang sinabi mo. Oo nga, sulit ang 195 pesos ko. :))
Profile Image for Karla Mae Lim.
3 reviews
October 31, 2014
~Entry: The Dahil Mabait si Rayne Giveaway" level up!~

~Spoiler~



When you'll first see the AFGITMOLFM Part 1 Euphoria book you'll instantly be attracted to it as if you were placed under a spell.
The title was indeed very catchy and of course the question in your mind will be "What does this title mean?" and the cover my! Its very beautiful and attractive! It's the best cover I've ever seen in the whole batch of published Pop Fiction books! The pin up illustrations and the illustrations every chapter were very marvelous indeed!
Team AFGITMOLFM's efforts were very fertile indeed. They were clearly well received by the readers and collectors of Pop Fiction books.

For the story,
This story is loaded with scenes that will make you feel emotional.


I must first comment about how this story never fails to make me laugh! It can brighten even a stormy mood that you're having!

I find the Dingdong dantes Ding dong dantes doorbell extremely funny! What a brilliant way it is! I never thought of a doorbell that way.

Nate really knows how to make a person laugh! I couldn't help but smile at his jokes and get kilig whenever he does something romantic to Ianne.



In the story you can find the characters encountering problems that real life teens often encounter: love life problems, making new friends, involvement of rumors, terror teachers, competition and rivalry and many other problems. This is a story that you can truly relate with.


This story also speaks reality that everyone of us has their own destiny. No one could ever predict the future. You'll really fall in love with the story because there are many lessons you can learn from it. But the best lesson I've learned is this: Even if things didn't turn out the way you wanted them to, you simply have to accept them and move on. I learned that through Nate and Ianne's breakup. I was really affected by Nate and Ianne's break up. They seemed such a perfect couple and nothing could ever tear them apart but when that moment came it was very heart breaking.



Overall, The story was so great! You'll really feel that you're a part of the story! You'll get carried away by the emotions and laughter moments.



There is so such book that you can call perfect, In AFGITMOLFM I did see some errors, I have read that Nate only has one earring in the cover it is in his left ear then on the pin up illustration it is on his right ear already.


Another is the I <3 equation. In the illustration the equation was correct while in the written the > became <
but I never saw any typos or wrong grammars and mistakes really don't matter at all, what's important is that you're able to read and understand what you're reading.


This deserves to be rated 5 star because its a book worth your money and time!


I'm really looking forward to reading book 2.

It doesn't really matter to me if I win or lose, what's important is I was able to speak out through this review what I think about AFGITMOLFM Part 1 Euphoria to one of the most outstanding young Filipino authors in the Philippines Ate Rayne Mariano.
Profile Image for Sarah Nicole.
1 review
October 30, 2014


Entry



The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway Entry.

Nakakahiya naman magpasa ng review lalo na’t hindi ko naman alam ang mga sasabihin ko. Pero dahil kating-kati na ‘yung mga kamay ko na i-type ‘yung mga saloobin ko sa AFGITMOLFM, nakagawa ako. Though, hindi ko alam kung may sense ba mga pinagsasabi ko dito huhu.



Well, first of all, I wrote this entry because I want to win the second part of the book. Pero syempre, sinulat ko ‘to dahil gusto kong mailabas ‘yung mga nararamdaman ko sa AFGITMOLFM na hindi ko mailabas-labas since last year (which is July 2013).



Kung tatanungin mo ako kung bakit nagustuhan ko ang AFGITMOLFM, syempre ang unang isasagot ko ay… dahil sa title. Sino ang hindi ma-cu-curious sa title? Para sa akin, ‘yung title ang main highlight ng story. Bakit? Kasi sa title mismo iikot ang buong story.



Ang isa pang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang AFGITMOLFM ay dahil hindi ipinagsisigawan ng title ang plot ng mismong story. Long story short, napaka-mysterious at unpredictable ng title. Mangangapa ka talaga sa mga susunod na mangyayari.



May mga kwento kasing predictable na nang dahil sa title. Ang AFGITMOLFM? Hindi. For example, nakakita ka ng title na sobrang haba na para bang kinwento na ‘yung buong story, hindi ba makakaramdam ka ng inis at hindi na lang babasahin?


Pero kapag ‘yung AFGITMOLFM ang nakita mo, mapapasabi ka na lang ng “Ka-curious.” At para malaman ang meaning ng title na ‘yon, kailangan mong basahin nang buo. So ‘yun nga, binasa ko nang buo ang AFGITMOLFM (Wattpad version).



To be honest, hindi ko na alam kung ilang beses akong naiyak, kinilig at nakaramdam ng ‘butterflies in my stomach’(though, hindi ako sa Ianne HAHA), natawa, nainis, nakahampas, nakasabunot, at nakasapak ng pader sa AFGITMOLFM. ‘Yung mga lines kasi sa AFGITMOLFM, tagos. Mararamdaman mo talaga. Hindi makakalimutan.



About sa plot naman, masasabi kong it’s very UNEXPECTED. As in, hindi mo talaga malalaman kung ano’ng mangyayari sa susunod na chapter. Akala mo si Nate na pala ang makakatuluyan niya pero hindi pala. Akala mo maaagaw na ni Cloud si Ianne kay Nate pero hindi pala. Akala mo Galis talaga ‘yung apilyedo ni Lemaris pero hindi pala.



Nung nalaman ko na ipa-publish na ang AFGITMOLFM under Pop Fiction (an imprint of Summit Media), kinabahan ako. Sabi ko pa no’n, “Saan ako kukuha ng pera!?”. I’m only a grade nine student, umaasa pa ako sa mga magulang ko. May pera naman ako pero laging napupunta sa McDonald’s.



Pero nung nakita ko na nga ‘yung libro sa National Book Stores, naisipan kong bumili. Tiniis kong ‘wag daanan ang canteen para ‘di na masayang ang pera ko. Ganu’n din sa McDonald’s. Tiniis kong ‘wag mapadaan sa dalawang ‘yon at napagdesisyonan kong magbaon na lang para tipid.



Tapos ko nang basahin ang AFGITMOLFM Part 1: Euphoria. Siguro, isa sa dahilan kung bakit ko binili ‘yung book version dahil sa p-in-ost ni ate Rayne sa Wattpad. ‘Yung Chapter 00: My Meaning at Chapter 01: I, N, and A. Na-curious ako nang bongga sa last line ng Chapter 01!



“Nasagasaan na siya.”

‘Yan! Isa ‘yang line na ‘yan sa mga dahilan kung bakit ko binili ang book version ng AFGITMOLFM! Diyan ako na-curious nang bongga. Kasi sa Wattpad naman, wala namang nasagasaan, hindi ba? Kung meron man, matagal pa mangyayari. Eh ‘yan, pambungad, eh. Naiyak kaya ako diyan noong hindi ko pa nabibili ang book. Talagang pinaulit-ulit ko ang pagbabasa sa Wattpad ng Chapter 01 ng book version.



Title:

1. Hindi common ang title. Kung meron mang mga kwentong may title na kagaya ng AFGITMOLFM, mangilan-ngilan lang.

2. Unique. Naging unique ang title kasi may meaning na nakatago ro’n. Hindi lang siya ‘yung title na basta na lang naisipan kahit walang meaning. ‘Yung meaning na ‘yun ang mag-uudyok sa’yo para basahin at matapos ang libro para lang malaman ang meaning. Siguro kung hindi ko pa nababasa ang AFGITMOLFM sa Wattpad at kapag nakita ko ‘to sa kahit anong bookstores, bibilhin ko talaga. The main reason? Title.

Cover:

To be very honest, ang simple lang ng cover ng AFGITMOLFM. Bagay sa character nina Ianne at Nate. Alam naman nating lahat na simple lang ang buhay ang dalawang ‘yon. Walang mga arte sa katawan. At, kinikilig talaga ako sa cover ng book dahil isa ‘yon sa mga scenes sa Part 1: Euphoria.



‘Yun ‘yung scene na nilalayuan ni Ianne si Nate hanggang sa napadpad na lang siya sa ground. If I’m not mistaken, practice nila no’n sa The Demon and the Maiden. Kakatapos lang niya umiyak sa favorite niyang cubicle. Ang simple ng cover pero napakaraming kahulugan. Sweet kaya ni Ianne tignan habang hinahalikan ang noo ni Nate.



Illustrations:

Sa Wattpad version ng AFGITMOLFM wala namang mga illustrations kada chapter kaya pahirapan sa pag-i-imagine. Hindi katulad ng sa book, mayroon. Nakakatuwa lang magbasa habang nakakakita ng mga illustrations kada chapter. Nakakaengganyo. Nakaka-excite. Pampagana.



Hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kasi na-i-imagine ko ang mga scenes nang dahil nga sa mga illustrations. Tanong ko lang po since hindi pa ako nakakabili ng kahit anong Pop Ficiton books except sa AFGITMOLFM. ‘Yung AFGITMOLFM lang po ba may illustrations kada chapter. If so, ang cool! Halatang pinag-effort-an mo ate Rayne ang pag-isip ng mga illustrations. Nakaka-excite tuloy makita ‘yung mga illustrations sa part 2.



At saka ‘yung illustrations pa sa first two pages. ‘Yung nakasayaw ni Art si Ianne at parehong nakangiti si Nate at Ianne. Sigurado akong si Nate ‘yung nakangiti sa unahan kasi emotionless naman si Art, eh. Kinikilig ako ro’n! Hindi ko tuloy kung sa’n ba akong team. ‘Yung magkasayaw sina Art at Ianne kasama rin ‘yon sa mga scenes sa Part 1: Euphoria! Ang cute lang talaga.



Plot:

Nakakatuwang isipin na mayroon na akong book ng Part 1: Euphoria. Bakit? Kasi maraming nabago. Katulad na lang nung nasaksak si Ianne. Sa Wattpad, totoo ‘yun. Pero sa book, panaginip na lang. Syempre, natuwa ako kasi binago talaga. Paano na lang talaga kung nasaksak pa rin si Ianne sa book? Ang sakit sa puso no’n. 3. Gusto kong bilhin ‘yung librong alam kong edited at dinagdagan na ng scenes. Ang maganda kasi AFGITMOLFM, pinaparating nito na hindi lahat ng mga couple ngayon, eh, hanggang dulo na. ‘Yun ang nagustuhan ko sa plot.



Kahit gaano pa ka-sweet sina Ianne at Nate sa isa’t isa, pinili pa rin ni ate Rayne na patayin si Nate at maging si Art na lang ang meaning ng love para kay Ianne. Bakit niya nagawa ‘yon? Kasi ‘yun naman talaga ang dapat na mangyari. Sinusunod niya lang ang title.



Kung si Nate ang nakatuluyan niya hanggang sa dulo ng story, edi hindi dapat “AFGITMOLFM” title. Magiging “DNMMITMOLFM” na ang title. Ang haba, hindi ba? Ang hirap pang basahin. At saka, kahit masakit para sa kaniya na patayin si Nate, piñata niya pa rin. So ano nga ba’ng point ko? Ang AFGITMOLFM ay halatang pinag-isipan. Magkakakonekta ang mga nangyayari.



Characters:

1. Janine Anne Santos (Ianne) – Gusto ko ‘yung mga kagaya ni Ianne na maging kaibigan ko. Ang simple niya. Walang arte sa katawan. Hindi perpekto kasi naiinis at nagagalit din siya. Hindi mahirap mahalin ‘yung character niya kasi nga may something sa kaniya. Hindi ko ma-explain haha. Gusto ko ‘yung pangalan niya kasi walang arte, fit na fit talaga sa buong pagkatao niya. Lagi ko pa siyang naaalala tuwing nasa school ako kasi ‘yung pangalan nung mga classmate ko ay Nicole Anne Santos tapos ‘yung isa naman ay Janyn. Though, magkaiba ng spelling. So, ‘yun nga, nagustuhan ko kaagad ‘yung character niya kasi simple lang at sabog.

2. Dan Nathaniel Moises Manio (Nate) – Ehem. Ehem. Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na akin lang si Nate! In-emphasis ko talaga para intense! De joke. #TeamNate po ako kahit ano’ng mangyari. #TeamNate pa rin ako kahit hindi na sila ni Ianne. Sad. But anyway, kagaya ng kay Ianne, nagustuhan ko rin ang character nito. Sweet, caring, sabog, madaling pakisamahan, etc. Common na ‘yang mga ‘yan para sa iba pero sa’kin, hindi. Kahit marami na akong kilala na mga lalaking characters sa Wattpad, hindi ko pa rin nakakalimutan si Nate. Katulad ng kay Ianne, may something kay Nate na babalik-balikan mo. Nung nalaman ko ngang may sakit siya, naiyak na lang ako, eh. Siya kasi talaga ‘yung lalaking gusto ko para kay Ianne. Pero kung ano ‘yung kinalabasan ng mga nangyari, okay na rin ako. Okay lang naman kasi napunta rin si Ianne sa lalaking mapagkakatiwalaan at si Art ‘yon. Gusto kong basahin ulit ang AFGITMOLFM pero masakit kapag nasa part na ako kung saan unti-unti nang nanghihina si Nate ko. Sad.

3. Art Felix Go (Emotionless Guy) – Siya ‘yung tipo ng character na akala mo napadaan lang sa story pero hindi pala. Akala ko nga noong una, hindi siya kasali sa mga main characters ng story pero hindi pala. Isa pala talaga siya sa mga main characters. At akalain niyo ‘yon, siya pala ang makakatuluyan ni Ianne. Gusto ko ang personality niya. Napaka-private niyang tao. Mysterious. Nakakatakot. Cold. Matalino. Ang cool nga ni Art kasi may photographic memory siya. Though, hindi ko alam kung blessing ba ‘yun or what. Hindi ko talaga in-expect na magiging sila ni Ianne. ‘Yun, nabigla lang talaga ako sa mga revelations noong una kong nabasa ang AFGITMOLFM.

4. Cloud – Bet na bet ko ang character na ‘to kasi ang light lang ng mood kapag kasama siya. Pero naiinis din ako dito kasi alam naman niyang girlfriend ng pinsan niya si Ianne tapos gusto niya pang agawin. Kahit na ang pogi niya sa imagination ko, naiinis pa rin ako sa kaniya kasi ang kulit. Naaawa rin ako sa kaniya kasi alam ko namang hinding-hindi bibigay si Ianne sa kaniya. Buti na lang at dumating ang dating classmate ni Ianne na si Erin.

4. Lemaris Galis - Sa Wattpad version ng AFGITMOLFM, sobra-sobra ang pagkainis ko sa babaeng ‘to. Sa pangalan pa lang, eh, alam ko na kaagad na magiging kontrabida ‘to sa story. Sa Wattpad version, inis na inis talaga ako dito. Akala ko nga Galis ‘yung apilyedo nito, eh. Pero sa book, hindi ko na siya kinainisan. Parang natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa niya. Masasabi kong isa ‘tong character niya sa mga characters na tumatak sa isipan ko. Sa sobrang inis ko sa kaniya dati, hindi ko na talaga siya makalimutan.

Technical:

1. May nakita po akong mali sa libro. Isang word lang naman. I forgot the page at ‘yung mismong word. Basta bandang p. 100 + na yata ‘yon. Gusto ko sanang basahin ulit para ilagay dito ‘yung saktong page kaso hiniram ng classmate ko ‘yung libro ko. As in, maliit na bagay lang ‘yung mali sa libro. Siguro hindi lang po napansin. Sana nga mabasa ko ulit ngayon na, baka kasi nagkakamali lang ako. Sa mga mabibilis na magbasa na readers, hindi nila mapapansin ‘yon. Ako kasi, ramdam ko ang pagbabasa. Malakas ako magbasa kaya naiirita na mga kapatid ko. Sad. 

2. Pinag-isipan ko talagang mabuti kong sasabihin ko pa ba ‘to. Haist. Mahilig po akong magbasa ng mga writing tips kung saan-saan lang at lagi kong nakikita sa mga ‘yon kung paano gamitin ang iba’t ibang point of views. ‘Yung sa AFGITMOLFM kasi, first person point of view ang ginamit. Meaning, sa point of view lang ng bida. Since, first person point of view naman ‘yung AFGITMOLFM, bawasan na lang po natin ang paggamit ng mga word na italicized. Siguro, sa third person point of view, pwede pa kasi do’n malalaman ‘yung thought ng isang character. Pero hindi ko naman po sinasabi na ‘wag gagawin ‘yon kasi hindi naman po big deal ‘yon sa’kin. Okay lang sa’kin ‘yung mga words na naka-italic kasi kyot namang tignan. Kagaya na lang ng Wew, Whuszh, at ‘yung mga words na kailangan talagang i-emphasis.

All in all, nagustuhan ko talaga ang book version ng AFGITMOLFM.

Super!



This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Bernadeth Guevarra.
1 review30 followers
October 30, 2014
"The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway entry"


Note: Pwedeng i-skip at mag-proceed na lang sa next paragraph. (mahaba kasi) Echos ko lang to. Haha
Pano ko ba to sisimulan? Sa totoo lang wala akong idea kung pano magsulat ng isang book review. Ayoko talagang gumagawa ng ganito kasi una sa lahat, hindi ako marunong. Huhu. Hindi kasi ako magaling mag-express ng gustong sabihin through words kaya kapag mga ganitong bagay matagal akong gumawa. (As in matagal at saka tamad din kasi ako. Haha) Pero nevertheless (Naks! Nosebleed), gumawa parin ako hindi dahil sa prizes (medyo lang, ang bongga kaya ng prizes haha) at alam kong sobrang liit lang ng chance. Gumawa ako (mostly) dahil GUSTO KO, para kay ate Rayne Mariano. So I did try my best para magmukha naman siyang book review (sana). And here it goes….

AFGITMOLFM, a story from Creative Corner then in Wattpad, ay isa na ngayon sa mga story na una nating nabasa online na naipublish na into a book. Publishing a story is not that easy. Hindi basta basta. Maraming pagdadaanan. (wala po akong experience pero sa tingin ko lang ganun.) Tapos kapag napublish na (for online stories to physical book), some may think “Why buy the book? eh nabasa naman na online. Parehas lang naman yun.” Pero meron din namang mas gusto ang physical book. (tulad ko) Maraming dapat i-consider. However, the author, Rayne Mariano, accepted this challenge and did a great job to make her book unique, attractive, worth reading and to make sure that her readers (old or new) will not be disappointed but be satisfied, hindi sila manghihinayang na bumili kahit nabasa na nila online. In the end, this book made it to success and I would like to congratulate ate Rayne in this accomplished, thoughtful book for making it possible.

The book is a romance-teen story (with comedy, drama and more) that is perhaps like any other— a girl and a boy who will fall in love tapos may hahadlang sa kanila and so on... PERO yun ang akala natin, ang akala ko. So ano nga ba ang meron sa librong ito?

AFGITMOLFM. Yan ang title na hanggang ngayon ay hindi ko masabi/matype ng diretso. (nirerecite ko pa nga yung meaning para matype ko. Haha) Nung una kong nakita yan, I was like ‘What the hell is that???’ haha. Joke! Hindi naman umabot sa ganyan. But, seriously nacurious ako sa title. CATCHY. UNIQUE. Kahit sino kapag nakita ito, mapapatanong agad ng “Anong word yan?” o “Anong meaning nyan?” The choice of title is very wise and clever. Dyan pa lang makukuha na agad ang atensyon mo. Then there’s the phrase “A Falling Gravity in the Motion of Love from Me” (na mababasa sa libro) At first, siguro yun ang aakalain mong meaning ng title kasi pareho sila ng initials. Gusto ko itong parang ibinigay na yung meaning ng title. Parang di-nivert(?) ka sa totoong meaning. Yung akala mo yun na. Isa pa sa nagustuhan ko dito eh hindi lang siya basta part 1, “Part 1: Euphoria”. Euphoria which means ‘a feeling of great happiness and excitement’, ayon kay Merriam-Webster Dictionary (Ang haba kasi sa wiki) na sumakto naman sa takbo ng kwento. Galing! Hindi lang siya ‘wala lang’. Talagang pinag-isipan. At kahit na nung una hindi ko din alam ang meaning ng euphoria (I’m so hopeless talaga (_ _)), natuwa ako. Nakadagdag pa siya sa pagiging unique ng libro.

Another thing is the BOOK COVER. Sobraaaaaaaang gandaaaaaaa. Na-inlove talaga ako sa cover nito. Kudos sa illustrator. Iba siya sa ibang cover ng libro na nakasanayan. There’s something in the cover na kakaiba. The feels, the emotion, nandun. Makikita din yung atmosphere sa kwento. Ianne and Nate. Mararamdaman mo sila. Ang galling talaga. (Nakakainggit yung talent nila) The cover is just so PERFECT. Tapos yung cover, isa sya sa scene na nangyari talaga sa kwento. Best part habang nagbabasa ako eh yung nabasa ko yung mismong scene na yun.^^ Nakalagay din sa cover yung quote na “Love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose.” And this is just so right for the story. It shows exactly what the story will be. Then may bonus pang chapter illustrations. Hindi lang siya basta illustration dahil related siya sa bawat chapter. And I love that idea. It gives the readers like preview kung anong meron sa chapter na yon. Mas nakakaenganyong basahin.

(Uhmmm ano pa ba?)

The book is written in the first person’s point of view, Ianne’s POV. There’s a challenge in this style of writing kasi the scenes should be described na hindi nakakalito at hindi kulang. Tamang tama lang kahit na isang POV lang ang alam ng reader. And again, SHE did a great job. Kahit na si Ianne lang yung nagsasalita, buhay na buhay pa rin yung ibang characters. Nadescribe sila ng mabuti. Mas naramdaman ko sila ngayon (compare sa mga unang versions). Hindi lang sila basta extra. They are also part of the story. Kahit pa si Lemaris na nakakainis. Gusto ko yung pang-iinis niya dito. Tapos si Humi. Hindi nakakainis yung pagsulpot-sulpot niya. Nakakatuwa pa. (Kyot na bata. Haha.)

Ianne’s voice is so natural and witty. Na-justify ng maayos yung personality niya, yung pagiging masayahin niya. And I really like Ianne’s humor. Yung kahit na nasa seryosong sitwasyon siya, nakakapagbiro pa. This shows na hindi siya madaling sumuko. Magpapakatatag siya hanggat kaya niya. Pero tao lang din siya (kahit fictional lang) na umiiyak at nasasaktan. This makes the story more realistic, yung pwedeng mangyari, pwedeng makarelate.

Ianne is also one of the reasons why I love this book. I love the sound of her voice (yung way of narrating niya) Enjoy basahin. Hindi nakakaboring. Sabi ko nga so natural tapos malinaw din. She does not only make me see things she sees clearly, she can also make me feel what she feels. That’s the best thing in reading. Nadadala ka. Napupunta ka sa mundo nila. And I’ve been there.

One more thing about this writing style is that it gives a mystery effect dahil nga one POV lang ang naipapakita. Hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa ibang characters o kung ano ang iniisip nila o bakit ganito, ganyan ang mga kinikilos nila. Just like Nate. Hindi natin alam kung bakit minsan nawawala siya, kung may ibig sabihin ba yung mga ikinikilos niya, o kung totoo ba lahat ng sinasabi niya. Tapos sa dulo, bigla pa siyang nakipagbreak right after he said na mahal niya si Ianne. Alam natin na may dahilan yan pero hindi pa nerereveal. At ito rin yung nakakapagpa-excite sa readers.

Then there’s Art, the mysterious, weird ‘Emotionless Guy’. He is just one of the reasons you’ll want to keep turning the pages to find out who he really is. Kung sino ba talaga siya. Anong role niya. Macucurious ka talaga sa kanya. Marami kang maiisip na predictions. Maybe, you’ll think na siya yung karibal ni Nate kay Ianne. Ooooorrrr Not?

Tapos dumating din si Cloud. You may think na ‘Ahhh siya yung karibal,’ kasi nagkagusto din siya kay Ianne tapos pinsan pa sila ni Nate. (perfect karibal. Haha) pero nagkaroon ng Erin so hindi pala. This story is just not that predictable. And I like it that way.

Si Nate naman. You will love Nate here lalo na sa first part. (hindi po ako TeamNate or TeamArt. Undecided pa rin ako.) Mararamdaman mo yung pagiging sweet niya, how sincere he is sa feelings niya kay Ianne. Kikiligin ka kahit pa para sayo eh ang korni ng ginagawa niya. He can be the perfect boyfriend. Gusto ko yung ipaparamdam sayo na manghihinayang ka kung hindi sila till the end. (Ako, nanghinayang talaga ako pero I know macoconvince din ako kung bakit hindi.)

About sa plot, maayos siya, hindi magulo. Hindi pilit yung mga scenes. Walang scene na basta isiningit lang. Hindi din nakakalito at makakasunod ka sa takbo ng kwento. To compare sa previous versions, marami akong napansin na nabagong scenes at lahat ng yon nagustuhan ko lalo na yung part na may multo. Natuwa ako na naging panaginip na lang siya. (kasi to be honest napakunot ang noo ko sa part na yan dati. Haha. Sorry po)

ENDING. I really like how part one ended. (kahit masakit) Naramdaman ko si Ianne, yung pagkalito niya, yung sakit na mararamdaman niya. Dito masasagot yung ilang tanong mo kung bakit naging medyo weird si Nate (makikipagbreak pala) pero at the same time madadagdagan pa lalo. (like ano ang dahilan niya?) Isa pa sa nagustuhan ko sa ending eh saktong-sakto yung pagkaputol. It left a question not only for Ianne but also to the readers. Anong nangyari? This is what I hate and like in a book. Hate kasi nakakabitin. Like kasi it gives me the feeling to look forward for the next part. Excitement. Anticipation. Yes mabibitin ka and maybe ito yung magiging dahilan mo para basahin yung kasunod kasi gusto mong malaman yung sagot, kasi hindi okay sayo na hanggang dun lang, kasi interesado kang malaman kung ano pa ang mangyayari, kasi, aminin mo man o hindi, nagustuhan mo yung story. (And right now excited na akong basahin yung part two.)

Okay ang dami ko ng sinasabi, book review pa ba to?
Pero one last thing, sa grammar and the likes. Wala akong nakita (o hindi ko lang napansin) na typos or errors (unlike sa una kong nabasa na from PF din. Actually, pangalawa pa lang to na published book from wattpad na nabasa ko). Wala naman akong sinisisi dyan kasi ako din naman nagkakamali. (at siguro sobrang dami na dito pa lang) Pero libro kasi ito kaya dapat, kung hindi maiiwasan, minimal lang yung errors. Kaya thumbs up po ako sa writer at editors ng AFG.

Eto last na talaga.
This book is really worth your money. Hindi ka madidisappont. At kahit na nabasa mo na yung naunang versions, this is still worth reading. You will meet the same Ianne, Nate and Art, but surely you will love them more.

Super last. Pramis!
Cliché ba to? Maybe yes, maybe no. It depends on the perspective of the reader. Pero iba talaga kapag si Rayne Mariano yung nagsulat, Kahit sabihin pang cliché hindi mo yun mararamdaman. There’s something in her writing na magugustuhan mo, na nagustuhan ko. (Huwag niyo na akong tanungin kung ano. Undefined eh. >.< Read and you’ll know) :)))))

END
:)
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
October 30, 2014
AFGITMOLFM Part 1: Euphoria is written by my favorite Wattpad author. She may be my favorite author but this review won't be biased at all.Here it goes.


Dahil Mabait si Rayne Giveaway Entry


AFGITMOLFM Part 1: Euphoria by Rayne Mariano (pilosopotasya)
Illus. by Jonathan Teodoro and Jerryk Gutierrez, ©2014, 274p.
Romance, Humor

Short Summary:
Ianne and Nate are two high school students who are in a relationship. They are so fond of each other and are so sweet in any way possible. Typical high school romance it is. Then enter Art, referred to be the emotionless guy as what Ianne describes him. Ianne bumped into Art one day, she also became Art's partner for the contest, she also had that strip of paper the same as Art's and Nate left and came back; those we're just some of the simple things that happened but little did she know that those can change how easygoing her life is.

_______________________________________________________

How does it feel to be in love? Is being in love that easy? AFGITMOLFM is the book that'll make you want to fall in love over and over again. This book will also let you feel mixed emotions with just one story.

The Quote
"Love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose."
--AFGITMOLFM, Rayne Mariano

The quote in front is there for a reason. It'll give a glimpse on what the character may be going through. But just by reading it doesn't make sense if you won't read the synopsis nor story inside. It really fits the content of the book and is well said.


Book Cover,Pin-ups,Illustrations,Bookmark
The cover is done professionally. So far it is one of the best among all the Pop Fiction book covers I've ever seen together with the book cover of Part 2: Nostalgia. Halatang pinaghirapan talaga. Cover pa lang nakaka-attract na ng readers.

The pin-ups are so amazing. Sobrang na-amaze ako sa pagkaka-edit. The colors, shadows, and highlights ang cool talaga. Sa AFGITMOLFM lang may ganung impact sa akin ever. The illustrations in every chapter are amazing too. It's like I'm reading a fantasy book kahit romance naman talaga. And sa bookmark, ang kyot nila Ianne at Nate. Iniba talaga ang illustration para sa bookmark 'di tulad sa ibang PopFic books na katulad lang sa cover. Hands down talaga sa mga gumawa nun. What do you expect sa mamaw friends ni Ate Rayne, right?



Title
AFGITMOLFM. When I first read this on Wattpad, I was really intrigued kung ano ba talaga ang meaning niyan. I even thought that walang maisapang title si Ate Rayne kaya ganyan. When I found out the real meaning, truth be told, there's a part of me na parang nadismaya, yung para bang mapapa-like dobolyuteif ka na lang like yun na yun?. Pero tama nga naman si Ate Rayne, her own words in Watty,
"WARNING: Mababaw lang meaning ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang."
Ayun nga, sana nakinig ako. Ayan tuloy. In short guys, don't keep your hopes up. Pero kahit ganun lang meaning, worth it ang pagbabasa ko—marami akong natutunan.



Plot,Point of View,Writing style
Attractive book cover, pin-ups, illustrations & bookmark. ✓
Catchy title. ✓
So sa plot naman. Kung itatabi lahat ng PopFic books without those cover and illustrations, the story itself lang, AFGITMOLFM wouldn't stand-out that much. Hindi sa nagmamagaling, but the plot isn't that new. Sobrang cliché na. Not to hurt the author's feelings, realtalk lang po. Wala sanang magalit at i-bash ako. (╯︵╰,) Not that sinasabi kong kung wala yung cover at illustration ay basura lang yung AFGITMOLFM. I will never say that.

Although AFGITMOLFM has a cliché plot, it is also special in its own way. Ito kasi 'yung kwento na hindi love-hate relationship ang mga bida and the fact na sa simula pa lang may relationship na sila ng isang character. Hindi rin ito 'yung typical na kwento wherein the story only revolves kung papaano magiging happy ending ang love story nila. The story also focuses on life lessons. The plot is also realistic. Nangyayari talaga sa totoong buhay. Hindi exaggerated.

The story's in first point of view o POV ni Ianne kaya madaling maintindihan and you can really visualize what's written. Wala ring POV switching so hindi nakakalito kung sinong nagnanarrate. Another advantage of it also is that you won't know what's on the mind of other characters and that will make you more curious on why such things happened. Disadvantage is that the other characters' side won't be heard kung hindi rin niya sasabihin kay Ianne. So bottom line is that kung oblivious masyado si Ianne ay wala rin tayong malalaman unless may clues if you read between the lines or if you had read the wattpad version.

The start of the story is also written in a manner na madaling maintindihan so you'll easily understand what's going on. The author also used simple terms and as I read the book, wala naman akong nabasang malalim na salita.

Maayos rin ang foreshadowing. Hindi ka basta-basta mabibigla sa mga nangyayari kung inuunawa mo bawat scene. Every scene is on timing, hindi ganun kabagal o kabilis ang pacing na mauumay ka na lang kababasa wala pa ring nangyayaring excitement. Although there's this part na parang ang bilis lang. 'Yung part na nagkakilala sina Erin at Cloud, kakakilala lang nila tas biglang sa next scene na may Erin ay sinabing may nangyari sa dalawa. Alam kong ganun talaga si Cloud pero walang talagang pinapatos ganern?

Kahit may scenes na kinut at mas pina-emphasize mula sa Wattpad version, nandun pa rin ang feels sa book version.

Ang batuhan ng lines ng mga bida ay sobrang epic. Corny kung corny. Tagos kung tagos. Laughtrip kung laughtrip. You can really feel the emotion sa bawat dialogue ng character sa bawat scene.

What makes me enjoy this book even more is the sound effects that unfailingly makes me laugh. Ito lang ata ang nabasa kung may ganito: BOINK! BOINK! BOINK!, BOOGSH! BZZT BZZT, SHINGSHINGSHINGSHING, POINK! POINK! POINK!, TOINK, eto pa DINGDONG*dantes*DINGDONG*dantes*, tas eto DUG POINK TAK TOK DING DONG TING, tas eto rinTOOTs TOOTs TOOTs TOOTs. Grabe! 'Di ata nauubusan ng sound effects si author. Idagdag mo pa 'yung mga kakaibang pagspell niya ng ibang expressions pero ang pinakagusto ko sa mga 'yun ay ang 'siryizli' niya. Ang kyot kasi.

I understand na sa CC unang nabasa ang AFGITMOLFM at ang tagal-tagal na nun, but thing is that, uso ba jejemons nun? OTL The writing is fine pero kasi nakaka-turn off yung pagiging jeje ni Nate. Really. Fictional characters aren't perfect, alam ko 'yun but should Nate be that jeje sometimes? On the other hand, this is under the category of humor, right? So maybe cool rin 'yung pagsulat ni Ate Rayne kay Nate as jeje to make readers laugh on his ka-jejehan and ka-kornihan.

Through out the whole book, makikita mo talaga ang bakas na si Rayne talaga gumawa ng libro. While reading kasi, it's like si Rayne 'yung kausap ko at parang nagkwekwento lang siya sa akin. What I mean kasi is that the book is already in its third version na and I suppose na marami nang inundergo na changes to fit the proper writing standards and yet you can still feel the aura of the book is still the same. Nandun pa rin ang feels kahit revised na and I admire the author for that. I know na mahirap isulat ang same thought in a more acceptable way of writing without changing the emotions it had given the readers who had read its older version. The soul of the book is still there kahit marami na siyang pinagdaanan to meet the proper standards and I salute Rayne for that.

All in all, I can say that Ms. Rayne's writing have really improved.



Characters
Unlike from the Wattpad version, the exposure of characters in the book is equal. You'll love the main characters more and you'll have a better understanding on why they ended up on that decision. May consistency ang mga characters. Also, this story surely has the 3 popular types of characters, namely: the good guy,Nate; the playboy,Cloud; and the suplado-pamysterious-pacool-type,Art. Kompleto diba? Ang cool lang.

The main character, Ianne, has a strong personality but also needs someone to lean on. To think na kahit high school student lang siya ay nakaka-cope up pa siya sa family problems while having her love life and the mere fact na wala siyang napagsasabihan maliban kay Nate. I can say that she's mature somehow at a young tender age. May pagka-kwela at kalog ang character niya and it suits her well since she's still a high school student pa naman pero nakakainis rin kung palaging ganun. The way she acted upon the incident with Sir Michael 'yung nakakapagbiro pa siya in that situation is unbelievable. She's facing a life and death situation that time pero ganun pa rin siya(alam ko pong panaginip 'yun pero I can't just let it pass). Si Ianne ay parang si Ate Rayne talaga,although I never met her in person, I observed na kuhang-kuha niya si Ate Rayne. Benta 'yung jokes niya e. Her character has a certain flaw that needs attention tho. The story itself doesn't just focus about love but she, Ianne, acts like her world only revolves in Nate kaya as I observed, 'di siya masyadong nakakabonding with friends or kahit classmate man lang kaya wala siyang mapagsabihan o malapitan kung may problema siya at wala si Nate.

Nate. He's the almost perfect ideal man every girl desires(if wala lang 'yung ka-jejehan at pagka-selfish niya perfect na sana). He's the epitome of good guy for me. He is so sweet na linalanggam na sila ni Ianne. Sobrang PDA sila na mapapalike,
description description
I mean it 'ya know. Pero at the same time, kinikilig ako sa kakornihan nila...
description
He is also a great catch kasi bilang lang ang guy na nag-aayang magsimba sa girlfriend niya, major turn-on 'yun. I enjoy the character of Nate but he's just too selfish and reckless in making decisions.

Art . He's this mysterious guy na may . Truth be told, sa kwentong 'to ko lang nalaman na may ganyan pala. Ang cool kaya. And what makes his character more special is that minsan ka lang makakakilala ng suplado-pamysterious-pacool-type na mukhang pera naman pala. But then again, his mysteriousy aura will make you crave more on what really is his purpose and role in the story. He's a character you'll look up to in the part 2. For no particular reason, I imagine him as L from Death Note and Sebastian from Black Butler.

Cloud . This character is the most amusing for me. Nakakatuwa 'yung playfulness niya. Pinapagaan niya ang atmosphere ng kwento. Siya 'yung tipong sa unang tingin parang walang magawa at laro-laro lang pero deep inside wagas magmahal. Balance lang 'yung character niya. He knows when to hold on and when to give up kaya I admire his character.

Humi. Siya 'yung character na parang walang kwenta lang sa story pero may role talaga na siya lang ang kayang gumanap. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot na ang ewan kung umiyak at magreact. Nakakairita man ang pagsulpot-sulpot niya, nakyo-kyotan ako sa pinaggagawa niya. I wonder kung may totoong taong ganito mag-isip at kumilos.
description

Mapa-Wattpad version o book version man, there's really this character na kaiinisan mo. To Lemaris Galis na feeling girlfriend ni Nate, description

Kahit jinustify na niya ang sarili niya, I just hate her character so much. But thumbs up to her character too because she did well in making herself mean and at the same time a laughing stock to us readers.



The ending...
I already know that the book would end up that way but when I read the last line,

but heck,
description


Overall Review
The book isn't just all about the good cover and illustrations but it also has a great content even though it's somewhat cliché as I said above. In short, may ibubuga talaga at hindi lang isang kwento na just because maraming reads ay ipinublish, kumbaga may sense talaga at deserving. Ito kasi 'yung kwento na hindi man ganun kabongga ang plot ay must read pa rin dahil unique and special siya in its own way. The story is narrated well and by just reading it, you'll feel that you're inside the book and you're part of it. I'll be expecting a character growth in the part 2 of this book though. AFGITMOLFM is truly the novel that brought out the mixed emotions I rarely feel for a book. It captivated my heart and made me want to find my own meaning of love! And oh! I.LOVE.THE.BLURB.

You made a great job in this book author!
description
____________________________________________________________________

Writing this book review made me remember the times na pinuyatan ko ang pagbabasa ng Wattpad version nito. It was already 10 months ago na pala but the feels is still fresh. description

P.S. description
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
October 27, 2014
**The following posts may contain statements that might.... SPOILER ALERT (nosebleed)**


Okay. So this is it, this is really, really it.

I promise to say the truth, and nothing but the truth.


WARNING; medyo mahaba ito.


Mula sa book cover, pin-ups, every chapter illustrations, I could say Ate Rayne, together with her friends have done a great job (mamaya na ang sa chapters, naiinis ako.). Nakakatuwa kasi, dun palang, it’s a book worth buying for. (Hindi pwedeng ‘book worth reading’ dahil lahat ng book ay worth it, depende sa tao yan.) Pero disappointed ako, kasi pagkabali ‘ko nung book, wala siyang bookmark! What the heck lang diba?! Nabalitaan ‘ko kasi na ang bookmark ng part 1&2 ay connected (si Ianne, particularly)! Paano mabubuo si Ianne-sabog kung wala akong bookmark?! Kaya I advice you na kung bibili ka, check mo na agad kung may nawawala. :3

Sa Title, wala nang thrill sa’kin kasi nabasa ‘ko na ang wattpad version. I mean, alam ‘ko na ang meaning. Yung iba kasi sinasabi na, ano kaya ‘tong AFGITMOLFM? OMG! Nakaka-curious! Kaya nila binabasa kasi nacu-curious sila. Oo, alam ‘ko naman na dapat ka talagang ma-curious kaya nga ginawang ganun yung title para lumikot naman yang cells sa utak mo sa curiousness. Pero after knowing the meaning, yung iba hindi ‘ko maintindihan. Nawalan ng gana? Nababawan? Naiinis ako kasi may ganun palang reader. Hindi sa inaangat ko ang sarili ‘ko at ang mga taong katulad ‘ko pero, kaya ka nag-basa dahil sa title? Yes given, kasi pag attractive ang title, babasahin mo talaga. Bakit pag nakakita ka ba ng libro na ang title eh “Ang araw na tumae ako sa CR” babasahin mo? Malamang hindi diba? Pero ang gusto ‘kong maintindihan ng iba, WALA SA TITLE YAN, NASA LAMAN. After knowing the meaning of AFGIT, wala ka bang naramdaman? Kasi ako marami, natuwa, nalungkot, naasar.
Pero alam n’yo yung amazing maliban sa mga sinabi ‘ko? Kahit alam ‘ko na ang title hindi ako natigil nun sa pagbabasa, kasi dahil improved ang book, may mga nadagdag, may naayos, may natanggal na hindi mo naman agad mapapansin kasi napalitan ng MAS gumanda.

May mga flaws (para sa’kin) parin akong nakita. Peace tayo Ate Rayne, mahal padin kita! :*

Sa POV ni Ianne: Napasigaw ako sa sobrang takot! Paglingon ko sa harap, napatingin ako sa buong paligid. Nasa loob na kami ng gym. Nakaupo ng pabilog at kumakain kami?
Ito ang horror part ng story. Obvious naman na pati si Ianne mismo naguluhan hindi ba? Kaya naguluhan din ako at napasabi ng Ano daw? Kasi mula sa labas (galing sila ng T.L.E room), biglang nasa loob na sila ng gym? Nakulangan ako sa details. O pwede din naman sadyang slow ako at nahawa sa kasabugan ni Ianne. Ang weird lang kasi na ganun ba ka-lutang si Ianne, at mula sa pagkaka-sigaw eh hindi n’ya namalayang naglalakad sila ni Nate at nakarating na sila sa gym?

Mas bet ‘ko din sana kung totoo yung nangyari kay Ianne (sa WP version) na totoo lahat ng nangyari sa panaginip n’ya. Yung napilay talaga s’ya kasi ang sweet nila ni Nate dun. Well, hindi naman talaga napilay pero hindi s’ya makalakad. Pero come to think of it, (yes) mas realistic ang book kesa sa wattpad version. Kaya, okay nadin. Kaya lang, naiinis ako kasi parang nafeel ‘ko na talagang nabawasan ang sweet scenes nina Nate, at nadagdagan yung mga banatan nila na medyo hindi ako okay dahil sorry, gasgas ang ibang lines. Hindi s’ya ganun ka-feeling-catcher. Yung tipong mapapasigaw ka sa mga nababasa mo? Nung nabawasan kasi yung sweet scenes nila, nung nawala yung ibang maliliit na detalye, parang may nawala, nakulangan ako sa feelings na magpapangiti sa’kin. Pero, ang advantage nito, feel mo talagang Omg, nakakakilig sila pero wait, sila kaya ang end game? Kasi bakit ganito si ganito bat ganyan si ganyan? Hindi katulad ng sa WP na biglaan ang paglabas ng feelings. Mula sa happy, napunta sa sad. Dito, mas naging seryoso (Though natatawa padin ako sa pagkasabog ni Ianne).

Sa Airport scene nina Nate and Ianne, mas may feel s’ya sa book~ Mas okay na parang walang masyadong alam si Ianne sa feelings ni Nate na unlike sa wattpad version, parang pansin na pansin ni Ianne ang galaw, emotion at effect n’ya kay Nate. Mas makatotohanan, at mas okay since POV ni Ianne ang libro. Hindi pwedeng lahat alam n’ya, hindi pwedeng lahat alam natin. May mga tamang oras para dun. (Yes)

Sa part naman ni X (malapit na sa ending ng euphoria) may mga redundant words akong napansing nakaka-wait lang sa’kin sa pagbabasa. Napaulit ulit kasi ang FRIENDSTER, pero still saved by Ianne. Other than that, wala na akong problema sa kanya. (Juk.)

Mabigat ang libro, mabigat sa puso. Kung tatanungin n’yo ako kung sino ang pinakama-mahal ‘kong character dito, si Dan Nathaniel Moises Maño ang isasagot ‘ko.

Tama na ang review sa scenes baka ma-spoil ‘ko kayo talaga ng uber-uber. Ang masasabi ‘ko lang na ang mission nina Ate Rayne na i-improve ang AFG for a better reading experience, they succeeded. Mas naayos kasi, parang sa una easy easy lang ang characters yun din ang feeling mo, pero habang tumatagal, nagiging mature mas nagiging seryoso yun din ang nafeel ‘ko. Mas nakaka-relate, mas makatotohanan, mas masakit pag nalaman ng buo. (IMMA SO EXCITED FOR THE BOOK TWO KAHIT GUSTO KONG BATUKAN NG MALAKAS SI ART)

** MAIN CHARACTERS ONLY

I don’t love Ianne. Okay, gusto ‘ko siya, in-english like. Gusto ‘ko s’ya kasi yung personality n’ya kalog at kung hindi ako nagkakamali ang kalog ay madaling pakisamahan? Sa unang part ng story, euphoria, it fitted the book one well. Kasi hindi naman magiging korni si Nate kung wala si Ianne, walang nakakatawa, walang nakakapag-pangiti. May nabasa nga ako, yung sa McDo at ang It’s a free country. Mabuhay Pilipinas! Ni Ianne, seryoso ako halos 3 minutes ako tawa ng tawa. Minsan kasi kahit irrelevant na sa scene ang sinasabi n’ya napapangiti ako at hindi naiinis (kasi iba ang rason ‘ko sa inis na ‘to) hindi ako nakokornihan. The dialogues were delivered well. Appropriate ba yung sinabi ‘ko? Hahaha! Basta, kasi si Ianne yun eh kaya parang normal nalang din. Sabog talaga s’ya at kapal ng mukha n’yang sabihan si Nate ng sabog eh s’ya ang sabog. Hahaha! Bakit hindi ‘ko s’ya minahal? Para sa’kin she made everything harder for Nate. Mahirap na, pinahirap pa n’ya. Don’t hate me on this people who didn’t even read yet the whole story. Tapusin ang istorya at intindihin.

Nate, he wasn’t the perfect guy. That’s why I love him. Nagkakatigyawat s’ya, hindi s’ya mukhang hot (according to Ianne) pag napapawisan. Hindi s’ya galante, but sure thing is that he knows how to love. Huhuhu, pakingtape naiiyak ako. TTOTT He conveyed his feelings well (Thumbs up, mahal ‘ko talaga ang character ni Nate ate Rayne, huhu) nakakalito para sa iba, nakaka-heartbroken sa karamihan. WAAA! Hindi ‘ko maayos ang kay Nate dahil super spoiler ahead ito, gagawa nalang ako ulit ng review a few months after AFGITMOLFM’s Part 2 publishing date. Ibubuhos ‘ko ang feeling ko kay Nathaniel my loves dun!

Kay Art, mas lalo s’yang nagmukhang pera sa book. Hahaha! Mas nakakainis din s’ya, thumbs up po ulit for that. Naiinis ako kasi ang kontrabida n’ya. UGH! Kahit mas gwapo at mas cute s’ya kay Nate, mas mahal ‘ko talaga si Nate. Pero understandable ang character n’ya and afterwards medyo nakakainlove nadin pero loyal ako kay Nate ‘ko. Hindi ‘ko lang talaga tanggap ang—kahalayan n’ya w/x. Ang damot n’ya din sa cookies ah!

Kay Cloud, pakingtape. Ang landi mo—este n’ya!!! Naiinis ako kasi feel ‘ko ang feeling ni Ianne na na-harass s’ya sa mga pinagagagawa ni Cloud. Bestush na bata. Ang kepel kepel ng mekhe.

AT ALAM N’YO NANG LAHAT NA BIASED AKO KAY NATE. XD

**ADDITIONAL COMMENTS ABOUT THE BOOK

Realistic. Yung sa boarding house, kay Sir Michael, the dates, the emotions. Everything seems to be real. Except sa mga flag ceremony na kahit parang kailangan nilang na-late dahil huli silang bumaba eh normal lang. I don’t know pero samin kasi may punishment if late ka sa FC. Pati narin pala ang pag-upo ni Ianne sa CR, siryizli? Hindi ‘ko alam kung maaatim nang ibang umupo sa kahit nakasaradong toilet bowl. Sabog talaga s’ya.

Emotion overload. Nate, I love you. Hehe~ Hindi katulad ng dati, dito mas malinaw talaga. Hahaha! Ilang beses ko na bang sinabi yun? Kasi nga hindi agad lalabas yung feelings mo, lalabas sila at the right time at the right place. Nabaliw ako ng mga panahong binabasa ‘ko ‘tong part one dahil tumatawa, ngumingiti, sisigaw, sisimangot akong mag-isa. Minsan kausap ‘ko pa daw kunwari ang characters. Mas kapanipaniwala ang POV ni Ianne, mas convincing na si Ianne talaga ang binabasa mo at hindi isip ng author.

DEFINITELY A BETTER READING EXPERIENCE. Thank you Ate Rayne! Thank You Ate Rayne’s friends!

WAIT, I LOVE HUMI AND NATE!!! As for IANNE, CLOUD and ART they’re perfect as they are. I would lie if I said I loved them all, may mga characters lang talaga na nagpa-touch ng puso ‘ko. BUT, all of the names in the books (except sa mga terror teachers at classmates na okay—wala naman masyadong ginawa sa story) WILL SURELY BE REMEMBERED. <3

Mula page one, hanggang sa ending ng Euphoria, si Nate ang nagpa-touch sa puso ‘ko. Si Ianne ang nagpatawa, si Art ang nagpa-inis, at si Cloud ang pinaka-nakakainis. Hahaha! Ang masasabi ‘ko lang, lahat sila tanga. Parang tayong mga normal na tao, tanga din. Kaya ‘ko mahal ang story na’to,.

Si Humi ang ilaw ng pasko—este ng story! Light and amusing ang lahat ng pagpasok n’ya sa eksena.

AT, Ate Rayne bakit walang friends si Ianne? Yung constant ba? Kahit isa? Si Nate na ba yun? Or loner lang talaga si Ianne, paano nalang pala kung ako ang minahal ni Nate? O__o Loner kaya s’ya por-eber?

At “The Dahil Mabait si Rayne Giveaway” ito, masasabi ‘kong mabait nga si Ate Rayne. Feel na feel ‘ko ang libro, yun lang. *bow* Tsaka hindi nila tayo binigo nung sinabi nilang for a better reading experience ang dahilan ng medyo matagal na pagpublish sa AFGIT.

Sabi ‘ko nga; I promise to say the truth, and nothing but the truth. Kaya ang plastic ‘ko kung sasabihin ‘kong hindi ‘ko ipinagdadasal na manalo ako! AFGITMOLFM Part 2 and books?! Who wouldn’t want that?

P.S. Mahal ko po si Dan Nathaniel Moises Maño at kahit hindi s’ya ang meaning love sa’kin. S’ya naman ang meaning ng TOTOONG at PURONG NAGMAMAHAL para sa’kin. At ang kala ko ang meaning talaga ng AFGITMOLFM ay A falling gravity in the motion of love from me. XDDD

*Hi Ate Rayne, this is for you. Masyado na pong mahaba ang 1, (831) words kaya I love you nalang po muna. Hehehe~ Thank You for writing stories, AFGIT is one book I will surely not forget. Great ride!!
I <3 N


P.P.S (Hindi na po kasama ito sa 1,831 words XD) Medyo hindi 'ko talaga bet yung ugali ni Ianne, na kahit seryoso may pumapasok na kasabugan sa utak n'ya XD Pero ang cute n'ya kasiiiii~ ToT
Profile Image for Soweden Malinit.
1 review2 followers
October 31, 2014
 photo afg_zps9d39fa3a.png


Una sa lahat gusto kong pasalamatan si Ms. Rayne Mariano o mas kilala bilang si Pilosopotasya sa pagbibigay ng gantong oportunidad ang “The Dahil Mabait si Rayne Giveaway" dahil isa ito sa nagbibigay daan upang masabi namin ang aming mga saloobin sa bawat katha na aming nababasa mula sa isang hinahangaan na manunulat na tulad mo at gusto din kitang batiin na congratulation dahil finally na publish na ang isa sa iyong nobela na alam kong pinaghandaan mong mabuti upang mas lalo pa itong mapaganda kung kaya sana ay masundan pa ito para sa ikasisiya namin lahat.

Glitter Photos
[Glitterfy.com - *Glitter Photos*]

Sisimulan ko ang pagreview ng librong AFGITMOLFM part 1: Euphoria sa kanyang appearance o book cover nito, ang masasabi ko ay sobrang ganda talaga ng ilustrasyon mula sa malikhaing mga kamay ni Jonathan V. Teodoro saludo ako sa gawa niya dahil nabigyan niya ng kakaibang kilig ang cover ng AFGITMOLFM dahil sa cover palang ramdam mo na yung spark of love ng dalawang nasa larawan kaya naman nung nilabas ang official full book cover nito ginawa ko ng wallpaper ng cp ko hahaha.

Para sa kulay ng boarder na ginamit talagang napa-WOW ako dahil paborito ko ang kulay berde, dahil naniniwala ako na berde ang kulay ng dolyar $$ hahaha its so benta talaga for me!१✌˚◡˚✌५ pero seryoso ang kinaganda ng kulay berdeng boarder para sa libro ay dahil nag match siya sa kulay ng illustrasyon dahil makakaramdam ka ng kaginhawaan sa kulay nito at bukod dun ay talagang catchy ang cover na kahit nasa malayo ka nakapwesto at makita mo lang ang kulay ng cover alam mo na agad na AFGITMOLFM yun kaya malaking tulong talaga para sa mga malalabo ang mata na tulad ko haha yun kasi ang na experience ko nung binili ko ang libro na ito asa likod kasi ng counter kaya hindi ko ganung makita at tanging kulay lang ang nakikita ko pero kung makaturo ako at makapagbanggit ng title ay mukhang sigurado ako hahaha kaya isa yun sa advantage ng pagkakaroon ng catchy at strong color na book cover na tinaglay naman ng AFGITMOLFM kaya para sa akin POP NA POP ang book cover.

�™ Cuteberries.com - Cartoon Dolls, Cute Disney Graphics, Saniro Graphics, Myspace Pictures, Myspace Codes, Myspace Layouts, Myspace goodies, Myspace stuff and more ! �™ Para naman sa quotes nito na “Love is the most wonderful gift to have, yet the hardest to keep, and the most painful to lose.” well nanalig talaga ako diyan ng bongga, napakasarap naman talaga sa pakiramdam na may minamahal ka at may taong nagmamahal din sayo, kaya kung hindi ka nanalig aba humarap ka na inday sa salamin baka hindi ka tao haha charot lang :D. Pero hindi pa din natin maiaalis ang katotohanan na may sakit din na dulot ang ating pagmamahal.

At syempre hindi dapat kalimutan ang title nitong AFGITMOLFM na talagang napaka unique dahil ang lakas makasampal ng kuryosidad once na mabasa mo ito dahil mapapaisip ka kung ano ang nasa likod ng title na ito kung kaya naman kung isa ka sa mga na biktima ng mga utang na loob na mga spoiler na yan! haha galit na galit? haha medyo nabiktima din ako e haha. Don’t worry dahil kahit na spoil ka once naman na inumpisahan mo na ang pagbabasa ay papasok pa din sa isip mo na “talaga bang yun ang meaning nun?” kasi ramdam mo pa din ang confuse kahit na spoil ka na, kaya wag mawalan ng pag asa dahil sumisilyab pa din ang kuryosidad mo sa katawan kahit na spoil ka na!. :D

nakaka curious pa yung EUPHORIA kaya sinearch ko din sa Wikipedia yung meaning kaya naman nung matapos ko na ang book narealize ko kung bakit Euphoria ang ginamit at ang galing may nadagdag na naman sa aking word bank ahihi

Dumako naman tayo sa mga Pin ups nito sa loob at once na makita mo ito ay mapapa HUMIGAD!!! ka na lang dahil sobrang ganda talaga lalo na yung couple shirt nila I swear papagawa din ako ng ganun hahaha inggetero lang ^^ dun pa lang sa pin ups makikita mo na kung gaano ba kasarap at kasaya ang magkaroon ng TAOng minamahal inuulit ko TAO po huh hindi pagkain yung iba kasi inlove daw sa pag kain haha kaloka. Napaka gaan sa pakiramdam ang pin ups dahil yung ngiti palang ng dalawang pares nakakainspire na lalo na kung meron ka din pag-ibig ngayon dahil iisipin mo na dapat kagaya nun nasa larawan e maging ganun kasaya din ang love life natin kung pwede pa nga mahigitan pa diba? kaya malaki ang tulong nito para mas maging makulay pa ang ating buhay pag-ibig (ayiee kilig mats >.<)

hindi ko din palalampasin ang bookmark dahil iyon ang pinaka malaking kinaibahan sa lahat ng mga Pop Fiction books dahil hindi katulad ng book cover ang design ng bookmark ng AFGITMOLFM at nung makita ko ang post mo sa fb na pag pinagdikit ang bookmark ng Euphoria at Nostalgia lalo akong na pa WOW WOW WOW ang galing ng concept pinagisipan at napaka unique kaya naman saludo na ko talaga sa Team nyo AHIHI







Bakit naging super duper Unique ang AFGITMOLFM ni Pilosopotasya?

Unang-una ito lang ang tanging libro na nabasa ko na imbis na mag simula sa prologue ay nag umpisa naman sa Chapter 00, Diba tanging isang Pilosopotasya lang ang makakisip ng ganyang eksena haha san ka pa! at dito sa chapter nito ipinaramdam at ipinaintindi sa atin kung ano ang mga kahulugan ng Love dahil alam natin na tayo ay may ibat-ibang depenisyon ng pag-ibig depende sa atin mga nararamdaman. Bigla ko din naalala dito yung mga meaning ng Love na madalas ko isinasagot sa mga slam book way back in my high school days hahaha "Love is like a rosary that full of mystery" hahaha palong palo. ヾ(@^▽^@)ノ

Pangalawa naka agaw pansin sa akin ang mga Chapter illustration mula naman sa malikhaing kamay ni Jerryk Gutierrez nakakainggit po kayo dahil may mahika ang inyong mga kamay talaga. Isa rin kasi ito sa mga naging dahilan kung bakit napapa extend ang pagbabasa mo dahil sa kagustuhan mo na malaman ang koneksyon ng larawan sa loob ng chapter na iyon kaya kung mag rarank ako ng from 1 to 10 syempre ibibigay ko 10 na! dahil first time ko na makakita ng ibat-ibang chapter illustration sa isang libro ever! Dito ko unang naranasan na para akong nasa computer shop na nag eextend ng chapter kahit na antok na antok na ko dahil gabi ko to inumpisahan basahin at kaka extend ko hindi ko namalayan na patapos na pala ko sa pagbabasa haha.

Pangatlo madaling maimagine ang bawat scenario ng kwento dahil napaka realistic ng bawat tagpo hindi mo man ganung namamalayan pero I’m sure minsan mo na itong nakita o nagawa at dahil sa sobrang naka relate ka makikita mo na lang ang sarili mo na tumatawa ka na pala mag isa haha sisa lang ang galawan ano po ? haha why so benta talaga :D.

Pang apat na medyo dikit sa pangatlo may mga lugar na nabanggit na marerealize mo na napuntahan mo na pala halimbawa na dun yung Greenwich at Jollibee na magkadikit lang na akswali minsan ko na rin napuntahan sa isang mall ang galing kasi ang pagbibigay o paggamit ng ganun ka realistic na lugar ay nakakatulong para muli natin maalala ang storya ng libro everytime na pupunta ka sa lugar na iyon, sasagi na lang sa isip mo na baka andun si Papa Art diba? hahaha kaya never kong makakalimutan ang AFGITMOLFM promise.

The last but not the least may isang bagay akong natutunan pagkatapos kong basahin ang librong ito na “DON’T EXPECT TO MUCH… NAKAMAMATAY!” . Grabe naman kasi ang twisting ng story na ito dahil yung inaakala mo na nangyari ay isang malaking echusa lang pala hahaha nako kung literal lang na nahuhulog ang panga natin baka basag na yung akin dahil sa dami ng twisting haha kaya napaka importante na tuloy tuloy mong basahin ang libro dahil mahirap na pag natigil ka sa pagbasa mahirapan kang makatulog kakaisip kung ano na kaya ang nangyari sa tauhan haha.

�™ Cuteberries.com - Cartoon Dolls, Cute Disney Graphics, Saniro Graphics, Myspace Pictures, Myspace Codes, Myspace Layouts, Myspace goodies, Myspace stuff and more ! �™ So let’s forward sa mga Characters
Una na diyan si Ianne hays grabe ramdam ko ang youthfulness ng pagkatao niya na to the point na kahit hindi banggitin na she’s only 15 years old and a 3rd year high school student masasabi mo naman na teenager siya to the way kung paano siya magsalita at kumilos. Ang lakas din makahawa at makapagpabata ng pagka masayahin niya dahil ramdam ko yun dahil sa edad kong ehem twenty threeTEEN pakiramdam ko na naging fifteen ulit ako at kaibigan ko siya ahahaha.

�™ Cuteberries.com - Cartoon Dolls, Cute Disney Graphics, Saniro Graphics, Myspace Pictures, Myspace Codes, Myspace Layouts, Myspace goodies, Myspace stuff and more ! �™ Kay Nate ang masasabi ko lang well CRUSH KO NA SIYA!!!! haha attracted ata ako sa tulad niyang makulit pero mapagmahal, pasaway pero malambing at lagi pang may baong pick up lines haha ne se kenye ne eng lehet pramis pero lahat ng pagnanasa ko este pag hanga ko sa kanya nawala dahil isa pala siyang malaking duwag!para hindi sabihin ang lahat kay Ianne! alam ko lahat may dahilan kung kaya ayaw ko siyang husgahan pero kasi nakakainis kasi talaga ee! so ano pinaglalaban ko ? Hustisya hahaha jowk siguro dahil minsan ko na din naranasan ang masaktan sa isang bagay na wala akong ideya kung bakit ko yun nararamdaman gayong ang alam ko ayos lang sa amin ang lahat. Helow! hindi kaya manghuhula kaming mga girls ayy boy pala ko hahaha owkey sige na pati pa girl na din ahha benta pa more . :D

�™ Cuteberries.com - Cartoon Dolls, Cute Disney Graphics, Saniro Graphics, Myspace Pictures, Myspace Codes, Myspace Layouts, Myspace goodies, Myspace stuff and more ! �™ Kay Papa Art as of now wala pa kong masasabi sa kanya kundi napaka misteryoso niya a graveycious ang cold niya baka pag nakasalubong ko siya matanong ko siya na “Kuya may tinda kayong yelo” haha ang korni ko nakakahawa ni Ianne talaga. So in short wala pa ko masabi dahil wala pa sa kanya ang spot light.



Para sa aking Over All Review, sa dami ng sinabi ko hindi pa pala yun overall hahaha

Isa ito sa mga librong ang hirap bitawan once na maumpisahan mo na at hanggang sa magulat ka na lang na abot mo na ang dulong pahina ng libro dahil napaka light lang ng kwento na tulad nga ng sinabi ko kanina mararamdaman mo ang youthfulness na walang halong pilit dahil yung sense of humor ng kwento talagang mabenta lalo na kung ikaw yung tipong may mababaw lang na kaligayahan kaya hindi ako nagtataka kung bakit nakatanggap ng award ang AFGITMOLFM.

Ang kinaganda pa ng storyang ito ay hindi mabagals ang pacing ng bawat eksena dahil siguro sa umpisa palang magkakilala na ang dalawang bida o naipakilala na agad ang mga tauhan sa kwento hindi tulad sa iba na nakailang chapter ka na pero hindi pa din nagtatagpo ang mga tauhan kaya sobrang ganda ng pagkakasulat ng nobelang ito dahil wala kang mararamdaman na UMAY FACTOR at hindi rin naman sobrang bilis to the point na maliligaw ka bigla swabe ang pacing kaya madaling sundan.

Ang ganda talaga ng librong ito dahil ang daming realization lalo na sa pag-ibig, na sa buhay pag-ibig talagang hindi maaaring puro saya at kilig na lang ang maramdaman natin once na umibig tayo darating talaga sa punto na kailangan magkaroon ng kaunting tampuhan dahil ito ang magsisilbing matibay na pundasyon para sa mas matatag na samahan ito ang natutunan ko kila Ianne at Nate na “kung kaya pang ayusin pipilitin but if this is both of you need, to just be strong magiging mahirap at masakit pero hopefully all pain will be worth it” (ahehe pamilyar ka ba sa line na yan :D) .

�™ Cuteberries.com - Cartoon Dolls, Cute Disney Graphics, Saniro Graphics, Myspace Pictures, Myspace Codes, Myspace Layouts, Myspace goodies, Myspace stuff and more ! �™
at hindi ko pwedeng kalimutan si Pilosopotasya syempre ang masasabi ko para sayo ay you did a great job! nakuha mo ang kiliti ng masa dahil sa humor ng nobela mong ito at masasabi kong worth it talaga ang pagkakapublish ng AFGITMOLFM part 1:Euphoria dahil ang ganda ng storya , simple pero yung laman talagang totally package, yung love, happiness, pain and regret lahat andito na wala ng hahanapin pa kaya moving forward ako sa AFGITMOLFM part 2: Nostalgia at alam ko na yung kilig at ganda ng storya mo ay mananatili pa din.

nasabi ko na bang ang ganda ng story mo Ms. Pilosopotasya ? oo naman pang 8x ko nga nasabi yun ee hahaha ayiee bibilangin niya yan ahaha choz hinding hindi ako magsasawang sabihin na NAPAKA GANDA NG AFGITMOLFM at isa ito sa mga libro na irerecommend ko sa iba pang mahilig din sa mga libro at hindi ko ito ipagdadamot sa iba kong kaibigan na hindi bumibili ng libro pero nanghihiram sa akin as soon as iingatan nila gaya ng ginagawa kong pag iingat.


Thank you ulit sana nagustuhan mo ang review ko na talagang pinaghandaan ko tulad ng ginawa mong paghahanda sa pag buo ng librong ito at hindi ako lasing ng sinulat ko ito hik hik (✪㉨✪) I <3 U Pilosopotasya







This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Mickey Angel  Cortez.
1 review
October 31, 2014

"The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway Entry"
-Mickey Angel Cortez!

I am a type of reader who doesn't just settle for a 'read' because I believe that the materials I’m reading can influence the way I think since words are very powerful. This is actually the first wattpad book I bought among those who are priorly published before this. Whyyy? Because this is one of the story from wattpad that I really got attached into and I was really, really waiting for it to be available in bookstores nationwideand grab one.
So upon reading this book, I might say that this isn't just a 'book published because of its million reads on wattpad' Why? Let's go over its part one by one. :)

1. Title

Yeah. So AFGITMOLFM (Like what the heck is the meaning of this?) A title of a book which is undeniably unique yet baffling. Actually, I already read the wattpad version so I didn't buy the book just because I got intrigued to the title or cover. Your forethought about reading the story is to just decipher the meaning or justto discover the true meaning of love for Ianne, but for me, No. It's about sticking to the story itself and to its characters.

2. Characters

Ianne ~ Let's start with the female protagonist of this story. What I liked about her: She's very natural and simple, an echt HIGHSCHOOL girl that you could rarely encounter to the published stories nowadays. (No need to mention) I also love the way she acts all by herself whenever she's with Nate. Not that kind of girlfriend who covers her face with make-up and put up all the effort just to be the best to her boyfriend. Her thoughts are real and kinda appropriate for a highschool student. She's also full of wit and really funny! She’s not the ‘pabebe’ type of girl who’d be ‘pakipot’ to her boyfriend even though they’re already official. The way she thinks is very relatable. Like… before, she doesn't like corny to be corny but she's starting to be one because of Nate, which is normal and real. Compared to the wattpad version, seems like she matured a bit to the book version. I can't explain why, you could see it just by the revision of dialogues.

Nate
Nate is the joker boyfriend who doesn't let dull moments reign between him and Ianne. Seriously, I was really in loved with Nate to the first part I like the way he was imperfectly made as a boyfriend. Not that type of guy already having a car to fetch her girl when the fact is he's still in highschool! He's capable of frankly teasing Ianne without hesitating if she’ll get mad or not and he’s also PPSS (Poging-Pogi Sa Sarili!) He's really the one who spices up the funny side in this story aside from Ianne.

*spoiler* However, to the wattpad version, I really felt the mystery behind his identity. I never really had an inkling that he wouldn't end up with Ianne. Like, I never had a thought why his hairstyle was changed and the reason behind his suspicious attitude towards Ianne. But to the book version, his mysterious twist is kinda lessened (for me) I can't explain but there's something that will make you think that they wouldn't really end up with each other. And also, I didn't like him anymore to the part that he started to act weird. I lost my interest on him to the few remaining chapters.

Cloud
CLOUD! This Japanese guy is one of the best supporting characters ever. You know that there's also a story behind him and not just created for additional purposes. Also, his lines are somewhat funny and he peppers a little Japanese twist to the story. (Like the japanese words, etc.) which is really good. His sly, playboy character really proves that he also has a 'part' to this story. I also liked the part of him and Nate quarreling over Ianne. His lines are brief yet it would make you think like, "He's really coooooool." He's always there whenever Ianne is in need. (Which in fact, it should be Nate.) He's a playboy, Yes, but again he proves that even playboys do fall in love for REAL. The way that Ianne describes him urges me to daydream about him instead of Nate. (Lol) Lastly, he's really a 'man' for having a sense of responsibility to Erin after what happened to them. He didn't escape away from her in case that something came as a fruit, but instead he has the persistence for Erin to follow her anywhere. (Aweee)

Lemaris!
One of that slutty ‘beach’ whose coquetry overflows towards Nate. I might consider her only as an extra but she really made me feel the seething 'hate' like what Ianne felt and whenever she's with Nate, I'm starting to hate Nate too. (Like why the heck he chooses this girl over Ianne?) Maybe, it's just for some twists. However, she also shares a story despite her little exposure and slutty attitude.

Erin!
She is a typical character that you will see with the female protagonist - a bestfriend. *spoiler* She is a proof to the saying, "The more you hate, the more you love." (But I don't really, as in really believe that) Because she really hates Cloud at first but ended up being with him anyway. (Haay) But I've noticed that her exposures were lessened to the book version compared to the wattpad one.

ART FELIX GO
The ever-so-mysterious Art! Okay, so his parts are not that often to the book version and I was really disappointed since like what I've said, to the last part, I lost my interest to Nate and it was diverted to him. The thing is his exposures to the book were just peek-a-boos. But I understand that his major ones are reserved to the second book so it's just alright. His beyond genius mind and mysterious expression and acts really makes him remain as a big question mark to my thinking cap. Also, he’s a character that will make you crave for more scenes to the book; someone who will make the readers stick to the story flow in order to find the ‘story’ behind this guy.


3. Theme

I think finding the meaning of love is the theme of this story. I really find it unique and it would really make everyone think what the meaning of their love is. I actually concede to Ianne that the meaning of has no basis, it depends to the person. This is actually connected to the title itself, AFGITMOLFM. And I love its uniqueness! I haven’t read any story using this theme yet.
4. Scenes
There are some scenes in which you'll just have a neutral expression or something like, "Ahh... okay." Mostly, they are just light or not that devastating and mind-twisting at all. (Unlike TTLS Haha.) Just suitable for light readers or for those who don't want a book to ruin their life forever. Lol. But this isn't something considered as negative or boring at all. They are undeniably full of jest, too. Actually, how the scenes are executed to the book is just smooth yet the emotions are still present. which makes this book an unforgettable one.
But of course, there are some highlights I've noticed:
The Demon and the Maiden part of Art and Ianne. *Chapter 16* To the wattpad version, I think I didn't really give a focus to that but to the book version, I've noticed that it remained but was a little bit emphasized. (I think) This scene has become the major contact of the two characters,
Art and Ianne which I find an essential “scene” to the story.
The break-up scene of Nate and Ianne Of course, the best is the saved for last. For me, this is really a great cliffhanger which would leave a hanging question to any reader and because of that, they would be excited to the second part. Like it would make everyone say: "Damn you, Nate! Why did you break up with ianne?" or "WHAT THE HECK HAPPENED? ASDFGHJKL!" After handing down the book and reading the last part, though i already anticipated the ending, I'm still as excited as everyone to read the second part.

5. Chapter Illustrations
Hmm... to be honest, I really felt a lil disappointment after seeing the illustrations. (Don't freak out, Ate Rayne it was my fault though.) Yes, it was because I expected that they would be allotting whole page before the chapters. But I liked the way they do give an idea for the whole chapter. With these, you can really see the ‘effort’ of the illustrator and author to make this book worthwhile. (Lemaris Galis is the best!)

6. Feelsss

This book is almost complete in making the readers feel the rollercoaster of emotions.
Annoying
Nate. To the parts that he's not there for Ianne and he left her to Art during the D & M play! Also, I think he's a lame-O for using Lemaris as an alibi to leave Ianne behind. His dialogue, "Mas kailangan nya ako." I haateeee that. It made me feel that Ianne doesn't deserve him at all.

Of course, Lemaris! No need to explain why.

Kilig
Nate (to the first part) has become a joker type of boyfriend which would make every girlfriend happy. I love his little surprises to Ianne. Also the "I less than three you" part! Damn, that was genius. To the cemetery part. That scene was "kilig-triggering" but somehow creepy.
To Cloud whenever he speaks Japanese. Idk but i really find it cool and a kind of turn on. Whenever he has a scene, I can really imagine an anime guy. His dialogue, his situation, and him = too much feels.
To Art! Girls like a guy who is mysterious yet good-looking.Not only that, his smartness makes him 'hot' for me (Lol). His dialogues are just few, yet there is really 'something' behind them that will leave every reader’s mind into a puzzle.

Funneh
This book has a lot of something to laugh at. Nate's pambabara to Ianne, Nate's PPSS part and Ianne’s dialogues.
Also this part:
"Wag mo kong dyina-japanese kang hapon ka kung ayaw mong ipatapon kita pabalik sa Japan!" (Non-verbatim) Like, it was, "Boom!"
Also whenever Ianne describes Nate like she doesn't know why she gave her yes to him. Her thoughts of Lemaris as well! Her bitter lines are natural and funny, too.
This  "Siryizli?"
“Wet de mey eksent sye”
Actually, majority of the scenes are funny so I don’t have to put everything here. I just indicated the specific parts I can’t really forget.

7. PROS
So what makes this book different from others?
*Realism and Naturalism combined. I really like the concept of Plsptsya to make the relationship of Ianne and Nate seem like they’re just bestfriends whose habits are ‘mambara’ The way they treat each other are natural and their dates aren’t that fancy, in fact, just only some street foods and they’re settled to those. How I wish to have a relationship like what they had. Though, there was a little bit of problem because of this. I didn’t feel that they “Really, as in really” love each other. (Only Really. Haha Jk.) (But maybe because you just made their love story suitable for their ages, so it’s alright.) It is relatable and they are responsible for their relationship. The love that Ianne and Nate had is ‘real’ and Their relationship shows the real side of being lovers.
*Dialogues
The dialogues are just carefree and light yet they are laced with emotions. The simple conversations are really good and it will really make you visualize the real thing. Yes, it’s tagalog but the writing style is kinda modernized. Not like, “Ako ay napatitig sa kanya at sya’y nakatingin din sa akin. Ngunit napansin ko na ang kanyang mga mata’y nababalutan ng konsyensya.” (Likeee ewww. Hahaha.) Maybe that’s the reason why I can feel the “realism” of this book. Yes, the dialogues aren’t that deep but still, they convey the ‘feels’ that this story has.
*Chapter Illustrations*
Yes, I was a disappointed at first cause I thought the chapter illustrations are big but I realized the effort and determination of the author to at least add these up to her book to make it worthy of money. Not all published books have illustrations ‘every’ chapter so, I might as well compliment the cuteness and effort for that.
*Character Connection*
Ianne and Nate are lovers and Cloud is Nate’s cousin; Erin is Ianne’s bestfriend; Erin and Cloud became lovers as well; Art is just a schoolmate and Nate used him for ‘something’ Each has their own story, each has a vital role to the story, each has a contribution to the story flow. It’s just amazing how the author connected their lives to a single book.
Cons:
This is just my personal opinion.
Some informal words. I find the word, “Sabog” funny but awkward to read in a publish book. When you say sabog, nowadays, it’s either the person has gone high because of taking drugs. It’s obvious that Nate isn’t a drug addict. 
Something like, “Huhuhu.” Again, I find this bothering to read. This is almost the same as “Hahaha.” which I don’t find essential in a story. (Only my personal opinion. Huhuhu.)
“FLIGHT CHUVA ECKLAVOO CHURVALOO CHENES… ETC.” Yes, it’s funny but somehow it made me think like, “Gay lingo? Why is that?” Some of the readers might not be able to understand what the meaning of those words is and besides, I haven’t heard anything like that to our local airlines.

~ FRIENDSTER. Honestly, I have no idea about that site and I think it doesn't exist anymore. I think it would be better if that was turned into "Facebook" wherein most of the readers are familiar enough.
*This is not really a con but I’m just kinda puzzled.*
1. The ‘John Michael Cruz’ part, I find it a little bit dragging. I mean, how does this scene contribute to the whole story flow? I understand to the wattpad version, it’s only for the ‘halloween’ twist. (If I’m not mistaken) but to the book version? Hmm…. I still don’t know the reason why this is included.
2. The role of ‘Humi’ I mean, What for? For fangirl feels? Well, nevertheless she’s cute.
***
8. Author’s connection to her story
If you get to see the Author’s note at the last part of ze book, you would presume that she is really quite a jester. Her story is like a slice of herself. She manifests some similarities with Ianne, very her. And in fairness, even though she’s fond of using emoticons, the story is still formally typed without those. Kudos to the professionalism, Ate Rayne Mariano.
9. CHAPTER COVER
To be honest, upon the first glance to its cover, a question suddenly appeared in my mind, why is it that it was Ianne who kisses Nate’s forehead there? I mean, normally, it should be the guy kissing a girl’s forehead right? I just didn’t bother myself and bought it afterwards. However, I like the simplicity of Ianne’s appearance there. Compared to the other girls on the cover of PF books, she simply stands out because of the normalness in her style.
10. All in All.
So as what you can see my rating is 4/5. Honestly, this isn’t the best book I’ve read (Of course, there’s still a part two!) but I can say that this is ‘WAAAAAY’ better than the wattpad version because the pros definitely outweigh the cons. You can see how the way it was made for the better since this is already a published book.
PS:
Sorry if this became too long and I might’ve scrutinized it too much. *Peace* Loveyou, Ate Rayne. As in I do, really.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Shai Guiyab.
1 review1 follower
October 31, 2014
AFGITMOLFM Part 1: Euphoria
Rayne Mariano (pilosopotasya)Rayne Mariano (pilosopotasya)

THE DAHIL MABAIT SI RAYNE GIVEAWAY

AFGITMOLFM
[ Book Review ]

Hi ate Rayne. Unang-una sa lahat gusto kong malaman mo na 'I LESS THAN THREE YOU'. Pramis! Walang halong keme. Sa totoo lang marami akong gustong sabihin na papuri sa'yo, kaso baka isipin mo binobola lang kita. (Peace) Wala rin naman iyong connect sa book review, hindi ba? Hahaha! SAYANG! Pero, totoong lubos kitang hinahangaan. AS IN SOBRA-SOBRANG HINAHANGAAN. Isa ka sa dahilan kung bakit hindi ako nagigive up sa pangarap ko maging author/writer in the future. Sana pati ang 23:11 maipublish din. NANINIWALA AKO NA MAKIKITA KO IYON SOON SA LAHAT NG BOOKSTORES. At bago pa humaba ito, sisimulan ko na ang book review. XD




~ TITLE ~

AFGITMOLFM. Since certified Pop Fiction lover ako, hindi ako nahuhuli sa update ng mga bagong labas na book ng Pop Fiction. Yung time na pinost ng Pop Fiction sa FB, IG, at Twitter na available na ang AFGITMOLFM sa lahat ng bookstores, na curious talaga ako ng bongga. Unang nasabi ko sa sarili ko 'HUUH?! Whattaa Title? Like, seriously?'. No hate pero ang gara talaga. (Peace) Malaking tanong talaga sa akin kung ano ba ang ibig sabihin nun. Until some of the spoilers ay nag comment. Something like 'Oh my goshh churva ekk ekk available na ang ART FELIX GO IS THE MEANING OF LOVE churvaness churvaness'. Hindi ko rin inakala na sobrang sikat pala talaga ng AFGITMOLFM. Even yung mga idol kong authors pinaguusapan iyon. Kaasar lang talaga kasi gusto ko ako mismo yung unang makaalam ng meaning nun. Anyway kakaiba ang title, hindi katulad ng iba na laging may 'Date, Dating, Playboy, Casanova, at pinapangunahan ng The'. Nanggaling talaga sayo ang title at dahil diyan *clap* *clap* *clap*.



~ PROLOGUE ~

Kahit nahiwagaan ako noong una sa title, still bumili pa rin ako ng copy ko. I find it so interesting. Bago ko tanggalin ang seal, binasa ko muna yung prologue. Nahiwagaan nanaman ako and at the same time natawa. XD Pramis! Ang weird kasi. Base kasi sa pagkakaintindi ko Nate ang pangalan ng lalaking bida at Ianne naman ang babaeng bida. Tungkol sa love story nila ang kwentong iyon. Iyon agad ang naisip ko. Weird! Kasi Art ang pangalang inaasahan kong makita sa prologue. Naexcite talaga akong basahin iyon. Isang malaking tanong sa akin kung may Art ba talaga na character sa kwentong iyon. Magulo ang prologue noong una, author. XD (Another peace )



~ Book Cover, Color, Illustration and Pin-Ups ~

PERFECT! Ang ganda ng cover. Supeeer! Kainlove. Yung cover yung isang dahilan kung bakit hindi ako nag dalawang isip bilhin ang libro. Magpasalamat ka ng bongga sa illustrator mo ate Rayne. Kahit sa color ng book, natuwa din ako. Ang sarap sa mata. Green is just so . Hindi ako nagsasawang tignan yung cover even yung mga pictures sa loob. Shemay! Can't help my self na kiligin. Hindi kasi masyadong...sorry for the word pero hindi ako nalalandian sa cover. Unlike sa ibang book na masyadong... Basta! XD hahaha! Yung tipong mapapa 'Eww' ka nalang. Alam ko nagegets mo yung sinasabi ko. Ang hirap i-explain, basta ang sarap titigan at gawing wallpaper sa phone. Yung mga Pin-ups, grabe hindi ko inasahan. AFGITMOlFM book lang ata yung may pin-ups bawat chapter. Ang saya kasi sobrang worth it talaga ng libro. Basta Pop Fiction asahan mo nang maganda. (Two thumbs up for that )



~ WHAT IS LOVE ~

Iyan ang panimula mo. Isang tanong na binibigyan ng malaking kahulugan ng karamihan, na kung saan isang simpleng tanong lang para kay Ianne. AFGITMOLFM daw. Ang sakit sa ulo talaga noong una. But sa intro pa lang na challenge agad ako na malaman kung bakit nga ba AFGITMOLFM.



~ CHARACTERS ~
[ Ianne ]

Si Ianne? Hmm. Gusto ko yung ugali niya. Actually, medyo nakakarelate ako sa ugali niya. Yung tipong minsan masungit pero madalas kalog. Gusto ko rin yung pagiging matapang niya. Pero yung pagiging matapang niya may tamang oras. May mga oras kasi na kapag hindi na natin kaya, umiiyak nalang tayo para mailabas kahit papaano yung sakit. Ganoon na ganoon kasi ako at thank you ate Rayne kasi gumawa ka ng character na tulad ni Ianne na nagbigay sa akin ng courage para maging mas matapang pa. (Drama 101) Si Ianne yung tipo ng babae na hindi dapat SINASAKTAN.



[ Nate ]

Asar. Sobrang asar talaga ako noong una kay Nate. -.- Nakaka badtrip kasi talaga yung mga characters na lalaki sa wattpad na puro pa sweet yung mga words. Haha! Sorry. (Peace ulit) Gusto ko kasi yung ma effort. MEDYO ma effort naman siya na boyfriend. MEDYO sweet sa moves pero arghhh! Bakit ba?! Ayaw ko talaga sa attitude niya noong una.

JEJEMON PA!

XD -.- Hanggang sa tumagal. MEDYO nagiging okay na. The fact na habang tumatagal na fifeel ko na mahal niya talaga si Ianne. No comment nalang ako. Siguro kaya ako ganto kasi may ibang kutob lang talaga ako. Hanggang sa napunta ako sa ending at......,WHATDAAA ASFTBQNJSNOLQPAM!!!!! Bakit? Kung kailan nagiging okay na ako, saka naman.... Ayokong maging spoiler. XD Ang sarap niyang sipain papuntang pluto o kung maaari pasabugan nalang. (Brutal ba?) Haha! JOKE!



[ Cloud ]

Asar. MAS ASAR! Asar na asar na ASAR. May Nate na nga na pa sweet, dumagdag paaa! Tuwing may nakikita akong pangalan niya naaasar talaga ako. Manyak na Hapon. Kadiri!! Akala ko noong una rapist talaga si Cloud. Hahaha! Sorry author. Everytime na iniisip ko mukha niya base sa pag describe sa itsura niya, naiinis talaga ako. Noong lumaon (Wow! Ang lalim) at nang makilala niya si Erin... Shocksss! Bawat paglipat ko ng page ng libro gusto ko makabasa ng update between sa kanila ni Poleng. Ang cute kasi. Yung time na nasa airport na siya at dumating si Erin, hay! Nasabi ko nalang sa sarili ko na 'SA WAKAS'. Dahil mawawalan na ng asungot sa buhay ni Ianne at magkakaroon na silang dalawa ni Erin ng Happy Ending. :">



[ Humi ]

Laughtrip. XD Nakakatawa siya. Sobra. Hahahaha! Hindi siya b*tch. Isa lang siyang fan,stalker at batang mahilig magpantasya sa mga cute boys everywhere and everytime.



[ Sir Michael ]

Creepy! Hahaha! Ang saya ko nung binabasa yung panaginip ni Ianne with sir Michael and nung anak niya. Pwede ka nang gumawa ng horror story ate Rayne.



[ Art Felix Go ]

He is the meaning of love for me. Chos! Hahaha! (Peace) Inlove na ata ako sa fictional character na iyon. Weird siya pero gusto ko pa siyang makilala. Kakaiba ang ugali ng fictional character na ito. Actually, si Art... Hmm. Noong una, akala ko sa kanya tatakbo ang buong istorya. Kaso sa bawat paglipat ko paunti unti ng pahina ng libro, na fifeel ko para lang siyang extra. Kaiyak! May time na naiisip ko 'baka hindi naman Art Felix Go meaning ng AFGITMOLFM'. Hanggang sa tumagal ng tumagal. At nagkakaroon MINSAN ng time at nagkakasama sila ni Ianne. Tulad ng sa competition at sa play. Kaso hindi enough iyon para sa akin. Kinikilig ako tuwing may sinasabi siya kay Ianne kahit galit pa ito. Tuwing iniisip ko yung pag ddescribe sa boses niya. Hay! Ewan. Gusto ko talaga yung pagiging mysterious niya. Madalas na wiweirduhan talaga ako sa takbo ng story. Weirdong weirdo ako sa ugali ni Emotionless guy.

At bakit bukod sa pagkakaroon ng poker face everytime, bakit MUKHANG PERA RIN SIYA?!

Hindi ko alam ang takbo ng istorya sa book 2 pero sigurado akong may twist ito between kay Nate, Ianne at Emotionless guy. SANA! Sana meron. (Cross fingers) Gusto kong kiligin dahil kay Emotionless Guy. Sana hindi na isang extra ang maging tingin ko sa kanya. Hahaha!



Last Note:

Humihingi ako ng tawad kung sobrang haba. Hindi lang talaga ako maka get-over ate Rayne. Kung may masasabi akong bad comment, siguro yun yung... SORRY kung masasabi ko ito. Pero masyado lang maraming kiss sa lips. Huhu! Sorry, di talaga ako sanay eh. Hindi ko maimagine. High school palang sila pero... Basta! (Peace ng marami ) Kaya yung mga iniisip ko nalang na characters ay medyo nasa 18 yrs old school pataas na. PERO NEVERMIND! Normal lang siguro iyon noh? Hehe. Well, gusto ko talaga magpasalamat at i-congratulate ka. Sana soon ma meet kita, mayakap at sana makapag publish ako ng story tulad mo. Masasabi ko na worth it ang pag-iipon ko ng pera mabili lang yung librong iyon. From the first page until sa last page hindi ako na bored tignan. Ang bango bango pa. Hahaha!



Gusto ko magkaroon ng book 2 galing sa'yo. (At alam kong hindi lang ako ang may gusto) PERO! Gusto kong masagot yung mga tanong ko kung bakit ginawa yun ni Nate. Gusto kong malaman kung ano bang halaga ni Art sa story na iyon. Minsan na tetemp akong tignan nalang sa wattpad yung kasunod ng nasa book, kaso pilit na sinasabi ng utak at puso ko na kailangan kong bumili ng book 2 dahil hindi lang sa mahal kita author, kundi dahil napamahal na din ako sa mga characters. Gusto ko nang bilhin ang book 2 kaso since sembreak ngayon, WALA AKONG BAON. Nakakaiyak isipin pero, sana manalo ako dito sa giveaway na ito. Kung hindi man, sana makita nalang kita soon in person at susubukan ko talagang makabili ng book 2. Sana mapatawad mo ako kung may mga nasabi akong bad comments. NAGPAKATOTOO LANG PO! Masyado ng mahaba at alam kong asar ka na. Kaya hanggang dito na lang.


I LESS THAN THREE YOU PILOSOPOTASYA!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Bernadette Uy.
1 review1 follower
October 28, 2014
Book Version Review

AFGITMOLFM (Title) – Unique title. Title palang macu-curious ka na kaya mapapaisip ka kapag nakita mo ‘yung title then kapag nabasa mo na mapapaisip ka talaga kung anong meaning ‘nun? Bakit ga’nun ‘yung title? Ay gusto ko nito, Interesting siguro ‘to tapos pagkabasa ko. NapaWow nalang ako kung hindi ko lang nabasa sa wattpad ‘to siguro napawow padin ako sa book pero kahit ga’nun ang sarap padin basahin kahit alam mo na ‘yung meaning


AFGITMOLFM Part 1: Euphoria
Book Version Review

• Chapter 00: My Meaning
Sa Chapter na ‘to nabasa ko ang ilan sa meaning ng LOVE para sa iba at ipinakilala sa’tin Si Ianne. Maikli lang ‘to pero ang magandang panimula ng libro. Ang illustration ay angkop talaga sa kabanata na makikita ang isang papel at lapis kung saan mababasa ang katanungang What is Love?

• Chapter 01: I,N, and A
Ang pinakaunang kabanata ay maayos nakilala ko talaga kung sino ang mga bida sa istorya, pinakita talaga dito tipikal na nangyayari sa isang klase na hindi pa nagsisimula ‘yung mga karakter na hindi mo inaakala na parte pala siya ng buong storya.

• Chapter 02: Roses and Courtship
Nakakatuwa ang chapter na’to dahil kahit nasa kahapanahunan na tayo ng Facebook hindi nawala ang Friendster tapos pati ‘yung shoutout na nabasa ko napakajeje pero hindi siya nakapanget sa chapter kasi natural lang nung panahon na ‘yun e may mga jeje talaga hindi ko nga lang alam kung ganun lang talaga o sinadya lang na gawing jeje para nakakatawa. ‘Yung kinikilig ka kahit na kayo na napakasweet parin ni Nate tipong haharanahin ka tapos biglang babanat ng pick up line.

• Chapter 03: Gung Gong Pyo
Ang creepy ng chapter na’to para sakin kase ang totoo ‘yung lapida ba naman e naka-arrange ng papuso ngayon lang ako nakarinig nun at nakakita kahit sa illustration ng kabanatang ‘yun. Ang creepy man ng sinabi ni Nate sa dulo pero kapag inintindi mo mage-gets mo

• Chapter 04: Infinite 4ever
Nakakakilig minsan nakakaewan sina Ianne at Nate. Si Emotionless Guy naman napaka-misteryoso talaga kahit napakaikli lang ng pagkakakita nila ni Ianne ang laking epekto ng nangyayari sa kanila pagkikita.

• Chapter 05: John Michael Cruz
Nakakatakot ang eksena na ‘to pero hindi naman siya sumobra at ‘yung tipong OA na then bigla ka nalang tatawa kasi sa bandang huli ng kabanatang ‘to hihirit si Ianne na nakakatawa.

• Chapter 06: Beyond “Puppy Love”
Mapapa-‘Sayang naman’ ka dito haha. At isa pa sa napatawa talaga ako at inulit-ulit ko pang basahin ay ‘yung HHWWPSSPWOKS grabe pinag-isipan talaga ‘to haha may pa sway sway pa! Hindi rin nakakalimutan ang ibang karakter.

• Chapter 07: Magical First
May math pa dito katulad ni Ianne nawindang din ako sa Math Equation pa. Nakuha ko ‘yung iba pero hindi ko talaga ma-gets basta i < 3 U ‘yun haha. Ang nakakakilig na first kiss nila ayiiee. Isa pa ‘yung tatlong lalaki dito sa eksena akala mo pandagdag lang sila sa kabanata pero kapag inintidi mo rin marerealize mo bakit may ganong eksena.

• Chapter 08: Poker Face
Mababasa mo talaga dito kung ano ang ibig sabihin ng Photographic Memory hindi ‘yung kailangan mo pang isearch para lang malaman ‘yung meaning nun kase nasa kabanata na ang kahulugan nito. Kahit na ganun ang ugali ni Art a.k.a Emotionless Guy ang bait niya kung hindi niya ginawa ‘yun nako. Kakaloka din ‘yung isang fangirl niya talagang pina-frame pa niya ‘yung uniform niya hala siya.

• Chapter 09: Mystery of Go
Kahit ganun Si Art kakakilig siya akala mo tutulungan ka na e may kapalit pala pero hehe keleg e. Ano ba talaga Art napaka-misteryoso mo.

• Chapter 10: I Less Than Three U
Maswerte sina Ianne at Nate nakapagusap ng maayos bago magnew-year ang hirap kayang makacall tuwing ganung panahon. Cloud ‘wag kang ganyan mukha kang Anime kakakilig e.

• Chapter 11: Oreshiasdfghjkl What?!
‘Yung napakaikling salita ni Art na ang laking hatak na isip mo. At Si Cloud na halata na tss. Ulap dumadamoves ka porket walang Nate sa paligid. Ito talaga hindi ko parin alam meaning ng sinabi ni Cloud hanggang ngayon pero kahit hindi ko padin alam maraming nabubuo sa isipan ko lalo na halata kay Ulap na tungkol sa kalandian err—pagkagusto niya kay Ianne ‘yun.

• Chapter 12: Wreck Relationship
Matututuwa na sana ako sa Couple ng klase ang gaganap na The Demon at The Maiden. Pero nakakainis Si Cloud at Lemaris sa kabanatang ‘to. Lalo na si Cloud kakaloka talaga.

• Chapter 13: Lemaris Galis
Pati pala dito nakakainis silang dalawa push ‘yan! Ang hilig mag-tease ni Cloud. Pero natawa nalang ako sa conversation ni Ianne at Lemaris sa Y!M kahit may pagka-jeje.

• Chapter 14: Life and Death
Sabog Couple. Si Ianne at Nate minsan ang labo ng dalawa ‘tong hindi mo alam kelan seryoso e haha. Tapos kainis Si Ellaine pero kahit ganun dahil sa kanya nagkakaroon ng kitaan scene Si Ianne at Art.

• Chapter 15: Ianne and Nate
Hindi ko din masisi Si Ellaine kapag fangirl ka nga naman e lahat gagawin. ‘Yan na naman ang matamis na couple may pa-jar-jar pang nalalaman anubey~ . Okay na e tapos biglang iiwan Si Ianne ni Nate ouch ha. Masakit kaya ‘yun kahit ako nangilid luha ko. Pero and COOL talaga ni Art ‘yung tumalon lang siya pababa ng walang sinasabi magugulantang ka talaga tapos siya pa si Demon oh...my…gahd lang.

• Chapter 16: Demon and Maiden
Isa ‘to sa favorite chapter ko. Ang haba ng kabanata tsaka ’yung feeling na Si Ianne at Art and Demon at Maiden tapos makikita mong ngumiti Si Art Wow lang. Nakaroon pa sila ng interaction sa isat-isa kahit play lang.

• Chapter 17: Cloud Feeling
Kahit papano matuwa ako kay Cloud kaso malalaman mo na nagsinungaling kakairita lang. Di ko din masisisi Si Ianne kung ganun ba naman Si Cloud ay hindi mo maiiwasan kahit alam mo sa sarili mo na mag-pinsan sila.

• Chapter 18: Destined Future
Nacurious talaga ako dito.

• Chapter 19: Paper Soulmates
Emeged. Kinilig ako dito kahit na parang pilit lang sa kanilang dalawa na mag-sayaw kahit di maayos. Tapos nanalo pa sila dun sa pinakamagandang photo? Na nandun sa Freedom Wall Yiee Soulmates.

• Chapter 20: Fragmented Glass
‘Yung kinain nina Ianne,Nate at Cloud akala ko kung ano na ‘yun. Then pinakita dito na hindi lahat ng pamilya sa story walang problema dahil tuloy dun nagboarding house Si Ianne. Naalala ko tuloy ‘yung wattpad version makakalimutin kasi ako pero itong chapter scene na ‘to naalala ko iniba talaga.

• Chapter 21: Letter “A”
Kainggit nga ng sulat ni X haha. Hindi naalala ni Ianne ‘yung nagsinungaling Si Cloud about sa Birthday niya? Si Cloud at Pauline nagkita na. ‘Yung name sa phone ni Ianne ni Nate naalala ko ‘yung akin ganun din ako kaso sa family ko naman haha. Malapit nadin makilala Si Art kahit papano.

• Chapter 22: Love Interest
Hindi mo aakalain na may Love Interest pala ang isang Art masyado kasing Emotionless at Poker Face pa. Ano buong kwento ng nakaraan niyo ni X?

• Chapter 23: Falling Apart
Happy Birthday Ianne. Ugh naasar ako kay Nate dito pero siguro may dahilan naman siya.

• Chapter 24: Stories of Love
Masaya ako for Erin and Cloud. Kahit hindi sila ang Main Character nabigyan sila ng scene sa kwento ‘yung tipong hindi nila maaangkin ang stage ganun. Tama lang ang pagkakalagay sa kanila sa bawat scene.

• Chapter 25: Happy Anniversary
Akala ko talaga masaya. Happy kase e. Tapos biglang ganun ang pangalawa sa pinakahuling salita sa Part 1. Hindi ako naiyak pero talagang nangilid ‘yung luha ko dahil kahit na nabasa ko na siya sa wattpad version pero nandun parin ‘yung sakit.

AFGITMOLFM Book Version
Nabasa ko ang wattpad version ng AFG at may mga ipinagkaiba ‘yun nga lang hindi ko na maalala ‘yung iba. Pati sa writing meron ding pinagbago sabi nga ni Ate Rayne dumaan sa maraming revising ang AFG hindi ko siya nabasa nung 2009 kaya hindi ko alam na may pagka-jeje pa daw ang writing niya, nalaman ko lang sa mga post niya.

AFGITMOLFM Book Illustration. Sobra talaga akong napahanga ng gumawa ng COVER Illustration, BOOK Design pati ‘yung may drawing kada chapter na may kaugnayan sa bawat CHAPTER.

AFGITMOLFM Part 1: Euphoria Bookmark – Just Wow. Ang ganda talaga ng bookmark ang galing lang talaga. Kahit bookmark pinag-isipan lalo na ‘nung nakita ko na ang PART 2. Wow talaga!

AFGITMOLFM Characters.

Ianne, Ang kulit niya lang sakto lang ang ugali niya sa edad niya. Masaya. Malungkot. Naakit (sa gwapo lol haha). May sweet bone. Normal na teenager

Nate, Parehas sila ni Ianne. ‘Yun nga lang masyado ng mabiro hindi mo na alam kung nagbibiro pa ba o ano.

Art, Medyo hindi ko siya gets masyado kasing misteryoso. Ang tahimik na masyado wala pa kasi akong nakikilalang tulad niya na halos sobrang konti lang ng sinasabi natapos ang Part 1 ng bilang na bilang ang sinabi niya. Intindihin nalang ganun lang siguro talaga ang ugali niya at may problema ata si Emotionless Guy

Cloud, Kita mo na agad anong ugali nitong Ulap na’to. Pero buti naman tumino na siya dahil kay Erin sana nga lang wag na magloko haha.

Erin, The More You Hate The More You Love nga naman. Harot lang ni Pauline pero di mo masisisi Si Cloud ba naman e. Mukhang Anime.

All in all, sa AFGITMOLFM Part 1: Euphoria palang. Kikiligin. Matatawa. Matatakot (konti). Mapapaisip. Mapapakanta ka sa mga eksena tipong TO BE CONTINUED pa pero worth it na ‘yung book pano pa kaya ang susunod na parte. Syempre kapag may AFGITMOLFM PART 1: EUPHORIA meron ding AFGITMOLFM PART 2: NOSTALGIA .


"The Dahil Mabait si Rayne Giveaway"
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for MaryJoy Bautista.
1 review
October 31, 2014
The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway entry

Lahat nang makikita o mababasa rito ay base lamang sa aking opinyon, kalokohan na may halong kaseryosohan, kagandahan katulad ng kay Ianne at Kasabugan katulad ng kay Nathaniel. De Joke. No offense meant po. No animal abuse intended for Lemaris Galis. lol

Objective:

Cons-slash-Neutral

- Sound effects. Sa pagsusulat ng isang kuwento kailangan mong paganahin ang imahinasyon ng mga mambabasa mo at upang magawa ito, kailangan mong paglaruan ang mga salita. Ang mga sound effects ay maaari mong maisulat ng mas mainam. Halimbawa, ang *Toink. Toink* / *Boink* *Boink* / *Poink. Poink* ay maaari mong gawing; May nahulog na libro sa akin na tunog baboy kung kaya't inakala ko isang mabigat na baboy ang nahulog sa akin (Sorry kung corny). Pero sa librong ito 50/50 ang lagay. Kasi naisip ko na maaaring pinili mong ilagay ito o huwag alisin upang mas makapagpatawa sa mga mambabasa mo at nagtagumpay ka naman sa DingDong*Dantes* DingDong*Dantes* epek.

- Accuracy. Medyo na-bothered lang ako sa pagtatrabaho ni Art sa Greenwich. Hindi ba dapat nasa legal age (18 y/o) ka dapat bago makapag-trabaho? I'm not sure kasi 'di ba nasa high school pa lang sila then pwede na siyang magtrabaho? (Kasi kung pwede tatakbo ako ngayon sa pinaka-malapit na Greenwich para makapag-apply kasi tulad ni Art taghirap din ako. lol. Wala na akong pambili ng libro. Huhuhu.) Pero naisip ko baka ganoon ka-guwapo si Art kaya tinanggap siya pero hindi pa rin siya valid e. Wala lang. Napansin ko lang o 18 y/o na siya hindi ko lang alam? (Anong ipinaglalaban ko dito? Watdahek!)

Pros:

- Being Child Friendly. (Lol) Nabasa ko kasi ang wattpad version nito nang tatlong beses ata and may mga napapansin akong mga hindi gaanong suitable for children like me (Pasaway akong bata) na scenes. Kasi 'di ba kung dati ang mga tao sa site na Wattpad ay kalimitang mga high school students at college students kaya okay lang yung mga ganoon pero sa panahon ngayon, pumunta ka sa elementary dept. ng school at mapalinga ka lang, ang dating mga jargons na alam mo tungkol sa Wattpad ay alam na rin ng mga Grade 4 students up to Grade 6. Sa Wattpad pa lang iyan, paano pa kaya sa mga ganap nang libro hindi ba? Kaya sobra talaga akong nasiyahan sa pagbabagong ito.

- Structure of Sentences. Mula sa pagiging Bold nito sa Wattpad, ngayon ay dinamitan na sa libro--este naging regular na hanggang sa nawala na rin ang mga typographical errors at mas lumalim pa yung tipong 'di ko na mareach. Joke. (Kainis puro joke ako e sa subjunctive mood pa dapat yun e!)

- Chapter Illustrations. Okay. I can't breathe. Hindi ko alam kung Pilipino ba talaga ang may gawa ng librong ito o nakatira sa ibang bansa at naging NYT (New York Times best selling author). Kasi makikita mo talaga sa illustrations pa lang bawat chapter na pinag-effort-an ito. Hindi lang basta-basta ang ginawang pag-e-edit. Yung tipong kapag inihilera mo ito sa mga foreign books and novel sa isang bookstore, nangingibabaw at sumisigaw ito nang, "bilhin niyo ako! Kapantay ko ang Harry Potter at ibang foreign books. I'm sure worth it ang pera niyo. Mura pa."

- Tag-line. One word, Eight Letters Say It and I'm yours--este All Feelings and Summary of the whole book. Sa isang katagang iyan parang nabuod mo na ang buong libro ngunit hindi mo aakalain na kabaligtaran ng salitang Euphoria ang mararamdaman mo sa ending ng libro. (Ang sakit-sakit)

- Surprises and Effects. Ito yung tipong tatlong beses ko na siyang nabasa sa Wattpad at Isang Beses sa Libro at kaunti lang naman ang pagbabago ngunit imbes na mawala ang epekto sa akin, lalo pang lumalala. To be honest, ito lang ang librong kina-adikan ko na dumarating sa punto na babasahin ko ito ng apat na beses. Ganoon ko kamahal ang AF-Geeet-Em-Ol-Ef-Em at ganoon ako na-hook sa kuwento nina I, N and A (Parang title lang ng Chapter 01 sa libro) Lagi rin akong naso-sorpresa yung tipong birthday ko lagi kapag binabasa ko yung libro.

- Miscellaneous. 1k lang po, pakibayaran na lang sa counter. (Okay, corny.) Okay sa buong libro, naramdaman mo ang hagalpak na tawa, takot, kilig, maihi sa pantalon, ma-tae, umiyak, pag-sesenti, ma-broken-hearted, pagiging instant Jeje, pagkainis kay Lemaris Galis at higit sa lahat, tawa ulit. Halos yata ng pwede mong maramdaman ay naramdaman mo na sa buong libro, maliban na lang siguro sa pagiging manhid.

- Lessons (kalokohan mostly. lol. just kiddin') Marami akong natutunang kalokohan dito at aral na rin. Halimbawa ng mga natutunan ko ay ang AVBS, I less than Three U, tamang pronunciation ng title ng libro (Basa kasi ng ibang tao kapag pinopromote ko yung libro literal na literal talaga kaya hindi ko maiwasang humagalpak sa tawa.) at higit sa lahat, SEx. Akala ko nung una typo pero nung tinuloy ko yung pagbabasa ko hindi ko maiwasang hindi tumawa. Ano pa nga ba aasahan mo sa isang makabagong Pilosopotasya?

Subjunctive Mood (Gagawa pa ba ako nito? Mukhang nagkakalokohan lang din naman sa Objective e. lol.)

- Ate Ulaaaaaan. Ang sakit sa puso. Bakit?! O Bakit?! Tanong ko sa iyo. ♫ ♬ (Nag-bakit pa alam din naman ang rason. Nakasinghot lang?) Okay, anyway, highway, Mula Wattpad hanggang Libro at syempre hanggang movie, susuportahan ko ng bongga-bongga ang AF-Geeet-Em-Ol-Ef-Em. Sila Ianne, Nate at Art pa ba? Malakas sila sa akin e. (Lalo na kapag ako ang naging Ianne. Hahaha. May maisingit lang.)

- Natuwa ako kasi kaunti lang yung mga nabago mostly sa sentence structure lang at halos lahat ng paborito kong scenes mula sa Wattpad ay naroon pa rin.

- Pin-ups. Sobrang ganda kasi nakalagay doon yung scene ng A & I and N & I kaya parang masasabi mo na hindi lang extra si Art at may malaki siyang role na gagampanan sa buhay ni Ianne.

- Last but not the least, Nagbigyan ng Judgement yung version sa Wattpad. (Sana sa susunod na sasabihin ko ito; nabigyan ng judgement yung libro. Ang ganda ng movieeee. Yiiieeee) Nakita mo talaga yung effort kasi nine months ba naman ang pag-e-edit para lang ma-satisfy yung mga reader. Siguro kung iba lang yan sinukuan na yan. Kaya Kudos sa iyo ate Ulaaaan at sa mga tumulong sa inyo. Haba ng pasensya niyo.(Share niyo naman. lol)

Yun lamang po ate Ulaaaaan. Pasensya na po kung medyo nagkakalokohan po tayo dito pero pramis, Honesto, seryoso po ako, sincere to the 9th power at saka ate Ulaaaan hindi po ba may sense naman po ito? 'Di baaa? 'Di baaaa? (Pilit pa more. lol )

Thank you rin po pala dahil sa pagbibigay niyo po ng oportunidad katulad nito. More power po and God Bless
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Arianne Mae.
1 review
October 20, 2014
The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway Entry!Hello readers,fans and friends im here to write a review for Ate Rayne Mariano's AFGITMOLFM!
Unang una gusto kong magpasalamat kay Ate Rayne/Ate Ulan/Kamahalan dahil tinupad niya yung sinabi niya sakin.Ate Rayne,kilala mo ko?Ako to si Arianne yung fan mong kinulit kulit ka sa giveaway at nanghihingi sayo ng free book.Sisimulan ko na yung review ko.Sana mapili mo to Ate Rayne!

Book Cover:

Napuna nating lahat ang kaibahan ng book cover ng AFGIT sa iba,sinong di nakapansin?Para sa akin lalong nakaattract yung cover ng AFGIT kasi medyo abstract siya tingnan.Nabanggit din ni Ate Rayne real life friends niya si Kuya Jonathan at Kuya Jerryk.Ang galing no?Special din para sakin yung cover kasi syempre all time favorite tong AFGIT.Hands down talaga ako dun sa illustrator!Kuya Jonathan,ang galing mo magillustrate!

Chapter Illustrations:

Oh?Oh?Sinong di na amazed nung nakita nila yung bawat illustration?Isa rin to sa mga lalong nagpaspecial sa book version ng AFGIT.Sa bawat illustration makikita mo yung effort ng team ni Kamahalan.

Bookmark:

Ang astig ng bookmark iba sya dun sa cover.1st ever Pop Fic Book na ganun.Ibig sabihin nun ginawa talaga ni Ate Ulan lahat para maging special ang book version ng AFGIT.Thank you Ate!

Title:

AFGITMOLFM?Ano yun?Sigurado akong ganun ang impression ng iba sa una.May iba pa siguro na nagisip na ang tamad naman hindi pa sinulat yung buong meaning.Nung natapos ko na sya narealize ko na kaya hindi nilagay yun kasi gusto ni Kamahalan na tayo mismo ang makahanap o makatuklas kung ano ang ibig sabihin nun.Alam ko may ibang mga nagisip na ang babaw naman nung meaning ano naman kung mababaw para sakin worth it yung mga oras na iniisip mo kung ano talaga yung meaning nun.Lalo na nung unang beses mo nabasa ang linyang yun.O?Kiligmuch.

PinUp:

Sinong di alam yung scene dun sa pinup?Blehhh!Sinong di kinilig nung first glance sa libro?O?Rereklamo dun sa barangay.Siyempre isa ako sa mga super fan kaya todo tili ako nung nakita ko yun.As in.Kumain pako ng chocolate pagkatapos at inom ng cold water ayun nawalan ng boses.Excited masyado ihh.

Quote:

Love is the most wonderful gift to have,yet the hardest to keep,and the most painful to lose.Saktong sakto dun sa ending ng Part 1 yung nangyari kay Ianne at Nate.Parang talagang para kay Ianne to yung after ng happiness ganun ganun na lang.Hay buhay nga naman parang life.

Characters:

Unang chapter pa lang na mabasa mo sa AFGIT mapapaamaze ka talaga kasi parang medyo in real life talaga pinagkunan yung alam mong may mahahanap kang ganun maliban dun sa crush na crush ko na Emotionless Guy!Sino pa ba?Si Art Felix Go!Sinabi ko kay Ate Ulan yun na mas gusto ko yung wattpad ver ang sabi niya tingnan natin mas maraming exposure si Art sa Part 2 hindi yan yung exact words pero something like that.Si Ianne alam mong siya yung tipong sweet and innocent medyo selosa din at wagas magmahal.Si Nate makulit,jolly,caring,sweet,grabe din magmahal.Siya yung tipong ideal man.

Chapter 00:My Meaning

Masaya ako kung hanggang dito binabasa mo pa rin to.Sana natutuwa ka.Relate much ako dito sa My Meaning.Bawat salita bawat pangungusap tagos sa puso ko.Yung tipong Bakit ang patama nito?Ha?Ate Rayne,tinatamaan talaga ako.Lalo na dun sa definitions ng love.Superb Ate Ulan!Real life experience siguro yun?Parang point of view narin siya ng mga taong broken hearted naiwan at sa mga hopeless romantic.

Plot:

Oo may mga nagbago ibang iba talaga siya sa wattpad pero masasabi kong nagmature si Ate Rayne sa book ver.Hindi nabawasan yung kakulitan ni Kamahalan pero lalo siyang gumaling sa pagpapalungkot at paglalabas ng emosyon sa mga mangbabasa.Promise Ate Rayne.Ramdam na ramdam ko ito sa Part 1.

Events:

Sa book version parang lalong nabigyan ng emphasis ang bawat event pinakafavorite ko dito yung kay Demon at Maiden.Ooops tama na spoiler na.Dito sa book mas ramdam mo siya pati yung kahit simpleng conversation nabigyan ng diin.

Summary:

Buong Part 1,maganda talaga napansin nating lahat.Nagmature si Kamahalan.Siyempre di nawala yung changes na lalong nagpaganda sa book.Kaya sa makakabasa nito at wala pang book bili ka na di mo pagsisihan promise.Kung anong nabasa mo dito sa wattpad o kung saan pa man ibang iba sa book mas maganda siya.Ate Rayne!Mas mahal ko na yung book version kesa sa original.Nakakakilig si Nate pero Art parin ako.May mga part na pinahaba may mga pinaikli.Yung may mga kilig moments pero hindi masyadong OA at hindi nagiging mamais(corny).Di rin nawala yung feeling na pag nabasa mo na yung unang chapter maatract ka ding basahin yung susunod tawag ko dito AFGITMOLFM fever.Kasi nung binasa ko yung book ver nalate ako maglunch kasi di ko napigilan nahook ako masyado.

Ending(Part 1):

Yung ending part nung book version mararamdaman mo yung sakit ni Ianne yung pain na nararamdaman niya nung mga oras na yun.Sa ending dun nang Part 1 mas lalo kang magiging desido na bilhin yung Part 2 kasi maiisip mo yung mangyayari sa susunod at maadik ka ng sobra.

Lessons:

O?Yung iba dyan iniisip na puro kilig at kung ano anong matutunan mo dito sa AFGIT.Pwes nagkakamali ka!Magbalat ka nalang ng patatas pag tapos mo basahin mo ulit yung AFGIT intindihin mong mabuti!Ay maghugas ka pala muna ng kamay ayaw kong madumihan o mabasa yung AFGIT kahit hindi sakin pinaghirapan ni Kamahalan yan!So ayun may mga lessons para sa buhay may tungkol sa studies,family tsaka sa future life.

Author:

Si Rayne Mariano ang author nito si Kamahalan/Ate Ulan/Ate Rayne nung mga panahong unang beses pa lang naming nagusap pinupuri ko sya sobra pero humble parin siya kahit sikat na,sobrang bait din sa fans.Madali siyang mapangiti,mapatawa matutuwa ka na lang kasi nalaman mong napangiti mo siya.Pag chinat mo siya di ka niya gagawing seenzoned masaya siya kausap medyo jolly,mahilig sa mga emoticons tapos isa siyang cool na tao akala mo malungkot siya pero hindi gets mo?Haha.Basta si Ate Rayne yung author na ang galing magsulat ang lawak ng imagination at hindi siya maramot sa update.Isa siyang taong napakadown to Earth kung umabot ka dito Ate Ulan,salamat sa pag share sa amin ng mga stories mo,sa pagsagot ng messages kahit sobrang dami na,sa pagintindi sa mga kabaliwan namin lalong lalo na sa love na binibigay mo samin.Ate Rayne tandaan mo to mahal na mahal ka namin at handa kaming sumuporta sayo lagi.Naalala mo pa to? <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 .13 hearts para pilosopotasya.Ayieee!Kilig na siya!


Congratulations kay Ate Rayne at sa team niya!You guys did a very good job!
Profile Image for Jade Depusoy.
1 review
October 22, 2014
"The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway entry"


AFGITMOLFM yung isa sa mga stories na di ko makakalimutan. Why?

1. TITLE
Weird. Ang hirap imemorize kung hindi mo naman alam yung meaning pero eto din yung nagbibigay ng thrill para basahin mo yung story. Kung yung part 1 pa lang yung nabasa mo, magiging clueless ka talaga kung anong relevance nung title sa flow ng story pero eto din yung nagtutulak sa readers para tapusin yung story. Since nabasa ko na yung wattpad version, masasabi ko na self-explanatory yung title. Hindi siya tulad nung ibang stories na hindi nacoconvey ng maayos yung meaning nung title pero sa AFGIT, very simple lang pero talagang tatatak sa utak ng readers. So ang kinakalabasan, siya yung nagiging conclusion ng buong story.

2. PLOT
Simple and ordinary pero realistic. Siguro ang nagpa unique lang dito e yung circumstances na nangyari sa characters and also kung paano dineliver ni Ate Rayne yung ugali ng characters nya. Eto yung tipo ng storya na akala mo alam mo na yung end game ng characters pero habang binabasa mo, ikaw mismo yung magdodoubt kung sila nga kaya sa huli.

3. CHARACTERS
Lahat naman siguro ng authors e gustong tumatak sa utak ng readers niya yung story nya lalo na yung characters. Sa dami ng nabasa kong stories, konti na lang yung talagang tumatak sa utak ko kasi madalas yung plot na lang ng story yung naaalala ko. And masasabi ko na isa yung AFGIT characters sa tumatak sa utak ko kasi lahat ng characters may distinct na traits na hindi mo makikita sa ibang characters ng story.

*Ianne
Bilang siya yung point of view ng story, mas magegets mo kung bakit ganun yung title kasi nakilala natin siya as mababaw na tao. Yung babaeng mahina sa math at science. Yung babaeng kalog. At syempre, bilang mababaw na tao, mababaw lang din yung pagiisip. Tyaka isa sa natutunan ko sakanya, kung kaya mong gawing simple, better. Pinatunayan nya na hindi lahat ng bagay e kailangang gawing komplikado. Pagdating naman sa relationship nila ni Nate, nagustuhan ko yung hindi niya pagiging clingy kay Nate. Nagseselos siya sa iba pero hindi OA.

*Nate
Possessive in a way na hindi nakakasakal. Example nun is yung surprises niya kay Ianne. Parang yung surprises niya kay Ianne yung naging way niya para ipaalam sa boys na sakanya si Ianne kaya kailangan nilang magback-off.

*Art
Unique. First, kasi ngayon lang ako nakabasa ng story na ganyan yung name. Second, sa dami ng nabasa kong stories na mysterious and cold si guy e ngayon lang ako nakaencounter ng mukhang pera. Hahahaha. Sorry. Kaso yun talaga napansin ko e. XD

*Cloud
Lahat gagawin para makuha yung gusto. Example is yung plan niyang date with Ianne after nung play nila. Nagawa niya pang lokohin nun si Nate :( Pero still, I love him <3 Haha.

*Lemaris
Nakakainis yung character niya pero sa huli maiintindihan mo rin kasi tingin ko siya yung tipo ng tao na longing for attention tapos nakuha niya yung attention na yun kay Nate kaya hindi niya siguro matanggap na may girlfriend na to kasi ibig sabihin nun, less attention for her.


4. GENRE
Eto ata yung story na hinakot na lahat ng genre para sa isang story. Haha. May konting horror (yung kay Sir John Michael)then may Drama (yung issue sa family ni Ianne) at syempre Rom-Com.

5. RELATIONSHIP
Very realistic. Yung treatment nila sa isa't-isa, very natural. Yung tipong,tropa yung tratuhan pero di pa rin pumapalya sa sweetness. Isa pa sa nagustuhan ko e yung part na sinabi ni Nate na libre niya yung kakainin nila ni Ianne na parang labag pa sa loob nya. XD Haha. Ibig sabihin, hindi sagot ni Nate lahat ng naging dates nila. Sobrang natuwa ako dun kasi ganun yung ideal relationship ko. Ayaw ko nung palaging lalaki yung gumagastos para sa babae. Pinapakita dun sa relationship nila na kahit sila na e hindi obligado yung lalaki na palaging ilibre yung babae. Nagustuhan ko din yung dates nila. Yung pagkain sa lugawan. High schooler pa lang sila kaya natural lang na sa cheap at pasok sa budget na mga lugar lang sila pumunta. Eto rin siguro yung nagustuhan ko kay Ate Rayne, ginagawa niya lang simple yung dates nila Ianne at Nate pero binobonggahan niya sa lines ng characters. Dahil dun, mas nagiging simple yung pagiisip ng readers niya at hindi pinapataas yung standards ng mga babae pagdating sa dates. Haha. Pinatunayan ni Ate Rayne na hindi kailangan ng bonggang date para pakiligin ang readers niya. Very realistic lang. :)

-------------------------------------------------------------------

Ang dami ng positive comments ko for the story pero syempre meron din yang negative pero konti lang naman. :D

Hindi naman talagang negative comment pero napansin ko lang na walang naging constant friend si Ianne. Oo, nandyan si Erin pero anong chapter lang naman siya pumasok sa story. Napansin ko lang na parang masyadong na focus yung story sa takbo ng relationship nila Ianne pero wala yung talagang kaibigan niya. Napansin ko lang yun nung palagi siyang tumatakbo sa cubicle para umiyak. Nakakalungkot na wala man lang siyang mapagsabihan ng mga sama ng loob niya kasi halos lahat kaibigan niya pero wala yung parang best friend na mapaglalabasan ng sama ng loob.

Tapos hindi rin nabanggit yung family ni Nate. Palaging pumupunta si Ianne kila Nate pero hindi man lang nabanggit yung family niya. And also, hindi ko lang nagustuhan yung pagiging consistent ni Ianne sa character niya. Haha. Like yung kidnap na nangyari. Wala siyang idea na hindi totoo yun pero nagagawa pa rin niyang magbiro. Tingin ko kung ako kasi yun, hindi ko na magagawa pang magbiro kung ganun na yung nangyayari.

Pero kahit ganun, sobrang favorite ko tong story na to. Sorry Ate kung masyadong napahaba. Yes, gusto kong manalo pero ginawa ko tong review na to not just to win but also to give this to Ate Rayne as a thank you gift. Alam kong sobrang importante para kay Ate yung feedbacks ng readers niya kaya ginawa ko tong review na to para masabi kong naapreciate ko yung story nya. Thank you for sharing this story to us Ate Rayne. :) Keep inspiring everyone :)
Profile Image for Eriel.
12 reviews53 followers
October 31, 2014
"At Dahil Mabait si Rayne Giveaway"

First time kong mabasa ang kwento na 'to sa libro, kaya hindi ko alam kung mayroon bang kaibahan ang version na ito sa original na version.
Sisimulan ko ang review sa itsura ng libro, characters, tapos plot, story at overall.

ITSURA
Sa lahat ng libro ng Pop Fiction na nabili ko, ito ang pinakamaganda. Ang ganda ng pagkaka-illustrate ng cover at pin-ups. Bago rin ang drawing style, at I must say, mas prefer ko ang illustrations ni Onatism (Jonathan Teodoro) kesa sa mga illustrations ng illustrators ng PF. No offense meant, they are all talented. My opinion only. Halata rin na pinagpaguran ang libro. May illustrations kada chapter. Hindi lang basta Chapter 1 tapos text agad. Meron pang maliit na black-and-white illustrations sa taas ng word na Chapter Bilang isan reader, masyang isipin na pinagpaguran talaga nila ang paggawa ng librong binili mo. Bale, sulit ang perang ipinambili mo.

Unang una, si Ianne.
Isang ordinaryong highschool student na ayaw sa Math at Science. Mapagmahal at faithful kay Nate at mabuting anak, kaibigan at kapatid. Ang nagustuhan ko kay Ianne ay ang pagiging positive niya sa buhay at ang pagkakaroon niya ng magandang sense of humour. Ang hindi ko lang gusto sa kaniya ay masyado siyang naging bulag at masyadong tiwala kay Nate. Masyado siyang maging kampante na 'forever' na silang dalawa kaya hindi niya naisip na pwedeng magkagusto sa iba si Nate.

Nate.
Noong una, mabuting boyfriend si Nate. Sweet, mapagmahal, at may kabaliwan din katulad ng girlfriend niyang si Ianne. Protective din siya rito, syempre mahal niya e. Kinikilig ako sa tambalan nila ni Ianne. Kinikilig rin ako kapag bumabanat siya kay Ianne kahit na medyo corny. Nakaka-touch rin ang mga efforts na ginawa niya. Ang pinakahindi ko makalimutan ay yung pinasolve niya na problem kay Ianne. Sobrang napa-wow ako doon. Pinasolve ko pa nga sa kaklase ko para makasiguro. Pero, kung sinasabi niya na 'mahal' niya si Ianne, bakit niya kailangang itago si Grace? I smell something fishy here. Nanlalamig na siya kay Ianne simula noong bumalik siya sa Pilipinas. Nagtataka rin ako kung sino yung Grace na iyon. Pero sa tingin ko, tama ang desisyon niya na makipaghiwalay kay Ianne sa dulo dahil kung hindi niya na talaga mahal si Anne, mas mabuti pang pakawalan niya na to kesa mas masaktan pa silang dalawa.

Art.
One of the mysterious characters of AFGITMOLFM. Siya na nga siguro ang pinakamysterious na character na nakilala ko. Mysterious and fascinating at the same time. Sobrang talino at mayroong photographic memory. Saan ka makakahanap ng taong ganoon? Sa totoo lang, marami akong gustong malaman tungkol dito kay Art na sana masagot na sa Nostalgia book. Sino nga ba talaga si X, at bakit ganoon niya nalang tratuhin ito? Bakit ba siya nakatira sa BH? Bakit kailangan niyang magtrabaho? At bakit ang cold niya sa ibang tao? Iyan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko ngayon.

Lemaris.
Inis na inis ako sa babaeng ito noong una. Gusto ko ring magdrawing ng picture niya at idikit sa pader at saka tusuk-tusukin ng push pin ang mukha niya. Panira siya sa relasyon nila Ianneat Nate. Kaso, natutunan ko na rin siyang patawarin noong part na nagsorry siya kay Ianne. Siguro nga talagang inaasar niya lang si Ianne.

Cloud.
Naimagine ko na siya ang true-to-life version ng isang Usui Takumi. Nasa kaniya na nga ata ang lahat e. Mayaman, gwapo, mabait. Hindi ko lang alam kung matalino. Personally, gusto ko ang character ni Cloud. May times nga na mas gusto ko siya para kay Ianne kesa kay Nate.

PLOT, STORY, and OVERALL:

Direct to the point, may pagka-cliche and anime-ish ang plot. Nagsimula sa almost perfect na relationship nila Ianne at Nate tapos may isang sikat na cold na lalaki. Sa tingin ko, overused na ang pot na ganto. Pero, bakit four stars pa rin ang rating? Simple. Kahit kasi overused na ang plot, may mga scenes and elements pa rin na nagpapa-unique sa AFGITMOLFM from other stories. Like, what does AFGTIMOLFM, mean? Yung problem na binigay ni Nate. And yung mga corny pickup lines ni Nate.


Light and quick read. Binasa ko to during break and free time. Kahit na pagod na pagod na ako sa practices and schoolwork, I make time to read it. Naging stress reliever ko na ang librong ito. Nakakadala kasi ang bawat eksena. Parang totoong nangyayari. Medyo nakakarelate din ako kasi magka-age bracket lang kami ng mga characters. Nakakadagdag rin siguro ang mga iyon ng plus points.

Nakakapukaw din ng atensyon chapter 00, What is love? Noong una, napatanong rin ako sa sarili ko, ano nga ba ang love para sa 'kin? Nacurious ako, kaya ayon, pinagpatuloy ako ang pagbabasa. At hindi ako nagkamali sa desisyong iyon.

Kahit na simple lang ang AFGITMOLFM, maganda pa rin. Complete package. Humor, romance, drama, suspense and mystery (?) Madadama mo na ang iba't ibang emotions. Joy, sadness, inis, galit, kilig(?). Nadoon na e. Mailalagay mo na lang ang position mo sa position ni Ianne dahil damang dama mo yung inis niya, kasiyahan, lahat.

ENDING

Okay, ganito talaga ang itura ko noong ending:

[image error]

Okay na ako sa ending. Ayon nga ang gusto kong ending nilang dalawa. Dahil nagiging cold na nga si Nate kay Ianne at sa tingin ko, may crush na kahit papano si Ianne kay Art. Nawawala na rin ang spark sa kanilang dalawa. Kaya, it's better for the both of them to let go kesa mas masaktan pa sila.

All in all, ang masasabi ko lang, maganda ang AFGIMOLFM, nakakakilig at sobrang bitin. Can't wait for part 2.

Rating: FOUR STARS.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Rina Mae.
1 review
October 27, 2014
The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway entry:

Naalala ko yung gabing inireveal ng Pop Fiction ang last book na ipinublish nila for the month of August,at grabe! Nalove at first sight ako! Oo, LOVE kasi talagang nabihag ng book cover nito ang puso ko XD. Tapos yung title! So UNIQUE! Nang makarecover ako, nasabi ko talaga sa sarili kong: "Bibilhin ko talaga 'to, hindi ako makakapayag na hindi ko mabili 'to. Kahit bawal, kahit mahal bibilhin ko 'to." Sa totoo lang kasi, palihim talaga ako kung bumili ng mga wattpad books kasi ayaw ng mama ko :( sayang daw kasi sa pera at ano.. err.. nakakasira raw ng pag-aaral :( (Pero mabait naman mama ko, praktikal lang :D) So yun! Nang finally makabili na ako ng AFGITMOLFM part 1, talagang ansaya saya ko!!! Pagkabili ko nga niyakap ko agad yun e haha tapos dahil dun ang active ko sa klase nung araw na yun. Kung pwede nga lang ligawan ang libro, naligawan ko na yun PFFT. So yun.. I was really, seriously, totally amazed with the book itself-- yung cover,yung bookmark na unique, pin ups, at yung drawings every chapter? Ay grabe! Heaven! Pero kahit na inlove ako dito, hindi ko agad 'to binasa kasi wala pa ang part 2, kasi ayokong mabitin. Pero dahil published na ang part 2, binasa ko na at sumakto pa dito sa game XD (nagbabakasakali)

Okay.. sorry for the loooong introduction ^__^v

"Don't judge a book by its cover"
Yan ang kauna-unahang naisip ko nang sinimulan ko nang basahin ang part 1 ng book. Yun talaga ang naisip ko kasi--sorry to say pero-- at first I didn't find the story interesting. Bakit? Kasi AKALA ko baduy, uhm, okay.. medyo jeje kasi para sa'kin yung simula, tapos naguluhan ako dun sa biglaang pagpasok ni John Michael Cruz-- di ko masyadong naintindihan yung connection nun sa kwento (pero kinilabutan pa rin ako dun, matatakutin e haha) at isa pa, katatapos ko lang basahin ang isang Pop Fiction book na talagang nakahook sa'kin kaya masyadong tumaas ag standards ko. Yeah, I may sound quite harsh with that feedback.. PERO! WAG PO MUNANG MAGALIT 'coz there's more XD. Pinilit ko ang sarili kong maniwalang nagagandahan ako sa kwento pero ayaw talaga e, nasabi ko pa nga sa sarili ko na:"Ipinagmalaki mo ang book na yan, hinayaan mong makuha nito ang atensyon mo. Sinabi mo pang ito ay isa sa mga librong hindi mo pinagsisihang bilhin, kaya maniwala ka na maganda yan". At hindi ako nagkamali kasi kahit na ganun ang una kong naging comment sa kwento, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa nito hanggang sa halo-halong emosyon na ang naramdaman ko. Kinilig, nakornihan, nainis, nabwisit, kinabahan at naiyak ako. Hindi ko alam kung paano at kailan ako nagsimulang magandahan sa story, basta ang alam ko lang naweirdohan ako kay Emotionless guy,napapakunot ang noo ko pag biglang lumalabas si Humi, nalandian kay Cloud -_-, nabbwisit na nayayamot na nababadtrip at nalalandian kay LEMARIS GALIS na mukhang kaLEMARIS(kalamares XD),nakornihan but at the same time kinilig ako sa mga banat ni Nate <3 lalo na dun sa Electric fan! HAHAHA natawa na lang ako sa kaadikan nya e XD, natawa at natuwa ako kay Ianne kasi una--parehas kami ng expressions('takte' at 'tae/tae ka'), sobraaang sabog nya! Nagagawa pang mag joke sa mga panahong sya ay nasasadlak sa dusa haha at syempre kasi ang bait nya at napakadaling magpatawad.

Kinabahan at natakot ako dun sa hula kay Ianne na sigurado akong totoo. Pero isa sa di ko makakalimutan ay yung huling parte ng AFGITMOLFM part 1 book, LAHAT NG GALIT KO KINA CLOUD AT LEMARIS LUMIPAT KAY NATE -_- nakakainis sya!!! Bakit ba sya ganun? Bakit sa lahat ng pwede nyang sabihin ay 'Break na tayo' pa ang sinabi nya? At talagang sa anniversary pa nila nya yun sinabi? Tss Hindi ko matanggap! Naiinis talaga ako kay Nate kahit na crush ko sya. Kahit pa sigurado akong may dahilan kung bakit sya nakipagbreak kay Ianne, naiinis pa rin ako sakanya ng sobra! Bakit ba kasi lagi na lang ganun ang mga lalaki? Gagawa ng move na sila lang ang nagdesisyon, move kung saan masasaktan ang babae tapos sasabihin nilang ayaw lang nilang masaktan ang mahal nila. -_- haay :( ano bang meron kay Nate? May sakit ba sya kaya sya ganun? Engaged sya? Bakit? :'(
REgarding nga pala sa title, acronym sya kaya ibig sabihin mahaba talaga yun.. honestly may idea na ako sa ibig sabihin nung title kaya una pa lang nagpredict na ako pero... BAKIIIIT??? Bakit tiwalas sa pinredict ko yung mga pangyayari sa part 1? Nakakacurious tuloy ng sobra kung bakit ganun yung title.
Para sa'kin, yung naging negative impression ko sa kwento ay hindi talaga negative kasi mas maganda yung sa una hindi ka nag eexpect, yung tipong sa una hindi ka pa masyadong magagandahan kasi minsan kapag nagandahan ka na sa simula pa lang, mag eexpect kang hanggang dulo maganda 'to tapos kapag hindi mo na nagustuhan yung pagitna o kaya yung ending ay magsisisi ka at maiinis pa. Masakit talaga kasi mag expect HAHA.

And with regards to my rating... kaya 4 stars lang ksi, para sa'kin sobra sobra na pag 5 stars. Para bang perfect, e di ba perfection doesn't exist naman? Tsaka, may negative feedbacks ako( just don't take them seriously po ha :D) Basta, ansaya ko kasi ito ang kauna-unahang libro na ganun ang naging comments ko.. yung sa una hindi ko masyadong type tapos biglang gustong-gusto na. It gave me another FIRST :D
PS: Ang astig nung The Demon and The Maiden! <3
PPS: Sabi ko naman po sainyo ate Ulan, hindi lang para sa prizes ang review na 'to kaya talagang pawang katotohanan lang ang nilagay ko. Sorry po sa negative feedback.
PPPS: Team Sabog ako foreveeeer. N less than I forever :3
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Liana Cagomoc.
6 reviews
August 22, 2024
(Books 1 and 2) delivers a rollercoaster of emotions and twists. The story blends romance, drama, and suspense, with characters that are compelling and relatable. Each book keeps you hooked with unexpected plot developments, making it hard to predict what’s coming next. The emotional depth and unpredictable turns make these books a gripping read from start to finish.
Profile Image for Emi Tsukine.
1 review
October 19, 2014

First of all, I'd like to say HIIIIIII *random dancing and stuff* ≧✯◡✯≦ ≧◉◡◉≦ (‐^▽^‐) ˚▽˚
LOL, pagpasensyahan nyo na ang kabaliwan ko. But if I want to make a great review, I have to be myself. (HAHA san ko ito nahugot? XD) So, let's start?

~ *** ~
BTW, this review is also an entry for the "Dahil Mabait si Rayne Giveaway"
' w '
~ *** ~

"Love is the most wonderful gift to have, the hardest to keep, and the most painful to lose."

That was the first statement that ever attracted me to the book. Nung nabasa ko yan, it sent chills down my spine. Ewan ko ba, pero naging curious ako. Well, as a book lover at dating may ka-MU, talagang tinawag ako ng librong yun. Yung librong color green na may sweet (nilalanggam na ata :v) couple sa cover. Sa taas, nakalagay yung letters na "AFGITMOLFM Part 1: Euphoria" . At dahil papatayin ako ng curiosity ko, binili ko na yung book. Sa bagay, ano namang mawawala sa akin (maliban sa Php 195, sulit naman eh XD)
Edi yun. Binili ko ang libro at binasa (alangang kainin ko XD). Nang natapos ko na, isa lang ang masasabi ko: inspiring.


Isa-isahin natin kung bakit?


1. Plot
To be honest, hindi siya unique. Typical love story na may boy ang girl. Nagkukulitan, mga ka-kornihang nalalaman, minsan nag-aaway at may tampuhan. Meron ding mga third parties. Pero kahit anong mangyari, tulungan pa din sila, ganun ganun. Kaso one day, may mangyayari, tas break-up. End of love story.
Pero yung factor na yun ang siyang dahilan kung bakit nagustuhan ko ang story. Napaka-relatable. Ako kasi, naa-appreciate ko yung mga stories na common kasi dun ako natututo. Nandun kasi yung mga point-of-views ng iba't ibang tao, eh. Tingnan mo na lang, mas naliwanagan ako tungkol sa mga relationships. To be honest, AFGITMOLFM helped me realized that there is no "happily ever after". At nagpapasalamat ako dun.

2. Characters
Daniel Nathaniel Moises Manio and Janine Anne Santos. Dalawa sa mga characters na tumatak sa puso't isipan ko.
Unahin natin si Nate. Siya yung type ng tao na mysterious, pero playful. Mahilig mambola, medyo mayabang. Pero all-around sweet. In fact, siya yung ideal guy ko. Yung crush ko kasi, ganun na ganun. May times na minsan hindi ko kilala kung sino siya. Pero kahit paano, he's still so lovable. Haist, nakangiti nanaaman ako. Siguro, kaya na-attatch ako kay Nate. Gusto ko siyang makilala pa more, eh.
Para kay Ianne naman, ayun. She's the common girl na kinilig, nagsasaya, umiiyak. Ang nagustuhan ko sa kanya, ang strong niya. She's been through a lot in life, yet nakakaya niya. Naging inspiration ko siya, to be honest. I'd like to be someone like her. Kung pwede lang sana maging friends kami, why not?
Para naman sa ibang characters, grabe! I love your creative mind, Ate Rayne! Si Art na lang for example, the way you portrayed him is just too mysterious which makes me want to read MORE. As in. Sabihin na nating gusto ko din siya, but I think mas bagay sina Ianne and Nate. (Opinyon ko lang po yun, ha? ^~^ At let's see, since na-spoil ako ;-; Alam kong malaki ang papel ni Art. Part 2, gimme all ya got!) And sina Cloud, hayyy. Grabe fangirling ko nun, kasi anime lover ako. Ini-imagine ko na siyaaaa... *internal screaming* Si Lemaris naman? Ayos din siya eh, she gave the story a bit of excitement XD At wag kakalimutan si Humi XDDD Ang cutie nyaaa grabe~ I love them allll *hugs*

3. The Scenes
YUN. Hindi mo alam kung ilang beses ako kinilig. As in. The story and the way Ate Rayne wrote it made me feel like I'm a part of the story. Yun na lang scene kung kelan nag-dance sina Ianne and Art. I have to tell you I lurv that scene. I felt like I'm Ianne, as in. Mixed feelings din ang naramdaman ko eh. Ang galing. The book took the words right out of my mouth.
Pero yung fave ko? Yung equation. Haiiii. I <3 U pala yun. Pero grabe eh, hands down. Yung scene na yan, ang cutie. Nakakatuwa. Kahit mejj corny, feel ko talaga ang umaapaw na LOVE nina Nate para kay Ianne. Ewan, its hard to explain what's on my mind eh.

4. Overall,
The story is one of the best. I loved it so much. It depicts a really nice story, which inspired and changed me. Kung hindi dahil sa AFGITMOLFM, siguro hindi pa rin ako makakatawa. Eh kasi naman, iba ang AFGITMOLFM. Hindi siya kagaya ng ibang story na nabasa ko, kasi this one really stayed in my heart. I learned to moved on because of this story. Its more than a book to just satisfy your entertainment needs.

Ate Rayne, siguro hindi mo alam kung ano yung ibig kong sabihin dun XD Pero naging life lesson ang AFGITMOLFM sa akin, promise. Hindi ko makakalimutan ang life-changing story na ito. I will hold this story in my heart and treasure it forever ^~^ Thanks talaga Ate Rayne, for making this story. Sana po, you continue to inspire perople like me ~~


NOTE: Hindi ako nambobola whatsoever sa mga sinasabi ko. Kasi lahat ng ito, galing sa puso ko. Hindi din made-up story lang yung mga nangyari sa akin at naging life lesson and AFGITMOLFM. I didn't write those things to win the contest. I wrote it para magawa ko ang aking review. Ang review na dapat marinig ni Ate Rayne.


~ Myshxx
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Maine Gonzales.
9 reviews1 follower
February 10, 2025
I just want to say I love this book so much ayaw ko MASABIHAN ng favoritism kaya 4 stars lang I love the flow of the story and it's easy to read I won't spoil basahin niyo nalang Art Felix Go is one of my fav fictional character I love him
Profile Image for Lei.
109 reviews
April 14, 2020
A Fallen Gravity in the Motion of Love For Me.

I very much enjoyed this but I feel like I won't anymore now that I'm older?
Profile Image for Princess Denise nicole.
1 review
October 24, 2014
"The Dahil Mabait Si Rayne Giveaway entry"

Kagabi ko lang siya nasimulan mabasa kasi naging busy talaga ako sa school and hinihintay ko pa yung Book 2 pero dahil sembreak na namin, sinimulan ko na siya basahin. Dahil natuwa talaga ako sa storya tinapos ko siya hanggang 1 am kaninang madaling araw. Nung pagkabasa ko ng Chapter 1 napangiti na ako agad dahil sa kilig. Nakakatawa na nakakakilig kasi talaga yung mga kakornihan nila Ianne at Nate. Ganon yung mga relasyon na gusto ko, yung pangarap ko (oke kumokorni na rin ako haha). Natatawa ako sa mga banat nila na ang korni naman talaga pero nakakakilig. Yung mga kalokohan nila nakakatawa pero may halong kilig. Kahit yung simple lang yung ginagawa nila, masaya na sila don. Dun mo mafi-feel na kahit nasa bahay lang sila or kung san mang lugar yan as long as magkasama silang dalawa, masaya na sila. Mararamdaman mo talaga na mahal na nila ang isa't isa kahit binabasa mo lang ang storya nila. Hindi BI yung story na to kahit tungkol sa lovers na high school pa lang. Kasi alam ng magulang nila na may relasyon sila. Hindi nila nakakalimutan mag-simba tuwing linggo and the fact na si Nate pa talaga ang nag-insist na magsimba sila? Cool. Hindi rin sila PDA sa school.Nagiging inspiration pa nila ang isa't isa para pumasok at mag-aral. May kaklase kasi ako na MU lang sila pero super PDA na. Nagkakandungan at naghahalikan na hindi naman dapat kasi nasa school kami. Kahit mga seniors namin naiinis na. Tapos yung parents nung babae hindi alam na may ka-MU na pala yung anak niya at ganon pa yung pinapakita sa school. Napapabayaan na nga rin nila yung pag-aaral nila (para sakin ganon kasi kung hindi mababa scores nila, hindi sila nakakapagpasa). Nagsisinungaling pa yung babae sa parents niya na ganito yung oras ng uwi namin para lang makasama ng mas matagal yung lalaki. Hindi ko naman sinasabi na masama makaramdam ng ganyan ngayon pero yung ginagawa lang nila yung mali. Sorry ate kung nag-share na ako ng kwento haha. Back to Ianne at Nate, nakakatuwa talaga silang dalawa though minsan naiinis ako kay Nate haha. Dahil dun sa minsan niyang hindi lagi pagpaparamdam kay Ianne tapos madadatnan ni Ianne si Lemaris na sobrang pulupot kay Nate sa bahay nila. Akala ko talaga nung una babae yun ni Nate pero sabi nga madaming mamatay sa maling akala buti nga hindi ako namatay haha k korni. Nainis din ako ng konti kay Cloud dahil sa kalandian niya haha. Pero nawala din naman agad dahil kinilig ako sa kanilang dalawa ni Erin dahil sa airport scene nila. Nakakakilig talaga as in. Sa huli, naintindihan ko na rin si Nate kung bakit siya umalis, bakit ang sweet niya kay Ianne, kung bakit yun ang binabasa niya sa Internet, at kung bakit proud na proud pa siyang pinapakita ang text messages nila ni Grace. Sa totoo lang natatawa ako kay Grace kasi ang jeje haha. Feeling ko may sakit si Nate kaya siya nagpakalbo. Feeling ko may cancer siya. Tapos ginagawa niya ang lahat para mapalayo ang loob ni Ianne sa kanya at ito na ang kusang makipag-break pero dahil ayaw talaga ni Ianne na makipag-break, siya na mismo ang gumawa. Ayaw niya kasi siguro masaktan si Ianne kapag nawala na siya? Haha hula lang. Anyway, ang gaan sa pakiramdam nitong storya na to kumbaga light lang siya. Although minsan sa drama part na hindi ko pa rin maiwasan na matawa kay Ianne dahil sa mga thoughts nya. Nakaka curious din kung ano ba ang past ni emotionless guy pati ni X. Kung bakit ba nawalan ng emosyon si Art. Kahit na madami pang tanong sa utak ko, na-enjoy kung pa rin yung story so two thumbs up para sayo Ate Rayne (y) (y) :D Dapat talaga itong irecommend sa mga kabataan lalo na sa mga may ka-relasyon kasi may mapupulot silang aral sa relasyon ni Ianne at Nate. Yung mga dapat nilang ikilos kapag nasa loob sila ng paaralan. Na wag silang masyadong PDA kasi may iba't ibang ways naman para ipakita mo yung pagmamahal mo para sa partner mo. Na dapat alam ng parents nila ang relasyon nila at dapat payag ang mga ito. Na dapat nagsisimba sila tuwing linggo pero nakikinig sa misa, hindi naglalandian at marami pang iba. This is really worth buying. Sulit na sulit ang ipinangbili ko at hindi ako nagsisi. Ito rin ang nagpabalik ng emotions ko kasi the last few days, walang mababasa na emosyon sa mukha ko at sobrang cold ako sa lahat ng tao. Hindi ko rin sila sinasagot kapag kinakausap nila ako. Sigurp mga one or two words lang o kaya titignan ko lang sila tapos babalik na sa ginagawa ko. Para akong naging si Emotionless Guy. Kaya thank you Ate Rayne for making this story :) More blessings to come!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 66 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.