Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kuwentong Siyudad

Rate this book
Twenty-seven short stories. Written in contemporary Filipino by some of today’s most prolific young writers, the stories catalog our modern urban experiences. As the editors say, “In the name of the city, here we are in our experiences as human being, citizen, stranger, addict, student, teacher, sister, brother, acquaintance, refugee, exile, OFW. . . We who define the city are in turn defined by it."

“Narito ang mga kuwento ng siyudad, an gating karanasan—na kahit alam na natin—ay kailangang muli’t muling baklasin at itayo sa ngalan ng pagbibigay-ngalan sa kagalang-galang at karumal-dumal na imahen ng aktuwal na realidad ng siyudad. Sa ngalan ng siyudad, narito tayo at an gating karanasan bilang tao, mamamayan, ligaw, sugapa, estudyante, guro, ate, kuya, kakilala, refugee, exile, OFW…Tayong nagngangalan sa siyudad aybinibigyan-ngalan din nito. Narito ang mga kuwento, ang mapa n gating pamumuhay sa siyudad.” (Mula sa Introduksiyon)

Mga May-akda: Alwin C. Aguirre / John Barrios / Frank Cimatu / Mes De Guzman / Anna Maria M. Gonzales Biglang-awa / Jerry Arcega Gracio / Eli Rueda Guieb III / Alva Pao-Pei Maraño / Gil Olea Mendoza / V.E. Carmelo D. Nadera, Jr. / Roselle Pineda / Allan Popa / Rommel Barona Rodriguez / Elyrah Loyola Salanga / Joseph T. Salazar / Luna Sicat / Ma. Ellen L. Sicat / Kerima Lorena Tariman / Rolando B. Tolentino / Elmer Antonio DM. Ursolino / Alvin Yapan

318 pages, Paperback

First published January 1, 2002

11 people are currently reading
145 people want to read

About the author

Rolando B. Tolentino

45 books112 followers
Rolando B. Tolentino is an associate for fiction of the UP Institute for Creative Writing. He is a faculty member of the UP Film Institute. He is the founding chair of Katha, the fictionists group in Filipino, and is a member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino and the Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP). His works include: Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood, Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon: Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-editor, 1990).

He has received many awards here and abroad, namely: Distinguished Visitor, UC-Berkeley and UCLA Southeast Asian Studies Consortium (2006), Visiting Fellow, Sociology Department, National University of Singapore (Jul 2005-Dec 2006), Obermann Summer Research Fellowship (2004), Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2001); Lily Monteverde Professorial Chair (2000-2001); UP International Publication Award (2000, 2001, 2002, 2003); Henry Sy Professorial Chair (1998-1999); Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 1998, 1994, 1991; Research Grant, U.P. Office of Research Coordination, 1998-1999, 1999-2000; Research Grant, U.P. Center for Integrative Development Studies, 1997-1998; Angara Fellowship, U.P. Women’s Studies Center, 1997-1998; Belmonte Creative Writing Grant, U.P. College of Arts and Letters, 1997-1998; Research Grant, Sumitomo Foundation, 1997-1998; CCP Gawad para sa Alternatibong Pelikula at Video, 1996; All University Predoctoral Merit Fellowship, USC, 1993-1996; Fulbright Grant to pursue Ph.D. in area of Critical Theory and Cultural Studies, 1992-1996; Writing Grant, Cultural Center of the Philippines; Thesis Grant, Philippine Social Science Council, 1991.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
20 (40%)
4 stars
17 (34%)
3 stars
7 (14%)
2 stars
1 (2%)
1 star
4 (8%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
January 20, 2013
Syudad. - Tinaguriang sentro ng pakikipagkalakalan, sentro ng mga makabagong teknolohiya, at sentro ng modernisasyon. Pero hindi lang yan. Ang syudad din ang sentro ng mga krimen, sentro ng politika, sentro ng maraming bagay gaya ng pera, trabaho(legal at illegal), mga sasakyan, malls, at clubs. Sentro ng lahat.

Sa syudad umiikot ang maraming bagay. Sa syudad umiikot ang maraming buhay. Sa syudad, mahahanap daw ang kaginhawaan. Di nila alam na sa syudad, hindi tumitigil ang mga tunggalian.


Bilang isang batang lumaki at pinalaki sa syudad, mulat na ako sa mga tungaliang nararanasan araw-araw sa urban na pamumuhay. Gising na ako sa mga kwento ng realidad. Mga kwentong natutunghayan ko sa pamayanan, sa paaralan, sa mga lansangan. Mga kwentong For General Patronage. Mga kwentong para sa lahat.

Ngunit, paano naman ang mga kwentong Rated PG, R-13, at R-18? Bukas ba talaga ako para sa mga ganitong kwento ng syudad? Anu nga ba talaga ang alam ko sa mas malalalim na kahulugan ng syudad?

Sa antolohiyang ito ng mga maiikling kwento, binigyan ng pagkakataong makapaghayag ng kanya-kanyang kwentong urban ang mga kasaling manunulat. Kinabibilangan ng 21 manunulat na ang karamihan ay nanalo na ng mga parangal sa Palanca at iba pang prestihiyosong pagkilala. Mga kasapi sa iba't ibang grupong pampanitikan. At iba na hilig lang talaga ay magkwento at magsulat.

Mula Introduksyon, inisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa syudad.

Ang Mapa - para sa mga bagong salta
Ang Haywey - para sa mga humaharurot at nangangarerang mga sasakyan.
Kanto - kung saan nagtagpo ang dalawang daan. Kung saan pwede kang mamili ng direksyong lilikuan.
Eskinita - makitid at masikip na daan.
Sangandaan - marami at di siguradong mga daan.
Dead end - ang dulo. Ang katapusan.

Binubuo ng 27 mga kwentong urban.


Lulutang-lutang na Espasyong Tropikal

Si Laya Dimasupil ni Luna Sicat - (3stars)
Ang Ideal ni Ma. Ellen L. Sicat (4stars)
Prologo/Epilogo ni V.E. Carmelo D. Nadera Jr. (2stars)
Tuon-bayag ni V.E. Carmelo D. Nadera, Jr. (2stars)
Eskinita ni Elyrah Loyola Salanga (5stars)

Intramuros sa Aking Isipan

Kalatas ni Anna Maria M. Gonzales Biglang-awa (4stars)
Silang Nagtatago sa Dilim ni Joseph T. Salazar (5stars)
Retrato ni Alvin Yapan (5stars)
Eksklusib ni Roselle Pineda (5stars)
Takas ni Gil Olea Mendoza (3stars)
Dalantao ni Alwin C. Aguirre (4stars)

Amerikanong Barok

Kulay: Para kay Chicken Shit ni Rolando B. Tolentino (3stars)
1999 ni Kerima Lorena Tariman (2stars)
Isang Ordinaryong Araw ni Alva Pao-Pei Marano (4stars)
2=25 ni Alwin C. Aguirre (5stars)

Siyudad ng Tao

Dublas: Biodata, Certificates, Clearances, at iba pa ni Elmer Antonio DM. Ursolino (4stars)
Bingo ni Ma. Ellen L. Sicat (5stars)
Huling Biyahe ni Allan Popa(3stars)
Bunso ni Eli Rueda Guieb(5stars)
Da UltraInterMegalaktikPinoyHero ni Mes De Guzman(2stars)


Naghihingalong Siyudad

A.: Para Kay JM ni Rolando B. Tolentino(2stars)
Reunion ni Luna Sicat(4stars)
Santa Peregrina ni Jerry Arcega Gracio(5stars)
Today With Kris Aquino ni Rommel Barona Rodriguez(4stars)
Reklamador ni Mes De Guzman(5stars)
Libro ng mga Numero ni Frank Cimatu(4stars)
Txtm8rs ni John Barrios(2stars)







Profile Image for Bléu.
256 reviews
January 2, 2019



~*~

"Mga kuwentong buhay-sino sa mga miyembro ng pamilya mo ang gusto mong ilarawan? Bakit? Dalhin mo ako sa inyong bahay, akayin mo ako ng iyong panukat. --Maglalakad kami sa bundok (pagkat naroon ang eskuwelahan) at pupulot sila ng isang bagay na parang sila, at isang bagay na hindi sila. Bato. Cocoon. Balat ng ahas. Tuyong dahon ng madre cacao. Talulot ng puting rosal. Inaantok na alupihan. "

"Paano bang umikot ang kapalaran? tanong ko sa sarili. --Mayroon akong gustong patunayan: na hindi mo talaga masasabi ang kapalaran ng tao. Walang katiyakan. Pumili ka na ng mabuting paaralan para sa iyong anak, ibuhos mo rito ang panahon at salapi, hindi mo pa rin maiguguhit ang kanilang kapalaran. Isang pangyayari lamang, isang maling desisyon lang, puwedeng bumago sa kanilang buhay."

"Mayroong isang katotohanan at kaliwanagan. Maaring isa itong puso. Puso ng isang bayani. Uhaw na uhaw ang mamamayan sa isang bayani. Isang taong magtataglay ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng kaniyang daan. Matatag ang kalooban at kapupulutan ng lakas. Masasabing makasarili ang bayani. Subalit kailangan siyang maging mataas ang tingin a sarili para di siya agad-agad madaig ng pagkabigo,kailangan siyang mabilis magpatawad, kailangan siyang umasang madali siyang patatawarin, kailangan siyang matibay at may desisyon, kailngan siyang sumusugod, kailangan siyang sensitibosa panganib, kailangan siyang nalulukuban ng pambihirang katatagan. Di basta natatalo ng problema. Optimisko. Maasahang tumulong a kapwa. Mapagbigay. Dahil dito siya ay malapit sa iba't ibang tukso. Malaking pagkakamali kung siya ay parurusahan sa kaniyang pagkukulang o pagkakamali. Maramdamin ang kagaya niyang bukaspalad. Hayaan siyang matuto sa kaniyang kahinaan. At iyon sana ang gawin ng bawat magulang sa kanilang anak. Kung masusunod ang mga patakarang ganiyan, di malayong kaliwa't kanan ang susulpot na bayani. Magiging kabute sila sa tag-ulan. Natural. Walang pataba. O patubo. "

"Ginto rin kaya ang papatay sa akin? Habang papalapit nang papalapit ang aking mag-ama sa gitna ng ginto, papalayo nang papalayo naman nag loob nila sa akin. Kailan kaya nila ako bibigyan ng pansin at pagtingin? Tuluyan na ba akong binura sa kasaysayan nang ako ay masangkot kay Kadangyan?--Mas mahalaga ba ang iniisip ng ibang tao kaysa sa nararamdaman ko? Madali kayang matutuhang mahalin ang tulad kong mangmang? Sa halip na magmukmok sa isang sulok, ako ay nagtanim nang nagtanim ng kung ano-ano sa aming bakurang bulubundukin."

"Limampung taong gulang na ako pero hindi pa huli ang lahat para sa aking matuklasan na ang tunay na ginto ay dunong. Higit sa aking inaasahan ang aking natutuhan."

"Parang nakita ko na ito sa aking mga panaginip kaya sinarili ko na lamang ang pagkulo ng aking dugo.--Naiwan lamang ako sa bahay para magbasa ng gabundok niyang libro na nagpalawak sa mundo kong walang ipinagkaiba dahil isa rin itong malaking gubat. Sa siyudad, usong-uso man ang urbanismo, pero para pa rin itong kabundukan."

"Tama nga naman ang bata. Kasi naman, bakit nga ba siya nataranta muna bago nag-isip!--Masyado na yata siyang nabulag ng mga luha niya't di niya nakita ang magiging kahihinatnan ng problema siya rin ang may gawa!-Ganito nga ba kahirap ang buhay?"

"Mabuti pa ang mga dayuhan may matitirhan sa Pinas, e tayo naman ang walang matirhan."

"Huwag ninyo nga akong hainan ng inyong maliliit na salita, sapagkat ako ang tagapangalaga ng higanteng letra. Higit na malalaki ang titik ko kaysa sa inyo."

"Naku!-Mali ang entrada mo. Sa susunod, ikaw na ang gumawa ng solusyon. Walang mangyayari sa iyo kung aasa ka lang sa matanda. Alam mo naman."

"Para kay Jessy, magulo ang mundo ng tao kaya hinangad niya itong takasan. Palagi na lamang nilang binabalewala ang katotohanang batid niya. At habang tumatanda, tumindi ang kaiyang nasang matulog nang matulog, managinip nang managinip, at mamayapa sa piling ng mga imaheng nagbibigay sa kaniya ng kapanatagan. Ayaw na niyang magising at mamulat sa katotothanang nag-iisa siya. Pinatititndi ng bawat pagbangon ang lungkot na kaniyang nadarama."

"You see, ang buhay sa siyudad ay iang komplikadong sistema ng magkakawing-kawing, magkakabaliktad na wirings, na of course e hindi ko maintindihan kaya hindi ko maipaliwanag, kaya nga ako nagagalit hindi ba? Laya nga ako galit? Ooo, tama, galit ako. I therefore conclude na GALIT AKO! --Bakit nga ba ako galit? Hindi ko na matandaan ang root cause. Gayon kasi ang galit. When it's too great to bear, na tipong magkakaroon ka ng temporary insanity. Tulad ko ngayon, nawawala na o nagvavanish na ito thin air ang rational side ko. Kaya nawawalan na rin ako ng reasons or at least I forget the reasons why I am angry in the first place. Pero hindi, kailangan kong ma-pinpoint kung bakit ako galit because this is the only way to solve my unbearable anger, to undersand and know the reasons why I am angry."

(*)

"Basta ang tao'y masipag, hindi mamatay nang dilat,' sabi nito. Nasubukan kong magsunong ng bilao at magpasan ng tiklis. Wala akong kinakahiyang trabaho, basta't malinis. Ang nakakahiya ay iyong mamalimos o kayay'y humilata-o tumihaya."

"Ang problema ko ngayon,' sabi niya sa akon kagabi noong naghapunan kami, 'ay kung paano ko bubuuin ang sarili ko ngayong wala na ang Tatay mo.' -Paano nga bang binubuo ang sarili? Paanong binubuo ang sarili sa piling ng iba? Paanong hinuhubog ang totong sarili kahit may kasamang iba? At paano ring binubuo ang sarili kapag nawala ang iba?"

"Dumidilim na sa labas, pansin mo. Ang utak mo'y parang langit na makulimilim, pinadidilim ng suliranin at pagpapasiya."

"Hayaan mong maging berdugo ka Arturo, lipulin mo ang kampon ng masasama, silang itinututring na salot sa lipunan, walang silbi. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi mo ginawa."

"Sa gabing iyon, pakiramdam mo'y payapang payapa ang lahat. Kaysarap mahiga sa banig at pag-isipan ang mga darating na araw na tanggap mo na ang iyong naging buhay. Kahit man lamang sa isang araw. Isang araw na walang pakialam, isang araw na dapat ibaon sa limot. Maya-maya'y nakaidlip ka na. Para kang bateryang muling huhugot ng lakas dahil bukas, Arturo, muli mong sasagupain ang mga balakid sa iyong paglalakbay. Natitiyak mong ikaw, at iba pang reklamador sa pagawaan ay sama-samang babaklasin ang ugong na matagal nang umalipin sa inyo. Iyon pa lamang ang gabi nakatulog ka nang mahimbing."

Profile Image for Sol.
11 reviews
July 24, 2025
Probably ito ang best read ko so far this 2025 (July)!

Halo-halo ang mga storya na nailapat nang maayos, magalang, at kawili-wili. Hindi nakakabagot dahil bawat pahina, may aantabayanan kang bagong kwento, tauhan, at konsepto. Naisatitik din nang mahusay ang introduksyon para sa lalamanin at magiging kabuuang tema ng libro. Naisaad din kung ano ba ang mga dapat malaman o alamin na mga salita/konsepto. Ang pagbasa ng mga maiikling kuwentong ito ay sadyang ang biswal (imahinaryo) na pagbagtas sa loob ng iba't ibang bayan o lipunan. At ang pagtapos naman ng buong libro ay ang sadyang at labis na paglubog sa umid, nanlalabo, at naghihikahos na siyudad. Muli, pagbati sa mga may-akda/manunulat ng buong libro!

Ito ang mga naging paborito at naibigan kong maiikling kwento: Eskinita, Silang Nagtatago sa Dilim, Kalatas, Ekslusib, Dalantao, Kulay, 2=25, Bunso, A, Reklamador, Libro ng mga Numero, at Bingo.
Profile Image for Ivan Labayne.
376 reviews21 followers
November 4, 2017
baliw si kadangyan sa tafuy, nagpalit ng punto de vista mula ke Edong tas kay Mon pabalik uli ki Edong, ininteriew ni Kris si Adonis, man with a vagina, nagka-anak ng bagnus si Aling Lukring, tumama ang 12-26 sa larong jueteng kung san kubrador si gabo, naging 2000 ang 1999 pero "may mga magnanakaw pa ring itatali sa poste," malinis at mabango pa rin ang siyudad, totoong malinis at mabango
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.