Jump to ratings and reviews
Rate this book

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Rate this book
Ano ang lasa ng Toning Water? Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Na-dagitab ka na ba? Saan makakabili ng aritificial fresh flowers? Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima? Paano makipagkaibigan sa bangaw? Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kay Jesus ba talaga napupunta ang mga lumipad na lobo? Ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? Talaga bang "best buy" ang mga Pinay? Pagod ka na bang maging Pilipino? At bakit ka nga pala baliktad mabgasa ng libro?

Ngayong N K K B S K N T L G, eto na ang sequel...dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere, may New Testament ang Old Testament, at may Toy Story 2 ang Toy Story.

201 pages, Paperback

First published January 1, 2001

560 people are currently reading
9445 people want to read

About the author

Bob Ong

14 books2,373 followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3,483 (36%)
4 stars
2,751 (28%)
3 stars
2,434 (25%)
2 stars
727 (7%)
1 star
178 (1%)
Displaying 1 - 30 of 275 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 31, 2010
Pang-anim na libro ko na sinulat ni Bob Ong: ang totoong may kabuluhan!

Naglalarawan ng totoong katatayuan ng bansa noong panahong lumabas ang libro: 2002. Kauupo pa lang ni President Gloria Arroyo at kaguguho pa lang ng World Trade Center sa New York. Tinutuligsa ng Erap loyalist si Gloria at ang mga backers nitong mayayaman. Hinahanap naman ng mga Amerikano si Osama Bin Laden. Habang si Bob Ong ay masayang nagsusulat dahil pumatok sa masa ang kanyang unang libro, "ABNKKBSNPLAko?" na lumabas noong 2001.

Kagaya ng nauna kong binasang "Hudas", pinagtaypi-taypi pa rin itong mga kuwento at saloobin. Sa halip na conversation between God (na napagkamalan ni Bob Ong na si Lucifer, que horror!) at ng karakter ni Bob Ong, ang ginawang springboard ng libro ay ang mga messages sa dating sikat na blogsite na tinatawag na Bobong Pinoy (mahal daw mag-maintain kaya tinigil na ni Bob Ong). 5 stars sana ang ibibigay ko rito kung di ko sana nabasa na ang ibang mga messages sa aking inbox maraming taon na ang nakakaraan. Tanggap ko rin na may mga ex-Pinoy na mahilig mamuna sa atin dito sa Pilipinas ganoon wala naman silang ginagawa kundi ngumawa at di man makaisip ng paraan para isalba ang kanilang lupang sinilangan. Sa Korea raw, umalis rin ang maraming Koreano (natural, alangan namang Hapon he he) dahil sa gulo ng giyera. Pero bumalik sila matapos ang gulo at tumulong na i-rebuild ang bansa. Hindi ko na nilalahat pero mas marami ang dakdak lang ng dakdak sa internet na ex-Pinoys pero wala ngang ginagawa.

Marami ring magagandang puntos na nais iparating si Bob Ong sa librong ito. Tumbok nya sa dulo na ang mga "Onli in da Philippines" ay hindi lang talaga naman dito sa Pilipinas. OA lang ang ibang tao lalo na yong nagkukunwaring alam nila ang kabobohan din ng ibang lahi. Yong mali-maling inggles? Marami rin nyan sa China. Tayo lang ang kung makapanlain sa kapwa natin na may maling grammar, akala mo naman ay Oxford English ang alam.

Gusto ko nag talatang ito: "Naniniwala akong may pag-asa pa ang Pilipinas. Makikita mo ito sa mga Pilipinong karaniwan nang nagbabalik ng mga nawalang pitaka na naglalaman ng libu-libo - at minsan, milyong piso. Makikita mo rin ito sa mga namamasukang yaya sa ibang bansa, na nagbubuwin ng buhay para iligtas sa disgrasya ang mga ala nilang bata. Simpleng pakinggan, pero kung iisipin mong galing sa third world country ang mga taong may ganyang prinsipyo, na kung saan ang perang maiuuwi sa pamilya ay walang kasing halaga, makikita mo na buhay pa rin sa ugat ng Pilipino ang dugo ng mga bayani."

Bago ang librong ito, akala ko nanloloko lang asi Bbo Ong. May karapatan rin pala siyang tangkilikin at basahin ng mga Pilipino. At ang librong ito ay hindi lang pang-kabataan, bagkus dapat basahin ng maraming Pilipinong nagmamahal sa sariling bayan. Maganda ring basahin ito sa pagsisimula ng taon para makapagbigay ng inspirasyon sa atin.

Sana sumulat pa ng maraming ganito si Bob Ong!
Profile Image for kwesi 章英狮.
292 reviews744 followers
February 18, 2011
Baliktad nga ba talaga magbasa ng libro ang mga Pilipino? Tanga! Hindi, sa totoo lang ang mga Hapon, Koreano at Intsik lang ang nagbabasa ng baliktad. Hindi ko lang talaga kayang unawain kung bakit ang pamagat ng librong ito ay Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? Di naman yata ganun ka bobo ang mga Pilipino at kahit ako nahihirapan sa pagbabasa ng libro kasi nakasanayan kung magbasa ng di baliktad ang takip.

Sa kober pa lang ng librong ito masasabi mo nang nakakatawa ang laman at sulat ng may akda. Bakit nga ba dilaw ang kober, pwede namang gawing puti, asul, pula o ano mang naisip mong kulay, pwede mo ring isama ang fuchsia na di mo kabisado. Ayun, sapul, nalaman kung dilaw pala ang kulay ng libro kasi gustong ihambing ng manunulat ang kanyang aklat sa For Dummies. Salamat at naisip niya yun kasi baka malait ko ang kulay sa sobrang pagkadilaw at salamat din sa may akda ng rebyung ito Isang Pagsusuri: Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? ni Bob Ong na isinulat ni Hello Kitty.

Sa unang tingin pa lang sa taong may kakaibang buhok sa takip ng libro, masasabi mong si Erap nga talaga ang nasa larawan at sino naman yung kasama niya na may mahabang begote? Malay ko kung sino baka pandagdag lang sa sobrang simple ng kober, biro lang. Baka inihambing siya sa mga Amerikano o yung presidente ng Amerika bago ang taong 2002. Di lang ako sigurado sa larawang iyan at di naman siya nabanggit sa libro kahit ulit-ulitin mo pa.

Bakit nga ba si Erap? Sabi nga ni Jaime Licauco isang manunulat ng mga kwentong siyensiyang paranormal, na si Erap ang replika ng mga Pilipino. Di naman lahat pero halos sa mga Pilipino ay gawing Erap. Hindi ako nanglalait pero totoo talaga at sangayun ako kay Jaime Licauco kasi paborito ko siyang manunulat may-point siya. Di ko na kailangang ipaliwanag kung bakit, atin-atin na yun. Ito pa may pangtapun pa ako, sa isa sa mga akda ni Nick Joaquin, National Artist ng Pilipinas na ikinuwento niya na si Erap ay isang drop-out ng Ateneo, sugalero, babaero at madami pang negatibong komento. Saang libro ko yun nakuha? Bahala na kayong magbasa, isa-isahin niyo ang mga aklat niya. Diba di lang kayu nag-research binasa niyo pa ang mga libro ni Nick Joaquin.

Walang banghay ang kwentong ito, mga koleksyon lang ng mga isinulat nyang maiikling kwento sa kanyang blog. Baka di ako nasanay magbasa ng librong walang banghay, di naman yata, mahilig naman akong magbasa ng mga librong puro koleksyon ng mga maiikling kwento. Ang problema, walang kabanata ang libro niya, patuloy siyang nagkwekwento ng mga barberong kwento. May nakakatawa, may mga out of this world at may mga masasakit na katotohanang dapat tanggapin ng mga pinoy. Isa pang problema sa kanyang aklat ay sa sobrang iksi lang ng kanyang gustong iparating, dinagdagan niya ng mga kwentong di naman kasama sa pangunahing paksa. Puro niya na lang yata nilait ang Pilipino at ang one-eight ng kanyang isinulat ay puro puri sa kanyang bayan.

Di ko talaga nagustuhan ang unang kalahati ng libro, gusto ko na yatang itapun sa bintana. Isipin niyo nasa pangwalong palapag ako nagbabasa habang gumagawa ng pagsusulit sa Carbohydrates. Buti at di ko naisipang gawin siyang sample at binuhusan nang ethanol at biglang sunugin. Di naman ako ganun ka sama at buti na lang binato ako ng kaibigan ko ng papel at nagising at pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa. Salamat at nagustuhan ko din ang kanyang dilaw na aklat.

Kung ang nilalaman ng kwento ang ating usisain, matatagalan ako bago ko matapus ang aking pagsusuri sa aklat na ito. Puro kalokohan ang nilagay niya, mga mais na biro at masasakit na salitang binitawan. Sa halip na tatawa ako, ako pa'y biglang nagalit sa Amerikanong kinausap niya at mga sulat na galing sa mga taong nagibang bansa at mga banyaga. Akalain mong nilait tayu kahit pinuri man tayu, lait pa rin ang kinalabasan. Masakit talagang tanggapin ang katotohanan kahit umiyak ka man, magpakamatay, walang mangyayari sayu. Magbago na kasi tayu bago pa gumawa ng bagong libro si Bob Ong, gusto ko may banghay na at kabanata. At dito nagtatapus ang maiksing pagsusuri ni ChuvaChuChu sa dilaw na aklat ni Bob Ong.

Bago ko makalimutan ang lahat, ang gustong ipahiwatig ni Bob Ong sa kanyang akdang dilaw ay Disiplina sa mga walang disiplina. Ayan party, party na at natapus na ang walang katapusang pagsusuri.

[image error]
Kahit ang presidente ng ating bansa, na si Erap, ay gustong kainin ng mga mamamayang Pilipino. Grabe na kayo, di ko kayang kumain ng letsong tao. Mauna muna kayu bago ako, kasi alam kung pag-agawan lang siya at maubos bago pa ako makakain.

Grado - Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?: Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong ni Bob Ong, 2'ng Kendi at sa mga taong kinakailangan nang disiplinahin. (Ayan di ko na sineryoso si Bob Ong na di naman nagseseryoso sa kanyang sinusulat. Salamat sa payo mo at nagampanan kong bigyan ng rebyu ang aklat ni Bob Ong. Sa wakas, ang pangdekorasyong libro ng aking minamahal na kapatid ay nabasa ko na, pwede ka nang ilagay sa mga encyclopedia at almanac sa bahay.)

Mga Hamon:
Pang-28 na aklat sa taong 2011
Pang-16 na aklat sa Off the Shelf!

Profile Image for Apokripos.
146 reviews18 followers
January 16, 2009
Nakakatuwa ang librong ito and at the same time nakakakurot ng puso. Ito na ata ang pinkamakapal at pinakamahal so far sa lahat ng libro niya na nabasa at binili ko. Maganda na sana sa umpisa ehh kaso masayadong nabog-down 'yung libro sa mga forwarded messages at email (para naman kasing hindi ko rin natanggap 'yung mga 'yon). Over all nakakatawa siya' yun lang.
Profile Image for Mara.
24 reviews
November 9, 2012
Iilan pa lang ang nabasa kong libro ni Bob Ong pero masasabi ko na ito ang pinakanagustuhan ko. Kahit na puro kapangitan at "bulok" na sistema ng bansa ang nakapaloob dito.

Hindi ko maiwasang maluha (Oo, naluha talaga ako) habang nagbabasa. Isang malaking sampal sakin ang mga nabasa ko. Apektado talaga ako, kahit pa alam kung totoo naman ang mga ito. Hindi ako Nasyonalistang tao, pero masakit para sakin ang lait-laitin at sabihan ng hindi magagandang salita ang bansang sinilangan ko.

Pagkatapos ko itong mabasa, ako'y napaisip. Tuluyan na ba talagang nilamon ng baluktot na sistema ang ating bansa? Nang maling paniniwala? Sino nga ba ang dapat natin sisihin sa nangyayari satin ngayon? Ang mga opisyal ng gobyerno o ang mga sarili natin mismo?

Bakit nga ba sa tuwing may mali, kung sino sino ang tinuturo nating may sala? Gusto natin ng pagbabago, pero wala tayong ginagawa para makamtan ito. Karamihan sa atin ay nakadepende lang sa gobyerno. Hindi ba magandang magsimula muna sa mga sarili natin ang pagbabago?

"Ano ang talino kung walang disiplina? Ano ang gamit ng mapagkukunang-yaman kung walang kaayusan? May iba na kaunti ang biyaya kesa satin, mas malayo ang narating. Kaya natin manguna. Ang kailangan lang ay DISIPLINA."



Sang-ayon ako dito. Kaya walang asenso, dahil hindi disiplinado. Kung tutuusin, madami tayong likas na yaman, pero ano ang ginawa ng iba dito? Inabuso at ginamit sa maling pamamaraan sa halip na pagyamanin at pakinabangan ng nakakarami. Isama na natin dito ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan. Mga kapwa natin Pilipino na nakarating lang sa ibang bansa ay akala mo na kung sino. Sa halip na tumulong sila para iangat ang bansa, ay sila pa mismo ang nagbabagsak dito.

Magandang irekomenda ang librong ito para mabasa ng mga kabataan at kapwa Pilipino para mamulat ang kaisipan. Nang sa ganon ay maging paki-pakinabang at maging isang huwaran. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na uunlad din tayo. NASA ATING MGA KAMAY ANG ASENSO, KUNG MAGTUTULUNGAN LANG TAYO
Profile Image for Dawn Tagala.
53 reviews2 followers
February 5, 2008
The favorite author of the EMA people (which i just found out about), BOB ONG did not fail us. With his signature style of witty and casual but meaningful writing, I enjoyed every bit of the book. This book woke up my nationalistic side. It made me think on how Filipino or how less Filipino I have become. It made me confused on how to deal with my being Filipino. The downside of this book (and probably the only downside)is the part about the martial law babies. Im sorry bob Ong, But I did not at least have an interest on that. But i assure everyone that I did not skip that part. I read that too only without comprehending. I let my friends read the book. One of them texted me after reading it. She said: Tara Dawn! Baguhin natin ang mukha ng Pilipinas!
Profile Image for Maria Fatima.
258 reviews41 followers
April 27, 2022
Sakto lang. Hindi ako masyado nag-enjoy pero pwede na din.
Profile Image for Gelyn.
135 reviews28 followers
July 17, 2011
Unang libro ni Bob Ong na binasa ko. It was great, unang beses kasi na magbabasa ako ng libro nya tapos etong klase ng book ang nabasa ko. I mean the topic is about the country, and I like those types of books. I read this two years ago and I must agree to the content of this book. Sa librong ito nalaman ko sa sarili ko kung gaano ako ka-Pilipino in a sense na nagawa nitong iparamdam sakin yung mga totoong nangyayari sa bansa at patuloy pa ring nangyayari, and of course nag worry ako. Ganito na ba talaga ang bansang kinabibilangan ko?

“Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo’y papalubog na. Basta’t wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.”
Hindi ko ito makakalimutan, ito yung isa sa mga sinulat ko sa likod ng notebook ko sa foreign language habang binabasa ko ang librong ito. I'll admit that I am one of those people who want to go abroad and settle there for good. I don't know why, but hell yeah, that's true. Natamaan tuloy ako ng hindi ko inaasahan. Di kasi ako umilag eh.

"MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS"
Pero dito ako mas nasapul. Tama naman e, reklamo ako ng reklamo sa kalagayan ng Pilipinas, habang hindi nag-iisip kung nagrereklamo na din ba ang Pilipinas sa mga pinagagagawa ko. Swerte ko nga eh, may bansang kumupkop na sakin simula ng sinilang ako, tas mas gugustuhin ko pa sa ibang bansa na wala pang naidadagdag sa pagkatao ko.

This one is really recommended for all the Filipinos out there. c'mon guys have time to read it then reflect.
Profile Image for Joyzi.
340 reviews340 followers
December 21, 2010
Very good lots of issues were tackled about race and Filipinos, but this is my least favorite out of all books because this is more serious and less humorous. There are also boring parts in this book that I didn't like.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 5, 2012
Makabili nga ng pabango bukas!

May naamoy kasi akong di kanais nais.

Ang baho ng Pinas!


Bago natin talakayin kung anu mang baho ang tinutukoy ko, talakayin muna nati ang mga kabalastugan ko bago ko basahin ang librong ito.

Father, patawarin niyo po ako dahil ako'y nagkasala. Ang huling kumpisal ko po ay . . . . . . . hindi ko na maalala kung kailan.

Guilty po ako sa Book Piracy. Inaamin ko po na naging walang kwentang piratang mambabasa ako. Nagdownload lang ako sa internet ng pdf file nang photocopy nitong libro at nagkakasya na po ako sa pagbabasa nito sa aking cellphone tuwing ako po ay walang ginagawa. Nagawa ko lamang po ito dahil sa krisis ng aking bulsa at maitim na pagnanasa na mabasa ang pangalawang libro ng manunulat na si Bob Ong. Patawarin po sana ako ng Panginoon. Patawarin po sana ako ng may akda. Patawarin po sana ako ng taong bumabasa nitong review ko.


Ok, tama na ang kadramahan.
Mas maraming bagay sa bansa ang dapat mas bigyan ng pansin kaysa sa pag iinarte. Mas maraming bagay sa Pilipinas ang mas dapat bigyan ng importansya nang mga Pilipino. Mas maraming bagay sa Pilipinas na dapat nating ipinagmamalaki at hindi ikinahihiya.

Bakit nga ba hindi natin naipagmamalaki ang ating bansa sa halip ay ikinahihiya pa natin ito. Hindi naman ito mahirap gawin.

Sa librong ito, pinapamuka sa iyo na ang pagiging Pilipino ay hindi kasalanang mortal. Ipapamuka sayo na masarap maging Pilipino kung magkakaroon ka lang ng disiplina, responsableng pag iisip at pagmamahal sa bansa. Hindi dapat ikahiya ang Pilipinas dahil wala naman itong kasalanan. At hindi Pilipinas ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa bansa kundi ang mga buwaya (hindi yung mga kauri ni Lolong yung ibang uri ng buwaya ang tinutukoy ko).

Sana mas maganda at mas mabangong Pinas ang nararanasan natin ngayon kung hindi lang dahil sa mga makasariling pinuno nang bansa. Pero pinakamaganda at pinakamabango sana ang Pinas kung hindi tayo umaasa sa kanila at sa kanilang mga panis na pangako.

Alam kong walang mababago sa estado ng bansa kung magsisisihan tayo. Wala ding mangyayari kung aasa lamang tayo. Dapat tayo na mismo ang magsimula ng pagbabago para sa ating bansa.

Alisin na natin ang masasamang ugali na nakakasama sa bayan. Ipagmalaki ang sariling pinanggalingan. Ipagmalaki ang Pilipinas.


Bibili talaga ako ng pabango. Yung IMPORTED!!





Profile Image for Shxrxn.
415 reviews
February 13, 2010
Di na nakapagtataka kung magdusa ang mga Pilipino sa ibang bansa dahil sa mababang tingin sa kanila ng mga tao roon. Gusto man natin sabihing mali ang pagkakakilala nila sa mga Pilipino, mahirap pa ring itanggi ang mga nilalaman ng balita at statistics. Sino at ano nga ba ang mga Pilipino? Wala man masama sa pagiging laborer, paano mo sasabihin sa taga-ibang bayan na hindi lahat ng Pilipino e laborer? Gaano mo nga ba kaganda maipipinta ang bayan mo sa papel na maraming mantsa? Paano mo pagtatakpan ng paliwanag ang mga balitang nagsusumigaw?
- page 131
Ano man ang trabaho mo, kailangan mong dumaan sa lubak-lubak, binabaha, mausok, at matrapik na kalye araw-araw. Magbabayad ka ng pamasahe na taun-taun nagtataas. Kung hindi ka maho-hold-up sa jeep ng mga bandido o pulis, swerte.
- page 147
Siguro kaya tauo mahiyain ay dahil alam natin kung ano ang nasa isip ng mga kapya natin Pilipino. Alam natin kung mapapahiya tayo dahil ganoon din tayo manlait sa kapwa.
- page 184
Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tibgin mo ay palubog n. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.
NANINIWALA AKONG MAY PAG-ASA PA ANG PILIPINAS. Makikita mo ito sa mga Pilipinong karaniwan nang nagbabalik ng mga nawawalang pitaka na naglalaman ng libu-libo-at minsan, milyong piso. Simpleng pakinggan, pero kung iisipin mong galing sa third world country ang mga taong may ganyang prinsipyo, na kung saan ang perang maiuuwi sa pamilya ay walang kasing halaga, makikita mo na buhay pa rin sa ugat ng Pilipino ang dugo ng mga bayani.
- page 188
Profile Image for bookishpoetess.
623 reviews75 followers
January 29, 2016
""May problema ang bansa, nangangailangan ito ng tulong mo." Yan lang ang simpleng mensahe. Hindi na importante kung may iba kang opinyon, ang importante'y isa ka ring nagmamalasakit."

Bakit baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino? Wala akong ideya noong una ko itong nakita at nabasa. Wala akong ideya kung ano ang pwedeng maging laman ng librong ito at kung ano ang punto ng titulo nito. Pero ngayong binasa kong muli ito, muli akong sinampal ng katotohanan tungkol sa ating bansang Pilipinas. Nakakatuwa nga nung una. Puro katatawanan, puro kalokohan, mababaw lang. Ngunit palalim ng palalim ang mga ideya at reyalidad na ipinupukpok ng mga salita sa utak ko hanggang sa matapos ko ang librong ito. Marami akong nabasang masasakit dahil alam kong totoo naman ngunit hindi ko maiwasang magalit sa kadahilanang tayo ring mga Pilipino ang gumagawa nito sa ating bayan. Higit na nakakalungkot dahil halos isang dekada na mula noong ilabas ang librong ito ngunit lahat ng mga nabasa ko ay akmang-akma pa rin sa panahon ngayon. Lumalala ang Pilipinas. Walang asenso. Pero nandoon pa rin ang pag-asa na balang araw ay giginhawa rin tayo. Kaso kasi, bakit hindi pa ngayon?

Marami akong opinyon ngunit ayokong maging magaling lang magbigay ng opinyon pero wala namang ginagawa. Dahil ako mismo, aaminin ko, hindi ko alam paano tutulong.

Ang librong ito ni Bob Ong ay isang patunay kung gaano siya kagaling sa larangan ng pagsusulat. Si Bob Ong ay isa sa mga paborito kong manunulat dito sa Pilipinas. Lubos ko siyang hinahangaan sa walang takot niyang pambabatikos sa ating pamahalaan at pagpapamukha sa mga Pilipino sa nangyayari sa ating bansa.
Profile Image for Theresa Mariz.
Author 1 book14 followers
September 21, 2018
Matagal ko nang gustong bilhin ang librong ito dahil nahalina ako sa cover. Actually, it piqued my curiosity so much, though I had no idea kung anong ibig sabihin ng "kwentong barbero".

Hindi siya para sa mga taong naghahanap lang ng funny and light reading. This book needs your attention when you read it. It's an eye-opener with a whip of comedy on the side. But comical aspect aside, it clearly shows the dirt and negative side of us Pinoy. I love it. I love it to bits, though some parts were a bit dragging, but I love the topic. Not a lot of people would dare to read it because it's very insulting in some parts but I think that, that is the charm of this book.

It's a very detailed criticism to the "bad Pinoy ways". And its utmost way of letting us understand that even through it all, we should be proud of ourselves. Not because of the "bad Pinoy ways", but because we are all Pinoys and it is our duty to our country and fellowmen, and to ourselves, to love our country, to love the core of our nationality.

I love how it criticize us about our crab mentality, always thinking that imported goods are much better than the local products. I love how it points out that we love ourselves less because we let other people treat us bad.

I believe that the main point of the book is to let us see that we can never ever get that development we so want if we don't start with ourselves, by believing and loving what is truly ours. By respecting ourselves so that other nationalities would respect us too.

I recommend this book to every Pinoy out there. ♥
Profile Image for Josephine.
Author 4 books79 followers
February 2, 2013
Ten years or so ago, I saw my little sister reading Bob Ong's books. It was very hard not to miss it seeing that she kept on laughing the entire time she was reading it. For some reason, I was never interested, I didn't even browse the books. Just from the covers, I knew right away that it wasn't for me.

Come 2013, I vowed to give the books that I didn't like at first glance a chance; hence, my reading this.

I didn't know whether or not I'd be surprised or amused as my first impression was right on the mark. Needless to say, it was very hard to finish this book because I kept on falling asleep. The only reason I was able to finish it was because some members of the book clubs I'm in told me that they give the book a chance no matter how boring it is and they try to finish it. I thought I should try to emulate them.

Being a snooze fest aside, I still rated this four stars because I liked what the book was trying to say [although the opinions weren't from Bob Ong alone--it included that of various other people as well].

I get it.

The author and the other writers in this book tried to zero in the root cause of our so-called societal problems--the Filipino mentality--etc., etc. It was quite an extensive list by the way, and I feel that I'd be awfully redundant if I enumerate it seeing that most Filipinos are already aware of these anyway.

And so, the real question is that, at the end of the day, what do we really do about these problems?
Profile Image for Smarties.
11 reviews
January 29, 2013
Nung una ko tong nabasa nung nasa kolehiyo pa ako.. Mejo mas nagandahan ako sa una niyang sinulat kumpara dito.. Siguro kasi dahil hindi pa mulat ang isipan ko masyado.. Siguro dahil kalahati Bobong Works at kalahati compilation.. Parang thesis, review of related literature.. Nung nabasa ko ulit siya, siguro dun ko nakita ang mga bagay na hindi ko nakita.. Ang pagpapahalaga.. Pagpapahalaga sa aklat na ito.. Pagpapahalaga niya sa bansa natin.. Kung tayo mismo o kung ang bawat isa sa atin ay marunong magpahalaga sa bansa natin ay may pag-asa na makita natin ang kagandahan ng bansa natin.. Unlimited ang natin..

Sa ngayon kasi masasabi mo na panget ang isang bagay kung panget ang nakikita mo.. Subukan mo tignan ang maganda para yun din ang nakikita mo..

Sana ang bawat namumuno sa ating bansa ay mabasa to para mamulat sila o magising ang natutulog nilang damdamin ng pagmamahal sa bayan.. Gawin sanang pre-requisite bago manungkulan..
Profile Image for Nathaniel Gabriel.
39 reviews
June 26, 2025
4/5 stars

Matagal na panahon na ang lumipas mula noong una kong mabasa ang librong ito. At hindi tulad ng aking unang karanasan, mas naintindihan ko ngayon ang kahulugang nais nitong ipabatid. Oo, nakakatawa ito sa unang bahagi, pero mula sa kalagitnaan hanggang sa dulo, naging seryoso ang nilalaman—unti-unti nang nananampal ang mga salita ng katotohanan. Paano nga ba maging isang tunay na Pilipino? Dapat ba akong maging proud sa aking lahi at bansa? O tulad din ako ng iba na tuluyan nang itinatanggi at nililihis ang katotohanang isa akong Pilipino? Kahit mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang isulat ang librong ito, nananatiling buhay at totoo pa rin ang mga nilalaman nito sa kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas.
7 reviews2 followers
July 24, 2009
sa lhat ng libro nya... dito tinamaan ang pagka pinoy ko. kala ko dati na ayus lang,,, i love being a pilipino. pero ng mabasa ko to gusto kung sabihing...teka pwede bang mag pahinga muna sandali? medyo tinamaan kasi si "EGO"eh.gusto kong mag wala,gusto kong mawala.... medyo nahiya,medyo natuwa. medyo nag isip,kahit walang isip. pinoy talaga ako... gusto kung wag ng pag usapan ang kapintasan ko,, ang pag kukulang ko at kahinaan ko ... pero ipinag ladlaran pa nitong si pareng bob. masakit tanggapin, totoo eh!pero basahin mo paren PARE! PINOY k diba? dapat mong malaman ang di mo pa alam....dahil "ITO TAYO"!! ORIG!!
Profile Image for Alyn.
331 reviews
September 23, 2008
First time to read a Bob Ong book. It has it's funny side: baliktad na cover...His witty style did not diminish the impact of the book's content. Smooth transition... funny then towards the end, serious na, a real eye opener...

Hated it, loved it. Gave me an insight to what makes me a Filipino. Made me ponder and realize what I can do to change the country, the people, the culture, what others think about us
Profile Image for Kitkit Villanueva.
3 reviews
December 13, 2009
This book taught me how to read again and read correctly. The author, Bob Ong, showed humor in events that we did not find funny at all. Its amazing how one presented such material, opening our minds on how we are with our "Filipino Ways". A must-read.
Profile Image for Conrado Luis.
6 reviews
December 22, 2014
Finally, after 6 years, I re-read this book.
Bob Ong doesn't let up, does he?
He goes into the fray of the Filipino culture and the surrounding comments regarding it.

4/5 since he made my day.
read this for 3 days, just didn't update early.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Airene Cabral.
29 reviews1 follower
June 27, 2021
Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino is a true-to-life experience and concern that are relatable. I admire Bob Ong's allegiance and interest in making sure we know what is happening in our country, the Philippines.
Profile Image for KM Cunanan.
21 reviews
January 20, 2012
This is my favorite out of all his books. I love the wittiness; the subtle political and social satire is impeccable.
Profile Image for Danielle.
37 reviews36 followers
August 29, 2018
I think I would have enjoyed this more if the introduction didn't take SO long (2/3 of the book. Bob Ong really?).
Profile Image for Elaine.
216 reviews6 followers
January 28, 2019
I bought this book when I visited the Philippines because I wanted to practice my Tagalog reading skills, and it was one of the few Tagalog books I found in National Bookstore.

I think this was a very interesting and entertaining read. Bob Ong definitely hit a lot of the same frustrations I have with current Filipino culture. What I like about it though is that his way of complaining isn't to diminish Filipino culture, but to uplift it because he truly believes the nation can do better.

Unfortunately as it is with all kinds of complaining sessions, you do get to a point where everything becomes circular or contradicting. I found this especially true with some of the criticisms of colonial mentality. The guest post by Ryan Quijano criticized Philippine colonial mentality by saying how much better American lifestyle is because *they* don't have colonial mentality. As you can see, that's really ironic.

I also balk at Nick Garcia's disdain towards Starbucks, and his condescension towards female Filipino teens. His complaints about Starbucks culture is reminiscent of the world's belittling opinion of anything that is marketed towards girls (like One Direction or Twilight or the colour pink; don't get me wrong, I like none of these things, but my "I'm-not-like-other-girls" phase is pretty much over.) Gripes about materialism are understandable, but once you start picking on squatters for having washing machines, you're being myopic. That's a lot like when people here in North American cannot afford health insurance and are made to feel bad about having smartphones. Let's be real -- giving up your washing machine isn't going to make you more likely to afford real estate. These things are just symptoms of bigger issues about employment and affordability of necessities.

Overall, I did like it. It's a lot to stomach, and the constant barrage of everything wrong with the Philippines can get depressing at times. But Bob Ong does leave the reader on a higher note, and prompts us to think about how we can help fix things, now that we're done complaining.
Profile Image for Juan Ligaya.
14 reviews3 followers
May 22, 2023
Bob Ong offers an intriguing and light-hearted examination of Filipino reading habits and cultural idiosyncrasies. This book provides an entertaining and often humorous take on the reading preferences and behaviors of Filipinos.

One of the strengths of this book is its ability to shed light on the unique relationship between Filipinos and literature. Through witty anecdotes and observations, Bob Ong presents a colorful picture of the reading landscape in the Philippines, touching on various aspects such as bookstores, libraries, and reading materials.

The author's conversational and humorous writing style makes for an enjoyable read. The casual tone and relatable anecdotes create a sense of camaraderie with the reader, allowing for moments of laughter and recognition. It is clear that Bob Ong understands the pulse of Filipino readers and effectively connects with his audience.

Additionally, the book offers glimpses into the historical and cultural factors that have shaped the Filipino reading culture, providing some interesting insights. It prompts readers to reflect on their own reading habits and the broader societal influences that impact the literary landscape in the Philippines.

However, there are a few aspects that prevent me from giving a higher rating to this book. The lack of a cohesive structure is noticeable, as the book reads more like a collection of loosely connected anecdotes rather than a comprehensive exploration of the topic. While this approach can be entertaining, it occasionally leaves the reader longing for a deeper analysis or more substantial content.

Furthermore, there are instances where the humor and satire overshadow the potential for deeper insights. While the light-hearted approach is engaging, it can feel superficial at times, leaving the reader craving a more profound exploration of the subject matter.
Profile Image for Mac Dubista Keso The Bibliobibuli v(=∩_∩=).
546 reviews70 followers
September 13, 2020
𝐑𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝟯.𝟱/𝟱 ✰⁣⁣
⁣⁣
❝𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒚𝒂𝒘 𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒔𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔.❞⁣⁣
⁣⁣
☙ Pang-anim na libro para sa buwan ng wika.ü⁣⁣
⁣⁣
☙ Pinagmamalaki mo bang isa kang Pilipino? Masaya ka ba sa lupang sinilangan? ⁣⁣
⁣⁣
❝𝑺𝒂 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒚, 𝒌𝒂𝒚𝒔𝒂 𝒊𝒑𝒂𝒖𝒃𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒅𝒉𝒂𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒖𝒍𝒊𝒕𝒊𝒌𝒐 𝒂𝒕 𝒐𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝒈𝒐𝒃𝒚𝒆𝒓𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒆𝒓𝒚𝒐𝒔𝒐 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐 𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒌𝒐 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒐𝒌𝒐𝒏𝒔𝒆𝒏𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒂'𝒚 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒍𝒆𝒌𝒔𝒚𝒐𝒏, 𝑴𝑨𝑲𝑨𝑩𝑼𝑩𝑼𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑼𝑴𝑨𝑺𝑨 𝑫𝑰𝑵 𝑻𝑨𝒀𝑶 𝑺𝑨 𝑺𝑨𝑹𝑰𝑳𝑰 𝑨𝑻 𝑻𝑼𝑵𝑨𝒀 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑰𝑹𝑨𝑳𝑰𝑵 𝑨𝑵𝑮 𝑻𝑰𝑵𝑨𝑻𝑨𝑾𝑨𝑮 𝑵𝑨 𝑫𝑰𝑺𝑰𝑷𝑳𝑰𝑵𝑨.❞⁣⁣
⁣⁣
☙ Malalim ang tinatalakay na paksa sa librong ito. Isa ang kamulatan natin sa mga mali nating pwedeng itama. Ang hindi pagsisi sa ibang tao patungkol sa kasalukuyan nating sitwasyon. Ang pagbubukas ng isip para tuluyang mawakasan ang kamangmangan tungkol sa kasaysayan ng ating lupang sinilangan.⁣⁣
⁣⁣
☙ Tumatak din sa akin ang mga katagang : "Bigyan mo ng pagkakataong makilala ang ibang manunulat, sa pamamagitan ng pagbasa sa iba't ibang klase ng libro."⁣⁣
⁣⁣
❝𝑴𝒂𝒚 𝒑𝒓𝒐𝒃𝒍𝒆𝒎𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒏𝒔𝒂, 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒊𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒐.❞⁣⁣
⁣⁣
☙ Matapos kong basahin ang librong ito, isa ang katanungang umukilkil sa aking kaisipan : May pag-asa pa nga ba talaga ang ating bansa? 😔⁣⁣
⁣⁣
ıllıllı - ıllıllııllıllı - ıllıllııllıllı - ıllıllı⁣⁣
⁣⁣
❦ 𝚁𝚎𝚊𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚞𝚙𝚍𝚊𝚝𝚎 :⁣⁣
⁣⁣
❦ 𝙻𝚊𝚜𝚝 𝚛𝚎𝚊𝚍 : 56⁣⁣
❦ 𝙲𝚞𝚛𝚛𝚎𝚗𝚝 𝚛𝚎𝚊𝚍 : Stainless Longganisa⁣⁣
❦ 𝙽𝚎𝚡𝚝 𝚛𝚎𝚊𝚍 : TPGS #24⁣⁣
⁣⁣
▌│█║▌║▌║ - ║▌║▌║█│▌⁣⁣
Profile Image for Meri Greys.
14 reviews
August 3, 2023
I learned so much reading the book. Being Filipino, it truly affects me. I have a xenocentric bias. I believe that Filipinos are not the best kind of people, and I like the idea of being a resident of America in my next life. I learned from the book that I wasn't supposed to behave in that way. Philippines is still a third-world country as a consequence of my ideals. The Filipino people, who make up this country, are responsible for its prosperity. Even though I favor western songs and locations, etc., I still believe that it is unfair that we allow foreigners to prosper at our cost. Millionaires (not Filipino) governed our nation, keeping the Filipino people as slaves. Everybody must have access to education. Education, in my opinion, is the key to raising Filipinos' awareness of the suffering of their own nation. If they are conscious, they will think about it and take action. Not only do we need intelligence, but also heart. Future generations must be considered, as they will suffer as a result of our own stupidity and selfishness. We don't want that. If we have heart, we won't act inhumanely concerning the betterment of future generations.
Profile Image for Joanna.
6 reviews
February 13, 2023
Noong una ko itong mabasa, hindi ko maintindihan kung bakit pilit inirerekomenda ng mga High School Filipino teachers itong libro ni Bob Ong. Bilang mangmang na estudyante noon, hindi ko naintindihan ang nilalaman at ibig ipahayag ng libro (lalo na kung ang due date ng book report project ay bukas na)

Makalipas ang maraming taon (sa wakas ay naunawaan ko na sa pangalawang pagkakataon), nakakatawang isipin na ganito pa rin ang kinakaharap ng Pilipinas. Walang progresibo. Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga nabanggit kahit taon na ang nakalipas simula ng mailimbag itong libro.

Isa ito sa mga paborito kong libro ni Bob Ong. Hindi man tipikal na libro na mayroong karakter at storyline, sinasalamin nito ang totoong kultura, kaugalian, idelohiya, at tradisyon ng mga Pinoy. Maka-masa. Napapanahon at nagmumulat ng mga mata ukol sa isyung panlipunan.

May mga iilan siyang nabanggit na hindi ko rin sinang-ayunan ngunit maganda ang mensaheng nais iparating sa mambabasa. Indeed, nationalism and patriotism restored.
1 review
August 1, 2018
Magandang babasahin para magbaliktanaw sa nakaraan. Medyo dated na yung ibang parts lalo na ngayong 2018 na mahigit 10 taon since mapublish itong libro. Pero karamihan sa nilalaman ay napapanahon pa rin at applicable pa rin sa kasalukuyang pamumuhay at estado ng mga Pilipino. Paniguradong makakarelate ka pa rin sa maraming kwento na nakasulat.

Maraming mga quotes dito na magpapaisip syo at magpapatanong tungkol sa tunay na kabuluhan ng pagiging Pilipino.

Impormal ang pagkakasulat, parang nagkukwentuhan lang kyo ng author. Kung ipinanganak ka noong 70s at 80s medyo masmakaka-relate ka sa ibang mga topics stories na nabanggit sa unang bahagi ng libro.

Goal ng author ang magbigay ng nakakaliw ng kwento sa mga mambabasa habang ibinabahagi nya ang malalim na mensahe na pagkakaisa ng ating lahi, pagmamahal sa ating bayan at pagiging proud bilang isang Pilipino.
Displaying 1 - 30 of 275 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.