NOBELA Grand Prize winner of the 69th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
Sa maliit na bayan sa San Pablo, may isang grupo ng mga batang lalaki ang nabuo mula sa pagkamangha sa mga kuwentong kababalaghan—sina Arturo, Peklat, Ron, Dennis, Maykel, at Teodoro. Kung saan-saan sila sumusuot upang maghanap ng engkanto, multo, o aswang. Kung hindi kapalpakan ay tawanan ang kinahahantungan ng kanilang pakikipagsapalaran. Isang gabi ay napasubo sila sa engkuwentrong hindi nila nasukat. At ang kanilang mga buhay ay tuluyang nahulog sa isang patibong ng mga desisyon at pagbabago.
Though I really like the author’s writing style, there are some dialogues here that I am not a fan of. If you grew up experiencing being bullied because of how you look and/or they way you act, you’ll know what I’m trying to point out and I believe those can be delivered better.
This is also a bit short for my liking. Will still get the sequel tho since the overall storyline is interesting. 3stars!
Sa maliit na bayan sa San Pablo, may isang grupo ng mga batang lalaki ang nabuo mula sa pagkamangha sa mga kuwentong kababalaghan—sina Arturo, Peklat, Ron, Dennis, Maykel, at Teodoro. Kung saan-saan sila sumusuot upang maghanap ng engkanto, multo, o aswang. Kung hindi kapalpakan ay tawanan ang kinahahantungan ng kanilang pakikipagsapalaran. Isang gabi ay napasubo sila sa engkuwentrong hindi nila nasukat. At ang kanilang mga buhay ay tuluyang nahulog sa isang patibong ng mga desisyon at pagbabago.
BOOK REVIEW:
Isa ito sa mga librong natapos ko matapos kong bilhin mula sa MIBF 2024.
Napakainteresado ang konsepto ng akdang ito sapagkat dinala ako nito sa lugar na nagmistulang nagbalik sa aking pagkabata. Maraming mga senaryo at eksena na sadyang hindi ko maitatanggi na ako ay naka "relate". Magaling ang pag develop ng mga karakter. Nagustuhan ko na hindi tinipid ng awtor ang pagpapalawig ng katauhan sa storya. Magaling ang pag-eexecute ng mga Pilipinong Mito at mga nakakatakot na mga nilalang. Sakto rin ang pagdagdag ng elemento ng "adventure", bagay na talaga namang kasuba-subaybay ang bawat kabanata. Sobrang natural ang pagkilos ng mga karakter at eksena sa nobelang ito. Nabigyang diin ang pamumuhay ng isang Pilipino. Inilatag nito ang ating kultura ng walang paghihikahos at pagdadamot. "Effortless" ika nga sa ibang termino.
Ngunit bukod sa dito, may ilang bagay lamang akong napansin bilang isang mambabasa. Hindi maitatanggi na maganda ang pagbuo ng istoryang ito pero may mga maliliit akong bagay na nakita ako na sa tingin ko ay nakakapuwing sapagkat bitbit nito ang ilan sa mga "Social Injustices" na ating nararanasan.
Una ang prominenteng "Friendly Bullying" /Body Shaming sa kabuoan ng istorya.
Hindi man sadya ngunit napansin ko na medyo off sa akin ang mga ganitong tipo ng gawa. Bilang isang tao na nakaranas ng "bullying", masasabi ko na ang pag-aabuso kahit ano pang porma at pang ge gatekeep ay pang-aabuso pa din. Hindi natin matatanggal ang ideya na ito pa din ay porma ng "bullying" na nakakaapekto sa paglaki at sa pagtingin ng isang bata sa mundong kanyang kinagagalawan na sa paglaon, makakaapekto sa kanyang sarili. Naniniwala ako na hindi man totoo ang mga karakter, Bukod dito, malaki ang epekto nito sa mga mambabasa. Either, gawing normal at kaswal ang pambubully o magpatikom sa mga bibig na nakaranas ng below the belt commentary dahil okay lang naman bullyihin dahil kaibigan. Medyo hindi nag click sakin ang mga "banter" na sa ilan ay katatawanan, ngunit para sa akin, awa at panibagong hinanakit na maaring dalhin. Umasa ako na sa huli maaadress ang bagay na ito ngunit parang walang follow up sa development ng talakaying ito sa pagtatapos ng istorya.
Negative Connotation patungkol sa mga Guro
May isang "passage" sa akdang ito kung saan may sagutan isang mag-aaral at ang isang guro. Para sa akin, isang napakalaking bahagi ng mga guro sa pagkatao ng isang kabataan. Isa sila sa mga pundasyon ng ating pagkatao. Ngunit sa akdang ito hindi ko nagustuhan ang pagrerepresenta sa kanila. Tiningnan ko ang iba't-ibang anggulo at naisip ko na marahil nakaugnay sa parang "80-90's" na panahon ang vibe nito, kaya nabigyan ng ganitong representasyon ang mga guro. Pero para sa akin, hindi naging malinaw o binigyan ng kaliwanagan ang parteng ito. Walang diin kung bakit ganoon kaagressive ang guro. Naniniwala ako na may rason ang lahat sapagkat naniniwala ako na ang ating guro ay willing magturo at willing magpaturo. Eto yung binabaon kong ideolohiya hanggang sa ngayon.
Marahil ayoko lang na maalala ng mga mambabasa na ganito ang ating mga guro. Natakot ako na baka sa simpleng bagay na ito, magmarka ito at maitanim na "terror nga ang mga guro at hindi magpapatalo at willing na tumanggap ng opinyon mula sa kanilang estudyante." Marahil ito ay personal kong "bias" ngunit naniniwala pa din ako na may impact ang negatibong representasyon sa kanila lalo na sa mga lathalain at nobela.
Unnecessary commentary about Representation
Napataas ang aking kilay nung may nabasa ako patungkol sa paghahalintulad ng "Barbie" bilang simbolo ng takot at pagkaduwag. Maliit man na bagay ngunit ang mga simbolong ito ay gumagawa ng isang malaking ingay. Naging dating sakin na ang mga naglalaro ng "Barbie" ay mahihina at duwag na sa tingin ko ay mali. Hindi nasusukat ang katapangan sa mga bagay na pinipiling laruin at gustuhin ng isang tao. Nagtunog na parang may pagka" Borderline Patriarchal" ang boses ng awtor dito at naging insensitibo sa mga kababaihan at mga myembro ng LGBTQIA+.
Marahil ang mga nabanggit maliliit na bagay sa iyo na nagbabasa ng aking rebyu ngunit sinabi ko nga sa una na ito ay gumagawa ng malaking "impact" higit sa mga mambabasa nito. Naniniwala ako na ang iilan sa mga ito ay maari ding gamitin ng mga konsepto na nasa akda lalo na kung pangarap din nilang maging manunulat sa kalaunan. Sana, na inaddress ang mga ito at nagbigay ng mga maliliit na detalye (kahit hindi kalakihan) na ang mga bagay na nasabi sa itaas ay hindi dapat tinotolerate at niroromanticize.
Bilang paglalahat, nagustuhan ko naman ang storya. Aabangan ko pa din ang mga susunod na akda ng awtor ngunit mas umaasa ako na mayroong mga bagay na magbibigay ng kaliwanagan sa mga mambabasa patungkol sa mga maliliit na "social injustices at issues" na maaaring gumawa ng isang "ripple" na kalauna'y magiging malaking alon na maaring lumunod sa ating komunidad.
Rating: 3.5 Stars.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Medyo awkward para sa akin yung ibang mga dialogues sa first few chapters. Napapakunot ako ng noo. Naging okey naman sa mga later chapters.
Si Billy ba si Art? Parang boses nya naririnig ko hahaha jk
Ang ikli! Pero understandable. Hopefully, mas maraming ibigay ang Book 2 (na sagot at hindi tanong)
Really liked the later parts. Expected na ganon ang mangyayari pero iba pa rin ang dating sa akin habang binabasa especially yung guilt. I remember Janus Silang.
Okey naman ang build up kaso may something na nangyari na parang out of nowhere. Parang walang connect sa daloy ng kwento.
Sa intro pa lang nawili na agad ako. Wala pang kahit anong binabanggit tungkol sa mga karakter sa istorya bukod sa sila'y likas na makukulit ay parang nakaramdam na agad ako ng attachment sakanila. Nung sinimulan kong basahin yung kwento mismo, tila lalo akong nahila hindi lang ng mga bida ngunit ng buong mundo na binuo ni Sir Erik.
Sa kada bagong chapter na sisimulan ko tila lalong lumalalim yung pagmamahal ko sa kanilang lahat. Hanggang sa hindi ko na namamalayang parang kasama na ako sa biruan, asaran at kahit hindi nila aminin ang pagmamahalan ng Lihim na Samahan o Mga Anak ng Dilim o Mga Anak ng Talim. Well, kahit anong pangalan pa yan isa lang ang masasabi ko, sana nung bata ako ay nagkaroon ako ng mga tropa na kagaya nila Art, Maykel, Teod, Den, Peklat, at Ron. Ang galing din mag laro ng emosyon ni Sir Erik, sa isang banda nagiging emosyonal ako pero ilang saglit lang natatawa na ulit ako; Solid!
Bilang isang fan ni Janus Silang at ng Santinakpan, hindi ko naiwasang ipagtabi ang dalawa. Pero kahit gaano ko subukang pagkumparahin ang dalawa litaw na litaw ang pagkakaiba nilang dalawa at yun ang maganda. Nagustuhan ko ang approach dito sa Agaw-Anino kasi mga normal na bata ang mga bida, kagaya natin. Naging testamento rin ang kwento na ito sa kung gaano ka-curious ang mga bata sa panahong inosente pa silang lahat sa mapang-aping mundo.
Isa sa mga pinaka gusto kong elemento ng kwentong ito ay kung paano ipinakita ni Sir Erik sa aking ang mundo mula sa lente ng isang bata. Bilang isang graduating na college student na kung anu-anong shit na ang iniisip sa buhay parang naging sort of isang maikling pahinga ito sa akin. Parang ipinaalala sa akin na minsan sa buhay ko ay tinignan ko rin ang buhay at ang mundo sa ganoong lente at kulay. Pero more than that, ipinakita rin sa kwentong ito kung paano nagpoproseso sa isip ng mga inosenteng bata ang mga bagay kahit sa ating mga medyo mas nakakatanda ay mahirap talakayin. Kaya saludo sa pagkakasulat sa Agaw-Anino.
Sa mga huling parte ng kwento parang nagegets ko na kung saan ang hango ng title na "Agaw-Anino" excited ako sa kung saan pa tutungo ang kwento, sa kung paano haharapin ng barkada ang mga bagong hamon na hindi nila alam ay darating sa kanila. Iintayin ko ang muling pagbabalik ni Art at sasamahan ko ang Mga Lihim na Anak ng Dilim sa kanilang susunod na mga misyon.
Akala ko talaga horror 'tong libro na 'to. Pero mas nakakatakot pa 'to kesa sa mga librong tungkol sa katatakutan na nabasa ko. Nagsimula ang kwento na masaya, may aliw, at kwela ang mga linya. Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ang kaligayahan ko o sadyang isip bata rin ako katulad nila Art.
Habang binabasa ko ang mga kulitan at mga karanasan nila, naalala ko yung childhood memories ko. Naalala ko yung mga kalokohang ginawa ko kasama ang mga childhood friends ko. Ganito pala talaga maging bata 'no, yung tipong wala kang iniisip na problema at puro saya lang. Masarap nga talagang maging bata. Parang gusto ko na ngang sumali sa grupo nila e.
Nakarelate ako nang sobra kay Art. Tulad n'ya, isa rin akong artist, mahilig sa komiks, mahilig gumawa ng mga kwento at higit sa lahat, pala-tanong. Naalala ko nung bata ako, sinabi sakin ng Daddy Rey ko na lagi raw akong magtanong at huwag daw akong mahihiyang magtanong dahil sa pamamagitan nito, natututo tayo.
Akala ko patungkol lang ito sa mga kalokohan ng mga magkakaibigan—ang samahan ng mga anak ng dilim, samahan ng mga anak ng maligno? samahan ng anak ng lagim? ah basta ang dami kasi nilang binago at hindi rin magkasundo sa pangalan ng samahan nila, natatawa pa rin ako. Heto na nga, balik tayo sa punto (tangina parang nakuha ko yung paraan ng pagsasalaysay ni Art). Akala ko purong kalokohan lang nila Art ang kwentong 'to, hindi ko naman inasahan na sa mga kalokohang 'to e mag-iiwan ng trauma sa mga tauhan... pati na rin sa mga mambabasa.
Hindi lang rin pala ko nakarelate kay Art, pati na rin kay Peklat. Yung tipong saling ketket lang sa grupo, parang ako lang noong maliit pa lang ako. Magaling rin sa geography si Peklat, parang ako lang haysus! wahahaha tama na nga.. Neptalino pala ha, Peklat na lang! matalinong bata.
Noon akala ko ang pinakamalungkot na pangyayari sa librong ito ay yung nawalan ng tatay si Art. Ang sakit kayang mawalan ng ama lalo na't bata pa lang si Art. Ang sakit ding nakikita ang nanay mong umiiyak, hindi alam ang gagawin. Akala ko ito na ang pinakanakaka traumang pangyayari, hindi pala. Nagkamali ako.
Napapaisip ako paamo kung hindi nila timuloy ang huling operasyon, paano kung hindi nagpadali si Art sa kwento ng mga matatanda na aswang ang taong nakatira sa bundok? Pero wala e, nangyari na ang lahat. Napapatanong rin ako kung aswang nga ba talaga ang taong iyon, ano yung asong humahabol sa kanila, si Peklat ba ang natamaan ng binatong bato ni Art at hindi ang aso? Paano kung kumaliwa si Peklat? Hindi ko na alam.
Oo, may mga pangyayari sa buhay natin na nakakalungkot, nakakatrauma, at nakakainis. Pero dahil ba sa mga karanasang 'to e dapat na rin nating kalimutan ang mga masasayang alalaa? dapat bang tabunan ng mga negatibong alaala ang mga kasiyahang naranasan natin? Para sa'kin hindi. Kilala ka ni Peklat, Art. Kahit na gano'n pa man ang nangyari, sa tingin ko e nag-iwan ka naman ng masasayang alaala kay Peklat.
Para sa batang Art na susubukang kalimutan ang mga pangyayari sa maliit na bayan ng San Pablo, sana kayanin mo Art. Sana makapagsimula ka ng panibagong buhay sa Maynila.
RIP
This entire review has been hidden because of spoilers.
Salamat sa Agaw-Anino at naalala ko ang mga kababata ko. Naalala ko sila sa mga tauhang sina Art, Den, Ron, Maykel, Teod, at Peklat. Noong bata pa ako, nasa elementarya pa, apat kaming palaging magkakasama. Katulad sa kuwento, mahilig kaming tumambay at maggala kung saan-saan. Kabisado yata namin lahat ng eskinita sa lugar namin, hanggang sa kung saan may pinakamalapit na ilog at batis na puwedeng pagliguan. Taena, di ko makalimutang dalawang beses akong nalunod sa ilog, sa tinatawag naming 'bulaw'. Haha. Naalala ko rin nung hinagisan ko ng kuting sa mukha ang kababata ko at hindi niya ako pinansin nang matagal-tagal. Salbaheng bata. Nagtatalo rin kami kung sino sa amin sina Eugene, Alfred, Dennis, at Vincent sa Ghost Fighter; o kung sino si Gon, Killua, Kurapika, o Leorio ng Hunter X Hunter sa amin. Siyempre ako ang lider-lider, ako palagi ang bida (bida-bida); sa atsoy naman ng grupo napupunta ang pinakakengkoy na karakter sa mga palabas sa TV. Lagi kaming nasa bahay, kung hindi naglalaro ng dama o chess, o ng snake and ladder, nagbabasa ng komiks. Naalala ko rin na mahilig akong mag-drawing noon at gumawa ng sariling komiks, napabayaan na lang at hindi na nalinang. Kapag nasa labas naman kami, minsan tambay ng bidyuhan at naglalaro ng Metal Slug, o Marvel Superheroes vs. Street Fighter, at iba pa. Nagkahiwa-hiwalay lang siguro kami nung magsilipatan na sila ng tirahan at ako nama'y napunta sa pagra-rap at pagbubuo ng ibang grupo. Ganyan ang pakiramdam habang nagbabasa ng Agaw-Anino, parang blast from the past kung saan hindi pa natin pinoproblema ang bukas, simple pa ang buhay.
Balik tayo sa nobela. Kapag bata ka, marami kang tanong na ayaw namang bigyan ng panahon ng matatanda. Ayaw sagutin. Kaya ikaw na bata, lagi kang naghahanap ng sagot. Sa paghahanap mo ng sagot, minsan napapahamak ka. At minsan nga, humahantong pa sa trahedya. Kung may bagay mang iiwan sa iyo ang pagbabasa ng Agaw-Anino, nasa sa iyo na 'yon dahil iba-iba tayo ng pagkabata. Iba-iba tayo ng danas. Pero sa akin, swak na swak ito. Para akong si Arturo nung bata---matalino naman pero di alam ng magulang o mga kapatid ang mga kalokohang pinaggagagawa, haha.
Masayang malungkot ang Agaw-Anino at ayaw kong pangunahan ang ibang hindi pa nakababasa. Puwede mong makita sa Ang Lihim na Samahan ng mga Anak ng Dilim ang kabataan mo, puwede ring hindi. Basta ang masasabi ko lang, napakaepektib ng pagkukuwento rito ni Pingol, kuhang-kuha ang kulit ng mga bata. Kuhang-kuha rin pati ang kakulangan ng matatanda.
Trilohiya ito, at excited na ako para sa dalawa pang hulog sa kuwento.
Mula noong MIBF 2024 ko pa napapansin itong aklat na ito ni Pingol. Hindi nga lang sapat ang interes na mayroon ako noon para bilhin ito o kahit buklatin man lang sa booth ng Avenida. Hindi rin naman kasi talaga ako voracious reader, at kakaunti pa lang ang mga Pinoy authors sa bookshelf ko. Hindi rin naman ako yung mahilig mag-explore ng mga bagong babasahin. Madalas ay same authors lang ang tinatangkilik ko; palagi ay puro classic literature o political nonfiction. Kaya naman bago ako nakapagdesisyon na bilhin ang aklat na ito nito lang katatapos na PBF 2025, minabuti kong silipin muna ang ilang reviews sa goodreads. Nakita ko ang ilan sa mga bad reviews. Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ko ba ang pagbili. Kahit kailan talaga, madali akong ma-manipulate pagdating sa ganitong bagay.
Ngayon na natapos ko nang basahin ang Agaw-Anino, nananatiling mahiwaga sa akin kung bakit marami ang hindi nagustuhan ito. Ngayon tuloy ay nagdadalawang-isip na naman ako kung magpa-publish pa ba ako ng review. Marahil kasi ay naging mali ang pagbasa ko, o masyadong mababa ang standards ko at literary sense. Sabi ko nga, isa lang naman akong simpleng mambabasa. Wala akong alam sa teknikalidad o sa plot at character-building. Kumbaga, tulad ni Art, hindi ko rin alam kung ano ba ang tunay na batayan ng isang magandang kuwento. Pero sa totoo lang, sobrang nagustuhan ko ang nobelang ito.
Sa unang kabanata pa lang, tawa na ako nang tawa sa mga kulitan at punchline ng bawat isa sa mga karakter. Sa tingin ko naman ay intact pa ang sense of humor ko, pero may mga pagkakataon kasi habang nagbabasa na nagugulat na lang din ako kung bakit natatawa ako sa mga simpleng palitan ng linya. Bentang-benta sa akin, although um-aagree naman ako sa ilan sa mga reviews na medyo off yung ilang biruan patungkol sa pangangatawan o panlabas na anyo. Gayunpaman, mula umpisa hanggang wakas, hindi ako nakornihan.
Ipinapakita ni Pingol ang bisa ng childhood recollection. Sinusundot-sundot nito ang mga core memories natin mula pagkabata at parang sinusuyo tayong magbalik-tanaw sa mga masasayang karanasan sa nakaraan. Inaamin kong wala akong karanasan na katulad ng kina Art, Maykel, Ron, Teod, Den, at Peklat, ngunit hindi nabigo ang nobela na iparamdam sa akin ang kasiyahan sa kamusmusan, at ang pagkamangha at pagkahiwaga. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Jostein Gaarder na “the only thing we require to be good philosophers is the faculty of wonder.” Pagtuklas sa hiwaga ng buhay at pagkaligaw sa kalagitnaan ng pagtuklas dito. Dito umiinog ang Agaw-Anino.
Sa huli, sa totoo lang, hindi ako natakot sa mga eksena sa nobela kahit pa horror daw ito. Nangibabaw sa akin ang masasayang alaala, kababawan ng kabataan, at ang hapdi sa pamamaalam.
Nakadaupang-palad ko ang awtor sa nakalipas na #MIBF2024. Naabutan namin siyang nagdu-doodle habang naghihintay ng mga bibili ng libro sa korner na iyon. At nang magpapapirma na ako'y may at least tatlo na palang nakapila.
Mabait naman si awtor at halatang natutuwa sa mga pinipirmahan niyang kopya ng kaniyang akda. Natuwa din naman ako dahil gusto ko ring makabasa pa ng mga #akdangpinoy, at ang isang ito'y nanalo pa ng Carlos Palanca limang taon lang ang nakalilipas.
Medyo ine-expect ko naman na ang writing style pero wala talaga akong kaalam-alam kung tungkol saan ang nobelang ito.
Mahusay ang pagkakalahad ng intro. Naalala ko tuloy noong bata pa kami ng mga kapatid ko noong bumibisita pa kami sa probinsiya at kung saan-saan napupunta, nagpapanggap na may aswang sa ilan sa mga kapitbahay namin, kung kapitbahay nga ba ang tawag doon sa isang kilometro ang layo ng mga bahay.
Ang daming pinaalala ng nobelang ito sa pagkabata ng karamihan, mga panahong puwede pa kayo magkuwentuhan ng mga kababalaghan hanggang gabi, hanggang sa umabot na sa mga lokong misyon at takutan.
Sa humor naman, nakakatawa ang ilan. 'Di ko malimutan ang unang engkwentro ni Art, ang ating tagalahad, sa bunso ng barkada nila na si Peklat. Hahaha.
Pinaghalong old style na humor at modernong mga ekspresyon which I don't mind kasi halos ganoon din ako magkuwento. Tila inaalala ang kabataan ngunit limot na kung paano siya ilahad ng natural sa panahon na iyon kaya para mas maka-relate ang modern audience, haluan natin ng modern expressions.
Kadalasan ng mga eksena ay matatawa ka sa mga banat nila, ngunit pagdating sa gitna'y sasabayan mo na sila sa pagsigaw dahil sa epektibong deskripsyon ng awtor sa takot na naramdaman ng mga batang ito, juskopo.
At sa bandang huli, ang bara sa lalamunan ay tuluyang naging hagulhol. Hay, buti na lang una pa lang ito sa pakikipagsapalaran ni Arturo. Kung hindi, muntikan ko nang ihagis ang libro kung iiwan ako sa ganoong ending.
Isa lamang 'yan sa proof kung bakit ito nagwagi ng #CarlosPalanca. Pagbati, Ginoong Erik! Binabantaan kita. Hindi ako papayag na 'di ko mababasa ang kabuuan nito hanggang dulo. Hanggang sa muli.
Hindi tumatak yung mga batang tauhan at hindi tumalab yung mga tagpo para mapamahal sila sa 'kin. Sa katunayan, parang natuwa pa 'ko sa ending nang mangyari yung trahedya na inasahan ko na simula pa lang ng kuwento.
Dama ko rin na pilit pinapahaba ni Erik Guzman Pingol ang kanyang nobela. Sa tingin ko, isa lang 'tong short story na pinilit gawing novel. Ang mas nakakaloka pa, trilogy ito. Sana pinag-isa mo na lang. Ambisyoso masyado.
Kung ako kay Pingol, hindi nobela ang isusulat ko para sa kuwentong ito. Short story lang s'ya. Pwede rin ang komiks o graphic novel. Pero di 'to bagay na maging trilogy. Convoluted na yung ilang chapters at ang kokorni ng mga banters.
Dapat binawasan para less korni.
Ang dami ko ring nakitang typo error na nakasagabal sa pagbabasa. Sana kininis pa nang husto bago inilathala.
Para din s'yang pinaghalong Janus Silang at Walong Diwata ng Pagkahulog. Kung nabasa na ito ni Edgar Samar, makikilala n'ya yung mga akda n'ya sa librong ito. Pwede nga n'yang sabihin na halos plagiarized ito.
Di ko maintindihan sa mga judge ng Palanca kung bakit ipinanalo nila ito ng grand prize sa nobela. Hindi deserving. Hindi ko 'to maihahanay sa mga nobela nina Lualhati Bautista at Edgardo Reyes.
Isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit nanalo ito: either mentor o kaibigan siguro ni Pingol yung hurado ng Palanca.
I could tell from the first few pages that this has beautiful prose, and I was proven right. It had that sort of poetic feel that are not always there in most books I have read. idk yun lang sakin.
Kuhang-kuha ang recklessness of youth! Nitpick ko lang is the climax—sobrang bilis ng pace nung…event. Maybe there could have been more action? Pero oks lang din kasi literal na bata lang sila Art and Peklat, and natural na mabilis kumilos iyung ganong uri ng entity…
Looking forward to the sequel! I had the opportunity to get my copy at last year’s MIBF (also got to ask Mr. Erik some questions na I forgot na rin kung ano haha). Hopefully nandun sya ulit sa Avenida booth this year tapos tatanungin ko sya: sequel, when? Hahaha dejklangpo
Goods sakin yung writing style kasi parang nakikipagkwentuhan ka lang talaga sa tambay, first time ko lang maka encounter ng ganun haha. Pero as in natapos ko siya ng hindi ako sure kung ano talagang plot, parang build up lang talaga 'tong book 1 sa mga susunod na books ganon. Parang prologue pero 100+ pages. 'Yun lang.
so…. medyo off lang ako sa book kasi sa last 2 chapters lang yung action?? and walang masyadong build up?? or hindi lang maayos yung build-up kasi may mga chapters na unnecessary naman sa plot??? idk basta
Funny at the start and as someone from the province, naka-relate ako sa mga laro nila. The drama in the middle threw me off and felt somehow disconnected from the plot. The climax was okay, but did not feel as tense and scary as I hoped. Would probably not pick up the sequel.
Nakakaaliw at nakakatuwa ang mga karakter. Para rin akong bumisita sa mga alala ng sarili kong kabataan. Masyadong nakakabitin at tila nakakaligaw lamang ang kwento, hindi tanaw ang magiging dulo nito.
Sa unang bahagi may mga awkward parts lang pero hindi naman ito magiging hadlang sa kwento, ang sarap isipin na naging masaya at malungkot ang pagka bata nila Art at may aalalahanin sila kapag lumaki sila. Excited na ko mabasa ang kasunod na libro :)
Habang binabasa ko ang unang parte ng ang aklat, napakagaan nito. Habang patungo sa kaligatnaan at wakas, tila kirot sa puso at pighati ang naramdaman ko.
"Napansin ko noon na kapag tapos ka nang umiyak, para bang mas malinaw ang paningin mo. Baka kailangan pang umiyak pa nang umiyak, baka kulang pa. Hanggang sa mas luminaw pa ang lahat"
Stand By Me for kids who grew up reading True Philippine Ghost Stories. More a ‘setting the foundation’ than an ‘established start.’ Would like to have seen the perspectives of the other kids in the Lihim na Samahan ng Mga Anak ng Dilim à la Losers Club. Still a fun, mildly spooky read.
Sa panimula palang ng aklat na ito ay nakaramdam na agad ako ng koneksyon sa mga karakter. Nakuha rin agad nito ang aking atensyon dahil sa kuwento at kakulitan ng mga batang sina Art, Den, Ron, Teod, Maykel, at Peklat. Nakakatuwa ang kanilang samahan at kalokohan.
Tuwang tuwa ako sa samahan nila dahil masyado itong pasok sa realidad ng mga kabataan noong hindi pa uso gadgets at internet. Isa pang dahilan kung bakit hindi ko matigilang basahin ang aklat na ito ay dahil reminiscent ang writing-style at story-telling ng may-akda kay Bob Ong na talaga naman ding kinaadikan kong basahin noon. Hindi ko lang inaasahan ang mga kaganapan sa bandang dulo ng istorya kung saan nangilid ang aking mga luha. Akala ko eh normal na lumevel up lang ang operasyon ng ating mga bida, pero iba na pala. Nakakabitin rin ang ending.
Ilang linggo na mula nung nabasa ko ito, pero hanggang ngayon sumasagi pa rin ito sa isip ko. Hindi na ako makapag-antay na mabasa ang Agaw-Anino 2 at ang pagbabalik ni Arturo at ng tropa. ♡