Sa ating nakababalisang buhay ngayon, sino'ng may panahon para magbasa?
'Buti na lang, narito na ang napakaikling istorya, ang tinatawag na mga "sudden fiction" at "flash fiction." Sa loob ng isa hanggang tatlong pahina, nailalarawan nito ang isang mundong kumpleto, masalimuot, at kaakit-akit. Mababasa ito sa loob ng ilang minuto lamang, ngunit ang mga minutong ito'y hindi kukupas sa isip ng mambabasa.
Narito ang 30 sa mga sukdulang kuwentong paspasan sa Filipino.
Vicente Garcia Groyon was born in 1970 in Quezon City, Philippines. His novel The Sky over Dimas (De La Salle University Press, 2003) received the Grand Prize from the Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, the Manila Critics Circle National Book Award, and the Madrigal-Gonzalez First Book Award. He has published a collection of short stories, On Cursed Ground and Other Stories (University of the Philippines, 2004), and edited anthologies of short fiction. He teaches at De La Salle University-Manila.
May nagisip. Busy na raw siguro ang mga mambabasa kaya dapat maikli na lang. Ito raw ang bago. Yong ganitong porma ng panitikan na kilala rin sa tawag na dagli, flash fiction o sobrang ikling mga kuwento. Kungbaga sa kape, maraming bumibili ng 3-1. Andoon na lahat, ibubuhos na lang. Pero may mga bumabalik sa dati: di lang nagpapa-brew, nagpapagiling pa. Mayroon pa ring ayaw sa magic sarap, meron pa ring bumibili ng sampalok sa palengke o gumagamit ng kaldo (o yong pork broth na sabaw ng pinakuluang mga butu-buto).
Para sa akin ang dagli ay parang mga halamang mababaw ang ugat. Wag lang di masaling, nabubunot. Pagkabasa, maaaring maganda ngunit pagkaraan ng isa o ilang araw, makakalimutan na. Ang dagli ay parang porma ng panitikan na walang kaluluwa. Dumadaan parang hangin. Maaaring mapansin pero sa isang kisap mata, maglalahong parang bula.
Ang aklat na ito na pinatnugutan ni Vicente Garcia Groyon ay lumabas noong 2007. Binili ko agad pero sampung taon ang lumipas bago ko nagawang basahin. Nakakaaliw ang disenyo sa harap parang pambata. Pero noong sinubukan kong basahin ang unang dagli, ang "Pamimintana" ni Karla Maria Fabon, seryoso pala dahil tungkol sa inang nangungulila sa anak na sumapi sa kilusan (NPA). Eh ang disenyo sa harap ay nakangiting bata. Tapos kapag ganoon kabigat ang tema, hindi dapat ay paspasan. Bakit nga ba paspasan? Bakit gagawing paspasan ang pagbabasa ng panitikan? Nagmamadali? School requirement? May iba pang assignments? Kasi nga, ang pagbabasa ng panitikan, yong totoong masining at masinop na aklat, ay pakikipagtalastasan sa utak ng mayakda. Pagniniig ng dalawang kaluluwa: sa nagbabasa at sa nagsulat.
Pero dahil bakasyon ng mahigit na dalawang linggo sa opisina, sige basa lang ng basa. Tinuloy ko na rin ito sa wakas. Nakakagulat na marami sa mga nag-contribute rito ay mga sikat na rin ngayon at may kanya-kanya na ring sariling aklat. Ang nagagawa rin nga naman ng sampung taon.
Tatlumpu lahat ang mga dagli rito kasama ang kina Adam David, Ed Maranan, Vlad Gonzales, Eugene Y. Evasco, Axel Pinpin, U. Z. Eliserio, Mark Angeles, Enrico C. Torralba, Mykel Andrada at Chuckberry Pascual. Sila yong mga narito na may nabasa na akong akda o libro nitong mga nakaraang taon. Ang marami sa kanila ay nakamayan ko na at nakausap sa loob ng lima o pitong taon na pagbo-bookclub.
Pero wala sa kanila ang tatlo dagli na nagandahan ako pagkabasang-pagkabasa: (1) "Pagninilay sa Pagpatay" ni Louie Jon A. Sanchez na isang juxtaposition ng "pagpatay" ng aso sa isang kuting at ang pagkamatay ng ina ng nagsasalaysay. Mabibigat ang salita pero ramdam mo ang sakit sa dibdib ng sumulat. Ulit, hindi ito pinapaspasan; (2) "Nang Mamatay na ang Mga Ilaw" ni Soleil Erika Manzano. Isang simpleng hugot ng isang babae na hindi pa nakaranas ng sex at ginagawang boyfriend ang malaking unan. Nagpapatunay na hindi mo naman kailangang maka-relate sa sinulat para magandahan sa binasa; at (3) "Nang Tumawa Ako sa Dilim" ni Dawn Aguila. Isang palaisipan sa una kayat dapat ulitin ng isa o dalawa ang dagli. Bago dumatal ang mensahe na madalas ang iba sa atin ang hinahanap natin. Na kung susuriin, wala namang iba sa inisip na magkaiba.
Pero yon nga. Nagandahan man, tanungin mo ako sa Bagong Taon (1/1/2018) kung anong kuwento ang natatandaan ko sa aklat na ito at siguro tatahimik muna ako ng ilang saglit at huhulihin sa hangin ang alaala ng tatlong kuwentong ito bago sumagot.
I really want to like this book, being written by Filipinos and all that, but most stories did not appeal to me. On top of that, I don't appreciate story about dog-eating. The mere suggestion is highly repulsive for me. I'm sorry.
"Flash Fiction" a shorter version of a short story that leaves a sense or feeling of a cliff hanger. This book provided a series of topics and emotions through the writing styles of each contributing writer. The best story for me was 'Isang recess' by Enrico Torralba, the age of innocence coupled with curiousity made me assume on what happened after that cliff hanger.
Siguro'y mas madaling basahin ang dagli sapagkat mas maikli ito kumpara sa karaniwang maikling kuwento. Sa panahon ngayon, napakabilis ng mundo at mas mababa ang atensiyon ng tao sa pagbbabasa. Kaya mapapansin na nakakaengganyong basahin ang mga dagli dito.
Karamihan sa mga dagli dito ay nasa dalawa at tatlong pahina. Kung titignan, ang pangahulagan ng pagsusuri sa anyo ni Teodoro Agoncillo , hindi lalampas sa tatlong papel ngunit hindi ito taal na maikling kwento. Makikita rin na walang tumpak na salita at haba ang isang dagli. Nakikita rin na ang dagli ang halos lahat nang pinagmulan ng mas mahabang naratibo.
Sa kabilang banda, maganda rin tignan na isa itong debelopment ng paglawak ng eskopa ng dagli bilang isang anyo sa iba’t ibang estraktura. Isang halimbawa rito ang KISLAP, ang pagbuo ng kanyang sarili na isang Kuwento sa isang Iglap na nasa loob ng 100-150 na salita ni Abdon Balde. Makikita rin na parang maikling maikling kuwento katulad din ni Eros Atalia na mas malaki ang bahagadnan ng pagpapahiwatig.
Hindi ko gusto ang mga dagli dito dahil hindi ito pasok sa aking bilang dagli at nais kong tinignan ito bilang iba pang porma ng panitikan. Bilang mambabasa may personal na bias ako pagdating dito at ang pinakapaborito kong dagli rito ay Tikbalang ni Chuckberry Pascual.
Dahil madalang lang ang koleksyon o antolohiya ng dagli (na alam ko), ay tuwang-tuwa ako nang matagpuan ko ito sa isang local bookstore. Maraming kilalang awtor (sa kasalukuyan) ang kontribyutor dito. Kaso, sa 30 dagli dito ay isa lang ang nagustuhan ko, iyong Bisita. Iyong iba maraming gustong gawin at sabihin na hindi naitawid sa dagling porma. Kalakhang din ay plain na short shorts lang, walang gaanong experiment sa form hindi tulad ng mga dagli ngayon. Naiintindihan ko naman na dahil siguro 2007 pa ito nailathala kaya wala pang gaanong mapangahas na akda. Wala rin akong nakitang unifying theme bukod sa lahat sila dagli, in a general sense karamihan ay madidikit ko sa universal motif na “pag-ibig” pero bukod doon ay wala na. May ilang ding typos.
Maganda naman ang tangka, nagkulang lang. Baka dagli lang din ang naging proseso at pagkikinis. Sana sa mga susunod na panahon ay dumami pa ang mga koleksyon ng dagli.