Jump to ratings and reviews
Rate this book

Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon

Rate this book

219 pages, Paperback

First published January 1, 1988

22 people are currently reading
579 people want to read

About the author

Ricky Lee

49 books639 followers
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.

He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.



Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
97 (54%)
4 stars
44 (24%)
3 stars
20 (11%)
2 stars
6 (3%)
1 star
10 (5%)
Displaying 1 - 12 of 12 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 13, 2012
Sino bang di nakakakilala kay Ricky Lee? Sinong Pilipino ang ni minsa'y di nakapanood ng pelikulang siya ang sumulat? Palagay ko'y wala. Noong maka-10 taon siya sa pagsusulat isa na syang sikat na scriptwriter sa pelikula lumabasa ng aklat na ito. "Pinaplano ko ang buhay ko in stages," sabi nya sa huling bahagi ng koleksyon nyang ito. Kaya, noong 1988 nga, tinipon niya ang mga unang mga artikulo't mga maiikling kuwentong sinulat nya noong nagsisimula pa lang siya, isinama ang script ng obra nyang "Himala" at nilagay sa librong ito. Ang lumabas? Parang kuwento ng buhay ni Ricky Lee. Parang pagpapakilala ng kanyang pinagmulan at kung ano ang mga naglalaro sa isip niya, sino ang mga nakakasalamuha niya, ano ang mga pinapaniwalaan niya, noong siya'y isang batang-batang manunulat.

Sa pagpinid mo sa aklat, sa pagtatapos ng iyong pagbabasa, para kang nagkaroon ng isang kaibigan. Noon siguro, pag nasalubong ko si Ricky Lee, hindi ko siya babatiin. Ngayon? Ewan ko. Baka. Pag hindi ako nahiya.

Ang mga sumusunod na tala ay ang mga reaksyon ko pagkatapos basahin ang isang artikulo, kuwento. Mga reaksyon na di ko masyadong pinagisipan. Gusto ko lang maisa-titik ang naramdaman at naisip ko habang nagbabasa:

1) Mga Batang Lansangan II: Sa Avenida Grumadweyt sa Rugby. Nobyembre 6, 1985 The National Midweek. 2 STARS
Kuwento ng mga batang (8-17 anyos) lumaki na sa Avenida hiwalay sa kanilang mga magulang. Kung paano sila nabubuhay na parang sila na rin ang tumatayong mga magulang ng kanilang mga sarili at isinaysay ni Lee sa artikulong ito.

2) Sa Quiapo Nahahanap ng Pagmamahal. 2 STARS
Kung may mga batang Avenida sa unang kuwento, dito naman ay mga batang Quiapo. Pareho lang halos ang mga kuwento. Kaya lang may distinksyon dahil hindi pala magkakasundo ang mga batang Quiapo at batang Avenida. Nakakaawa ang mga batang ito at wala kang iisipin kung di ano ang ginagawa ng pamahalaan para sila ay magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

3) Isang Araw sa Buhay ng Maliliit na Tao sa Labas ng Simbahan. Abril 16-30, 1977 Metro Magazine. 2 STARS
Kagagaling ko lang sa simbahan ng Quiapo noong ika-1 ng Disyembre dahil sa First Date Walking Tour kasama ang manunulat na si Bebang Siy. Wala na naman akong nakitang mga tanawin na kagaya ng mga inilahad ng artikulong ito. Dito, may mga tindero pa ng anting-anting, mga mga manghuhula, atbp. Kahit natatandaan ko pa ang ayos ng Quiapo noong araw, parang luma na ang artikulo kung babasahin mo ngayon. Napansin ko pating kakauntin na ang naglalakad ng paluhod sa gitna ng simbahan kumpara noong ako'y bata pa't dinadala ng nanay ko roon.

4) Si Tatang, Si Freddie, Si Tandang Senyong at Iba Pang Mga Tauhan ng Aking Kuwento. Oktubre 8-15, 1971 Asia-Philippines Leader. 3 STARS
Nagustuhan ko kasi ito ay maiikling kuwento na may tatlong makakahiwalay ng tauhan pero hindi nagkita-kita ang mga tauhan kundi nagugnay-ugnay lang sa isipan ni Rico, ang nagsasalaysay. May patama na Batas Militar kaya't magiiba ang tingin mo kay Ricky Lee na akala mo ay isang showbiz writer lang na walang laman. Hindi pala. Bago sya maging showbiz ay radikal na aktibista rin siya kagaya ni Lino Brocka at Behn Cervantes.

5) Buhay Lagarista. Setyembre 28, 1978 Expressweek. 2 STARS
May lagarista pa ba ngayon? Minsan pag nagdra-drive ako sa dakong Maynila parang may nakikita pa rin ako pero bihirang-bihira na. Habang nagbabasa naala-ala ko lang ay si Piolo Pascual doon sa pelikula kung saan sya gumanap na isang lagarista at pawala na ang trabaho nya. Doon yata siya pinakilala at kalaunan ay sumikat.

6) Now Shooting: Maliliit na Tao sa Pelikula. 1988. 2 STARS
Di ko rin alam kung ganito pa ang kalakaran sa shooting. Yong mga kaawa-awang mga legman, utility at crew. Siguro ganoon pa rin. Di ko talaga alam. Pero binanggit dito ang mga artistang mabait sa mga maliliit na taong ito sa pelikula at kasama rito si Maricel Soriano. Si Maricel na kamakailan lang ay pinlatcha ang mukha ng kaniyang katulong sa bahay.

7) Gala: Ayaw Mo Niyan, Tres Pesos Lang, Meron Lahat.1976 TV Weekly. 3 STARS
A, yon pala ang sinasabing Gala Theatre kung saan ay nagpapalabas ng bomba noong araw. Natuluyan pala itong magsara noong 1993. Kaya pala noong bago-bago ako nagtratrabaho, may nakapagsabi talamak ang bold shows at may nagaalok ng bate sa Avenida sa halagang beinte pesos. Ito pala ang kuwento ng Gala. Nakaka-aliw dahil may picture pa na labas ang pisngi ng babaeng sumasayaw.

8) Tiritit ng Yvonne.Enero 1-15, 1977 Metro Magazine. 3 STARS
At ito si Yvonne, ang babaeng bold star noong araw. Maganda nga at sus, picture pa lang kahit luma, ulam na! Huwag ka, nanalo pala itong Best Supporting Actress sa Mga Ligaw na Bulaklak na dinirehe ni Ishmael Bernal. Nasa Japan na raw si Yvonne. May asawa at anak.

9) May Bold ba sa Langit?Hulyo 3, 1986 Malaya Midday. 2 STARS
Si Jaclyn Jose ay isa sa pinakamagaling umarte noong Dekada 80's na isa sa mga bumasag sa kalakarang ang mga seksing bold stars ay hanggang pagbo-bold lang. Kaya ng iba, ayaw rin niyang mag-bold. Sabi ni Jaclyn: "baka di ako tanggapin sa langit."

10) Simpleng Buhay.1988. 2 STARS
Patuloy pa rin sa paggawa ng magagandang pelikula si Jaclyn. Ayaw pa rin niyang maghubad. Simple lang ang mga pangarap niya. Walang ilusyon na magiging sing-sikat siya nina Sharon Cuneta at Maricel. Gusto raw sana nyang kumanta pero ayaw ng kanta sa kanya.

11) Ako Pa Rin.2009. 3 STARS
Apat na taon na ininterview ni Ricky Lee si Jaclyn Jose na same set of questions at ito ang pinakahuli. Di na gaanong sikat si Jaclyn. Matrona na ang role niya sa "Sarung-Banggi" o isang matandang puta na muntik nang maging parukyano ang sariling anak (na nawawala). Sa interview, mukhang nagkakaroon na siya ng problema sa panganay na anak na si Andi Eigelman dahil may mga sariling lakad na at "hindi sumasagot sa mga texts ko" sagot nya sa panayam. Gumagawa na ng himala?

12) Pagtatapos.Abril 2, 1969 Filipino Free Press. 4 STARS
Pangalawang maikling kuwento sa koleksyong ito. Tungkol sa isang batch sa high school na huling tinuruan ng isang maestra na rape victim umano. Napilitang ma-cover up ang titser sa masamang kapalaran at pinilit na maging positibo ang lahat sa buhay. Naisalin niya ito sa huling batch na tinuruan nya sa high school na iyon at itinuring niyang parang tunay niyang mga anak. Parang tema ng Dead Poets Society pero dahil 1969 ito naisulat at 80's na naipalabas ang pelikulang nagpasikat ng todo kay Robin Williams, ibig sabihin lang, mas original si Ricky Lee. Bilib ako sa Pinoy! (unless may magsasabing mas may nauna sa kanya sa ganitong konsepto, hindi ko bababaan ang rating ko na 4 stars).

13) Wonder Boy.Agosto 31, 1976 TV Weekly. 3 STARS
Nagustuhan ko ito dahil lumaki akong puro si Nino Mulach ang laman ng mga diyaryong tinitinda ko noong newspaper boy ako sa probinsya. Nakakapanood ako ng mga pelikula nya noon pero wala akong nakikitang masama dahil di naman ako natutuwa. Dito lumalabas, maraming natutuwa sa kanya dahil inaapi-api niya bilang isang batang mestiso at cute ang mga tanga, pangit at may kapansanan. Sick humor pala ang kay Nino Mulach noon lalo na bago niya ginawa ang mga seryosong obra ni Lino Brocka gaya ng "Tahan na Empoy, Tahan" at "Ang Tatay Kong Nanay." Dagdag kaalaman. Salamat, Ricky!

14) Q&A: Nino Mulach.1988. 3 STARS
Nawala na si Nino. Di na sikat. Marami pa rin sigurong pera dahil inipon daw lahat ni Alex Mulach. Pero nasaan na si Nino ngayon? Di pa rin naka-recover. Sabi nya sa interview rito: "Kailangan ko lang ng isang pelikulang bagay sa akin, tatanggapin ulit ako ng tao." Good luck, Nino!

15) 1976.Enero 18, 1977 Mr. & Ms. 3 STARS
Kakaibang taon nga ito kung tama ang sinasabi ni Ricky Lee na lumabas lahat sa taong ito ang marami sa itinuturing ng obra ng Pelikulang Pilipino: "Ganito Kami Noon" ni Romero; "Ligaw na Bulaklak" at "Nunal sa Tubig" ni Ishmael Bernal; "Itim" ni Mike de Leon; "Insiang" at "Lunes, Martes" ni Lino Brocka; "Minsa'y Isang Gamu-Gamo" ni Lupita Kashiwahara; "Sakada" ni Behn Cervantes; etc.

16) Himala. 5 STARS
Ang orihinal na script na pelikulang itinuturing na isa sa pinakamaganda sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino. Hindi ako Noranian, pero maganda talaga ang pagkakasulat ni Ricky Lee. At wala talagang mas bagay na gumanap dito kundi si Nora. Wala na akong ibang masabi. Tsaka baka mapuno itong espasyo ng rebyu dahil marami pang susunod. Ang paborito kong part? Yong sinabi sa huli ni Elsa sa ina na: "Hindi ko sila niloloko, Inay." Pero sang-ayon ako sa sinabi ni Ishmael Bernal na ito ay paglalarawan sa pagkukulang ng pamahalaan na ibigay sa mga tao ang basic needs kaya ang mga taong walang-wala ay umasa na lang sa libreng himala. Salamat sa pag-point out, Ricky Lee!

17) Ang Paggawa ng Himala. 4 STARS
Nakakatuwang basahin ang mga nangyari sa likod ng shooting ng Himala. Maraming pintas ang naipukol noon kay Nora Aunor pero dito ay mabait ang paglalarawan sa kanya ni Ricky Lee (isang Noranian?). Kung tutoo man o hindi, magaling pa rin si Ate Guy sa pelikulang ito. At marami raw sa eksena ay Take 1. San ka pa.

18) Dapithapon ng Isang Mesiyas.Hulyo 23, 1969 Filipino Free Press. 4 STARS
Isang batang ulila ng pinagmalupitan ng mga kumupkop sa kanya bilang houseboy. May mga nakita siyang pangyayari na hanggang sa pagtanda'y dala-dala pa rin niya. Dama mo ang lihim ngunit ayaw isiwalat ng lubusan ni Ricky Lee. Pakiramdam ko'y gusto lang nyang ipadama ang sakit at ayaw ipaunawa sa utak. Bitin pero hindi mahalaga. Basta nangungusap ang mga salita ni Ricky Lee sa puso at hindi sa pangunawa. Minsa'y puso ang higit na superior kapag lungkot at dalamhati ang mensaheng gustong iparating.

19) Ang Mahabang Martsa ni Emmanuel Lazo.Nobyembre 28, 1985 The National Midweek. 5 STARS
Makabagbag-damdaming kuwento ng isang 17 anyos na anak ng magsasakang pinagbabaril sa rally noong bago ng Martial Law. Bato na lang ang puso mo kung di ka iiyak. Ito ay totoong nangyari. Well done, Ricky Lee!

20) Ang Mahabang Maikling Buhay ni Kumander Tangkad.Pebrero 18, 1972 Asia-Philippnes Leader. 5 STARS
Akala ko noon, wala nang gaanong epekto sa akin ang mga kuwento ng mga NPA. Lumaki kasi ako panahon ng Martial Law at maraming-marami na akong ganitong kuwentong nabasa o napangkinggan. Sa radyo, sa mga kuwento-kuwento. Pero ang prosa ni Ricky Lee, sapol sa puso. Pasok sa kaluluwa. Iiyak ka sa panayam sa kanyang ina. Ramdam mo ang sinseridad dahil sa ate ng dalawang rebeldeng ayaw magpa-interview pero dahil kaibigan nya si Ricky Lee at dahil sila'y parehong taga-Bicol, pumayag siya. Ito ang produkto ng panayam na iyon. Nagiiba na ang tingin ko kay Ricky Lee. Akala ko, bago itong librong ito, ay puro pang-showbiz lang siya. Noon palang araw ay seryoso at sobrang makabuluhan ang kanyang sinusulat.

21) Servando Magdamag.Abril 8-21, 1970 Filipino Free Press. 5 STARS
Ang sinasabing obra ni Ricky Lee bilang kwentista. Pinakamaganda nga siguro sa kanyang mga maikling kuwento nasulat. Parang wala lang yata sa koleksyon na ito ang iba kaya may "nga." Itong kuwentong ito ay simple lang pero tama si Ricky Lee, maaaninag dito ang istilo ni William Faulkner sa "The Sound and the Fury" at ni Nick Joaquin sa "The Woman Had Two Navels." Kahit nga sabihin niyang may pagka-Gabriel Garcia Marquez din sa "100 Years of Solitude," puwedeng-puwede rin. Kasi tungkol ito sa isang bahay na tinirhan ng isang pamilya Monzon sa loob ng 5 na saling-lahi (generation). Ang bawa't lahi ay may isang Servando. Kaya may Servando Monzon uno, dos, tres, cuatro, cinco, seiz. Ang nagsasalaysay ay si Servando Seiz at ang kanyang pangunahing tauhan ay ang kanyang lolo na si Servando Cuatro. Di ko ikukuwento lahat baka sabihin ni Bertong Badtrip ay may "spoiler" ang rebyu ko.

22) Si Lino, Kung Minsan.Hunyo 9, 1991 Sunday Inquirer Magazine. 4 STARS
Nagustuhan ko ito talaga dahil ngayon lang ako nakabasa ng mahaba-haba at tapat na pagsasalaysay tungkol sa nasirang premyadong direktor na si Lino Brocka. Ewan ko, parang dati di ako interesado sa kanya basta nagagandahan lang ako sa mga pelikula nya. Ganoon lang. Ngayon ko naramdaman na sayang namatay sya agad.

23) Si Glenda at Si Noel. Mayo 5, 1985 Veritas. 1 STAR
Ito na naman yong lagi kong nararamdaman pagdating sa koleksyon ng isang akda. Habang nagbabasa parang may kung anong papasok sa akin. Biglang ayaw ko sa isang kuwento at di ko maintindihan kung bakit. A, dito mayroon naman. Ang prostitusyon ay alam na nating lahat. Siguro yong kahirapan na inilarawan ni Ricky Lee sa mga unang kuwento, medyo hindi siguro alam ng lahat. Itong si Glenda at Noel, na callgirl at callboy, tapos mag-dhowa, parang gasgas na. Kung hindi ito rebelasyon para sa akin, hindi ito pagpapaunawang dahil sa kahirapan ay mga nagpuputa. Ano ito, pang-aliw? Exploytasyon?

24) Mga Batang Lansangan II: Sa Ermita Na-Virgin. Nobyembre 25, 1985 The National Midweek. 2 STARS
Pareho rin doon sa #23, may naramdaman akong eksploytasyon. Ramdam lang naman at sa akin yon. Kaya lang may parte na nagustuhan ko: yong ending noong sinabi ni Chanda Romero na tingnan ni Ricky Lee yong picture noong tatlong bata, napasama yon nanay sa gilid at nakatingin lang sa mga bata. Nagustuhan ko rin yong Notes ni Jose "Pete" F. Lacaba sa dulo tungkol sa di nila pagkakaunawaan ni Ricky Lee sa "Jaguar" script. Si Ricky Lee na laging gustong lumabas sa nakakahong formula at si Pete na kinakalkula muna bago lumabas. Mas panig ako kay Lacaba.

25) Mga Batang Lansangan III: Sa Taft ang Simula, sa Luneta ang Wakas. Enero 1, 1986 The National Midweek. 1 STAR
Maganda ang komprehensibong pagkakasulat tungkol sa buhay ng mga batang macho dancers. Kaso, naroon pa rin yong aftertaste ng exploytasyon. Alam na natin (o siguro yong mga nagmamaang-maangan kunwari di nila alam) na may mga nangyayaring ganito. Tumutok po sa TV Patrol o Imbestigador para mapanood ng ganito. Beking beki ang artikulo lalo na ang mga larawan ng hubad na mga bata na kahit parang pinalabo kita pa rin ang di na sana dapat pinapakita. Kawawa naman silang mga kabataan. Matatanda na sila ngayon at habang buhay nariyan ang kanilang hubad na mga larawan. Ewan ko.

26) Kabilang sa Mga Nawawala. 1988. 3 STARS
Ito na ang pinakabagong maikling kuwento ni Ricky Lee. Sumulat siya para lang sa pangatlong edisyong ito ng aklat. Maganda naman. Kaso yong puna ni Pete Lacaba sa #24 na si Ricky Lee gusto laging lumalabas sa kahon. Wala namang masama kaso sa sobrang likot at daming gustong sabihin, nawawala (para sa akin) ang dating ng mensahe. Napapagpatung-patungan ng mga salita at tinatabunan ang gustong iparating sa mambabasa. Naguunahan ang mga larawan at sa pagtatapos mo sa pagbabasa, wala lang matatandaan ni isa man. Sa unang bahagi, parang si Patrick Swayze ang bidang lalaki. Tapos unti-unti nagiging tao, para lang si Pinocchio. Tapos pasok ang temang pang-UP noong panahong iyon. Tapos, Masama lang yata ang bangon ko kaya't noong nabasa ko ito kanina parang hays, kailangan ko nang tapusin ito at nang masimulan ang PAK U.

27) Pasakalye. Interbyu ni Flor C. Caagusan.
Dito ko naintindihan ng lubusan si Ricky Lee. Maghusay syang scriptwriter. Sumusulat sya ng may reservations dahil alam nya at nangyayari nga, na pinapalitan ng direktor ang kanyang scripts. Kahat, gusto nya bago siya mamatay, mas tumatak sa isip ng tao na siya ay "writer" at di lang scriptwriter. Gusto nyang dumiretso sa mga tao. Kaya't tinipon niya itong mga artikulo unang nyang nasulat noon, nagsulat siya ng Trip to Quiapo : Scriptwriting Manual Ni Ricky Lee (4 Stars), Para Kay B (2 STARS) at noong nakaraang taon ay lumabas ang Si Amapola sa 65 na Kabanata (1 STAR). Kung nabasa ko muna ang interview na ito baka mas na-appreciate ko ang mga nobela nya. Problema ko sa kanya? Parang sine na kailangang punuin ang mga pahina na mga makapigil-hiningang tagpo, kailangang laging may emosyon, kailangang laging may laman. Di ba puwedeng wala, parang isang bughaw lang na langit sa katanghalian ngunit maa-amaze ka pa rin dahil kahit walang laman ang langit na ulap ay masayang umaawit ang puso mo dahil maganda ang kulay na nakikita mo? Dahil ang nagpapaganda rito ay hindi talaga ang nasa libro kundi ang iniisip mo? At ang libro ay naging daan lang para maisip mo yon? Ang problema ko kay Ricky Lee, sobrang inaako niya ang pang-aliw sa kanyang mambabasa.

Pero ang nasulat ay nasulat na. Sa susunod na lang ako siguro babawi kay Ricky Lee.

Pagsinuma ang lahat, nagustuhan ko pa rin ang koleksyon na ito. Si Ricky Lee yata ito. Lumaki ako't tumanda sa panonood ng mga pelikula niya. Mabuhay ka, Ricky Lee!
Profile Image for Zzonroxx.
43 reviews
March 22, 2022
Pinakasiksik sa lahat ng pinakasiksik!
My rating for this - which is 3 stars - is the average of the combined ratings of each story in this book.

Mga Batang Lansangan 1
Sa Avenida Grumadweyt sa Rugby at sa Quiapo naghahanap ng pagmamahal. Isang reportage. 3 stars
Minumulat tayo ng artikulong ito sa kung paano nabubuhay ang isang batang pinagkaitan ng pagmamahal ng magulang at ng magandang buhay. Naglalaman ito ng mga kuwento sa likod ng mga mukha ng batang na-interbyu ni Mang Ricky kung paano sila nahantong sa ganitong sitwasyon.

Isang Araw sa Buhay ng Maliliit na Tao sa Labas ng Simbahan. Isang reportage. 3 stars
Sa Quiapo, paglabas mo daan-daang tao ang makakasalamuha mo. Iba'y nagtatrabaho, namamasyal, nagsisimba, namamalimos, at iba'y rito na naninirahan. Sa kabila ng paghihirap, narito't patuloy pa ring nangangarap.

Si tatang, si Freddie, si Tandang Senyong, at Iba Pang mga Tauhan ng Aking mga Kuwento. Maikling Kuwento. 4 stars
"Gusto ko naman magsulat tungkol sa nga totoo nang nangyayari, hindi iyong mga kuwentong pampamilya lang."
Tungkol sa mga biktima ng masaker ng Lapiang Malaya at kung paanong nito napamulat ang isang simpleng manunulat na naging saksi.

Buhay lagarista. Isang interbyu. 2 stars
Kakaiba pala ang pagpapalit-palit ng pelikula noong dekada '70. Mano-manong idinadala ang mga rolyo ng pelikula ng mga tinatawag na Lagarista. Maliit man ang tingin at minsa'y inaabuso pa, sa kanila nakasalalay ang mga pelikulang ating tinatangkilik.
"Samantala habang wala pa ang mga panahong iyon (pangarap na makapag-aral), mabububay muna siyang tumatakbo.

Now Shooting: Maliliit na Tao sa Pelikula. Isang reportage. 3 stars.
"Hindi mabubuo ang isang milyon kung wala ang piso!" ani Maymay Entrata sa isang episode ng MMK.
Isang artikulo tungkol sa mga maliliit na tao kung tawagin sa isang set ng isang pelikula. Makikita natin na maski maliit ang mga taong ito ay napakalaking tulong ang nagagawa nila.
" Bakit, di ba nila alam na maliit lang sila kung nag-iisa?"

Gala House: Ayaw Mo Niyan, Tres Pesos Lang Meron Lahat. Isang Reportage. 1 star
Mga palabas na nagsilbing "Netflix" noong kapanahunan. Samu't-saring palabas, may bold, may komedya, may sayawan at kantahan.

Tiririt ng Yvonne. Isang Interbyu. 2 stars
Tungkol ito sa bubay ng isang Bomba star noon na si Yvonne at kung paano ang naging lakbay niya sa pagiging isang "Bomba Queen".

Jaclyn Jose: May Bold ba sa Langit? / Simpleng Buhay / Ako Pa Rin. Mga Interbyu. 4 stars.
"Simpleng buhay, simpleng pangangailangan."
Isang interbyu sa naging daan ng buhay ni Jaclyn Jose sa industriya ng pelikula. Simpleng tao, ngunit tila isang nagngangalit na tigre kung umarte. Walang rehe-rehearsals. Deretso akting agad si Jaclyn sa kamera. At iyan ang naging dahilan kung bakit at papaano siya nakapaglakad red carpet sa Cannes Film Festival.

Pagtatapos. Maikling Kuwento. 4 stars.
Para nga itong Dead Poet Society na isang pelikula. Ang nakakahanga nga laang ay mas nauna pa itong isulat ni Mang Ricky kaysa unang lumabas ang DPS. Hinubog ni Mrs. Felicidad ang kaniyang mga studyante hangga't sa makakaya niya ngunit hindi lahat ng mga studyante niya'y naging maganda ang kinabukasan taliwas sa kanilang mga pangarap sa kanilang silid aralan.

Niño Muhlach: Wonder Boy. Movie Review at Interbyu. 1 star.
Tungkol ito sa naging kapalaran ng dating child superstar na si Niño Muhlach. Maraming siyang nagawang pelikula ngunit ni isa ay wala pa akong napapanood. Kung meron may ay hindi ko na maalala. Wala na akong masabi.

1976: Isang Taon ng Kadaldalan at Kabuluhan. Komentaryo. 2 stars
Taon ito ng eksperimentasyon at magagandang pelikula. Buhay na buhay ang mga paggawa ng pelikula noong taong 1976. Maraming paghihirap, sakripisyo, at censorship dahil sa Batas Militar.

Himala. Screenplay. 5 stars
Ricky Lee. Katangi-tangi pagdating sa paggawa ng script. Mabilis ang mga pangyayari. Pataas nang pataas ang tensiyon habang umuusad ang kuwento. Dere-deretso at walang paligoy-ligoy. Straight to the point ang mga linya. Grabe ang turn of events sa bandang huli. Parang pinapanood ko na mismo ang pelikula sa aking isipan.

Ang Paggawa ng Himala. Isang reportage. 4 stars.
Nakakaaliw isipin na sa likod ng napakalungkot na kwento ni Elsa ay sa likod naman ng kamera'y masasayang tao ang gumagawa nito. May mga paghihirap dahil sa settings dahil ang kailangan nila ay yung tuyo't hindi umuulan ngunit sa set na napili nila ay laging umuulan. Saludo ako sa mga taong gumawa ng master piece na ito. Alam kong lumipas man ang isang daang taon ay mananatili itong nakatatak sa puso't isipan ng mga Pilipino.

Dapithapon ng Isang Mesiyas. Maikling kuwento. 4 stars.
Kwentong tungkol kay Dong at ang naka-angkla niyang nakalipas sa kaniya. Mabigat ang kuwentong ito. Sunod-sunod ang mga malulungkot na emosyon. Stream of consciousness ika nga. Pero aaminin kong hindi ko masyadong naintindihan ang tunay na kahulugan ng kuwento at lagi ko itong naihahalo sa kuwentong Servando.

Ang Mahabang Marta ni Emmanuel Lazo. Isang reportage. 5 stars
Nakalulungkot lang ang kuwento ng buhay ni Manny. Mabait na bata, palakaibigan, at laging kumakampi sa inaapi. Ngunit bigla na lang inalisan ng buhay si Manny sa isang rally para sa mga magsasaka. Napaka-tragic ng mga pangyayari. Masyadong mabigat.

Ang Mahabang Maikling Buhay ni Kumander Tangkad. Isang reportage. 4 stars.
Katulad ng buhay ni Emmanuel Lazo, ganoon rin ang sinapit ni kumander tangkad sa kamay ng mga halimaw. Mabigat ang mga pangyayari. Isang pamilya ang pinatay ng mga sundalo sa panahon ng digma.

Servando Magdamag. Maikling kuwento. 4 stars.
Hindi ko rin ito masyadong maintindihan. Malalalim ang mga salitang ginamit at stream of consciousness din ang paraan ng pagkakasulat. Daloy lang nang daloy ang mga salita at emosyon. Tungkol ito sa buhay ni Servando seis at ang historya ng kanilang angkan at ang kanilang bahay na pilit niyang tinatakasan kasabay ng mga ala-ala.

Si Lino, Kung Minsan. Isang Paggunita. 4 stars
Base sa mga sinabi ni Mang Ricky, alam kong mabuti ang kaibuturan ng puso ni Lino. Strikto man sa set ay nagagawa pa rin niyang ipaglaban ang mga inaapi at binigyang boses ang mga inaabuso. Ina-acknowledge rin niya ang hindi pagkakapantay-pantay sa kaniyang set at ipinaglalaban niya iyon. Simpleng tao di Lino at namuhay siyang simple. Ngunit pagdating sa sining ay isa siyang tigre dito.

Si Glenda at Noel. Isang interbyu. 2 stars.
Nakalulungkot lang na ang babata pa ng dalawang ito'y sumusuong na agad sa buhay ng isang call girl at call boy.

Mga Batang Lansangan 2: Sa Ermita Na-virgin at Mga Batang Lansangan 3: Sa Taft ang Simula, sa Luneta ang Wakas. Isang reportage. 2 stars

Katulad ng buhay nina Glenda at Noel, pinapakita dito ang buhay ng mga call boy at call girl sa Maynila. Nakalulungkot lang na pinagkaitan ng kinabukasan ang mga batang ito. Sa nurang edad ay dumaan na sila sa libong hirap at libog para lamang mayroong mailapag sa hapag.

Kabilang sa Mga Nawawala. Maikling kuwento. 5 stars.
Isa sa mga pinaka-magandang kuwentong aking nabasa. Kakaiba man dahil katulad ng Bahay ni Marta ay may halo itong piksyon. At ang kakaiba ay may halo itong humor na hindi mo masyadong makikita sa mga maiikling kuwento ni Mang Ricky. Tungkol ito sa isang desapareaido na si Jun-jun. Batang pinagkaitan ng tunay ama at ina. Napakalungkot. Nakasusuklam ang mga nangyari sa ama ni Jun. Sa pagpatuloy ng kuwento ay pa-intense ito nang pa-intense at maitatanong mo na lang sa sarilii mong ano kaya ang mangyayari kay Jun? Pero isang bala lang pala ang paraan upang makita siyang muli.

Pasakalye. Interbyu. 5 stars.
Dito inilahad ni Mang Ricky kung ano ang naging kuwento ng kaniyang buhay bilang isang manunulat. Kung paano siya nagsimula. Inilahad din niya dito kung paano niya isinusulat ang kaniyang mga maiikling kuwento at scripts. "I will diminish my use of words, para hindi verbose, pero not the emotions of my characters. Kasi iyon ang honest."
Profile Image for Drea.
23 reviews34 followers
April 10, 2023
Everybody else writes Tagalog like 1) your grandpa and 2) postmodern phonies. Nobody writes Tagalog like Ricky Lee. NOBODY.
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews19 followers
June 23, 2022
Pinakasiksik na koleksiyon ng akda na nabasa ko. May reportage, interbyu, mga maikling kuwento, at screenplay ng Himala.
Profile Image for Vicente.
24 reviews1 follower
February 8, 2026
Binasa ko 'to way back 2021 at aaminin ko, medyo sentimental ang value ng librong 'to para sa akin. Ito kasi ang pinaka-unang gift ng ex ko sa akin, kaya tuwing nakikita ko 'to sa shelf, naaalala ko yung phase na 'yun ng buhay ko. Parang time capsule siya na may halong nostalgia at konting pait, pero grateful pa rin ako na napunta sa akin 'tong kopya na 'to.

Pagdating naman sa kwento, solid talaga si Ricky Lee. 4 stars ang rating ko dahil malalim yung tama ng mga mensahe niya tungkol sa buhay at lipunan dito sa Pinas. Pero ang main reason kung bakit hindi ko siya na-perfect score ay dahil sa format niya.

Pinaghalo kasi sa loob yung reportage (parang mga news/essay style) at short stories. To be honest, hindi ako masyadong fan ng ganung mix. Minsan kasi, kapag seryoso na ako sa pagbabasa ng reportage, biglang tatalon sa fiction, kaya parang laging napuputol yung momentum ko. Nahihirapan akong mag-adjust sa "vibe" ng bawat chapter dahil pabago-bago yung style ng pagsusulat.

Pero kahit medyo disjointed yung feel para sa akin, ang ganda pa rin ng boses ni "Tatang" dito. Pinapakita niya na ang mga "himala" ay hindi lang yung mga milagro sa langit, kundi yung survival at resilience nating mga Pilipino sa araw-araw.

Bittersweet man yung memory ng pagkaka-regalo nito sa akin noong 2021, worth it pa rin siyang basahin. Kung mahilig ka sa mga kwentong hango sa realidad at hindi ka naman bothered sa halo-halong format, siguradong magugustuhan mo 'to.
Profile Image for Eunice Helera.
38 reviews3 followers
July 6, 2021
Read the script of Himala, and thought that some parts didn't make the cut of the film. What still amazes me is how they got to execute scene by scene. Bernal and Ricky Lee did an amazing job in making Himala, especially with Ricky Lee writing multiple characters who has their own layers and lives revolving around Elsa. I can still recall one of the interviews with Direk Joel Lamangan, sharing how they shot the ending with only one take. With over 3,000 people on set while trying to manage all of these people using only one PA system.

Himala is a timeless piece that is still and will continue to be relevant, an example of what blind obedience/fanaticism does to people who are desperate for something.
Profile Image for Marlo Paniqui.
30 reviews
January 14, 2020
maganda ang pagkakasulat. sa mga kwento makikita ang dekada kung kailan eto naisulat ni Ricky lee. isinalarawan nya ang simpleng buhay sa Maynila, ng mga ordinaryong character. natapos ko rin ang pagbabasa sa librong ito sa wakas. medyo matagal ko lang natapos dahil sa pagiging abala sa trabaho at sa aking pamilya.
Profile Image for Krista.
259 reviews35 followers
December 9, 2015
Natuwa ako at kasama sa antolohiyang ito ang maikling kwentong “Kabilang Sa Mga Nawawala”, na parte ng reading module namin noon sa Humanidades I. Simula noong nabasa ko ito, naging fan na ako ni Ricky Lee. Big time :-) Gusto ko rin yung sinulat n’ya tungkol sa buhay ni Kumander Tangkad (na una kong nabasa sa Pulang Hamtik), at ‘yung interview n’ya kay Jaclyn Jose. Tapos, nabasa ko pa rito ang script ng “Himala” at ang istorya behind the making of “Himala”. Ito yata kasi ‘yung mga panahong idineklara ko sa sariling Noranian ako pagkatapos kong manood ng mga pelikula nina Nora at Tirso on cable TV sa buong maghapon (na hindi naman talaga sadya, pero wala lang akong makitang ibang rekurso that day to pass the time), kaya siguro extra special sa akin ang librong ito.

Para sa akin, magaling na kwentista si Ricky Lee: hindi kumbensyunal ang atake niya sa kanyang istorya, gayundin sa paggamit ng mga salita; umiikot ang mga karakter niya at kahit na may kanya-kanya silang mga kwento maging ng mga hang-up sa buhay, napagtatahi-tahi niya ito sa bandang huli. Minsan nahihilo ako sa twist ng mga pangyayari, para akong dinadala sa liku-liko at lubak na mga daan; sa dami rin ng mga kaganapan hindi ko na rin ma-figure out kung ano ba ang moral of the story. Pero sa huli, kumportable pa rin ako sa progresibo at malikhain n’yang paraan ng pagsasalarawan sa buhay, ordinaryo man o hindi.
Displaying 1 - 12 of 12 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.