It is about one of the most glorious episodes in Philippine history. It is the story of a 15 year old boy who joined the Katipunan. KKK at that time, the secret revolutionary society has just been discovered by the Spaniards and Bonifacio, the Supreme leader was fleeing to Kangkong in the outskirts of Manila. Hardened by poverty and the iron hand of his father, the boy put himself in the midst of all the battles. It took a long and hard way for the boy to understand the menaing of it all.
Definitely one of the better Tagalog books I've read. My friend Juan rated this with 4 stars so I was compelled to do the same. Juan is one of my GR friends who read my reviews. I am always excited to have new friends who actually try to know me more by reading what I write. There is some kind of hope that true friendship is somewhere in the offing. Shiela is correct; those who claim to be your friends but do not read your reviews or even your profile may not really be true as they are not interested to know more about you. After all, even your taste on books speak a lot about you, am I not right?
That's why in Pinoy Reads Pinoy Books, we concentrate on reading locally-published literature. We are the Filipino readers who patronize our fellow citizens' books. We still read foreign books but we make it sure that we read at least one local book together very two months. Since our language is basically just ours, if we don't read (and love) our books, no one would read (and love) them.
Kangkong 1896 is a passage-to-manhood story of a young man, Plorante Acabo amidst the backdrop of the famous battle, The Cry of Balintawak or the early uprisings of the Filipino rebels called katipuneros against the Spanish government. Here, the characters that you've read in Philippine history come alive like any other fictional characters. You'll encounter Tandang Sora likened, despite having a brown skin, to the Virgin Mary, while tending to the sick and needy. Here, you'll watch Andres Bonifacio in action: commanding his troops to attack Polvorin a storehouse or a garrison containing the Spanish weaponry. Others in cameo roles are Macario Sacay, Emilio Jacinto and all the lesser-known participants in the revolution.
The book was first published in 1969 so the language can be a bit challenging for today's very young readers. There are parts where Alabado spends a lot of time giving the details of the scenery, that I like, but I would presume to be boring to most readers. If you try to imagine the places mentioned in the book compared to what they are now, I am sure this book would be interesting to you too. Or maybe go to those historical places that are just in the metro like Balintawak (where sitio Kangkong should still be), Pugad Lawin, Balara, San Juan Del Monte (where Pinaglabanan and Polvorin are), San Mateo Rizal (where the Garrison was) and Marikina (will we be back in Marikina, this time in River Park?)
I really liked this book. This was a Christmas gift to me by my "mommy" during PRPB's first Christmas Party last December 1, 2013 (one of the most memorable days of my life).
Magandang Libro upang kilalanin pa lalo ang Katipunan. Isa itong istorya 'kuno' ng Katipunerong si Plorante. Maganda ito sapagkat may gabay ng isang sikat na Historyador Teodoro Agoncillo. Dito makikita ang pagbibigay katauhan kay Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at kakaunti para kay Macario Sakay. Isang Kasaysayan makikita sa isang Nobela.
Ang Kangkong 1896 ay isang nobelang pambata na isinulat ni Ceres S.C Alabado. Nangyari ang kuwento sa taong 1896, ang taon kung kailan nagsimula ang Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang laban para sa kalayaan ay isinalaysay ng pangunahing tauhan na si Plorante Acabo, isang batang lalaki na labinlimang taong gulang na nakatira sa Kangkong sa Caloocan. Makikta ni Plorante ang paglalaban ng kanyang kaibigan at ang mga bayaning Pilipino na, sa kasalukuyang panahon, ay pinaguusapan sa mga librong pangkasaysayan at sa mga paaralan.
Sa aklat na ito, kasama ang mga totoong bayani ng Pilipinas sa kuwento. Makikta mo si Andres Bonifacio, ang pinuno ng mga rebolusyonaryo ng Katipunan. Makikita mo din sina Emilio Jacinto, isang magaling na manunulat na puno ng karunungan, at si Melchora Aquino, isang matandang babae na nagtulong sa mga miyembro ng Katipunan. Maraming pang ibang totoong bayani ng Himagsikan ay nasa kuwento. Alam ko na maraming ginawang pagsaliksik si Ceres S.C Alabado dito dahil tinulungan siya ng isang magaling na historyador na si Teodoro Agoncillo.
Pero mayroon din tauhan sa nobela na ginawa ni Alabado sa kanyang imahinasyon. Bukod kay Plorante, mayroon din ibang batang lalaki sa kuwento na tawag ay Renato at Tonio. Mayroon din crush si Plorante sa isang batang babae na tawag sa kanya ay Clara. Mahalaga din sa kuwento ang mga ama at tito ng ilang tauhan dahil miyembro sila ng Katipunan at kasama sila sa Himagsikan. Maganda magsulat ng tauhan si Alabado para sa mga bata. Makikita mo sa mga tauhan ng kuwento na alam ni Alabado ang kasiyahan, kalungkutan, at mga problema ng mga bata. Magugustahan ng mga bata ang mga tauhan na ito dahil kagaya din nila sila. Sila ay naglalaro, mayroong kaibigan at magulang, at minsan, nagkakaroon sila ng mga crush. Ang mga bata sa kuwento ay kagaya ng mga bata sa totoong buhay.
Gusto ko itong basahin ng lahat ng mga batang Pilipino. Ito ay isang magandang libro na nakasulat sa Pilipino. Magugustuhan nila ang mga tauhan at marami silang malalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas kung babasahin nila ang aklat na ito. Dapat alam ng lahat ng tao na mayroon magaling na manunulat pambata sa Pilipinas gaya ni Ceres S.C Alabado. Pero dapat alam din natin na kailangan din natin ng mas maraming manunulat kagaya niya. Kailangan ng mga bata ng magandang kuwento.
Sabi ng iba, mahina raw ang maraming Pilipino sa kasaysayan. Na disconnected tayo sa ating nakaraan. Posible kayang maging tulay ang Kangkong 1896 para mabuhay ang interes natin sa kasaysayan?
Pero sabagay, hadlang din ang Filipino na gamit dito. 1960s pa isinulat ito ni Ceres Alabado, kaya ang Filipino niya ay Filipino ng 1960s, na sa panahon ngayon hindi na ginagamit ang ibang salita at medyo malalim na.
May nakapagsabi sa ’kin kamakailan na kailangan ko raw palakasin ang bokubolaryo ko sa Filipino, at aminado naman akong marami pa akong kulang. Pero kampante ako na mataas na rin ang antas ng bokubolaryo ko kompara sa mga kabataan gaya ko, lalo na kompara sa mga hindi naman manunulat o sanay magbasa ng akdang Pilipino. At hindi naging madali sa akin basahin ito. Pero nasanay rin naman ako.
Pero pag-usapan naman natin ang kuwento. Bilang isang historical fiction, umiinog ito sa simula ng Himagsikan noong 1896. Ilang impormasyon dito na lingid sa kaalaman ng marami, ay ang petsa ng pagpunit ng mga sedula. Sabi ng iba August 26, sabi naman ng iba August 23. Sa nobela, inilagay ito sa August 23. Pero saan? Sa Pugad Lawin? o sa Balintawak? Magkaiba ba sila? Sa nobela, sa Pugad Lawin ang pagpunit ng sedula, saka sila pumunta ng Balintawak kung nasaan si Tandang Sora. E asan naman ang Kangkong?
Kaya lang, isang limitasyon sa pagsulat ng historical fiction, kailangan sundin kahit papaano ang mga nangyari sa kasaysayan. Ibig sabihin matatalo ang mga Katipunero sa Pasong Tamo. Tatakbo sila at matatalo naman sa Balara. Tatakbo ulit sila at matatalo sa San Juan del Monte.
Hindi ito ang iniisip natin sa ating mga Katipunero. Gusto nating isipin na pagkapunit nila ng sedula, marami silang pinatay na mga Kastila. Pero puro mga gulok ang hawak nila, at mas maganda ang mga baril ng Kastila.
Maski ang bida natin ay hindi ang tipikal na bidang matapang na maraming napapatay na kalaban gaya ni FPJ. Bata lamang si Plorante, at nagagawa niyang mabuhay dahil magaling siyang tumakbo at tumakas. Bihira lang siyang makapatay sa kuwento.
Dahil ang simula ng himagsikan ang setting ng kuwento, iisipin mo maganda ang tingin kay Bonifacio bilang tagapagsimula ng pag-alsa. Pero hindi ganoon ang naramdaman ko sa kuwento. Iniidolo ni Plorante at ng mga kaibigan niya si Bonifacio. Maski ang ibang mga Pilipino laging may diyalogo na nagpapasalamat kay Bonifacio at sa mga Katipunero.
Pero kung titingnan natin ang depiksyon ni Alabado kay Bonifacio? Nagpadala siya ng mga sulat sa mga pinuno ng Katipunan na magsisimula ang rebolusyon sa ika-29 ng Agosto pagkatapos ng isang hudyat mula sa Bagumbayan. Pagkatapos hindi dumating ang hudyat at narinig niya sa isang lasing na pinagtatawanan siya ng mga Kastila, nagalit siya at inutusan ang mga Katipunero na sumugod.
Walang ipinakita tungkol sa leadership ni Bonifacio. Either sinasabi niya lang sumugod, o sinasabi niyang umatras. Ganitong klaseng lider ba gustong ipakita ng may-akda si Bonifacio?
Hindi ko tuloy alam kung anong gustong iparamdam sa atin ni Alabado sa ating mga Katipunero. Ang nabibigyan lang ng magandang liwanag ay ang pagdedesisyun nilang tama na. Na lalaban na sila. Pero pagdating sa labanan, ipinapakita sila bilang hindi handa, at tsamba lang kung manalo man. Para sa akin, parang ipinapakita ni Alabado na walang halaga ang mga labanan ni Bonifacio, maliban sa pagsisimula ng himagsikan, na para sa akin ay hindi magandang mensahe.
Tanda mo pa ba ang isa sa mga grupong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas?
Aaahhhh sinong mag-aakalang magugustuhan ko ang librong 'to? Isang nobelang para sa mga bata, pero ito'y naaakma pa ring basahin ng mga taong tulad ko.
Ang Kangkong 1896 ay kwento ng isang 15-anyos na batang si Plorante. Isinalaysay niya ang buhay niya noong 1896 sa kanilang tirahan sa Kangkong, Caloocan. Mula sa pagkamuwang sa nangyayaring pagsakop at pag-alipusta ng mga Kastila sa mga Pilipino, si Plorante ay umanib sa Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK, sa pag-udyok na rin ng kanyang amang kasapi nito.
Sobrang ganda ng pagkakasulat nito. Hangong-hango ang tono ng boses ni Plorante sa isang bata, kung kaya't nakakaaliw kung minsan ang kanyang mga kwento. Maayos rin ang pagsulat sa pagbabagong naganap kay Plorante, mula sa kanyang pagkamusmos hanggang siya'y maging isang sundalong naghihimagsik.
Tunay na puno ng emosyon ang isinulat ni Ceres Alabado. Hindi minadali, at bawat pangyayari ay importante sa kwento. Marahil nahirapan lang akong basahin 'to dahil sa malalalim na mga salitang ginamit. Dahil na rin siguro noong 1969 pa nang ito'y inilathala.
Pero sa pangkalahatan, ito'y isa sa mga nobelang karapat-dapat mabasa ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan. Makapangyarihan at nakapamumulat ng ating mga mata.
"Hindi mo maaapi ang isang tao sa habang panahon. [At] aling kalooban na lalong tahimik ang di pupukawin sa panghihimagsik? At ganon nga talaga tayo, tahimik, pero may karangalan, kayang panindigan at ilaban ang ating kalayaan! At sinabi ko sa iyo. Panahon na ngayong dapat lumitaw ang liwanag ng katotohanan."
I'm definitely glad that I read this in English, because I wouldn't have appreciated it otherwise. It's a pithy bildungsroman of Plorante Acabo, who is thrust into the Philippine Revolution by his father. It chronicles his difficulty adjusting to a life of war, losing his father and friends, and struggles with using weapons: his first kill was a blind shot at a man through a peephole, and his second kill was his adrenaline pushing him to protect himself before being killed. Plorante trundles and stumbles in the novel and is swept up more often in running away than in warfare as he is callow in it. Ultimately, through luck and courage, he finds himself back home, probably to reset himself and then fight another day.
This book perhaps is one that I will always hold close to my heart. Although it is a story that took place during the grave times of my country, these were also the most beautiful times. It was a time of unity for the Filipinos, a time of a burning sensation of love for our country, for our freedom and honor. And isn't that a wonderful thing?