Jump to ratings and reviews
Rate this book

Sa Mga Kuko ng Liwanag

Rate this book
Si Julio, isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang kababata't kasintahang si Ligaya, na matagal nang sumama sa isang Mrs. Cruz upang magtrabaho at mag-aral sa lungsod. Sa paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima ng masasamang elemento ng lipunan, mapagsamantalahan sa loob at labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng trabaho,makapatay ng taong nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-saan na lamang... Sa gitna ng tensyon at kabiguan, siya'y nag-anyong mabangis, siya mismo'y naging mapanganib. Nagkita rin sila ni Ligaya. Nalaman na ang dalaga pala'y naging biktima ng binili at mistulang bilanggong kinakasama ng isang Tsino. Nagkasundo silang tatakas si Ligaya, sa tulong ni Julio, anu man ang kanilang kahinatnan.Ang nobelang ito ay pinagbatayan ng premyadong pelikulang Sa Mga Kuko ng Liwanag sa iskrip ni Clodualdo del Mundo, Jr. at direksyon ni Lino Brocka. May salin sa Nihonggo ni Motoe Terami-Wada, kabilang ngayon ang akdang ito sa best-seller na mga nobelang Asyano sa Japan.

147 pages, Paperback

First published January 1, 1968

227 people are currently reading
3389 people want to read

About the author

Edgardo M. Reyes

22 books82 followers
Edgardo M. Reyes is a Filipino male novelist. His literature first appeared in the Tagalog magazine, Liwayway. His novels include Laro sa Baga, and Sa mga Kuko ng Liwanag. He is also the one of the authors of the critically-acclaimed anthology.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
790 (58%)
4 stars
315 (23%)
3 stars
150 (11%)
2 stars
44 (3%)
1 star
61 (4%)
Displaying 1 - 30 of 91 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
February 27, 2011
Marami-rami na rin akong nabasang Tagalog na libro, pero ito ang pinakamaganda. Sakto sa akin panlasa: tipid sa mga salita at ayon sa panahong ito’y sinulat. Makatotohanang paglalarawan ng buhay ng mga maralita sa lungsod. Naiibang pagbabalangkas ng kuwento. Makabuluhang tema na nagsusumigaw sa atin at nagtatanong: ano na ba ang nagbago? ano na ba ang ginawa mo?

Makalipas ang 4 na dekada mula nang natapos sulatin ni Edgardo M. Reyes (pinanganak noong 1936), ang tema ng kawalan ng social justice ay totoong-totoo pa rin hanggang sa panahong ito.

Kung napanood mo ang opus ng yumaong premyadong director na si Lino Brocka na base sa nobelang ito, at nagustuhan mo. Huwag na huwag mong iisipin na pareho lang ang librong ito ni Edgardo M. Reyes. Binakla ng screenwriter na si Clodualdo Del Mundo, na noon ay isang batang scriptwriter na katatapos lamang ng journalism mula sa Ateneo ang kuwento. Sa panimulang salita ni Reyes sa kanyang unang edisyon ng aklat sinabi nya na ang Maynila ay isang tunay na lalaki at si Julio Madiaga ang nagsisimbulo sa mga mahihirap na mamamayan nito. Kung naaala-ala ko pa ang pelikula, may mga isiningit doon na tagpo kung saan ay nagpa-blowjob si Julio sa bading para may makain siya at may bed scene siya kay Ligaya (Hilda Koronel) para may drama (at siguro ay para makita ang kasu-kasuan ni Hilda na noon ay isang sikat na Camay girl. Wala ang mga iyon sa libro. Pero may isang inalis naman sina Del Mundo at Brocka na nasa libro: ang aksidenteng pagkapatay ni Julio sa isang lalaking sana ay ho-holdupin lang niya para may makain. Pati na ang salitang-tipid ni Reyes ay binago sa pelikula, ayon na rin kay Reyes. Kagaya ng pagko-komentaryo ni Julio sa burak na pusali sa bahay ni Atong. Isang komento na di maaaring manggaling sa isang tunay na lalaking sanay sa hirap.

Maraming beses sa aking pagbabasa na tumigil ako upang simsimin sa isip ko ang mga magagandang kataga sa aklat. Makasining nguni’t hindi ma-drama. Wari mo'y mga kuwerdas na tamang-tama sa timpla at humahaplos ang bawa’t taginting na lumalagos sa iyong puso. O sa iyong kaluluwa. Ang paggamit ni Reyes ng tunog mula sa salita ay eksepsional at waring dinadala ka sa lumang Maynila: ang ingay ng mga tao, ng mga jeep, ang usok ng mga sasakyan noong panahong 60’s. Isang pagpapatunay na si Reyes ay henyo ng literaturang Filipino.

Pangalawang libro ko ni Reyes. Mas maganda ito kaysa doon sa Mga Uod at Rosas.
Profile Image for Maria Ella.
555 reviews101 followers
March 31, 2013
Pandesal Discussions

"Ella, why are you reading this story? This is not your timeline no more..." -Dad

It is not me who only read this book, but also my mum and my dad (in their younger years). And when both of them saw me reading Edgardo Reyes' work, they opened this discussion:
"Ano ang meron sa Maynila na nawala ngayon, at ano ang nananatili pa rin?"
(In Manila, what are those that no longer exists, and what are those remained?)

Me, knowing that this discussion will not only end at the last person who eats the last pandesal (and yeah, that is how we spend breakfasts together), Mum started sharing her sentiments, saying that this exists from then until now...

Ugaling Tondo: If there is a land called Tondo, people having this trait will live on. I, for one, doesn't believe in her sweeping generalizations (and BEING STEREOTYPICAL), but somehow as she explained her side, there is a touch of truth. Bruised by hardships, raised by a lifestyle of isang kahid, isang tuka, and having a loud, maangas approach to anyone.

Promise of the Promised Land called Maynila: If this is still the Capital of the motherland (the Philippines), the promise will live on, no matter how false it is to some people. She elaborated her theory of political play during National Elections, why most people who became Presidents are natives of the mainland Luzon. People from other lands (i.e. Mindanao Islands) are being migrated by a politician, giving them the promise of the Promised Land ("nasa Maynila ang pag-asang mabago ang takbo ng iyong buhay, kung pinanganak kang mangingisda, hindi lang doon magtatapos iyon... blah blah blah") with a caveat: those being migrated will support the politician who sponsored their "exodus" to the Promised Land.

Ella: And then what happens after elections?
Mum: "Anong problema ko dun bilang pulitiko? Basta panalo na ako, okay na!" ("As a politician, is that my problem? As long as I win, it'll be okay!")
And so people who did the exodus seemed to be exiled. Cannot go home without enough money, not even enough to sustain their daily needs.

And yes, these are only two of her usual long list (I guess mothers have the habit of making long lists, haha). She says the corrupt practices, the political play, the crab mentality.

What my dad told us, is this:
"Nawala na ang pagiging barako ng Maynila, kasi natabunan na ng mga Beki!" (Manila lost its manly trait because it became overwhelmed with gays)

Mum conceded. She too, concurred to the comic rebuttal of dad.
And when I thought of it, yes. I have high respects with gays, and I have good friends who are effeminate at best, but I get my Dad's sentiment. One example he made mention is his dramatic encounter with his family. Mum was pregnant by then (with my eldest brother).

[cue the drama]
Dad: (to his mother) Ano naman kung buntis ang asawa ko? (and yet, they were not married by then)
Lola: Iwan mo yang babae yan, walang mangyayari sa buhay mo.
Dad: Mahal ko yung tao, at papanindigan ko siya. Bakit, sino bang makikisama? Kayo ba? AKO NAMAN DI BA?


CHEESY, I KNOW <3 But he then says this:
"Ella, marami pa bang ganyang lalaki sa tingin mo - sa panahon mo ngayon? Eh kung simpleng blind date hindi ka siputin, paano pa kaya kung buntisan ka!?! Wala. Kaya kami ng nanay mo, taimtim ang dasal namin na makilala mo ang iyong katapat. Barako, at hindi ka tatakbuhan."

That is why this goodread will give you the realistic backdrop of my city, of whatever is happening before. If you are reading this in a park, or in a coffee shop, or somewhere serene, if you close your eyes, the words will being you to Misericordia, or to the old Odeon theatre in Recto, like a time machine. When you opened your eyes, you will realize how grateful you are, sitting in a soft chair inside the coffee shop, sipping your tall English breakfast gone cold.
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews63 followers
August 5, 2011
#2 Book para sa Agosto

Ito ang una kong libro mula kang Edgardo M. Reyes, pero hindi ito ang unang narinig o napanuod ko ang kwento, bago ko basahin ang libro napanuod ko na ang pelikula nito. Ang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" sa direksyon ng ating National Artist na si Lino Brocka sa screen play ng isang taong nagngangalang Del Mundo. Nung napanuod ko ito sa YouTube ( oo tin'yaga ko yun sa YouTube sa bahay pagkatapos ung Orapronobis ang sinunod ko.) May parte dun na may nakalagay na galit na komento, at ang serye nito ang ang pamamakla ni Julio sa Maynila at kung saan nakitira sya sa isang baklang nagbebenta ng laman. At ang nakalagay sa komento idinamay daw ni Brocka ang nobela ni Reyes sa kanyang kabaklaan sa pagdagdag ng mga ito. Nung matapos ko ang nobela, marami ngang bahay na nawala at nagkaroon sa pagsalin nito sa pelikula. Ang pagnakaw at sadya o hindi sadyang pagpatay sa isang tao sa nobela, ang pagtatalik nila Julio at Ligaya sa pelikula na tumagal ng halos 10 minuto ata, ang pagsama ni Julio sa isang bakla at sa bahay nito. Para sa akin maganda ang nobela at maganda rin ang pelikula hindi lang talaga maiiwasang ikumpara ang isang prosang nobela sa pampelikula.

May bagay talaga akong nagustuhan, ito ang mga tula na tila tanaga at metapora sa unahan ng mga chapter. Sa kabuuan nagustuhan ko ang istorya, pero nabitin ako, bagamat hindi mabulaklak o wordy ang nobelang ito, tumbok na tumbok naman nito ang mga gusto n'yang ipadama sa iyo. Pero bitin ako, gusto ko ng kasunod pa. Kaso ang ayos-ayos na ng wakas, napakasalimuot na kaya.. yaan mu na. haha.

Ang istorya ang ay umiikot sa paghahanap ni Julio sa kanyang lumisan na nobyang si Ligaya na Paraiso pa, na lumuwas paMaynila karagkarag ng isang babaeng rekruter. Istorya rin ito ng araw-araw na pakikibaka ni Julio sa magulo at masalimuot na lungsod ng Maynila. Kung saan babaguhin ng lungsod ang mga gawi niya at paguugali, dahil sa mga masalimuot na nangyari sa kanya rito. Sa nobela mababanayad mo ang depinisyon ni Reyes sa Maynila, isang mabangis at magulong lungsod, isang lungsod na nangangako ng pag-asa at kasawian sa kung sinuman ang susuong sa kanya.


*Karagdagan
Sa nobela, makikita mo na talagang pinahahalagahan ng may akda ang edukasyon lalo na sa isang tao, dito hindi lang si Imo ang nag aaral, si Pol rin ay nag aaral, yun nga lang ay napatigil sya dahil sa kawalan ng pera.

"Kaya nga. Di ba no'ng araw pa, sinasabi ko sa inyo mag-aral kayo? Kailangan sa taong gustong umasenso, may ambisyong mataas. Pagmababa'ng puntirya mo, mababa rin tama mo" - Imo

Meron pa sa nobela ang isang maikling kwento tungkol sa mga kontraktor... matagal ko nang alam ang ganung sistema sa atin, taena, ang hirap ng ganun. At ang malungkot, halos kalahating daang taon na ang nakalipas ganun pa rin ang sistema, patuloy na nabubulok.

"Te'wan, ginigisa tayo sa sarili nating mantika"








Profile Image for Led.
189 reviews89 followers
September 26, 2024
24 Setyembre 2024

Katatapos ko lamang panoorin ang film adaptation nito na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ni Lino Brocka at ito'y sinadya kong makita dahil na rin nabasa ko ang akda.

Karaniwang paghambingin ng parehong nakabasa at nakapanood ang kwento sa dalawang porma nito pero marapat asahan na magkakaroon ng pagkakaiba at hindi asamin na alinsunod lahat ang paghahayag dahil na rin mismo sa magkaibang media. Hindi ko itinatatwa ang mga kaibahan ng pelikula sa akda dahil hindi nito binawasan, lalong hindi niluray, ang halaga ng kabuuan. Kung tutuusin mas nalalapit sa papel ang kabuuang turing ng pelikula—maingay, maalinsangan, bastos, mapait, matapang.

***

Tahimik sa loob ng punerarya, sikil pati ang mga bahin at ang mga ubo. Ngunit sa labas, ang mga sasakyan ay nag-aangilan. Walang pakialam ang buháy sa ilang kamatayan. p.134


Sa pagpapatuloy ng pagkilala sa klasikong Panitikang Pilipino sa labas ng paaralan ay sunod kong binasa itong Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes na nailimbag noong 1963 nang makahiram ako ng kopya kay JM.

Unang mapapansin ang haba ng pambungad ng patnugot na may halos limampung pahina. Nakapaloob dito ang naging buhay ng may akda, panayam sa kanya, at pagsusuri sa Kuko. Ilan ang mga ito sa mga kumuha ng aking pansin:


Unang naipabasa sa publiko noong 1963, 60 taon makalipas, 2024 ngayon at nababanaag ko pa rin ang walang-maliw na mga larawan ng kagipitan at kalupitan ng buhay dito bilang kasalukuyang danas ng mga obrero sa Kamaynilaan.

Sinisimulan ang bawat kabanata sa mapahiwatig na prologue at makaraa’y tahasan ding isisiwalat ang kaganapan ng kwento. Makikita ang paninimbang sa malikhaing pagsulat ni Reyes. Hindi minamaskarahan ang kabastusan ng ugali ng tao, hindi pinupurol ang talim ng katotohanan.

Sa tunay ay inasahan kong lalawig ang bahagi nina Julio at Ligaya ngunit nalagot lang iyon nang agaran. Samantalang kausi-usisa ang pagiging omnisyente ng tauhan na si Pol na kaibigan ni Julio. Kung sinikatan ng araw ang trilogy nitong Kuko ayon mismo kay Reyes sa ‘Sa Aking Panahon: 13 piling katha’ mula sa komentong ito, nais kong mabasa ang ikalawang aklat na ang 'Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy, istorya ni Pol, isang moral na tao.’

Ilan sa mga nagustuhan kong sipi:

Tungkol sa walang ginhawang lansangan ng Maynila,



Tungkol sa klima,



Sa pagtatanan,



Sa huwad na katarungan,



Sa pag-alaala,

Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
June 22, 2012
Ang pagbabasa ko nitong libro ay isang handog bilang pagkilala, pagpuri, at paggalang sa katangi-tanging manunulat ng Pilipinas. Pag-alala sa nasirang kwentista na si Edgardo M. Reyes na kamakailan lang ay tahimik na namaalam sa ating lahat. Isang pasasalamat sa kanyang naiambag sa sining pampanitikan at sa literaturang Pilipino.

Sa Mga Kuko Ng Liwanag --- isang nobelang sumasalamin sa mga kaganapang nararanasan ng mga maralita ng Maynila. At kung gaano kabagsik ang mga kuko nito sa tuwing liliwanag ang mga ilaw kung kailan pagod na ang haring araw.


Isang totoong kwento ng mga ttoong tao na totoong ikinuwento ng isang totoong manunulat. Si Reyes ay may napakaraming karanasan sa pagiging mahirap. Naging obrero, nagpart-time sa putahan, tumira sa Maynila at naging bukas sa mga kaganapan sa kanyang paligid. Nailagay niyang lahat ang mga elementong ito sa kanyang obra. Gumamit pa siya ng salitang kalye upang lalong bumagay ang mga tauhan sa tema ng kwento na siyang naglalapit sa obra niya at sa mga ordinaryong tao. Isa talagang beteranong manunulat si Reyes.

Maganda ang kwento na bagama't medyo bitin ay masasabing kayang-kayang tapatan ang ibang mga klasiko ng ibang bansa. Bitin dahil sa mga karakter na bigla nalang nawala sa kwento at hindi na nabalikan pang muli. Kung magkakaroon man ng ikalawa o ikatlong yugto itong nobela, mas maganda siguro kung magiging sentro ng kwento ang iba pang karakter, tulad nila Perla o kaya ay si Pol. May pagkamisteryo kasi ang kanilang karakter. Pero sa tingin ko ay hindi na mangyayari yun. Mangyari man na magkasequel nga, hindi na kasing galing ni Reyes.


Si Julio , isang taong mangmang, mangmang na ring maituturing dahil isa siya sa mga taong di alam ang kalupitang taglay ng Maynila. Nakipagsapalaran siya para sa kanyang minamahal pero wala ding nagyari. Nikang siya pa ang naging dahilan ng pagkapahamak nilang dalawa . Ang libro ay unang nailabas tatlongpung taon na ang nakakaraan, at sa talongpung taon na yun ay wala pa ring pagbabago. May mahihirap pa rin, may prostitute pa rin, at meron pa ring karahasan. Hindi na ata talaga magbabago ang Maynila. Hindi na ata talaga magbabago ang kapalaran ng mga taga-Maynila.

Ang sama pa rin talaga ng Maynila.





6 reviews1 follower
September 14, 2012
"SA AKIN, PAG HINDUTAN, HINDUTAN. PAG DUGUAN, DUGUAN."- Edgardo M. Reyes sa Sa Aking Panahon: 13 piling katha (at isa pa!)


Kaya makikita sa librong Sa Mga Kuko ng Liwanag, walang ibang halong kung anu-ano pa.. Dirediretso. Laging may kinalaman sa istorya bawat chapter. Ganon sumulat si sir Edgardo Reyes.

Matapos makabuo ng dalawang tsapter ni Edgardo Reyes sa Sa mga Kuko ng Liwanag ay saka pa lang niya sinulat ang buod. Dinala niya kay Mang Danding(Editorial Director ng Liwayway). Sypnosis lang ang hinihingi. Makalipas ang mahigit na isang buwan ay binalik ang sypnosis at ang dalawang tsapter. Rejected on 27 counts.

Pero hindi pumayag si Edgardo Reyes na mabilanggo habambuhay ang nobelang iyon. Itinuloy niyang sulatin. Madugo sa karerebisa. May mga parte pa na ang maikling PROLOGUE ay naging mas mahirap pang sulatin kaysa mismong tsapter. Talagang gibaan ng katawan sa kapupuyat, at ng ulo sa kaiisip.

Inabot ng santaon at kalahati ang Sa Mga Kuko ng Liwanag para matapos. Pinagpaguran.

Sabi pa sa "Sa Aking Panahon: 13 piling katha (at isa pa!)" na ang Sa mga Kuko ng Liwanag, halimbawa, ay Trilogy. Book 1 si Julio Madiaga, isang AMORAL na karakter. Book 2 ang Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy, istorya ni Pol, isang MORAL na tao. At book 3 ang Budhi ng Buwaya, tungkol naman kay Imo, IMORAL ngunit siyang tunay na "umasenso" sa buhay. Bawat isa ay hahantong sa kamatayan.

First time. Gusto ko lang pong ishare. :)
Profile Image for Pep.
121 reviews3 followers
September 11, 2021
#dalubhasa

The intro of my copy of this book is a (vaguely sexist and homophobic) rant trash-talking the movie and complaining about every little deviation from the original. "They didn't understand it!" Hilariously, it predicts (back in 1975) that the movie would be forgotten as the years passed and it would eventually be viewed as a failed attempt to adapt the novel.

Found this funny because after reading the book, I was struck by how well the movie captured the spirit of the book: a simple but patient story with a clear structure of the main character's slow descent into tragedy. It's short but very evocative; if there's one thing I wish was portrayed more clearly in the movie, it's the poetic depiction of the constructed building, that (annoying as it was to read kasi hindi ako makata) added a depth to the backdrop of all scenes, showcasing the eventual result of the workers' collective effort. The equivalent would likely be the movie's continuous usage of neon lights in nighttime scenes which conveys a related, but different effect.

Obviously, the book is very sad.
Profile Image for Ramzzi.
209 reviews22 followers
November 19, 2018
In reality, Manila is an authentic dystopia.
In dystopian authenticity, Manila is a reality.
©2018

Isang aklat na nagbabaga ng katotohanan at karimlan, at sa kabila ng lahat, kayraming karunungang makukuha, kasama ang mga katanungan tungkol sa estilo at pagsulat na radikal, ang kamalayan ng karamihan kung may tagumpay nga ba talaga sa Manila, na naka-sentro sa paghihirap ng isang Filipino sa mala-buwitreng makabagong panahon.

Bakit ba parang hindi iniiwan ng lagim at trahedya ang ating mga buhay—trabaho man o pag-ibig—noon man o ngayon—bakit ba?
Profile Image for Clare.
76 reviews8 followers
November 3, 2015
Ilang buwan nang tengga sa bookshelf itong libro ko pero nabuhayan akong basahin kahapon lang nang magbrowse ako ng isang bahagi tungkol sa Chinatown, at pati nang makita ko sa GR na halos lahat ng rating ay 5 stars. Sabi ko mukhang maganda nga.

GRABE. Di ko naman akalain na maganda nga! Ambilis ng transisyon. Parang hihingalin ka hindi dahil sa nabibilisan ka pero dahil ang ganda ng mga eksena hindi mo mabitawan ang libro dahil gusto mo nang malaman ang susunod na mangyayari. May mga parting panatag ka na sa eksena tas biglang may mangyayaring di mo inaasahan. Meron din na tumatama ang hula mo pero mas maiinis ka kasi yun ang pinakaworst na maiisip mo para sa character. Isa pa, kahit na 60s pa ang setting kapansin-pansin na ang mga pangyayari ay nagaganap pa din hanggang ngayon (2015). Nagbago man ang panahon, wala namang nagbago sa sitwasyon ng mahihirap sa probinsya at sa kalakhang maynila. Dama mo ang hirap ng taong naghihikaos sa nobelang Taong nasetup ng kahirapan ng buhay.
Profile Image for Carmela.
53 reviews18 followers
September 4, 2013
Nakakalungkot na libro ngunit malakas sa panlasa ko. Pinakamaganda sa lahat ng nabasa kong Philippine Literature (puro naman kasi Bob Ong iyong binabasa ko e). Basta, maganda. Parang nag time travel ako kanina habang binabasa ko 'to. Super vivid kasi ng pagkalarawan. Simpleng salita, pero malalim ang pinanghuhugutan, kaya maganda.
Profile Image for Jane Dominique.
82 reviews31 followers
June 22, 2025
"hindi kasalanan ng tao ang ipanganak na mahirap, ngunit kasalanan na niya kung siya'y mamatay na mahirap parin."

madaling sabihin kung ikaw ay nasa middle class, may panghahawakang oportunidad, maraming tiyansa upang makaahon. ngunit para mo na ring sinabi na pantay pantay tayong pinanganak na may oportunidad. maling sisihin ang mahihirap na ni hindi maka-survive sa isang araw. kawalan na nga ito ng empatiya ay isang malaking pruweba pa kung gaano na nanunuot sa kalamnan ng tao ang sistemang kapitalistang pumapatay sa kakayahan ng mga kababayan nating mangarap man lang.

imbis na ituro ang mga daliri sa bulok na sistemang umaapak (at tinuturuan ka ring umapak) sa leeg ng mga nasa ilalim, mas madali nga naman ibaling ang sisi sa mga hindi makaahon. kasalanan nila 'yan? na inaapakan sila sa leeg? kasalanan parin nila kung mamatay sila dahil dito? wow.

ang ilusyon ng liwanag na pinangako ng kapitalismo ay siya ring kumukulong sa mamamayan. isang mapait at nakakasulasok na patunay na hindi lahat ng ilaw ay gumagabay. minsan ito'y patibong, hawak ito ng nakakataas. inilalapit sayo, inuumang, papaniwalain kang abot-kamay mo ito kung magsikap ka lang, kahit nakakulong ka sa tanikalang sila rin ang naglagay sayo. ang liwanag ng kapitalismo ay hindi gabay, kundi bitag na maingat na dinisenyo upang manatili kang alipin ng sistemang ito.

ito'y ilan lamang sa nga repleksyon ko buhat nang basahin ko ang akdang to. sa katunayan, binasa ko lamang ang librong 'to dahil gusto ko lamang panoorin ang pelikulang hango rito. hindi ko naman sukat akalaing ganito kalalim ang sugat na iiwan nito sakin. [o hindi kaya inungkat lang nito ang mga sugat ng realidad na gusto kong takasan]. makailang beses akong napaluha, hindi ko inexpect na mamahalin ko nang todo ang mga karakter na saglit ko lamang nakilala. napapatanong ako kung bakit iba ang sakit ng akdang ito sa lahat ng aklat kong nabasa at sa palagay ko'y dahil ito'y sa sarili kong linggwahe, sa mundong ginagalawan ko mismo, sa tahanan ng puso't kaluluwa ko. at ang realidad na sumasampal sa akin nang paulit ulit: wala paring nagbabago. masyadong malapit. masyadong totoo. kapag sa ingles ako nagbasa ay kahit papano, may ilusyon ng distansya. sa pagbabasa ko nito, wala akong takas at hindi ako dapat tumakas. ang realidad ng mga nasa laylayan ay realidad din natin. hangga't di malaya sa gapos ng opresyon ang karamihan sa atin ay hindi tayo malaya.
Profile Image for Nikka Flores.
15 reviews11 followers
January 27, 2014
Hindi ako mahilig sa poetry maaaring dahil sa hindi ako magaling dito.
Pero iba ang naging pananaw ko sa pagkakabasa ng libro ni Edgardo M. Reyes.

Oo, malalim. Maraming salita ang malalim at mahirap unawain para sa'kin at malilim ang nilalaman ng bawat kabanata pero ibinigay ito ni Edgardo M. Reyes sa kanyang mga mambabasa sa isang simpleng paraan.

Maraming bagay sa istorya ang makikita mo pa rin ngayon. Ah! Mabuti na lang at ang mga pangalan ng mga lugar pamilyar sa akin. Gumana ang aking imahinasyon! Hindi lang pala marami bagkus halos lahat ay makikita mo pa rin sa city ngayon, sa mas sibilisadong panahon.

Naturalismo at Realismong pinagsama. Totoong totoo ang pagkakasulat.
Ang mga karakter ay totoo, may pumapatay, may nanloloko at may nagbebenta ng katawan.

Hindi lahat ng masama ay walang buti at sa kabutihan ay may kasamaan.
Profile Image for RJET.
15 reviews21 followers
June 19, 2013
Hindi ko ito panahon, pero ang setting at standard ng pamumuhay na dinescribe ni EMR ay pareho, mas malala pa nga sa ngayon. Ang dialect o lingo ng chracters niya ay pang masa talaga (sa mga lumang pelikula ko nalaman). MAsasabi kong mahusay dahil hindi ko na mabilang kung ilang bese kong pinaulit ulit basahin ang librong ito.
Profile Image for Jnz.
14 reviews10 followers
December 4, 2008
the characters in this novel will remain in me like forever...
the ever beautiful ligaya and the martyr julio madiaga.
it's a tragic love story. it is very romantic in a way that Julio even went to manila just to see Ligaya but it was over-powered by the reality he experienced in the city.
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
October 3, 2016
Marami akong gustong sabihin tungkol sa nobelang ito, hindi ko lang alam kung paano sisimulan. Ang dami kong naiisip na mga bagay na may kinalaman dito bago, habang, at matapos ko itong basahin. Bahala na siguro kung saan mapadpad ang review ko.

Bagamat hindi ko na naabutan ang karamihan sa kanila, masasabi kong medyo mahilig akong manood ng mga lumang pelikulang Pilipino, partikular na ang mga pelikula magmula dekada sitenta ('70s) hanggang dekada nobenta ('90s). Medyo lang dahil hindi naman ganoon kalawak ang kaalaman ko tungkol sa mga pelikulang iyon. Kung titingnan ang aking laptop noon, mas marami pang downloaded na lumang pelikulang Pilipino kaysa pelikulang banyaga. May mga pelikula ng mga batikang direktor na sina Lino Brocka, Mike De Leon, mangilan-ngilang obra ni Joey Gosiengfiao, at mga pelikula ng Star Cinema noong dekada nobenta.

Isa sa pinakapaborito kong pelikula ay ang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Lino Brocka. Aaminin kong late 2000s na nang madiskubre ko ang pelikulang ito, kaya sa totoo lang ay medyo late ko na ring nagustuhan ang pelikula. Marahil dati ay hindi ko pa gaanong ma-appreciate ang ganitong klaseng makabuluhang mga pelikula dahil masyado pa akong bata.

Matagal-tagal kong hinintay ang pagkakataong mabasa ang Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Naaalala ko, hirap na hirap akong humanap ng kopya nito sa mga bookstore. Nang magkaroon na ako, hindi ko pa binasa agad kahit gustong gusto ko na siyang basahin. Ewan, siguro ay naghahanap ako ng tamang tiyempo o mood. Kaya ang resulta, hinilera ko muna ito sa dumaraming listahan ng aking to-read shelf at naghintay ng tamang panahon. Pero sa totoo lang, hindi ko pa binabasa ang libro pero tila inaasahan ko nang bibigyan ko ito ng limang bituin (5-star rating) dahil manghang mangha ako sa pelikula, at hindi malayong magustuhan ko rin ang nobela. Pero dahil mas nauna kong panoorin ang pelikula kaysa basahin ang libro, medyo nangamba ako na baka hindi ko na masyadong magustuhan ang nobela dahil alam ko na ang mangyayari. Wala nang thrill factor, 'ika nga. Pero hindi. Iba ang ganda ng pelikula at iba rin ang mismong nobela. Mas nakatulong pa nga yata na ganoon dahil mas lumawak ang imahinasyon ko habang nagbabasa.

Sa ilang beses kong panonood ng Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag at sa kauna-unahang pagkakataon na nabasa ko ang Sa Mga Kuko Ng Liwanag, iisa ang naging reaksyon ko: Sobrang ganda. Ang husay ng pagkakagawa ng pelikula at ang sarap basahin ng libro. Iyon lang, wala nang iba.

Simple lang ang kuwento ng Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Tungkol ito sa mangingisdang si Julio Madiaga na nakipagsapalaran sa magulong siyudad ng Maynila upang hanapin ang nawawala niyang kasintahang si Ligaya Paraiso. At sa kasagsagan ng kanyang paghahanap ay unti-unti niyang nakita ang tunay na anyo ng Maynila. Simple lang ang kuwento subalit mag-iiwan ng matinding marka sa mga mambabasa.

Isa sa mga nagustuhan ko sa nobelang ito ay ang paggamit ni Edgardo M. Reyes ng ilang mga salitang malalalim pero kung susuriin ay nakakabilib dahil maiintindihan mo pa rin ang mga ito. Hindi mabulaklak ang mga salitang ginamit niya at walang mahahabang pangungusap at naratibo. Simple lang ang pagkakasulat pero masustansiyang basahin. Walang paliguy-ligoy. Napakapulido ng ginawang paglalarawan ni Edgardo M. Reyes sa mga dungis ng Maynila.

Maganda rin at nakatulong ang pagkakaroon ng maikling talata sa simula ng bawat kabanata nito na kumbaga sa isang pagkain ay para bang nagsisilbi silang appetizer na magbibigay ng gana sa kakain nito, o sa kaso ng librong ito, ay nagsilbing paraan upang ma-set ang mood ng mambabasa sa bawat kabanata.



Makailang ulit kong pinanood ulit ang mga paborito kong eksena sa pelikula bago, habang at pagkatapos kong basahin ang libro. At pagkatapos ng aking pagbabasa, tulad ng pelikula ay paulit-ulit kong binasa ang ilang mga talatang paborito ko. Ganito ako napabilib ng kuwento dahil ayokong mawala ang isa sa kanila. Sa isang araw ay parang kulang ang pagbabasa kung hindi ko napanood ang pelikula at parang kulang ang panonood kung hindi ko nabasa ang libro. At habang nagbabasa, nagkaroon tuloy ako ng munting ideya na isulat ang lahat ng pahina ng mga paborito kong eksena sa bawat librong babasahin ko sa susunod, sa pamamagitan ng pagdidikit ng post-it note sa likurang bahagi ng mga libro.

Sinimulan ko itong basahin noong Setyembre 16. At nitong Huwebes ko lang natapos ang libro. Inabot ako ng mahigit-kumulang dalawang linggo sa pagbabasa ng manipis na librong may 165 lamang na pahina. Simula nang magkaroon ako ng account, bibihira lang yung pagkakataon na binabagalan ko ang pagbabasa ng libro dahil ayokong matapos agad ang kuwento. Binibilisan ko pa nga ang pagbabasa noong bago pa lang ako sa para lamang matapos ko agad ang aking 50 Book Reading Challenge. At isa ang Sa Mga Kuko Ng Liwanag sa mga nobelang binagalan ko talaga kasi ayoko itong matapos agad. Ang husay ng paglalahad ni Edgardo M. Reyes sa masalimuot na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino at ang makatotohanang paglalarawan niya sa tunay na anyo ng kahirapan sa ating bansa.

Buti na lamang at sa ngayon ay unti-unti na akong nakaka-move on sa librong ito.
Profile Image for Jessica.
56 reviews
July 31, 2023
Walang rebyu ang makapagbibigay hustisya sa likha ni Edgardo Reyes. Napamura ako sa mga pahina, sa sunod-sunod na pagpapahirap sa tauhang sumasalamin sa proletaryong Pilipino.

Disturbing. Lalo na ang deskripsyon ng sapilitang pagpuputa — sa isip ko ay sana'y di na 'yon binasa, mabigat kasi sa sikmura.

Hindi ko alam kung nangyayari pa ngayon ang mga pangyayaring dinetalye sa libro, pero alam kong laganap pa rin ang kahirapan, karumihan, at ganid sa Manila.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Julius Palmero.
16 reviews
July 20, 2020
Swabe! Di ko akalain na pwede ka makalikha ng obra gamit ang iilang pangungusap lang. Kakaiba ang istilo ni Reyes, hindi kombensyonal at madaling intindihin ang pagkakaayos nya ng salita. Hindi malalim, hindi mabulaklak ang salita. Wala nang review review, basahin mo to kasi Pilipino ka.
Profile Image for Aldren.
23 reviews20 followers
February 10, 2013
“Sa bawat latay, kahit aso’y nag-iiba. Sa unang hagupit, siya’y magtataka. Sa ikalawa, siya’s mag-iisip. Sa ikatlo, siya’y magtatanda. At sa ikaapat, humanda ka!”

Ang nobela na ito ay tungkol sa isang mangingisda na lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang nobya. Sa kanyang pakikiapagsapalaran doon, naranasan niya ang hagupit ng lungsod at ng sistema nito.
Ito ang unang nobela ni Edgardo M. Reyes na nabasa ko bagamat marami na akong nabasa sa kanyang maikling kwento noong hayskul (e.g. Di Maabot ng Kawalng-malay, Lugmok na ang Nayon). Masasabi ko na ito na yata ang pumapangalawa sa Noli ni Rizal. Maganda ang pagkakasulat pero nagtitipid yata si EMR noong sinulat niya ito. Nabitin ako sa mga ilang pangyayari kaya di ko masyadong nasubaybayan ang paglilipat-eksena sa nobela. Ngunit ang mga salitang ginamit at ang pagalalapat ng simbolo at tayutay ay napakahusay. May pagkakataong humihinto ako sa pagbabasa upang sariwain ang mga pangyayari at namnamin ang bawat salita.

Makatotohanan ang paglalahad ng mga pangyayari kaya nagustuhan ito ng aking panlasa. Sinasalamin nito ang mukha ng lungsod na tinatapakan natin — ang mga manggagawang balbal sa trabaho pero kinokotongan ng sweldo, ang mga maralitang dikit-dikit sa eskwater na hindi man lang nakakain ng tatlong beses sa isang araw, ang mga taong kumakapit na lang sa patalim para mamuhay, at ang baluktot na sistema ng pamahalaan. Pero binalanse ito ni EMR sa kanyang nobela sa pamamagitan ng karakter ni Imo na nagsumikap sa kanyang pag-aaral, at sa pagpatay ni Julio kay Ah-Tek. Sinisimbolo nito na kailangan nating kumilos at labanan ang diskriminasyon at pang-aalipusta ng lipunan at gobyerno. Sinasaad din sa nobela ang tema ng pagkakaibigan. Ilan sa atin ang nakakalimot na pag nasisikatan ng pera. Ilan ang lumalaki ang ulo pag nakakaangat na ang buhay. Ngunit mayroon pa rin na sa hirap at ginhawa ay nandiyan. Mayroon pa rin na marunong tumanaw ng utang na loob.

Makikita natin na ito na ang mga nangyayari noong panahon pa ni EMR (1960s yata niya sinulat ito). Hindi ito exaggerated dahil magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito. Anim na dekada na ang nakararaan ngunit ganito pa rin tayo.
Profile Image for Rexy.
199 reviews
September 30, 2015
This is my first required reading for my ENG4: Masterpieces in World Literature class.

"Sa Kuko ng Liwanag" is a gripping tale that's full of unexpected plot development. The characters can be categorized as round characters-they ying yang across bad and good.
Through this so called "ying yang", the story is unafraid to narrate the harsh realities of a life of poverty along with a certain romanticism in the camaraderie between those who dwell in the bottom.

The actual romance element is subdued but nevertheless present. I don't want to go over my reaction to the open-ended ending that much to avoid spoiling anyone but let me just say that, personally, I found the ending predictable. That's just me though, as nearly 80% of my classmates read the last chapter with eyes wide open in disbelief.

This review would be remiss if I fail to mention that, more than once, it made me want to sit in a dark corner and think about the tragedy that befalls the ones born in the wrong side of the rails here in the Philippines. :(
382 reviews
April 2, 2020
4.75
(sorry if taglish and informal pero mas priority ko yung ma-express yung thoughts ko as accurately as i can)

First of all, hindi siya 5 stars kasi nakareserve lang yung 5 stars para sa mga books na di lang sobrang ganda, i feel the certainty na gugustuhin ko siyang basahin siya ulit someday.

Ok now that that's out of the way, let's talk about the novel.

wowwwwwww. im so glad na binasa ko siya. ang ganda huhuhuhuhuhuhu. intro pa lang nahype na ako. sobrang cool malaman na sobrang fastidious ni edgardo reyes sa specific wording and structure niya ganun.

ang vivid ng scenes and settings. tho the characters kinda felt flat, parang caricatures sila pero hindi naman kasi mas may depth naman sila compared sa actual caricatures,, ewan. id like to say more pero i dont know how to expound.

anyway!! kahit na ganun, i still enjoyed reading it. ang ganda ng flow and transition. kahit na sinesearch ko halos lahat ng mga vocab words na ginamit, siguro mga 6-10 words sa bawat page, di ako naput-off and nasasabayan ko pa rin siya. nasusustain pa rin yung interest ko and ang vivid parin sa mind ko yung mga nangyayari.

ano pa ba, i appreciate this novel a lot. it touched upon a lot of social issues that are sadly still rampant today. yung mga pangit na working conditions, mga corrupt na tao and government, yung system that enables the cycle of poverty, prostitution, sexual and domestic violence, and etc.

sobrang, napadama sakin yung mga stuff. nung ninakawan si julio, tangina. galit na galit ako fucker. so ayun, halos ganyan mood ko sa buong book.

yung ending :((. alam ko nang hindi masaya yung ending since sinabi na mismo ni reyes sa intro pero :((

pero you know what, since inimply lang yung nangyari sa pinakadulo, im going to think na somehow, nasurvive ni julio yun, nakabalik siya kela pol, and nakagawa siya ng mas magandang buhay para sa sarili niya. kasi :((.

or siguro,, ill just think na kahit nangyari kay julio yun, may mga taong katulad niya na nakalabas dun. even tho na mas less likely yun bc of the system. love that 🤘

sobrang nakakafrustrate :((

ok let's talk about the people
si atong 😭😭😭😭😭😭😭😭. ay tapos si perla :((.

kay ligaya, since di naman siya sobrang na-interact sa novel, hindi ako sobrang na-attach sa kanya. like, cognitively, i sympathize w her a lot. pero she wasnt personified enough for me to feel actual sadness.

si pol. aww what a bean. i wish u the best in life :((. sana matanggap mo yung nangyari kay julio. please dont blame urself dude. u were one of the best friends he ever had.

julio, u dumb ass why did u do that :((. at the same time, kung tutuusin, sobrang fed up na niya sa system and kung hindi si ah tek, it'll probs be someone else. pero mygad!!! anyway, i like na ginawa niya to (tho i wouldnt wish this irl!!!) kasi it made him more morally ambiguous and thus, interesting to think about.

si imo.. i admired his tenacity and drive up until now, but what a shitty friend. ang sad how tinalikuran na lang niya yung iba nyang friends dahil alam niyang, wala siyang magagain mula sa kanila.

so i guess that's all.

read it!!!!
Profile Image for renzo.
3 reviews
December 13, 2019
Anim na Bagay na Nagpapaalala sa Akin ng Nobelang "Sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M. Reyes

1. Concrete Mixer
–tyambahan lang kung makakita ng ganito, pero sa tuwing nakakakita ako nito, pakiramdam ko nasa tabi ko si Julio; nakikinig sa pag-inog nito, na wari'y isang globo: kumakarugkog–kutug–kutug–kutug kutugtug–tugtug (masining na paggamit ng wika).

2. Kuwintas na Sampagita
–sa tuwing nakakakita o nakaaamoy ako nito, nananariwa sa diwa ko ang katapatan at kabaitan ni Pol; bilang tao, kaibigan, anak, at bilang umiibig. Naging simbolo rin ito hindi lamang ng kagalakan, bagkus pati ng kamatayan.

3. Gusali
–tinuruan ako ni Reyes ng kung papaano hubaran ang isang gusali. Kaya sa tuwing pumapasok ako sa PUP, iniisip ko "Sino kaya ang mga nagpagod upang matayo ang mga gusali rito?" kung hindi dahil sa kanila, wala ang mga gusali–wala ang PUP–baka hindi na ako nakapag-aral. Sa isip ko, nagpapasalamat ako sa mga nagtayo nito at maging kay Reyes.

4. Construction Worker
–sa araw-araw na pagsakay ko ng jeep, madalas akong may makasabay/makatabi na construction worker. Agad-agad namang kumukurot sa isip ko ang tanong na "Naranasan/nararanasan din kaya niya ang hirap/lupit/pagsasamantala na katulad ng ibang mga tauhan sa nobela ni Reyes?" (Sana hindi. Sana hindi.)

5. Estero
–hinatid ako ni Reyes sa makatotohanang mundo. Binigyan niya ako ng pagkakataon upang masilip ang kasaysayan ng mga lugar noon sa kamaynilaan. Kaya sa pamamagitan ng isang estero, naaalala ko kung gaano niya karungis isinalaysay ang mga lugar noon sa kamaynilaan.

6. Kantang "Ligaya" ng Eraserheads
–wala ang kantang ito sa libro, pero, sa tuwing naririnig ko qng kantang ito, naaalala ko ang isang tauhan sa libro: si Ligaya Paraiso–na kumatawan sa masalimuot na kalagayan at naranasan ng mga babaeng probinsyana na nakipagsapalaran sa Maynila noon (at marahil nararanasan pa rin kahit sa ngayon).

Matapos kong basahin/dalumatin ang nobelang ito, hindi maitatanggi ng puso't isip ko na isa ito sa pinakamaganda, pinakamalaman at pinakamakabuluhang klasikong libro na naisulat ng isang Pilipino.

Hangga't may isang bagay na magpapaalala sa akin ng nobelang ito, marahil hindi ko ito malilimutan o ganap na malilimutan. Muli't muli itong mananariwa at maglalayag sa isip ko. Hindi ako lulubayan nito hanggang sa malagutan ako ng hininga. (ganoon kabagsik ang sipa ng librong ito sa akin)
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Keziah Bayson.
53 reviews1 follower
April 18, 2022
“Sa bawat latay, kahit aso’y nag-iiba. Sa unang hagupit, siya’y magtataka. Sa ikalawa, siya’s mag-iisip. Sa ikatlo, siya’y magtatanda. At sa ikaapat, humanda ka!”


What I appreciate most in this story is that it’s very simple but it sensibly emulated the plight of the mass, especially the proletariats. No exaggerated plot, just the daily grueling life of the working class under an exploitative corporation. Julio, the main character, has faced numerous struggles for being poor, making him do things considered “immoral”. But in a society where even having a decent salary seems so far-fetched, how indecent is it to make immoral actions out of hunger? I’m not justifying wrongful exertions but what I picked up from this book is to have an open mind. There are such things like socio-economic factors that enormously affect one's decisions.

Additionally, I also like how the story tackled how the lack of choice for being poor is so punishing. Like what a character from the book said, “Bigyan mo nga ako ng mas mabuti trabaho at tignan mo kung makita mo pa ‘ko rito.”

This is a significant book that I would highly recommend to everyone to be radicalized on their views about the working class. A realistic and exemplary emulation of how capitalism takes advantage of the proletariat by the bourgeoisie.

P.S. Gusto ko Filipino and reviews ko sa mga Filipino books pero kasi gagamitin ko 'to sa reading journal namin sa Reading and Writing. Gawa na lang ako bagong review next time.
Profile Image for Marklance Talento.
9 reviews12 followers
July 7, 2021
Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagbabasa ng nobela kaya buti na lang na napasakamay ko ang nobela ni Edgardo M. Reyes. Iba ito sa mga nobelang nababasa ko. Hindi ito umaanib sa tipikal na pagkwento na kinagisnan ng mga sumusunod sa prinsipyo ng Pormalismo at Romanitisismo - at ito nga'y ineksplika ni Rogelio G. Magtalas sa introduksyon: na umaanib ang nobela sa prinsipyong pampanitikan ng Realismo-Naturalismo. Ang nasabing prinsipyo ay angkop sa pagkwento ng karanasan ng mga tauhan bilang mga nasa laylayan ng lipunan, kaya ganun ang plot ng nobela: wala masyadong nangyayari, walang foreshadowing at iba pa. Bukod pa dito'y simple lang ang prosa, ngunit nakaaantig pa rin para sa akin - page-turner ika nga. Ang diyalogo ng mga tauhan ay isinulat sa kolokyal na Tagalog noong dekada sisenta na hindi ko masyado naintindihan sa simula ngunit sa pagbasa ko pa ay nagawi ko naman na ito.

Sana'y mabasa ito ng marami pang mga Pilipino, lalo na 'yong mga nasanay nang magbasa ng panitikang dayuhan.

Nirerekomenda kong basahin ninyo muna 'yong mismong nobela bago ang mga panimula't introduksyon nito (kung meron man) para 'di kayo ma-spoil (kahit na napanood niyo na ang film adaptation nito ni Lino Brocka).
Profile Image for FG Castro.
14 reviews
June 10, 2023
Ito'y sosyal na komentaryo na naglalarawan ng buhay sa lungsod noong Dekada 60 ngunit ramdam pa rin ng mga nabubuhay ngayon ang kalagayang nakalahad sa kwento. 

Nakapinta ang marahas at mapait na katotohanan ng buhay sa lungsod, may matalas na paglalarawan sa kahirapan, korupsyon, at panlipunang kawalan ng pagkakapantay-pantay. Maituturing na isang pagsusuri sa mga pang-ekonomiya at politikal na istraktura. Tinalakay din ni Reyes ang mga paksa tulad ng pagkawala ng pagiging inosente. Malungkot ma'y mapapakapit ka sa salaysay ng nobela. Ito'y may kwento ng pag-ibig, pag-asa, at desperasyon. 

Gayunpaman, sa ilang bahagi'y labis na deskriptibo ang estilo ng pagsusulat at nakakabagal sa usad. Tila mas prayoridad ang pagpinta sa buhay ng maralita kaysa sa paglilok sa istorya. Dahil dito ay may pagkakataong nagiging prediktable ito sa kabuuan, at nahuhulog sa patibong ng poverty porn. Paumanhin, at di ko nilalahat, ngunit sa mga ganitong katha'y di ko maiwasang makaramdam na ginagamit na libangan ng ibang tao ang kahirapan ng kapwa bilang libangan datapwa'y wala namang naihahaing lunas bagkus ay itinuturing na nilang mulat ang sarili dahil sa mga nadaanang pahina.

Profile Image for joanne chuanak.
10 reviews
June 26, 2018
Hindi ko ugaling mag-sulat o gumawa ng pagsusuri tungkol sa aking mga nabasa dahil na rin siguro marami na akong nabasang kwento na katulad nito ngunit isa ito sa bukod-tangi na nobelang tunay na nagandahan ako. Mabilis ang transisyon at maraming laman na linyang tatatak sa isipan ang nasabing nobela. Mararamdaman mo rin ang tila naramdaman ng mga karakter sa istorya at masasabi ko rin na naapektuhan ako sa mga problema na tinalakay tungkol sa ating lipunan. Dagdag puntos na rin siguro ang pagbanggit sa aking pamantasan doon sa kwento. Plano ko ring panoorin ang pelikulang hinango sa kwentong ito na idinirekta ng isa sa mga yumaong National Artist na si Lino Brocka.

Nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang kalupitan at pagkawalang-hustisya sa mga kapus-palad. Tila wala na atang pag-asa ang ating sistema pati na rin ang pag-asenso ng mga maralita sa bayan na ito. Mas nababaon, lalong nabubulok. Ganito na nga lang ata talaga.

"Sa hirap ng buhay neto'y isang malaking kasalanan ang maging masaya." --Edgardo M. Reyes
Profile Image for shamika.
57 reviews6 followers
July 22, 2023
It was said in the introduction to the novel that the story is inherently masculine. And yes, it is masculine, but it’s also human. None of the characters were presented as a dichotomy between good and evil, nothing was black or white. Even the seemingly inexperienced central character would shock you with the things he’d done as the story progressed.
———
“Sa simula, siya'y isang kalansay na nakatalalan sa hangin. Pagyayamanin siya, maglalaman at lulusog sa dilig ng pawis at dugo. At siya'y matatayo nang buong tatag, lakas at tibay, naghuhumindig at nagtutumayog sa kapangyarihan, samantalang sa kanyang paanan ay naroon at lugmok, lupaypay, sugatan, duguan, nagtingala sa kanyang kataasan, ang mga nagpala sa kanya.”

Napakagaling magsulat ni EMR. Kapag naumpisahan mo na, ‘di mo na mabibitiwan ‘yung libro. Dito ko nakita kung gaano kaganda ang pagkakahabi ng mga salitang Tagalog ‘pag gamay ng manunulat ang lengguwahe niya. May mga linyang sapul sa puso at talagang tatatak sa ’yo.
Profile Image for anne⁷ .
572 reviews64 followers
September 19, 2017
Unang beses ko 'tong nabasa nung ako'y nasa ika-apat na taon sa sekondaryang paaralan para sa isang proyekto sa Filipino. Naiinis pa ako noon dahil hindi ko talaga gustong nagbabasa ng mga nobelang Filipino dahil ang lalalim ng mga salita at nahihirapan akong intindihin pero nagulat ako dahil sobrang ganda pala ng kuwento. Nakakaiyak at nakakagalit ngunit sa kabilang banda, nasalamin nito ang estado ng kahirapan sa Pilipinas.

Sa sobrang namangha nga ako rito, ito na rin ang napili kong nobela upang magawan ng buod sa isa na namang proyekto noong nasa kolehiyo naman ako.

Dalawang beses ko itong nabasa ngunit ang dalawang beses na iyon ay mahigit sampung taon na ang nakaraan. Gayunpaman, hindi ko pa rin makalimutan ang ilan sa mga nangyari rito lalo na ang katapusan ng kuwento. Patunay lamang, para sa akin, na tunay nga na mahusay ang pagkakasulat sa nobelang ito.
Profile Image for Krizza Sarah.
6 reviews
January 27, 2021
Sa taong 1960 ipinanganak ang nobela ni Reyes. Kung bakit ba naman hanggang ngayoy ay kaparis na paghihirap ang danas ng mga manggagawa sa kasalukuyan sa kung paano niya naisalarawan ang hirap sa mukha ng mga anakpawis.

Kulang kulang animnapung taon na ang nakararaan, ngunit nasa parehas na kalagayan ang Julio sa nobela at ang mga Julio sa ngayon.

Palaging nakalalamang ang may kapangyarihan, magmula panahon ng kolonyalismo, hanggang sa panahon ng poon na sinasamba ng 16 milyong Pilipino.

Ang lala. Kasing linaw ng istilo ng pagsusulat ni Reyes ang katotohanan na hindi natapos ang kapalaran ni Julio sa panahon niya. May naghihirap, at maghihirap pa rin na mga uring manggagawa.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 91 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.