Aminado si Chiza na karamihan sa mga miyembro at may-ari ng Stallion Riding Club ay guwapo. Pero hindi siya padadala. Naroon siya para sa trabaho at negosyo, at hindi sa anupamang bagay.
Pero dahil sa di-sinasadyang insidente, nakilala niya ang guwapo, berde ang mga mata, at may British accent na si Brad. Nang mahulog siya mula sa isang puno dahil sa pag-atake sa kanya ng mga langgam, ito ang nakasalo sa kanya habang nangangabayo ito.
Oo, napilayan siya sa aksidenteng iyon. Pero kung mayroon mang magandang naidulot iyon sa kanyang buhay, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong maalagaan siya ni Brad.
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.
Maganda siya and sobrang nakakakilig. Nakakatuwa yung bidang babae. Sakto lang din ang haba ng story para sa mga di gaanong mahilig magbasa. Kaya lang medyo naguluhan ako nung Una kung sino ba nagsasalita.
Ang ganda ng story. Nakakatuwa si Brad. Masungit at mukhang walang pakialam pero deep inside concern talaga siya kay Chiza. Seloso pa. Haha. Love it. :")