Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mondomanila

Rate this book
Tony de Guzman is a booze swilling, pot smoking high level IT guy working in a big insurance company. He has big plans that could set him up financially for life. And although he spends his time trying to get a coworker to bed, he still pines for an old girlfriend from his troubled childhood.

198 pages

First published January 1, 2002

24 people are currently reading
442 people want to read

About the author

Norman Wilwayco

10 books145 followers
Norman Wilwayco is an award-winning author who has published five books. These are “Mondomanila,” “Responde,” “Gerilya,” “Rekta,” and his most recent, “Migrantik.” His novels “Mondo” and “Gerilya” have won the Grand Prize for Literature in the Carlos Palanca Memorial Awards. He’s also a meme master who covers a range of topics, from politics to pop culture, on his official Facebook page.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
145 (60%)
4 stars
46 (19%)
3 stars
35 (14%)
2 stars
10 (4%)
1 star
4 (1%)
Displaying 1 - 30 of 30 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 16, 2012
(Review in English and Filipino)

This is another book, a local one this time, that you will not find anything likeable but since it is written nicely, I think this deserves to be liked (3 stars here in Goodreads).

It tells story of a Filipino man, Antonio "Tony" de Guzman who was born in a slum in Manila. Her mother was gang raped so she did not know who was the father of her son. Tony has a sibling, his half-brother Dino, a child prostitute, who was her mother's son to his stepdad Pablo. However, Pablo was a hustler and has many sexual partners - matronly women, old gays and lonely wives of husbands working abroad. So, her mother parted ways with Pablo and tried to support her two sons alone.

Despite being so poor, Tony was intelligent so he was able to work as a scholar in The University of the Philippines. He finished B.S. Electronics and Communications Engineering and topped the board exams. He got employed in a big insurance firm as an I.T. and after five years became the I.T. Manager and one of the final approvers of claims.

What follows next was how Tony enriched himself by tinkering with the computer program.

From the above, you would say that the story is simple and has been told so many times, not only in the Philippines but also in other developing countries in Asia. Poor man suddenly finding his pot of gold and then he lives happily ever after.

Almost. Yet, Wilwayco's storytelling is kick-ass: fluid yet solid storytelling. What I meant by fluid is that the story goes smoothly even if told in episodic manner. For example, the supporting characters' lives were introduced one chapter a time and then as a reader, you will not need to go back and refer to the previous chapters to see the connections. What I meant by solid is that there is no loophole in the plot. Everything ties up in the end. Wilwayco seems to know his plot so well that there is no feeling of hurried ending or any haphazard contrived subplot.

My only regret is that this book has lots of typographical errors. But this is forgivable because it is published here in the Philippines and probably the publisher, Khavn de la Cruz of Automatic Writings, has no budget for a proofreader.

Hindi ko lang makita ang pagkakapareho nito sa Edgardo M. Reyes' Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag. May moral na aral ang Maynila. Ito, wala. Oo, isang mahirap na nagsikap bumuti ang buhay pero hindi sa paraang ginawa ni Tony. Pumatay pa sya ng tao, si Jhunz. Siya pa ang dahilan sa pagpatay ni Sgt. Peppers kay Steve at sa pagpapatiwakal ng bakla niyang unico hijong si Naty (Donato Jr.). Hindi rin siya marunong magpatawad. Kahit ilang taon na ang nakalipas, binalikan pa rin niya si Mutya ganoong suntukan-bata lang naman ang nangyari sa kanila dati.

Puwedeng sabihing mayroon ding kabutihang naroroon sa puso nya: ang pagpapasaya niya sa ina niya, siya ang nagasikaso ng kasal ng Nanay niya sa bagong boyfriend nito at ibinili pa niya ang mga iyon ng bahay sa probinsiya. Hindi rin niya ginalaw si Sargeant na kasalukuyang chumuchupa noong huling makita niya dahil naging mabuti itong kaibigan sa mga bisyo nila sa Baguio.

Hindot. Chongki. Yosi. Alak. Kantutan. Prosti. Tirahan. Chupaan. Katakot-takot na mura. Patayan. Lumilipad na dos por dos. Gugo. Utak na sabog sa kalsada. Baril. Marijuana. Gantihan. Murahan. Sinusugod ng itak. Punong-puno ng galit sa mundo. Parang ibinuhos ni Wilwayco ang galit nating mga ordinaryong Pilipino sa takbo ng ating buhay. Todong buhos na ito. Delubyo na.


That's the reason why I am rating this with a three-star rating. Same shocked feeling you get when you read Bret Easton Ellis' American Psycho or J. G. Ballard's Crash. You hate the characters and what they do but you love the writing.

For those Filipinos who are still saying that there is no well-written Tagalog novels, now is the right time to stop wagging your tongues. A novel in contemporary setting and language is here for your consideration. I just don't now what "Mondomanila" means. If I were to give my title for this book, I'd rather have "Hindot" (which means "Fuck").
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 16, 2012


Una sa lahat, nais kong magpasalamat kay Mang Norman dahil sa libreng eBook sa kanyang website. Nadownload ko to kasama ng isa pa niyang obra na Gerilya . Laking tuwa ko nang malaman ko to. Noon pa man ay gustong gusto ko nang mabasa ang mga libro ni Mang Norman lalo na na nakita ko na nagkaroon pala ito ng mga awards. Ngayon nga'y nabasa ko na, pero gusto ko pa rin sanang magkaroon ng kopya ng mga ito balang araw.



WASAK!

Malupet ang pagkakasulat sa nobela. May kababawan, meron din namang may lalim. Sa totoo lang, hindi kaagad nakuha ang paraan ng pagkukwento niya sa unang sampung pahina, pero kalaunan ay napagdugtong dugtong ko na rin ang mga pangyayari.

Marami siguro ang hindi makakasunod sa ganitong uri ng pagsusulat dahil wala sa pagkakasunod sunod ang mga pangyayari pero para sa akin ayos lang. Dahil madali lang pagdikit dikitin ang mga kwento kung naintindihan mo talaga.

WASAK!

Si Engr. Antonio "Tony" De Guzman, isang kahanga hangang nilalang. Siya siguro ang opisyal na kinatawan ng tunay na taong lumaki, nagkaisip, at nakatakas sa masalimuot na mundo ng looban. Isa siyang matinong adik, prangkang plastik, matalinong gago, mabait na sira-ulo at maginoong bastos na kung tutusin ay saktong sakto lang sa pagkatao niya.

Ewan ko ba, pero natutuwa talaga ako sa mga kabastusan niya (pwedeng si Tony, pwede rin yung may akda). Sa mga hirit niya na siguradong mapapraning at magkakasala sa Diyos ang makakabasa.

Walang kupas din ang adikan. Minsan nga parang nararating ko na rin ang mundong sinasabi nila pag may session sila ng mga tropa niya. Bawat hitit, bawat langhap, nanunuot sa mura kong isipan ang lakas ng trip ng samahang pinagtibay ng binilot na damo. Hahahah First Class!.

May patayan, gantihan, bugbugan, habulan ng itak, sunugan, pagpapakamatay, plastikan, at kung anu anu pa.

Hindi rin syempre mawawala ang mga tirahan. Mga kawalang hiyaang dulot ng init at libog ng katawan. Mga prostitusyon at kung anu - ano pang kabaklaan.

WASAK!

Hindi naman puro pangit na katotohanan ang nagustuhan ko sa libro. Nandyan din naman ang mga katangian ni Tony na dapat tularan.

Pagiging masigasig na sa murang edad ay nakakatulong na sa pamilya. Madiskarte sa buhay. Mapagmahal sa pamilya. May pangarap at may ambisyon na kailangan ng sino mang tao sa mundo.

Pero ang pinakagusto ko sa ugali ni Tony ay ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Nakapagtapos siya dahil nagsikap siya at hindi niya pinabayaan ang pag aaral niya kahit maraming bisyo ang kinakaharap niya.

At dahil IT student ako at major ko din ang System Analysis at Database, nakakarelate talaga ako sa trabaho niya. Aaminin ko, idolo ko siya sa larangan na yun. Hindi talaga matatawaran ang talino niya.

Nakaisip tuloy ako ng magandang gawin pagkagraduate. At mukhang ikakayaman ko yun. Hahahah


WASAK!


Maituturing nga na isang inspirasyon para sa ating lahat ang buhay ni Tony. Pero kung ako ang tatanungin, ayokong magaya ang buhay ko sa naging buhay niya. Oo nga, naging matagumpay nga siya, ngunit sa anung paraan?

Naging sakim siya. Nagtanim ng galit. At sumira siya ng napakaraming buhay para lamang matugunan ang mga hangarin niya.

Hindi ko hahayaang lamunin ng galit at poot ang pagkatao ko. Hindi ako gagamit ng pinagbabawal na droga o damo. Magiging responsable akong tao. At kikilalanin sa buong mundo.


WASAK!

Profile Image for Alexis Gutierrez.
2 reviews
May 12, 2013
Hindi ko na matandaan kung gaano na katagal inaamag 'yung kopya ko ng Mondomanila na nasa loob ng isang folder sa desktop ng PC dito sa bahay. Matagal ko nang balak basahin, pero masyado akong busy sa buhay kong umusad nga ng kaunti, tumigil din naman agad. At sa pang-anim na buwan nga ng pagtambay ko bilang ganap na lisensyadong Electronics and Communications Engineer, sa wakas ay naisipan ko ring iskoran 'tong shit ni Norman Wilwayco. Parang tadhana nga naman, 'yung tang inang si Tony eh ECE rin. Pakiramdam ko tuloy ako 'yung impakto sa loob ng kwento.

Hindi ako marunong gumawa ng book review kaya tang ina n'yo na lang lahat. At basahin n'yo 'tong libro at kayo na mismo ang humatol kung magagandahan kayo o hindi. Pasok sa limang bituin 'tong gawa ni Norman para sa'kin. Babush.

PS: Kapag lumabas 'yung ikaapat na nobela ni Norman na "Kampus" siguradong tapos ko na ring basahin 'yung pangalawa at pangatlo ('tong Mondomanila nga wala pang isang araw ang inabot eh). Ang gusto ko lang talagang sabihin, sigurado may trabaho na ako nun. At sigurado ring bibilhin ko 'tong mga libro ni Iwa pambayad man lang sa inip na natanggal sa buhay ko habang binabasa ang mga gawa n'ya.
Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
July 26, 2025
A damning novel about abject poverty, sexism, homophobia, anarchy, and other conceivable political incorrectness, Mondomanila is an award-winning transgressive Filipino novel narrated by a rebellious character, swearing and cursing to his heart's content, in a voice full of passion and poison. Readers of this novel, originally called Kung Paano Ko Inayos ang Buhok Ko Matapos ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay (How I Fixed My Hair After a Longish Journey) will either find the antidote or not. It is simply a cathartic experience.

Profile Image for Gabriel Mari Oblefias.
9 reviews
March 20, 2021
sabi nga sa wakas, wasak. maliban sa mga typo, na-enjoy ko ito nang lubos. fight club unang pumasok sa isip ko (dahil mas nauna kong nabasa 'yon), minus the split personality. pero mas gusto ko ito. tagal ko na rin hindi nakakapagbasa ng kuwentong walang pretensions o nagpupumilit magpakalalim. o baka ako lang yun.
Profile Image for Lhuie.
20 reviews
November 18, 2013
Hands down for this book. I'm not fond of reading natives but this is really a good one. It's not a good picture for the country's image, really. But something about its dark, realistic setting got me by the balls. Will definitely recommend this to those who smoke weed to inspire them that smoking maryjanes don't just end there. I hope they get inspired by the protagonist. And it's a very great impression for other races if it gets published internationally because it sets an image for Filipinos as tough guys--people you wouldn't want to mess around with. This book is honest to the core and sets your mind's gears working thinking what it would I do if I were in that position? Will I really be that versatile if I ever get to be one of the Filipino masses? Something worth pondering about instead of reading all those trending erotic novels that got its reputation only by fame but in truth is just plain trash.
Profile Image for Levi.
140 reviews25 followers
October 13, 2015
Vulgar, crass, puke-inducing, shocking-- these are the reflexes that Mondomanila playfully provokes. It is the much more 'squatter-punk' version of Wilwayco for you. A good read. especially since I relate to many of the characters and sentiments that the book has. Howover, it cleverly circumvented the categories of 'porno', 'violence porn' or 'I-Witness-type poverty porn' as Wilwayco displayed artistic mastery in story-telling and fleshing out the reality of otherwise 'fictional' characters.
Profile Image for Erikson Isaga.
Author 3 books4 followers
November 16, 2018
Sa librong 'to, iniharap sa'kin ni Norman ang marami, malalaki at matatalas na mga salamin.

Hindi takot magkuwento si NW ng mga ganitong istorya dahil may gusto siyang sabihin sa ating lahat; na sa pamamagitan lang ng mga ganitong karakter, salita, at kuwento natin maririnig.
Profile Image for Kristel.
159 reviews62 followers
November 6, 2015
Review to follow. The story took me to surprisingly poignant places even though the story itself is self-consciously and deliberately abrasive. But I'm misogyny-ed out for the moment, you guys.
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books37 followers
April 29, 2018
BUOD
Ang Mondomanila ay isang wasak na kuwento tungkol kay Antonio “Tony” De Guzman, isang batang lumaki sa iskwater (looban) at kung paano siya nakipagbuno sa buhay upang maging isang milyonaryong inhinyero. Sinasalamin ng kuwento ang tipikal na buhay ng masa – ang araw araw na pakikipagsapalaran ng mga hirap sa buhay at kung paano sila gumalaw at makitungo sa iba’t ibang specie ng tao sa kanilang unibersikulo. Mula sa mayayabang na honor-student noong highschool, na sobrang confident na makakapasok sa anumang unibersidad, pero bagsak naman pala sa UPCAT, hanggang sa stereotype na Kano na inferior ang tingin sa mga Pinoy, na sa kulay pa lang ng balat ay may sense of superiority nang nararamdaman.

URING PAMPANITIKAN: Nobela (Realistikong Piksyon)
Ang Mondomanila ay isang nobela dahil isa itong mahabang kuwentong binubuo ng mga kabanata. Ito rin ay isang realistikong piksyon dahil ang mga detalye sa kuwento ay produkto ng imahinasyon (kathang-isip) ng may-akda, ngunit ang mga pangyayari ay naa-ayon sa mga tunay na pangyayari sa buhay.

ISTILO NG PAGLALAHAD: In Medias Res
Ang in medias res ay isang pariralang Latin na nangangahulugang “sa gitna ng mga bagay”. Ito ang istilong ginamit sa paglalahad ng Mondomanila dahil ang kuwento ay wala sa pagkakasunod-sunod na ayos. Ang mga kabanata ay nasa iba’t ibang timeframe. Dalawa ang timeframe na ginamit sa nobela: ang kabataan ng pangunahing tauhan at ang kanyang early adulthood. Sa parehong timeframe, inilahad ng may-akda ang buhay ng pangunahing tauhan, kung saan buo pa rin ang konsepto ng kuwento at magkaka-ugnay pa rin ang mga suliranin at resolusyon.

MGA TAYUTAY
Pagtutulad (Simile) “Tila ba buhay na buhay sa kanyang gunita ang bawat ekseneng kanyang binabalikan.” Sa pangungusap na ito, hindi tuwiran ang paghahambing. Ginamitan ito ng tulong na salitang “tila”. Sariwa pa sa kanyang isip ang mga pangyayari sa nakaraan, habang inaalala niya ito sa kasalukuyan.
Pagwawangis (Metaphor) “Ang kanyang katawan ay isang institusyong kahulugan ng kahirapan at labis na paghihinagpis.” Tuwirang inihambing ang lustay-lustay na katawan ng Ina ni Tony dahil isa itong ilustrasyon ng hirap at hinagpis.
Pagsasatao (Personification) “Sikmurang nagmumura.” Ang pagmumura ay isa gawaing pantaong hindi kayang gawin ng sikmura. Ang pagmumura ay kadalasang ginagamit sa pagka-badtrip. Kaya nangangahulgan ito ng labis na pagka-gutom.
Pagmamalabis (Hyperbole) “Saksakan ng gaganda.” Ang salitang saksakan ay isang pantulong na salita upang maging pasukdol ang isang pang-uri. Real-talk, isa talaga itong pang-tamad na salita dahil kahit ano namang pang-uri ang idagdag mo rito ay magiging pasukdol na.
Panawagan (Apostrophe) “At higit sa lahat, si Klara.” Ito ang pinaka-huling pangungusap sa nobela. Sa konteksto ng kabanatang ito, wala naman talagang kausap si Tony. Bulong niya lamang sa kanyang sarili ang mga bagay na isinasambit ng kanyang utak. Kaya isa itong uri ng tayutay na panawagan dahil wala nga naman talaga siyang kausap (monologo).

TEORYANG PAMPANITIKAN: Realismo
Para sa akin, ma-uuri sa Teoryang Realismo ang nobelang Mondomanila dahil inilahad lamang ni Norman Wilwayco ang realidad ng buhay – ang kanyang mga naranasan at nasaksihan. Samakatuwid, ang kuwento ay halaw sa tunay na buhay. Pero syempre, dahil nga isa itong klase ng piksyon at taglay ng may-akda ang mahiwagang poetic license, isina-alang-alang niya pa rin ang kasiningan ng pagsulat sa pamamagitan ng pagkatha ng mga detalye sa kuwento.

MGA PANSIN AT PUNA
Mga Tauhan:
Si Tony ay sumasalamin sa tipikal na imahe ng isang lalaki – ma-pride, ma-ambisyon at mayabang. May ipagmamayabang naman talaga si Tony at may ikaka-proud din siya sa sarili. Ngunit ang kanyang mga ambisyon sa buhay ay tila nakapalibot lamang sa makasarili niyang isip, puso at diwa. Ang tagumpay niya mismo ang nagsilbing halimaw na lumamon sa kanya ng buong-buo upang makulong sa buhay na pansarili lamang.
Ang Nanay ni Tony ang sumasalamin sa mga taong sa pagkabata ay binuhay ng pangarap – ang ambisyon na balang araw, makakamit din ang pinakaaasam-asam na tagumpay (na kadalasan ay pagyaman at pagsikat), ngunit sa pag-abot nito’y tuluyan nang nabilanggo sa “realidad” ng buhay na mas realistikong mamuhay ng simple at kalimutan na ang pangarap. Ang buhay ay labo-labong digmaan – maraming kalaban. Kaya naman ang pangarap na dati’y naging pinaka-misyon sa buhay ay pinili na lamang kalimutan. Sinuksok na lamang sa ala-ala dahil mas kailangang pagtuunan ng pansin ang kasalukyan. Dadaanin na lamang sa mahimbing na pagtulog dahil ika nga, “Don’t give up on your dreams, keep sleeping.
Ang Tatay ni Tony ang sumasalamin sa mga iresponsableng lalaking hindi dapat tawaging “ama”. Sila ang nabubuhay lang para sa libog na kapag nakapatos na ng kung sinong babae ay wala ng pakialam sa mundo. May batang nabuo, pero walang anak na nabuhay. Ang mga “chickboy” na nagtatago sa maskara ng pagiging “tigasin” pero ang tunay na katauhan ay isang mahinang lalaking hindi kayang umako ng responsibilidad.
Si Almang Paybsiks ang kumakatawan sa kalahati ng populasyon ng mga nanay sa bawat barangay. Ang mga bayaning isinakripisyo ang kanilang buhay, lalo na ang oras, para mag-serbisyo bilang full-time chismosa. Walang pinagka-iba ang mga balita nila sa naglipanang mga articles sa internet – mas madalas na walang katotohanan.
Si Mutya ang kumakatwan sa mga nakaka-badtrip na gangster-gangsteran na kahit wala namang nampo-provoke, beastmode lagi. Ito ang mga lalaking nagsisilbing damit ang mabato nilang kayumangging katawan. Kung lalaki ka rin ay malamang nakunsunadahan ka na nitong hamunin ng suntukan dahil “ang sama mong makatingin” kahit hindi naman talaga. At kung babae ka naman, paniguradong nabastos ka na nito habang sumisipol ng “Hi, miss!” Mga sigang walang ibang pinagkaka-abalahan kundi ang tumambay sa pinakamalapit na sari-sari store ng bayan at mag-abang ng sapakan. At oo, si Mutya rin ang kumakatawan sa milyong-milyong kawawang batang biktima ng hindi makatarungang palayaw. Madalas nilang maisip na kung talagang mahal sila ng magulang nila, bakit ang pangit ng ipinalayaw sa kanila – walang kinalaman sa first name.
Si Sgt. Pepper ang kumakatawan sa 99.9% ng mga tatay. Ang mga hindi titigil sa pagbayo hangga’t walag nabubuong “junior”. Bilang Junior din ako at sundalo ang aking ama at dalawa kong lolo, pressure sa akin ang ipagpatuloy ang katigasan ng angkan. Ngunit hindi ako pisikal na tao. Mas gusto kong tumambay sa bahay at magbasa ng panitikan habang umiinom ng matamis na kape. Ayokong magsundalo, gusto kong mag-pastor. Dati, nabanggit ng nanay ko na mag-pari na lang daw ako. Pero sa paglaki ko, napagtanto kong kailangang maikalat ang maganda naming lahi. Kaya, Inay, patawad. Hindi ako magpapari, magpa-pastor ako. Magpa-pastor.
Si Dondon ang sumasalamin sa lumulobong populasyon ngayon ng mga yutba gaming – ang mga hindi naman nanganganak, pero dumadami. Tinalo pa nila ang 187 Mobstaz dahil they don’t die, they multiply. Biktima rin si Dondon ng pressure at demand ng lipunan. Tawagin natin itong Selda ng pagiging unico hijo. Sa seldang ito, nakakulong ang nag-iisang anak na lalaki at bilanggo sa anumang nais at frustrated dream ng kanyang ama – mga pangrap na kadalasang hindi nakamit o mga yapak na kailangang ipagpatuloy. Kailangan. Kaya isa itong selda. Dahil nakagapos sa leeg ng unico hijo ang expectations sa kanya ng lipunan. Bilang isang unico hijo rin ako, sa kabilang banda, masasabi kong nararanasan ko ito kahit papano. Kaya naman sa panahong magka-anak ako ng lalaki, hindi ko siya gagawing Junior. Dahil ayaw ko siyang maging pangalawang ako, gusto ko siyang maging tanging siya - ang hayaang mamuhay sa labas ng Selda Unico Hijo.

BISANG PAMPANITIKAN
Bisa sa Isip: Tunay na winasak ng Mondomanila ang aking pag-iisip lalo na sa teknikalidad ng malikhaing pagsulat. First time kong malaman yung medias in res. Kailangan ko pang i-google yun para may maisagot lang na maayos. Pero tunay ngang masining ang nobela. May daloy pa rin ang kuwento kahit wasak ang timeframe.
Bisa sa Damdamin: Yung kabanata talaga tungkol sa Ina ni Tony ang masasabi kong pinaka-bumihag sa aking damdamin. Napagtanto kong napaka-totoo nga naman ng mga ganoong pangyayari. Ilang pangarap na ang nasira at tuluyang nalimutan dahil sa paglamon ng “realidad” ng kasalukyan. Ngunit bilang taong may napakalaking panagrap, isa iyong hamon kung paano ako makikipagsagupaan sa napakaraming suliranin ng buhay. Nagsisilbi rin itong paalala na gaya sa looban, ang buhay ay sadyang magulo. Kahit minsan, kabisado mo na ang ruta, magulo pa rin.
Bisa sa Kaasalan: Hindi ko alam kung may maganda bang asal itong si Tony. Pero hindi naman siya ang nobela. Marahil sa kanya nga umikot ang kuwento, pero nagsilbi lamang siyang ikutan, hindi siya ang mismong nobela. Ang Mondomanila ay nagsisilbing paalala at tanong kung paano nga ba gagalaw at makikitungo sa nagkumpulang iba’t ibang specie ng tao sa Sansinukob. Walang konkretong sagot ang nobela. Sa halip, sandamakmak na katanungan ang iniwan nito sa mambabasa – mga katanungang marahil ay mas mabisang gabay kung paano makikipagbuno sa buhay.
Bisa sa Lipunan: Kagaya nga ng sinabi ko, para sa akin, walang konkretong aral ang nais ibigay ng kuwento. Isa lamang itong nobela na tapat sa paghahayag ng realidad ng buhay. Hindi naman bago sa atin ang mga tagpo sa kuwento, araw-araw natin itong nararansan. Pero marahil, nagsisilbi na lamang na megaphone ang Mondomanila para gisingin tayong, “HOY! ITO ANG REALIDAD! ANO’NG GAGAWIN MO?”
Profile Image for Axis El.
17 reviews
November 10, 2017
Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa librong 'to.
Masyadong mababaw, pero masyado ring malalim.
Masyadong marahas.
Masyadong totoo. Yung totoong ayaw mong tanggapin sa sarili mo.
Masyadong maganda kahit masakit sa loob.
Masyado ring wasak, kaya't wala akong mabuong tamang pangungusap na maglalarawan dito.
Perpektonng ilustrasyon 'to ng isang nakawiwindang na kwento ng hinanakit, tagumpay, poot, at kabutihan sa buhay - ng tauhang si Tony at ng masalimuot na lipunang (atin) ginagalawan.
Profile Image for Michael Daryl Mayo.
5 reviews1 follower
April 12, 2018
“Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon.

Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon.”

Inumpisahang magbasa ng ala una ng umaga. natapos ng alas singko. solid. 5/5

kung ihahanay ko sa lahat ng libro na nabasa ko, katabi niya sa listahan ko yung "Ghost In The Wires (talambuhay ni Kevin Mitnick), "Norwegian Wood" ni Haruki Murakami, "The Alchemist" ni Paulo Coelho, at yung "Tuesdays With Morrie" ni Mitch Albom.

Matutulog pa ako
4 reviews
September 30, 2019
Binasa ko ito habang nasa OJT. Nasa MIS (IT dept) ako noon at saktong-sakto na walang ginagawa. Dinownload ko alas-otso ng umaga, natapos ko bago umuwi pasado alas-singko. Mula noon, nagbago ang panlasa at pananaw ko sa Philippine Literature. Kung hindi dahil sa Mondomanila, hindi ko mababasa si FH Batacan, Allan Popa, Lourd De Veyra, Karl De Mesa, Jun Cruz Reyes, Edgar Samar at maraming-marami pang ibang Pinoy na manunulat. Ang totoo, kung hindi dahil kay Iwa, hindi ako mahihilig magbasa.
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
October 8, 2020
Sabi nila: MAS MAHIRAP KA PA SA DAGA! Ako: EH, ANO NGAYON? Katulad ngayon, Kaya mo bang magtiis ng hirap, pagod at gutom? Kaya mo bang manirahan sa lugar na madilim at halos hindi nasisikatan ng araw? Isa akong hampaslupa pero tandaan mo ito: Ang pagbabago ay hindi maiiwasan. Sabi nga ni Kuya Kim Atienza: “ANG BUHAY AY WEATHER WEATHER LANG!”
Profile Image for Victoria.
50 reviews
February 5, 2024
first book of the year and i don't know what to feel after reading it
Profile Image for joms.
13 reviews5 followers
October 9, 2024
solid

"UP NAMING MAHAL, NABUBULOK KA NA, PUTANG INA KA! DARATING ANG ARAW, SISINGILIN KA NG MGA ESTUDYANTE, TITIBAGIN NAMIN ANG OBLATION MONG HINDOT PUTANG INA KA!"
Profile Image for Juan Bautista.
Author 25 books45 followers
August 3, 2016
“Mondomanila” Book Rebyu (Re-read)

“Tulog ang panlaban sa bitukang naghahamon.
Panaginip ang tugon sa bungangang walang malamon.”

Ilang beses ko nang sinabi at hindi ako magsasawa na ulit-ulitin ito, kung pagsusulat at pagkukuwento ang paksa. Si Norman Wilwayco ang pinakamaimpluwensyang nilalang sa aking buhay Kuwentista at Mambabasa. Ang Mondomanila, ang pangalawa kong nabasa sa kanyang mga akda. Subalit bago ko ito rebyuhin ay minabuti kong basahin itong muli dahil wasak talagang balik-balikan ang kuwento ng buhay ni Tony.

“Hindi na mahalaga ang sanhi ng away. Wala nang sira-ulong umiintindi kung sino sa dalawa ang may kasalanan. Ang importante’y may napapanood habang nagpapahinga.”

Ang Mondomanila ay isang pambihirang nobela na binubuo ng mga kuwento na posibleng nagaganap sa iba’t ibang lugar, at kasalukuyang sinasapit ng ating mga kababayan habang binabasa natin.

Bilang isang mambabasa, lagi kong ikinukumpara ang panonood ng pelikula sa pagbabasa ng libro. Ano ba ang pinagkaiba? Sa totoo lang, malaki. Pero sa mambabasa at manonood? Wala. Dahil parehong ‘gutom’ ang isang mambabasa at manonood para sa isang bagay, lahat tayo ay gutom – sa kuwento.

Kung ako ay manonood ng isang pelikula, nakikita ko ang aking sarili na isang ‘gutom’ at uupo na lamang sa lamesa na may nakahain nang pagkain. Kung ako ay magbabasa ng isang libro, nakikita ko ang aking sarili na isang ‘gutom’ - na nakatayo sa gitna ng palengke.

Ano ang ipinagkaiba? Sa pelikula, nakahain na ang lahat ang imahen. Panonoorin at pakikinggan mo na lang. Sa libro, kinakailangan mong maipamalas ang iyong kapangyarihan ng imahinasyon. Kapag nanonood ka, nakikita mo ang bawat pangyayari habang gumugulong ang istorya, pero kapag mahusay magtahi ng mga salita ang isang manunulat – dadalhin ka nito sa mismong mga tagpo ng kanyang kuwento.

Maaari kang maging saksi sa isang krimen na nangyari nang may dalawang metro lang ang distansya mula sa kinatatayuan mo.

Habang binabasa ko ang Mondomanila ni Wilwayco, pakiramdam ko ay isa ako sa mga tauhan sa bawat tagpo at sitwasyon. Ako yung isa sa mga tambay na nanonood habang nagsusuntukan sina Tony at Mutya, ako yung tsismoso habang pinanonood ko ang bangayan ni Tony at ng kanyang ina, ako yung nakaupo sa lagoon ng UP habang pinanonood ko na naglalampungan sina Don Don at Wayne, at marami pang iba. Isa ako sa mga mambabasa na nagawang dalhin ni Wilwayco sa 'looban' upang masaksihan at maramdaman kung papaano ba mamuhay nang miserable; na handa kang ilaban nang patayan ang isang tipak ng kaning tutong na nakakapit sa marungis na kalderong gumulung-gulong na sa lupa.

Hindi lang ang Mondomanila ni Norman Wilwayco ang librong lokal na nagbigay diin patungkol sa kahirapan ng buhay. Kung tutuusin, lumabas ka lang ng bahay at maglakad-lakad sa siyudad maghapon ay isandamakmak na kuwento na ang maaari mong maisulat bago ka matulog. Maaari kang makakita ng rambulan, bulag na nagtitinda ng mais, batang nasagasaan ng dyip, bangkay sa ilalim ng tulay at marami pang iba. Alam naman nating lahat ‘di ba? Na milyon ang nakararanas ng gutom sa Pilipinas. E bakit pa isinulat ni Wilwayco ang Mondomanila?

‘Bungang-isip’ lang ang nobelang ito. Pero ang karakter na si Tony De Guzman at ang kanyang kuwento, ay sumasalamin sa katotohanan. Isinilang siyang mahirap at lumaki sa kalye, pero gamit din ang talinong nagmula sa kalye at prinsipyong pinagtibay ng karanasan, nagawa niyang makaahon. Bitbit ang lungkot, daing at hinagpis ng nakaraan.

Hindi isinulat ni Wilwayco ang Mondomanila para idolohin natin ang primerong karakter. Nilikha niya si Tony De Guzman upang maging isang simbolo, na tayong lahat ay kasalukuyang nakikipagsapalaran sa gitna ng isang masalimuot na lipunan.

Kaya ‘goodluck’ sa ating lahat.
Profile Image for Panganorin.
38 reviews56 followers
May 22, 2014
May mga librong magdadala sa 'yo sa mga lugar na hindi mo pa nararating, o sa madaling sabi, may mga librong itatakas ka sa realidad. May mga librong pangangaralan ka na parang pari. May mga libro namang ipaparamdam sa 'yo na masarap umibig. May mga librong makaka-relate ka. May mga librong magugustuhan ka, at mayroon namang hindi.

pero may mga librong kaya kang sakalin at ipamukha sa 'yo na ito ang realidad. Dito ka nabubuhay. Ito ang Pilipinas.

Isa sa mga librong ito ang Mondomanila. Kwento ng isang taong nagngangalang Antonio De Guzman na dumanas ng iba't ibang karanasan sa kuko ng Maynila, nakaranas ng buhay sa ibaba, hanggang sa itaas.

Akala mo'y gano'n lang ang istorya, pero wawasakin ka nito sa pagpapamukha sa mga nangyayari sa realidad. Pilit mo mang ikalas ang sarili sa pagkakasakal, mas masasaktan ka lang, dahil masakit manakal ang katotohanan.

Sa pagbabasa ko ng libro, napapailing ako, napapatawa, natitigasan, at nandidiri. Pero ang pinakamatindi, madalas akong nawawasak.

Punong puno ng galit ang librong 'to. Na minsa'y mapapaisip ako kung nakuha pa ba ni Tony na ngumiti maliban sa paghitit ng chongki at sigarilyo, pag-inom ng alak, at pagwasak sa mga puta.

Sa dulo ng libro, pinagtanto sa akin nito ang walang hanggang sirkulo ng paghahanap ng kasiyahan, at ang kapangyarihan ng babae para matuldukan ito.

Pero may mga bumabagabag sa isip ko: kasalanan ba ng tao na mamuhay nang mahirap?

Siguro magiging kasalanan 'yon kung mamamatay silang mahirap.

(Unang rebyu, hihihi)
Profile Image for Ivan Labayne.
373 reviews23 followers
August 4, 2014
Solid ang kwento – kung anumang rags to riches type na binastardo ng marijuana episodes, pagnanasa kay Tess at ang capping act ng paghihiganti – isa ring common motif – mula kay Mutya hanggang sa kumpanyang ginagatasan si Dino ng utak at abilidad nito. This book, I think, sort of shows, how younger writers (at least in the last decade; the book was written in 1999 yata) heeded the formalist’s accent on organicity. Buo pa rin ang kwento pero hindi na prim and proper at malumanay at kung-anong-rikit ang pagkakagamit sa wika. Lastly though, hindi ko alam talaga sa ending kung bakit parang clichéd pagbabalik-loob mode ang lumabas. Nilabag lang yung expectations ko; pero hindi in a good way. Tipong what it presented that defied my expectations was exactly what I least thought it would present to me (in order to defy my exectations). Dun siya nagging expectations-defying; dun sa mismong nag-resort siya sa ending na commonly predictable. Thinking about it now, baka andun yung lakas nung nobela. Baka. Or, maybe the Palanca factor was already there. Baka hindi ito pumasa at mag-grand prize kung isinagad yung angas hanggang sa ending. Baka.
Profile Image for Lucilo Amor.
12 reviews5 followers
July 28, 2014
a few good book, unfortunately too good that only few can decipher. balls in reading book sometimes demands roughness. transgressive at its roughest. hats off to filipino authors
Displaying 1 - 30 of 30 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.