What do you think?
Rate this book


128 pages, Mass Market Paperback
First published January 1, 1996
Masyado akong bias pagdating sa mga pocketbooks, hindi ba? 'Pag kay Martha Cecilia, halos lahat 5 stars. Hindi ko rin alam kung bakit. At hindi ko rin alam kung magbabago pa ba iyon sa paglipas ng panahon.
Noong una, medyo nalito ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng sikreto na pinakatatago ni Don Leon kaya ayaw niyang maikasal o magkatuluyan si Jewel at Bernard. Nakakainis. Pero sabi ko sa sarili ko, 'Siguro, ayaw lang talaga ng matandang 'to. Pinaniniwalaan pa rin siguro nito na si Romano ang nakabuntis kay Alicia, na sa pagkakaalam ko, (sinabi sa unang libro) ay hindi talaga ito'.
Nakaka-badtrip talaga lalo na no'ng sumuko si Bernard ng ilang beses kay Jewel. Nakakainis. Nakakasira ng ulo. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo siya, lalo na kung alam mo namang walang kwenta 'yong dahilan kung bakit kayo maghihiwalay. Gustung-gusto kong isampal 'yang mga salitang 'yan kay Bernard.
Matapos ang nangyari sa kanilang dalawa, matapos ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan nila sa pangalawang pagkakataon, nagawa pa rin ni Don Leon na paghiwalayin sila. Akala ko, tragic ending na, o sad ending (walang namatay pero hindi sila nagkatuluyan) ang magiging ending. But knowing PHR, hindi iyon mangyayari, so I hope for the best to come. Dumating ang napaka-laking revelation sa buhay nilang dalawa. Nasagot ang katanungan na naglalaro sa isip ko tuwing makikita ko 'yong family tree ng mga Fortalejo sa likod ng cover ng libro. Na si Bernard ay talagang Fortalejo. Sa anumang sirkumstansya, ikaw na ang tumuklas kung hindi mo pa nababasa. At nang malaman ko iyon, alam ko na sa sarili kong pwede pa rin sila. Sila pa rin talaga ang magkakatuluyan. Lalo na nang mamatay si Don Leon at basahin na ang huling habilin nito.
Lahat ng kayamanan niya.. ay napunta sa kaisa-isa niyang anak. Kung sino, alamin mo.