Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mars, May Zombie! #1

Mars, May Zombie!

Rate this book
Taong 2028. Walong taon matapos ang zombie outbreak, nahahati na sa zones ang buong mundo:

Ang Red Zones kung nasaan ang karamihan ng mga survivors; ang Black Zones na tadtad na ng mga zombies; at ang Blue Zones kung saan ligtas na namumuhay ang mayayaman.

Sanay na magpalipat-lipat ng Red Zones si Mars kasama ang kaniyang Lola Vicky at best friend na si Bey para maghanap ng gamit na puwedeng ipagpalit at banyong may tubig.

Isang araw, napagpasyahang magpunta ni Mars sa pinakamalapit na Blue Zone at may natuklasang sekretong mas malala pa sa mga nangangaing zombie!

382 pages, Paperback

First published September 1, 2022

17 people are currently reading
112 people want to read

About the author

Chuckberry J. Pascual

21 books57 followers
Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.

Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.

Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
14 (17%)
4 stars
41 (52%)
3 stars
16 (20%)
2 stars
4 (5%)
1 star
3 (3%)
Displaying 1 - 24 of 24 reviews
Profile Image for Neil Franz.
1,096 reviews852 followers
October 1, 2022
Actual rating: 3.5 stars

Ang Mars, May Zombie! ay pandemic yassified, I mean, zombified! Sinasalamin ng librong ito ang mga nangyari sa kasagsagan ng pandemic. Mula sa pagkalat ng fake news, pagiging airborne ng virus, hanggang sa kapabayaan ng gobyerno (🙄), ayuda, community pantry, etc., kuhang-kuha ng librong ito. Nagustuhan ko kung paano ito isinulat ni Sir Chuck.

Nagustuhan ko rin ang pagiging realistic ng ibang pangyayari sa libro. Lalo na yung mga araw-araw na ginagawa ng normal na tao tulad ng pagdumi na napakadalang kong mabasa sa mga foreign YA books (na post-apocalyptic o dystopian). Bet ko rin ang pacing ng libro. Tama lang sa pagyakap at pagalam ng galaw ng mga tauhan at ng mundong kanilang ginagalawan. Hindi info-dumpy at hindi masakit sa ulo.

Distinct ang mga characters at naappreciate ko ang back stories na inihain para makilala sila. Medyo nakulangan nga lang ako nang kaunti. Hindi man ako ganon ka-invested o connected sa MC at ibang characters, naipakita naman ang pagiging flawed nila. Ang kalakasan, kahinaan, struggles sa buhay, sa pamilya, sa sarili. Naipakita at naipadama nila kung ano nga ba ang nararamdaman natin noong kasagsagan ng pandemya. Relatable!

Tulad nang nabanggit ko sa itaas, ang ayos ng world building. Madaling intindihin. Nagbigay ng impormasyon kung paano naging/nagiging zombie ang mga tao. Nagkaroon ng Zoning na tinatawag. Red Zone, Blue Zone at Black Zone. Nasa Red Zone ang mga survivors na umaasa sa ayuda galing sa gobyerno, sa mga nasa Blue Zone. Sa Black Zone, puro zombie na lang. Nasa Blue Zone naman ang mga mayayaman. Yung ganitong setup na may hatiang nagaganap ay tipikal na sa mga YA dystopian/post-apocalyptic fiction (The Hunger Games, Divergent, etc.) Nakakamiss rin pala.

Siguro ang pinakaissue ko lang ay hindi ako ganoong na-satisfy sa climax/resolution ng libro. Personal taste/opinion. Yung ending naman ay parang may gusto pang sabihin. May pinapahiwatig, kumbaga. Overall, nagustuhan ko pa rin ang libro dahil sa maraming dahilan pero mas lalo na na ang Mars, May Zombie! ay repleksyon ng buhay natin sa panahon ng pandemya at ang compelling talagang magsulat ni Sir Chuck ng mga ganitong kwento. Bili na!
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews443 followers
January 25, 2024
DNF at page 248.

Boring at masyadong mahaba ang istorya para sa ending -- na after kong i-skim -- ay hindi naman worth it para pagtiyagaan ko pang basahin ang natitirang mga pahina.

The writing style reminds me of an amateurish wattpad style of writing. The characters are not fleshed out and it's just a flatline reading experience. Walang kaba, walang takot, walang gulat, walang heartwarming scenes, at walang shock.

Nakakalungkot kasi local book 'to, and I am for supporting local works pero... with all due respect, it's not givvvving.

Ang ganda ng cover nito tho!
Profile Image for Sai theengineerisreading.
613 reviews103 followers
January 6, 2023
Limang taon mula sa kasalukuyan, ang Filipinas ay isang malaking zombieland. Nagsimula sa outbreak at pinalala ng hindi maayos na pamamahala ng gobyerno, nahati ang bansa sa Zones - Blue Zone para sa mga mayayamang mamamayan na ligtas sa sakit dahil palaging may bakuna, Red Zone kung saan nagagawi ang mga hindi naman zombies pero walang kapangyarihang mapabilang sa Blue, at Black Zone na teritoryo ng mga zombie.

Mabilis nabuo ni Sir Chuckberry Pascual ang tagpuan sa kwentong ito dahil sinusundan natin ang mga pangunahing karakter na sa Red Zone na namulat - si Mars, labing-anim na taong gulang na lumaking ulila sa piling ng kanyang lola; si Lola Vicky, ang masungit pero mapagmahal at madiskarteng lola ni Mars; at si Billie (o Bey sa kanyang mga kaibigan), ang matalik na kaibigan ni Mars na mahilig sa fashion (kitang-kita naman sa kanyang floppy brim hat at scarf sa leeg)
Nakumbinse ako bilang mambabasa sa setting ng libro, malinaw na naipakita ang pagkakaiba ng bawat zone sa Filipinas at ang mga panganib na kaakibat ng bawat isa kahit na kadalasan ng istorya ay sa Red Zone nangyari.

Ayokong pag-usapan ang mga karakter dahil mahirap ilugar ang sarili sa sitwasyon nila Mars, Billie, at Lola Vicky kaya sigurado akong may posibilidad na gawin ko rin ang nga kwestyonableng desisyon nila sa kwento. Pero kung pipili ako ng paborito, si Billie at ang kanyang walang katapusang kwento tungkol kay Beyonce ang pipiliin ko dahil pakiramdam ko mas magiging magaan ang bawat araw na pamumuhay sa zombieland kung may kaibigang kaya kang patawanin.

Pero ang pinakagustuhan ko sa Mars, may Zombie! ay ang mga isyung panlipunan na isinulsi ni Chuckberry sa libro. Nangunguna ang komentaryo tungkol sa klasismo at kung paano pinapaboran ang mga mayayaman at may kapangyarihan. Mababasa rin dito ang kahalagahan ng isang gobyernong may maayos na pamamahala sa lahat ng nasasakupan. At ang pasulpot-sulpot na pahaging tungkol sa magkaibang pananaw sa pagitan ng nakatatanda at bagong henerasyon (bodyshaming, utang na loob.)

Masasabi kong naenjoy ko ang adventure nina Mars sa libro pero nakulangan ako sa dulo. Nasabik ako sa rebolusyon pero nabitin ako sa kung paano nagwakas ang libro.

Gayunpaman, isang memorable na release ito para sa local literature. Recommended sa lahat ng mambabasa - matanda man at bata. With all due respect, basahin niyo na ang librong ito.
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
February 7, 2023
Mars, May Zombie! ni Chuckberry J. Pascual

2028, sandamakmak na ang zombie sa buong mundo. Nanahati na sa iba't ibang zones ang daigdig. Samahan natin si Mars, Lola Vicky at Bey sa kanilang pamumuhay kung paano ba magsu-survive sa daigdig ng mga naglalakad na bangkay.

- - -

Unang nobela ito ni Chuckberry J. Pascual. Young Adult. Napakagaan ng lengguwahe ng nobela kaya hindi ka aantukin sa pagbabasa. Hindi ako masyadong nakakapagbasa ng mga nobelang YA nitong nakaraan pero matapos kong basahin itong libro ay parang ginusto kong magbasa ng marami pang YA novels.

Gandang-ganda ako sa World Building nitong Mars, May Zombie at sa paghahati-hati ng mga zones. Gustong-gusto ko rin iyong natalakay kung saan tumatae, kumukha ng tubig at naghahanap ng pagkain ang mga tao kapag nagkaroon ng zombie apocalypse. Ang isa ko pang paborito sa nobela ay tinalakay din kung ano ang nangyayari sa mga hayop o ang ginagawa sa mga hayop na hindi naman dinadaanan sa mga pelikulang zombie na napanuod ko na.

Sa usapin naman ng mga tao, na namumuhay habang iniiwasan ang mga naglalakad na bangkay ay masasabi kong very pinoy para sa akin ang setting. Saan nga ba pupunta ang mga tao kapag may zombie apocalypse gayong karamihan naman sa atin ay walang mga basement? Saan pa edi sa mga nabakanteng sasakyan at sa mga building na maraming kuwarto.

Litaw na litaw din sa nobela ang frustration ng manunulat sa hakbang ng gobyerno sa nagdaang pandemya. Mula sa pamimigay ng ayuda, pag-trato sa mga tao at ang distribution ng bakuna. Bakunang inang 'yan talaga.

May mga part na nagagalit ako sa eksena kasi may mga nagpapatayan dahil sa kakarampot na ayuda. Tsk. Tsk. Tsk.

Sa kabuuhan, na-enjoy ko naman itong nobela kaya natapos ko kaagad basahin. Tuwang-tuwa ako kapag nag-aasaran ang magkaibigan si Billie (Bey) at Mars at kapag pinagagalitan sila ni Lola Vicy. Bigla kong na-miss ang Lola kong namayapa habang nagbabasa at natakot ako na baka mamatay ang matanda sa nobela. Kasi 'di ba, paano makakatakbo ng mabilis ang matanda? Hindi ba uso ang back pain at rayuma? Alamin!

Ramdam ko rin na na-enjoy ng writer ang pagsusulat sa mga hiritan at asaran ng magkaibigan na para sa akin ay naging weakness nitong nobela dahil nakulangan ako sa aksiyon. Halos sumakop kasi ng 280+ pages bago magkaroon ng maaksiyong labanan. Nanghinayang rin ako sa mga side characters gaya ni Lucy at Ariel dahil pakiramdam ko ay hindi masyadong na-explore ang karakter nila sa kuwento lalo pa't mahalagang parte ng rebolusyon si Ariel at Lucy. Kilig na kilig naman ako sa harutan ng matatandang si Lola Vicky at Mang Ignacio. Love team of the year lang ang peg. Tsarot.

Noong papatapos na ang nobela, kinakabahan pa rin ako para kay Lola Vicky. Isang magandang bagay para sa akin dahil malulungkot ako kapag na-tegibels si Lola. Natatakot pa rin ako na baka hindi magtagumpay ang rebolusyon. Nagustuhan ko ang ending nitong nobela. Nangangako ng sequel sa mga mambabasa. Aabangan ko ulit at siyempre, inirerekomenda ko pa rin ito sa mga mahilig sa YA, balak magsulat ng YA o fan ni Chuckberry Pascual katulad ko.

- - -

Kapana-panabik ang susunod na libro. Saka, parang walang hindi kayang isulat na genre si Chuckberry, ano?
Profile Image for Kim.
Author 2 books10 followers
October 6, 2022
Napakahusay ng paglalarawan ng mundong ginagalawan ng mga tauhan. Napaka-distinct ng character ni Mars, Billie, at ni Lola. Empowered silang tatlo. Napakaepektibo ng naratibo ng akda.

Sana nabigyan ng hustisya ang climax o ending. Pero iniisip ko baka naman may kasunod na libro?

Overall, a must-read YA novel. 🤗
Profile Image for Albert Rejas.
46 reviews2 followers
November 5, 2022
Napakacliche na ng mga kwentong zombie sa totoo lang. Pero iba ito, hindi ko ito basta-basta pwedeng ihambing sa mga iba pang sulating may kaparehong paksa. Napakapolitikal ng librong ito, inalpasan ng pagiging simple at politikal ng libro ang mga pangkaraniwan nating ekspektasyon kapag sinabing kwentong zombies. Oo, nandoon pa rin ang mga madalas na nating alam sa mga zombies, pero hindi iyon sapat para ipagpaliban ang pagbabasa rito, kaya basahin niyo na rin mga Mars!

Bitin nga lang. Hindi ako papayag 'pag hanggang doon lang matatapos ang kwento at wala nang part/volume 2. 😡
Profile Image for jane.
28 reviews2 followers
December 2, 2023


With all due respect,

Reading this book felt so nice, it was ironically cozy and refreshing. It was similar to the feeling I had a few years ago, I have no particular word to describe a kind of fleeting liberty that only occurs when I eat lunch with my queer friends in a Catholic school. Happy kids in a dreadful setting. I don’t find any backdrop fitting enough to describe our antagonist falling into the inevitable rebellion against his government while also being pursued by zombies.

The setting sounds ridiculous but it brought about justice to its intentions. It was faithful to its theme, it was comic and gritty. It felt real. It’s nice to read characters who are unapologetically gay. To see no one heed attention to their sexuality. Maybe it was something that has been brought about by certain disasters, to extract unnecessary prejudices since the common denominator to be acceptable is simply to just be a decent human being.

I adored the honesty in the narration of Mars’ emotions. I was also sixteen years old when the pandemic happened. The first days I was hopeful that a change would spark, the impossibility of death at such a young age made me optimistic, not until like in Mars’ world the terror became the status quo. It became the constant and no amount of resilience that only understates corruption will ever have the power to reverse it. A few stretches of days or weeks is resilience, if it reaches years, it is subservience. It is being put through these events that we see a selective government in its naked, and clawing self. In the end we ask ourselves if the enemy was the rich who took advantage or was it the system that allowed them to?

The only prejudice that persisted was that of zombies and insatiable politicians. Although the zombies appear to be the focal point of the book, it did not rely solely on the horrors of being torn apart but it humorously made sense of dystopia and emancipatory catastrophism. Chuckleberry Pascual’s story-telling is a friendly one, it welcomes you like a neighborhood friend, it is those nights you spent talking with your friends about politics while also trying to be funny about it. It is capable of digesting slivers of dystopic features in an accessible and relatable way. He delineated his characters well. This book will stay in my heart.
Profile Image for Anthony.
48 reviews2 followers
May 15, 2025
Maaksyon ang akda mula sa simula. Hooked na hooked ako agad dahil una, dystopic ang tagpuan at ikalawa, isang plus-sized queer teenager at babaeng senior citizen ang bumibida sa unang maaksyon na eksena—kakaibang tandem! Sa maaksyong bahaging ito ay nabubuo na agad ang tagpuan. Hindi na kailangang lantarang ilahad ng 16 na taong gulang ang mundo at lipunang ginagalawan nila upang magkaroon ang mambabasa ng mental image ng lipunang meron sa 2028 zombie apocalypse. Ang mga tauhan ay napaka-relatable at repleksyon sila ng humor at personalidad ng mga teenager (may pagka-rebellious, outspoken, mahilig sa pop culture) at tipikal na adult (taklesa, mahilig tsumismis, malihim pero matalak) na meron sa isang maliit na komunindad. Simboliko rin ang dystopia na inilahad sa akda at tila parallel sa pandemya. Mukhang simple lang ang kwento dahil isa itong YA na nobela, ngunit nakukubli ng simpleng naratibo ang talinhagang maaaring mag-spark ng mas malalim na talakayan na arok ng target audience ng akda.

Binili ko ang aklat dahil nagandahan ako sa pabalat nito, pero nang mabasa ko, hindi naman ako na-disappoint. Sabik na akong matapos basahin ang ikalawang aklat!
Profile Image for Miguel Carlos Lazarte.
45 reviews1 follower
September 10, 2023
"Lagi kasi kaming tumatakbo dati. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong manatili at humarap talaga sa zombie. Mas okey palang harapin ang kalaban kaysa tumakbo palayo. Kaya ko palang lumaban."


Para sa isang YA na libro, magandang hakbang ito para sa pagyabong ng genre na YA sa bansa. Sa pagkakaroon ng mga nakakaaliw na mga queer na bida (at matatapang pa!), maganda ang pagbuo ng mundo sa nobela. Maraming salamin sa tunay na kalagayan ng bansa, pero malinaw rin ang pagbabagong tinatamasa ng mga bida. Hindi mawawala ang kagustuhan ng magandang pamumuhay at sa karamihan ng mga YA, mahalaga ang konsepto ng paghihimagsik mula sa malugmok na sitwasyon nila.

Napatawa ako ng nobela at madalas nakangiti habang binabasa ito. Paano ba naman, sa lahat ng usapan, laging may biro at magaan ang dayalogo kahit pa lulusubin na ng mga zombie. Tanging nakulangan lang ako sa aksyon, napadami ang usapan, at nabitin dahil kakailanganin panigurado ng sequel ang libro para mabuo ang kuwento.
Profile Image for Rich Yeah.
1 review
March 29, 2025
Medyo nahirapan akong tapusin tong “Mars, May Zombie!” Hindi dahil marami itong pages, kundi dahil sa sobrang cringe nitong si Mars, bakit ba sya palaging galit, I mean kahit yung ibang maliliit lang na bagay nagagalit sya, tyaka sa mga times na dapat hindi naman sya galit ay galit parin talaga sya. Naiintindihan ko na isa syang 16 yrs old na gay, pero diba dapat eh mas matured na syang mag isip at kumilos dahil sa 8 years na pakikipagsapalaran nilang mag-lola sa zombie apocalypse? Sa dami ng pagsubok at near death na experience nila eh talagang wala palang time para mag mature sya?

Muntikan pa ngang mawalan ng character development tong si Mars feeling ko nga eh mas bida pa tong si Billie kaysa sa kanya. Magmula kase sa pagiging bastos na bata eh sa isang iglap naging magalang siya bigla sa dulo. Pero nagustuhan ko naman ang comedy side ng nobela, may mga times na napapahagikgik ako, kaya hays basahin ko na rin sige yung sequel, baka sakali na goodshit na. Yun lang naman, sorry sa mahabang shits, siguro kase nag expect lang ako ng malaki.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for CookieMonster.
1 review
January 31, 2026
Mars, basahin mo to! Napaka swabe ng world building at sobrang dali niyang intindihin. Yung prose ay may conversational approach, kaya parang may kakwentuhan lang ako habang nagbabasa, which really helped me connect more with the story.

Ang pinaka nagustuhan ko, though, ay yung humor. It hits so close to home, lalo na yung mga banat ni Lola Vicky. Ilang beses akong napilitang ibaba ang libro kasi bigla na lang akong napapatawa nang malakas.

With all due respect, nagbawas lang ako ng isang star kasi I was expecting a bigger reveal, pero medyo kinulang siya for me. Feeling ko rin may room pa para mas ma-expand yung characters para mas tumibay yung connection ng reader sa kanila.

Nonetheless, I really enjoyed this book at sobrang excited na ako sa susunod! What an easy and enjoyable read!
Profile Image for Cam.
48 reviews5 followers
September 5, 2025
Actual rating: 3.5 stars rounded up to 4

---

Me: Fan ako ng YA. Ako pa rin ang target audience kahit medyo nagkakaedad na ako.
Also me when Mars does something young adult-like: Listen here, you little piece of shit ...

LOL

---

Anyway, halatang ginawa ang Book 1 na may vision na agad na may mga kasunod na itong libro. Medyo underwhelming para sa akin ang resolution dahil pakiramdam ko ay ang daming nangyari pero wala pa ring nangyari. Nag-focus ang akda sa worldbuilding, kaya manipis pa ang kwento kahit makapal ang libro. Napakaraming iniwang katanungan nito to lay the groundwork for the next installment (na babasahin ko rin naman talaga haha!).
Profile Image for Marian Corsado.
29 reviews
March 25, 2023
Napakagaan basahin ng kwentong ito. Malaya ang pagsasalaysay at ma-iimagine mo talaga ang mga kaganapan na parang ikaw mismo ay na sa loob ng kwento. Lahat ay makakarelate, matatawa, magagalit, at maiiyak. Isang obrang malikhaing naisalaysay ang kwneto ng pandemya at kung paano tayo patuloy na nakikibaka. Mabuhay ang mga na sa laylayan! Aangat din tayo!
Profile Image for Ann Louise De Leon.
74 reviews11 followers
October 6, 2023
Ang husay lang ng pagkukwento ni Pascual dahil naisummarize nya lahat ng hirap noong panahon ng pandemya. Sa una ka lang tatawa pero biglang may mga eksena sa bandang huli na hindi mo namamalayan tumutulo na pala ang mga luha mo. Hindi masamang maging fan ni Beyonce at hindi masamang maging lola's girl.
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
June 18, 2023
With all due respect, mapapakagat ka talaga sa dila sa pagpipigil ng tawa.
Profile Image for Monalissa.
88 reviews10 followers
February 27, 2024
Sabihin na nating zombophile ako kaya hindi talaga pwedeng palagpasin ko ang librong 'to (SALAMAT ULIT NAKITA SA BOOKSALE PERO HINDI BINILI SA NAPANALUNANG LIBRO).

Unputdownable. Halos isang upuan ko lang nabasa dahil engaging at smooth ang pagkakasulat. Madalas nakakatawa, pero minsan mapapatigil ka kasi hindi malayo sa katatahonan kung mangyayari man. Isipin mo zombie apocalypse—tapos Pilipino ka na nakatira sa bansang pugad ng mga makasarili at mga trapo. May mas idy-dystopian pa ba don?

Anyway, dark and gruesome ang libro pero light lang sa kabuuan. Ang ganda ng balance. Flawed pero likable rin ang mga characters. Naiwan lang talaga ako sa last part dahil akala ko faux climax lang, pero yun na pala 'yon. Maaaring intentional s'ya dahil lahat ng tanong ni Mars sa dulo, tanong ko rin (pero medyo mas marami yung akin).

Undecided if 3 or 4 stars nung una. Pero sobrang na-redeem ne'to yung problematic at cringey na Pinoy zombie culture (oo, unang-una ka na, Remington and the Curse of the Zombadings) kaya sige downright 4 stars.
Profile Image for jayal.
51 reviews1 follower
March 19, 2024
Sa lahat ng mga napanood at nabasa kong may kinalaman sa zombies, isa ito sa mga nagustuhan ko! One-sitting ko lang ito natapos basahin, ang hirap na kasing bitawan kaya hindi ko na rin namalayan yung oras, 9:30 na pala ng umaga. :D

Medyo nabitin lang ako sa ending at sa karakter ni Mang Nacho (medyo nakulangan ako sa authority, power, and influence niya as the Master Raider siguro kasi hindi ko alam yung backstory niya?). Naweirdohan din ako sa daga-dagaan moment ni Lucy, ang random para sa isang bit player na na-feature na sa mga TV show at pelikula dati HAHAHAHA

With all due respect po, slay na slay talaga na never nawala ang floppy hat ni Bey at shades ni Mars sa dami ng nangyari. Higit sa lahat, sobrang natuwa talaga akong makitang naka-survive si Lola Vicky, sobrang badass talaga!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 24 of 24 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.