Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang aking mga opinyon… Maraming mga iskolar ang naglaan na ng ilang dekadang pagsusuri sa nobelang ito.
Ang masasabi ko lamang: masalimuot ang lahat. Sa pagsusunod sa istorya ni Raskolnikov, sa mga karakter na kaniyang kinikilala, at sa mga temang inilalahad ng libro. Nahirapan ako basahin, hindi dahil sa pagkakasalin nito, kundi dahil sa siksik ito sa impormasyon, monologo, mabubulaklak na talata, at pilosopiya.
Nagustuhan ko ang pagkakasalin at hindi ako nagsisising ito ang introduksyon ko sa mga mas mahahabang akda ni Dostoyevsky. Makaluma o klasikong Filipino (o maaaring archaic Tagalog) ang ginagamit na, sa tingin ko, ay nakatulong sa pagpapabuhay sa akda sa ibang wika at kultura. Napakalaking hakbangin ang ganitong mga pagsasalin tungo sa pagpapayaman ng wikang Filipino, lalo na’t isinalin ito mula sa orihinal na Ruso. Nawa’y maisalin rin ang iba pang mga libro ni Dostoyevsky, o kaya ni Leo Tolstoy (Anna Karenina sana hehe)!