Ang koleksiyon nitó sa Ingles ay unang nailimbag noong 1947 sa Denver, Colorado sa edisyong Alan Swallow. Masasabing karamihan sa mga kuwento ay naisulat ng awtor noong dekada 30—sa panahon ng kaniyang kasibulan, sa panahon ng unang tangkang lakbayin ang daigdig ng panulat, bagaman ang unang musa ay musika.
Ang Pitong Gulód ay binubuo ng labindalawang maikling kuwentong nagtatampok ng mga karanasang “nakaugat sa búhay ng mga karaniwang táong may payak na pangarap.” Siláng nakikipagsapalaran sa malalayong sakahan upang hanapin ang kapalaran. Siláng mga kabataang nangahas tumawid sa mayamang lungsod na doo’y nilunod ang kanilang mga pangarap at itinaboy ng alon pabalik sa nayong pinanggalingan. Siláng umaasa sa kagandahang-loob ng kapuwa. Siláng mga nangungulila sa nawalay na minamahal. Pinagsalikop ni NVM ang kaniyang sariling danas sa guniguning mundo at pakikipagsapalaran ng kaniyang mga bida gámit ang wikang Ingles.
Sinasabing ang wika ay may bitbit na sariling daigdig. Ibang kamalayan at sensibilidad halimbawa ang taglay ng Ingles sa Filipino. At sa wikang Ingles nagsulat si NVM. Kayâ naman, salig dito, iisiping ang wikang ito ay lubusang tiwalag sa lokal na danas ng mga tauhan sa kuwento—magkakaingin, tripulante sa batel, kasambahay, at usurero.
Kayâ maitatanong, paano halimbawa mabisang ihuhulagway sa dayong dila ang “halás sa palad ng magsasaka,” o mauulinig “ang kalanting ng mga gitara at ang rubdob ng bayó sa lusóng” ng mga mangingisda? Sa kabila nitó, naging matagumpay si NVM sa pagtatawid at pagpaparanas sa mambabasá ng búhay nayon. Totoong sa simula’y di agad siya nakilala ng marami, yamang nasunog ang halos lahat ng kaniyang mga aklat dahil sa digmaan. Iilan lámang ang nakapagtabi ng mga kopya ng akda at nakasilip sa kaniyang henyo. Subalit hindi nagtagal, kasáma ng The Winds of April na nagwagi ng Commonwealth Literary Awards noong 1941, ang mga kuwento sa Pitong Gulod ang unang nagpakilala kay NVM Gonzalez sa mundo ng panitikan.
Hindi mahirap makahanap ng koneksiyon sa mga kuwento ng Pitong Gulod. Batbat ito ng unibersal na mga imahen—galak at lumbay ng isang ina, pagsasamantala ng maykáya sa wala, kahit ang pagpaslang sa kamusmusan. Higit sa lahat, madali ang koneksiyon sa mundo ng naratibo yamang binabaybay nitó ang malay ng makabagong mambabasá gamit ang wikang malapít sa kaniyang puso. “Iba palá kapag naririnig ang mga kuwento sa sarili nating wika, tumutusok sa dibdib,” seryosong nasambit ng panganay na anak ni NVM na si Nestor Ibarra pagkatapos marinig at matunghayan ang interpretatibong pagbása sa isang kuwento sa antolohiya.
Samakatwid, hindi lámang ang epektibong pagpipinta ng búhay nayon ang responsable sa paghahatid at pagtatawid ng mga danas sa kontemporaneong mambabasá kundi maging ang wikang ginamit. Wikang tumutusok at namamaybay sa ating buot.
Masasabing sa kamay ng maestrong tulad ni Edgar Maranan, iniimbita tayong pasukin ang sangpilas na búhay ng mga bida ng Pitong Gulod, na doo’y sapat nang maranasan ang kanilang pangungulila, pag-asam at pananabik, ang galak at lumbay.
N. V. M. Gonzalez (Nestor Vicenti Madali Gonzalez) b. Romblon, Romblon 8 Sept 1915. Fictionist, poet, essayist. He was the son of Vicente Gonzalez, a school supervisor, and Pastora Madali, a teacher. He was married to Narita Manuel with whom he had four children. When he was four, his family migrated to Mindoro and settled in barrio of Wasig. Gonzalez had his early schooling in Romblon and later attended Mindoro High School. In 1930 he took the entrance examination to the University of the Philippines but failed. He went back to Mindoro and worked as a delivery boy in his father's slaughterhouse and meat stall in Calapan. During this time, he began contributing to the Graphic. For about a year, he would walk from Wasig to Mansalay for five hours to type his story at the municipal hall and post it to the magazine.
Gonzalez had his first literary break when he won in the students' literary contest sponsored by the Graphic for an essay in Theodore Roosevelt's visit to Calapan in 1934. He left for Manila, met Francisco Arcellana, and joined the Veronicans. He studied for two years at the National University and Manila Law College, but quit his college studies sometime in 1934. He joined the Graphic, working there until the outbreak of WWII. After the war and without a college degree, he was invited by the University of the Philippines (UP), to teach English and the short story from 1951 to 1967. He became the chairperson of the Second UP Writers Summer Workshop in Los Baños in 1967 and was twice chosen as the Workshop's writer-in-residence in 1978 and 1987. He received several Rockefeller grants which enabled him to take special studies in creative writing at Stanford University, the Kenyon School of English, and Columbia University, and to travel in Asia and Europe. In 1968, he went to the University of California in Santa Barbara as a visiting associate professor of English, and stayed there until 1983 as a professor of English and Asian American literature at the University of Washington from 1976 to 1979, and in 1986, artist-in-residence of the Djarassi Foundation in Woodside, California.
Gonzalez's published novels are the Winds of April , 1940; A Season of Grace , 1956; and The Bamboo Dancers , 1959; his published short story collections are Seven Hills Away , 1947; Children of the Ash Covered Loam and Other Stories , 1954; Look Stranger, On This Island Now , 1963; Selected Stories , 1964; and Mindoro and Beyond: Twenty-one Stories , 1979. His most recent published works are Kalutang: A Filipino in the World an autobiographical essay, 1990, and The Father and the Maid , a compilation of six lectures delivered under the sponsorship of the UP Creative Writing Center, 1990, He finished his final draft of a short novel called Kaingin Country and was working on a sheaf of poems, A Wander Through the Night of the World . Also in preparation is the Mother the Provider , a collection of stories.
Gonzalez received a special award in the 1940 Commonwealth Literary Contest for The Winds of April , the Philippine Republic Award of Merit for Literature in English in 1954, the Republic Cultural Heritage in 1960, the Jose Rizal Pro Patria Award in 1961, and the Patnubay ng Sining at Kalinangan ward in 1971 from the city government of Manila. Eight of his short stories were included in Jose Garcia Villa's honor roll in 1926 to 1940. His short stories, “On the Ferry” 1959 and “Serenade” in 1964, won third prize and first prize, respectively, in the Philippines Free Press literary contest. His short stories, which won in the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, are: “Children of the Ash Covered Loam,” second prize in 1952; “Lupo and the River,” second prize in 1953; “On the Ferry,” third prize, 1959; and “Tomato Game,” first prize in 1972. In 1993, he received the Gawad CCP Para sa Sining in literature. He was conferred National Artist status in 1997. He passed away in 1999 due to kidney complica
Cristina Pantoja-Hidalgo qouted NVM Gonzalez or Nestor Vicenti Madali Gonzalez as the writer who never left home. And if you would read his works you will know why.
Seven Hills Away and Other Stories is composed of 12 short stories written by NVM. This collection short stories was first publish in Denver Colorado in the year 1947. All 12 short stories are tales that depicts the simple life of Pilipino way back in his years. The forest clearings, hunting wild game, the planting and harvesting crops, our tradition and old beliefs( anting-anting/agimat at mga kasabihan). Almost all the tales are situated in the island of Mindoro where NVM spend his childhood.
#BuwanNgMgaAkdangPinoy Aklat #8: PITONG GULOD PA ANG LAYO AT IBA PANG KUWENTO ni Pambansang Alagad ng Sining N. V. M. Gonzales | Salin sa Filipino ni Ed Maranan (Komisyon ng Wikang Filipino, 2015)
Si Nestor Vicente Madali "N.V.M." Gonzales (1915-1999) ay ginawaran ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1997. Bale naparangalan siya noong siya ay 82 years old at pagkalipas lang ng 2 taon ay namatay na. Hindi ko alam kung bakit kung kailan matanda (o patay na) na ang mga alagad ng sining ay saka sila kinikilala sa kanilang kontribusyon sa bayan.
Unang aklat ito ni Gonzalez na nabasa ko. Ito raw koleksyon na ito ng 12 maikling kuwento ay ang unang aklat na nalimbag ni Gonzalez. Original itong lumabas sa wikang Ingles, ang lenguwaheng ginamit ni Gonzalez sa pagsusulat ng kanyang mga akda. Unang lumabas ang Seven Hills Away sa Denver, Colorado noong 1947 at ito ay edisyon ni Allan Sparrow. Bago mamatay si Gonzalez ay nakapanayam siya ng mananaliksik na si Alberto Florentino na nagtanong kung bakit sa kabila ng pagsusumikap at paminsan-minsang pananagumpay ng mga Pilipinong manunulat sa Amerika noong mga dekada '40-'80 kagaya nina Jose Garcia Villa, Carlos Bulosan, Bienvenido Santos, Stevan Javellana at Wilfrido Nolledo ay nahihirapan pa rin silang matanggap ng mainstream publishers. Ang sagot ni Gonzales ay "Sapagkat tayo'y nagsusulat sa Ingles." Para sa kanya ang mga Pilipino (o ang mga manunulat na Pilipino) ay nagsusulat sana sa Tagalog o Filipino o sa alin mang wikang kanilang sinuso at kinalakihan. (p. VIII).
Na iyon ang dahilan kung bakit ko sobrang nagustuhan ang akdang ito. Ang mga kuwento ay hango sa kanyang naging buhay sa Mindoro noong dekada '20. Uso pa noon ang paghahawan (o pagpapabrika) na naging backdrop ng tatlo sa unang apat na kuwento rito: ang "Ang Tagapagbukas" na ang ibig sabihin ay ang taong naghawan ng gubat para pagtaniman at gawing tirahan. Noong panahong iyon, pag nahawan mo ang gubat ay pagaari mo na ito at maaari ka pang magimbita ng iba mong kaibigan o kamaganak para manahan doon; ang "Buhay at Kamatayan sa Isang Kaingin sa Mindoro" naman ay tungkol sa grupo ng kalalakihan na inupahan ng isang mayamang si Ka Pedro upang hawanin ang gubat kasama na ang pagputol sa isang malaking puno ng balete na pinaniniwalaang bahay ng engkanto; at ang "Ang Pagpupunla" na tungkol sa magasawang magkakaingin sa bundok upang pagtaniman ng palay habang sa gilid ng dawag ay natutulog ang kanilang sanggol. Ang punto ko ay ito: napaka-lokal ang setting ng mga kuwento upang gamitan ng diyalogong Ingles. Hindi ko ma-imagine kung ang paguusap ng magasawang nagkakaingin ay Ingles samantalang ang setting ay sobrang Pinoy lalo na noong panahong iyon na masasabing hindi pa tayo (o lalong sila sa probinsya) masasabing westernized.
Marami pang magagandang akda rito lalong-lalo na yong mismong kuwentong pinagkunan ng pamagat ng koleksyon, ang "Pitong Gulod Pa Ang Layo." Ito yong tipong mapapatanong ka kung anong ibig sabihin ni Gonzalez. Parang mahiwaga dahil di ko alam ang sagot kung anong mensahe ba ang puwede kong makuha sa kuwento pero alam mong meron. At hindi siguro niya gagawing banner (title) story ito kung hindi niya ipinagmamalaki sa ganda.
Maraming salamat kay Ed Maranan sa kanyang masinop at masining na pagkakasalin ng akda sa Filipino. Buhay na buhay ang mga tagpo at parang mga larawang khaki at puti na nakikita ko noon sa baul ng nasira kong lola. Mga larawang gumagalaw. Tapos ang lenguwahe ay parang yong napapanood ko sa black and white na TV namin noong binatilyo pa ako sa Baguio. Para sa akin, naisalin ni Maranan ang mga kuwento hindi lamang sa eksaktong equivalent ng mga salitang Ingles sa Filipino. Iniangkop rin niya ang tamang (lumang) porma ng Filipino na ginagamit nang panahong 20's sa Pilipinas.
Salamat sa napakagandang akda, Sir Gonzales at Sir Maranan. Mabuhay po kayo! Patay na si Sir Gonzalez (at ayoko namang mabuhay siya) noon pang 1999 pero mananatili syang buhay sa mga mambabasa sa pamamagitan ng kanyang walang kamatayang mga kuwento.