What do you think?
Rate this book


164 pages, Paperback
First published January 1, 2004
At ang hangin na hinihigop o ibinubuga ng mga dahon ay nagiging dahon. Ang liwanag na hinihigop o ibinubuga ng mga dahon ay nagiging dahon. Ang mga ibon na nakikisilong sa mga dahon ay nagiging dahon. At ang mga dahon na sumusupling o dili kaya'y nalalagas sa mga sanga't tangkay ay sasapit sa hanggahan upang wakasan ang pagkadahon at nang mapuri ang mga ugat.Ang nagustuhan ko na may political message ay ang Rockeye at Resbak, Iraq. Sa stylish poetry, nariyan ang parang pingpon na tula tungkol sa kabalintunaan ng mga bagay-bagay sa Patpang Pingpong. Nasa Malate ako kanina habang hinihintay ang order namin sa Aristocrat, Roxas Blvd noong binabasa ko ang Adios, Ermita Noventa! at parang sakto. Naala-ala ko ang mga dating mga tindahan at bars doon bago pa ang mga ito ay ipasara ni Mayor Lim. O nalugi? Ewan. Ni minsan di ko napasok ang mga yon except sa Hobbit House na naroroon pa rin hanggang ngayon.