What do you think?
Rate this book
326 pages, Bookpaper
First published January 1, 1995
1. Naglalarawan ito ng buhay ng mga magbubukid noong 60's hanggang 70's. Inaabot ang ilan sa mga inilarawan ni Domingo Landicho dito gaya ng pagaararo ng lupa, pagbabayo ng palay o pagsasabit ng kuwalta sa bagong kasal na sumasayaw sa harap ng kanilang mga ninong, ninang at mga panauhin. Pero di ko na inabot yong tulad ng paggawa ng asukal mula sa tubo o di nagkaroon ng pagkakataong makapanood kung paano ang tinutuli sa tabi ng bayabasan. Ang mga 'yan at marami pang kaugalian noong mga panahong iyon sa Pilipinas ay detalyadong inilarawan ni Landicho sa nobelang ito.Marami na akong nababasang librong Pinoy na tungkol sa tunggalian ng mga panginoong maylupa at mga anakpawis. Nariyan ang mga kuwento sa Mga Agos sa Disyerto (4 stars) at ibang pang sinulat ng mga kwentistang sumulat ng mga maiikling akda sa antolohiyang iyon gaya ng Dugo sa Bukang-Liwayway (4 stars) ni Rogelio Sikat at Ginto ang Kayumangging Lupa (4 stars) ni Dominador Mirasol. Ang pinagkaiba nito ay ang balanseng paglalarawan ng dalawang panig. Di mo nararamdaman ng may kiling si Landicho sa mga anakpawis at ang panginoong maylupa ay masamang tao. At narito ang mahika ng panulat ni Landicho. Makatotohanan lang at walang political agenda.
2. Perpektong pagkakasulat ng nobela. Yong tinatawag nilang "show not tell" sobrang sinunod ni Landicho. Parang may kamera sa isip mong gumagalaw habang nagbabasa. Sinisundan si Toryo habang pumapasok sa bahay nila sa Makulong na iniwan niya ng ilang panahon upang makipagsapalaran sa Maynila. Parang naroon ka habang binubuhat ni Ka Garse ang mga aning palay na ipinapasok niya sa bodega ni Senyor Martin. Sa mga huling kabanata, parang ayaw mong matapos ang kuwento dahil napamahal na sa iyong ang mga tauhan at parang gusto mong malaman ang nangyari sa Makulong matapos ang pagdating ng mga pagbabago: ang pabrika, ang pagkonkretong kalsada, ang agrarian reform.