“Maraming mga gabing nagigising akong tinatawag ang pangalan mo. At sa aking pag-uwi’y umaasa akong naroroon ka...”
Bata pa si Sari ay minahal na niya ang apo ng matandang kumupkop sa kanya: si Aldon Latarde. Kaya naman ganoon na lamang ang kaligayahan niya nang ialok nito ang pangalan sa dalaga. She was submissive, faithful and loving to Aldon. Ditto umiinog ang kanyang mundo.
Subalit iba ang balak ni Aldon. Alam nitong masasaktan si Sari kung ditto manggagaling ang pakikipaghiwalay, kaya naman gumawa ito ng paraan – paraang paibigin sa ibang lalaki si Sari.
SEMPER FIDELIS, pangakong katapatan sa tuwina. Ngunit may halaga pa ba iyon nang matuklasan ni Sari na ipinamimigay ng lalaki ang pag-ibig niya?
Rose Tan is a bestselling Filipino romance novelist for Precious Pages Corporation. She is the writer of the Bud Brothers Series which has been adapted for television by one of the biggest networks in the Philippines. Her other series include Fruitcakes and Bud Brothers UnLtd.
Love and innocence. That´s where it all started. Grabe, para kang nakasaksi ng mga totoong pangyayari sa katauhan ng mga bidang ito huhu. Damang-dama mo bawat emosyon at mga pangyayari. Sobrang linaw na never kang malilito sa takbo ng storya. The ending though, totoong kulang. Minadali masyado na wala man lang silang pag-uusap na malalim, 5 years had passed tapos in two chapters, naging okay sila basta. Sayang, this could have been at it´s best kung napahaba or binigyan na lang ng part 2.
Five stars pa rin kasi ang solid :)) Worth your time.
i read this book 10 years ago.. i borrowed the book from my classmate but sadly I didn't finish it.. coz some pages where lost.. but then i really love the story..
Nabasa ko itong pocketbook na 'to 15 years ago. And binasa ko ulit siya last night para maalala ko yung story. Natatandaan ko na isa ito sa mga unang stories ni Rose Tan na nagustuhan ko. Kaya nga lang, dahil siguro sa may maximum number of words lang sa manuscript kaya sa bandang dulo ng storya ay parang minadali.
Kung recently lang siguro ito na naisulat at na-ipublish ay baka na-expand pa lalo yung story at hindi magmumukhang bitin or minadali. Dahil hindi na lang hanggang 128 pages ang mga ilan sa phr pocketbook ngayon kung hindi meron na silang mga na-ililimbag hanggang 256 pages and more.
Pero sa kabuuan, isa pa din ito sa mga paborito ko na akda ni Rose Tan bukod sa Sweet Periwinkle at iba pa nyang naunang mga naisulat.
read this 2x, the first time was back in 2001. I really like this book :) I love Rose Tan when her book's funny, but I love her better when she writes something angsty like this :D