Jump to ratings and reviews
Rate this book

Maganda Pa Ang Daigdig

Rate this book
A novel on the festering problem of tenancy; expressing hope for more equitable distribution of land.

Noong 1955, habang ang karamihang akda’y nagtatampisaw sa mga kuwento ng pag-ibig, isinerye ng magasing Liwayway ang Maganda pa ang Daigdig. Sa halip na makiiyak sa mga pusong nasiphayo sa pagsinta o makigalak sa mahirap na biglang yumaman, ang nobela’y humamon sa mambabasa na lunasan ang nagnanaknak na sugat ng lipunang Pilipino: ang malawakang piyudalismo sa kanayunan. Matamang inugat ni Francisco ang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at inilarawan ang kanilang pagkabusabos sa kamay ng panginoong maylupa. Binigyang-buhay dito ang kakaibang uri ng mga tauhan—hindi nagpapatianod sa “agos ng buhay,” bagkus ay kumikilos ayon sa sariling prinsipyo at sa adhikaing makatulong sa kapwa. Makalipas ang maraming taon, ang Maganda pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco ay nananatiling buhay na larawan ng isang sugat na magpahangga ngayon ay di pa rin naghihilom.

362 pages, Paperback

First published January 1, 1982

121 people are currently reading
1887 people want to read

About the author

Lazaro Francisco

8 books43 followers
Prize-winning writer Lazaro A. Francisco developed the social realist tradition in Philippine fiction. His eleven novels, now acknowledged classics of Philippine literature, embodies the author’s commitment to nationalism. Amadis Ma. Guerrero wrote, “Francisco championed the cause of the common man, specifically the oppressed peasants. His novels exposed the evils of the tenancy system, the exploitation of farmers by unscrupulous landlords, and foreign domination.” Teodoro Valencia also observed, “His pen dignifies the Filipino and accents all the positives about the Filipino way of life. His writings have contributed much to the formation of a Filipino nationalism.” Literary historian and critic Bienvenido Lumbera also wrote, “When the history of the Filipino novel is written, Francisco is likely to occupy an eminent place in it. Already in Tagalog literature, he ranks among the finest novelists since the beginning of the 20th century. In addition to a deft hand at characterization, Francisco has a supple prose style responsive to the subtlest nuances of ideas and the sternest stuff of passions.”

Francisco gained prominence as a writer not only for his social conscience but also for his “masterful handling of the Tagalog language” and “supple prose style”. With his literary output in Tagalog, he contributed to the enrichment of the Filipino language and literature for which he is a staunch advocate. He put up an arm to his advocacy of Tagalog as a national language by establishing the Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA) in 1958.

His reputation as the “Master of the Tagalog Novel” is backed up by numerous awards he received for his meritorious novels in particular, and for his contribution to Philippine literature and culture in general. His masterpiece novels—Ama, Bayang Nagpatiwakal, Maganda Pa Ang Daigdig and Daluyong—affirm his eminent place in Philippine literature. In 1997, he was honored by the University of the Philippines with a special convocation, where he was cited as the “foremost Filipino novelist of his generation” and “champion of the Filipino writer’s struggle for national identity.”

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
253 (51%)
4 stars
78 (15%)
3 stars
84 (17%)
2 stars
46 (9%)
1 star
31 (6%)
Displaying 1 - 26 of 26 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 13, 2010
Kasaysayan ng isang triangulong pagibig: si Miss Sanchez, Lino at Coronel Roda. Unang nagkita sina Miss Sanchez at Lino tatlong taon na ang nakaraan nang ang una ay mahablutan ng kanyang bag sa Quiapo. Tinulungan siya ni Lino nguni't di siya nakasama sa himpilan ng pulisya dahil nagmamadali sya. Kinakailangang makapunta siya kaagad sa hospital para matubos ang namatay nyang kumare.

Makalipas ang tatlong taon. Dalaga pa rin si Miss Sanchez. May nagnanais na pumasok sa kanyang maghuhulip ng kanyang bakod: si Lino. Subali't siya ay di nakilala ni Lino. Dahil sa kanyang konsyensiya at ipinakitang pagka-maginoo ni Lino, tinanggap nya ito bilang trabahador. Makalaunan ay dinakip ng mga pulis si Lino dahil ito pala ay nakapatay. Sa paglilitis, lumabas na ito ang ikalawang paglabag niya sa batas. Ang una ay ang pagkakakulong ito ng 15 araw dahil sa pagtulong nito kay Miss Sanchez.

Noong ililipat na sa Muntinlupa ay tumakas si Lino at labing-isa nyang kasamahan. Pumunta sila sa bulbundukin ng Sierra Madre at hinanap ang ibinaong ni Linong mga sandata at punyal noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Maging tagapag-protekta rin sila ng isang bakahan na pagmamay-ari ng isang mayaman sa bayan nina Miss Sanchez. Ang bakahang yaon ang pinanggagalingan ng karneng baka na kinakain ng mga HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) ng mga panahong yaon. Dahil dito, kinubkob ng HUK ang bakahan. Hindi inda ang sakit, ang grupo nina Lino ay nakahanda nang mamatay. Subali't umamin ang tunay na maysala sa pangalawang krimen na ibinintang kay Lino at ang kaso ay pinayagang dinggin muli. Kaya sina Miss Sanchez, ang paring tito nito at ang anak ni Lino na si Ernesto at pumunta sa bundok na kinaroroon ng puwersa ni Lino para himukin itong sumuko na sa pamahalaan. Bagbag ang damdamin, sumuko sina Lino at ang mga kasamahan nito. Wakas.

Maganda ang pagkakasalaysay ni G. Francisco. Tunay na kaaya-aya ang kanyang mga pangungusap. Sa una'y mahirap intindihin dahil malalim ang tagalog. Pero mahuhumaligan mo naman ang ibig sabihin ng mga kataga ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Para tuloy nagbalik ang akin ala-ala sa panonood ng mga black and white na pelikula noong aking kabataan pa.

Kung nais mong makabasa, kahit minsan, ng isang magandang trianggulong pag-ibig sa gitna ng mga suliranin ng bansa noong panahon matapos ang Pangalawang Digmaan dito sa Pilipinas, basahin mo ang kasaysayang ito.

Paminsan-minsan, tikman mo naman ang nobelang Pinoy.
Profile Image for Joaquin Mejia.
91 reviews1 follower
December 3, 2019
Karamihan sa mga aklat na sinusulat ng mga Pilipino ay tungkol sa mga isyung panlipunan. Palagi tinatalakay ng mga Pilipinong manunlat ang kahirapan at katunggalian ng kanilang bansa. Ito ay isang dahilan kung bakit iniwasan ko munang basahin ang panitikan ng Pilipinas. Ayaw ko muna magbasa tungkol sa kahirapan at katunggalian sa Pilipinas sa mga aklat. Makikita mo na ang mga ito sa mga balita sa mga diyaryo at programang pangtelebisyon. Isa pang dahilan ang wika. Kahit na lumaki ako sa Pilipinas, nahihirapan pa rin ako na magsalita at magsulat sa wikang Filipino.

Ito ang naging dahilan kung bakit natagalan ako sa pagbabasa ng nobelang ito. Masyadong malalim ang prosa ni Lazaro Francisco para sa mga batang Pilipino na sanay na magsalita sa Ingles. Kung mas magaling ako sa Filipino, baka masasabi ko na maganda ang kanyang pagsusulat sa aking katutubong wika. Pero dahil hindi ako masyadong magaling magsalita ng Filipino, naging hadlang para sa akin ang malalim na prosa ni Francisco. Sa tingin ko, dapat maging pagalala ito para sa akin na maging mas magaling sa pagsasalita at pagsusulat sa aking wika.

Nagustuhan ko pa rin ang nobela kahit na nahirapan ako sa pagbasa nito. Para sa akin, ang pinakamagandang aspeto ng nobelang ito ay ang mga tauhan. Nagustuhan ko ang mga tauhan ng kuwento dahil sila mabuti at marangal. Sila ay mga tauhan na dapat gayahin ng nagbabasa ng kuwento. Tunay na bayani ang mga bayani ng nobela.

Irerekumenda ko ito sa mga tao na mas magaling magsalita ng Pilipino. Magugustuhan talaga nila ang nobelang ito.
Profile Image for Lois Tanglao.
16 reviews2 followers
May 1, 2021
Tbh i’m not sure what to think about the dynamic between Hantik and Lino. Lino is a virtuous man who sees the flaws with the current system and has even been exploited by it, but he doesn’t try to change it. When his life is put in jeopardy, he tries to escape and become a vigilante by helping some groups of people, but even after everything that happens to him, he still keeps his stance that the government is part of the people and that the people are victim to unjust laws and and an unjust system. He doesn’t want to join the Huks because he doesn’t think that rebellion is the solution—reform is. While he raised some good points, I don’t think that he—or any other character for that matter—should be portayed as completely good or evil. It just makes the story lack some depth. Yes, Lino stuck to his values, but he still let the system that was oppressing him prevail. Commander Hantik allowed violence, but his purpose (at least from what I understood) was to give justice to the oppressed. It’s a pretty complex issue and there’s no definite right or wrong. I just wish the author made that clear.

Also I really wanna make this a musical (or i hope someone does) it’s a pretty classic story in the way that most of the characters are one-dimensional and it follows the hero’s journey.

Even with my the things I mentioned, it’s still a good book. I’d recommend this to anyone who wants to learn about social realities in the form of a story !
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
January 16, 2016
Like Amado V. Hernandez's Luha ng Buwaya, Lazaro's Maganda pa ang Daigdig (The World Is Wondrous Still) is a postwar novel of agrarian concerns and a worthy successor to José Rizal's political novels. It lays bare the injustices of the tenancy system by dramatizing the conflict between the landlord and landless. Power comes to those who stand up to fight for what is just and right: "Ang mga matang naidilat na ay hindi na maipipikit!" (The eyes that had been made to see shall no longer sleep!) As with Hernandez's novel, it is ostensibly a love triangle amidst conflicts and confrontations. It engages with its fast-paced scenes right up to its melodramatic conclusion.
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews19 followers
June 15, 2024
Sa pagbabasa ng nobela, lalo na 'yung mga katulad nito na matagal nang naisulat (1955), mahalaga ring malaman ang kasaysayan ng Pilipinas noong panahong iyon---kung nasaan ba ang bayan, ano ang klase ng lipunang mayroon tayo, at ano-ano ang nagaganap noon. Sa kaso ng Maganda Pa ang Daigdig, nasa panahon ang nobela ng restorasyon ng bansa dahil sa katatapos pa lamang na ikalawang digmaang pandaigdig. Sariwang-sariwa pa ang digmaan sa alaala ng marami, kahit sa pangunahing tauhan ng nobela na si Lino Rivera na naging beterano pa nga ng digmaan bagama't walang nakuhang pensiyon dahil wala raw ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga nakipaglaban, na isa ring inhustisya sa maraming beterano ng digma. Namamayagpag din ang Huk noon, lalo na sa Gitnang Luzon, na ang ilan ay nalihis na sa mga una nilang ipinaglalaban, bagay na nagpasama ng tingin sa kabuoan nila, na siyang makikita rin sa nobela, kaya halos wala kang makikitang maganda tungkol sa mga Huk dito.

Naglalaman ang nobela ng pagbuwag sa tenancy system, reporma sa lupa, hanggang sa pagbuwag sa mga hacienda at papalitan ng pagbubuwis sa mga kasamá. Pinangunahan ito ni Pari Amando sa kuwento nang ipamahagi niya ang kaniyang lupain na planong sundan ng isa pang "makataong haciendero" sa kuwento. Sa katotohanan, alam nating walang gano'n. Walang makataong haciendero. Kung may makataong haciendero, wala na sanang mga hacienda sa Pilipinas ngayon. Siguro nais lang ni Francisco na ipakita na puwedeng ipamahagi ang mga lupa kung gugustuhin, na hindi rin naman talaga ganap na nangyari sa kabila ng pagkakaroon ng reporma sa lupa. Malinaw kay Francisco na isang bukol sa lipunan ang tenancy sytem:

"𝘐𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯, 𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘧𝘦𝘶𝘥𝘢𝘭𝘪𝘴𝘮𝘰, 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘱𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘭𝘢𝘩𝘪 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘮𝘰𝘬𝘳𝘢𝘴𝘺𝘢! 𝘋𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘢𝘭𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘶𝘬𝘪𝘳𝘪𝘯."

At hanggang ngayon, sumisigaw pa rin tayo ng "Pyudalismo, ibagsak!" at "Hacienda, buwagin!"

Hanga ako sa labis na pagtitiwala ni Lino sa pamahalaan sa kabila ng kaniyang mga dinanas na inhustisya. Marahil naniniwala si Francisco na masosolusyunan ang lahat ng bagay sa kaayusang isinulat niya sa nobela, na malayong-malayo sa mga sumunod na mga pangyayari sa ating bayan. Lalong lumaganap ang korapsiyon sa mga sumunod na taon, bagsak ang ekonomiya, mababang pasahod sa mga manggagawa, naghihirap pa rin ang mga magsasaka, maraming nakukulong na walang sala, at lalong lumala ang pagmamalabis ng mga may kapangyarihan. Kung may katangian mang hindi nawala sa nobela sa panahon ngayon, 'yun ay ang pagtutulungan, pagbabayanihan ng mga tao. Malinaw na hindi nawala ang birtud na ito sa ating lipunan magpasahanggang ngayon.

Hindi palaging napapalitan ng mabuti ang paggawa ng mabuti ni Lino at kalakhan pa nga ay masama ang ibinalik sa kaniya nito. Marami akong hindi sinasang-ayunang kaisipan sa nobela ngunit may pagtatagpo naman sa gitna. Naniniwala ako na hindi ibibigay basta-basta ang karapatan ng mamamayan, ipinaglalaban ito, pinagbubuhusan pa nga ng dugo, para sa pangarap nating magandang daigdig na siya rin namang pangarap ni Lazaro Francisco.
3 reviews
April 19, 2021
This is an eye-opener. Wow. I'm currently speechless haha. I'll definitely be reading more of his works and the likes.
Profile Image for Ariel Tabag.
Author 12 books15 followers
May 18, 2014
*** lang piman. kasla nagbuyaak iti pelikula a kadaanan. ngem kas kadagiti kadaanan a pelikula, kasla naiturturong dagiti karakter tapno maitan-ay ti istoria. daytoy dagiti kadaanan nga istoria nga aglikaw ti lubong dagiti tattao iti bida-- saan a kas iti kabaruanan a depinisionko iti istoria a dapat aglikaw laeng ti istoria kadagiti karakter ket saan nga ingkapilitan a kasla ketdin adda iti abaga ti bida ti masakbayan ti lubong.
Displaying 1 - 26 of 26 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.