Jump to ratings and reviews
Rate this book

Canal de la Reina

Rate this book
A novel. Exposes the social cancer in high society hidden behind the mask of ostentation and pompousness.

Unknown Binding

First published January 1, 1985

100 people are currently reading
1325 people want to read

About the author

Liwayway A. Arceo

14 books87 followers
Liwayway Arceo (b. 1920) was a multi-awarded Tagalog fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines.

Arceo was the author of well-received novels such as Canal de la Reina (1985) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Most of her books were published by Ateneo de Manila University Press and The University of the Philippines Press.

Arceo made her mark as a lead actress in a Japanese and Philippine film produced during World War II. The film Tatlong Maria was produced by two movie companies: X'Otic Pictures of the Philippines and Eiga Hekusa of Japan in 1944. She also ventured into radio by Ilaw ng Tahanan, a long-running radio serial. Ilaw ng Tahanan became a television soap opera aired in RPN 9 during the late 1970s.

Arceo received a Carlos Palanca for Short Story in Filipino (Filipino (Tagalog) Division) in 1962; a Japan Foundation Visiting Fellowship in 1992; a Gawad CCP for Literature given by the Cultural Center of the Philippines in 1993; a Doctorate on Humane Letters, honoris causa, from the University of the Philippines in 1991; the Catholic Authors Award from the Asian Catholic Publishers in 1990, and the Gawad Balagtas Life Achievement Award for Fiction from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) in 1998. In 1999, Liwayway Arceo received a Philippine National Centennial Commission award for her prioneering and exemplary contributions in the field of literature.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
315 (44%)
4 stars
173 (24%)
3 stars
137 (19%)
2 stars
39 (5%)
1 star
38 (5%)
Displaying 1 - 30 of 39 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
March 15, 2010
Binasa ko ito para tulungan ang anak ko sa kanyang final exam sa Filipino. Bukas yon. Nabasa na raw naman niya ito subali't nakalimutan na. Basahin ko raw at ikuwento sa kanya para maala-ala nya.

Ito ay nobela tungkol sa dalawang pangunahing tauhan: Si Nyora Tentay, ang usuherang nagpapa-five six at umaangkin sa lupang di niya pagaari; at si Caridad, ang tunay na may-ari ng lupa na minana pa nya sa kanyang mga magulang. Ang lupang ito ay nasa dulo ng isang kalye sa Maynila, ang Canal de la Reina.

Kaalinsabay sa aking pagbabasa ang laban ni Manny Pacquio at ni Joshua Clottey kahapon. Mga alas-diyes ako nagsimula. Habang pinapanood ang mga teasers, isa-isa namang ipinapasok ni Gng. Arceo ang mga tauhan sa kanyang nobela. Ang matabil na dila ng bungangerang si Nyora Tentay ay singtabil ng dila ng mga announcers sa TV. Bago ang laban ni Pacquiao, tatlo ang boxing matches na pinalabas sa GMA at tatlo rin ang mga sub-plots na ikinuwento ni Gng. Arceo para ipakita ang kasamaan ng ugali ni Nyora Tentay: ang pagkamatay ng buntis na si Paz, ang pagmamalupit nya sa katulong nyang si Ingga at ang naging pakikialam nya sa buhay ng anak na si Victor na naging sanhi sa paghihiwalay nito sa kanyang asawang si Gracia.

Mga alas-dos na ng hapon pinalabas ng GMA ang labanang Pacquio-Clottey. Ganoon ding oras sumapit sa sukdulan ang kuwento: ang paghampas ng bagyong Gloring (27-31 Hulyo, 1972) sa Gitnang Luzon na sinasabing singlakas ng nakaraang bagyong Ondoy. Kagaya ng Ondoy, marami ring ang lumubog na mga bahay sa patuloy na pagulan sa mahigit na apat na araw.

Si Caridad ay naging parang si Pacquio. Sa simula ng kuwento ay parang dehado sya dahil maraming pera at marunong manuhol si Nyora Tentay. Si Pacquio naman ay mas mababa kay Clottey. Pero noong uminog na ang kasaysayan at nagsimula na ang Round 1, habang sumusuntok si Pacquio ay kitang-kita na ang pagkapanalo sa kaso ng pagmamayari ng lupa si Caridad. Lahat halos ng tauhan sa kasaysayan ay kampi sa kanya pati na ang manugang ni Nyora Tentay na si Gracia, ang asawa ng katiwala ng pamilya ni Caridad na si Tisya at maging si Ingga.

Noong tinanggay ng baha si Nyora Tentay ay tumaon sa katapusan ng Round 12 at itinaas na ang kamay ni Pacquio. Tapos na ang kasukdulan ng kuwento. Ang mga sumunod na pangyayari kagaya ng pansamantalang pagkabaliw ni Nyora Tentay ay kahalintulad sa pagsusuri ng mga sports analysts sa laban. Nakakabaliw ding totoo ang walang kakuwenta-kuwentang mismatched. Halos nakadikit na ang kamay ni Clottey sa kanyang ulo. Parang si Nyora Tentay na halos walang nagawa para iligtas ang kanyang bayong na puno ng alahas at salapi na inagaw sa kanya ng katulong nyang Ingga habang sila ay inaanod ng baha.

Mas maganda lang nga ang kabuuan ng Canal de la Reina kaysa sa laban ni Pacquio at Clottey. Ngunit ang kabayanihan ni Pacquio ay parang kabayanihan din na ipinakita ng mga anak ni Caridad na si Junior sa pagsali nito sa relief operation at ni Leni sa walang sawa nitong pagdamay sa mga nasaktan at nagkasakit dahil sa baha. Lutang na lutang ang mensaheng nais ipahatid ng kuwento: ang kamalayan ng mga kabataan sa mga nangyayari sa kapaligiran. Naantig ang aking puso sa isang tagpo nang si Junior, ang tinedyer at dating aktibista laban kay Marcos, ay nagpapaalam sa kanyang mga magulang na sina Salvador at Caridad. Dahil malakas pa ang hangin at ulan ay ayaw syang payagang lumabas ng mga magulang. Ito ang kanyang sagot sa dalawa:

"Sinabi ko lang naman ang totoo, Dad..." mahinang patuloy ni Junior. "Siguro, kung no'ng panahon n'yo, kumibo na ang mga magulang namin... kung nakipaglaban na para sa ating mga karapatan bilang tao... hindi siguro namin kakailanganin ang lumakad sa kalye. Kaming mga wala pang sapat na gulang... hindi siguro kailangang sumigaw... at mamatay..." Nanginginig ang tinig ni Junior. "Siguro, kung kayo ang sumigaw ng Makibaka, huwag matakot... baka iba ang buhay naming mga kabataan ngayon!"


Tunay na henyo yang si Liwayway A. Arceo. Sa susunod kong pagpunta sa National, titingin ako ng iba pa nyang akda. May mga nobela na rin siyang naging pelikula na kagaya ng Titser (na pinagbidahan noon ni Maricel Soriano) at ang Lumapit, Lumayo ang Umaga (na ang pangunahing bidang babae ay si La O - Elizabeth Oropesa). Si La O ang isang sikat na bomba star noong panahong ako ay nagbibinata. Marami akong anak sa kanya na na-flush sa inidoro ng bahay namin sa Quezon.

O, Jillian, kung nagbabasa ka nito (alam kong hindi), biro lang ang huli kong sinabi.

Mabuhay ka, Gng. Liwayway A. Arceo! Pinaligaya mo ako ng iyong nobela. Higit pa sa kaligayahang naramdaman ko sa pagkapanalong muli ni Manny "Pacman" Pacquio!

Profile Image for Mesha.
30 reviews46 followers
October 13, 2012
I read this a long time ago for my Filipino project so I don't quite remember the story. But during those times, I think it was a good read. Maybe. Just as I said, I don't quite remember of it. Maybe it's time to read those books again.. and this one should be one of them.
7 reviews2 followers
April 19, 2017
maganda ang pagkakagamit ng mga simbolo at maingat ang pagpili ng mga salita mahalaga ito upang maiguhit sa diwa ng mambabasa ang nais iparating. habang binabasa ko ito naaalala ko ang tatsulok na sumasagisag sa pagkakahati hati nating mga tao.
Profile Image for Angelie.
340 reviews
October 24, 2012
maganda. matapang. makabuluhan. at maraming mapupulot na aral at kaalaman. mabuhay ang lahing pilipino!!! :) ♥ mabuhay ang mga taong may mabubuting puso at walang pag-aatubili kong magpatawad at tumulong sa kanilang kapwa! mabuhay!!!
Profile Image for Claire, The Slow Reader.
374 reviews3 followers
February 22, 2024
Nasa school Library ako kahapon sa aking Alma Mater, paminsan minsan dumadalaw talaga ako dahil it feels like home lang naman, naks. So habang nagiikot ako sa bawat isle, napadpad ako sa Filipiniana Section at napukaw ng aking atensyon ang Aklat ni Liwayway Arceo na Canal de la Reina. At kinuha ko na nga ito sa kanyang kinalalagyan.

Ang kuwento ng Canal de la Reina ni Liwayway Arceo ay tungkol sa pag-aagawan ng lupa sa pagitan nina Caridad De los Angeles, ang tunay na may-ari, at ni Nyora Tentay, ang kasalukuyang naninirahan at nagmamay-ari sa lugar.

Ang Canal de la Reina, para sa akin, ay isa sa mga pinakagandang nobelang aking nabasa. Sa pormalidad ng teksto, napansin ko ang galing ng paglalarawan sa mga tauhan, lalo na si Nyora Tentay. Sinisimbolo niya ang tipikal na kontrabida na masungit at gahaman sa pera, at ito'y magaling na nabigyang buhay ni Arceo. Bagamat tinawag ni Junior si Nyora Tentay na "witch," para sa akin, hindi gaanong naipaliwanag kung bakit siya naging ganoon. Ang kawalan ng ganap na paliwanag sa likas na pagkahumaling niya sa pera ay nagdulot sa akin ng katanungan.

Maganda rin ang pagganap sa iba pang mga karakter; ang inaing si Caridad na mahinahon ngunit matapang, si Junior na may matibay na paninindigan, at si Ingga na pinagtatanggol ang sarili. Ang kwento ay buo at may maayos na daloy ng pangyayari. Ang pagkakalahad sa ikatlong panig ay naging makinis at masarap basahin. Ang mga diskurso ay naipahayag nang maayos at naaangkop sa bawat karakter.

Ang Canal de la Reina ay hindi lamang isang nobela; ito rin ay isang pagtuklas sa mga suliraning panlipunan tulad ng korapsyon, ilegal na droga, pagkasira sa kalikasan, at kawalan ng mga serbisyo ng gobyerno. Ang mga isyu na ito ay nagbibigay ng kaluluwa sa kwento, at sa kabuuan, nagbibigay ng larawan sa lipunan.
Profile Image for Guelan.
22 reviews1 follower
January 8, 2021
Ukol sa paano winakasan ni Arceo ang kaniyang nobelang politiko-komedya: may nakagigiyagis-diwang baliktaran at maparikalang epekto ang harayain ng magagandang-loob na bida ukol sa kinabukasan ng Canal de la Reina — ang paglalanggas sa tambakan ng mga iskwater na landas tungo sa pagpapatayo ng pagamutan para sa dukha mula sa guho ng pamayanang dukha — walang sintingkad na larawan ng neoliberalismo, kaparis ang delubyong magpapaalaala sa kasalukuyang mambabasa ng lansag-nang mito ng “Filipino resilience.” Dapat iwasang husgahan ang teksto nang labas sa kapanahunan nito, at sa ganitong istorisismo maisasalba ang mapagpalayang potensyal ng akda ni Arceo. Subalit, nariyan pa rin, kung lalong tutuon sa pormalistikong pagtatasa, ang isa sa mga pinananabikan kong problematika sa mga nobelang Pilipinong nasusulat sa tradisyong Tagalog ni Lope K Santos et al.: anong pagpapalaya at politikong kamulatan ang magiging mabisa kung ang pinakasagisag ng paniniil ay siyang pinakamatimyas, buhay, at matulain ang dating sa buong dramatis personae — liban kung mahalukay rin ng sipat-kontra-patriyarkado (ahem ahem, — at masdan ang mga tarugong pangalan! — Victor, Salvador, Junior) ang natatagong himagsik na taos ng sakdal-kontrabida melodramatikang si Nyora Tentay, na Reyna Lear-cum-Reyna Ubu, na di-minsang matututong humingi, ni maggawad, ni madudulutan, ng tatak-burgesyang kapatawaran?
Profile Image for Gab of Green Gables.
196 reviews6 followers
January 13, 2025
Sa pag-aari ng lupa umikot ang kwento ng Canal de la Reina, ang mga dating nagmamay-ari nito na pamilya ni Caridad laban sa kasalukuyang naninirahan na si Nyora Tentay.

Ipinamalas ni Liwayway Arceo dito ang kanyang husay sa pagsulat.

Naging mapanamantala si Nyora Tentay sa lupang hindi niya naman talaga pag-aari. Siya namang pagpupursige ni Caridad na ilaban ang kanyang karapatan sa lupa.

Natutuwa ako sa anak ni Caridad na si Junior dahil kahit nagkaroon siya ng pagkukulang ay nakabawi ito sa kanyang pagtulong sa kapwa taong mga nasalanta ng unos.

Hanga ako sa pamilya ni Caridad dahil pinili nila ang tamang paraan para makamit ang hustisya kahit na may pagkakataong maghiganti kay Nyora Tentay nang makuha ni Inggay ang bayong nito.

Nakakatuwa ang kinahinatnan ng lupa ni Caridad sa may Canal de la Reina na gagawing pagamutan na pangangasiwaan nina Leni (na anak nito) at ni Geronimo.
Profile Image for Past Tenseee.
24 reviews
January 2, 2020
Ang nobelang ito ay nagpapakita ng mga kaganapan bago ang pagdeklara sa Martial Law at ang pagbabago ng Canal de la Reina. Makikita rin dito ang iba't ibang anyo ng pamumuhay at pananaw sa buhay. Natutunan ko sa nobelang ito na maging mulat sa totoong isyu at kaganapan sa bansa, lalo't higit ang pangalagaan ang ating kalikasan. Natuto rin akong pahalagahan ang aking sarili bilang isang malayang tao na nakakatanggap ng iba't-ibang karapatan. Napakasining at panlipunan ang nobelang ito.
Profile Image for Craig Barner.
231 reviews
August 1, 2022
Canal de la Reina was a long slog. It's a dreary story with no real payoff. The book opens with a blast of wind about squatters taking over property in the Philippines. Author Liwayway Arceo is targeting the concentration of wealth in the Asian nation. The character Nyora Tentay comes off as a caricature of evil. The story eluded me.
Profile Image for henry.
163 reviews7 followers
September 3, 2025
This book offers powerful—if heavy-handed—case on justice and social responsibility. One would expect the story to go a certain way, but it is diverted into a different direction entirely; this is not exactly a bad thing, but it does take you out of the book quite jarringly.


Actual rating: 3.25 stars
6 reviews
Read
June 21, 2020
hinayag nito ang baho ng nabubulok na sistema at kung gaano ito kadaling manipulahin ng pera, ngunit ipinakita rin nito na ang matibay na paninindigan at dignidad ay 'di matutumbasan ng kahit anong halaga.
Profile Image for Joar.
151 reviews
August 6, 2023
with its themes, canal de la reina packs quite a punch. however if i'm being honest, it felt rushed towards the end—the tentang resolution wasn't satisfying, the romance came out of nowhere, and the characters didn't feel fully fleshed out. still quite a fun read
Profile Image for Dani.
364 reviews40 followers
August 1, 2014
I actually finished this weeks ago. I only read this because it was our home reading assignment for school. The plot was pretty predictable, but it was an enjoyable read. It was fine, I guess. Junior was probably my favourite character, I don't even know why.
3 reviews4 followers
Read
September 7, 2009
it was a great filipino book that shows the reality toward the life of the present people in the philippines
Profile Image for Kit.
106 reviews44 followers
June 23, 2011
I remember I'm one of the students who was assigned to read this book and make a book review.. (4th year daYS) Astig!!!
Displaying 1 - 30 of 39 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.