Unang nalathala noong 1958, ang puturistikong akda'y nagpapakitang ang istorya'y naganap noong 1980, at umiikot sa malayang pag-iibigan at pamumundok nina Magdalena, isang babaeng nagdaan sa kamay ng maraming lalaki, at ni Kristong nagkatawang-lupa, sa katauhan ng gerilyerong propesor na si Dario.
Ayon kay Cirilo F. Bautista, nauna pa ang akdang ito sa The Last Temptation of Christ ni Kazantzakis sa pagpaksa sa katauhang makalupa ni Kristo. Sa tingin ni CFB: "Ang nobelang Pagkamulat ni Magdalena ay isang bantayog sa larangan ng panitikang Pilipino."
Futuristic novel. Inilabas noong 1958 pero ang taon sa kuwento ay 1980 na kung saan ang mga bagong mananakop na naghahari sa Pilipinas ay Tsino. Pamilyar ba? Haha.
Kung noong 1958 ko ito nabasa, sigurado akong iba ang magiging pagbasa ko rito, kaso hindi pa naman tayo buhay noon. Ito kasi ang unang radikal na nobelang pumapaksa sa usapin ng sex, as in k*ntot. Punumpuno ito ng sex scene. Isipin mo na lang ang kultura noon sa Pilipinas kumpara ngayon. Masasabi ko lang na iba talaga si AGA at si Kapulong, bumabasag ng nakagawian ng matatandang manunulat sa kanilang panahon, haha. Sunugan na ng libro!
If mababasa n'yo ito, ihuli n'yo ang Paunang Salita ni Cirilo F. Bautista.