Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang ASO, ang PULGAS, ang BONSAI at ang KOLORUM

Rate this book

327 pages, Paperback

First published January 1, 2000

Loading...
Loading...

About the author

José Rey Munsayac

2 books11 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
34 (49%)
4 stars
23 (33%)
3 stars
5 (7%)
2 stars
3 (4%)
1 star
4 (5%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
September 3, 2017
Marami na tayong nabasa tungkol sa mga bayani. Alam nating lumpo si Mabini. Nagtinda ng abaniko't baston si Bonifacio. Chemical engineer si Antonio Luna. May mga sinulat na kuwentong pambata si Rizal. Maraming kasintahan si Del Pilar. Binitay si Sakay na may mahabang buhok. Nguni't alam ba natin ang pangalan noong mga sundalong nagdala ng duyan kung saan sumakay si Mabini? Alam ba natin kung sinu-sino yong mga sundalong sumugod sa kamalig sa Pinaglabanan?

Ito yong kuwento nila ayon sa mapaglarong isipan ni Munsayac. Ito yong kuwento ng mga lider ng mga katipunerong mangmang na kung lumagda ay ekis dahil di marunong sumulat. Kadalasan pagdating sa mga nobela't kuwento noong rebolusyong ng 1898, ang mga bida ay ang mga bayani, mga pari o mga pamilya't sibilyang naipit sa digmaan. Si Munsayac pa lang ang nakaisip na magsulat tungkol sa mga pangalawang hanay ng mga lider ng Katipunan.

At hindi lang basta sinulat na parang paglalahad ng kasaysayan. Masining. Masinop. Maalab. Buo ang kuwento at di mo titigilan ang pagbabasa hanggang dulo. Kung ang "Etsa-Puwera" ni Jun Cruz Reyes ay tungkol sa isang pamilya na dumaan sa iba't ibang panahon ng mananakop sa Pilipinas, itong "Ang Aso, ang Pulgas, ang Bonsai at ang Kolorum" ay tungkol sa mga katipunero muna noong mabuo ang Katipunan noong 1892 hanggang sa maagaw ang lupang kanilang sinasaka noong panahon ng Amerikano. Sila yong mga nagpatuloy lumaban kahit nadakip na si Aguinaldo sa Palanan noong 1901. Kahit na sumuko ang maraming katipunerong kasapi ng mga burgis na kunwari'y totoong manghihimagsik sa Malolos. Sila yong mga gusto lumaban hanggang dulo makamit lang ang totoong kalayaan.

"Anong ang ating gagawin?" yan ang tanong na maiiwan sa mambabasa. Sa dalawang tagpo sa aklat, yan ang tanong na di kayang sagutin ng mga mangmang na katipunero. Dahil kulang sila sa kaalaman. Dahil di sila nakapag-aral.

Ngunit, kahit na dumaan ang isang daang taon. Kahit na tayo ngayon ay mga nakapag-aral. Kahit na paano ay mulat tayo sa nangyayari sa atin paligid, yan pa rin ang tanong natin: "ano ang ating gagawin?" Dahil wala pa rin tayong totoong kalayaan. Naghahari pa rin ang gobyernong pinabaporan ang mga kapitalista, Pilipino man o dayuhan at mga naghaharing uri. Kayod lang tayo ng kayod pero sila ang nagpapasasa sa ating pinaghihirapan araw-araw. Oo nga't nakakaraos tayo, pero sa dulo, wala't wala rin.
Profile Image for Bernard Christopher.
Author 1 book9 followers
December 21, 2024
#BernardReads | BOOK REVIEW 📚

Ang Aso, ang Pulgas, ang Bonsai at ang Kolorum ni #JoseReyMunsayac 🇵🇭

“... ang tao kahit na namatay, ay muling mabubuhay ayon sa kahalagahan ng kanyang mga nagawa sa lipunan.”

Ang aklat na ito ay regalo sa akin ng isa ring kapwa manunulat at sikolohista. Shoutout sayo, Ms. Michelle! Ibinigay niya sa akin sapagkat mahilig daw akong magbasa at magsulat ng nobela at dahil nanalo rin ang akdang ito ng awards at maging ang author ay award-winning.

Ngunit mas interesado ako sa laman sapagkat bihira din ako makapagbasa ng purong Filipino na nobela na ang talakayin ay realidad, taliwas sa hilig ko sa pantasya at horror.

Umpisa pa lang, malinaw na ang goal ng may-akda, na ang aklat na ito ay tungkol sa mga mahihirap na lihim na bayani sa mga himagsikang ating naranasan sa kasaysayan, na kailangan din nating makilala at malaman na ang kasaysayan ay gawa ng madla, hindi lamang ng isa o ng mga kilala nating bayani.

'Yun nga lang, maaring na-spoil na ako sa kuwento sa pagbasa ng teksto sa likuran ng aklat na 'di ko alam kung bakit ba o baka summary na.

Nagsimula ang kuwento kina Ka Ento at ang kaniyang mga kasamahang iniwan ng kanilang Heneral matapos mahuli ang Pangulong si Aguinaldo. Naipakita kung gaano kabigat ang bawat desisyon noong panahon na iyon na ang alam lang natin ay ang mga bayaning pinag-aralan natin ang major players ng himagsikan.

At ang metaporiya ng titulo ng akda, napahanga ako at napatawa sa kung ano ang kinalaman ng aso, pulgas, bonsai, at kolorum.

Natapos ang unang aklat sa masalimuot na pagtutunggali ng nga kolorum, mga pulgas, mga pinipilit gawing bonsai, laban sa mga aso. Nagustuhan ko ang pagsasa-alamat ng mga kuwentong ito kahit pa dama sa laman ang katotohanan ng mga pangyayari.

Nahahati sa tatlong aklat ang akda na tumalakay sa tatlong malalaking himagsikan sa ating bansa, mula sa mga Kastila, mga Amerikano, at Hapon. Ngunit napakarami pang himagsikan ang hindi maipinta sa kasaysayan, himagsikan ng prinsipyo at laman ng tiyan. Isa ang tumatak sa akin, na sino man ang manalo, ang mga mahihirap ay palaging talo.

Noong una'y mga banyaga ang kalaban ng mga Pilipino, nang lumaon, mas nakakalungkot ang katotohanang kung sino pa ang ating kadugo, nagkaroon lamang ng karampot na kapangyarihan ay sila pang nanghahamak at kumikitil ng buhay ng kapwa natin Pilipino. Saka ko napagtantong umpisa pa lang ng kuwento'y, kababayan na natin ang sarili nating kalaban. Bagay na 'di ko rin lubos na maisisisi, maaring dala ng impluwensya ng mga mananakop.

Ang akdang ito'y tunay na magpapalusot sa isip at damdamin mo.

“... at sa bawat ataul na hinihiling, naiiwan ang mga hagulhol, ang mga tungayaw, ang mga hinanakit sa lipunan kung bakit sila ginanuon gayong wala naman silang kasalanan.”

#bookrecommendations #bookreview #AkdangPinoy
Profile Image for Miguel.
237 reviews16 followers
August 2, 2022
“Ang bansa natin ay parang mga halamang bonsai ni Kabesang Pakong. Hindi lalaki at bubulas dahil ikinulong sa maliit na paso at ang mga katawan at sanga ay tinalian ng alambreng tanso para mapasunod sa gustong hubog. Ang paso at alambreng tansong iyon ay ang mga kasunduan na itinatali sa atin. Kaya bumulas man tayo, iyon ay pigil at hindi tunay na kaunlaran.”

Kicking off Buwan ng Wika with this dense and powerful novel about the heroes we don’t often encounter in our textbooks. “Mula at sapul, ang mahihirap ay ginagamit upang proteksiyunan ang interes ng malalaki at malalakas.” Munsayac interweaves fiction and history, set in the early and turbulent years of the Philippine Republic. We follow a generation of ordinary people—farmers, village folk—and their relentless pursuit of freedom from their colonizers and even from their own neighbors. Its level of storytelling ambition is up there with Rizal’s Noli and El Fili. Dare I say it even surpasses them to a degree just for its subject matter alone.
Displaying 1 - 5 of 5 reviews