Isa na ang librong ito sa mga paborito kong koleksyon ng maikling kwento. Sa Labas ng Parlor ay tungkol sa iba't ibang perspektibo ng mga bakla sa iba't ibang mga danas at kalagayan nila sa lipunan na kanilang ginagalawan. May mga mahirap (sa puso na) basahin dahil sa mga tema. Meron ding malungkot. Meron ding nakahahanga at nakabibilib. May heartwarming. Nandito na yata lahat.
Hanga ako kung paano binigyan ng identitad ang mga bidang bakla sa mga kuwento at sa mga istilo ng naratibo na naging malaking factor kaya naibigan ang libro. Ang sarap basahin.
Least favorite ko ang Nobena dahil parang may kulang. Bitin. Parang dapat ay may something pa na kailagan para perfect na ang maikling kuwento para sa akin. Nevertheless, nagustuhan ko pa rin naman. Ang pinakatumatak naman na (mga) maikling kuwento sa akin ay ang Kaz at Gyera dahil sa istilo ng pagkakakuwento na ginawa ng author at sa kuwento mismo. Hindi ko ma-explain pero iba sa pakiramdam nung binabasa ko. Sobrang ganda fr.
Maganda, makulay, at matapang ang koleksyong ito. Consistent sa title ng libro ang mga kwento rito na hindi lamang nagpakulong sa mga nakasanayan at convenient na kwentong queer. Lumalabas din sa convention maging ang estilo at porma ng mga naratibo. Bias ako rito s'yempre, bilang lesbian at advocate, napakahalaga para sa akin ng mga ganitong akda. Sana ay marami pa tayong matalisod na ganitong antolohiya sa mga susunod na panahon.
I don’t think I’ve read many (if any at all???) queer Filipino books? And that’s on me 🤡
Sa Labas ng Parlor talks about the struggles of being queer in the Philippines and how those struggles bleed into societal struggles. The book’s from the 90s and I’m not sure how to feel about it still being so current.
We’ve changed so much as a society, but then, almost not at all???
Giyera: Tungkol sa kahuwaran ng (kaunlaran sa) modernisasyon. State-making = destruction. Tungkol din sa kagubatan. Dito, bilang espasyo na hindi binabagtas ng mga bata dahil sa takot, tahanan ng mga diwata, NPA, at kaluluwa ng namatay — tapunan ng mga katawan na pinatay.
Sa kabuoan: Wala talagang problema magbasa kapag kabaklaan ang paksa. Gag na gag sa smut at mga lalaking straight lol. Ganda din ng verisimilitude at reyalismo, pansin din 'yung pagbalikwas sa pagtatalaga lang ng isang punto de bista sa pagitan ng mga talata, na akala dati mali at pahirap sa mambabasa kung gagawin. Kitang kita din 'yung repleksyon ng estado ng lipunan sa panahon na naisulat ito, kaya nakakalungkot, nakaka-unnerve na ang bayolente, grim o/at deathly ng ilang ending o ng kuwento mismo ng bakla, metaphor for nation? (Claire sa Yñiga) The forest is you? (Diaz) Eme
Thanks to our Library. The first time I've met the work of Mr. Honorio De dios the first time on a book where her short story Atseng was published. I really love his narration. Iba ang hagod ng mga salita na ginagamit niya, minsan kailangan ko nang full attention sa pagbabasa sa kaniyang maikling kuwento para ma-appreciate ito. I hope na may copy pa sila ng libro na ito sa UP Press, dahil hindi ako magkakamali na bumili nito para sa sariling kopya.
May piling mga akda na mahirap basahin, may mga nakatutuwa at makabuluhan. Isa itong magandang koleksyon ng maiikling kuwentong lubusang nagmumulat sa mundo at kalagayan ng mga bakla sa ating lipunan. Higit sa lahat, mahusay ang pagkakasulat at gusto ko rin estilo at boses ng awtor.