Akala ni Tyron ay nanaginip lang siya nang makarinig ng iyak ng isang sanggol. Pagbukas niya ng pinto ay bumulaga sa paningin niya ang isang malusog na baby boy na nakalagay sa isang malaking basket. Hindi pa siya nakaka-recover sa kabiglaan nang mabasa ang note na kasama ng bata... siya raw ang ama nito!
Dumagdag pa sa problema niya ang pasaway na si Cyrhel nang bigla na lamang sumulpot sa pad niya. Kailangan daw nito ng matutuluyan pagkatapos nitong maglayas sa kanila.
Sa loob ng isang araw ay nagkaroon siya ng instant baby at instant wife... Dahil si Cyrhel mismo ang nag-volunteer na maging nanay-nanayan ng bata!
Right after na matapos kong basahin ang story nina Vince at Valjean sa Big Boys Don't Cry, sinunod ko naman kaagad basahin itong story nina Tyron at Cyrhel. Ganun kasi ako nagandahan, natuwa at nag-enjoy sa mga sinulat ng author.
Natuwa at talagang natawa din kasi ako sa bangayan nina Tyron at Cyrhel sa Big Boys Don't Cry kaya na-excite ako na mabasa kung ano naman kaya ang love story nilang dalawa. Ang cute din ng pagkaka-describe ng author kay Baby Ron-Ron dahil talagang ma-i-imagine mo kung ano ang itsura niya at ang personality ng bata.
Sana mabigyan ng chance na ma-publish lahat for printing ang lahat ng mga sinulat na ito ni Ms. Alexisse Rose dahil talagang magaganda lahat. Masasabi ko na magaling talaga siya as a writer dahil katulad ng nabanggit ko, ma-i-imagine mo na totoo yung characters na kanyang sinusulat dahil sa way na pagkaka-describe niya sa kanila.
Bihira ako maging fan ng isang local romance writer dito sa atin at para sa akin ay mabibilang ko na siya sa mga hinahangaan ko tulad ng PHR writers na sina Martha Cecilia, Rose Tan, Angel Bautista, Vanessa, at Heart Yngrid.