Jump to ratings and reviews
Rate this book

Cubao 1980 at iba pang mga katha: Unang sigaw ng Gay Liberation Movement sa Pilipinas

Rate this book
Tagalog

198 pages, Paperback

First published January 1, 1992

Loading...
Loading...

About the author

Tony Pérez

87 books90 followers
Tony Perez was born on 31 March 1951 in San Fernando, Pampanga. He is a fictionist and playwright in English and Filipino, lyricist, visual artist, and clinical therapist; psychic trainer and adviser to the Spirit Questors, a group of young psychic volunteers he brought together in 1996. He conducts workshops in magic, shamanism, psychic powers, dreamwork and dream analysis. Among his works are the Tatlong Paglalakbay trilogy [ Bombita, Biyaheng Timog, and Sa North Diversion Road ], Oktubre, Noong Tayo'y Nagmamahalan Pa, Noong Akala Mo'y Mahal Kita; the musicals Florante at Laura and Sa Pugad ng Adarna; Cacho Publishing House's Cubao series and Anvil's transpersonal psychology series which includes The Calling: A Transpersonal Adventure, Mga Panibagong Kulam, and Mga Panibagong Tawas.

This short biography was taken from panitian.com.ph

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
18 (45%)
4 stars
11 (27%)
3 stars
8 (20%)
2 stars
2 (5%)
1 star
1 (2%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Billy Ibarra.
198 reviews20 followers
June 7, 2025
BABALA: MAAARING MAY SPOILER

Sa buong Cubao series, ito na siguro ang ilalagay ko sa pinakailalim. Naiintindihan kong 1980 pa naisulat ang ilan dito at maituturing pa nga na abante sa kaniyang panahon, ngunit mayroon dito na hindi na lapat sa kasalukuyang panahon.

Binubuo ang aklat ng isang maikling nobela, isang dula, mga tula, mga liham, at mga maikling katha na tumatalakay sa kasarian, o sa gay liberation movement sa Pilipinas. Oo, mayroon namang mga ipinakitang "pagpapalaya" sa ilang bahagi, ngunit mayroon ding patuloy na pagkakahon.

Sa nobelang "Cubao 1980", isinalaysay ang pakikipagsapalaran ng dalawang lalaking tin-edyer sa Cubao, nanghahanting ng bakla para pagkaperahan. Wika ng kanilang panahon ang gamit sa nobela, mababasa mo rito kung paano ang salitang kalye nila noon, na ang iba nga ay hindi na ginagamit ngayon, tulad ng "swards" na gustong itawag ng mga bakla sa sarili nila. Abante ang nobela sa kaniyang panahon, kahit nang ilimbag ito noong 1992, dahil wala itong katulad sa panitikan ng Pilipinas. Sexually explicit ang nobela, walang itinatago, hubad kung hubad na ibabalandra ang katawan, kita ang kabuoan. Hindi ko nga lang nakitaan ng "gay liberation" ang nobelang ito, o kulang ako sa interpretasyon. Maaari kasing ituring ang pagwasak ng isang baklang karakter sa sanhi ng kaniyang opresyon kung kaya't magagawa niya ang isang karahasan. Ganoon ko siya tinitingnan.

Magiging kapuna-puna naman sa panahon ngayon ang sinabi ni Tony Perez sa "Mahal kong Y", na "Ang relasyong mag-asawa ay relasyong lalaki at babae, at kinauukulan ng isang sakramento ng Santa Iglesya, ng mga legal na kasulatan, at ng mga karapatan at benepisyong tinatakda sa kanila ng lipunan at ng gobyerno. Ang anumang relasyong liban dito, datapuwat nagsisikap na gumaya rito, ay nagiging laru-laro lamang, at umiiral nang malayo sa pagiging makatotohanan." Marahil hilaw pa noon, o baka nga hindi pa naitatanim, ang usapin ng same-sex marriage sa pambansang kamalayan kung kaya ganito ang nasabi ni Perez. Kung nagbago man ang kaniyang pananaw ukol dito, nakalulungkot na hindi na natin siya matatanong. Magkagayon man, nagustuhan ko itong sinabi ni Perez sa "Mahal kong Z", na "Walang bakla sa langit pagkat wala ring lalaki at wala ring babae---mga kaluluwa ng tao lamang, na nagmamahal sa Diyos, at minamahal ng Diyos."

Kung babasahin ito, maaaring ilapat at intindihin ang kaligirang pangkasaysayan kung kailan isinulat ang mga akda upang mapagkumpara ang noon at ngayon. Ang masasabi ko na lang, hindi na angkop sa panahon ang ilang kaisipang nilalaman nito, ngunit mananatili ang Cubao 1980 bilang panandang-bato bilang unang sigaw ng Gay Liberation Movement sa panahong isinulat ito.
Profile Image for Ivan Labayne.
392 reviews23 followers
March 19, 2026
https://chopsueyngarod.wordpress.com/...

Here, Tony Perez’ propositions in “Ikalawang Liham, Kay Y” thus gain an utmost resonance. He spoke of the pervasive scenarios of “[paghahanap] ng asawa” at “may balak mag-asawa’t lumagay sa tahimik” and the notion that they correspond to what’s “kinagisnan bilang pinakamataas na antas ng ligaya.” Conversely, and intriguingly, he spoke of “relasyong-bakla ay walang iba kundi isang mabuting pakikipagkaibigan lamang.” He wrote the letter in 1974, partly helping us come to terms with the seeming resignation in even bringing up the marital possibility in homosexual partnerships. Jusko, almost four decades have passed and we’re still a long way go before having a law on Divorce let alone on Same-sex marriage.
Displaying 1 - 2 of 2 reviews