Binabalikan ng kasalukuyang pag-aaral ang katangian ng pag-uulit sa katutubong panitikan nang ginagamit na primaryang teksto ang nanang ni Taguwasi, suguidanon ni Humadapnon, at hlolok ni Tud Bulul. Nagiging batayan ang galaw ng pag-uulit upang makapaglarawan ng poetika ng pag-uulit na magagamit sa pagkaunawa ng proseso ng malikhaing produksiyon sa katutubong panitikan.
Naghahain dito ng isang paraan kung paano kaya maaaring mabalikan ang mga pag-aaral sa estetika nang hindi ulit nagpapakulong sa mga dualismo ng anyo/nilalaman at sining/propaganda na matagal nang kinahiratihan ng mga metodo ng panunuring pampanitikan sa bansa. Isinasakatuparan ang ganitong proyekto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng poetika ng pag-uulit sa mga kategorya ng galaw (movement) at kasidhian (intensity), na naglalarawan ng mga pagpapadaloy ng proseso sa halip na pagbubuo ng mga estruktura ng pagsusuri.
Sa pagtingin sa katutubo at moderno, pabigkas at pasulat bilang magkatuluyan, ipinapanukalang dalhin ang poetika ng pag-uulit sa pagpapahalaga din sa mga
modernong anyong pampanitikan tulad ng maikling kuwento at nobela. Sa huli, matatagpuan dito ang isang proyekto ng dekolonisasyon na nagsisikap mabigyan ng higit na pangunahing papel ang katutubong panitikan, partikular ang anyong epiko, sa paghubog ng pambansang panitikan at pagtasa ng mga kontemporanyong malikhaing produksiyon.
Date: February 13, 2026 Author: ivanlabayne 0 Comments — Edit Rate This
Seconding the archipelagic call, the waves run sprightly, unerringly, spelling out meanings not always unfathomable, spelling out stuff not always meaningful, not meant to be deciphered, to be made meaningful. Kung babaybayin ang baybay, maraming maaaring mapulot at makita, malanghap at mahagilap—kapwa inaasahan at ‘di inaasahan. The baybayin dances; the angular lines stiffen. The American colonizers came and introduced grids into the streets of Manila and Baguio. Thus, geometry has arrived.
Regarding St. Petersburg, Marshall Berman compared it with other European cities: “Like Amsterdam and Venice, the city was laid out as a system of islands and canals, with the civic center along the waterfront. Its pattern was geometric and rectilinear, standard in Western urban planning since the Renaissance, but unprecedented in Russia, whose cities were unorganized agglomerations of twisted, winding medieval streets. The official corrector of books wrote a poem that expressed a typical amazement at the new order:
geometry has appeared
land surveying encompasses everything
Nothing on earth lies beyond measurement” (217).
A discourse typical of those times, intentionally colonialist or not, internalizing it intentionally or not: the encompassing of everything; the covering and spanning of all, so that “nothing” is beyond grasp.
Balik sa arkipelago, si Alvin Yapan sa Ang Bisa ng Pag-uulit:
“Sa naging pag-aaral naman ni Marian Pastor Roces sa katutubong habi sa buong kapuluan, ang naunang kategorya ng mga heometrikong disenyo ang nagsisilbing patunay, para sa kaniya, na hindi representasyonal ang pangunahing udyok ng pagdidisensyo sa katutubong kamalayan. Ibig sabihin, walang kahingiang mimetiko o panggagagad ang mga nasabing disenyo. Tinawag ni Roces ang ganitong katangian na “udyok ng pagsasaheometriko” (“geometricizing impulse,” 66).
This impulse to geometrize as an impulse to ornamentalize, to devise designs, to embrace arte—kaartehan. If the geometricizing impulse signifies the turn away from the mimetic, then the world supposed to be “represented” is hardly seen as geometric, more as wavy, marked by soft edges. In St. Petersburg, geometry appears to herald measurability, exact representations. In the archipelago, geometry attests to kaartehan, away from accurate representations.