Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
Sinimulan kong basahin ang nobela habang nasa barko pauwi ng Romblon, sa last day ng MIBF 2025. Bawat makakita ng cover ay tinatanong ako ng general info tungkol dito, at ang sinasabi ko lang na "totnakan siguro."
Isa si Eros sa mga unang nasubaybayan kong writers sa Filipino. Nang i-announce na may bago siyang book, at yun ang nag-Grand Prize sa Nobela noong 2024, isa ito sa mga nakalistang bilhin sa MIBF 2025. Ito ring bagong nobela niya ang naging ticket para mapabilang sa Hall of Fame ng Palanca Awards.
Kung pamilyar ka sa panulat ni Eros, hindi ka mahihirapang basahin ang 'Thirty Virgins.' Para ka lang shuma-shot sa inuman at nakikinig sa walang katapusang huntahan ng mga kaibigan. O casual na usap sa workmate kapag break.
Narito pa rin ang trademark na makulay na pagpapakilala ni Eros sa buhay ng karakter na si Leslie (Leklek), gaya nina Mong sa 'Tatlong Gabi, Tatlong Araw' (2013), Fr. Marcus sa 'Ang Ikatlong Anti-Kristo' (2017), Intoy sa 'Intoy Syokoy ng Kalye Marino' (2006), at Etot sa 'Si Etot' (2019), at kung paano nakatali ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng karakter sa lugar nito. First time ni Eros na magkaroon ng babaeng main character; kahit sa iba pang mga aklat niya ay puro lalake ang kanyang nagiging pangunahing tauhan.
Book cover pa lang, hindi na agad maiiwasan ang kiliti na "Bakit ganito ang title? Merong sex?" At mula doon, malalamang hindi lang tungkol sa sex at 30 birhen ang nobela (ngunit ito ang gagamitin upang ma-hook ang mambabasa: Eh, ikaw, paano kung may bibili ng virginity mo sa one million pesos, ibebenta mo?"). Iginiya ni Eros ang mga sitwasyon, pangyayari, naratibo tungo sa internal na tunggalian ni Leklek at ng piniling semi-ilegal na trabaho, ang mariin na pagdidisiplina ni Crisostomo sa unica hija at medyo magaan na pagmamando sa mga barako, ang papalubog na kumpanya ng bus na tanging pinanghahawakan ng pamilya upang makalipat sa 'muntikan-nang-mailit' na hinuhulugang bahay sa Tanza, ang kalakaran sa tabloid at paano ito ginagamit upang hulmahin ang public opinion ayon sa pagmamaniobra ng mga politiko, at ang iba't ibang paraan ng pakikipagtipan ng tao sa demonyo at mga "demonyong nagkukubling anghel" para mairaos ang bawat araw. Sabi nga ni Eros sa isang palihan, "Hindi ba't ang mismong mga naibabalita sa primetime ay parang magic realism na kung iisipin?" Pero kahit na alam nating niloloko lang tayo, patuloy lang tayong nagpapatianod dahil alam natin na mas mahirap na sumalungat sa agos, sa takbo ng buhay. Syempre, may mga pahina pa ring magpapaligalig ng imahinasyon, gaya ng pagpasok sa isang eskinita sa Quiapo para manood ng Toro, ang nakaw na sandali sa pedicab, ang paglalaro ng kuntil at pagpaparaos sa isang hotel. (Pero kung tinayuan ka kay Aling Gloria habang nag-ooffer ng 'bate=bente at subo=singkwenta' sa loob ng isang bukbuking sinehan, pa-check up ka na.)
Parang mas pinalawak na "Thirty Virgins" ang "Si Etot", isang maikling kwento ni Eros na nanalo rin sa Palanca noong 2019. Kaya kung nabasa mo na ang kwento ni Etot, maitatagpi-tagpi mo ang mga tagpo sa maikling kwento na parang ipinaliwanag sa Thirty Virgins. Nagmukha tuloy excerpt o abstract ng "Thirty Virgins" ang "Si Etot." Ang kaibahan lamang, kay Etot ang pokus ng maikling kwento, habang kay Leklek (na palayaw ni Leslie at hindi binanggit sa 'Si Etot') naman nakasentro ang "Thirty Virgins." Mas binigyan ng paliwanag ang buhay ni Leklek at ang salimuot ng pag-iibigan (o panggagatas, depende sa lente na gustong sipatin) nila ni Etot. Ang Kalye Lubog ang Kalye Marino sa Intoy Syokoy, at gaya rito, nasasadlak pa rin sa kahirapan ang buong looban ngunit di gaya sa Intoy Syokoy na dagat ang siyang nagdudugtong ng kapos na buhay, ang Kalye Lubog ang extension ng bus company na pumupuno sa kumakalam na sikmura ng mga drayber, konduktor, washer, atbp.
At speaking of pagdurugtong ng kapos, pinakita ng nobela ang pagkahumaling ng tao sa instant money, ng pagiging 'one day millionaire', mula sa walang palyang blueberry cheesecake ni Lesley, sa saklang patay na maraming pamilyang binubuhay, tungo sa mga inuman sa dulo ng Kalye Lubog sa tuwing medyo maganda ang kita ni Mang Crisostomo, hanggang sa mga kakatwang sagot ng ilan sa mga nainterbyu ni Leslie (naiingit sa mga kapatid na may naipundar na, gustong mag-mountain climbing, makaganti sa syota na less guilt trip dahil di pa naman kasal, at downright na "gusto lang ng pera"). Kumbaga, sa hirap ng buhay ngayon, sino nga ba ang ayaw sa isang milyon?
Hindi na rin pinahirapan ni Eros ang mambabasa na alamin ang ending, hindi gaya ng "Tatlong Gabi, Tatlong Araw" at "Ang Ikatlong Anti-Kristo" na kailangan mong basahin mula para intindihin ang cliffhanger na ending. O mag-Google at/o ipabasa sa kakilala ang nobela at tanungin kung ano sa tingin nila ang ending. Pero baka mag-isip ang iba na "Yun na yun? Akala ko pa naman malalaman kung tanggap na lahat ng applicants. O magiging pang-30 si Leslie sa listahan. Pero di ba ganon naman talaga ang buhay? Pilit natin dinudugtungan ang kwento kasi tingin natin, may maihahaba pa ito. O kaya another sangandaan na pwedeng simulan ng bagong storyline. Sa huli, alam nating makakalipat sina Leklek sa Tanza, makukuha nila ang jackpot sa lotto, at mababaon sa limot ang kaso ni Etot gaya ng maraming biktima ng EJK.
Medyo natagalan lang ako sa springboarding bago ang aktwal na interbyu. Pero kinailangan ito para hindi agad maconclude na tinanggap ni Leklek ang offer ni Peter Tan. At ipakita ang pagtatalo sa isip sa isang "too good to be true" na offer. Mula doon, mistulang countdown na ng mga random na pangalan, edad, lugar, at sirkumtansya tungkol sa mga aplikante ang nangyari. Pinatagal lang nung 9 days na walang session, pero doon pa rin ang tungo. Prolonging the agony lang kumbaga.
Sa pangkalahatan, kontrobersyal pa rin ang tema na pinili ni Eros. Nabigyan nya ng hustisya ang paggamit ng babae bilang main character. Pero hindi gaya ng karaniwang babaeng MC, dito sa nobela, wika nga ni Eros, ipinakilala si Leklek hindi bilang isang "santa" pero di rin "impakta." Na hindi "model citizen" pero hindi rin "kriminal." Hindi "platonic ideal" pero hindi rin "femme fatale." Isang normal na mamamayan lang, with all the flaws and imperfections, na gustong magsurvive dito sa mundo.
Ikaw, for 1 million pesos, deal or no deal?
This entire review has been hidden because of spoilers.
Sabi ng aklat, ito raw ay tungkol sa mga hindi totoo pero parang totoo. Pero napagtanto ko, ito talaga ay tungkol sa mga parang totoong pangyayari at nakakatakot dahil totoo nga ito.
Naligaw ako sa Kalye Lubog at sa kwento ni Leslie. Masukal ang daanan, mabagal ang usad, paikot-ikot. Hindi ko mawari ang magiging destinasyon o kung may aasahan talaga akong destinasyon. Kalhati na pero tsaka ko pa lamang narating ang pangako nitong kwento.
Mas nakatuon ito sa pamilya ni Leslie na representasyon ng mayoryang pamilyang Pilipino--mahirap, nagdurusa, pero pilit kinakaya. Mahusay ang pagkakalahad ni Eros sa mga tauhan, at kung paano niya binuo ang mga ito. Hindi sila parang totoo, sila ay mga totoong tao.
Ito ang tanong sa 30 Virgins ni Eros Atalia. Written in Tagalog, published by Avenida, at nanalo ng Palanca Award noong nakaraang taon, this book is one of my toughest reads so far (in the best way possible).
Ang kwento ay umiikot kay Leslie, o Leklek, isang fresh grad at panganay na ginagawa ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya matapos mawalan ng trabaho ang kanyang ama dahil sa hindi patas na trato sa mga public transportation drivers.
Gustong gusto ko kung paano binuhay ni Atalia ang Kalye Lubog. Mula sa amoy, ingay, hanggang sa buhay ng mga tao roon. Walang romanticizing, just plain, painful honesty.
Bukod dito, tinatalakay din ng libro ang mas mabigat pang isyu ng human trafficking: kung paanong ang kahirapan at desperasyon ay nagiging pintuan para pagkakitaan ang katawan ng kababaihan. Hindi nito sinensationalize ang topic, pero pinapaharap ka sa lipunang pumapayag na mangyari ito.
Dito rin lumulubog ang bigat ng pamagat: 30 Virgins. Para sa iba, ang virginity ay walang halaga. Pero para sa iba, ito ang tanging pag-asa, ang puhunan para makatakas sa kahirapan.
If I were to nitpick, I just wish the thirty virgins themselves, kahit dalawa o tatlo man lang, were given more space to tell their stories. Some parts in the first half felt a bit stretched, na puwedeng mas hinigpitan pa para mas tutok kay Leklek at sa core ng narrative. Still, naiintindihan ko, sa dulo, ito talaga ang kwento ni Leklek: her choices, her desperation, and her quiet defiance in a world that keeps failing her.
30 Virgins dares to make readers uncomfortable, and that’s exactly where its strength lies. It’s heavy, messy, and confronting, but necessary. Dahil ito ‘yung parte ng Pilipinas na madalas hindi natin gustong makita, pero dapat nating pag-usapan.
Thank you so much @talkbookishtomeph and @myavenidaph for having me sa week-long Avenida book(s) tour na ‘to! Super happy to be part of it! 💛
Honestly, this book screams outdated information for its time, lack of research and connection with the involved, and lacked resolution. Walang resolve si Leslie and it shows na ESA attempted to create a manic pixie dream girl for himself and failed miserably. Poverty porn at its finest, and its closeted misogyny really screams with the imagery kung paano kulang sa emosyon at connection, at totally detached na para bang propesor na nagkukwento sa klase, sa mga tao 'pag tungkol na sa mga seryosong bagay samantalang nalulunod ang narrator sa imahen 'pag ukol na sa pagiging sekswal ng tauhan niya. Sa dami ng mga nag rebyu sa libro na ito, wala man lang nakaisip na isang post lang sa reddit pwede nang mabago at mawalan ng credibility ang buong kwento. Sana ginawa na lang niyang unreliable narrator ang tauhan kaysa ipinilit na para akong nagbabasa ng description o pananaw ng lalaki sa kung paano ba ang pananaw ng isang babae. Malaking malaki ang difference kapag women ay written by men, kaya sana may mas maigi pang research ukol dito. Hindi ako makapaniwala na ang tanging take away ko lang dito ay "what the fuck?" and not in a good way. Sobrang let down nito mula sa Ang Ikatlong Anti-Cristo, at sobrang let down nito bilang avid reader ng isang Eros S. Atalia.
The only thing that's dragging ay yung fact na chapter 21 pa bago ko naramdaman yung "Thirty Virgins" vibe....... pero, it's okay. I mean, slow sya at first but I was able to get back to the pace and I loved it.
There's a lot of realizations and harsh truths regarding the lives of those na talagang walang-wala at middle lang ang kakayahan sa buhay. If ako ang nasa sitwasyon ni Leklek, baka mas malala pa ang nagawa ko. Kidding aside, this sparked a flame in my heart.
Kay Leslie lang ata yung pagsisinungaling na nagets ko kung bakit. Amazing writing style, Sir Eros!
The premise was propitious but the plot dragged on for too long that I felt like the story is not getting anywhere. It took more than half of the book for the turning point to happen, where the 30 virgins were actually interviewed. Much of the book painted a picture about the life of the female main character, which has minimal relation to what the blurb promises.
I dropped this book at Chapter 20 but gave it a chance and picked it up again after not knowing what to read next. I just finished it for the sake of finishing it. Mildly disappointing book for its reputable award.
This entire review has been hidden because of spoilers.