"Ako'y isang mabuting Pilipino... Minamahal ko ang bayan ko... Tinutupad ko ang aking mga tungkulin... Sinusunod ko ang mga alituntunin..."
Paano maging isang mabuting Pilipino?
Napapanahon na upang malaman ng bawat Pilipino ang kanyang mga tungkulin sa Inang Bayan at sa kanyang kapwa-Pilipino.
Halina't sabayan si Ginoong Noel Cabango sa pag-awit ng mga magagandang asal at tungkuling-mamamayan na naglalarawan sa isang tunay na mabuting Pilipino.
Noel was born in Rosario, La Union and began his musical career at age ten. He was a member of the group Buklod, which produced three albums, Bukid at Buhay, Tatsulok, and Sa Kandungan ng Kalikasan. After the group disbanded, he went solo and has released six albums. He has done concerts in France, Belgium, Germany, Switzerland, while his many advocacies have brought him to Brazil, India, Kenya, Thailand, and Hong Kong, among others. Over the years, he has written songs for the causes he believes in and matters close to his heart. He also dabbles in theater as musical director, composer, or actor. He also teaches at the Philippine Educational Theater Association (PETA).
Paano mo nga ba ituturo sa bata ang pagiging mabuting Pilipino?
Ito ang intensyon ni Noel Cabangon sa pagsulat ng maikling istoryang pambata na ito. Sinasalaysay niya sa istorya ang mga dapat gawin ng isang bata para maging mabuting Pilipino. Kung tutuusin , napakasimple ng istorya- para lang nagbabasa ka ng isang tula. O di kaya para ka lang manunumpa sa watawat ng Pilipinas. Kaya mapapaisip ka tuloy na parang ginaya lang yung istilo ng PANATANG MAKABAYAN. Ganunpaman, tugmang-tugma ang bawat linya para sa mga isyung pambayan ngayon. Baka mapangisi ka kung mabasa mo ang linyang…” hinding-hindi ko gagamitin ang pera ng bayan…” Nakakatawa man, pero alam mong may pinapatama si Cabangon. Bahala na ang batang mambabasa kung paano niya isasabuhay ang linyang g ito.
Alam kong si Noel Cabangon ang sumulat at kumanta ng mga kantang KANLUNGAN at KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO. Alam ko din na lagi siyang present sa mga palatuntunan tungkol sa isyung pagbabago sa bayan. Kapag may gustong patalsikin ang taong bayan sa gobyerno, hindi mawawala ang kanyang presensya. Aktibo rin siya sa mga kantang layuning sagipin ang naghihingalong Inang-Kalikasan. Siguro nasa puso na ni Noel Cabangon ang pagiging makabayan. Hindi naman nakakapagtaka kung sa pagsulat ng ganitong maikling kuwento ay naisip niya ring gawing instrumento sa pagbabago. Bakit hindi? Yun nga lang, wala lang siguro originality. Buti na lang maganda ang mga illustrasyon-Pilipinong-pilipino. Salamat kay Jomike Tejido.
Napaisip ako kung bakit nga ba pambata ang ganitong istorya? Maaring sa paniniwala ni Cabangon, nasa murang edad ang tamang pagmumulat kung paano maging makanasyonalismo.
Hindi pa ako nakakabasa ng modernong kwentong pambata ukol sa nasyonalismo. Kung tutuusin, maganda ang mga kantang sinulat ni Cabangon. Maaring may magagawa rin nyang magsulat ng mga kuwentong higit pa sa pambata. Malay natin maka-level nya pa mga ibang prominenteng Pilipinong manunulat.^^