“Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin dahil alam kong wala na akong makikita pa na gaya mo.”
Hindi pa nai-in love si Mandy. But when she finally did, it was a love-at-first sight with a man she met
on the train. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang ang bago palang photographer ng magazine nila na si Bernard Pascua ay walang iba kundi ang lalaking nakilala niya sa tren. She thought it was the start of her long-awaited romance. Ngunit tila siya nadaganan ng mabigat na bagay nang malaman niyang may kasintahan na pala ito na isa pang beauty queen. Her heart was broken even before her love bloomed. Sinubukan niyang kalimutan ang nadarama at kumilos nang normal sa trabaho. Ngunit hindi niya iyon magawa, lalo pa at tuwing nagsasalubong ang mga mata nila ni Bernard ay hindi niya maiwasang umasa sa nakikita niyang emosyon sa mga iyon. Ngunit tila ayaw talaga siyang tigilan ng tadhana nang malaman niyang mas malalim pa ang ugnayan ni Bernard at ng babae. He was bound to that woman and he didn’t want to let go.
Maricar Dizon is a Filipino novelist. She's a book lover. She tries to read books from almost all genres, but her favorites are children's books, fantasy, and romance.