Jump to ratings and reviews
Rate this book

Bulaklak ng Maynila

Rate this book
A novel on the urban poor, derived from the author's own firsthand experience of life in Manila. Written with extraordinary insight, honesty, and a master writer's creative sensibility.

318 pages, Unknown Binding

First published January 1, 1995

33 people are currently reading
380 people want to read

About the author

Domingo G. Landicho

27 books14 followers
Domingo G. Landicho obtained his Bachelor of Arts and BS in Journalism degrees from the Lyceum of the Philippines, and an MA in Education at the National Teachers College. He later earned his Bachelor of Laws degree at Lyceum. In 1994, he obtained his Ph.D in Filipinology from the University of the Philippines, where he has served as Writer-in-Residence and professor at the Department of Filipino and Philippine Literature and associate director for criticism at the Institute of Creative Writing.

His published poetry and fiction include Paglalakbay, Mga Piling Tula (1974); Himagsik, Mga Nagkagantimpalang Kuwento (1972); Sa Bagwis at Sigwa (1976); Niño Engkantado (1979); Alay (Katipunan ng mga Piling Tula) (1984); Tula sa Ating Panahon (1989); Dupluhang Bayan at Dalawa pang Tula (1990); and Apoy at Unos (Katipunan ng mga Tulang Popular) (1993). His numerous awards and recognitions include the Palancas, CCP Balagtas Awards, KADIPAN Literary Contest, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.

He was Director for Asia of Poet Laureate International, member of PEN International, and honorary member of International Writers' Workshop, University of Iowa.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
55 (39%)
4 stars
37 (26%)
3 stars
30 (21%)
2 stars
13 (9%)
1 star
4 (2%)
Displaying 1 - 15 of 15 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 7, 2012
Bulaklak ng Maynila (translation: Flower of Manila) is a story of a mother and her daughter. Mother Azun used to be a prostitute until she meets a man who used to be a young idealistic man until he turns into a drunkard for losing all hopes in life. They have a beautiful daughter, Ada who a day after having her first menstruation gets devirginized by a aspiring actor friend, Cris. The father, Roque aside from being a drunkard is also a gambler and when he gets debt-ridden, Azun has to pay by giving her body to her husband's creditor.

The term Maynila was taken from a flower called "maynilad" that used to grow alongside the Pasig River, the body of water that cuts through the city. So, this word play as a title is also a metaphor referring to either of the two ladies, Azun and Ada. They are both beautiful but they are poor so they used their faces and bodies to survive in the dirt, squalor and grime of the city.

The setting was in the 70's when bold (sex-themed) movies were a fad. So, the book contains many explicit sex scenes. However, the writing is flawless except for having that "old" feel and the repeated, too-much repeated, confession of love by the male characters: "Mahal kita, Azun." or "Mahal kita, Ada" (I love you, Azun, I love you Ada) that it becomes irritating already. The male characters normally say this when they want to have sex with the ladies so I almost puked and not believed them. It is like saying ohhhs and ahhhs when one climaxes during sex. The line in the dialogues becomes a blur and meaningless. Also, we normally don't say "Mahal kita, xxx." anymore. I guess, most people say "I love you" or actually it should sound like "I lab yu" or "Lab kita."

Since this was also written probably in the early 80's, the city is portrayed very negatively. This could be the time when many Filipinos were not happy with the performance of the government (by ex-President Marcos and his wife, Imelda) so media - writers and moviemakers - used their medium to show their displeasure with how things were going on. So, they magnified the negatives to show to the world how bad was the situation in Manila, the capital of the country. Reading this book, because of how poor the people were, could actually give you a nightmare. That your pension plan or retirement money will not disappear like a smoke like what happened in Enron. Lest you will find yourself in that kind of place like these characters peddling their wares along the sidestreets of Manila and selling your daughter's body to male horny customers.

Very sad yet beautiful writing. A gem in the Filipino literature.

Thank you, Ayban for lending me this book!
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews63 followers
July 21, 2011
Isa ito sa paborito kong nobelang Filipino marahil dahil isa 'to sa pinakaunang nabasa kong libro. Maikukumpara sa drama sa telenobela ang nasa loob na librong ito, puro kasawian at pagdurusa pero mga pangyayari na karaniwang at tunay na nangyayari sa atin.

Ang kwento nito ay umikot sa pusod ng Maynila, sa isang iskwater area sa pusod ng lungsod at kung saan ang tawag sa bahay ay kubakod, dahil mababa ang kisame at maihahantulad ito sa barong-barong. At kung aakalain mo na sa pamayanan ng mga maralita ay walang mapagsamantalang loob tulad ng mga buwaya nagkakamali ka. Dahil dito sa kwento hindi malaking tao ang kalaban ng mga maralita kung hindi kawangis nila na may kapangyarihan o mas nakakaangat sa kanila. Ang istorya ay umiikot sa maginang sina Azun at Ada at kung papaano sila ginipit at pinagsamantalahan ng demonyong si Timo at ang muli nilang pagbangon sa laro ng buhay.

Madaling intindin at masasabi kong simple ito, pero maganda ang istorya. Gusto ko nga sanang mapanuod ang pelikula nito pero wala akong makita. Yung isang kaibigan ko hiniram ang libro kong ito at napanuod na nya daw ang pelikula may isang malaking parte sa libro na tinanggal sa pelikula ayun sa kanya, yung parte na nabaliw is Azun.

*gusto kong lagyan ng larawan ang libro kaso kailangan librarian daw ako.. amp

Profile Image for Bea.
723 reviews74 followers
December 17, 2020
It was too predictable. Nothing struck me, not even the characters nor the plot.
Profile Image for Vanessa Baroña.
74 reviews
December 28, 2012
*Filipino Review :)

Klasiko.

Masasabi kong hindi na bago ang istorya nito kumpara sa mga napapanuod sa mga drama sa telebisyon at pelikula ngunit nakakaantig pa rin makabasa ng ganitong mga klaseng nobela. Sinasalamin nito ang buhay ng mga mahihirap sa bangketa sa lungsod. Mula sa payak na pamumuhay, pagdating ng unos, pakikibaka sa buhay at muling pagtanaw sa pag-asa, Isa itong salaysay ng realidad. Maaari ngang gasgas na ang ganitong klaseng kwento sa panahon natin ngayon ngunit hindi maitatanggi na ito ay repleksyon pa rin ng buhay sa siyudad noon at maaaring magpa-hanggang ngayon.

May konting typo.. ngunit sadyang nasubukan ang aking bokabularyo sa ating wika :D Maligaya akong maka-engkwentro ang mga salitang hindi na halos ginagamit at mga salitang 'di ko alam ang ibig sabihin.

At sa kabila ng Drama.. may konti 'din namang pagpapatawa. At ito ang aking pinakapaborito:

Ada: Pambihira naman.
Mirna: Anong pambihira 'don?
Ada: Sa'ming bangketa, walang natutulog sa bangketa.
Mirna: Hindi kayo modern.


Profile Image for Ayna.
61 reviews
December 31, 2012
This book was supposed to be for school so I bought it but I found out that we won't use it anymore.. This one's a filipino literary work and honestly, I wasn't interested on reading it because I was thinking that the theme of the work is a little too heavy for me but I read it anyway because it would be a waste if I didn't, considering I used my parents' money to buy it. It was about the way poor filipinos deal with poverty and how they cope with their everyday lives. There are also crimes involved like rape. It's a bit stressful so I guess it's not for me.
Profile Image for Beatrice Miranda.
15 reviews22 followers
May 11, 2014
I saw the trailer first but never get to watch the movie. I was so glad that I got hold of the book!
Profile Image for Erikson Isaga.
Author 3 books4 followers
January 16, 2023
“Ang hustisya pag minsang dumatal ay parang isang makapangyarihang silakbo ng dagat, magwawasak para makapagbuo.”

Sa kabuuhan, ito ay kuwento ng isang ina at kaniyang anak na babae. Sa pagtitilad, ito ay kuwento ng bangketa, ng mga taong namamalagi rito, at ng patuloy na paghahanap hindi lamang ng katarungan, kundi pati ng pagmamahal at pag-aaruga sa mundong salat na salat nito.

Ito ay kuwento ng isang ama at asawa na gaya ni Roque na tuladng karamihan sa Looban ay nagmimithi ng magandang buhay ngunit patuloy na hinihila pababa ng kahirapan sa buhay, kung kaya’t napilitan gumawa ng hindi niya dapat gawin at sa huli’y hindi akmang naparusahan.

Sampal ito sa sistemang hindi tumitingin nang pantay sa mga tao. At ito ay malinaw na makikita sa pahayag ng isang karakter nang sinabi nitong “Itong bangketa ang buhay natin. Sa mga namamasyal, bahagi ito ng luho nila sa lakaran. Sa ‘tin, dito natin kinikita ang panlagay sa ‘ting mga bituka.”

Ang akdang ito ay kuwento rin ng isang halimaw na gaya ni Timo, na larawan ng tunay na kasamaan. Kung paanong sa paghahangad ay wala nang sinasantong moralidad at wala nang kinikilalang Diyos.

Hindi rin maaari na hindi mapansin ang isa sa mga importanteng tema ng kuwento: ang mga desisyong ginagawa ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap, ay hindi pansarili, ngunit para sa iba. Makikita ito sa pagtatrabaho ni Ada sa club, pagtitinda sa riles ni Ed, patuloy na pamumulubi ng batang si Angelita sa kabila ng kapansanan, at sa marami pang iba.

Gayunpaman, gaya na rin ng sinabi sa pabalat, hindi nalunod sa kumunoy ng pesimismo ang kuwento. Nanaig pa rin ang katarungan, pagkakaisa, at pagmamahalan ng mga taong kinikilala sa kuwento bilang latak ng lipunan, ngunit sa totoo lang ay sila mismo ang nagpakita sa atin ng tunay na pagpapakatao, siguro dahil na rin sila ang tunay na nakauunawa sa buhay na ito.
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books37 followers
September 16, 2025
Medyo kakaiba ang paghanga ko sa nobelang ito. Simple lang ang kuwento; prediktable pa nga ang maraming tagpo. Magaang basahin, pero hindi nakakabagot. Isa ito sa mga patunay na hindi kailangang kumplikado para maging epektibo; na may kagandahan sa kapayakan.

Nagsisimula pa lang ang kuwento'y maiinit na ang tagpo. Iyon ang tutulak sa iyong patuloy na sundan ang mga pangyayari.

Simple mang maituturing--maari pa ngang sabihing pangkaraniwan--pero mayaman ang pagkakahabi ni Landicho sa bawat salita. Poetiko ang kanyang prosa, puno ng mga simple ngunit magagandang talinghaga. Marami ring quotable quotes. Ang pinakanag-impact sa akin ay iyong: "Ang dami niyo nang sinabi sa isa't isa, pero wala pa rin kayong pinag-uusapan."

Simple ang tagpuan at ang mga tauhan--at iyon mismo ang kanilang kalakasan. Minsan, sa paghahanap natin ng kakaiba, nakakaligtaan nating ang pangkaraniwan madalas ang pinakamakatotohanan.

Halos araw-araw tayong napapadaan sa mga bangketa, nakakausap natin ang mga nagtitinda, pero alam nga ba natin ang buhay nila? Igagala ka ng kuwento sa Looban, doon kung saan ang mahihirap ay araw-araw na nakikipagsapalaran sa laban ng dignidad at kaginhawaan.

Sa huli, simple lang din ang aral, gasgas na nga sa ating pandinig: Habang may buhay, may pag-asa; may awa ang Diyos; at may kakaibang tuwang dulot sa pag-abot ng mumunting mga pangarap. Marahil narindi na nga tayo sa paulit-ulit na mga aral na ito. Ngunit wala naman kasing nagbago. Ganoon pa rin ang batas ng buhay. Kaysa humanap tayo ng ibang paraan, bakit hindi natin balikan ang dati na nating mga alam?

Lahat tayo'y alipin; maaring ng kahirapan, ng kapansanan, ng kapusukan, o ng kung anupaman--maging ng ating mga pangarap. Pero gaya nga ng sabi sa libro, "Laging hahanap ng lunas ang landas."
Profile Image for Kyle Gamba.
1 review1 follower
Read
March 11, 2013
ok,,,
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 15 of 15 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.