Jump to ratings and reviews

Taguan-Pung: Koleksyon ng Dagling Kathang Di Pambata at Manwal ng Mga Napapagal: Kopi Teybol Dedbol Buk

Hinanap ni Atalia ang mga nawawalang sarili at tagpo sa ating mga karanasan na pilit nating inililibing sa ating isip. Nguni't bumaho ang mga bangkay ng gunitang ito at ngayon ay patuloy tayong minumulto. Hindi pala sapat ipagtirik ng kandila, alayan ng bulaklak at ipagdasal ang mga nakakasugat na gunita, dapat pala kung minsan ay binubuhay, pinapasapi sa ibang anyo upang makausap natin kung bakit nagkaganoon at bakit nagkaganito.

- JUN CRUZ REYES

90 pages

First published January 1, 2006

Loading...
Loading...

About the author

Eros S. Atalia

12 books553 followers
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Ratings & Reviews

What do you think?

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
142 (52%)
4 stars
51 (18%)
3 stars
48 (17%)
2 stars
17 (6%)
1 star
15 (5%)
Displaying 1 - 10 of 10 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 22, 2011
Ang unang librong ito ni Prof. Eros Atalia ay ang pangatlong nabasa ko. Ewan ko kung bakit pinangahasan ko pa itong basahin ganung 2 stars lang pareho ang Peksman at Ligo na U, Lapit na Me sa akin. Siguro gusto ko lang maging completist ni Prof. Atalia dahil completist din ako ni Bob Ong. Tsaka noong binabasa ko ang dalawang libro yon, may mga bahaging parang nagpapasilay ng kahenyuhan ni Professor. Parang alam kong magaling siyang magsulat kaya lang ay iniaayon niya ang mga akda niya sa kasalukuyang panlasa ng mga Pinoy. Mantakin mong may M.A. sya sa Language and Literature – Filipino sa DLSU, professor sa UST at nanalo na sa mga patimpalak sa panitikan. Tapos ang sinusulat lang ay ang buhay ng isang Intoy habang sya ay isang estudyante pa sa Peksman at isang Intoy na na-inlove kay Jen sa Ligo na U, Lapit na Me. Ang halimbawa ng sinasabi kong parang mga pasilip or glimpses ng kahenyuhan ni Atalia ay iyong mala-alamat na kuwento sa Peksman tungkol sa pagiibigan ng isang serena at isang mangingisda. Ganda. Kaya lang siguro iniisip ni Atalia na baka di bumenta, kaya to play safe istilo ni Bob Ong sa ABNKKBSNPL Ako? ang ginaya nya.

Kagaya ng dalawang nabanggit na sumunod na libro, ang Taguan-Pung: Koleksyon ng Dagling Kathang Di Pambata at Manwal ng mga Napapagal: Kopi Teybol Dedbol Buk ay binubuo ng dalawang bahagi: ang “Taguan-Pung” na binubuo ng mga pampatawa na istilo pa rin ni Bob Ong at ang “Manwal ng mga Napapagal” na binubuo ng mga suhestiyon sa taong gustong magpakamatay o mag-suicide. Oo, di mali ang nabasa mo: mga paraan ng pagpapapakamatay! At nabasa ko yan kaninang umaga at parang sa halip na natawa o namangha ako ay nangilabot ako. At hindi iyong mga tipong simpleng maglalaslas, magbibigti o tatalon mula sa mataas ng gusali. Ang halimbawang natatandaan ko ay pagbibigti na may hawak kang remote control ng TV at romance novel habang nakatali ang ulo mo sa lubid at nakatapak ka sa dalawang bloke ng yelo. Kapag raw natunaw na ang yelo, tapos mo nang basahin ang romance novel at nakapanood ka ng ng paborito mong dramarama sa TV. Puwede ka raw maglagay din ng mga snacks sa bulsa mo. Nakakatawa siguro sa iba pero pagpapakamatay ito eh. May bahagi pa na may halimbawa ng suicide letter si Intoy sa kanyang mga magulang at kung iisipin kong naisip ito ng isang solong anak, parang naisip ko ang aking unica hija at parang sinukluban ako ng takot at lungkot noong maisip ko na ano kaya kung anak ko ang makaisip gawin ito ang ang sulat na iyon ay naka-address sa akin? So, siguro sa isang kabataan, nakakatawa. Nguni’t sa isang magulang na nagpalaki ng ilang taon ng isang anak na halos ay ayaw mong masaktan at ayaw mong makitang umiiyak, nakakapanlumo ang ganitong mga biro. Hindi nakakatawa ang isiping gustong magpakamatay ng iyong anak na iningatan mo at minahal ng maraming panahon.

In fairness to Prof. Atalia, may mga pasubali ang mga pangungusap ni Prof. Jun Cruz Reyes sa kanyang page-endorso ng unang aklat na ito ni Prof. Atalia. Sinasabi nya ”Nagtitiwala si Atalia sa pagiging matured na mambabasa ng kanyang panahon. Nagtitiwala sya sa bisa ng mga salita at simbolo ng nakaukit sa ating kamalayan (naroon na, huhugutin na lang) upang gisingin tayo sa sariling-likhang bangungot. Sa tingin nya, ito na ang panahon upang ihanda an gating sarili sa mga darating pang tulad nyang magpapatikim ng bagong putahe ng pagkukuwento.”

Pinid ba ang utak ko dahil hindi ko ito nagustuhan? Kaya binigyan ko lang ito ng 2 stars? Hindi ba ako handa sa bagong putahe? Siguro oo. Pero may nabasa na rin naman akong mga bagong, mas bago dito, libro kagaya ng kay Prof. Cruz na Ang Huling Dalagang Bukid (4 stars). Lumang putahe ba yon? Tsaka, di talaga ako natutuwa kung magpapakamatay ang isang tao matapos magbasa ng libro dahil nakakuha ng ideya mula kay Prof. Atalia. Nakakatawa ba ang mamatayan ka ng anak?
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews26 followers
January 17, 2013
Ngayon ko lang ito nabasa kaya siguro kung kapanahunan pa nito eh sikat siya.

Ok! nakakatawa lalo na ang mga paraan ng pagpapatiwakal sabi nga nila exaggerated at predictable na pero kpg inulit ulit mo basahin siguradong matatawa ka!

May mga illustrations o larawan na makatutulong sa pagpapatawa ng mga bumabasa.

May mga disenyo rin ang gilid ng bawat pahina.
Profile Image for Aj Garcia.
12 reviews
Want to Read
August 21, 2012
Gusto kong basahin ito kaso nd ako makakuha ng copy :/
Profile Image for Herbert Neuda.
1 review
August 31, 2013
sana mabasa ko toh npkhrap

mkuha ng libro n to ngaun

sana makpgprint n ng bago

Profile Image for Rufus.
91 reviews32 followers
March 27, 2013
Three Books of Anxiety and Meaning

I remember being so absorbed with zen philosophy during my freshman year at college. My fascination actually started two years before that time, when I was at my supposed last year in high school. I started reading Palahniuk's Fight Club, or rather the passages I can glean from quotations online. Then I was finally able to purchase the book during my first year in Manila. I devoured that book like someone encountering food after days of being famished. I must have reread it at least seven times from beginning to end.

"Tyler gets me a job as a waiter. The next thing Tyler's pushing a gun in my mouth and telling me the first step to eternal life is you have to die first."

"Raymond K. Hessel"

"All god does is kill us when we get boring. We must never ever be boring."

"This is my world, my world now and all those ancient people are dead."

"Wipe my ass with the Mona Lisa."

"How much can you really know about yourself if you've never been in a fight?"

"When you have insomnia you're never really awake, and you're never really asleep. Everything is a copy of a copy of a copy..."

Another book that I loved during that time was Douglas Coupland's Generation X: Tales for an Accelerated Culture. Radioactive nostalgia. Idealization of the 1950s, in an ironic way of course. Everyone's so smart and so cool, telling pointless and melancholic-fantastic stories to each other. Like the sisters who are struck in their own planetoid and one falls in love with an astronaut who falls with his spaceship from the sky. Or the story about the young kid whose sun has gone out of the sky. Or the apocalyptic scenarios with slight variations by Dag (whom I have always thought as some sort of mellower and much 'gothic' variation of Tyler Durden.) Dag's paranoia makes him lovable. He speculates that may be all those gigantic mushroom clouds are not really what they were portrayed to be. What if they are actually really small, and the media is manipulating things to make it looks so much more menacing than it actually is.

And in a way these thoughts of Dag remain relevant so long as there is the presence of atomic weapons capable of dragging us all into annihilation. The Cold War never really ended with the fall of the Berlin Wall. Now the latest news I've read, tells of Israel's plan of attacking Iran. Israel's been keeping a more-than-wary on the latter ever since news surfaced of its weapons-grade enrichment of nuclear materials.

One last book that I would like to present to you, dear reader, is a local one. It's called 'Taguan Pung: Manwal ng mga Napapagal or the Kopi Teybol Dedbol Book.' by Eros Atalia. It is a slim collection of short pieces in Tagalog. Now the thing with Atalia is he's funny. Funny in a really dark way. The book's overarching narrative is the author's meditation on creative ways of suicide. There's one scenario where since the suicide-to-be no longer has any fear of death anyway, why not just go out on a rampage and kill all those religious and political assholes that seem to be running the Philippines? There's also the stand-alone story of the elf who starts questioning the whole feudalistic elf society and ends up being banished by the elf-king. There are some weird stories though that I did not really understand, but overall this book is a must and I consider it a landmark in Philippine literature.

So that's it. Good night/day.

04 March, 2012
Profile Image for Maan.
198 reviews9 followers
September 13, 2012
Book #72 for 2012: May kadiri, may inappropriate, but since I'm a completist like that, I had to finish the book kahit na nahirapan na ako sa ibang parts.
Displaying 1 - 10 of 10 reviews