Pinoy Reads Pinoy Books discussion

45 views
Mga Tipanan > Readercon 2014: Nobyembre 14-15, 2014 8:00-6:45pm | Bayanihan Center, Mandaluyong City

Comments Showing 1-19 of 19 (19 new)    post a comment »
dateDown arrow    newest »

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sasali tayo sa Readercon!

Bakit? Dahil para ito sa mga mambabasang Pinoy!

At pag Pinoy, dapat andoon ang Pinoy Reads Pinoy Books!

Bukas na ang poll para sa librong tatalakayin natin. Ang mga nominado ay:

1) IN SISTERHOOD: LEA AT LUALHATI
ni Lualhati Bautista

2) TUTUBI, TUTUBI, 'WAG KANG MAGPAHULI SA MAMANG SALBAHE
ni Jun Cruz Reyes

3) PARA KAY B
ni Ricky Lee

Ay kasi ang mga mas maraming nakabasa sa mga aklat na pinausapan natin sa taong ito.

Sana bomoto kayo.

At sumali sa Readercon!!!

Ang thread na ito ay para pagusapan natin ang Readercon. Kung may mga mungkahi kayo, pakisulat na lang dito. Pagusapan natin.


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments iboboto ko ang Para Kay B- related kay laude/pemberton. mas marami makaka-relate.


message 3: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "iboboto ko ang Para Kay B- related kay laude/pemberton. mas marami makaka-relate."

Salamat.

Less that 2 weeks na lang at Readerson na. Sinu-sino ba sa atin ang sasama?

May book discussion tayo. Available ba kayo?


message 4: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ito yong schedule natin sa Readercon:

Readercon Schedule


message 5: by K.D., Founder (last edited Nov 02, 2014 03:34AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Mga nalaman ko kay Honey ngayong hapon:

1) Walang booths sa taong ito. Pupunta lang tayo roon para makinig sa mga lectures at discussions sa Day 1

2) At magdaos ng book discussion natin sa Day 2

DAY 1 - Biyernes, November 14. Ang participation natin ay ang book discussion na pinamagatang "Non-Required Reading: The Rise of the Book Clubs" sa 2:30-3:30pm. Ako po ang representative ng Pinoy Reads Pinoy Books. Biyernes yan at approve na ng amo kong Amerikano ang vacation leave ko sa araw na yan. Naroon na siguro ako maghapon kaya kung libre kayo, ilibre ko kayo ng entrance para di na kayo magbayad. Pakilagay na lang sa thread na ito kung sinu-sino kayo. Kailangan lang kung ako ang magsasalita ay makikinig kayo kasi binayad ko kayo ng entrance hahaha! Joke. Basta, mag-leave kayo ha. Andyan si Bebang Siy at Po sa audience para raw moral support sa akin. hehe

DAY 2: Sabado, November 15. PARA KAY B (Book Discussion) ng PRPB: 5:30 to 6:45pm. Kami ni Po ang moderators.

Mare-rehearse naman tayo sa panayam natin kay Ricky Lee sa Nov 8 so madali na ito. Magiisip na rin tayo kung anong ang gagawin natin during the discussion. Finale tayo, pagod na ang mga tao so kailangan bongga ang book discussion natin at di sila gutom o inaantok na haha.

Sino ang gustong maging moderators ng discussion? Tagalog o Taglish ang usapan dahil PRPB tayo. Inglesera yong ibang book clubs pero hindi tayo kaya di tayo nosebleed.

Excited na akong marinig ang inyong mga suhestiyon para sa Day 2. Sali kayo ha?

VENUE: BAYANIHAN TRADE CENTER, MANDALUYONG (same venue ng Komikon)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Count me in KD...Go! Fil. Readercon, Komikon, at kung anu ano pa yan heheh!


message 7: by K.D., Founder (last edited Nov 08, 2014 05:23PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Sa mga dadalo sa Readercon:

Biyernes: suportahan ang panel discussion kung nasaan ang mga kakweba natin na sina Reev Robledo, Edgar Calabia Samar, Beverly Siy at ako hahaha!

Sabado: tandaan: 5:30 - 6:45 pm

BOOK DISCUSSION NG "PARA KAY B"

May presentation ako. Tapos may maikling synopsis. Tapos may draw lots ng mga questions. Then what can you say about the book. Tapos the audience will ask us questions.

Magsuot: either ng pink (sana walang color blind) o yong "Para Kay B" tshirts natin. P300 lang. Proceeds will go to our PRPB fund.
parakayb
To order, contact Po (sya rin po yang model na yan).
Pede kayong maglagay ng favorite Para Kay B quote ninyo.
Para umabot sa Saturday, kailangang ma-place kay Po ang order not later than tomorrow, Monday, Nov 10.
Please order and support PRPB!!!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Maraming salamat! K.D., pde rin kayo magpa-customized ng sarili ninyong design/ order kahit anong book at quotations na fave ninyo.


message 9: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments This is it swangit!
Kitakits later mga peeps. Heksayted na ko!
Rak en Rol! \m/


message 10: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
jzhunagev wrote: "This is it swangit!
Kitakits later mga peeps. Heksayted na ko!
Rak en Rol! \m/"


Haha. Ngayon ko lang nakita yong swangit hahaha. Inggit lang ang di model ang peg. Hahaha!


message 11: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Nag-enjoy ako yay!!! ;)


message 12: by Tricia (new)

Tricia (triciuhhh) | 21 comments Hi! Ako din, super nagenjoy! Lalo na sa napakacompetitive #TeamBato lol


message 13: by Juan (new)

Juan | 1532 comments spread the L O V E guys! wooohooo! saya!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments Share a Book! Share a Love! Share Yourself! haha!


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po wrote: "Share a Book! Share a Love! Share Yourself! haha!"

Hahaha!


message 16: by K.D., Founder (last edited Nov 29, 2014 07:43PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat nga pala sa mga dumalo at sumuporta sa Pinoy Reads Pinoy Books noong nakaraang Readercon:

Unang Araw, ika-14 ng Nobyembre:

Naroon si Bebang at Poy. Nanood ako ng panel ni Bebang tungkol sa diversity ng readers. Na-meet ko si Dean Alfar, Nikki Alfar (sana raw basahin natin sila) at si Ferdinand Pisigan Jarin (Beyblade) at excited na raw syang mag-guest sa atin. Naroon din si Eliza Victoria (pero di kami nagkausap), si Paolo Herras (na natandaan ako from MIBF) at si Allan Popa (na di ko pa nasasagot ang chat). Naroon din si Egay Samar (na pasahero ko pabalik sa Ortigas) at talagang nag-stay para mapanood ang panel ko noong hapon. Naroon din noong umaga si Jun Cruz Reyes, Manix Abrera at Eros Atalia.

Salamat sa pagdalo ng panel discussion na tungkol sa bookclubs: kay Po, Billy, Ingrid (na chini-cheer ako habang nagsasalita), Ches (na kumuhan ng picture ko), Rhea, Biena at iba pang kakweba (sorry nalimutan ko ang mga names ng taga new Era at PNU. Salamat ng marami sa pakikinig sa presentation ko at pagpalakpak. Ito yong picture ko at ang first sheet ng presentation ko about PRPB:
riseofbookclubs
Nasa kaliwa si Gabi Francisco ng Flips bilang moderator. Di kita si Tina ng TFG at si Orly ng Flips.


message 17: by K.D., Founder (last edited Nov 29, 2014 07:39PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pangalawang Araw, ika-15 ng Nobyembre:

Book discussion ng Para Kay B.

Tayo yata ang pinakamaraming nag-attend at pinakamaayos ehem ehem sabi ng isang nag-attend ng lahat ng presentations:

1) K.D.
2) Bebang
3) Jzhun
4) Po
5) Clara
6) Baba
7) Billy
8) Jas
9) Ella
10) Ingrid
11) Tricia
12) Ayban
13) Cary
14) Juan
15) Jhive
16) Neri
17) Jayson
18) Janerose

Meron pa... alam ko, 21 ang bilang ko eh. Ito yong group pic (dedicated sa kagaya ni Rise na walang FB):
parakayb
Bale, masaya yong discussion. Gumana kasi ang overhead projector at pinahiram tayo ng laptop. Di nasayang yong effort ko noong nakaraang gabi sa paggawa ng presentation ko haha!

Congratulations sa Team na nanalo ng 7 brand new books lead by Po at effort kung effort na pagsagot ni Juan, Jhive, Neri, Tricia at Ella. Haha! Pero ang nanalong most active ay ang leader ng kabilang grupo na si Jzhun.


BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books) | 84 comments ang saya saya


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
BookNoy wrote: "ang saya saya"

May nag-comment talaga hahaha!


back to top