Pinoy Reads Pinoy Books discussion

59 views
Mga Tipanan > 2014 Christmas Party | Panayam kay Carlo Vergara | Ika-2 Annibersaryo ng PRPB: Disyembre 6, 2014 2:00-5:00 n.h.

Comments Showing 1-50 of 54 (54 new)    post a comment »
« previous 1

message 1: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mga kakweba!

Naka-open na ang invite para sa malaking pagtitipon sa Sabado, ika-6 ng Disyembre, 2014.

May thread na si Po ng kris-kringle. Simulan na nating magisip kung ano ang gusto nating gawin sa araw na ito. Tatlong okasyon:

1) 2014 Christmas Party
2) Panayam kay Carlo Vergara
4) Second Year Anniversary ng PRPB

Yey! Two years na tayo! Hehe

Thoughts?


message 2: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments GUYS MAKITA KO LANG KAYO MASAYA NA AKO HEHE


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments sweet nmn niyan! Maria Ella..masaya rin kami kpg nakikita ka namin dahil maka-effort ka wagas hehe! kahit busy ka o may work anjan ka pa rin, kahit TFG at PRPB, anjan ka pa rin para sa amin..

Mabuhay Ka Maria ella!..kaya matutuwa ang members kpg ikaw na ang mag-moderate kasama si Tricia. at naka-ZsaZsa costume...wow!


message 4: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments KITA KITS

PS. Pahiram naman ng ZsaZsa Zaturnah, tnx :)


message 5: by K.D., Founder (last edited Nov 08, 2014 05:35PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tungkol sa Christmas Party - December 6, Sabado, ika-2 ng hapon.

Venue: Kina Bebang Siy sa Kamias, QC

Payag sila, kailangan lang e may pupunta roon sa Biyernes, Dec 5 para maglinis at maghanda. Dec 5 o Dec 6 ng umaga. Any volunteers? O kung hindi man ay isang linggo bago ang event, Nov 29. Tapos babalik na lang sa umaga ng Dec 6.

Ilan ba ang a-attend? Magsabi na ngayon pa lang?

Gusto ba ninyong i-invite ang mga naging guests nating this year o kahit last year?

2013:
1) Efren Abueg
2) Roger Ordonez
3) Mary Ann Villanueva - kabiyak ng namayapang Rene V.
4) F. Sionil Jose
5) Edgar Calabia Samar

2014:
1) Raul Fumilas
2) Genevieve Asenjo
3) Edgar Calabia Samar
4) Lualhati Bautista
5) Jun Cruz Reyes
6) Genaro Gojo Cruz
7) Ricky Lee


message 6: by K.D., Founder (last edited Nov 08, 2014 05:39PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Bubuo tayo ng committees para sa Christmas Party!

1) Maghahanda ng venue (bahay ni Bebang Siy) - maglilinis, magpapalamuti, magaayos bago ang event. Maglilinis pagkatapos.
2) Pagkain - ako na ang head nito. Sinong gustong sumali sa akin?
3) Pagi-invite sa mga kakweba at mga guests - kasama na ang promotion online at pagbibigay ng direksyon sa mga nawawala pagpunta sa venue.
4) Palaro
5) Program
6) Inumin
7) Musika

Sige na. Mag-volunteer ka na sana.


Tuklas Pahina (TP) | 1028 comments I volunteer! ciempre ! hehe!


message 8: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Count me in sa House Cleaning/Pagpapabongga Committee.


message 9: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Po wrote: "I volunteer! ciempre ! hehe!"

Po, ikaw na lang ang head ng lahat ng committees haha!


message 10: by K.D., Founder (last edited Nov 09, 2014 06:14AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
jzhunagev wrote: "Count me in sa House Cleaning/Pagpapabongga Committee."

O sige, Jzhun, head ka na ng mga taga-linis. Ipagpapaalam ko si manang na ipadala kina Bebang ng Friday para maglinis hehehe. At ikaw ang "sir" nya sa araw na yon.


message 11: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Pwede ako sa linis at sa pagkain! Jayson, kung pupunta ka ng Nov29 - sana makasama ako. Kung hindi papalarin, magiging maaga na lang ako sa Dec6, kasi kami ni Tricia ang moderator ng Komiks. Hindi ko lang alam kung kami rin ni Tricia makakasama sa program committee kasi kami ang moderator? Nalito ata ako hahahah :D


message 12: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Sa games committee kami ni Jas.


message 13: by Juan (new)

Juan | 1532 comments pwede kaming mag-asawa sa musika, parang intermission number ba. pwede rin mag-karoling!

pwede rin po sa foods at palaro.

sasangguni po muna ako sa kumander! haha!


message 14: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Maria Ella wrote: "Pwede ako sa linis at sa pagkain! Jayson, kung pupunta ka ng Nov29 - sana makasama ako. Kung hindi papalarin, magiging maaga na lang ako sa Dec6, kasi kami ni Tricia ang moderator ng Komiks. Hindi ..."

Sige kayo na sa program dahil kayo ang moderator. Una, syempre sa book discussion/interview, kayo. Pero tuhugin na ninyo hanggang gabi. Kayo na ang magisip ng mga aktibidades.

Kung may makukuhang DVD ng Zsazsa puwede tayong manood muna. Nagtanong-tanong ako sa Odyssey, Astrovision kahit sa St. Francis (pirated) wala na raw yang pelikulang yan.

May nahanap ako ng Ligo na U, Lapit na Me. Pero, Zsazsa, wala na. :(


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Billy wrote: "Sa games committee kami ni Jas."

Noted. Thanks!


message 16: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Juan wrote: "pwede kaming mag-asawa sa musika, parang intermission number ba. pwede rin mag-karoling!

pwede rin po sa foods at palaro.

sasangguni po muna ako sa kumander! haha!"


Sige. sige. Malaman ko lang.


message 17: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Meron na palang thread 'to! Yayyyyy kaexcite! :D


message 18: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Chibivy wrote: "Meron na palang thread 'to! Yayyyyy kaexcite! :D"

Saan kang committee?


message 19: by Neil (or bleed) (last edited Nov 13, 2014 06:17PM) (new)

Neil (or bleed) (kneelfranz) | 56 comments Pwede yan! Ako nga bagong miyembro lang din eh. :) Mas marami, mas masaya!


message 20: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
[Da] Neil Wing wrote: "Pwede yan! Ako nga bagong miyembro lang din eh. :) Mas marami, mas masaya!"

Tama si Neil, John. Welcome dito basta gustong sumama. Pedeng i-try mo. Lahat welcome. Huwag mahihiya. :) Ako at si Bebang at si Po mismo ang gagawa ng paraan para di ka ma-OP. Pramis.


message 21: by Neil (or bleed) (new)

Neil (or bleed) (kneelfranz) | 56 comments Medyo nakatweet ko po si Sir Carlo Vergara at medyo na-ispoil ko rin siya na siya ang kakapanayamin ng PRPB sa December. Aantayin na lang daw po nya yung invitation at sana wala raw matapat na ibang event sa araw na yun. Yun lang po.


message 22: by Bong (new)

Bong | 275 comments Sosyal naman ni Neil. Nakakatweet ang author. Hehehe nuks!


message 23: by Neil (or bleed) (new)

Neil (or bleed) (kneelfranz) | 56 comments Ganun talaga. Lol


message 24: by K.D., Founder (last edited Nov 16, 2014 05:07AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Alam na ni Carlo Vergara. Mga 7pm daw sya darating.

Venue: Kay Bebang na bahay sa Kamias.

So, ang plano ay parang ganito:

2-4pm Manonood tayo ng movie version (kung may kopya po kayo, pakisabi na lang. naghahanap tayo ng kopya)

4-7pm Christmas Party - potluck kainan, exchange books, games, etc. Awarding ng Mambabasa ng Taon. May trophy tayo para kay V. Haha

7-9pm Interview kay Carlo Vergara. Nagiimbita rin tayo ng LGTB kasi isa sa main issues na tinatalakay ng libro ay ang usapin ng gender issue/preferences. Para sa isang makabuluhang talakayan.

Kulay ng damit: light blue (o ha, simulan ng maghanap)

Games: isang game sagot ni Jzhun
isang game sagot ni Billy at Jas

Kung may mga gusto kayong gawin o suhestyon para sa ikasasaya ng party, pakisabi na lang po.


message 25: by Neri (new)

Neri | 21 comments Gusto kong pumunta pero may lakad ako. Nahahati na ko hehe.

Try ko po humabol. Pano po pumunta kina Ms. Bebang?


message 26: by Neri (new)

Neri | 21 comments Gusto kong pumunta pero may lakad ako. Nahahati na ko hehe.

Try ko po humabol. Pano po pumunta kina Ms. Bebang?


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Neri wrote: "Gusto kong pumunta pero may lakad ako. Nahahati na ko hehe.

Try ko po humabol. Pano po pumunta kina Ms. Bebang?"


Text ko sa yo later today.


message 28: by K.D., Founder (last edited Nov 30, 2014 05:10AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Updates:

Marami nang nag-confirm (nasa notebook ko ito sa office kaso narito ako sa bahay so pipilitin kong alalahanin ha? baka may makalimutan ako at magtatampo kaya't pinapaliwanag ko)

1) Bebang
2) KD
3) Jzhun
4) Po
5) Honeypie
6) Ingrid
7) Azee
8) Juan
9) Jayson
10) JJ (kaibigan ni Jayson)
11) Ella
12) Neri
13) Chibivy
14) Patrick
15) Clare
16) Baba (boyfriend ni Clare)
17) Jenela
18) Tricia!

Sino pa? Masaya ito.

Ano ang dapat ihanda:

1) Potluck - pagkain para sa dinner para sa limang tao. Pedeng simple lang basta maluwag sa dibdib mo. Ideya: limang order ng chickenjoy. o palabok. o spaghetti, o cheeseburger. samahan mo ng isang litro ng Coke. Ganoon lang.

2) Isang brandnew Pinoy Book na nagustuhan mo. Para ito sa exchange book. Walang price limits. Importante yong "nagustuhan mo."

3) Isang secondhand na Pinoy Book na nagustuhan mo. Para ito sa white elephant. Wala ring price limits. Ibig sabihin kahit magkano. Importante ulit yong "nagustuhan mo."

4) Kulay blue, preferably light blue na attire lalo na pang-itaas.

5) Mga libro ni Carlo Vergara para papirmahan mo.

6) Nagbasa ka ng akda ni Carlo para makapagtanong ka.

7) Camera para makapagpa-picture ka kasama sya (at kami).

8) Yong masaya ka. Iwan ang problema sa bahay o sa opisina. Iwan na rin ang mga sama ng loob o intriga kasi Pasko naman hahaha!

Kita kits.

Magparamdam sa thread na ito at magsabi ko dadalo para maibigay ko sa iyo ang mobile number ko. Madalas mas may time ako o mas mabilis akong sumagot sa text kaysa mag-post dito o sa GR. Kasi kahit nagdra-drive o kumakain ng lunch, nakaka-text ako. Haha!

Bilang Disyembre na bukas, babati na ako ng Maligayang Pasko mga kakweba!


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Mahalagang Balita

Oo nga pala... nagyayaya raw si Lualhati Bautista sa PRPB sa bahay nila. Treat nya. Sabi ni Po, kaarawan daw ni LB sa Martes, ika-2 ng Disyembre. Baka yon ang dahilan. Tsaka obviously, natutuwa si LB sa grupo natin. Haha!

Sana kahapon ito. Kaso, nataon naman na may patay si Jho (pumunta kami ni Po sa Imus kahapon! haha. Bonding kami maghapon. Maghapon kaming tawa ng tawa - hindi lang doon sa lamay). Ipinahatid ko ang makikiramay ng lahat ng kakweba kay Jho. Ipinirma pa namin sa Guest Book ang PINOY READS PINOY BOOKS at inimbitahan ang mga pamangkin ni Jho na mag-member dito.

So, baka sa Dec 13 Sabado tayo kina Lualhati. Di pa sure, iko-confirm pa ni Bebang.

Videoke yata ang activity roon bukod sa kain (libreng kain) at siguro magpapapirma ulit at baka pedeng interview. Ituloy ang kuwento nya tungkol sa lovelife nya hahaha!


message 30: by Honeypie (new)

Honeypie (honeypiegb) | 219 comments Wala pa akong nababasang libro ni Carlo Vergara. Sana may mabili ako before Saturday para may mapapirma ako. Sana rin makabasa ako kahit ontin pages lang, pero hindi na ako umaasa dun. Hahaha!

Magdala ako ng onting Indian snacks. Medyo matamis sya, so okay siguro yun pangdessert or habang nagkakape ganun, habang nagddiscuss with Carlo Vergara..

Takits :)


message 31: by Tricia (new)

Tricia (triciuhhh) | 21 comments KUYA BAKIT WALA AKO


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Honeypie wrote: "Wala pa akong nababasang libro ni Carlo Vergara. Sana may mabili ako before Saturday para may mapapirma ako. Sana rin makabasa ako kahit ontin pages lang, pero hindi na ako umaasa dun. Hahaha!

Mag..."


Haha. Pasalubong ba yan? Kuwentuhan tayo ng trip mo sa India. Nami-miss ko na rin ang Mumbai.


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
Tricia wrote: "KUYA BAKIT WALA AKO"

Di ka yata nag-confirm. Di ka sumagot doon sa huling dalawang texts. Anyways, I added you na. :) Kaya nga may disclaimer haha!


message 34: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments confirm na makakapunta kami ni Jas


message 35: by Billy (new)

Billy Candelaria (azriel) | 293 comments Kuya doni , na meet ko si adrian sa isang book club. Loyal fan siya ng Filipino writers. gusto niyang sumama sa dec 6.


message 36: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6604 comments Mod
John Adrian wrote: "K.D. wrote: "Mahalagang Balita

Oo nga pala... nagyayaya raw si Lualhati Bautista sa PRPB sa bahay nila. Treat nya. Sabi ni Po, kaarawan daw ni LB sa Martes, ika-2 ng Disyembre. Baka yon ang dahila..."


Sayang, John. Sabi mo sa PM, nagkaroon ka ng aberya at di ka na makakasama ngayong Sabado. Hehe. Di bale, next time na lang. Hahaha!


message 37: by Tricia (new)

Tricia (triciuhhh) | 21 comments Sana di masyadong bumagyo sa Sabado!


message 38: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments (view spoiler)


message 39: by Chibivy (new)

Chibivy | 836 comments Maraming salamat sa Christmas Party kanina, sobrang nagenjoy ako! Salamat sa mga libro! Salamat sa games! Salamat sa awards haha! Salamat kila Kuya Doni at sa iba pang nagorganize ng event. Salamat kay Miss Bebang at Kuya Poy sa pag-accomodate nila sa'tin sa bahay nila. Salamat sa mga nagdala ng pagkain dahil talaga nga namang bumabaha ng pagkain hahaha! At maraming maraming salamat sa advance celebration ng birthday ko, di ko talaga ineexpect yun. Mahal ko ang PRPB! Salamat sa maraming tawa! Nyahahaha

P.S.
Pasend na lang ng pictures sa'kin para maupload ko sa ating fanpage.


message 40: by Ingrid (new)

Ingrid (gridni) | 157 comments GRABE ANG SAYA HARDCORE! - sabi ng umalis nang maaga, haha!

Anyway, palagay ko naman nag-enjoy ang lahat ng dumalo. Pictures please!

Maligayang Pasko, PRPB!
:D


message 41: by Tina (new)

Tina Moradillo | 9 comments Late notice, salamat sa maagang pamasko
ng PRPB :)) Maligayang Pasko, mga Kakweba :)!


message 42: by Tina (new)

Tina Moradillo | 9 comments Late notice, salamat sa maagang pamasko
ng PRPB :)) Maligayang Pasko, mga Kakweba :)!


message 43: by Tina (new)

Tina Moradillo | 9 comments Late notice, salamat sa maagang pamasko
ng PRPB :)) Maligayang Pasko, mga Kakweba :)!


message 44: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments Maligayang pasko sa lahat. Tandaan natin ang sabi ni Baba, "Pagkat ang mga nang-iiwan ay may puso rin."

Good to know that everyone enjoyed the discussion with Carlo. Zalamat za lahat!!! Nawili kami ni Isyang na magmoderate offline. Wiling-wili sa lahat ng kaganapan eh. Wagas pa rin sakin yung movie. Benta kahit sobrang novelty lang ng dating hehehe


message 45: by Tricia (new)

Tricia (triciuhhh) | 21 comments Hi guys. Salamat sa napakasayang Christmas Party tapos nameet ko pa si Carlo (this time mahaba-habang kwentuhan) tapos andaming pagkain (nasira talaga yung diet ko) pero ang saya lang. Hindi ko yata nakausap lahat ng members and sana sa mga susunod makausap ko kayong lahat at maging kaclose~ Thanks gais!

Bebang, sana inuwi ko nalang ung pusa mo loljk
KD, salamat din kasi sumakay ka sa komiks trip ko kahit yung co-moderator ko hindi gaanong nagbabasa ng komiks
Ella, aylabyu no homo

bow


message 46: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments K.D. wrote: "Mahalagang Balita:
...nagyayaya raw si Lualhati Bautista sa PRPB sa bahay nila. Treat nya. Sabi ni Po, kaarawan daw ni LB sa Martes, ika-2 ng Disyembre. Baka yon ang dahilan....

So, baka sa Dec 13 Sabado tayo kina Lualhati. Di pa sure, iko-confirm pa ni Bebang..."


KD, kumusta ito? pwede bang makisawsaw sa ganitong kaganapan? :D


message 47: by Josephine (new)

Josephine (jojiemon_) | 994 comments K.D. wrote: "Mahalagang Balita

Sana kahapon ito. Kaso, nataon naman na may patay si Jho pumunta kami ni Po sa Imus kahapon! haha. Bonding kami maghapon. Maghapon kaming tawa ng tawa - hindi lang doon sa lamay). Ipinahatid ko ang makikiramay ng lahat ng kakweba kay Jho. Ipinirma pa namin sa Guest Book ang PINOY READS PINOY BOOKS at inimbitahan ang mga pamangkin ni Jho na mag-member dito."

@Kuya D and Po, maraming maraming salamat ulit sa inyong dalawa sa pagpunta. Napakalayo namin, pero nagpunta kayo. Sobrang na-touch ako. Ang aking mga pamangkin ay pasasalihin ko, tutal naman ay binabasa nila ang mga Pinoy books ko. :)

On another note, pumanaw na kahapon ang Mama ni Tsina Cajayon--ang batikang manunulat na si Martha Cecilia. Condolence to you and your family, Tsi. :(


message 48: by Maria Ella (new)

Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments (view spoiler)


message 49: by Josephine (last edited Dec 09, 2014 06:01AM) (new)

Josephine (jojiemon_) | 994 comments Maria Ella wrote: "[spoilers removed]"

@Ella, oo e. She was 61. :(

Mahalagang balita

Heto ang details ng wake ni Ms. MC para sa mga kakuweba natin na nais magpunta at makiramay:

sa Ever Funeral sa Meycauyan, Bulacan ang wake. Sa Thursday ang huling araw nang wake at sa Friday morning may 30 mins. talk, and then 11am ang interment.

Thursday rin darating ang ibang fans niya around 3-8pm. 'Yung iba raw maglalamay na rin along with the PHR staff.


message 50: by Chibivy (last edited Dec 10, 2014 04:55AM) (new)

Chibivy | 836 comments Josephine wrote: "On another note, pumanaw na kahapon ang Mama ni Tsina Cajayon--ang batikang manunulat na si Martha Cecilia. Condolence to you and your family, Tsi. :("

Awww, seryoso? Grabe adik kaya ako sa PHR pocketbooks nung high school, halos puro Martha Cecilia din binabasa ko lalo na yung Kristine series nya. Condolences to the family. :(

(view spoiler)


« previous 1
back to top